Professional Documents
Culture Documents
TEMPLO (CANDELARIA)
Sisimulan ng Pari ang Celebrasyon sa Pamamagitan ng Pag-aantanda Ng
Krus
+Sa Ngalan Ng Ama At ng Anak at Ng Espiritu Santo.
Amen.
Babasahin ng Pari ang Antipona
ALELUYA! Dumarating
ang Panginoong butihin.
Papawiin n’ya ang dilim
na tumatakip sa atin.
Aleluya! S’ya’y Purihin
Bilang Pagbati Ay Kanyang Ipahahayag
Manalangin Tayo
Ama naming Makapangyarihan,
ikaw ang liwanag na tunay,
ikaw ang pinanggalingan ng iyong inilalaganap na
tanglaw.
Paningningin mo ang aming kalooban sa iyong
kaliwanagan
upang ang aming pagdadala ng ilaw sa iyong banal na
tahanan
ay magpagindapat na kami’y masayang humarap
sa liwanag ng iyong kadakilaan:
Si Hesukristo na aming Panginoon magpasawalang
hanggan. Amen
Pagkatapos Bigkasin, Babasahin ng Pari ang paanyayang pananalita
bago mag-prusisyon
Halina’t tayo’y lumakad,
sa Panginoo’y Humarap.
Kapayapaan n’ya’t galak
ay taglayin nating lahat.
Sumamba’t magpasalamat