You are on page 1of 240

MGA MAHAL NA ARAW AT

ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG


PAGPAPAKASAKIT, PAGKAMATAY AT
MULING PAGKABUHAY NG PANGINOON
LINGGO NG PALASPAS
SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON
Ngayon ipinagdiriwang ng Simbahan ang Pagpasok ni Kristo sa Jerusalem upang ganapin ang
misteryo ng Pasko ng Pagpapakasakit at Pagkabuhay na Muli.

“Ang Paggunita sa Pagpasok ng Panginoon sa Jerusalem ay gaganapin sa loob ng simbahan, ang


banal na gusali.” (CDW Dekreto, ika-25 ng Marso, 2020)

Iminumungkahi na gamitin ang “Ikalawang Paraan” ng Pagbabasbas ng Palaspas. Maaaring


ganapin ang Pagbabasbas ng mga Palaspas sa dambana, sa pintuan ng simbahan o sa patyo ng
simbahan. Ang mga tao ay mananatili sa kanilang mga upuan. Ang pari kasama ang ilang mga
tagapaglingkod ang kakatawan sa sambayanan para sa prusisyon.

Kapag ang mga nagsisimba ay sumusubaybay sa pamamagitan ng “online streaming,” iginagawad


ng pagbasa ng Banal na Kasulatan at Panalangin ng Pagbabasbas ang pagpapala sa mga palaspas
o ng kahit anong tangkay ng mga dahon. Hindi na kinakailangan ng pagwiwisik ng banal na
tubig sa pagbabasbas ng mga palaspas.

Sa Pagpapahayag ng Pagpapakasakit ng Panginoon, susundin natin ang nakaugalian na paraan


kung saan maaaring magtalaga ng mga lektor para sa iba’t ibang bahagi ng pagpapahayag ngunit
mananatili pa rin sa paring tagapagdiwang ang mga bahagi ng kay Hesus.
4 MGA MAHAL NA ARAW

ANG PAGGUNITA
SA PAGPASOK NG PANGINOON SA JERUSALEM

MARINGAL NA PAGPASOK
Kung hindi makapagpuprusisyon sa labas ng simbahan, ang paggunita sa pagpasok ng Panginoon
ay maaaring ganapin sa pasimula ng pangunahing Misa na may maringal na pagpasok na idaraos
sa loob ng simbahan.

Ang mga nagsisimba ay magdadala ng palaspas at magtitipon sa harap ng simbahan sa gawi


ng pintuan o kaya’y sa loob ng pasukan. Ang pari at ang mga tagapaglingkod kasama ng mga
kinatawan ng mga tao ay paroroon sa isang nababagay ng pook ng simbahan sa labas ng dako
ng dambana at lantad para mamalas ng lahat ang gagawing pagdiriwang.

Bilang pambungad, ang mga sumusunod na taludtod o anumang nababagay na awit ay aawitin.

Matapos ang awiting pambungad, habang nakatayo ang lahat, ang pari at ang mga tao ay
magkukrus. Ipahahayag ng paring nakaharap sa mga tao:

S a ngalan ng Ama
at ng Anak at ng Espiritu Santo.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
Babatiin ng pari ang mga nagsisimba ayon sa nakagawiang paraan:

Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo,


ang pag-ibig ng Diyos Ama,
at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo
nawa’y sumainyong lahat.

Sasagot ang mga tao:

At sumaiyo rin.
LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 5

PAMBUNGAD NA PALIWANAG
Makapagbibigay siya ng maikling pambungad na paliwanag bilang paanyaya sa lahat upang
ganap na makiisa sa pagdiriwang. Maaari niyang gamitin ang mga sumusunod o anumang
katumbas na pangungusap.

M ga minamahal na kapatid,
limang linggo na tayong naghahanda ng sariIi
para sa pagdiriwang ng Pasko ng Pagpapakasakit
at Pagkabuhay ng Panginoon.
Sinikap nating unawain at tuparin
ang ating pananagutan sa Diyos at sa kapwa tao
alinsunod sa araI at halimbawa ni Hesukristo.
Kaisa ng buong Simbahan,
sinisimulan natin ngayon ang mga Mahal na Araw.
Si Kristo ay matagumpay na pumasok sa kanyang lungsod
upang tuparin ang kanyang gawain bilang Mesiyas:
ang magpakasakit, mamatay, at muling mabuhay
para sa ating kaligtasan.
Taimtim nating sariwain sa alaala
ang kanyang pag-aalay ng sarili para sa kapwa
at sundan natin siya
nang may buhay na pananampalataya.
Kaisa niya sa pagdurusa sa krus,
tayo nawa ay makahati niya
sa kanyang pananaig sa kamatayan
at sa kanyang bagong buhay.
6 MGA MAHAL NA ARAW

PANALANGIN NG PAGBABASBAS NG MGA PALASPAS


Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya ang isa sa mga sumusunod na
panalangin.

Manalangin tayo.
Tahimik na mananalangin nang saglit.

A ma naming makapangyarihan,
ang mga palaspas na ito
ay iyong pagpalain X at pabanalin
upang sa masaya naming pagbubunyi
sa Mesiyas na aming Hari
siya’y aming masundan
at sa pamamagitan niya’y aming sapitin
ang hindi magmamaliw na lungsod ng Jerusalem
na kanyang pinaghaharian
kasama mo at ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
o kaya:

A ma naming makapangyarihan,
pag-alabin mo ang pananampalataya
ng mga nananalig sa iyo
at ang mga kahilingan namin ay paunlakan mo
upang kaming may mga sanga ng palaspas
bilang parangal sa inaning tagumpay ni Kristo
ay mamunga para sa iyo
sa pakikiisa namin sa kanyang mabubuting gawain
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 7

Iwiwisik ng pari ang banal na tubig sa mga palaspas nang walang anumang sinasabi.

Pagkatapos ng pagwiwisik, ipahahayag ang salaysay tungkol sa pagpasok ng Pangioon sa


Jerusalem ayon sa nasasaad sa isa sa apat na isinulat na Mabuting Balita. Ang gaganap ay ang
diyakono, o kung siya’y wala ay ang pari.

MABUTING BALITA
Taon K
Lucas 19:28-40
Pagpalain ang dumarating sa ngalan ng Panginoon!

P. Sumainyo ang Panginoon.


B. At sumaiyo rin.

P. X Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos


B. Papuri sa iyo, Panginoon.

N agpauna si Hesus patungong Jerusalem.


Nang malapit na siya sa Betfage at Betania,
sa bundok na kung tawagi’y Bundok ng mga Olibo,
pinauna niya ang dalawang alagad.
Sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo sa susunod na nayon.
Sa pagpasok doo’y matatagpuan ninyo
ang isang bisirong asnong nakatali;
hindi pa ito nasasakyan ninuman.
Kalagin ninyo at dalhin dito.
Kapag may nagtanong kung bakit ninyo kinakalag,
sabihin ninyong kailangan ng Panginoon.”
Kaya’t lumakad ang mga inutusan
at natagpuan nga nila ang asno,
ayon sa sinabi sa kanila ni Hesus.
Samantalang kinakalag nila ito,
tinanong sila ng mga may-ari,
“Bakit ninyo kinakalag iyan?”
“Kailangan ito ng Panginoon,” tugon nila.
8 MGA MAHAL NA ARAW

Dinala nila kay Hesus ang asno,


at matapos isapin sa likod nito ang kanilang mga balabal,
siya’y pinasakay nila.
Nagpatuloy si Hesus sa kanyang paglalakbay,
at sa kanyang daraanan nama’y inilalatag ng mga tao
ang kanilang mga balabal.
Nang malapit na siya
– palusong na sa libis ng Bundok ng mga Olibo –
nagsigawan sa galak ang buong pangkat ng mga alagad
at malakas na nagpuri sa Diyos
dahil sa mga kababalaghang nasaksihan nila.
Ang wika nila,
“Purihin ang hari na dumarating sa ngalan ng Panginoon!
Kapayapaan sa langit! Purihin ang Diyos!”
Sinabi sa kanya ng ilang Pariseong kasama ng karamihan,
“Guro, sawayin mo nga ang iyong mga alagad.”
Sumagot siya,
“Sinasabi ko sa inyo: kapag tumahimik sila,
ang mga bato na ang sisigaw.”
Sa katapusan, ihahayag niya:

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Magbubunyi ang lahat:

Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.


LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 9

Kasunod ng Mabuting Balita, maaaring magbigay ng maikling homiliya o paliwanag. Bago


magsimula ang prusisyon, ang pari o sinumang tagapaglingkod ay makapagpapahayag ng
paanyaya sa ganito o katumbas ng pangungusap:

M ga minamahal na kapatid,
tularan natin ang mga tao na nagbunyi kay Hesus.
Halinang magprusisyon sa kanyang karangalan
taglay ang kapayapaan.
Ang mga tagapaglinkod at ang mga kinatawan ng mga nagsisimba ay maringal na pangungunahan
ng pari sa pagpuprusisyon sa loob ng simbahan patungo sa dako ng dambana, samantalang
inaawit ang taludtod na “Kay Kristo, Hari’t Mesiyas,” o anumang naaangkop na awitin.

Pagdating ng pari sa dambana, ito ay hahalikan at siya’y paroroon sa kanyang upuan, at


magsisimula agad sa panalanging pambungad ng Misa na itutuloy ayon sa nakagawiang paraan.

PANALANGING PAMBUNGAD
Pagkaraan ng awit, magkadaop ang mga kamay na ipahahayag ng pari:

Manalangin tayo.
Ang lahat kaisa ng pari ay tahimik na mananalangin nang saglit. Pagkalipas ng ilang sandali,
ilalahad ng pari ang kanyang kamay at ipahahayag:

A ma naming makapangyarihan,
ginawa mong halimbawang dapat tularan
ang Tagapagligtas naming naging di iba sa amin
para ang krus namin ay akuin.
Pagindapatin mong sa mga pagdiriwang ay aming kamtin
ang kanyang ulirang pagkamatiisin
at ang pakikisalo sa pagkabuhay niyang maningning
sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao ng pagbubunyi:

Amen.
10 MGA MAHAL NA ARAW

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

UNANG PAGBASA
Isaias 50:4-7
Handa akong magtiis na sampaling parang bato
pagkat aking batid na ang sarili ko’y di mapapahiya.

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

A ng Makapangyarihang Panginoon
ang nagturo sa akin ng sasabihin ko,
para tulungan ang mahihina.
Tuwing umaga’y
kanyang binubuksan ang aking pandinig.
Nananabik akong malaman
kung ano ang ituturo niya sa akin.
Binigyan niya ako ng pang-unawa,
hindi ako naghimagsik
ni tumalikod sa kanya.
Hindi ako tumutol
nang bugbugin nila ako,
hindi ako kumibo
nang ako’y kanilang insultuhin.
Pinabayaan ko silang bunutin
ang buhok ko’t balbas,
gayon din nang lurhan nila ako sa mukha.
Ang mga pagdustang ginawa nila’y di ko pinapansin,
pagkat ang Makapangyarihang Panginoon
ang tumutulong sa akin.
Handa akong magtiis
na sampaling parang bato
pagkat aking batid
na ang sarili ko’y di mapapahiya.
LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 11

Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:

Ang Salita ng Diyos.


Sasagot ang lahat:

Salamat sa Diyos.
12 MGA MAHAL NA ARAW

SALMONG TUGUNAN
Salmo 21:8-9 17-18. 19-20. 23-24

T. D’yos ko! D’yos ko!


Bakit naman ako’y ‘yong pinabayaan.

Bawat taong makakita’y umiiling, nanunukso,


palibak na nagtatawa’t sinasabi ang ganito:
“Nagtiwala siya sa Diyos, ngunit hindi siya pansin,
kung talagang minamahal, bakit hindi intindihin?”

T. D’yos ko! D’yos ko!


Bakit naman ako’y ‘yong pinabayaan.

May pangkat ng mga buhong na sa aki’y pumaligid,


para akong nasa gitna niyong asong mababangis,
mga kamay ko at paa’y butas sa pakong matulis
ang buto ng katawan ko ay mabibilang sa masid.

T. D’yos ko! D’yos ko!


Bakit naman ako’y ‘yong pinabayaan.

Pinaghati-hati nila ang damit ko sa katawan,


ang hinubad na tunika’y dinaan sa sapalaran.
H’wag mo akong ulilahin, h’wag talikdan, Panginoon,
O aking Tagapagligtas, bilisan mo ang pagtulong.

T. D’yos ko! D’yos ko!


Bakit naman ako’y ‘yong pinabayaan.

Ang lahat ng ginawa mo’y ihahayag ko sa lahat,


sa gitna ng kapulunga’y pupurihin kitang ganap.
Purihin ang Panginoon ng lahat ng kanyang lingkod,
Siya’y inyong dakilain, kayong angkan ni Jacob;
ikaw bayan ng Israel ay sumamba at maglingkod.

T. D’yos ko! D’yos ko!


Bakit naman ako’y ‘yong pinabayaan.
LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 13

IKALAWANG PAGBASA
Filipos 2:6-11
Siya’y nagpakababa kaya naman siya’y itinampok ng Diyos.

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo


sa mga taga-Filipos

S i Kristo Hesus bagamat siya’y Diyos


ay hindi nagpilit na manatiling kapantay ng Diyos,
bagkus hinubad niya
ang lahat ng katangian ng pagka-Diyos,
nagkatawang-tao at namuhay na isang alipin.
Nang maging tao,
siya’y nagpakababa at naging masunurin
hanggang kamatayan,
oo, hanggang kamatayan sa krus.
Kaya naman, siya’y itinampok ng Diyos
at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan.
Anupa’t ang lahat ng nilalang
na nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa
ay maninikluhod at sasamba sa kanya.
At ipapahayag ng lahat
na si Hesuskristo ang Panginoon,
sa ikararangal ng Diyos Ama.
Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:

Ang Salita ng Diyos.


Sasagot ang lahat:

Salamat sa Diyos.
14 MGA MAHAL NA ARAW

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA


Filipos 2:8-9

Masunuring Kristo Hesus


naghain ng buhay sa krus,
kaya’t dinakila ng D’yos
binigyan ng ngalang tampok
sa langit at sansinukob.

ANG PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON


Lucass 22:14—23:56
Ang Pagpapakasakit ng ating Panginoong Hesukristo.

Ang pagpapakasakit ng Panginoon ay ipahahayag nang walang nakapaligid na kandila at pag-


iinsenso, wala ring pagbati at pagkukrus. Ang gaganap ng pagpapahayag ay ang diyakono o ang
pari kapag walang diyakono. Magagampanan din ito ng mga ibang tagapaglahad ng mga pagbasa
at kung maaari ang mga pangungusap ni Kristo ay aakuin ng pari.

Kung diyakono ang magpapahayag, hihilingin niyang siya’y gawaran ng pagpapala ng pari
alinsunod sa ginagawa bago ipahayag ang Mabuting Balita.

X Ang Pagpapakasakit ng ating Panginoong Hesukristo


ayon kay San Lucas

Tagapagsalaysay: Nang dumating na ang oras,


dumulog si Hesus sa hapag,
kasama ang kanyang mga apostol.
At sinabi niya sa kanila,

Hesus: “Malaon ko nang inaasam-asam na makasalo kayo


sa Hapunang Pampaskuwang ito bago ako magbata.
Sinasabi ko sa inyo,
hindi na ako muling kakain nito
hanggang sa ito’y maganap sa kaharian ng Diyos.”

Hinawakan niya ang isang kalis,


Tagapagsalaysay:
at matapos magpasalamat sa Diyos
ay ibinigay sa kanila.
Sinabi niya,
LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 15

Hesus: “Kunin ninyo ito, at paghati-hatian.


Sinasabi ko sa inyo na mula ngayo’y
hindi na ako iinom nitong katas ng ubas
hangga’t hindi dumarating ang kaharian ng Diyos.”

At dumampot siya ng tinapay


Tagapagsalaysay:
at, matapos magpasalamat sa Diyos,
kanyang pinaghati-hati at ibinigay sa kanila.
Sinabi niya,

Hesus: “Ito ang aking katawan na ibinigay para sa inyo.


Gawin ninyo ito bilang pag-aalaala sa akin.”

Gayon din naman,


Tagapagsalaysay:
dinampot niya ang kalis pagkatapos maghapunan,
at sinabi,

Hesus: “Ang kalis na ito ang bagong tipan ng aking dugo


na mabubuhos dahil sa inyo.

Ngunit kasalo ko rito ang magkakanulo sa akin.


Papanaw ang Anak ng Tao ayon sa itinakda ng Diyos;
ngunit nakapangingilabot ang sasapitin
ng taong magkakanulo sa kanya.”

Tagapagsalaysay: At sila’y nagtanung-tanungan


kung sino sa kanila ang gagawa ng gayon.

Nagtalu-talo ang mga alagad


kung sino sa kanila ang kikilanling pinakadakila.
At sinabi sa kanila ni Hesus,

Hesus: “Ang mga hari sa mundong ito’y


pinapanginoon ng kanilang nasasakupan,
at ang mga maykapangyarihan
ay napatatawag na mga tagatangkilik nila.
Ngunit hindi gayon sa inyo.
16 MGA MAHAL NA ARAW

Sa halip, ang pinakadakila ang dapat lumagay


na siyang pinakabata,
at ang namumuno’y tagapaglingkod.
Sino ba ang higit na dakila,
ang nakadulog sa hapag o ang naglilingkod?
Hindi ba ang nakadulog sa hapag?
Ngunit ako’y kasama-sama ninyo
bilang isang naglilingkod.

“Kayo ang nanatiling kasama ko


sa mga pagsubok sa akin.
Kung paanong pinaglalaanan ako
ng Ama ng kaharian,
gayon din naman,
pinaglalaanan ko kayo ng dako sa aking kaharian.
Kayo’y kakain at iinom na kasalo ko,
at luluklok sa mga trono upang mamahala
sa labindalawang angkan ng Israel.

“Simon, Simon! Makinig ka!


Hiniling ni Satanas at ipinahintulot naman sa kanya,
na kayong lahat ay subukin.
Subalit idinalangin ko na huwag lubusang mawala
ang iyong pananampalataya.
At kapag nagbalik-loob ka na,
patatagin mo ang iyong mga kapatid.”

Tagapagsalaysay: Sumagot si Pedro,

Pedro: “Panginoon, handa po akong mabilanggo


at mamatay na kasama ninyo!”

Hesus: “Pedro,”

Tagapagsalaysay: ani Hesus,


LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 17

Hesus: “tandaan mo:


bago tumilaok ang manok sa araw na ito
ay makatatlo mo akong itatatwa.”

Tagapagsalaysay: Pagkatapos, tinanong sila ni Hesus,

Hesus: “Nang suguin ko kayo nang walang dalang lukbutan,


supot, o panyapak, kinulang ba kayo ng anuman?”

Alagad: “Hindi po,”

Tagapagsalaysay: tugon nila. Sinabi niya,

Hesus: “Ngunit ngayon,


kung kayo’y may lukbutan o supot, dalhin ninyo.
Ang walang tabak—ipagbili ang kanyang balabal
at bumili ng isa.
Sapagkat sinasabi ko sa inyo
na dapat matupad sa akin
ang sinasabi ng Kasulatan:
‘Ibinilang siya sa mga salarin.’
Sapagkat ang nasusulat tungkol sa akin
ay natutupad na!”

Tagapagsalaysay: At sinabi ng mga alagad,

Alagad: “Panginoon, heto po ang dalawang tabak.”

Hesus: “Sapat na iyan!”

Tagapagsalaysay: tugon niya.

Gaya ng kanyang kinaugalian,


umalis si Hesus at nagtungo sa Bundok ng mga Olibo;
at sumama ang mga alagad.
Pagdating doo’y sinabi niya sa kanila.
18 MGA MAHAL NA ARAW

Hesus: “Manalangin kayo,


nang hindi kayo madaig ng tukso.”

Tagapagsalaysay: Lumayo siya sa kanila


nang may isang pukol ng bato,
saka lumuhod at nanalangin.

Hesus: “Ama,”

Tagapagsalaysay: wika niya,

Hesus: “kung maaari’y ilayo mo sa akin ang kalis na ito.


Gayunma’y huwag ang kalooban ko ang masunod,
kundi ang kalooban mo.”

Tagapagsalaysay: Napakita sa kanya ang isang anghel mula sa langit


at pinalakas ang loob niya.
Tigib ng hapis,
siya’y nanalangin nang lalong taimtim;
tumulo sa lupa ang kanyang pawis
na animo’y malalaking patak ng dugo.

Tumindig siya pagkapanalangin


at lumapit sa kanyang mga alagad.
Naratnan niyang natutulog ang mga ito
dahil sa tindi ng dalamhati.

Hesus: “Bakit kayo natutulog?”

Tagapagsalaysay: tanong niya.

Hesus: “Bumangon kayo at manalangin


upang hindi kayo madaig ng tukso.”

Tagapagsalaysay: Nagsasalita pa si Hesus


nang dumating ang maraming tao,
na pinangungunahan ni Judas,
kabilang sa Labindalawa.
LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 19

Nilapitan niya si Hesus upang hagkan.


Sinabi nito sa kanya,

Hesus: “Judas, ipagkakanulo mo ba ang Anak ng Tao


sa pamamagitan ng isang halik?”

Tagapagsalaysay: Nang makita ng mga alagad


kung ano ang mangyayari, sinabi nila,

Alagad: “Panginoon, mananaga na po kami!”

Tagapagsalaysay: At tinaga nga ng isa sa kanila


ang alipin ng pinakapunong saserdote
at natigpas ang kanang tainga niyon.
Nguni’t sinabi ni Hesus,

Hesus: “Huwag! Hayaan ninyo sila!”

Tagapagsalaysay: Hinipo niya ang tainga ng alipin at pinagaling.

Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa mga punong saserdote


at sa mga pinuno ng mga bantay sa templo
at sa matatanda ng bayan,
na naparoon upang dakpin siya,

“Ako ba’y tulisan,


Hesus:
at naparito kayong may mga tabak at mga pamalo?
Araw-araw, nagtuturo ako sa templo
at naroon din kayo; ngunit hindi ninyo ako dinakip.
Subalit panahon ninyo ngayon
at ang kapangyarihan ng kadiliman
ang namamayani.”

Tagapagsalaysay: Dinakip nga nila si Hesus


at dinala sa bahay ng pinakapunong saserdote.
Si Pedro nama’y sumunod sa kanya,
ngunit malayo ang agwat.
20 MGA MAHAL NA ARAW

Nang maparikit na ang apoy sa gitna ng patyo,


naupo sa paligid ang mga taong naroon;
si Pedro nama’y nakiumpok sa kanila.
Nakita siya ng isang utusang babae
at siya’y pinagmasdang mabuti.

Babae: “Kasama rin ni Hesus ang taong ito!”

Tagapagsalaysay: sabi niya.


Nguni’t itinatwa ito ni Pedro.

Pedro: “Aba, hindi!”

Tagapagsalaysay: sagot niya.

Pedro: “Ni hindi ko siya nakikilala!”

Tagapagsalaysay: Pagkaraan ng ilang sandali,


napansin siya ng isang lalaki at nagtanong ito,

Taong-Bayan: “Isa ka rin sa kanila, ano?”

Tagapagsalaysay: Ngunit sumagot siya,

Pedro: “Nagkakamali kayo,Ginoo!”

Tagapagsalaysay: Pagkalipas ng humigit-kumulang na isang oras


ay iginiit naman ng isa,

Taong-Bayan: “Kasama nga ni Hesus ang taong ito.


Isa rin siyang Galileo.”

Tagapagsalaysay: Ngunit sumagot si Pedro,

Pedro: “Ginoo, hindi ko nalalaman ang sinasabi ninyo!”

Tagapagsalaysay: Nagsasalita pa siya nang tumilaok ang manok.


Lumingon ang Panginoon at tinitigan si Pedro.
LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 21

Naalaala nito ang sinabi ng Panginoon,


“Bago tumilaok ang manok sa araw na ito
ay makaitlo mo akong itatatwa.”

Tagapagsalaysay: Lumabas si Pedro at nanangis nang buong saklap.

Samantala, si Hesus ay nililibak


at hinahampas ng mga nagtatanod sa kanya.
Siya’y piniringan nila at tinanong,

Sundalo: “Sige, hulaan mo nga! Sino ang humampas sa iyo?”

Tagapagsalaysay: At kung anu-ano pang panlalait ang sinabi sa kanya.

Kinaumagahan, nagtipon ang matatanda ng bayan,


ang mga punong saserdote,
at ang mga eskriba—ang Sanedrin—
at iniharap si Hesus sa kanilang kapulungan.

Saserdote: “Sabihin mo sa amin,”

Tagapagsalaysay: wika nila,

Saserdote: “ikaw ba ang Mesiyas?”

Tagapagsalaysay: Sumagot siya,

Hesus: “Sabihin ko man sa inyo, hindi kayo maniniwala,


at kung tanungin ko kayo, hindi naman kayo sasagot.
Ngunit mula ngayon, ang Anak ng Tao
ay uupo sa kanan ng Makapangyarihang Diyos.”

Saserdote: “lbig mong sabihi’y ikaw ang Anak ng Diyos?”

Tagapagsalaysay: tanong ng lahat.

Hesus: “Kayo na rin ang nagsasabing ako nga,”

Tagapagsalaysay: tugon niya. Sinabi nila,


22 MGA MAHAL NA ARAW

Saserdote: “Ano pang patotoo ang kailangan natin?


Tayo na ang nakarinig—mula sa sarili niyang bibig!”

Tumindig ang buong kapulungan


Tagapagsalaysay:
at dinala si Hesus kay Pilato.
Sinimulan nilang paratangan siya.
Anila,

Taong-Bayan: “Ang taong ito’y nahuli naming nanunulsol


sa aming kababayan
na maghimagsik, at nagbabawal ng pagbabayad
ng buwis sa Cesar.
Pinapaniwala pa niya ang mga tao
na siya ang Kristo, isang hari.”

Tagapagsalaysay: At tinanong siya ni Pilato,

Pilato: “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?”

Hesus: “Kayo na ang nagsasabi,”

Tagapagsalaysay: tugon ni Hesus.


Sinabi ni Pilato sa mga punong saserdote
at sa mga tao,

Pilato: “Wala akong makitang kasalanan sa taong ito,”

Tagapagsalaysay: Ngunit mapilit sila at ang wika,

Taong-Bayan: “Sa pamamagitan ng kanyang mga turo’y


inuudyukan niyang maghimagsik ang buong Judea.
Nagsimula siya sa Galilea at ngayo’y narito na.”

Tagapagsalaysay: Nang marinig ito ni Pilato,


itinanong niya kung taga-Galilea si Hesus.
At nang malamang siya’y mula
sa nasasakupan ni Herodes,
LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 23

kanyang ipinadala siya sa taong ito


na noon nama’y nasa Jerusalem.
Tuwang-tuwa ito nang makita si Hesus.
Marami na siyang nabalitaan tungkol dito
at matagal na niyang ibig makita.
Umaasa siyang gagawa ito ng kababalaghan
at ibig niyang makita iyon.
Kaya’t tinanong niya nang tinanong si Hesus,
ngunit hindi ito sumagot kaunti man.
Naroon ang mga punong saserdote
at ang mga eskriba
na walang tigil ng kapaparatang kay Hesus.
Hinamak siya at tinuya ni Herodes,
pati ng kanyang mga kawal.
Sinuutan siya ng maringal na damit
at ipinabalik kay Pilato.
At nang araw ding iyon,
naging magkaibigan sina Herodes at Pilato
na dati’y magkagalit.

Ipinatawag ni Pilato ang mga punong saserdote,


ang mga pinuno ng bayan at ang mga tao,
at sinabi sa kanila,

“Isinakdal ninyo sa akin ang taong ito


Pilato:
sa kasalanang panunulsol sa mga tao.
Ngayon, siniyasat ko siya sa harapan ninyo,
at napatunayan kong walang katotohanan
ang mga paratang ninyo sa kanya.
Gayon din si Herodes,
kaya si Hesus ay ipinabalik niya sa akin.
Hindi siya dapat hatulan ng kamatayan
—wala siyang kasalanan.
Kaya’t ipahahagupit ko lamang siya
saka palalayain.”
24 MGA MAHAL NA ARAW

Tagapagsalaysay: Tuwing Paskuwa,


kinakailangang magpalaya si Pilato
ng isang bilanggo para sa kanila.
Subalit sabay-sabay na sumigaw ang madla,

Taong-Bayan: “Patayin ang taong iyan! Palayain si Barrabas!”

Tagapagsalaysay: Nabilanggo si Barrabas dahil sa paghihimagsik


na nangyari sa lungsod, at dahil sa pagpatay.
Minsan pang nagsalita sa kanila si Pilato,
sa pagnanais na mapalaya si Hesus;
ngunit sumigaw ang mga tao,

Taong-Bayan: “Ipako sa krus! Ipako sa krus!”

Tagapagsalaysay: Ikatlong ulit na sinabi sa, kanila ni Pilato,

Pilato: “Bakit, anong ginawa niyang masama?


Wala akong makitang dahilan upang siya’y ipapatay,
ipahahagupit ko na lamang siya at saka palalayain.”

Tagapagsalaysay: Datapwa’t lalo nilang ipinagsigawan


na dapat ipako si Hesus sa krus;
at sa wakas ay nanaig ang kanilang sigaw.
Kaya’t ipinasiya ni Pilato
na pagbigyan ang kanilang kahilingan.
Pinalaya niya ang taong nabilanggo
dahil sa paghihimagsik at pagpatay,
ayon sa hinihingi nila,
at ibinigay sa kanila si Hesus
upang gawin ang kanilang kagustuhan.

Nang dala na nila si Hesus upang ipako,


nasalubong nila ang isang lalaking galing sa bukid.
Ito’y si Simon na taga-Cirene.
LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 25

Pinigil nila ito at ipinapasan sa kanya ang krus,


kasunod ni Hesus.

Sinusundan si Hesus ng maraming tao


kabilang ang mga babaing nananaghoy
at nananambitan dahil sa kanya.
Nilingon sila ni Hesus at sinabi sa kanila,

“Mga kababaihan ng Jerusalem,


Hesus:
huwag ninyo akong tangisan.
Ang tangisan ninyo’y ang inyong sarili
at ang inyong mga anak.
Tandaan ninyo:
darating ang mga araw na sasabihin nila,
‘Mapalad ang mga baog,
ang mga sinapupunang hindi nagdalantao,
at ang mga dibdib na hindi nagpasuso.’
Sa mga araw na iyo’y
sasabihin ng mga tao sa mga bundok,
‘Gumuho kayo sa amin!’ at sa mga burol,
‘Tabunan ninyo kami!’
Sapagkat kung ganito ang ginagawa
sa kahoy na sariwa,
ano naman kaya ang gagawin sa tuyo?”

Tagapagsalaysay: May dinala pa silang dalawang salarin


upang pataying kasama ni Hesus.
Nang dumating sila sa dakong tinatawag na Bungo,
ipinako nila sa krus si Hesus.
Ipinako rin ang dalawang salarin,
isa sa gawing kanan at isa sa gawing kaliwa.
Sinabi ni Hesus,

Hesus: “Ama, patawarin mo sila,


sapagkat hindi nila nalalaman
ang kanilang ginagawa.”
26 MGA MAHAL NA ARAW

At nagsapalaran sila
Tagapagsalaysay:
upang malaman kung alin sa kanyang kasuotan
ang mapupunta sa isa’t isa.
Ang mga tao’y nakatayo roon at nanunuod;
nililibak naman siya ng mga pinuno ng bayan.
Anila,

Taong-Bayan: “Iniligtas niya ang iba;


iligtas naman niya ngayon ang kanyang sarili,
kung siya nga ang Mesiyas,
ang hinirang ng Diyos!”

Nilibak din siya ng mga kawal,


Tagapagsalaysay:
nilapitan at inalok ng maasim na alak.
Sinabi nila,

Sundalo: “Kung ikaw ang Hari ng mga Judio,


iligtas mo ang iyong sarili.”

Tagapagsalaysay: At nakasulat sa ulunan niya sa wikang Griego,


Latin at Hebreo, “Ito ang Hari ng mga Judio.”

Tinuya siya ng isa sa mga salaring nakabitin,


at ang sabi,

Hestas: “Hindi ba ikaw ang Mesiyas?


Iligtas mo ang iyong sarili, pati na kami!”

Tagapagsalaysay: Ngunit pinagsabihan siya ng kanyang kasama,

Dimas: “Hindi ka ba natatakot sa Diyos?


Ikaw ma’y pinarurusahang tulad niya!
Matuwid lamang na tayo’y parusahan nang ganito
dahil sa ating mga ginawa;
ngunit ang taong ito’y walang ginawang masama.”
LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 27

Tagapagsalaysay: At sinabi niya,

Dimas: “Hesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka na.”

Tagapagsalaysay: Sumagot si Hesus,

Hesus: “Sinasabi ko sa iyo:


ngayon di’y isasama kita sa Paraiso.”

Tagapagsalaysay: Nang mag-iikalabindalawa ng tanghali,


nagdilim sa buong lupain
hanggang sa ikatlo ng hapon.
Nawalan ng liwanag ang araw;
at ang tabing ng templo’y napunit sa gitna.
Sumigaw nang malakas si Hesus,

Hesus: “Ama, sa kamay mo’y ipinagtatagubilin ko


ang aking espiritu!”

Tagapagsalaysay: At pagkasabi nito, nalagot ang kanyang hininga.


Dito luluhod ang tanan at sandaling mananahimik.

Nang makita ng kapitan ang nangyari,
siya’y nagpuri sa Diyos.

Sundalo: “Tunay ngang matuwid ang taong ito!”

Tagapagsalaysay: sabi niya.


Ang nangyaring ito’y nakita
ng lahat ng taong nagkakatipon at nagmamasid;
at umuwi silang dinadagukan ang kanilang dibdib.
Nakatayo naman sa di-kalayuan
ang mga kaibigan ni Hesus,
pati ang mga babaing sumunod sa kanya
mula sa Galilea,
at nakita rin nila ang mga bagay na ito.
28 MGA MAHAL NA ARAW

May isang lalaki na ang ngala’y Jose,


tubo sa Arimatea, isang bayan ng mga Judio.
Mabuti at matuwid ang taong ito
at kabilang sa mga naghihintay
sa paghahari ng Diyos.
Bagamat kagawad siya ng Sanedrin,
hindi siya sang-ayon sa kanilang ginawa kay Hesus.
Lumapit siya kay Pilato
at hiningi ang bangkay ni Hesus.
Nang maibaba na ang bangkay,
binalot niya ito ng kayong lino
at inilagay sa isang libingang inuka sa bato
– hindi pa iyon napaglilibingan.
Araw noon ng Paghahanda,
at magsisimula na ang Araw ng Pamamahinga.

Sumunod kay Jose


ang mga babaing sumama kay Hesus mula sa Galilea,
at nakita nila ang pinaglibingan,
pati ang pagkakalagay doon ng bangkay ni Hesus.
Pagkatapos, umuwi sila
at naghanda ng mga pabango at mira.
Sa katapusan, ihahayag niya:

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Magbubunyi ang lahat:

Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.


Hindi hahalikan ng diyakono o ng pari ang Aklat ng Mabuting Balita.

HOMILIYA
Pagkatapos ng pagpapahayag ng pagpapakasakit ng Panginoon, maaaring magbigay ng maikling
paliwanag o homiliya.
LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 29

PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
Kasunod ng homiliya ang pagpapahayag ng pananampalataya.

Sumasampalataya ako
sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat,
na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya ako kay Hesukristo,
iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat.
Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo,
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato,
ipinako sa krus, namatay, inilibing.
Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao.
Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli.
Umakyat sa langit.
Naluluklok sa kanan ng Diyos
Amang makapangyarihan sa lahat.
Doon magmumulang paririto
at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako
sa Diyos Espiritu Santo,
sa banal na Simbahang Katolika,
sa kasamahan ng mga banal,
sa kapatawaran ng mga kasalanan,
sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao
at sa buhay na walang hanggan.
Amen.
30 MGA MAHAL NA ARAW

PANALANGIN NG BAYAN
Pagkatapos ay gaganapin ang panalangin ng bayan o panalanging pangkalahatan.

Aanyayahan ng pari ang mga sambayanan:



Manalangin tayo sa Ama nating mapagmahal at mapagpala
sa pamamagitan ng ating Panginoon na si Hesukristo.
Buong pagtitiwala nating idalangin:

T. Sa pamamagitan ng pagpapakasakit ni Hesus, dinggin mo kami.

Nawa ang Santo Papa Francisco,


mga obispo, pari, diyakono, at mga relihiyoso’t relihiyosa
ay laging magpatotoo sa mga turo ni Hesukristo
sa kanilang pagtuturo at pagsasabuhay
ng pagmamahal at paglilingkod sa kapwa.
Manalangin tayo sa Panginoon.

T. Sa pamamagitan ng pagpapakasakit ni Hesus, dinggin mo kami.

Nawa ang mga namumuno sa ating pamahalaan


sa sinumpaan nilang tungkulin sa bayan
ay matularan ang halimbawang turo ni Hesus:
ang maglingkod sa kapwa sa halip na paglingkuran.
Manalangin tayo sa Panginoon.

T. Sa pamamagitan ng pagpapakasakit ni Hesus, dinggin mo kami.

Nawa ang mga nagdaranas ng kahirapan at pagdurusa


ay makatagpo ng pag-asa, ginhawa, at katugunan
sa kanilang mga pangangailangan
sa pagmamalasakit ng kanilang kapwa.
Manalangin tayo sa Panginoon.

T. Sa pamamagitan ng pagpapakasakit ni Hesus, dinggin mo kami.


LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 31

Nawa magkaroon ng agarang lunas


sa coronavirus pandemic na nagpapahirap sa marami,
upang hilumin na ng Panginoon ang mga maysakit,
bigyan ng sapat na lakas ang mga kumakalinga sa kanila
at tulungan tayong magsumikap sa pananampalataya.
Manalangin tayo sa Panginoon.
T. Sa pamamagitan ng pagpapakasakit ni Hesus, dinggin mo kami.
Para sa kapayapaan sa mundo at para sa mga nagdurusa
dahil sa kalupitan ng digmaan lalo na sa Ukraine,
ipag-adya nawa ng Diyos ang mundo mula sa lahat ng karahasan
at hindi tamang paggamit sa kapangyarihan
upang ang lahat ay mamuhay nang may kapanatagan at kalayaan.
Manalangin tayo sa Panginoon.
T. Sa pamamagitan ng pagpapakasakit ni Hesus, dinggin mo kami.
Nawa tayong natitipon ngayon
sa pakikinig natin sa salita ng Diyos
at pagdiriwang ng mga Sakramento ay dulutan ng sigla
upang mapaglingkuran ang Diyos sa ating kapwa,
higit sa lahat ang mga nangangailangan.
Manalangin tayo sa Panginoon.

T. Sa pamamagitan ng pagpapakasakit ni Hesus, dinggin mo kami.


Wawakasan ng pari ang panalangin:

Diyos na aming Ama,


sa pagdiriwang namin ngayon
sa matagumpay na pagpasok ng iyong Anak sa Jerusalem,
itulot mong matularan namin ang mga halimbawa
ng kanyang pagkamasunurin sa kalooban mo,
siya na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo
ngayon at magpakailanman.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
32 MGA MAHAL NA ARAW

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN


Pagkatapos, sisimulan ang awit ng pag-aalay. Samantalang ito’y ginaganap, ilalagay ng mga
tagapaglingkod ang telang patungan ng Katawan ni Kristo, ang pamahiran, ang kalis, at ang
Aklat ng Pagmimisa sa ibabaw ng dambana.

Nababagay na ang pakikiisa ng mga nagsisimba ay ipahayag sa pamamagitan ng prusisyon ng


pag-aalay ng tinapay at alak at ng iba pang handog para sa Simbahan at para sa mga dukha.

Ngayon nama’y tatayo ang Pari sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya ang pinggan ng
tinapay nang bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya nang pabulong:

K apuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.


Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito
para maging pagkaing nagbibigay-buhay.
Ilalapag niya ang pinggan ng tinapay sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal nang
malakas ng Pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!


Ang diyakono o ang pari ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang dinarasal
nang pabulong:

Sa paghahalong ito ng alak at tubig


kami nawa’y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo
na nagpagindapat makihati sa aming pagkatao.
LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 33

Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng Pari ang kalis nang bahagyang nakaangat
sa dambana habang dinarasal niya nang pabulong:

K apuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.


Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa katas ng ubas at bunga ng aming paggawa ang alak na ito
para maging inuming nagbibigay ng iyong Espiritu.
Illapag niya ang kalis sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal nang
malakas ng Pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!


Pagkatapos, yuyuko ang Pari habang dinarasal niya nang pabulong:

Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kaming mga makasalanan.


Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilang handog
upang kami’y matutong sumunod sa iyo nang buong puso.
Kung minamabuting gawin, iinsensuhan ng pari ang mga alay at ang dambana; pagkaraa’y
iinsensuhan ng diyakono o ng tagapaglingkod ang pari at ang mga nagsisimba.

Pagkatapos, ang pari’y pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga kamay
samantalang pabulong niyang dinarasal:

O Diyos kong minamahal,


kasalanan ko‘y hugasan
at linisin mong lubusan
ang nagawa kong pagsuway.
34 MGA MAHAL NA ARAW

Pagbalik ng pari sa gawing gitna ng dambana, ilalahad niya ang kanyang mga kamay sa mga tao
at muli niyang pagdaraupin habang kanyang ipinahahayag:

Manalangin kayo, mga kapatid,


upang ang paghahain natin ay kalugdan
ng Diyos Amang makapangyarihan.
Sasagot ang mga tao:

Tanggapin nawa ng Panginoon


itong paghahain sa iyong mga kamay
sa kapurihan niya at karangalan
sa ating kapakinabangan
at sa buong Sambayanan niyang banal.

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY


Pagkaraa’y, ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at darasalin:

A ma naming Lumikha,
pakundangan sa pagpapakasakit ng iyong Bugtong na Anak
sumaamin nawa ang iyong pagpapaunlak
na di makakamit ng tanang aming pagganap
kundi ng paghahaing minsan lamang para sa lahat
na mula sa iyo’y pinakikinabangan namin at tinatanggap
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga nagsisimba bilang pagbubunyi:

Amen.
LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 35

PAGBUBUNYI O PREPASYO

P Sumainyo ang Panginoon.


B. At sumaiyo rin.

P. Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.


B. Itinaas na namin sa Panginoon.

P. Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.


B. Marapat na siya ay pasalamatan.

A ma naming makapangyarihan,
tunay ngang marapat
na ikaw ay aming pasalamatan
sa pamamagitan ni Hesukristo
na aming Panginoon.

Wala siyang kasalanan nguni’t inaring salarin


sa pagmamalasakit niyang kami’y palayain
sa kamatayang kinasuungan namin
kaya’t namatay siya upang kami’y buhayin.

Kaya kaisa ng mga anghel


na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

SANTO

Santo, Santo, Santo Panginoong Diyos ng mga hukbo!


Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo!
Osana sa kaitaasan!
Pinagpala ang mga naparirito sa ngalan ng Panginoon!
Osana sa kaitaasan!
36 MGA MAHAL NA ARAW

IKALAWANG PANALANGIN
NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT
Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

A ma naming banal,
ikaw ang bukal ng tanang kabanalan.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at lulukuban ng mga kamay niya ang mga alay
habang siya’y nagdarasal.

Kaya’t sa pamamagitan ng iyong Espiritu


gawin mong banal ang mga kaloob na ito
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis, samantalang
kanyang dinarasal:

upang para sa ami’y maging Katawan at Dugo X


ng aming Panginoong Hesukristo.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay ipahahayag nang malinaw
at nauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng kahulugan ng mga ito.

Bago niya pinagtiisang kusang loob


na maging handog,
Hahawakan ng pari ang tinapay nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang
kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang tinapay,


pinasalamatan ka niya,
pinaghati-hati niya iyon,
iniabot sa kanyang mga alagad
at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang pari.

T ANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:


ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.
LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 37

Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan ni Kristo, ipapatong niya ito sa
pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba.

Ang pari ay magpapatuloy.

Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,


Hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang
patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang kalis,


muli ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad
at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang pari.

T ANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.

GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.


Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan ni Kristo, at
luluhod siya bilang pagsamba.

Pagkatapos, ipahahayag ng pari:

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.


Ang mga tao ay magbubunyi:

Aming ipinahahayag
na namatay ang ‘yong Anak,
nabuhay bilang Mesiyas
at magbabalik sa wakas
para mahayag sa lahat.
38 MGA MAHAL NA ARAW

Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal:

A ma,
ginagawa namin ngayon ang pag-alala
sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng iyong Anak
kaya’t iniaalay namin sa iyo
ang tinapay na nagbibigay-buhay
at ang kalis na nagkakaloob ng kaligtasan.
Kami’y nagpapasalamat
dahil kami’y iyong minarapat
na tumayo sa harap mo
para maglingkod sa iyo.

Isinasamo naming kaming magsasalu-salo


sa Katawan at Dugo ni Kristo
ay mabuklod sa pagkakaisa
sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
Isang nakikipagmisa
Ama,
lingapin mo ang iyong Simbahang
laganap sa buong daigdig.
Puspusin mo kami sa pag-ibig
kaisa ni Francisco, na aming Papa
at ni N., na aming Obispo,
at ng tanang kaparian.
LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 39

Isang nakikipagmisa
Alalahanin mo rin
ang mga kapatid naming nahimlay
nang may pag-asang sila’y muling mabubuhay
gayun din ang lahat ng mga pumanaw.
Kaawaan mo sila at patuluyin sa iyong kaliwanagan.
Kaawaan mo at pagindapatin kaming lahat
na makasalo sa iyong buhay na walang wakas.
Kaisa ng Mahal na Birheng Maria na Ina ng Diyos,
ng kanyang Kabiyak ng puso, si San Jose,
kaisa ng mga apostol at ng lahat ng mga banal
na namuhay dito sa daigdig nang kalugud-lugod sa iyo,
maipagdiwang nawa namin ang pagpupuri sa ikararangal mo.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

sa pamamagitan ng iyong Anak


na aming Panginoong Hesukristo.

Hahawakan ng pari ang pinggang may ostiya at ang kalis na kapwa niya itataas habang kanyang
ipinahahayag.

S A PAMAMAGITAN NI KRISTO, KASAMA NIYA, AT SA KANYA


ANG LAHAT NG PARANGAL AT PAPURI AY SA IYO,
DIYOS AMANG MAKAPANGYARIHAN,
KASAMA NG ESPIRITU SANTO
MAGPASAWALANG HANGGAN.
Ang mga tao ay magbubunyi:

Amen.
40 MGA MAHAL NA ARAW

ANG PAKIKINABANG
Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng pari nang may magkadaop na mga
kamay:

S a tagubilin ng mga nakagagaling na utos


at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos
ipahayag natin nang lakas-loob:
Illalahad ng pari ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng lahat

Ama namin, sumasalangit ka.


Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo
dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan mo kami ngayon


ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga sala
para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal:

Hinihiling naming
kami’y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
iIigtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.
LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 41

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang panalangin sa
ganitong pagbubunyi:

Sapagkat iyo ang kaharian


at ang kapangyarihan at ang kapurihan
magpakailanman! Amen.
Pagkatapos, malakas na darasalin ng paring nakalahad ang mga kamay:

P anginoong Hesukristo,
sinabi mo sa iyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming pananampalataya
at huwag ang aming pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.


Sasagot ang mga tao:

Amen.
Ang pari’y paharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop ng mga kamay sa pagpapahayag.

Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.


Sasagot ant mga tao:

At sumaiyo rin.
Maidaragdag, kung minabuti, ang paanyayang ipahahayag ng diyakono o ng pari:

Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.


At, alinsunod sa kaugalian ng iba’t-ibang pook, ang mga nagsisimba ay mabigbigyan ng
kapayapaan. Ang pari at ang mga tagapaglingkod ay makapagbibigayan ng kapayapaan.
42 MGA MAHAL NA ARAW

Pagkatapos, hahawakan ng pari ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw ng pinggan at
isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:

Sa pagsasawak na ito
ng Katawan sa Dugo ng aming Panginoong Hesukristo
tanggapin nawa namin sa pakikinabang
ang buhay na walang hanggan.

Samantalang ginaganap ang paghahati-hati sa ostiya, aawitin o darasalin ang pagluhog na ito.

Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.
Ito ay mauulit-ulit habang ginaganap ang paghahati-hati sa tinapay. Sa huling pag-uulit saka pa
lamang idurugtong ang “ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.”

Magkadaop ang mga kamay ng pari sa pabulong na pagdarasal:

Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay,


sa kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo,
binuhay mo sa iyong pagkamatay ang sanlibutan.
Pakundangan sa iyong banal na Katawan at Dugo,
iadya mo ako sa tanang aking kasalanan at lahat ng masama,
gawin mong ako’y makasunod lagi sa iyong mga utos,
at huwag mong ipahintulot na ako’y mawalay sa iyo kailanman.
LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 43

o kaya:

Ang pakikinabang sa Katawan at Dugo mo,


Panginoong Hesukristo,
ay huwag nawang magdulot ng paghuhukom
at parusa sa kasalanan ko.
Alang-alang sa iyong dakilang pag-ibig
nawa’y aking matanggap
ang pagkupkop mo sa akin at kaloob mong lunas.
Luluhod ang pari at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa ibabaw ng
pinggan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi ng malakas:

Ito ang Kordero ng Diyos.


Ito ang nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.
Idurugtong niyang minsanan kaisa ng sambayanan:

Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo


ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.
Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na nagdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.

Pagkatapos, hahawakan ng pari ang kalis at pabulong na magdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.
44 MGA MAHAL NA ARAW

Hahawakan niya ang pinggan o lalagyan ng ostiya at lalapitan niya ang mga nakikinabang,
bahagyang itataas ang ostiya para sa bawat nakikinabang habang sinasabi:

Katawan ni Kristo.
Ang nakikinabang ay tutugon:

Amen.
Ganito rin ang gagawin ng diyakono na nagdudulot ng pakinabang.

Samantalang nakikinabang ang pari, sisimulan ang awit sa pakikinabang.

Pagkapakinabang, ang mga mumo ng ostiya na nasa pinggan ay titipunin sa kalis na huhugasan
ng pari o ng diyakono o ng tagapaglingkod. Habang ito ay ginaganap ng pari, pabulong siyang
magdarasal:

Ama naming mapagmahal,


ang aming tinanggap ngayon ay amin nawang mapakinabangan
at ang iyong ipinagkaloob ay magdulot nawa sa amin
ng kagalingang pangmagpakailanman.

Makababalik ngayon sa upuan ang pari. Makapag-uukol ng ilang saglit na katahimikan o


makaaawit ng papuri o salmo.
LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 45

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Pagkaraan, ang pari ay titindig sa harap ng upuan o sa gawi ng dambana paharap sa mga
nagsisimbang magpapahayag:

Manalangin tayo.
Kung di pa nagaganap ang tahimik na pagdalangin, ito ay gagawin ngayon, at pagkaraan,
ipahahayag ng paring nakalahad ang mga kamay:

A ma naming mapagmahal,
ngayong kami’y pinapagsalo mo
sa banal na pakikinabang,
kami’y iyong pinalingong
may pag-asa sa aming sinasampalatayanan
pakundangan sa pagkamatay ng iyong Anak.
Gawin mong kami’y makarating
sa aming paroroonan
pakundangan sa kanyang muling pagkabuhay
bilang Tagapamagitan kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Ang sambayanan ay tutugon:

Amen.
46 MGA MAHAL NA ARAW

PANALANGIN PARA SA PAMBANSA


AT PANGLOKAL NA HALALAN

Pagkatapos ng Panalangin Pagkapakinabang, darasalin ang Panalangin para sa Pambansa at


Panglokal na Halalan.

Aanyayahan ng pari ang sambayanan:

Manalangin tayo upang sa papalapit


na pambansa at panglokal na halalan
ay tunay na maghari ang kalooban ng Diyos,
na Siyang gumagabay sa lahat ng bansa.
Sama-sama nating idalangin:

T. Iligtas mo kami, Panginoon.

Mula sa pamimilit, pananakot, karahasan, at terorismo.


T. Iligtas mo kami, Panginoon.

Mula sa panloloko, pagsisinungaling, at pagbaluktot sa katotohanan.


T. Iligtas mo kami, Panginoon.

Mula sa panunuhol, kasakiman, at sabwatan upang makapandaya.


T. Iligtas mo kami, Panginoon.

Mula sa kawalang-muwang sa panlilinlang at makitid na pananaw.


T. Iligtas mo kami, Panginoon.

Mula sa pagbabanta, pananakot, at lapastangang pananalita.


T. Iligtas mo kami, Panginoon.
Ipahahayag ng pari:

Sama-sama nating idalangin:

T. Dinggin Mo kami, Panginoon.

Upang ang aming budhi ang siyang gawing tunay na pamantayan.


T. Dinggin Mo kami, Panginoon.
LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 47

Upang ang kabutihan ng nakararami ang aming pinakamataas na layunin.


T. Dinggin Mo kami, Panginoon.

Upang ang dignidad ng tao ay palagiang igalang.


T. Dinggin Mo kami, Panginoon.

Upang ang kapus-palad at mahihina ay pag-ukulan ng higit na pansin.


T. Dinggin Mo kami, Panginoon.

Upang ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi ipagwalang-bahala.


T. Dinggin Mo kami, Panginoon.

Upang ang pagkakaisa ay magbigay-daan


sa landas ng kapayapaan at kaunlaran.
T. Dinggin Mo kami, Panginoon.

Upang ang banal na pagkatakot sa Diyos at pag-ibig sa kapwa


ang maging gabay ng mga nagnanais manungkulan sa pamahalaan.
T. Dinggin Mo kami, Panginoon.
Ipahahayag ng pari

Manalangin tayo.
Mananalangin ang lahat:

Pastol ng aming kaluluwa at Tagapagligtas ng sanlibutan,


ang pulitika ay Iyong kaloob sa amin;
isang paanyaya upang maglingkod sa iba at lumago sa kabanalan.
Gabayan Mo ang pulitika sa aming bansa
katulad ng paggabay mo sa amin.
Nawa ang aming pulitikal na pakikilahok
para sa mga botante at kandidato
ay magdulot ng kaluwalhatian sa Iyong mahal na ngalan
at matulungan din kaming yumabong sa kabutihan,
ngayon at magpasawalang hanggan.
Amen.
48 MGA MAHAL NA ARAW

PAGHAYO SA PAGWAWAKAS
Maisusunod, kapag may ipagbibigay-alam, ang mga maikling patalastas na sasabihin sa mga tao.

Pagkatapos, gaganapin ang paghayo. Ang paring nakalahad ang mga kamay sa mga tao ay
magpapahayag:

Sumainyo ang Panginoon.


Sasagot ang mga tao:

At sumaiyo rin.
Ang diyakono o ang pari na rin kapag walang diyakono ang magpapahayag ng paanyaya:

Magsiyuko tayo habang iginagawad ang pagbabasbas.


Pagkaraan, itataas ng pari ang kanyang mga kamay na lumulukob sa lahat, samantalang inaawit
o ipinahahayag niya:

Ang Diyos Amang maawain na nagkaloob sa inyo


ng Anak niyang nagpakasakit bilang huwaran ng pag-ibig
ay siya nawang magbasbas sa inyong lahat
pakundangan sa paglilingkod ninyo sa kanya at sa kapwa
ngayon at magpasawalang hanggan.
Ang lahat ay sasagot:

Amen.
Ipahahayag ng pari:

Pakundangan sa kanyang kamatayan
upang kayo’y huwag dumanas ng walang katapusang pagkamatay
makamtan nawa ninyo ang buhay na walang hanggan.
Ang lahat ay sasagot:

Amen.
LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 49

Ipahahayag ng pari:

Pakundangan sa pagpapakumbaba niya para sa inyong kapakanan
kayo nawa’y makasalo sa kanyang muling pagkabuhay
ngayon at magpasawalang hanggan.
Ang lahat ay sasagot:

Amen.
Babasbasan ng pari ang mga tao habang kanyang ipinahahayag:

P agpalain kayo ng makapangyarihang Diyos,


Ama at Anak X at Espiritu Santo.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
Ang diyakono o ang paring magkadaop ang mga kamay ay magpapahayag ng paghayo sa
sambayanan:

Humayo kayong taglay ang kapayapaan


upang ang Panginoon ay mahalin at paglingkuran.
Sasagot ang mga tao:

Salamat sa Diyos.

Karaniwan, ang dambana ay bibigyang-paggalang sa paghalik dito ng pari at matapos


makapagbigay-pitagan kaisa ng mga tagapaglingkod, siya ay hahayo.
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM
SA PAGHAHAPUNAN NG PANGINOON
Huwebes Santo
Sa pagtatakipsilim gaganapin ang Misa sa paghahapunan ng Panginoon na ipagdiriwang nang
may lubusang pakikilahok ng Sambayanan ng pook, ng kaparian at ng tanang tagapaglingkod
na gumaganap ng kanilang paglilingkod.

Susundin ang mga tagubilin sa pagdiriwang na nakalahad sa Aklat ng Pagmimisa sa Roma.


Maaaring ganapin sa pagiriwang na ito ang Pagtanggap sa mga Banal na Langis.

Ang mga paring nakipagmisa na kaugnay ng pagbabasbas ng langis o nakapagmisa na para sa


kapakanan ng mga tao ay maaaring makipagmisa uli ngayon.

Kung makabubuti para sa kapakanan ng mga tao, maaaring pahintulutan ng Punong-


tagapangasiwa ng diyosesis ang pagdiriwang ng isa pang Misa sa pagtatakipsilim sa mga simbahan
at pambayang bahay dalanginan gayundin sa mga bahay dalanginang may nagmamay-ari nguni’t
bukas para sa madla. Kung talagang kailangan, maaari rin niyang pahintulutan ang pagmimisa
sa umaga ng araw na ito nguni’t tanging para lamang sa mga totoong hindi makapagsisimba
ngayon. Ang mga nasabing pagmimisa ay hindi maaaring para sa kapakinabangang pangsarili
ng ilang piling mga tao o kung ito ay magiging sanhi ng pagkabawas ng maraming nagsisimba
ngayon.

Maaaring ganapin sa mas payak na paraan ang paghuhugas ng paa. Ang bilang ng mga alagad
na huhugasan ng paa ay hindi kinakailangang labindalawa. Maaaring wala pang labindalawa
ngunit hindi hihigit sa labindalawa.

Maaaring makinabang ang mga maysakit kahit anong oras nguni’t para sa iba tanging sa Misa
lamang ng gabing ito pinapayagan ang pakikinabang.

Maaring palamutian ng bulaklak ang dambana ayon sa diwa ng araw na ito. Ang tabernakulo ay
dapat na walang laman; dapat maghanda ng sapat na tinapay para italagang maging Katawan ni
Kristo para sa pakikinabang ng mga pari at mga tao ngayon at bukas.

Maaaring maghanda ng pook na paglalagakan ng Banal na Sakramento (Altar of Repose) sa


labas ng simbahan kung maliit ang simbahan at hindi kakayanin ang maraming tao para sa
“Visita Iglesia”. Nakasalalay sa paghahanda ng parokya ang maayos na pangangasiwa ng “Visita
Iglesia”.
52 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

PANALANGIN PARA SA PAMBANSA


AT PANGLOKAL NA HALALAN

Bago ang pagdiriwang ng Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon,


darasalin ang Panalangin para sa Pambansa at Panglokal na Halalan.

Aanyayahan ng pari ang sambayanan:

Manalangin tayo upang sa papalapit


na pambansa at panglokal na halalan
ay tunay na maghari ang kalooban ng Diyos,
na Siyang gumagabay sa lahat ng bansa.
Sama-sama nating idalangin:

T. Iligtas mo kami, Panginoon.

Mula sa pamimilit, pananakot, karahasan, at terorismo.


T. Iligtas mo kami, Panginoon.

Mula sa panloloko, pagsisinungaling, at pagbaluktot sa katotohanan.


T. Iligtas mo kami, Panginoon.

Mula sa panunuhol, kasakiman, at sabwatan upang makapandaya.


T. Iligtas mo kami, Panginoon.

Mula sa kawalang-muwang sa panlilinlang at makitid na pananaw.


T. Iligtas mo kami, Panginoon.

Mula sa pagbabanta, pananakot, at lapastangang pananalita.


T. Iligtas mo kami, Panginoon.
Ipahahayag ng pari:

Sama-sama nating idalangin:

T. Dinggin Mo kami, Panginoon.

Upang ang aming budhi ang siyang gawing tunay na pamantayan.


T. Dinggin Mo kami, Panginoon.
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM SA PAGHAHAPUNAN NG PANGINOON 53

Upang ang kabutihan ng nakararami ang aming pinakamataas na layunin.


T. Dinggin Mo kami, Panginoon.

Upang ang dignidad ng tao ay palagiang igalang.


T. Dinggin Mo kami, Panginoon.

Upang ang kapus-palad at mahihina ay pag-ukulan ng higit na pansin.


T. Dinggin Mo kami, Panginoon.

Upang ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi ipagwalang-bahala.


T. Dinggin Mo kami, Panginoon.

Upang ang pagkakaisa ay magbigay-daan


sa landas ng kapayapaan at kaunlaran.
T. Dinggin Mo kami, Panginoon.

Upang ang banal na pagkatakot sa Diyos at pag-ibig sa kapwa


ang maging gabay ng mga nagnanais manungkulan sa pamahalaan.
T. Dinggin Mo kami, Panginoon.
Ipahahayag ng pari

Manalangin tayo.
Mananalangin ang lahat:

Pastol ng aming kaluluwa at Tagapagligtas ng sanlibutan,


ang pulitika ay Iyong kaloob sa amin;
isang paanyaya upang maglingkod sa iba at lumago sa kabanalan.
Gabayan Mo ang pulitika sa aming bansa
katulad ng paggabay mo sa amin.
Nawa ang aming pulitikal na pakikilahok
para sa mga botante at kandidato
ay magdulot ng kaluwalhatian sa Iyong mahal na ngalan
at matulungan din kaming yumabong sa kabutihan,
ngayon at magpasawalang hanggan.
Amen.
54 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

PASIMULA
Kapag natitipon na ang sambayanan, ang pari at mga tagapaglingkod ay lalakad patungo sa
dambana samantalang ang awiting pambungad ay ginaganap.

Pagsapit sa dambana, ang pari at mga tagapaglingkod ay magbibigay-galang alinsunod sa


hinihinging paraan. Magbibigay-galang ang pari sa dambana sa pamamagitan ng paghalik sa
ibabaw. Kung minamabuti niya, maiinsensuhan niya ito. Pagkatapos, ang pari ay paroroon sa
kanyang upuan.

Matapos ang awiting pambungad, habang nakatayo ang lahat, ang pari at ang mga tao ay
magkukrus. Ipahahayag ng paring nakaharap sa mga tao:

S a ngalan ng Ama
at ng Anak at ng Espiritu Santo.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay bilang pagbati sa mga tao, habang ipinahahayag:

Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo,


ang pag-ibig ng Diyos Ama,
at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo
nawa’y sumainyong lahat.

Sasagot ang mga tao:

At sumaiyo rin.
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM SA PAGHAHAPUNAN NG PANGINOON 55

Ang pari ay makapagbibigay ng maikling paliwanag tungkol sa buod ng Misang ipagdiriwang.

M ga minamahal na kapatid,
sa pagdiriwang natin ng Huling Hapunan ng Panginoon,
ginugunita at sinisimulan natin ngayon
ang pag-alaala sa misteryo ng Pagpapakasakit,
Pagkamatay at Muling Pagkabuhay ni Hesukristo
na ating Tagapagligtas.

Ito ang gabi ng pagpapamalas ng ating Panginoon


na siya’y lingkod ng Diyos
sa pamamagitan ng paghuhugas niya
sa mga paa ng kanyang mg alagad.
Ito ang gabi ng pagkakaloob niya
ng Banal na Eukaristiya
na siyang alaala niya sa Bagong Tipan.
Ito ang gabi ng paghahabilin ng bagong utos
at pananalangin ng Panginoon sa ipagkakaisa
ng lahat ng mga nananampalataya sa kanya.
Sa pagsasariwa ng kanyang salita at buhay,
hilingin nating makabahagi tayo sa kanyang nararamdaman,
sa kanyang pag-ibig na nagdudulot kaligtasan.

Kaya naman, marapat nating ihanda ang ating mga sarili


sa pagdiriwang ng misteryo ng pananampalataya at pagmamahal
sa pamamagitan ng paghingi ng kapatawaran
sa ating mga pagkukulang
at paglilinis sa ating mga kalooban.

Magkakaroon ng saglit na katahimikan.


56 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

Pagkatapos nito, lahat ay sabay-sabay na aamin sa nagawang kasalanan:

Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos


at sa inyo, mga kapatid,
na lubha akong nagkasala
Ang lahat ay dadagok sa dibdib.

sa isip, sa salita, sa gawa


at sa aking pagkukulang.
Kaya isinasamo ko
sa Mahal na Birheng Maria,
sa lahat ng mga anghel at mga banal
at sa inyo, mga kapatid,
na ako’y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.
Ipahahayag ng pari ang pagpapatawad:

Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos,


patawarin tayo sa ating mga kasalanan,
at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.

KYRIE
Isusunod ang mga pagluhog na ”Panginoon, kaawaan mo kami,” maliban kapag naganap na ito
kaugnay ng ibang paraan ng pagsisisi sa kasalanan:

P. Panginoon, kaawaan mo kami.


B. Panginoon, kaawaan mo kami.

P. Kristo, kaawaan mo kami.


B. Kristo, kaawaan mo kami.

P. Panginoon, kaawaan mo kami.


B. Panginoon, kaawaan mo kami.
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM SA PAGHAHAPUNAN NG PANGINOON 57

PAPURI SA DIYOS
Sa pag-awit ng Papuri sa Diyos, ang mga kampana ng Simbahan ay tutugtugin at pagkaraa’y
mananahimik ang mga ito hanggang sa Gabi ng Pagkabuhay, maliban kung iba ang pasya ng
mga Panayam ng mga Obispo ng Punong-tagapangasiwa ng diyosesis.

Papuri sa Diyos sa kaitaasan


at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya.
Pinupuri ka namin,
dinarangal ka namin,
sinasamba ka namin,
ipinagbubunyi ka namin,
pinasasalamatan ka namin,
dahil sa dakila mong angking kapurihan.
Panginoong Diyos, Hari ng langit,
Diyos, Amang makapangyarihan sa lahat.
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak,
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
tanggapin mo ang aming kahilingan.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
maawa ka sa amin.
Sapagka’t ikaw lamang ang banal,
ikaw lamang ang Panginoon,
ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataas-taasan,
kasama ng Espiritu Santo
sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen.
58 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

PANALANGING PAMBUNGAD
Pagkaraan ng awit, magkadaop ang mga kamay na ipahahayag ng pari:

Manalangin tayo.
Ang lahat kaisa ng pari ay tahimik na mananalangin nang saglit. Pagkalipas ng ilang sandali,
ilalahad ng pari ang kanyang kamay at ipahahayag:

A ma naming makapangyarihan,
sa mga kasalo ngayon sa banal na Hapunan
na ipinamana ng iyong Anak na mamamatay
bilang haing bago at pangmagpakailanman
para sa giliw niyang sambayanan,
ipagkaloob mong lubusang mapakinabangan
ang iyong dakilang pag-ibig at buhay
sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao ng pagbubunyi:

Amen.
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM SA PAGHAHAPUNAN NG PANGINOON 59

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

UNANG PAGBASA
Exodo 12:1-8. 11-14
Mga tagubilin tungkol sa hapunan ng Paskuwa.

Pagbasa mula sa aklat ng Exodo

N oong mga araw na iyon:


Sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron,
“Mula ngayon, ang buwang ito
ang magiging unang buwan ng taon para sa inyo.
At sabihin ninyo sa buong pamayanan ng Israel
na sa ikasampung araw ng buwang ito,
bawat puno ng sambahayan
ay pipili ng isang kordero o bisirong kambing
para sa kanyang pamilya.
Kung maliit ang pamilya
at hindi makauubos ng isang buong kordero,
magsasalo sila ng kalapit na pamilya,
na hindi rin makauubos ng isang buo.
Ang dami ng magsasalu-salo sa isang kordero
ay ibabatay sa dami ng makakain ng bawat isa.
Kailangang ang kordero ay lalaki,
isang taong gulang, walang pinsala o kapintasan.
Kung walang tupa ay kahit kambing.
Aalagaan itong mabuti hanggang sa ikalabing apat ng buwan
at sa kinagabihan, sabay-sabay na papatayin ng buong bayan
ang kani-kanilang kordero.
Kukuha sila ng dugo nito
at ipapahid sa mga hamba at sombrero ng pintuan ng bahay
na kakainan ng kordero.
Sa gabi ring iyon, lilitsunin ito
at kakaning kasama ng tinapay na walang lebadura
at ng mapapait na gulay.
60 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

Ganito naman ang magiging ayos ninyo sa pagkain nito:


nakabigkis, nakasandalyas at may tangang tungkod;
dali-dali ang inyong pagkain nito.
Ito ang Paskuwa ng Panginoon.

“Sa gabing yaon, lilibutin ko ang buong Egipto


at papatayin ang lahat ng panganay na lalaki,
maging tao o hayop man.
At parurusahan ko ang lahat ng diyus-diyusan sa Egipto.
Ako ang Panginoon.
Lalampasan ko ang lahat ng bahay
na makita kong may pahid na dugo,
at walang pinsalang mangyayari sa inyo
sa pagpaparusa ko sa buong Egipto.
Ang dugo ang siyang magiging palatandaan
na Israelita ang nakatira sa bahay na iyon.
Ang araw na ito’y ipagdiriwang ninyo magpakailanman
bilang pista ng Panginoon.”
Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:

Ang Salita ng Diyos.


Sasagot ang lahat:

Salamat sa Diyos.
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM SA PAGHAHAPUNAN NG PANGINOON 61

SALMONG TUGUNAN
Salmo 115:12-13. 15-16. 17-18

T. Sa Kalis ng pagbabasbas,
si Kristo ang tinatanggap.

Sa Diyos ko’t Panginoon, ano’ng aking ihahandog


sa lahat ng kabutihan na sa akin ay kaloob?
Ang handog ko sa dambana, ay inumin na masarap
bilang aking pagkilala sa ginawang pagliligtas.

T. Sa Kalis ng pagbabasbas,
si Kristo ang tinatanggap.

Masakit sa kalooban ng Poon kung may papanaw,


kahit ito ay iisa, labis siyang magdaramdam,
katulad ng aking ina, maglilingkod akong lubos
yamang ako’y iniligtas, kinalinga at tinubos.

T. Sa Kalis ng pagbabasbas,
si Kristo ang tinatanggap.

Ako ngayo’y maghahandog ng haing pasasalamat,


ang handog kong panalangi’y sa iyo ko ilalagak.
Sa templo sa Jerusalem, ay doon ko ibibigay
ang anumang pangako kong sa iyo ay binitiwan.

T. Sa Kalis ng pagbabasbas,
si Kristo ang tinatanggap.
62 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

IKALAWANG PAGBASA
1 Corinto 11:23-26
Tuwing kakain kayo at iinom,
ipinahahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon.

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo


sa mga taga-Corinto

M ga kapatid:
Ito ang aral na tinanggap ko sa Panginoon
at ibinibigay ko naman sa inyo:
ang Panginoong Hesus,
noong gabing siya’y ipagkanulo
ay dumampot ng tinapay, nagpasalamat,
at pinaghati-hati ito, at sinabi,
“Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo.
Gawin ninyo ito sa pag-alala sa akin.”
Gayon din naman, matapos maghapunan
ay hinawakan niya ang kalis at sinabi,
“Ang kalis na ito ang bagong tipan
na pinagtitibay ng aking dugo.
Tuwing iinumin ninyo ito,
gawin ninyo sa pag-alala sa akin.”
Sapagkat tuwing kakain kayo ng tinapay na ito
at iinom sa kalis na ito
ay ipinahahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon,
hanggang sa muling pagparito niya.
Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:

Ang Salita ng Diyos.


Sasagot ang lahat:

Salamat sa Diyos.
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM SA PAGHAHAPUNAN NG PANGINOON 63

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA


Juan 13:34

Ang bagong utos ko’y ito:


mag-ibigan sana kayo
katulad ng ginawa ko
na pagmamahal sa inyo,
ang sabi ni Hesuskristo.

MABUTING BALITA
Juan 13:1-15
Ipakikita niya kung hanggang saan
ang kanyang pag-ibig sa kanila.

P. Sumainyo ang Panginoon.


B. At sumaiyo rin.

P. X Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan


B. Papuri sa iyo, Panginoon.

B isperas na ng Paskuwa.
Alam ni Hesus na dumating na ang panahon
ng kanyang paglisan sa sanlibutang ito
upang bumalik sa Ama.
Mahal niya ang kanyang mga tagasunod na nasa sanlibutan,
at ngayo’y ipakikita niya kung hanggang saan
ang kanyang pag-ibig sa kanila.

Naghahapunan si Hesus at ang mga alagad.


Naisilid na ng diyablo sa isip ni Judas,
anak ni Simon Iscariote,
ang pagkakanulo kay Hesus.
Alam ni Hesus na ibinigay na sa kanya ng Ama
ang buong kapangyarihan;
alam din niyang siya’y mula sa Diyos
at babalik sa Diyos.
64 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

Kaya’t nang sila’y naghahapunan,


tumindig si Hesus,
naghubad ng kanyang panlabas na kasuotan,
at nagbigkis ng tuwalya.
Pagkatapos, nagbuhos siya ng tubig sa palanggana,
at sinimulang hugasan ang paa ng mga alagad
at punasan ng tuwalyang nakabigkis sa kanya.
Paglapit niya kay Simon Pedro, tumutol ito.
“Panginoon,” sabi niya,
“diyata’t kayo pa ang maghuhugas ng aking mga paa?”
Sumagot si Hesus,
“Hindi mo nauunawaan ngayon ang ginagawa ko,
ngunit mauunawaan mo rin pagkatapos.”
Sinabi sa kanya ni Pedro.
“Hinding-hindi ko po pahuhugasan sa inyo ang aking mga paa.”
“Kung hindi kita huhugasan,
wala kang kaugnayan sa akin,” tugon ni Hesus.
Kaya’t sinabi ni Pedro,
“Panginoon, hindi lamang po ang mga paa ko,
kundi pati ang aking kamay at ulo!”
Ani Hesus, “Maliban sa kanyang mga paa,
hindi na kailangang hugasan pa ang naligo na,
sapagkat malinis na ang kanyang buong katawan.
At malinis na kayo, ngunit hindi lahat.”
Sapagkat alam ni Hesus kung sino ang magkakanulo sa kanya,
kaya sinabi niyang malinis na sila, ngunit hindi lahat.

Nang mahugasan na ni Hesus ang kanilang mga paa,


siya’y nagsuot ng damit at nagbalik sa hapag.
“Nauunawaan ba ninyo kung ano ang ginawa ko sa inyo?”
tanong niya sa kanila.
“Tinatawag ninyo akong Guro at Panginoon,
at tama kayo, sapagkat ako nga.
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM SA PAGHAHAPUNAN NG PANGINOON 65

Kung akong Panginoon ninyo at Guro


ay naghugas ng inyong mga paa,
dapat din kayong maghugasan ng paa.
Binigyan ko kayo ng halimbawa
at ito’y dapat ninyong tularan.”
Sa katapusan, ihahayag niya:

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Magbubunyi ang lahat:

Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

HOMILIYA
Kasunod ng homiliyang tungkol sa mga pangunahing misteryo na ginugunita sa Misang ito:
ang pagtatatag ng Eukaristiya, ang pagtatatag ng Pagpapari, at ang pagmamahal-kapatid sa
kapwa tao na siyang Bagong Utos ni Kristo, kapag makakabuti sa mga nagsisimba, gaganapin
ang paghuhugas ng mga paa.

PAGHUHUGAS NG MGA PAA


Ang mga pinili para rito ay ihahatid ng mga tagapaglingkod sa mga inihandang upuan sa
angkop na pook. Ang pari (na maaaring mag-alis ng kasulya kung kailangan) ay lalapit sa
bawa’t huhugasan, magbubuhos siya ng tubig sa mga paa ng mga huhugasan sa tulong ng mga
tagapaglingkod niya, at siya ang magpapahid ng tuwalya sa nahugasang mga paa.

Samantalang ito’y ginagawa, aawitin ang mga sumusunod na taludtod o iba pang nababagay na
awit.
66 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

PANALANGIN NG BAYAN
Pagkatapos ay gaganapin ang panalangin ng bayan o panalanging pangkalahatan.

Aanyayahan ng pari ang mga sambayanan:

Sa Huling Hapunan inihabilin ni Hesus sa Simbahan


ang pag-alala sa kanyang kamatayan at muling pagkabuhay
upang maipagdiwang ito magpakailanman.
Samahan natin si Hesus at buong pagtitiwala tayong manalangin sa
Ama.

T. Panginoon dinggin mo ang iyong bayan.

Nawa ang Santa Iglesiya


sa pagdiriwang at pagsasabuhay ng Banal na Eukaristiya
ay lagi siyang makapagpatotoo sa mga aral
at pag-ibig ni Kristo sa lahat ng tao.
Manalangin tayo sa Panginoon.

T. Panginoon dinggin mo ang iyong bayan.

Nawa ang Santo Papa, mga obispo, mga pari’t diyakono


sa pamamagitan ng Eukaristiya
ay patuloy na palakasin at pasiglahin ng Panginoon
at manatili silang tapat sa tungkuling ipinagkatiwala sa kanila.
Manalangin tayo sa Panginoon.

T. Panginoon dinggin mo ang iyong bayan.

Nawa makita at maisabuhay ng mga pinuno ng ating bansa


ang turo at halimbawa ni Hesus sa paglilingkod sa kapwa
nang walang pag-iimbot.
Manalangin tayo sa Panginoon.

T. Panginoon dinggin mo ang iyong bayan.


PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM SA PAGHAHAPUNAN NG PANGINOON 67

Nawa ang mga nahaharap sa mga tukso at pagsubok


ay maging matatag at malakas
ayon sa halimbawa ng katapatan ni Kristo sa Ama.
Manalangin tayo sa Panginoon.

T. Panginoon dinggin mo ang iyong bayan.

Nawa magkaroon ng agarang lunas


sa coronavirus pandemic na nagpapahirap sa marami,
upang hilumin na ng Panginoon ang mga maysakit,
bigyan ng sapat na lakas ang mga kumakalinga sa kanila
at tulungan tayong magsumikap sa pananampalataya.
Manalangin tayo sa Panginoon.

T. Panginoon dinggin mo ang iyong bayan.

Para sa kapayapaan sa mundo at para sa mga nagdurusa


dahil sa kalupitan ng digmaan lalo na sa Ukraine,
ipag-adya nawa ng Diyos ang mundo mula sa lahat ng karahasan
at hindi tamang paggamit sa kapangyarihan
upang ang lahat ay mamuhay nang may kapanatagan at kalayaan.
Manalangin tayo sa Panginoon.

T. Panginoon dinggin mo ang iyong bayan.

Nawa ang mga namatay


na nakibahagi sa Katawan at Dugo ni Kristo
ay makiisa sa walang hanggang buhay
na ipinangangako sa Eukaristiya.
Manalangin tayo sa Panginoon.

T. Panginoon dinggin mo ang iyong bayan.


68 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

Wawakasan ng pari ang panalangin:

Ama,
sa tuwing ipinagdiriwang namin sa Eukaristiya ang alaala ng krus,
inaalala namin ang tagubilin ni Hesukristong iyong Anak.
Samahan mo kami sa panahong iyon
upang ikaw ay makakapiling namin
magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM SA PAGHAHAPUNAN NG PANGINOON 69

PAGTANGGAP SA MGA BANAL NA LANGIS


Pagkatapos ng Panalangin ng Bayan, habang nakaupo ang lahat, dadalhin sa dambana ang
mga banal na langis. Ang Langis para sa Maysakit ay dadalhin ng isang piniling parokyano na
maysakit. Ang Banal na Krisma ay dadalhin ng isang parokyano na inatasan para sa gawaing ito.
Tangan ng dalawang tagapaglingkod ang kandila na siyang susundo sa mga may dala ng Banal
na Langis sa may gawing pinto ng Simbahan.

Iaalay sa pari ang Langis para sa Maysakit at ipahahayag:

Narito po ang Langis para sa mga Maysakit.


Ipamamalas ito ng pari sa mga tao at sasabihin:

Maranasan nawa ng mga may karamdaman


na papahiran ng langis na ito
ang awa, pakikiramay at mapanligtas na pagmamahal ni Kristo,
sa kanilang katawan, isip at kaluluwa.
Sasagot ang mga tao ng pagbubunyi:

Kapuri-puri ang Poong Maykapal!


Ngayon at magpakailanman!
Iaalay sa pari ang Banal na Krisma at ipahahayag:

Narito po ang Banal na Krisma.


Ipamamalas ito ng pari sa mga tao at sasabihin:

Ang mga papahiran ng mahalimuyak na Krismang ito:


ang mga bibinyagan at kukumpilan;
mga oordinahang pari,
ay makaranas nawa ng biyaya ng Espiritu Santo.
Sasagot ang mga tao ng pagbubunyi:

Kapuri-puri ang Poong Maykapal!


Ngayon at magpakailanman!
70 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN


Sa pagsisimula nito, makapagpuprusisyon ang mga tao na nag-aalay ng makatutulong sa mga
dukha. Samantalang ito’y ginagawa, aawitin ang sumusunod o ibang naaangkop na awit.

Pagkatapos, ilalagay ng mga tagapaglingkod ang telang patungan ng Katawan ni Kristo, ang
pamahiran, ang kalis, at ang Aklat ng Pagmimisa sa ibabaw ng dambana.

Ngayon nama’y tatayo ang Pari sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya ang pinggan ng
tinapay nang bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya nang pabulong:

K apuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.


Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito
para maging pagkaing nagbibigay-buhay.
Ilalapag niya ang pinggan ng tinapay sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal nang
malakas ng Pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!


Ang diyakono o ang pari ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang dinarasal
nang pabulong:

Sa paghahalong ito ng alak at tubig


kami nawa’y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo
na nagpagindapat makihati sa aming pagkatao.
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM SA PAGHAHAPUNAN NG PANGINOON 71

Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng Pari ang kalis nang bahagyang nakaangat
sa dambana habang dinarasal niya nang pabulong:

K apuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.


Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa katas ng ubas at bunga ng aming paggawa ang alak na ito
para maging inuming nagbibigay ng iyong Espiritu.
Illapag niya ang kalis sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal nang
malakas ng Pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!


Pagkatapos, yuyuko ang Pari habang dinarasal niya nang pabulong:

Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kaming mga makasalanan.


Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilang handog
upang kami’y matutong sumunod sa iyo nang buong puso.
Kung minamabuting gawin, iinsensuhan ng pari ang mga alay at ang dambana; pagkaraa’y
iinsensuhan ng diyakono o ng tagapaglingkod ang pari at ang mga nagsisimba.

Pagkatapos, ang pari’y pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga kamay
samantalang pabulong niyang dinarasal:

O Diyos kong minamahal,


kasalanan ko‘y hugasan
at linisin mong lubusan
ang nagawa kong pagsuway.
72 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

Pagbalik ng pari sa gawing gitna ng dambana, ilalahad niya ang kanyang mga kamay sa mga tao
at muli niyang pagdaraupin habang kanyang ipinahahayag:

Manalangin kayo, mga kapatid,


upang ang paghahain natin ay kalugdan
ng Diyos Amang makapangyarihan.
Sasagot ang mga tao:

Tanggapin nawa ng Panginoon


itong paghahain sa iyong mga kamay
sa kapurihan niya at karangalan
sa ating kapakinabangan
at sa buong Sambayanan niyang banal.

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY


Pagkaraa’y, ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at darasalin:

A ma naming Lumikha,
ipagkaloob mong marapat na ganapin
ang banal na paghahain
sapagka’t tuwing ipinagdiriwang
ang alaala ng Anak mong nag-aalay,
ang pagliligtas niya sa tanan
ay nangyayari upang aming pakinabangan
sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga nagsisimba bilang pagbubunyi:

Amen.
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM SA PAGHAHAPUNAN NG PANGINOON 73

PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT

P. Sumainyo ang Panginoon.


B. At sumaiyo rin.

P. Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.


B. Itinaas na namin sa Panginoon.

P. Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.


B. Marapat na siya ay pasalamatan.

A ma naming makapangyarihan,
tunay ngang marapat
na ikaw ay aming pasalamatan
sa pamamagitan ni Hesukristo
na aming Panginoon.

Siya ang talagang dakila at lagi mong ikinalulugod


na paring naghahain para sa sansinukob
nitong pag-aalay na tangi mong ibinukod.
Ang pagdiriwang sa Huling Hapunan
ay paghahain niya para sa tanan
upang alalahanin namin at pagsaluhan.
Ang laman niya’y inihain
upang lahat ay buhayin.
Ang dugo niya’y dumanak
nang lahat ay mapatawad.

Kaya kaisa ng mga anghel


na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:
74 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

SANTO

Santo, Santo, Santo Panginoong Diyos ng mga hukbo!


Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo!
Osana sa kaitaasan!
Pinagpala ang mga naparirito sa ngalan ng Panginoon!
Osana sa kaitaasan!
Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

A ma naming maawain,
ipinaaabot namin ang pasasalamat sa iyo
sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo.
Pagdaraupin ng pari ang kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis, samantalang kanyang
dinarasal:

Ipinakikiusap namin sa pamamagitan ng Anak mong ito


na ang mga kaloob namin ay tanggapin at basbasan mo X
sa pagdiriwang namin ng paghahain niya sa iyo.
Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

Iniaalay namin ito sa iyo, unang-una


para sa iyong banal na Simbahang Katolika.
Pagkalooban mo ng kapayapaan at pagkupkop,
pagkakaisa at pagtataguyod,
ang mga kaanib nito sa sansinukob,
kaisa ng aming Papa Francisco, na iyong lingkod,
kasama ng aming Obispo N.,
at ng lahat ng nananalig at nagpapalaganap
sa pananampalatayang Katoliko
na galing sa mga apostol.
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM SA PAGHAHAPUNAN NG PANGINOON 75

PAG-ALALA SA MGA NABUBUHAY SA DAIGDIG


Isang nakikipagmisa
Ama namin iyong alalahanin
ang iyong mga anak na ngayo’y aming idinadalangin: N. at N.
Sila’y saglit na ipagdarasal ng pari nang may magkadaop na mga kamay. Pagkatapos, ang pari ay
patuloy na magdarasal nang nakalahad ang mga kamay.

Ang aming pananampalataya ay nababatid mo


gayun din ang pagsisikap naming maging tapat sa iyo.
Ang paghahaing ito ng pagpupuri ay aming iniaalay
para sa kapakanan namin at ng mga mahal namin sa buhay,
para sa aming kalusugan at walang hanggang kaligtasan,
sa pagdulog namin sa iyong kadakilaan,
Diyos na totoo at nabubuhay kailanman.
PAG-ALALA SA MGA BANAL
Isang nakikipagmisa
Kaisa ng buong Simbahan
ngayo’y aming ipinagdiriwang
ang dakilang kapistahan ng ginawang paghahain
ng aming Panginoong Hesukristo para sa amin.
Pinararangalan namin ngayon, unang-una
ang Ina ng Diyos at Panginoon naming Hesukristo,
si Maria na maluwalhating laging Birhen,
gayundin ang kanyang kabiyak ng pusong si San Jose,
ang iyong pinagpalang mga apostol at martir
na sina Pedro, Pablo at Andres,
(sina Santiago, Juan,
Tomas, Santiago, Felipe,
Bartolome, Mateo,
Simon at Tadeo;
gayundin sina Lino, Cleto, Clemente, Sixto,
Cornelio, Cipriano,
Lorenzo, Crisogono,
Juan at Pablo,
Cosme at Damian)
at ang lahat ng iyong mga banal.
76 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

Pakundangan sa kanilang ginawang mga kabutihan


at walang sawang pagdalangin para sa aming kapakanan,
kami ay lagi mong kalingain at ipagsanggalang.
(Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo. Amen)
Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

Ama namin, iyong tanggapin


ang handog na ito ng iyong buong
angkan sa pag-alala sa dakilang araw
ng paghahain ng Katawan at Dugo
ng aming Panginoong Hesukristo
upang pagsaluhan ng mga alagad.
Loobin mong kami’y makapamuhay
araw-araw sa iyong kapayapaan.
Huwag mong ipahintulot na kami
ay mawalay sa iyo kailan pa man.
Ibilang mo kami sa iyong mga hinirang.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

(Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo. Amen.)


PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM SA PAGHAHAPUNAN NG PANGINOON 77

Lulukuban ng mga kamay ng pari ang mga alay habang siya’y nagdarasal.

A ma namin,
basbasan mo ang mga handog naming ito.
Marapatin mong sambahin ka namin
sa Espiritu at katotohanan,
kaya para sa amin
ito ay gawin mong maging Katawan at Dugo
ng pinakamamahal mong Anak,
ang aming Panginoong Hesukristo.
Paggdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

Noong bisperas ng kanyang pagpapakasakit


para kami at ang lahat ng tao ay masagip,
nakisalo siya ngayon sa mga alagad niyang iniibig.
Hahawakan ng pari ang tinapay nang bahagyang nakataas habang kanyang patuloy na
inihahayag:

Hinawakan ni Hesus ang tinapay


sa kanyang banal at kagalang-galang na mga kamay.
Ang pari ay titingala.

Tumingala siya sa langit,


sa iyo, Diyos Ama niyang makapangyarihan,
at nagpasalamat siya sa iyo.
Pinaghati-hati niya ang tinapay,
iniabot sa kanyang mga alagad
at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang pari.

T ANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:


ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.
lpamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan ni Kristo, ipapatong niya ito sa
pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba.
78 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

Ang pari ay magpapatuloy.

Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,


Hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang
patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang kalis na ito ng pagpapala


sa kanyang banal at kagalang-galang na mga kamay,
muIi ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad
at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang pari.

T ANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.

GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.


Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan ni Kristo, at
luluhod siya bilang pagsamba. Pagkatapos, ipahahayag ng pari:

Pagkatapos, ipahahayag ng pari:

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.


Ang mga tao ay magbubunyi:

Aming ipinahahayag
na namatay ang ‘yong Anak,
nabuhay bilang Mesiyas
at magbabalik sa wakas
para mahayag sa lahat.
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM SA PAGHAHAPUNAN NG PANGINOON 79

Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal:

A ma,
kaming mga lingkod mo
at bumubuo sa iyong bayang banal
ay nagdiriwang sa alaala ni Kristo
na iyong Anak at aming Panginoon.
Ginugunita namin
ang kanyang dakilang pagpapakasakit
ang pagbangon niya mula sa kamatayan,
at ang matagumpay na pag-akyat niya sa kalangitan.
Kaya mula sa mga biyayang sa iyo rin nanggaling
inihahandog namin sa iyong kataas-taasang kamahalan
ang paghahaing ito na katangi-tangi at dalisay:
ang pagkaing nagbibigay-buhay kailanman
at ang inuming nagbibigay-kagalingang walang katapusan.

Masdan mo nang buong kasiyahan ang aming mga alay na ito.


Ganapin mo sa mga ito ang ginawa mo
sa mga handog ni Abel, ang lingkod na matapat sa iyo.
sa paghahain ni Abraham, na ama namin
sa pananampalatayang totoo,
at sa inihandang tinapay at alak ni Melkisedek,
na paring hirang mo.
Paunlakan mo ngayong tanggapin
ang banal at dalisay na paghahain.
80 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

Yuyuko ang pari at magdarasal siyang magkadaop ang mga kamay:

Makapangyarihang Diyos,
hinihiling naming iyong ipaakyat sa banal mong anghel
ang mga alay na ito sa dakilang dambanang nasa iyong harap
upang sa pagsasalo sa banal na Katawan at Dugo ng iyong Anak
sa pakikinabang namin ngayon dito sa banal mong hapag
Tatayo nang tuwid ang pari at magkukrus samantalang nagdarasal:

kami ay mapuspos ng iyong pagpapala at tanang pagbabasbas.


Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

(Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo. Amen.)


PAG-ALALA SA MGA YUMAO SA DAIGDIG

Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.


Isang nakikipagmisa
Ama namin, iyo ring alalahanin
ang mga anak mong naunang yumao sa amin
sa paghimlay sa iyong kapayapaan
yamang ang tatak ng pananampalataya ay kanilang taglay
at sila ngayo’y aming ipinagdarasal N. at N.
Sila’y saglit na ipagdarasal ng pari nang may magkadaop na mga kamay. Pagkatapos, ang pari ay
patuloy na magdarasal nang nakalahad ang mga kamay.

Sila at ang tanang nahihimlay sa kandungan ni Kristo


ay aming idinadalangin sa iyo
upang iyong pagbigyang makarating
sa pagsasalo, pagliliwanag at pamamahinga sa iyong piling.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

(Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo. Amen.)


PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM SA PAGHAHAPUNAN NG PANGINOON 81

Dadagukan ng kanang kamay ng pari ang kanyang dibdib habang siya ay nagsisimulang magdasal.
Isang nakikipagmisa
Kahit kami ay mga makasalanan mong lingkod
kami rin ay nagtitiwala
sa iyong nag-uumapaw na pagkamapagbigay
sa aming pamumuhay araw-araw.
Kaya pagindapatin mo ring kami
ay makaugnay at makapiling
ng iyong mga banal na apostol at martir,
kasama nina Juan Bautista, Esteban,
Matias, Bernabe,
(Ignacio, Alejandro,
Marcelino, Pedro,
Felicidad, Perpetua,
Agata, Lucia,
Agnes, Cecilia, Anastacia)
at ng lahat ng iyong mga banal.
Kami nawa’y makapisan nila
hindi dahil sa aming ginagawang kabutihang
kulang na kulang
kundi pakundangan sa iyong pagpupuno
sa aming kakulangan.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo. Amen.


82 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

At patuloy siyang magdarasal.

Sa kanyang pamamagitan
ang tanang mabubuting kaloob mong ito
ay lagi mong pinaiiral, pinababanal,
binubuhay, binabasbasan
at sa amin ibinibigay.
Hahawakan ng pari ang pinggang may ostiya at ang kalis at kapwa niya itataas habang kanyang
ipinahahayag:

S A PAMAMAGITAN NI KRISTO, KASAMA NIYA, AT SA KANYA


ANG LAHAT NG PARANGAL AT PAPURI AY SA IYO,
DIYOS AMANG MAKAPANGYARIHAN,
KASAMA NG ESPIRITU SANTO
MAGPASAWALANG HANGGAN.
Ang mga tao ay magbubunyi:

Amen.
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM SA PAGHAHAPUNAN NG PANGINOON 83

ANG PAKIKINABANG
Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng pari nang may magkadaop na mga
kamay:

S a tagubilin ng mga nakagagaling na utos


at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos
ipahayag natin nang lakas-loob:
Illalahad ng pari ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng lahat

Ama namin, sumasalangit ka.


Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo
dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan mo kami ngayon


ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga sala
para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal:

Hinihiling naming
kami’y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
iIigtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.
84 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang panalangin sa
ganitong pagbubunyi:

Sapagkat iyo ang kaharian


at ang kapangyarihan at ang kapurihan
magpakailanman! Amen.
Pagkatapos, malakas na darasalin ng paring nakalahad ang mga kamay:

P anginoong Hesukristo,
sinabi mo sa iyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming pananampalataya
at huwag ang aming pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.


Sasagot ang mga tao:

Amen.
Ang pari’y paharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop ng mga kamay sa pagpapahayag.

Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.


Sasagot ant mga tao:

At sumaiyo rin.
Maidaragdag, kung minabuti, ang paanyayang ipahahayag ng diyakono o ng pari:

Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.


At, alinsunod sa kaugalian ng iba’t-ibang pook, ang mga nagsisimba ay mabigbigyan ng
kapayapaan. Ang pari at ang mga tagapaglingkod ay makapagbibigayan ng kapayapaan.
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM SA PAGHAHAPUNAN NG PANGINOON 85

Pagkatapos, hahawakan ng pari ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw ng pinggan at
isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:

Sa pagsasawak na ito
ng Katawan sa Dugo ng aming Panginoong Hesukristo
tanggapin nawa namin sa pakikinabang
ang buhay na walang hanggan.

Samantalang ginaganap ang paghahati-hati sa ostiya, aawitin o darasalin ang pagluhog na ito.

Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.
Ito ay mauulit-ulit habang ginaganap ang paghahati-hati sa tinapay. Sa huling pag-uulit saka pa
lamang idurugtong ang “ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.”

Magkadaop ang mga kamay ng pari sa pabulong na pagdarasal:

Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay,


sa kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo,
binuhay mo sa iyong pagkamatay ang sanlibutan.
Pakundangan sa iyong banal na Katawan at Dugo,
iadya mo ako sa tanang aking kasalanan at lahat ng masama,
gawin mong ako’y makasunod lagi sa iyong mga utos,
at huwag mong ipahintulot na ako’y mawalay sa iyo kailanman.
86 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

o kaya:

Ang pakikinabang sa Katawan at Dugo mo,


Panginoong Hesukristo,
ay huwag nawang magdulot ng paghuhukom
at parusa sa kasalanan ko.
Alang-alang sa iyong dakilang pag-ibig
nawa’y aking matanggap
ang pagkupkop mo sa akin at kaloob mong lunas.
Luluhod ang pari at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa ibabaw ng
pinggan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi ng malakas:

Ito ang Kordero ng Diyos.


Ito ang nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.
Idurugtong niyang minsanan kaisa ng sambayanan:

Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo


ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.
Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na nagdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.

Pagkatapos, hahawakan ng pari ang kalis at pabulong na magdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM SA PAGHAHAPUNAN NG PANGINOON 87

Hahawakan niya ang pinggan o lalagyan ng ostiya at lalapitan niya ang mga nakikinabang,
bahagyang itataas ang ostiya para sa bawat nakikinabang habang sinasabi:

Katawan ni Kristo.
Ang nakikinabang ay tutugon:

Amen.
Ganito rin ang gagawin ng diyakono na nagdudulot ng pakinabang.

Samantalang nakikinabang ang pari, sisimulan ang awit sa pakikinabang.

Pagkapakinabang, ang lalagyan ng mga ostiya para sa Biyernes Santo ay hahayaang nakapatong
sa dambana.

Ang mga mumo ng ostiya na nasa pinggan ay titipunin sa kalis na huhugasan ng pari o ng
diyakono o ng tagapaglingkod. Habang ito ay ginaganap ng pari, pabulong siyang magdarasal:

Ama naming mapagmahal,


ang aming tinanggap ngayon ay amin nawang mapakinabangan
at ang iyong ipinagkaloob ay magdulot nawa sa amin
ng kagalingang pangmagpakailanman.

Makababalik ngayon sa upuan ang pari. Makapag-uukol ng ilang saglit na katahimikan o


makaaawit ng papuri o salmo.

Ang Misa ay wawakasan sa Panalangin Pagkapakinabang.


88 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Pagkaraan, ang pari ay titindig sa harap ng upuan o sa gawi ng dambana paharap sa mga
nagsisimbang magpapahayag:

Manalangin tayo.
Kung di pa nagaganap ang tahimik na pagdalangin, ito ay gagawin ngayon, at pagkaraan,
ipahahayag ng paring nakalahad ang mga kamay:

A ma naming mapagmahal,
ipagkaloob mong sa aming pakikinabang
sa ipinagdiwang ditong Hapunan ng Anak mong mahal
kami’y pagindapating makasalo kailanman
sa piging sa iyong piling sa kalangitan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Ang sambayanan ay tutugon:

Amen.
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM SA PAGHAHAPUNAN NG PANGINOON 89

PRUSISYON NG BANAL NA SAKRAMENTO


Pagkatapos ng panalangin, luluhod ang pari sa harap ng dambana at lalagyan niya ng insenso
ang insensaryo. Samantalang siya’y nakaluhod, iinsensuhan niya nang tatlong ulit ang Banal
na Sakramento. Pagkaraa’y ilalagay sa balikat niya ang balabal na ang dulo ay gagamitin niya
upang takpan ang lalagyan ng mga ostiya na kanyang dadalhin sa prusisyon.

Ang Banal na Sakramento ay ipuprusisyon sa loob ng simbahan sa pangunguna ng tagapagdala


ng krus na napapagitnaan ng mga tagapagdala ng kandila at sinusundan ng tagapagdala ng
insensaryo. Ang prusisyon ay paroroon sa paglalagakan ng Sakramento; ang pook na ito’y
dapat na isang kapilya sa loob ng simbahan at napapalamutian ng nababagay na gayak para sa
pagkakataong ito. Sa pagpuprusisyon, ang awit na “Pange Lingua” (maliban sa dalawang huling
taludtod) o iba pang awit tungkol sa Katawan ni Kristo ay aawitin.

Pagsapit ng prusisyon sa paglalagakan, ipapatong ng pari sa dambana ang lalagyan ng


Sakramento. Muli siyang maglalagay ng insenso sa insensaryo. Samantalang siya’y nakaluhod,
iinsensuhan niya ang Sakramento habang inaawit ang “Tantum Ergo.” Pagkatapos nito’y isasara
ang pinto ng tabernakulong pinaglalagakan ng Sakramento.

Matapos ang saglit na pagsambang matahimik at pagkaluhod ng pari at ng mga tagapaglingkod,


sila ay babalik sa bihisan.

Ang dambana ay aalisan ng takip at kung maaari, ang lahat ng mga krus sa simbahan ay itatago.
Iminumungkahing takpan ang mga krus na hindi maaalis sa kinalalagyan.

Ang Panalanging Pangtakipsilim ay hindi gaganapin ng mga nakiisa sa Misang Pangtakipsilim.

Ang mga tao ay dapat akiting magpatuloy sa pagsamba sa Banal na Sakramento sa kaukulang
oras sa gabing ito, alinsunod sa kaugaliang umiiral, nguni’t ang maringal na pagsamba ay hindi
dapat ipagpatuloy paglampas ng hatinggabi.
PAGDIRIWANG SA PAGPAPAKASAKIT
NG PANGINOON
Biyernes Santo
Matagal nang kaugalian ng Simbahan ang hindi pagdiriwang ng mga sakramento ngayon at
bukas maliban sa mga Sakramento ng Pakikipagkasundo sa Diyos at Pagpapahid ng Langis sa
Maysakit.

Susundin ang nakagawiang daloy ng Pagdiriwang sa Pagpapakasakit ng Panginoon na makikita


sa Aklat ng Pagmimisa sa Roma.

Sa Pagpapahayag ng Pagpapakasakit ng Panginoon, susundin natin ang nakaugalian na paraan


kung saan maaaring magtalaga ng mga lektor para sa iba’t ibang bahagi ng pagpapahayag ngunit
mananatili pa rin sa paring tagapagdiwang ang mga bahagi ng kay Hesus.

Maidaragdag sa Panalanging Pangkalahatan ang mga panalangin para sa mga biktima ng


Covid-19, mga kumakalinga sa mga maysakit, mga “frontliners” at mga pumanaw dulot ng
Covid-19. Maaari rin maidagdag ang mga panalangin para sa nalalapit na pambansa at panglokal
na halalan.

Tanging ang paring tagapagdiwang lamang ang hahalik sa krus sa Pagpaparangal sa Krus. Ang
mga tao ay magbibigay-galang sa pamamagitan ng pagluhod ng kanang tuhod or sa pamamagitan
ng pagyuko sa krus. Iminumungkahi na magkaroon ng mga tagapaglingkod na magbabantay sa
krus upang maiwasan ang paghalik o paghwak ng mga tao.

Dito lamang sa pagdiriwang ngayon maaaring makinabang ang mga tao, nguni’t maaaring
hatidan ng pakikinabang ang mga maysakit kahit anong oras maghapon yayamang sila’y hindi
makadadalo sa pagdiriwang na ito.

Ang dambana ay walang anumang mantel, kandila, at krus.


92 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

PAGDIRIWANG SA PAGPAPAKASAKIT
NG PANGINOON
Gaganapin sa ikatlo ng hapon ang pagdiriwang sa pagpapakasakit ng Panginoon. May tatlong
yugto ang pagdiriwang ngayon: pagpapahayag ng Salita ng Diyos, pagpaparangal sa krus na
banal at pakikinabang.

Ang pari at ang mga tagapaglingkod na kaanib sa banal na orden ay magsusuot ng damit pang-
Misa na kulay pula. Paroroon sila sa dako ng dambana, magbibigay galang dito, at magpapatirapa
o luluhod. Ang lahat ay tahimik na mananalangin.

PANALANGIN
Pagkatapos nito, paroroon ang pari at ang mga tagapaglingkod sa kanilang upuan. Haharap sa
mga tao ang pari at ipahahayag nang magkadaop ang mga kamay ang isa sa mga sumusunod na
panalangin. Hindi ito pangungunahan ng “Manalangin tayo.”

A ma naming makapangyarihan,
alalahanin mo ang iyong awa at pagmamahal
at sa iyong paglingap gawin mong banal kaming lahat
na siyang dahilan kaya’t dugo’y dumanak
mula sa iyong nagpakasakit na Anak
upang pagsaluhin kami
sa piging ng Pagkabuhay na kanyang itinatag
bilang aming Tagapamagitan kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao ng pagbubunyi:

Amen.
PAGDIRIWANG SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 93

o kaya:

A ma naming makapangyarihan,
winakasan mo sa pagpapakasakit ng iyong Anak
ang kamatayang bunga ng minanang kasalanang
kinasangkutan ng lahat.
Sa aming pagkakawangis bilang mga tao
sa iyong nagkatawang-taong Anak na si Kristo
ipagkaloob mong kami’y maging kanyang kaparis
sa pagkabuhay na dulot ng iyong pag-ibig
sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao ng pagbubunyi:

Amen.
94 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

UNANG PAGBASA
Isaias 52:13—53:12
Dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan.

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

S inabi ng Panginoon,
“Ang lingkod ko’y magtatagumpay sa kanyang gawain,
mababantog siya at dadakilain.
Marami ang nagitla nang siya’y makita,
dahil sa pagkabugbog sa kanya’y
halos di makilala kung siya’y tao.
Ngayo’y marami rin ang mga bansang magugulantang;
pati mga hari pag siya’y nakita ay matitigilan,
makikita nila ang di nabalita kahit na kailan,
at mauunawa ang di pa narinig ninuman!”
Sagot ng mga tao,
“Sino ang maniniwala sa ibinabalita naming ito?
Sino ang makapagpapatunay
na pinahihintulutan ito ng Panginoon?
Kalooban ng Panginoon na ang kanyang lingkod
ay matulad sa isang halamang natanim sa tuyong lupa,
walang katangian o kagandahang makatawag-pansin,
wala siyang taglay na pang-akit para lapitan siya.
Hinamak siya ng mga tao at itinakwil.
Nagdanas siya ng sakit at hirap.
Wala man lang nagtapon ng sulyap sa kanya.
Hindi natin siya pinansin, para siyang walang kabuluhan.
Tiniis niya ang hirap na tayo ang dapat magbata,
gayon din ang kirot na tayo sana ang lumasap;
akala natin ang dinanas niya’y parusa sa kanya ng Diyos.
PAGDIRIWANG SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 95

Dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan;


Siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan.
Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na tinamo niya
at sa mga hampas na kanyang tinanggap.
Tayong lahat ay parang mga tupang naligaw;
nagkanya-kanya tayo ng lakad.
Ngunit inibig ng Panginoon na sa kanya ipataw
ang parusang tayo ang dapat tumanggap.
Siya ay binugbog at pinahirapan,
ngunit di tumutol kahit kamunti man;
tulad ay korderong hatid sa patayan,
parang mga tupang hindi tumututol kahit na gupitan,
ni hindi umimik kahit gaputok man.
Nang siya’y hulihin, hatulan at dalhin sa dakong patayan,
wala mang nangahas na ipagsanggalang,
wala man lang dumamay.
Siya ay pinatay dahil sa sala ng sangkatauhan.
Siya’y inilibing na kasama ng masasama at mayayaman,
bagaman wala siyang kasalanan
o nagsabi man ng kasinungalingan.
Sinabi ng Panginoon,
“Ang kanyang paghihirap ay kalooban ko;
inihandog niya ang sarili upang sa pamamagitan noon
ay magkaroon ng kapatawaran.
Dahil dito’y mabubuhay siya nang matagal,
makikita ang lahing susunod sa kanya.
At sa pamamagitan niya’y
maisasagawa ang aking panukala.
pagkatapos ng pagdurusa,
lalasap siya ng ligaya,
malalaman niyang hindi nawalan ng kabuluhan
ang kanyang pagtitiis.
96 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

Ang aking tapat na lingkod at lubos kong kinalulugdan


ang siyang tatanggap sa parusa ng marami
at alang-alang sa kanya sila’y aking patatawarin.
Dahil dito siya’y aking pararangalan,
kasama ng mga dakila;
pagkat kusang-loob niyang ibinigay ang sarili
at nilasap ang kaparusahan ng masasama.
Inako niya ang mga makasalanan
at idinalanging sila’y patawarin.
Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:

Ang Salita ng Diyos.


Sasagot ang lahat:

Salamat sa Diyos.
PAGDIRIWANG SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 97

SALMONG TUGUNAN
Salmo 21:8-9. 17-18. 19-20. 23-24

T. Ama, sa mga kamay Mo,


habilin ko ang buhay ko.

Sa iyo, O Poon, ako’y lumalapit


upang ingatan mo, nang hindi malupig;
sa mga kamay mo habilin ko’y buhay ko
Tagapagligtas kong tapat at totoo.

T. Ama, sa mga kamay Mo,
habilin ko ang buhay ko.

Lahat kong kaaway ay humahalakhak,


pati kapitbahay ako’y hinahamak;
dating kakilala ay nagsisiilag,
kung masalubong ko ay nagsisiiwas.
Nilimot na akong tulad ng namatay,
di na pinapansin, parang yagit lamang.

T. Ama, sa mga kamay Mo,


habilin ko ang buhay ko.

Subalit, O Poon, ang aking tiwala


ay nasasaiyo, Diyos na dakila!
Sa iyong kalinga, umaasa ako,
laban sa kaaway ay ipagtatanggol mo;
At sa umuusig na sinumang tao.

T. Ama, sa mga kamay Mo,


habilin ko ang buhay ko.
98 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

Itong iyong lingkod, sana ay lingapin,


ingatan mo ako’t iyong pagpalain;
iligtas mo ako at iyong sagipin,
tanda ng pag-ibig na di nagmamaliw!
O magpakatatag ang mga nilikha,
lahat ng sa Poon ay nagtitiwala.

T. Ama, sa mga kamay Mo,


habilin ko ang buhay ko.
PAGDIRIWANG SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 99

IKALAWANG PAGBASA
Hebreo 4:14-16; 5:7-9\
Natutuhan niya ang tunay na kahulugan ng pagsunod
at siya’y naging Tagapagligtas ng lahat ng sumusunod sa kanya.

Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo

M ga kapatid:
Magpakatatag tayo sa ating pananampalataya,
yamang mayroon tayong dakilang saserdote
na pumasok sa kalangitan sa harapan ng Diyos,
walang iba kundi si Hesus na Anak ng Diyos.
Ang dakilang saserdote nating ito
ay nakauunawa sa ating mga kahinaan
sapagkat sa lahat ng paraa’y tinukso siyang tulad natin,
ngunit hindi nagkasala.
Kaya’t huwag na tayong mag-atubiling
lumapit sa trono ng mahabaging Diyos,
at doo’y kakamtan natin ang habag
at kalinga sa panahong kailangan natin ito.

Noong si Hesus ay namumuhay dito sa lupa,


siya’y dumalangin at lumuluhang sumamo sa Diyos
na makapagliligtas sa kanya sa kamatayan.
At dininig siya dahil sa lubusan siyang nagpakumbaba.
Bagamat siya’y Anak ng Diyos,
natutuhan niya ang tunay na kahulugan
ng pagsunod sa pamamagitan ng pagtitiis.
At nang maganap na niya ito,
siya’y naging walang hanggang Tagapagligtas
ng lahat ng sumusunod sa kanya.
Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:

Ang Salita ng Diyos.


Sasagot ang lahat:

Salamat sa Diyos.
100 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA


Filipos 2:8-9

Masunuring Kristo Hesus


naghain ng buhay sa krus,
kaya’t dinakila ng D’yos
binigyan ng ngalang tampok
sa langit at sansinukob.

ANG PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON


Juan 18:1—19:42
Ang Pagpapakasakit ng ating Panginoong Hesukristo.

Ang pagpapakasakit ng Panginoon ay ipahahayag nang walang nakapaligid na kandila at pag-


iinsenso, wala ring pagbati at pagkukrus. Ang gaganap ng pagpapahayag ay ang diyakono o ang
pari kapag walang diyakono. Magagampanan din ito ng mga ibang tagapaglahad ng mga pagbasa
at kung maaari ang mga pangungusap ni Kristo ay aakuin ng pari.

Kung diyakono ang magpapahayag, hihilingin niyang siya’y gawaran ng pagpapala ng pari
alinsunod sa ginagawa bago ipahayag ang Mabuting Balita.

X Ang Pagpapakasakit ng ating Panginoong Hesukristo


ayon kay San Juan
Noong panahong iyon:
Tagapagsalaysay:
Umalis si Hesus kasama ang kanyang mga alagad.
Pumunta sila sa ibayo ng batis Cedron
at pumasok sa isang halamanan doon.
Ang lugar na ito’y alam ni Judas
na nagkanulo sa kanya,
sapagkat madalas magpunta roon si Hesus
at ang kanyang mga alagad.
Pumaroon si Judas,
kasama ang ilang bantay sa templo
at isang pangkat ng mga kawal
na padala ng mga punong saserdote at mga Pariseo.
May dala silang mga parol, sulo at sandata.
Alam ni Hesus ang lahat ng mangyayari sa kanya,
kaya’t sila’y sinalubong niya at tinanong,
PAGDIRIWANG SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 101

Hesus: “Sino ang hinahanap ninyo?”

Taong-Bayan: “Si Hesus na taga-Nazaret,”

tugon nila.
Tagapagsalaysay:
Sinabi niya,

Hesus: “Ako si Hesus.”

Tagapagsalaysay: Kaharap nila si Judas na nagkanulo sa kanya.


Nang sabihin ni Hesus na siya nga,
napaurong sila at nabuwal sa lupa.
Muli siyang nagtanong,

Hesus: “Sino nga ba ang hinahanap ninyo?”

Taong-Bayan: “Si Hesus na taga-Nazaret,”

Tagapagsalaysay: sagot nila.

Hesus: “Sinabi ko na sa inyong ako si Hesus.


Kung ako ang hinahanap ninyo,
hayaan ninyong umalis ang mga taong ito,”

Tagapagsalaysay: wika niya.


Sinabi niya ito upang matupad ang kanyang salita,
“Walang napahamak kahit isa
sa mga ibinigay mo sa akin, Ama.”
Binunot ni Simon Pedro ang kanyang tabak
at tinaga ang alipin ng pinakapunong saserdote.
Natigpas ang kanang tainga ng aliping yaon
na ang pangala’y Malco.
Sinabi ni Hesus kay Pedro,

Hesus: “Isalong mo ang iyong tabak!


Dapat kong inumin ang kalis ng paghihirap
na ibinigay sa akin ng Ama.”
102 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

Tagapagsalaysay: Si Hesus ay dinakip


at ginapos ng mga bantay na Judio
at ng pangkat ng mga kawal
sa pamumuno ng kanilang kapitan.
Siya’y dinala muna kay Anas na biyenan ni Caifas
na pinakapunong saserdote nang panahong yaon.
Si Caifas ang nagpayo sa mga Judio
na mas mabuti para sa kanila
na isang tao lamang ang mamatay
alang-alang sa bayan.

Si Simon Pedro at ang isa pang alagad


ay sumunod kay Hesus.
Kilala ng pinakapunong saserdote ang alagad na ito,
kaya’t nakapasok siyang kasama ni Hesus
sa patyo ng bahay ng pinakapunong saserdote.
Naiwan naman si Pedro sa labas ng pintuan.
Lumabas ang alagad
na kilala ng pinakapunong saserdote,
kinausap ang dalagang nagbabantay sa pinto,
at pinapasok si Pedro.
Si Pedro’y tinanong ng dalaga,

Babae: “Hindi ba’t isa ka sa mga alagad


ng taong iyan?”

Pedro: “Hindi,”

Tagapagsalaysay: sagot ni Pedro.

Maginaw noon, kaya’t nagpabaga ng uling


ang mga alipin at mga bantay
at tumayo sa paligid ng siga upang magpainit.
Nakihalo si Pedro at nagpainit din.
PAGDIRIWANG SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 103

Si Hesus ay tinanong ng pinakapunong saserdote


tungkol sa kanyang mga alagad
at sa kanyang itinuturo.
Sumagot si Hesus,
Hesus: “Hayagan akong nagsasalita sa madla;
lagi akong nagtuturo sa mga sinagoga
at sa templo ng mga Judio.
Wala akong sinabing palihim.
Bakit ako ang tinatanong ninyo?
Ang tanungin ninyo’y ang mga nakarinig sa akin;
alam nila kung ano ang sinabi ko.”
Tagapagsalaysay: Pagkasabi nito,
siya’y sinampal ng isa sa mga bantay na naroroon.
Sundalo: “Bakit mo sinasagot nang ganyan
ang pinakapunong saserdote?”
Tagapagsalaysay: tanong niya.
Sinagot siya ni Hesus,
Hesus: “Kung nagsalita ako ng masama, patunayan mo!
Ngunit kung mabuti ang sinabi ko,
bakit mo ako sinampal?”
Tagapagsalaysay: Si Hesus na nakagapos pa noon
ay ipinadala ni Anas kay Caifas,
ang pinakapunong saserdote.
Samantala, naroon pa rin si Simon Pedro
at nagpapainit.
Siya’y tinanong nila,

Taong-Bayan: “Hindi ba’t alagad ka rin ng taong iyan?”

Pedro: “Hindi!”
104 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

sagot ni Pedro.
Tagapagsalaysay:
Tinanong naman siya ng isa sa mga alipin
ng pinakapunong saserdote,
kamag-anak ng lalaking tinigpasan niya ng tainga,
“Hindi ba ikaw ang nakita kong kasama ni Hesus
Taong-Bayan:
sa halamanan?”
Tagapagsalaysay: Muling itinatwa ito ni Pedro.
Siya namang pagtilaok ng manok.

Mula sa bahay ni Caifas,


si Hesus ay dinala nila sa palasyo ng gobernador.
Umaga na noon.
Hindi pumasok ang mga Judio
sa palasyo ng gobernador,
upang sila’y huwag maituring
na di karapat-dapat kumain
ng Hapunang Pampaskuwa.
Kaya’t sa labas sila tinanggap ni Pilato
at tinanong,
Pilato: “Ano ang sakdal ninyo laban sa taong ito?”
Tagapagsalaysay: Sumagot sila,

Taong-Bayan: “Kung hindi po siya gumawa ng masama,


hindi namin siya dadalhin sa inyo.”
Tagapagsalaysay: Sinabi sa kanila ni Pilato,
Pilato: “Dalhin ninyo siya,
at hatulan ayon sa inyong kautusan.”

Tagapagsalaysay: Sumagot ang mga Judio,


Taong-Bayan: “Wala po kaming kapangyarihang humatol
ng kamatayan kaninuman.”
PAGDIRIWANG SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 105

Tagapagsalaysay: Nangyari ito upang matupad ang sinabi ni Hesus


tungkol sa paraan ng kanyang pagkamatay.
Si Pilato’y pumasok uli sa palasyo
at tinawag si Hesus,

Pilato: “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?”


Tagapagsalaysay: tanong niya.
Sumagot si Hesus,
Hesus: “Iyan ba’y galing sa inyong sariling isipan,
o may nagsabi sa inyo?”
Pilato: “Ako ba’y Judio?”
Tagapagsalaysay: tanong ni Pilato.
Pilato: “Ang mga kababayan mo
at ang mga punong saserdote
ang nagdala sa iyo rito.
Ano ba ang ginawa mo?”
Tagapagsalaysay: Sumagot si Hesus,
Hesus: “Ang kaharian ko’y hindi sa sanlibutang ito.
Kung sa sanlibutang ito ang aking kaharian,
ipinakipaglaban sana ako ng aking mga tauhan
at hindi naipagkanulo sa mga Judio.
Ngunit hindi sa sanlibutang ito ang aking kaharian!”
Pilato: “Kung gayon, isa kang hari?”
Tagapagsalaysay: sabi ni Pilato.
Sumagot si Hesus,
Hesus: “Kayo na ang nagsasabing ako’y hari.
Ito ang dahilan kung bakit ako ipinanganak
at naparito sa sanlibutan:
upang magsalita tungkol sa katotohanan.
106 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

Nakikinig sa aking tinig


ang sinumang nasa katotohanan.”
Pilato: “Ano ba ang katotohanan?”
Tagapagsalaysay: tanong ni Pilato.
Pagkasabi nito,
muling lumabas si Pilato at sinabi sa mga Judio,
Pilato: “Wala akong makitang kasalanan sa taong ito.
Ngunit ayon sa inyong kaugalian,
dapat akong magpalaya ng isang bilanggo
kung araw ng Paskuwa.
Ibig ba ninyong palayain ko ang Hari ng mga Judio?”
Taong-Bayan: “Hindi!”
Tagapagsalaysay: sigaw nila.
Taong-Bayan: “Huwag siya, kundi si Barrabas!”
Tagapagsalaysay: Si Barrabas ay isang tulisan.

Kaya’t ipinakuha ni Pilato si Hesus at ipinahagupit.
Ang mga kawal ay kumuha ng halamang matinik,
ginawang korona, at ipinutong kay Hesus.
At sinuutan siya ng balabal na purpura.
Isa’t isa’y lumalapit sa kanya at ang wika,
Sundalo: “Mabuhay ang Hari ng mga Judio!”
Tagapagsalaysay: At siya’y pinagsasampal.
Lumabas uli si Pilato at sinabi sa kanila,

Pilato: “Ihaharap ko siya sa inyo upang malaman ninyo


na wala akong makitang kasalanan niya!”
PAGDIRIWANG SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 107

Tagapagsalaysay: At inilabas si Hesus na may koronang tinik


at balabal na purpura.
Sinabi sa kanila ni Pilato,

Pilato: “Narito ang tao!”

Tagapagsalaysay: Pagkakita sa kanya ng mga punong saserdote


at ng mga bantay, sila’y sumigaw:

Saserdote: “Ipako siya sa krus! Ipako sa krus!”

Tagapagsalaysay: Sinabi ni Pilato,

Pilato: “Kunin ninyo siya, at kayo ang magpako sa kanya.


Wala akong makitang kasalanan niya.”

Tagapagsalaysay: Sumagot ang mga Judio,

Saserdote: “Ayon sa aming kautusa’y nararapat siyang mamatay,


sapagkat siya’y nagpapanggap na Anak ng Diyos.”

Tagapagsalaysay: Lalong natakot si Pilato


nang marinig ang mga pananalitang ito.
Muli siyang pumasok sa palasyo
at tinanong si Hesus,

Pilato: “Tagasaan ka ba?”

Tagapagsalaysay: Subalit hindi tumugon si Hesus.

Pilato: “Ayaw mo bang makipag-usap sa akin?”

Tagapagsalaysay: ani Pilato.

Pilato: “Hindi mo ba alam na maaari kitang palayain


o ipapako sa krus?”
108 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

Tagapagsalaysay: At sumagot si Hesus,

Hesus: “Kaya mo lamang magagawa iyan


ay sapagkat ipinagkaloob sa iyo ng Diyos
ang kapangyarihang iyan,
kaya mas mabigat ang kasalanan
ng nagdala sa akin dito.”

Tagapagsalaysay: Nang marinig ito ni Pilato,


lalo niyang hinangad na palayain si Hesus.
Ngunit nagsigawan ang mga tao,

Taong-Bayan: “Kapag pinalaya mo ang taong iyan,


hindi ka kaibigan ni Cesar!
Sinumang nagpapanggap na hari
ay kalaban ng Cesar.”

Tagapagsalaysay: Pagkarinig ni Pilato sa pangungusap na ito,


inilabas niya si Hesus.
At siya’y lumuklok sa hukuman,
sa dakong tinatawag na “Ang Plataporma,”
Gabata sa wikang Hebreo.

Araw noon ng Paghahanda sa Paskuwa


at mag-iikalabindalawa na ng tanghali.
Sinabi ni Pilato sa mga Judio,

Pilato: “Narito ang inyong hari!”

Tagapagsalaysay: Sumigaw sila,

Taong-Bayan: “Patayin siya! Patayin! Ipako sa krus!”

Pilato: “Ipapako ko ba sa krus ang inyong hari?”

Tagapagsalaysay: tanong ni Pilato.


Sumagot ang mga punong saserdote,
PAGDIRIWANG SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 109

Saserdote: “Wala kaming hari kundi ang Cesar!”

Tagapagsalaysay: Kaya’t si Hesus ay ibinigay sa kanila ni Pilato


upang ipako sa krus.

Kinuha nga nila si Hesus.
At lumabas siya na pasan ang kanyang krus,
patungo sa lugar na kung tawagi’y “Dako ng Bungo,”
Golgota sa wikang Hebreo.
Pagdating doon, siya’y ipinako sa krus,
kasama ng dalawa pa
—isa sa gawing kanan at isa sa kaliwa.
Sumulat si Pilato ng ganitong pangungusap
at ipinalagay sa krus:
“Si Hesus na taga-Nazaret, ang Hari ng mga Judio.”
Nasusulat ito sa mga wikang Hebreo, Latin, at Griego
at marami sa mga Judio ang nakabasa nito,
sapagkat malapit sa lungsod
ang dakong pinagpakuan kay Hesus.
Kaya’t sinabi ng mga punong saserdote kay Pilato,

Saserdote: “Huwag ninyong isulat na Hari ng mga Judio, kundi,


‘Sinabi ng taong ito, Ako ang Hari ng mga Judio.’”

Tagapagsalaysay: Sumagot si Pilato,

Pilato: “Ang naisulat ko’y naisulat ko na.”

Tagapagsalaysay: Nang maipako na ng mga kawal si Hesus,


kinuha nila ang kanyang kasuotan
at pinaghati-hatian ng apat.
Kinuha rin nila ang kanyang tunika;
ito’y walang tahi at hinabi nang buo
mula sa itaas hanggang sa ibaba.
Nag-usap-usap ang mga kawal,
110 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

Sundalo: “Huwag nating punitin ito;


magsapalaran na lamang tayo
para malaman kung kanino ito mauuwi.”

Tagapagsalaysay: Nangyari ito upang matupad


ang isinasaad ng Kasulatan,
“Pinaghatihatian nila ang aking mga kasuotan;
at ang aking damit ay kanilang pinagsapalaran.”
Gayon nga ang ginawa ng mga kawal.

Nakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina


at ang kapatid na babae nitong si Maria,
na asawa ni Cleopas.
Naroon din si Maria Magdalena.
Nang makita ni Hesus ang kanyang ina,
at ang minamahal niyang alagad sa tabi nito,
kanyang sinabi,

Hesus: “Ginang, narito ang iyong anak!”

Tagapagsalaysay: At sinabi sa alagad,

Hesus: “Narito ang iyong ina!”

Tagapagsalaysay: Mula noon,


siya’y pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay.

Pagkatapos nito,
alam ni Hesus na naganap na ang lahat ng bagay;
at bilang katuparan ng Kasulatan ay sinabi niya,

Hesus: “Nauuhaw ako!”

Tagapagsalaysay: May isang mangkok doon


na puno ng maasim na alak.
PAGDIRIWANG SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 111

Itinubog nila rito ang isang espongha,


ikinabit sa sanga ng isopo at idiniit sa kanyang bibig.
Nang masipsip ni Hesus ang alak ay kanyang sinabi,
Hesus: “Naganap na!”
Tagapagsalaysay: Iniyukayok niya ang kanyang ulo
at nalagot ang kanyang hininga.

Dito luluhod ang tanan at sandaling mananahimik.

Noo’y Araw ng Paghahanda,


at ayaw ng mga Judio na manatili sa krus
ang mga bangkay sa Araw ng Pamamahinga
sapagkat dakila ang Araw ng Pamamahingang ito.
Kaya’t hiniling nila kay Pilato
na ipabali nito ang mga binti
ng mga ipinako sa krus,
at alisin doon ang mga bangkay.
Naparoon nga ang mga kawal
at binali ang mga binti
ng dalawang ipinakong kasabay ni Hesus.
Ngunit pagdating nila kay Hesus
at makitang patay na siya,
hindi na nila binali ang kanyang binti.
Subalit inulos ng sibat ng isa sa mga kawal
ang tagiliran ni Hesus,
at biglang dumaloy ang dugo at tubig.
Ang nakakita nito ang nagpapatotoo
—tunay ang kanyang patotoo
at alam niyang katotohanan ang sinabi niya—
upang kayo’y maniwala.
Nangyari ang mga ito upang matupad
ang sinasabi ng Kasulatan,
“Walang mababali isa man sa kanyang mga buto.”
At sinabi naman ng ibang bahagi ng Kasulatan,
“Pagmamasdan nila ang kanilang inulos.”

112 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

Pagkatapos nito,
si Jose na taga-Arimatea ay nagsadya kay Pilato
upang humingi ng pahintulot
na makuha ang bangkay ni Hesus.
Si Jose’y isang alagad ni Hesus,
nguni’t palihim nga lamang
dahil sa takot sa mga Judio.
At pinahintulutan siya ni Pilato;
kaya’t kinuha ni Jose ang bangkay ni Hesus.
Sumama sa kanya si Nicodemo,
may dalang pabango—mga sandaang libra
ng pinaghalong mira at aloe.
Siya ang nagsadya kay Hesus isang gabi.
Kinuha nila ang bangkay ni Hesus,
at nilagyan ng pabango
habang binabalot sa kayong lino,
ayon sa kaugalian ng mga Judio.
Sa pinagpakuan kay Hesus ay may isang halamanan,
at dito’y may isang bagong libingang
hindi pa napaglilibingan.
Yamang noo’y araw ng Paghahanda ng mga Judio,
at dahil sa malapit naman ang libingang ito,
doon nila inilibing si Hesus.
Sa katapusan, ihahayag niya:

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Magbubunyi ang lahat:

Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

HOMILIYA
Maaaring magkaroon ng maikling homilya o paliwanag pagkatapos ng pagpapahayag tungkol
sa pagpapakasakit ng Panginoon.
PAGDIRIWANG SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 113

PANALANGING PANGKALAHATAN
Ang pagpapahayag ng Salita ng Diyos ay wawakasan ng panalanging pangkalahatan. Tatayo
ang pari sa harap ng kanyang upuan, o sa pook ng pagbasa, o sa dambana. lpahahayag nang
magkadaop ang mga kamay ng pari ang pambungad na naglalahad ng bawa’t kahilingan. Lahat ay
luluhod at saglit mananalangin nang tahimik. Pagkatapos nito, ihahayag ng pari ang panalangin.
Ang mga nagsisimba ay maaaring lumuhod o tumindig sa buong panalanging pagkalahatan.

Maaari namang ipasyang gawin ang dating paanyayang lumuhod at manalangin: “Magsiluhod
tayo-Tumindig tayo.”

Maidaragdag sa Panalanging Pangkalahatan ang mga panalangin para sa mga biktima ng


Covid-19, mga kumakalinga sa mga maysakit, mga “frontliners” at mga pumanaw dulot ng
Covid-19. Maaari rin maidagdag ang mga panalangin para sa nalalapit na pambansa at lokal na
halalan.
114 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

I. Para sa Banal na Simbahan


Ipahahayag ng diyakono:

Magsitayo ang lahat.

Idalangin natin, mga mahal kong kapatid,


ang banal na Sambayanan ng Diyos sa buong daigdig.
Upang pagkalooban ng kapayapaan at pagkupkop,
pagkakaisa at pagtataguyod
ang mga kaanib nito sa sansinukob
at upang tayo’y bigyan ng pamumuhay na matiwasay
para tayo’y makasamba sa Diyos Ama nating makapangyarihan.

Magsiluhod ang lahat.


Tahimik na panalangin.

Ipahahayag ng diyakono:

Magsitayo ang lahat.


Pagkaraa’y ihahayag ng pari:

Ama naming Makapangyarihan,


sa katauhan ng Anak mong si Kristo
ipinahayag mo ang iyong kadakilaan sa lahat ng mga tao.
Lingapin mong ang iyong mga ginagawa dahil sa pag-ibig
upang ang iyong Sambayanang laganap sa buong daigdig
ay mamalaging matatag sa pananampalatayang iyong bigay
para sambahin ang banal mong ngalan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
PAGDIRIWANG SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 115

II. Para sa Papa


Ipahahayag ng diyakono:

Idalangin natin ang ating Banal na Papa na si Francisco,
na hinirang ng Diyos sa hanay ng mga tagapangasiwa
upang kanyang bigyan ng kalusugan at mahabang buhay
para sa kapakanan ng kanyang banal na Sambayanang
ipinagkatiwala para paglingkuran.

Magsiluhod ang lahat.


Tahimik na panalangin.

Ipahahayag ng diyakono:

Magsitayo ang lahat.


Pagkaraa’y ihahayag ng pari:

Ama naming makapangyarihan,


sa iyong kapasyahan umiiral ang sanlibutan.
Paunlakan mo ang aming kahilingan
na iyong lingapin si Papa Francisco na iyong hinirang
para kami pangasiwaan
upang ang Sambayanang Kristiyano na iyong pinamumunuan
ay mapamahalaan niya nang may kaunlaran
sa pananampalataya at gawang kabutihang iyong inaasahan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
116 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

III. Para sa Kaparian at Lahat ng Kaanib ng Simbahan


Ipahahayag ng diyakono:

Idalangin din natin si N. na ating Obispo,
gayun din ang lahat ng mga Obispo, mga pari, at mga diyakono
at ang tanang kabilang sa Sambayanang Kristiyano.

Magsiluhod ang lahat.


Tahimik na panalangin.

Ipahahayag ng diyakono:

Magsitayo ang lahat.


Pagkaraa’y ihahayag ng pari:

Ama naming makapangyarihan,


ang iyong Espiritu ay nagpapabanal
at nagtataguyod sa buong Simbahan.
Dinggin mo ang aming pagluhog
para sa iyong mga tagapaglingkod
upang mapaglingkuran kang matapat
sa tulong ng iyong kagandahang-loob
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
PAGDIRIWANG SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 117

IV. Para sa mga Inihahandang Tao sa Pagbibinyag


Ipahahayag ng diyakono:

Idalangin din natin ang mga inihahandang tao sa pagbibinyag
upang ang kanilang kalooban ay makatugon sa pagtawag
ng Diyos Ama nating makapangyarihan
para sa tubig ng binyag sila’y muling maisilang
sa ikapagpapatawad ng lahat ng kasalanan
at sa ikapagkakamit ng pakikisalo kay Hesus na Poong mahal.

Magsiluhod ang lahat.


Tahimik na panalangin.

Ipahahayag ng diyakono:

Magsitayo ang lahat.


Pagkaraa’y ihahayag ng pari:

Ama naming makapangyarihan.


lagi mong pinauunlad ang Sambayanan
sa pagkakaroon ng karagdagang kabilang.
Sa pananampalataya at pagkaunawa
ay magkaroon nawa ng pag-unlad
ang (aming) mga inihahanda sa pagbibinyag
upang sa muli nilang pagsilang bilang binyagan
siIa’y mapabilang sa mga kaanib ng iyong angkan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
118 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

V. Para sa Pagkakaisa ng mga Kristiyano


Ipahahayag ng diyakono:

Idalangin din natin ang lahat ng ating mga kapatid
na pawang kay Hesukristo nananalig
upang marapatin ng Diyos Ama nating makapangyarihan
na sila’y tipunin at lingapin sa iisa niyang Sambayanan.

Magsiluhod ang lahat.


Tahimik na panalangin.

Ipahahayag ng diyakono:

Magsitayo ang lahat.


Pagkaraa’y ihahayag ng pari:

Ama naming makapangyarihan,


tinitipon mo ang mga nawalay
at tinatangkilik mo ang mga nagkakatipon sa iyong Sambayanan.
Lingapin mo ang mga kabilang sa kawan ng iyong Anak
na sa iyo itinalaga sa buklod ng iisang binyag
upang sila’y magkabuklod sa buong pananalig
at sila’y magkapisan sa buklod ng pag-ibig
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
PAGDIRIWANG SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 119

VI. Para sa mga Judio


Ipahahayag ng diyakono:

Idalangin din natin ang mga Judio
na unang pinagpahayagan ng Diyos na totoo
upang ipagkaloob niyang sa pag-ibig sa kanyang ngalan
sila ay umunlad sa pagiging matapat sa kanyang tipan.

Magsiluhod ang lahat.


Tahimik na panalangin.

Ipahahayag ng diyakono:

Magsitayo ang lahat.


Pagkaraa’y ihahayag ng pari:

Ama naming makapangyarihan,


pinangangatawanan mo ang iyong mga pangako kay Abraham
at sa tanang sa kanya ay sumilang.
Dinggin mo ang pagluhog ng iyong Sambayanan
upang ang mga tao na iyong unang hinirang
ay pagindapating sumapit sa kaganapan ng kaligtasan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
120 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

VII. Para sa mga di Sumasampalataya kay Kristo


Ipahahayag ng diyakono:

Idalangin din natin
ang tanang hindi pa sumasampalataya kay Kristo
upang tahakin nila ang landas ng kaligtasan
na nililiwanagan ng Espiritu Santo.

Magsiluhod ang lahat.


Tahimik na panalangin.

Ipahahayag ng diyakono:

Magsitayo ang lahat.


Pagkaraa’y ihahayag ng pari:

Ama naming makapangyarihan,


gawin mong ang mga hindi pa nananalig sa iyong Anak
ay makatuklas sa katotohanan sa pamumuhay nilang wagas
at kaming sa pag-ibig mo ay laging umuunlad
sa pagmamalasakit sa tanang sa iyo’y humahanap
ay maging mga saksing mapapaniwalaan
ng iyong dakilang pag-ibig sa sanlibutan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
PAGDIRIWANG SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 121

VIII. Para sa mga hindi pa Sumasampalataya sa Diyos


Ipahahayag ng diyakono:

Idalangin din natin ang mga hindi pa sumasampalataya sa Diyos
upang pagindapating sa kanya’y makadulog
sa paniniwalang wagas na kanilang sinusunod.

Magsiluhod ang lahat.


Tahimik na panalangin.

Ipahahayag ng diyakono:

Magsitayo ang lahat.


Pagkaraa’y ihahayag ng pari:

Ama naming makapangyarihan,


niIikha mo ang lahat ng mga tao
upang lagi kang hanapin
at pag natagpuan ka’y masiyahang walang maliw.
Ipagkaloob mong kahit may mga di kanais-nais na balakid
mabanaagan pa rin ng tanan ang mga pahiwatig ng iyong pag-ibig
at matanggap nito ang mga gawang kabutihan
ng mga sumasampalataya bilang kaakit-akit na katibayan
na ikaw ang Diyos na totoo at Amang aming pinanggalingan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao

Amen.
122 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

IX. Para sa mga Umuugit sa Pamahalaan


Ipahahayag ng diyakono:

Idalangin natin ang mga may tungkuling maglingkod sa bayan
at umuugit sa ating pamahalaan
Upang ang kalooban nila ay itaguyod ng Amang Maykapal
alinsunod sa kanyang kinalulugdan
sa ikapagkakamit ng kapayapaan at kalayaan ng tanan.

Magsiluhod ang lahat.


Tahimik na panalangin.

Ipahahayag ng diyakono:

Magsitayo ang lahat.


Pagkaraa’y ihahayag ng pari:

Ama naming makapangyarihan,


nasa iyong kamay ang adhika at karapatan ng tanan.
Tunghayan mo ang mga umuugit sa aming pamahalaan
upang sumagana ang tanan sa sanlibutan
sa ikapagkakamit ng kapayapaan
at ikapapanatili ng kalayaan
na ikaw ay sambahin
alinsunod sa iyong loobin
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
PAGDIRIWANG SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 123

X. Para sa mga may Tanging Pangangailangan


Ipahahayag ng diyakono:

ldalangin natin, mga kapatid, sa Ama nating makapangyarihan
na ang sanlibutan ay maibsan ng tanang katiwalian,
ang mga karamdaman ay malunasan,
ang kagutuman ay maparam,
ang mga nasa piitan ay lumayang tuluyan,
ang mga naaapi ay mahango sa kawalang-katarungan,
ang mga naglalakbay ay maluwalhating sumapit sa paroroonan,
ang mga nasa ibang bansa ay makauwi sa kanilang bayan,
ang mga maysakit ay magkamit ng kagalingan
at ang mga nag-aagaw-buhay ay matiwasay na mahimlay.

Magsiluhod ang lahat.


Tahimik na panalangin.

Ipahahayag ng diyakono:

Magsitayo ang lahat.


Pagkaraa’y ihahayag ng pari:

Ama naming makapangyarihan,


binubuhayan mo ng loob ang mga nasa kapighatian,
pinatatatag mo ang mga may mabigat na pinapasan.
Paunlakan mo ang mga kahilingan
ng mga dumaraing dahil sa maraming mga pinagtitiisan
upang bawa’t nasa kagipitan
ay magkamit ng kasiyahang madama ang iyong pagmamahal
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
124 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

XI. Para sa Pagsugpo sa Laganap na Salot


Ipahahayag ng diyakono:

Idalangin natin ang dagliang pagsugpo


sa salot na coronavirus pandemic
na nakapipinsala sa buong daigdig,
upang pagalingin ng Amang makapangyarihan
ang mga may karamdaman,
patatagin ang mga kumakalinga sa kanila
at tulungan tayong lahat na maging matatag
sa pananampalataya at pagmamalasakit.

Magsiluhod ang lahat.


Tahimik na panalangin.

Ipahahayag ng diyakono:

Magsitayo ang lahat.


Pagkaraa’y ihahayag ng pari:

Ama naming makapangyarihan,


pinagmumulan ng lahat ng buhay, kalusugan at kagalingan,
tunghayan Mo nang may habag ang sandaigdigan,
na ginugupo ng karamdaman.
Ipagsanggalang mo kami sa gitna ng matinding pagsubok
na aming kinakaharap at sa iyong maka-Amang pagkalinga
dulutan ng kagalingan at kaginhawahan ang mga may karamdaman
palakasin mo ang mga kumakalinga sa kanila,
pagkamitin ng kapayapaang walang hanggang ang mga pumanaw na
at gawaran mo ng kaganapan ang aming pagsisikap
na masugpo ang salot na ito
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
PAGDIRIWANG SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 125

XI. Para sa Kapayapaan sa Mundo


Ipahahayag ng diyakono:

Idalangin natin ang kapayapaan sa mundo at ang mga nagdurusa


dahil sa kalupitan ng digmaan lalo na sa Ukraine,
upang ipag-adya ng Diyos ang mundo mula sa lahat ng karahasan
at hindi tamang paggamit sa kapangyarihan
at upang ang lahat ay mamuhay nang may kapanatagan at kalayaan.

Magsiluhod ang lahat.


Tahimik na panalangin.

Ipahahayag ng diyakono:

Magsitayo ang lahat.


Pagkaraa’y ihahayag ng pari:

Ama naming makapangyarihan,


sa iyong kapasyahan
ay nagaganap ang mga pangyayari sa sanlibutan.
Ipadama mong ikaw ay kapiling namin sa pagdarasal
at ipagkaloob mong umiral ang kapayapaan araw-araw
upang ikalugod naming walang humpay
ang pagsamba sa iyong ngalan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
126 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

XI. Para sa Pambansa at Panglokal na Halalan


Ipahahayag ng diyakono:

Idalangin natin ang papalapit na pambansa at panglokal na halalan


upang tunay na maghari ang kalooban ng Diyos,
na Siyang gumagabay sa lahat ng bansa.

Magsiluhod ang lahat.


Tahimik na panalangin.

Ipahahayag ng diyakono:

Magsitayo ang lahat.


Pagkaraa’y ihahayag ng pari:

Ama naming makapangyarihan,


Pastol ng aming kaluluwa at Tagapagligtas ng sanlibutan,
ang pulitika ay Iyong kaloob sa amin;
isang paanyaya upang maglingkod sa iba at lumago sa kabanalan.
Gabayan Mo ang pulitika sa aming bansa
katulad ng paggabay mo sa amin.
Nawa ang aming pulitikal na pakikilahok
para sa mga botante at kandidato
ay magdulot ng kaluwalhatian sa Iyong mahal na ngalan
at matulungan din kaming yumabong sa kabutihan,
ngayon at magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
PAGDIRIWANG SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 127

ANG PAGPAPARANGAL SA KRUS NA BANAL


Pagkatapos ng panalanging pangkalahatan, gaganapin ang pagpaparangal sa krus na banal.
Mula sa dalawang paraan ng pagtatanghal na matatagpuan dito, makapipili ng lalong angkop
ayon sa kapakanan ng Sambayanan.

PAGTATANGHAL SA KRUS NA BANAL


Ang nalalambungang krus ay dadalhin sa gawi ng dambana. Ipuprusisyon ito na sa gitna ng
dalawang tagapagdala ng may sinding kandila. Ang paring nakatayo sa gawi ng dambana ay
siyang aabot sa krus. Ito’y kanyang hahawian ng lambong sa gawing ulunan at itataas niya
habang pinasisimulang awitin ang paanyaya: “Sa Kahoy ng krus na banal.“ Siya ay sasabayan sa
pag-awit ng mga tagapaglingkod, kung nababagay, maging ang pulutong ng mga mang-aawit
ay makasasabay. Lahat ay sasagot: “Purihin at ipagdangal.” Matapos ang pagawit, luluhod ang
lahat bilang tahimik na paggalang sa krus samantalang ang pari ay nakatindig at hawakhawak
niya nang nakataas ang krus.

Sa kahoy ng krus na banal T. Purihin at ipagdangal


ni Hesus na Poong mahal ang ating Poong Maykapal:
nalupig ang kamatayan Ama na Bukal ng buhay,
at sa muling pagkabuhay Anak na s’ya nating daan,
ang pag-asa ay sumilay. Espiritung ating Tanglaw.
Pagkaraa’y hahawian naman ng lambong ang kanang kamay ng krus. Ito’y gaganapin ng pari na
siya ring magtataas sa krus habang inaawit na naman niya ang paanyaya: “Sa kahoy ng krus na
banal.“ Ang paraang nasasaad sa itaas ay muling gagawin.

Sa wakas, hahawiin ang buong takip na lumalambong sa krus. Ito’y gagawin ng pari na siyang
muling magtataas ng krus habang inaawit ang paanyayang “Sa kahoy ng krus na banal“ sa
ikatlong pagkakataon. Ang paraang nasasaad sa itaas ay muling gaganapin.

Ipuprusisyon ng pari na nasa gitna ng dalawang tagadala ng may sinding kandila ang krus upang
ito’y ihatid sa pasukan ng gawi ng dambana o sa anumang naaangkop na dako ng simbahan.
Doon niya iiwan ang krus o iaabot sa tagapaglingkod na naatasang humawak nito. Ang mga
kandila ay ilalagay sa magkabilang gilid ng krus at gaganapin ang pagbibigay-galang.
128 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

ANG PAGPAPARANGAL SA KRUS NA BANAL


Ang paring tagapagdiwang lamang ang hahalik sa krus. Ang kaparian at ang sambayanan ay
lalapit nang paprusisyon upang magbigay-galang sa krus. Sila’y luluhod o yuyuko pagsapit sa
harap ng krus. Ang mga nakapagparangal na sa krus ay uupo at aawit. Maaari ring hikayatin ang
sambayanan na lumuhod at maglaan ng sandaling katahimikan para sa pagpaparangal.

Isang krus lamang ang talagang dapat parangalan, subalit pinahihintulutan sa Pilipinas ang
marami kapag talagang kailangan. Kung hindi mapagbibigyan ang bawa’t isa, makapagpaparangal
nang pangkalahatan ang tanan. Pagkaparangal ng ilang mga tao, kukunin ng pari ang krus, sa
gawing gitna sa harap ng dambana siya ay tatayo upang anyayahan ang mga tao para sa tahimik
na pagpaparangal, saka niya itataas ang krus nang ilang sandali.

Pagkatapos ng pagpaparangal, ang krus ay dadalhin sa tayuan nito sa dambana. Ang mga
kandelerong may kandilang nagdiringas ay dadalhin sa ibabaw o sa gawi ng dambana.
PAGDIRIWANG SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 129

BANAL NA PAKIKINABANG
Ang dambana’y lalatagan ng mantel at ang telang patungan ng Katawan ni Kristo gayundin
ang aklat ay ilalagay sa ibabaw nito. Ang tagapaglingkod sa pakikinabang o ang pari ay siyang
susundo sa Banal na Sakramento mula sa pinaglagakan upang ito ay dalhin sa dambana. Habang
ito ay dinadala roon, lahat ay tahimik na nakatindig. Dalawang tagapaglingkod ang magdadala
ng may sinding kandila at ang mga ito’y ilalagay sa dambana o sa paligid nito.

Ipapatong ang Banal na Sakramento sa ibabaw ng dambana at ang lalagyan ay bubuksan. Dudulog
ang pari sa dambana at luluhod at saka siya aakyat sa baitang nito. Malakas niyang ihahayag ito
nang magkadaop ang mga kamay:

S a tagubilin ng mga nakagagaling na utos


at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos
ipahayag natin nang lakas-loob:
Illalahad ng pari ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng lahat

Ama namin, sumasalangit ka.


Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo
dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan mo kami ngayon


ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga sala
para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
130 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal:

Hinihiling naming
kami’y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
iIigtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang panalangin sa
ganitong pagbubunyi:

Sapagkat iyo ang kaharian


at ang kapangyarihan at ang kapurihan
magpakailanman! Amen.
o kaya (Sa himig ng Pasyon):

Sapagka’t ang kaharian,


lakas at kapangyarihan,
karangala’t kapurihan
ay tanging sa iyo lamang
ngayon at magpakailanman! Amen.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at pabulong na magdarasal:

Ang pakikinabang sa katawan mo, Panginoong Hesukristo,


ay huwag nawang magdulot ng paghuhukom
at parusa sa kasalanan ko.
Alang-alang sa iyong pag-ibig nawa’y aking matanggap
ang pagkupkop mo sa akin at kaloob mong lunas.
PAGDIRIWANG SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 131

Luluhod ang pari at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa ibabaw ng
sisidlan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi nang malakas:

Ito ang Kordero ng Diyos.


Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.
Idurugtong niyang minsanan kaisa ng sambayanan:

Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo


ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.
Ngayon ay gaganapin ang pakikinabang ng mga tao. Maaaring umawit ng anumang naaangkop
ngayon.

Pagkapakinabang, ang sisidlan ng Banal na Sakramento ay dadalhin ng tagapaglingkod sa isang


sadyang inihandang paglalagakan sa labas ng simbahan o, kung hinihingi ng pagkakataon,
maaaring ito’y ilagak sa tabernakulo.

Pagkatapos ng ilang saglit na katahimikan, ipahahayag ng pari ang sumusunod na panalangin.


132 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Pagkaraan, ang pari ay titindig sa harap ng upuan o sa gawi ng dambana paharap sa mga
nagsisimbang magpapahayag:

Manalangin tayo.
Kung di pa nagaganap ang tahimik na pagdalangin, ito ay gagawin ngayon, at pagkaraan,
ipahahayag ng paring nakalahad ang mga kamay:

A ma naming mapagmahal,
pinapakinabang mo kami
sa banal na pagkamatay at pagkabuhay ni Kristo.
Panatilihin mo sa amin
ang ginanap ng iyong dakilang pag-ibig
upang kami’y makapamuhay nang matapat
sa pakikisalo sa dulot mong pagliligtas
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao ng pagbubunyi:

Amen.
Sa paghayo, haharap ang pari sa sambayanan at itataas niya ang kanyang mga kamay upang
lukuban ang mga pananalanginan.
PAGDIRIWANG SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 133

PAGPAPANALANGIN SA SAMBAYANAN
Ang diyakono o ang pari na rin kapag walang diyakono ang magpapahayag ng paanyaya:

Magsiyuko tayo habang iginagawad ang pagbabasbas.


Pagkaraan, itataas ng pari ang kanyang mga kamay na lumulukob sa lahat, samantalang inaawit
o ipinahahayag niya:

A ma naming bukal ng pagpapala,


ang iyong pagbabasbas ay manaog nawang masagana
sa iyong sambayanang gumanap ng paggunita
sa pagkamatay ng iyong Anak
na siyang pagkabuhay ng nagtitiwala.
Ang iyong pagpapatawad ay sumapit nawa sa tanan.
Ang iyong pakikisamang maaasahan ay iyong ibigay.
Ang pananampalatayang banal nawa’y maging matibay.
Ang kaligtasang walang maliw ay patatagin mong lubusan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Ang lahat ay asagot:

Amen.
Tahimik na lilisan ang tanan. Ang dambana ay aalisan ng mantel pagsapit ng kaukulang panahon.

Ang Panalanging Pangtakipsilim ay hindi gaganapin ng mga nakikilahok sa katatapos na


panghapong pagdiriwang.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG
SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY
Alinsunod sa pinakamatandang pamana, ang gabing ito ay nakatalaga sa pag-alala sa Panginoon (Exodo
12, 42). Sa Mabuting Balita ayon kay San Lucas (12,35 at sumusunod), may paggunita sa mga tagasunod
ng Panginoon upang sila’y maghintay habang tangan ang ilawang may sindi, katulad ng mga katiwalang
naghihintay para sa pagbabalik ng kanilang Panginoon nang sa gayo’y kapag dumating siya’y madatnan
niya silang handa at nagbabantay at sila’y kanyang padudulugin sa kanyang hapag.

Ang Magdamagang Pagdiriwang na ito ay nahahati sa apat na yugto: 1) pagkaraan ng maikling


pagpaparangal sa ilaw, 2) ang Simbahan ay nagsasaloob sa lahat ng mga kahanga-hangang ginawa ng
Diyos para sa kapakanan ng kanyang sambayanan sa mula’t mula pa; ito ang pagpapahayag ng Salita ng
Diyos. 3) Sasariwain ang mga pangako sa binyag, at 4) ang buong Simbahan ay inaanyayahang dumulog
sa piging na inihanda ng Panginoon para sa kanyang bayan bilang pakikinabang sa kanyang pagkamatay
at muling pagkabuhay.

Ito ay dapat ipagdiwang lamang sa Katedral at mga pamparokyang simbahan. Maaaring bigyan ng
natatanging pahintulot mula sa Ordinaryo ng lugar upang makapagdiwang sa mga kapilya at oratoryo.

Dahil inalis na ang oras ng curfew, susundin ang oras ng pagdiriwang na nakatakda sa Pagmimisa sa
Roma, ito ay pagkatapos ng paglubog ng araw.

Ang kabuuan ng Magdamagang Pagdiriwang ng Muling Pagkabuhay ay gaganapin kapag madilim na


ang paligid. Ito’y hindi dapat simulan bago magtakip-silim, dapat itong magwakas bago magbukang-
liwayway ang araw ng Linggo.

Kahit na ang pagmimisa sa gabing ito ay maganap bago maghatinggabi, ang Misa ng Muling Pagkabuhay
ang ipagdiriwang. Ang mga nakikiisa sa pagmimisa ngayong gabi ay maaaring makinabang muli sa
ikalawang Misa na kanilang nanaising lahukan bukas nang Linggo ng Muling Pagkabuhay.

Ang mga nagmimisa o nakikipagmisa sa pagdiriwang na ito sa gabi ay maaaring magmisa o makipagmisa
sa ikalawang Misa bukas nang Linggo ng Muling Pagkabuhay.

Ang pari at ang mga tagapaglingkod ay magsusuot ng puting damit para sa pagmimisa.

Dapat maghanda ng mga kandila para sa lahat ng mga makikiisa sa Magdamagang Pagdiriwang.

Ang Pagpaparangal sa Ilaw ay gaganapin sa loob ng simbahan. Maaari ring simulan ang pagdiriwang sa
pintuan ng simbahan o sa patyo ng simbahan. Mananatili sa kanilang mga upuan ang mga tao. Ang pari
kasama ng ilang tagapaglingkod ang kakatawan sa sambayanan para sa prusisyon.

Maaaring ganapin ang Pagdiriwang ng Pagbibinyag sa mga may sapat na gulang o mga bata. Gaganapin
din ang Pagbabasbas sa Tubig at Pagsasariwa ng mga Pangako sa Binyag.

Maaaring ilibot sa nasasakupan ng parokya ang imahen ng Panginoong Muling Nabuhay sa pamamagitan
ng isang motorcade kapalit ng “Salubong”. Kung ito’y gagawin, kinakailangan ng masusing pakikipag-
ugnayan sa mga opisyal ng barangay upang ipatupad ang social distancing.
136 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

ANG MARINGAL NA PAGSISIMULA


NG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG:
ANG PAGPAPARANGAL SA ILAW

PAGBABASBAS AT PAGHAHANDA SA ILAW


Lahat ng mga ilaw sa simbahan ay hindi muna sisindihan.

Isang malaking siga ang ihahanda sa isang naaangkop na dako sa labas ng simbahan. Kapag
natitipon na ang mga tao, ang pari ay lalapit doon kasama ng mga tagapaglingkod. Isa sa mga
ito ay siyang magdadala ng kandila ng Pasko ng Pagkabuhay.

Siya’y magbibigay sa kanila ng maikling paliwanag tungkol sa pagdiriwang. Maaaring ang


sumusunod o anumang katumbas nito ang kanyang ihahayag:

M ga kapatid,
sa kabanal-banalang gabing ito
na pinangyayarihan ng pagtawid ng ating Panginoong Hesukristo
mula sa pagkamatay patungo sa pagkabuhay
ang Sambayanan niya ay nag-aanyaya
sa lahat ng mga anak na nasa iba’t ibang panig ng daigdig
upang magtipun-tipon sa pagganap ng magdamagang pagdiriwang.
Sa pagganap natin sa alaala ng Pasko ng Panginoong nagtagumpay
sa pakikinig ng Salita at paghahain ng kanyang buhay
maaasahan nating tayo’y makakapakinabang
sa kanyang pananaig sa kamatayan
at pamumuhay sa piling niya at ng Amang Maykapal.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 137

Ang siga ay babasbasan.

Manalangin tayo.

A ma naming makapangyarihan,
sa pamamagitan ng iyong Anak kami’y iyong dinulutan
ng ningas ng iyong kaliwanagan.
Ang bagong ningas na ito ay iyong gawing banal X
at ipagkaloob mong kami’y pagningasin nitong aming pagdiriwang
upang makasapit kaming may dalisay na kalooban
sa walang maliw na kaliwanagan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
Ang kandila ng Pasko ng Pagkabuhay ay sisindihan mula sa bagong basbas na apoy.
138 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

Alinsunod sa kakayanan ng mga tao, maaaring naaangkop na bigyang-diin ang kahalagahan at


kahulugan ng kandila ng Pasko ng Pagkabuhay sa tulong ng karagdagang sagisag sa ganitong
paraan.

Pagkabasbas ng bagong apoy, ang isa sa mga tagapaglingkod ay siyang maghaharap ng kandila
ng Pasko ng Pagkabuhay sa pari. Ito ay guguhitan ng pari ng krus sa pamamagitan ng pang-ukit
o pansulat. Iguguhit din dito ang mga titik na Griego:

1. (Sa pagguhit sa krus mula sa itaas hanggang ibaba)

Si Kristo ang nagmamahal


noon sa bayang hinirang
ngayon pa ri’y s’yang patnubay:
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.
2. (Sa pagguhit sa bisig ng krus mula sa kaliwa hanggang sa kanan)

Si Kristo ang nagmamahal


simula pa noong araw,
wakas natin s’ya’t hantungan:
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.
3. (Sa pagguhit ng alpha sa ulunan ng krus)

Si Kristo ang pinagmulan:


Alpha’y sagisag n’yang tunay.
S’ya’y ating pinanggalingan:
Si Hesukristo’y nabuhay,
S’ya’y ating kaliwanagan.
4. (Sa pagguhit ng omega sa paanan ng krus)

Si Kristo ang s’yang hantungan:


Omega’y kanyang larawan,
S’ya ang ating patunguhan:
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ang ating kaliwanagan.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 139

5. (Sa pagguhit ng unang bilang ng taon, sa itaas na kaliwang sulok ng krus)

Kay Kristo ay nabibilang


lahat ng panaho’t araw,
bawa’t yugto ng pag-iral:
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.
6. (Sa pagguhit ng ikalawang bilang ng taon, sa itaas na kanang sulok ng krus)

Kay Kristo ay nabibilang


mga taong daan-daan,
Hari s’ya ng kasaysayan:
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.
7. (Sa pagguhit ng ikatlong bilang ng taon, sa ibabang kaliwang sulok ng krus)

Kay Kristo ang karangalan


lahat ng kapangyarihan.
Panginoong dinarangal:
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.
8. (Sa pagguhit ng ikaapat na bilang ng taon sa ibabang kanang sulok ng krus)




Kay Kristo ang kapurihan
ng buong sangkatauhan
ngayon at magpakailanman.
A


Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan. 2 0
2 2
Ω
140 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

Kapag naiguhit na ang krus at ang mga iba pang palamuti, maaring itusok ng pari ang limang
butil ng insenso sa kandila. Gagawin niya ito ayon sa balangkas ng krus, habang ipinahahayag:

1. Sa sugat na lubhang banal


ni Hesus sa tagiliran
dugo’t tubig ay lumitaw.
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.

2. May sugat sa paang kanan


si Hesus na nabayubay
sa krus na kinamatayan.
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanangan.

3. Ang

kaliwang paa naman
ni Hesus din ay sugatan
1
pako’y naglagos na tunay: 4 2 5
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan. 3
4. At sa kanan niyang kamay
Si Hesus di’y pinakuan
kaya’t may sugat na taglay:
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.

5. Sa kanyang kaliwang kamay


si Hesus ay pinakuan
noong buhay n’ya’y ialay.
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 141

Isisindi ang kandila sa bagong basbas na apoy habang ipinahahayag:

Mapawi nawang tuluyan


ang dilim ng kasalanan
sa puso nati’t isipan:
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.

PRUSISYON
Ang diyakono o ang pari, kapag walang diyakono, ay siyang magdadala sa kandila ng Pasko ng
Pagkabuhay. Ito’y itataas niya habang inaawit:

Tayo nang magbigay-dangal


kay Hesus na ating ilaw
sa diwa nati’t isipan.
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.
Sasagot ang lahat:

Salamat po, Poong banal,


sa ilaw na iyong bigay
upang kami ay tanglawan.
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.
Lahat ay papasok sa simbahan, sa pangunguna ng may dalang kandila ng Pasko ng Pagkabuhay.
Kung ginagamit ang insensaryo, ang tagadala nito ay siyang mangunguna.

Sa pintuan ng simbahan, itataas ang kandila at aawitin sa ikalawang pagkakataon:

Tayo nang magbigay-dangal


kay Hesus na ating ilaw
sa diwa nati’t isipan.
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.
142 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

Sasagot ang lahat:

Salamat po, Poong banal,


sa ilaw na iyong bigay
upang kami ay tanglawan.
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.
Lahat ay magsisindi ng kanilang kandila mula sa kandila ng Pasko ng Pagkabuhay. Magpapatuloy
ang pagpuprusisyon.

Pagsapit ng maydala ng kandila ng Pasko ng Pagkabuhay sa dako ng dambana, haharap siya sa


mga tao at aawitin sa ikatlong pagkakataon:

Tayo nang magbigay-dangal


kay Hesus na ating ilaw
sa diwa nati’t isipan.
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.
Sasagot ang lahat:

Salamat po, Poong banal,


sa ilaw na iyong bigay
upang kami ay tanglawan.
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.
Ang mga ilaw sa simbahan ay sisindhan.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 143

ANG MARINGAL NA PAGPAPAHAYAG


NA NGAYO’Y PASKO NG PAGKABUHAY(EXSULTET)
Pagsapit sa gawi ng dambana, ang pari ay paroroon sa kanyang upuan. Ilalagay ang kandila sa
patungan o kandelero nito na nasa gitnang dako ng dambana o malapit sa mataas na dakong
nakalaan para sa mga pagbasa. Kung ginagamit ang insensaryo, ito’y lalagyan ng insenso ayon
sa ginaganap sa loob ng Misa, sa bahagi ng paghahayag ng Mabuting Balita. Ang diyakono ay
makikusap na siya’y gawaran ng pagpapala ng pari.

Hindi kinakailangang gawin ito kung ang pagpapahayag na ngayo’y Pasko ng Pagkabuhay ay
gagampanan ng hindi naman diyakono.

Ang aklat at ang kandila ay iinsensuhan. Ang diyakono o ang pari, kapag walang diyakono, ay
aawit ng paghahayag ng Pasko ng Pagkabuhay mula sa mataas na dako para sa pagbasa o mula
sa pulpito. Lahat ay tatayo na may tangang kandila.

Kung kinakailangan, ang pagpapahayag na ngayo’y Pasko ng Pagkabuhay ay magagampanan ng


isang tao na hindi naman diyakono. Sa ganitong katayuan lalaktawan niya ang mga pangungusap
na naaangkop sa diyakono lamang.

Ang pagpapahayag na ngayo’y Pasko ng Pagkabuhay ay maaaring gawin sa mahaba o maikling


paraan.

Ang Mahabang Paraan ng


Pagpapahayag na Ngayo’y Pasko ng Pagkabuhay

Magalak kayong lahat sa kalangitan,


kayong mga anghel ay mangag-awitan!
Magalak kayong lahat na mapapalad na nilikha
na nakapaligid sa luklukang dakila.

1. Si Kristo na ating Hari ay nabuhay na mag-uli!


Hipan natin ang tambuli nitong ating kaligtasan!
Magalak, o sanlibutan, sa maningning nating ilaw!
Si Kristo na walang maliw ang pumaram sa dilim!

T. Magalak nang lubos ang buong Sambayanan!


Sa kaluwalhatian lahat tayo’y magdiwang!
Sa ningning ni Hesukristo, sumagip sa sansinukob,
S’ya’y muling nabuhay, tunay na Manunubos!
144 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

2. Itaas sa kalangitan ating puso at isipan!


D’yos Ama’y pasalamatan sa Anak niyang nabuhay.
Sapagka’t tapat s’yang tunay sa kanyang pananagutan
para sa kinabilangan niya na sambayanan!

T. Magalak nang lubos ang buong Sambayanan!


Sa kaluwalhatian lahat tayo’y magdiwang!
Sa ningning ni Hesukristo, sumagip sa sansinukob,
S’ya’y muling nabuhay, tunay na Manunubos!

3. Ngayon nga ang kapistahan ni Hesukristong nag-alay


ng kanyang sariling buhay, nagtiis ng kamatayan.
Ang minanang kasalanan, ang dating kaalipina’y
sa tubig pawang naparam, kalayaa’y nakamtan!

T. Magalak nang lubos ang buong Sambayanan!


Sa kaluwalhatian lahat tayo’y magdiwang!
Sa ningning ni Hesukristo, sumagip sa sansinukob,
S’ya’y muling nabuhay, tunay na Manunubos!

4. Ngayon nga ang pagdiriwang ng ating muling pagsilang


sa tubig ng kaligtasan na batis ng kabanalan,
pagka’t mula sa libingan bumangon na matagumpay
Mesiyas ng sanlibutan - si Hesus nating mahal!

T. Magalak nang lubos ang buong Sambayanan!


Sa kaluwalhatian lahat tayo’y magdiwang!
Sa ningning ni Hesukristo, sumagip sa sansinukob,
S’ya’y muling nabuhay, tunay na Manunubos!

5. D’yos Ama ng sanlibutan, tunay na walang kapantay


pag-ibig mo’t katapatan para sa mga hinirang.
Handog mo’y kapatawaran sa lahat ng kasalanan.
Higit sa lahat mong alay - si Hesus naming mahal!
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 145

T. Magalak nang lubos ang buong Sambayanan!


Sa kaluwalhatian lahat tayo’y magdiwang!
Sa ningning ni Hesukristo, sumagip sa sansinukob,
S’ya’y muling nabuhay, tunay na Manunubos!

6. Dahil sa kaligayahang sa ami’y nag-uumapaw


hain namin itong ilaw, sagisag ng Pagkabuhay.
Tunay na kaliwanagang hatid ni Hesus naTanglaw,
ang dilim ng kamatayan ay napawi’t naparam!

T. Magalak nang lubos ang buong Sambayanan!


Sa kaluwalhatian lahat tayo’y magdiwang!
Sa ningning ni Hesukristo, sumagip sa sansinukob,
S’ya’y muling nabuhay, tunay na Manunubos!

7. Ang Araw ng Kaligtasan, si Hesus, bukang-liwayway,


walang maliw na patnubay sa landas ng kaligtasan,
hatid n’ya’y kapayapaan, lakas mo at pagmamahal
upang aming magampanan aming pananagutan!

T. Magalak nang lubos ang buong Sambayanan!


Sa kaluwalhatian lahat tayo’y magdiwang!
Sa ningning ni Hesukristo, sumagip sa sansinukob,
S’ya’y muling nabuhay, tunay na Manunubos!
146 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

Ang Maikling Paraan ng


Pagpapahayag na Ngayo’y Pasko ng Pagkabuhay

1. Magalak ngayo’t magdiwang,


mga anghel na kinapal,
lahat tayo’y mag-awitan:
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.

2. Tambuli ng kaligtasan
maghudyat ng kagalakan
magsaya ang sanlibutan.
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.

3. Hinirang na sambayanan
bumubuo ng Simbahan
magsaya sa kaningningan.
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.

4. Ang puso nati’t isipan


itaas sa kalangitan
ang Ama’y pasalamatan.
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.

5. Ngayon nga ang kapistahan


ng Panginoong namatay
ukol sa ‘ting kalayaan.
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 147

6. Ngayon nga ang pagdiriwang


ng muli nating pagsilang
sa tubig ng kaligtasan.
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.

7. D’yos Ama ng sanlibutan,


pag-ibig mo’t katapatan
patawad sa ami’y bigay.
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.

8. Hain namin itong ilaw


sagisag ng matagumpay
na Anak mong minamahal.
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.
148 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS


Sa pagdiriwang na ito, na siyang ina ng Magdamagang Pagdiriwang, siyam na pagbasa ang
nakalaan, pito mula sa Matandang Tipan at dalawa mula sa Bagong Tipan (ang Sulat at ang
Mabuting Balita).

Ang bilang ng mga pagbasa buhat sa Matandang Tipan ay maaaring bawasan alinsunod sa
kaayusang makabubuti sa pamumuhay kristiyano ng mga nagsisimba, subalit dapat ay huwag
kalimutang ang pagbasa ng Salita ng Diyos ay pangunahing sangkap nitong Magdamagang
Pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay. Tatlo man lamang sanang pagbasa mula sa Matandang
Tipan ay ipahayag bagama’t kung may mabigat na dahilan, maaari rin namang ito’y maging
dalawa. Ang pagbasa mula sa ika-14 na kabanata ng Exodo ay hindi dapat kaligtaan.

Matapos ang pag-awit ng pagpapahayag na ngayo’y Pasko na ng Pagkabuhay, papatayin ang


sindi ng mga kandila at uupo ang lahat. Bago simulan ang paglalahad ng mga pagbasa, maaaring
ang pari ay magsalita ng ilang pangungusap ng paliwanag katulad ng narito o ng anumang
katumbas nito:

M ga kapatid,
ngayong nasimulan na natin
ang Magdamagang Pagdiriwang ng Muling Pagkabuhay,
makinig tayong mabuti sa Salita ng Diyos,
isaloob natin kung paano niyang ginaganap
sa iba’t ibang yugto ng kasaysayan
ang pagliligtas niya sa mga hinirang na tao.
Noon ngang sumapit ang itinakda niyang panahon,
ang kanyang sariling Anak ang kanyang sinugo
upang maging ating Tagapagligtas.
Hilingin natin sa Diyos
ang kaganapan ng kaligtasan na nangyayari ngayon
sa pagdiriwang ng Pasko ng pagtubos sa tanan.
lsusunod ngayon ang paglalahad ng mga pagbasa. Isang tagapaglahad ng pagbasa ang paroroon
sa mataas na dakong para sa pagbasa at ipahahayag niya ang Salita ng Diyos. Ang tagapamuno
naman ng pag-awit ang siyang mangunguna sa pag-awit ng salmo at ang mga tao ay tutugon.
Tatayo ang lahat at ipahahayag ng pari ang paanyayang “Manalangin tayo.” Kapag nakapagdasal
na nang tahimik ang lahat, ipahahayag ng pari ang panalangin.

Sa halip na sagutang pag-awit ng salmo, maaari rin namang magkaroon ng saglit na katahimikan.
Kapag ito ang ginawa, hindi na kailangang magkaroon ng patlang pagkatapos ng paanyayang
“Manalangin tayo.”
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 149

UNANG PAGBASA
Genesis 1:1—2:2
Pinagmasdan ng Diyos ang lahat niyang ginawa at lubos siyang nasiyahan.

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

N ang simulang likhain ng Diyos ang lupa at langit,


ang lupa ay wala pang hugis o anyo.
Dilim and bumabalot sa kalaliman
at umiihip ang malakas na hangin sa ibabaw ng tubig.
Sinabi ng Diyos:
“Magkaroon ng liwanag!”
At nagkaroon nga.
Nasiyahan ang Diyos nang ito’y mamasdan.
Pinagbukod niya ang liwanag at and dilim.
Ang liwanag ay tinawag niyang Gabi.
Dumaan ang gabi, at sumapit ang umaga
—iyong ang unang araw.

Sinabi ng Diyos:
“Magkaroon ng kalawakang maghahati sa tubig
upang ito’y magkahiwalay!”
At nangyari ito.
Ginawa ng Diyos ang kalawakan
na pumagitan sa tubig na nasa itaas at nasa ibaba.
Langit ang itinawag niya sa kalawakan.
Dumaan ang gabi, at sumapit ang umaga
—iyon ang ikalawang araw.

Sinabi ng Diyos:
“Magsama sa isang dako ang tubig sa silong ng langit
upang lumitaw ang lupa.”
At ito’y nangyari.
Ang lupa ay tinawag niyang Daigdig,
at Karagatan naman ang nagsama-samang tubig.
Nasiyahan siya nang ito’y mamasdan.
150 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

Pagkatapos, sinabi ng Diyos:


“Magkaroon sa lupa ng lahat ng uri
ng halamang namumunga at nagbubutil!”
At nangyari ito.
Tumubo nga sa lupa ang gayong mga halaman.
Nasiyahan siya sa kanyang ginawa nang ito’y mamasdan.
Dumaan ang gabi, at sumapit ang umaga
—iyon ang ikatlong araw.

Sinabi pa ng Diyos:
“Magkaroon ng mga tanglaw sa langit
para mabukod ang araw sa gabi.
Ito ang magiging batayan
sa bilang ng mga araw, taon at kapistahan.
Mula sa langit,
ang mga ito’y magsasabog ng liwanag sa daigdig.”
At gayon nga ang nangyari.
Nilikha ng Diyos ang dalawang malaking tanglaw:
ang Araw, upang tumanglaw sa maghapon,
at ang Buwan, upang magbigay liwanag kung gabi.
Nilikha rin niya ang mga bituin.
Inilagay niya sa langit ang mga tanglaw na ito
upang magsabog ng liwanag sa daigdig,
tumanglaw kung araw o gabi,
at magbukod sa liwanag at dilim.
Pinagmasdan ng Diyos ang kanyang ginawa at siya’y nasiyahan.
Dumaan ang gabi, at sumapit ang umaga
—iyon ang ika-apat na araw.

Sinabi pa ng Diyos:
“Magkaroon sa tubig ng maraming bagay na may buhay,
at magkaroon din ng mga ibon sa himpapawid.
Nilikha ng Diyos ang mga dambuhala sa dagat,
at lahat ng bagay na nabubuhay sa tubig,
at lahat ng uri ng ibon.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 151

Minasdan niya ang kanyang ginawa, at siya’y nasiyahan.


Pinagpala niya ang mga ito at sinabi:
“Magpakarami ang lahat ng bagay na nabubuhay sa tubig
at punuin ang karagatan;
magpakarami rin ang mga ibon at punuin ang daigdig.”
Dumaan ang gabi, at sumapit ang umaga
—iyon ang ikalimang araw.

Sinabi ng Diyos:
“Magkaroon ng lahat ng uri ng hayop sa lupa
—maaamo, maiilap, malalaki at maliliit.”
At gayon nga ang nangyari.
Nilikha nga niya ang lahat ng ito,
at siya’y lubos na nasiyahan nang mamasdan ang mga ito.

Pagkatapos likhain ang lahat ng ito, sinabi ng Diyos:


“Ngayon, lalangin natin ang tao.
Ating gagawin siyang kalarawan natin.
Siya ang mamamahala sa mga isda, mga ibon
at lahat ng hayop, maging maamo o mailap, malaki o maliit.”
Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan.
Lumalang siya ng isang lalaki at isang babae, at sila’y pinagpala.
Wika niya, “Magpakarami kayo at punuin ng inyong mga supling
ang buong daigdig, at pamahalaan ito.
Binibigyan ko kayo ng kapangyarihan sa mga isda, sa mga ibon,
at sa lahat ng maiilap na hayop, maging malalaki o maliliit.
Bibigyan ko rin kayo ng lahat ng uri ng butil
at mga bungangkahoy na inyong makakain.
Ang lahat ng halamang luntian
ay ibibigay ko naman sa maiilap na hayop,
malaki man o maliit, at sa lahat ng mga ibon.”
At ito nga ang nangyari.
Pinagmasdan ng Diyos ang lahat niyang ginawa,
at lubos siyang nasiyahan.
Dumaan ang gabi, at sumapit ang umaga
ito ang ika-anim na araw.
152 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

Gayon nilikha ng Diyos ang lupa,


ang langit at lahat ng bagay na narororoon.
Sa loob ng anim na araw,
tinapos niyang likhain ang lahat ng ito,
at siya’y nagpahinga sa ikapitong araw.
Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:

Ang Salita ng Diyos.


Sasagot ang lahat:

Salamat sa Diyos.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 153

o kaya:

UNANG PAGBASA
Maikling Pagbasa
Genesis 1:1. 26-31
Pinagmasdan ng Diyos ang lahat niyang ginawa at lubos siyang nasiyahan.

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

N ang simulang likhain ng Diyos ang lupa at ang langit,


sinabi ng Diyos: “Ngayon, lalangin natin ang tao.
Ating gagawin siyang kalarawan natin.
Siya ang mamamahala sa mga isda, mga ibon
at lahat ng hayop, maging maamo o mailap, malaki o maliit.”
Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan.
Lumalang siya ng isang lalaki at isang babae, at sila’y pinagpala.
Wika niya, “Magpakarami kayo at punuin ng inyong mga supling
ang buong daigdig, at pamahalaan ito.
Binibigyan ko kayo ng kapangyarihan sa mga isda, sa mga ibon,
at sa lahat ng maiilap na hayop, maging malalaki o maliliit.
Bibigyan ko rin kayo ng lahat ng uri ng butil
at mga bungangkahoy na inyong makakain.
Ang lahat ng halamang luntian
ay ibibigay ko naman sa maiilap na hayop,
malaki man o maliit, at sa lahat ng mga ibon.”
At ito nga ang nangyari.
Pinagmasdan ng Diyos ang lahat niyang ginawa,
at lubos siyang nasiyahan.
Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:

Ang Salita ng Diyos.


Sasagot ang lahat:

Salamat sa Diyos.
154 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

SALMONG TUGUNAN
Salmo 103:1-2. 5-6. 10. 12. 13-14. 24. 35

T. Espiritu mo’y suguin


Poon, tana’y ‘yong baguhin.

Pinupuri ka, Poong Diyos, nitong aking kaluluwa


ikaw Panginoong Diyos ko, kay sakila mong talaga!
Ang taglay mong kasuuta’y dakila ri’t marangal pa.
Nababatbat ka, Poong Diyos, ng liwanag na kay ganda.

T. Espiritu mo’y suguin


Poon, tana’y ‘yong baguhin.

Ikaw na rin ang nagtayo ng saligan nitong lupa,


matatag na ginawa mo’t hindi ito mauuga.
Ang ibabaw ng saliga’y ginawa mong karagatan,
at tubig din ang bumalot sa lahat ng kabundukan.

T. Espiritu mo’y suguin


Poon, tana’y ‘yong baguhin.

Lumilikha ka ng ilog na patungong kapatagan,


sa gilid ng mga burol, umaagos na marahan.
Sa naroong kakahuya’y umaawit ng masaya,
mga ibo’y nagpupugad sa malabay nilang sanga.

T. Espiritu mo’y suguin


Poon, tana’y ‘yong baguhin.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 155

Magmula sa kalangitan, mga bundok ay nadilig,


ibinuhos ang biyaya’t lumaganap sa daigdig.
Tumubo ang mga damong pagkain ng mga baka.
Nagkaroon ng halamang masaganang namumunga;
anupa’t ang mga tao’y may pagkaing nakukuha.

T. Espiritu mo’y suguin


Poon, tana’y ‘yong baguhin.

Sa daigdig, Panginoon, kay rami ng iyong likha


pagkat ikaw ay marunong kaya ito ay nagawa,
ang dami ng nilikha mong nakalaganap sa lupa.
Panginoo’y purihin mo, purihin mo, kaluluwa!
Purihin ang Panginoon, o purihin mo nga siya!

T. Espiritu mo’y suguin


Poon, tana’y ‘yong baguhin.
156 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

o kaya:

SALMONG TUGUNAN
Salmo 32:4-5. 6-7. 12-13. 20. 22

T. Awa’t pag-ibig ng Diyos


sa sangkalupaa’y lubos.
Panginoo’y tapat sa kanyang salita,
at maaasahan ang kanyang ginawa.
Minamahal niya ang gawang matapat,
ang pag-ibig niya sa mundo’y laganap.
T. Awa’t pag-ibig ng Diyos
sa sangkalupaa’y lubos.
Sa utos ng Poon, nalikha ang langit,
ang araw, ang buwa’t talang maririkit;
sa isang dako, tubig ay tinipon,
at sa kalaliman ay doon kinulong.
T. Awa’t pag-ibig ng Diyos
sa sangkalupaa’y lubos.
Mapalad ang bansang Panginoo’y Diyos,
mapalad ang bayang kanyang ibinukod.
Magmula sa langit, kanyang minamasdan
ang lahat ng tao na kayang nilalang.
T. Awa’t pag-ibig ng Diyos
sa sangkalupaa’y lubos.
Ang ating pag-asa’y nasa Panginoon;
siya ang sanggalang natin at katulong.
Ipagkaloob mo na aming makamit,
O Poon, ang iyong wagas na pag-ibig,
yamang ang pag-asa’y sa ‘yo nasasalig!
T. Awa’t pag-ibig ng Diyos
sa sangkalupaa’y lubos.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 157

PANALANGIN
Kasunod ng unang pagbasa, ipahahayag ng pari:

Manalangin tayo.

A ma naming makapangyarihan,
lahat ng iyong mga nilikha ay ikaw ang itinatampok.
Nawa’y maisaloob ng iyong mga tinubos
na ang daigdig sa pasimula
ay lalo mo pang pinadakila
sa mga huling panahon ng pagsagip ni Kristo
na siyang inihaing Korderong pamasko
na kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang lahat:

Amen.
o kaya itong panalangin tungkol sa paglikha ng tao::

Manalangin tayo.

A ma naming makapangyarihan,
sa iyong kagandahang-Ioob kami’y iyong nilikha
at sa iyong pagtatangkilik kami’y iyong pinadakila.
Ipagkaloob mong ang aming matatag na kalooban ay manaig
sa kasalanang nagbibigay-balakid
sa aming pagiging marapat na sa iyong ligaya’y sumapit
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang lahat:

Amen.
158 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

IKALAWANG PAGBASA
Genesis 22:1-18
Ang paghahain ni Abraham na ama natin sa pananampalataya.

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

N oong mga araw na iyon:


Sinubok ng Diyos si Abraham.
Tinawag siya ng Diyos at tumugon naman siya.

Sinabi sa kanya,
“Isama mo ang pinakamamahal mong anak na si Isaac,
at magpunta kayo sa lupain ng Moria.
Umakyat kayo sa bundok na ituturo ko sa iyo,
at ihandog mo siya sa akin.”

Kinabukasan, maagang bumangon si Abraham,


at sumakay sa asno, kasama si Isaac
at ang dalawang aliping lalaki.
May dala silang kahoy na panggatong.
Matapos ang tatlong araw na paglalakbay,
natanaw nila ang dakong kanilang patutunguhan.
Kaya’t sinabi ni Abraham sa kanyang mga alipin,
“Bantayan na ninyo rito ang asno
at kami na lamang ni Isaac ang magtutuloy.
Sasamba lamang kami sa dako roon,
at babalikan namin kayo.”

Ipinapasan ni Abraham kay Isaac ang kahoy na panggatong,


dala naman niya ang apoy at patalim,
at magkasama silang lumakad.
Tinawag ni Isaac ang pansin ng ama, “Ama!”
“Ano iyon, anak?” tugong patanong ni Abraham.
“Mayroon na tayong apoy at panggatong,
ngunit nasaan ang korderong ihahandog?” tanong ni Isaac.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 159

Sumagot si Abraham,
“Anak ng Diyos ang magbibigay niyon sa atin.”
Kaya’t nagpatuloy sila sa paglakad.

Pagsapit nila sa dakong itinuro ng Diyos,


gumawa ng dambana si Abraham.
Inayos niya sa ibabaw nito ang panggatong
at inihiga si Isaac, matapos gapusin.
Nang sasaksakin na niya ang bata,
tinawag siya ng anghel ng Panginoon
at mula sa langit ay sinabi: “Abraham! Abraham!
Huwag mong patayin ang bata.
Huwag mo siyang saktan!
Naipakita mo nang handa kang sumunod sa Diyos,
sapagkat hindi mo ipinagkait sa kanya
ang kaisa-isa at pinakamamahal mong anak.”

Paglingon niya’y may nakita siyang isang lalaking tupa


na ang mga sungay ay napasabit sa mga sanga ng kahoy.
Ito ang kinuha ni Abraham at inihandog
kapalit ng kanyang anak.
Ang lugar na iyo’y tinawag ni Abraham na,
“Ang Panginoon ang Nagkaloob.”
At magpahanggang ngayon, sinasabi ng mga tao:
“Sa bundok ng Panginoon ay may nakalaan.”

Mula sa langit,
nagsalitang muli kay Abraham ang anghel ng Panginoon.
Wika nito, “Akong Panginoon ang nangangako sa iyo:
yamang hindi mo ipinagkait sa akin
ang kaisa-isa mong anak, pagpapalain kita.
Ang lahi mo’y magiging sindami ng bituin sa langit
at ng buhangin ng dagat.
Lulupigin nila ang mga lungsod ng kanilang mga kaaway.
160 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

Sa pamamagitan ng iyong lahi,


pagpapalain ang lahat ng bansa sa daigdig
sapagkat ikaw ay tumalima sa akin.”
Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:

Ang Salita ng Diyos.


Sasagot ang lahat:

Salamat sa Diyos.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 161

o kaya:

IKALAWANG PAGBASA
Maikling Pagbasa
Genesis 22:1-2. 9. 10-13. 15-18
Ang paghahain ni Abraham na ama natin sa pananampalataya

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

N oong mga araw na iyon:


Sinubok ng Diyos si Abraham.
Tinawag siya ng Diyos at tumugon naman siya.

Sinabi sa kanya,
“Isama mo ang pinakamamahal mong anak na si Isaac,
at magpunta kayo sa lupain ng Moria.
Umakyat kayo sa bundok na ituturo ko sa iyo,
at ihandog mo siya sa akin.”

Pagsapit nila sa dakong itnuro ng Diyos,


gumawa ng dambana si Abraham.
Inayos niya sa ibabaw nito ang panggatong.
Nang sasaksakin na niya ang bata,
tinawag siya ng anghel ng Panginoon
at mula sa langit ay sinabi: “Abraham! Abraham!
Huwag mong patayin ang bata.
Huwag mo siyang saktan!
Naipakita mo nang handa kang sumunod sa Diyos,
sapagkat hindi mo ipinagkait sa kanya
ang kaisa-isa at pinakamamahal mong anak.”

Paglingon niya’y may nakita siyang isang lalaking tupa


na ang mga sungay ay napasabit sa mga sanga ng kahoy.
Ito ang kinuha ni Abraham
at inihandog kapalit ng kanyang anak.
162 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

Mula sa langit,
nagsalitang muli kay Abraham ang anghel ng Panginoon.
Wika nito, “Akong Panginoon ang nangangako sa iyo:
yamang hindi mo ipinagkait sa akin
ang kaisa-isa mong anak, pagpapalain kita.
Ang lahi mo’y magiging sindami ng bituin sa langit
at ng buhangin ng dagat.
Lulupigin nila ang mga lungsod ng kanilang mga kaaway.
Sa pamamagitan ng iyong lahi,
pagpapalain ang lahat ng bansa sa daigdig
sapagkat ikaw ay tumalima sa akin.”
Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:

Ang Salita ng Diyos.


Sasagot ang lahat:

Salamat sa Diyos.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 163

SALMONG TUGUNAN
Salmo 15:5. 8. 9-10. 11

T. D’yos ko, ang aking dalangi’y


ako’y iyong tangkilikin.

Ikaw lamang, Panginoon, ang lahat sa aking buhay.


Ako’y iyong tinutugon sa lahat kong kailangan;
ang biyayang kaloob mo ay kahanga hangang tunay.
Nababatid ko na ika’y kasama ko oras-oras,
sa piling mo kailanma’y hindi ako matitinag.

T. D’yos ko, ang aking dalangi’y


ako’y iyong tangkilikin.

Kaya’t ako’y nagdiriwang, ang diwa ko’y nagagalak,


ang lagi kong nadarama’y hindi ako matitinag.
Pagkat di mo tutulutang ang mahal mo ay malagak,
sa balon ng mga patay upang doon ay maagnas.

T. D’yos ko, ang aking dalangi’y


ako’y iyong tangkilikin.

Ituturo mo ang landas na buhay ang hahantungan,


sa piling mo’y madarama ang lubos na kagalakan;
ang tulong mo’y nagdudulot ng ligayang walang hanggan.

T. D’yos ko, ang aking dalangi’y


ako’y iyong tangkilikin.
164 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

PANALANGIN
Kasunod ng ikalawang pagbasa, ipahahayag ng pari:

Manalangin tayo.

A ma naming makapangyarihan,
pinararami mo sa sanlibutan
ang mga anak na sa pangako mo’y sumilang
bunga ng paglawak ng saklaw ng iyong paghirang.
Sa pagbibinyag, ginagawa mong matupad
ang iyong pangakong si Abraham ay maging ama ng lahat.
Ipagkaloob mong ang iyong sambayanan
ay marapat na makatugon sa iyong panawagan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang lahat:

Amen.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 165

IKATLONG PAGBBASA
Exodo 14:15—15:1
Ang mga Israelita’y bumagtas sa dagat na ang lakara’y tuyong lupa.

Pagbasa mula sa aklat ng Exodo

N oong mga araw na iyon:


Sinabi ng Panginoon kay Moises,
“Bakit mo ako tinatawag?
Palakarin mo ang mga Israelita.
Itapat mo sa ibabaw ng dagat ang iyong tungkod;
mahahati ang tubig at matutuyo ang lalakaran ninyo.
Lalo kong pagmamatigasin ang mga Egipcio
at pasusundan ko kayo sa kanila, ngunit doon ko sila lilipulin:
ang mga Egipcio, ang mga kawal ng Faraon,
pati ang kanilang mga karwahe.
Ipakikita ko sa kanila ang aking kapangyarihan.
Sa gayon, malalaman ng mga Egipciong iyan na ako ang Panginoon.”

Ang anghel ng Diyos na pumapatnubay


sa paglalakbay ng mga Israelita
ay nagpatihuli sa kanila, gayon din ang haliging ulap.
Ang ulap ay lumagay sa pagitan ng mga Israelita
at ng mga Egipcio at lumatag ang kadiliman.
Dumating ang gabi at ang mga Egipcio
ay di makalapit sa mga Israelita.

Itinapat ni Moises ang kanyang tungkod sa ibabaw ng dagat.


Magdamag na pinaihip ng Panginoon
ang isang malakas na hangin mula sa silangan
at nahati ang tubig.
Ang mga Israelita’y bumagtas sa dagat
na ang nilakara’y tuyong lupa,
sa pagitan ng animo’y pader na tubig.
166 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

Hinabol sila ng mga Egipcio,


ng mga kawal, karwahe at kabayuhan ng Faraon.
Nang magbubukang-liwayway na,
ang mga Egipcio’y ginulo ng Panginoon
mula sa haliging apoy at ulap.
Nalubog ang gulong ng mga karwahe
at hindi na sila makatugis nang matulin.
Kaya sinabi nila, “Umalis na tayo rito
sapagkat ang Panginoon na ang kalaban natin.”

Sinabi ng Panginoon kay Moises,


“Itapat mo ang iyong tungkod sa ibabaw ng dagat
at tatabunan ng tubig ang mga Egipcio
pati ng kanilang karwahe.”
Ganoon nga ang ginawa ni Moises,
at pagbubukang-liwayway, nanumbalik sa dati ang dagat.
Ang mga Egipcio’y nagsikap makatakas
ngunit pinalakas ng Panginoon ang dating ng tubig
kaya’t sila’y nalunod na lahat.
Nang manauli ang dagat,
natabunan ang mga karwahe’t kabayo ng Faraon,
pati ng kanyang mga kawal at walang natira isa man.
Ngunit ang mga Israelita’y nakatawid sa dagat,
na tuyo ang dinaanan, sa pagitan ng animo’y pader na tubig.

Nang araw na yaon


ang mga Israelita’y iniligtas ng Panginoon sa mga Egipcio;
nakita nila ang bangkay ng mga Egipcio,
nagkalat sa baybay-dagat.
Dahil sa kapangyarihang ipinakita ng Panginoon
laban sa mga taga-Egipcio,
nagkaroon sila ng takot sa kanya
at sumampalataya sila sa kanya at sa alagad niyang si Moises.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 167

Ito ang inawit ni Moises


at ng mga Israelita para sa Panginoon.

“Ang Panginoo’y atin ngayong awitan


sa kanyang kinamtang Dakilang tagumpay;
Ang mga kabayo’t kawal ng kaaway
Sa pusod ng dagat, lahat natabunan.”
Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:

Ang Salita ng Diyos.


Sasagot ang lahat:

Salamat sa Diyos.
168 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

SALMONG TUGUNAN
Exodo 15:1-2. 3-4. 5-6. 17-18

T. Poon ay ating awitan


sa kinamtan n’yang tagumpay.

Ang Panginoo’y atin ngayong awitan


sa kanyang kinamtang Dakilang tagumpay;
ang mga kabayo’t kawal ng kaaway
sa pusod ng dagat, lahat natabunan.
Ako’y pinalakas niya’t pinatatag,
siya ang sa aki’y nagkupkop, nag-ingat,
Diyos ng magulang ko, aking manliligtas.

T. Poon ay ating awitan


sa kinamtan n’yang tagumpay.

Siya’y mandirigma na walang kapantay,


Panginoo’y kanyang pangalan.
Nang ang mga kawal ng Faroan
sa Dagat ng mga Tambo ay mangagsilusong,
ang lahat ng ito ay kanyang nilunod
pati na sasakya’y kanyang pinalubog.

T. Poon ay ating awitan


sa kinamtan n’yang tagumpay.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 169

Sila’y natabunan ng alon sa dagat,


tulad nila’y batong lumubog kaagad.
Ang mga bisig mo ay walang katulad,
wala ngang katulad, walang kasinlakas,
sa isang hampas mo, kaaway nangalat,
nangadurog mandin sa ‘yong mga palad.

T. Poon ay ating awitan


sa kinamtan n’yang tagumpay.

Sila’y dadalhin mo sa pinili mong bundok.


Sa lugar na itinangi mo, para maging iyong lubos
at sa santwaryong natayo ayon sa iyong loob.
Ikaw, Poon, maghahari magpakailanman.

T. Poon ay ating awitan


sa kinamtan n’yang tagumpay.
170 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

PANALANGIN
Pagkaraan ng ikatlong pagbasa, ipahahayag ng pari:

Manalangin tayo.

A ma naming makapangyarihan,
ang idinudulot mong pagpapalaya noon ay sa iyong sambayanan
mula sa pang-aapi ng haring sa kanila’y nagpapatay
ay nababanaagan namin kahit sa aming kapanahunan
sa inyong pagliligtas na iyong ginaganap sa muling pagsilang
ng mga bininyagang mula sa iba’t ibang bansa at bayan.
Ipagkaloob mong ang pagiging anak ni Abraham
at ang dangal na sa Israel mapabilang
ay maging lubos na kapalaran ng sanlibutan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang lahat:

Amen.
o kaya:

Manalangin tayo.

A ma naming makapangyarihan,
noong unang panahon ay iyo nang idinulot na mabanaag
ang himala ng Bagong Tipan sa pagtawid sa dagat
bilang tagapahiwatig ng nagaganap sa pagbibinyag
na siyang paglaya ng iyong sambayanan sa pagkabihag.
Ipagkaloob mong ang lahat ng mga bansa ay makaranas
ng muling pagsilang na dulot ng Espiritung tinatanggap
ng mga may pananampalataya na Israel ang unang nagpamalas
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang lahat:

Amen.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 171

IKAAPAT NA PAGBASA
Isaias 54:5-14
Habang panahong ipadarama ng Panginoon
ang tapat niyang pagmamahal.

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

A ng iyong naging kasintaha’y


ang may likha sa iyo,
Siya ang Makapangyarihang Panginoon;
ililigtas ka ng Diyos ng Israel,
Siya ang hari ng lahat ng bansa.
Israel, ang katulad mo ay babaing bagong kasal,
iniwan ng asawa, batbat ng kalungkutan.
Ngunit tinawag kang muli ng Panginoon
sa kanyang piling at sinabi:
“Sandaling panahong kita’y iniwanan
ngunit dahil sa tapat kong pag-ibig,
muli kitang kukupkupin.
Sa tindi ng galit nilisan kita sandali,
ngunit habang panahon kong ipadarama sa iyo
ang tapat kong pagmamahal.”
Iyan ang sabi ng Panginoon na nagligtas sa iyo.
“Nang panahon ni Noe,
Ako ay sumumpang di na mauulit
na ang mundong ito’y gunawin sa tubig.
Gayon din sa ngayon,
iiwasan ko nang sa iyo’y magalit
at hindi na kita parurusahan uli.
Maguguho ang mga bundok at ang mga burol,
ngunit habang pag-ibig ko’y hindi maglalaho,
at mananatili ang kapayapaang aking pangako.”
Iyan ang sinasabi ng Diyos na Panginoon,
na nagmamahal sa iyo.
172 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

Sinabi ng Panginoon, “O Jerusalem, nagdurusang lungsod


na walang umaliw sa kapighatian,
muling itatayo ang mga pundasyon mo,
ang gagamitin ko’y mamahaling bato.
Gagamiti’y rubi sa mga tore mo,
batong maningning ang iyong pintuan,
at sa mga pader ay mga hiyas na makinang.
Ako ang magtuturo sa iyong mga anak.
Sila’y magiging payapa at buhay ay uunlad.
Patatatagin ka ng katarungan at katuwiran,
magiging malayo sa mananakop at sa takot.”
Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:

Ang Salita ng Diyos.


Sasagot ang lahat:

Salamat sa Diyos.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 173

SALMONG TUGUNAN
Salmo 29:2. 4. 5-6. 11-12. 13

T. Poong sa aki’y nagligtas,


ang dangal mo’y aking galak.

O Panginoon ko,
sa iyong ginawa, kita’y pinupuri’t ako’y iniligtas,
kaya ang kaaway ay di na nakuhang matuwa’t magalak.
Mula sa libingang daigdig ng patay,
hinango mo ako at muling binuhay;
ako, na kasama nilang napabaon sa kailaliman.

T. Poong sa aki’y nagligtas,


ang dangal mo’y aking galak.

Purihin ang Poon,


Siya ay awitan ng lahat ng tapat na mga hinirang.
Iyong gunitain ang mga ginawa ng Diyos na Banal,
ang kanyang ginawa ay alalahanin at pasalamatan!
Hindi nagtatagal yaong kanyang galit,
at ang kabutihan niya’y walang wakas.
Ang abang may hapis at tigmak sa luha sa buong magdamag,
sa bukang-liwayway ay wala nang lungkot, kapalit ay galak.

T. Poong sa aki’y nagligtas,


ang dangal mo’y aking galak.

Kaya’t ako’y dinggin,


Ikaw ay mahabag sa akin, O Poon, ako ay pakinggan,
mahabag ka, Poon! Ako ay dinggin mo at iyong tulungan.
Nadama ko’y galak nang iyong hubarin ang aking panluksa.
Sa pasasalamat sa iyo, O Poon, ay di magsasawa.

T. Poong sa aki’y nagligtas,


ang dangal mo’y aking galak.
174 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

PANALANGIN
Pagkaraan ng ikaapat na pagbasa, ipahahayag ng pari:

Manalangin tayo.

A ma naming makapangyarihan,
sa ikadarakila ng iyong ngalan
paramihin mo ang mga nakikinabang sa iyong pagpapalang bigay
sa mga ninuno namin sa pagsampalataya sa iyong katapatan.
Ngayong ang iyong paghirang ay sanlibutan na ang saklaw
ang matibay na pinanaligan ng mga ninuno naming banal
ay matanto nawa naming nagkaroon na ng malaking katuparan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang lahat:

Amen.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 175

IKALIMANG PAGBASA
Isaias 55:1-11
Pumarito kayo nang kayo’y mabuhay;
Ako’y may gagawing walang hanggang tipan.

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

S inabi ng Panginoon,
“Narito ang tubig, mga nauuhaw.
Ang mga walang salapi
ay kumuha rito at bumili ng pagkain.
Halikayo at bumili ng alak at gatas,
bumili kayo, ngunit walang bayad.
Bakit ginugugol ang salapi
sa mga bagay na hindi nakabubusog?
Bakit inuubos ang pera
sa mga bagay na walang halaga?
Makinig kayo sa akin at sundin ang utos ko
at matitikman ninyo ang pinakamasarap na pagkain.
Pumarito kayo,
kayo ay lumapit at ako’y pakinggan,
makinig sa akin nang kayo’y mabuhay;
ako’y may gagawing walang hanggang tipan,
at ipalalasap sa inyo ang pagpapalang
ipinangako ko kay David.
Ginawa ko siyang hari
at puno ng mga bansa
at sa pamamagitan niya’y
ipinamalas ang aking kapangyarihan.
Iyong tatawagin ang mga bansang hindi mo kilala,
mga bansang di ka kilala’y sa iyo pupunta,
dahilan sa Panginoon,
Banal ng Israel,
ang Diyos na nagpala’t sa iyo’y dumakila.”
176 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

Hanapin ang Panginoon


samantalang siya’y iyong makikita,
Siya ay tawagin habang malapit pa.
Ang mga gawain ng taong masama’y
dapat nang talikdan, at ang mga liko’y
dapat magbago na ng maling isipan;
sila’y manumbalik,
lumapit sa Panginoon upang kahabagan,
at mula sa Diyos,
matatamo nila ang kapatawaran,
ang wika ng Panginoon:
“Ang aking isipa’y di ninyo isipan,
at magkaiba ang ating daan.
Kung paanong ang langit
higit na mataas, mataas sa lupa,
ang daa’t isip ko’y
hindi maaabot ng inyong akala.
Ang ulan at niyebe
paglagpak sa lupa’y di na nagbabalik,
aagos na ito sa balat ng lupa’t nagiging pandilig,
kaya may pagkai’t butil na panghasik.
Ganyan din ang aking mga salita,
magaganap nito ang lahat kong nasa.”
Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:

Ang Salita ng Diyos.


Sasagot ang lahat:

Salamat sa Diyos.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 177

SALMONG TUGUNAN
Isaias 12:2-3. 4. 5-6

T. May galak tayong sumalok


sa batis ng Manunubos.

Ang Diyos ang siyang nagliligtas sa akin,


tiwalang-tiwala ako at wala munti mang pangamba.
Sapagkat ang Poon ang lahat sa akin,
Siya ang aking awit, ang aking kaligtasan.
Malugod kayong sasalok ng tubig
sa batis ng kaligtasan.

T. May galak tayong sumalok


sa batis ng Manunubos.

Magpasalamat kayo sa Poon,


Siya ang inyong tawagan;
ipaalam ninyo sa mga bansa ang kanyang ginawa.
Ipahayag ninyo ang kadakilaan ng kanyang pangalan.

T. May galak tayong sumalok


sa batis ng Manunubos.

Umawit kayo ng papuri Poon,


sapagkat kahanga-hanga ang kanyang mga ginawa,
ipinahayag ninyo ito sa buong daigdig.
Mga anak ng Sion, umawit kayo nang buong galak,
sapagkat nasa piling ninyo ang dakila at
ang Banal ng Israel.

T. May galak tayong sumalok


sa batis ng Manunubos.
178 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

PANALANGIN
Pagkaraan ng ikalimang pagbasa, ipahahayag ng pari:

Manalangin tayo.

A ma naming makapangyarihan,
ang sanlibutan ay walang ibang inaasahan kundi ikaw
na sa pahayag ng iyong mga propeta
ay naglalahad ng iyong balak na maganda.
Malugod mong pagyamanin ang aming pananalig
sapagka’t wala kaming makakamit nang hindi mo iniibig
para kami’y sa iyo mapalapit
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang lahat:

Amen.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 179

IKAANIM NA PAGBASA
Baruc 3:9-15. 32—4:4
Lumakad ka sa liwanag ng Panginoon.

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Baruc

D inggin mo, Israel, ang mga kautusang nagbibigay-buhay;


makinig ka at nang ikaw ay matuto.
Israel, bakit ka nasa lupain ng iyong mga kaaway?
Bakit ka tumanda sa ibang lupain?
Bakit itinakwil kang parang patay at ibinilang na sa mga patay?
Ang dahilan ay sapagkat itinakwil mo ang bukal ng Karunungan.
Kung lumakad ka lang sa landas ng Diyos,
sana’y namumuhay kang matiwasay sa habang panahon.
Hanapin mo ang bukal ng pang-unawa, lakas at kaalaman,
at malalaman mo kung nasaan ang mahabang buhay,
ang liwanag na sa iyo’y papatnubay, at ang kapayapaan.

May nakatuklas na ba kung saan nakatira ang Karunungan,


o nakapasok sa kanyang taguan ng yaman?

Ang Diyos na naakaalam ng lahat ng bagay


ang tanging nakakikilala sa Karunungan.
Natatarok din niya ito sa pamamagitan ng kanyang kaalaman.
Siya ang lumikha at naglagay dito ng lahat ng uri ng mga hayop.
Nag-utos siya at lumitaw ang liwanag;
nanginginig ito sa takot kapag siya’y tumatawag.
Tinawag din niya ang mga tala
at madali silang nagsitugon: “Narito po kami.”
Lumagay sila sa kani-kanilang lugar at masayang nagniningning
para bigyang lugod ang lumikha sa kanila.
Ito ang ating Diyos! Walang makapapantay sa kanya.
Alam niya ang daan ng Karunungan,
at ito’y ipinagkaloob niya sa lingkod niyang si Jacob,
kay Israel na kanyang minamahal.
180 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

Mula noon, nakita na sa daigdigang Karunungan,


at nanatili sa sangkatauhan.

Ang Karunungan ang siyang aklat ng mga utos ng Diyos,


ang batas na mananatili magpakailanman.
Ang manghawak dito’y mabubuhay,
at ang tumalikod ay mamamatay.
O bayang Israel, tanggapin ninyo ang Karunungan
at lumakad kayo sa kanyang liwanag.
Huwag ninyong ibigay sa ibang lahi
ang inyong karangalan at mga karapatan.
Mapalad tayo, mga Israelita,
pagkat alam natin kung ano ang nakasisiya sa Diyos.
Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:

Ang Salita ng Diyos.


Sasagot ang lahat:

Salamat sa Diyos.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 181

SALMONG TUGUNAN
Salmo 18:8. 9. 10. 11

T. Panginoon, iyong taglay


ang Salitang bumubuhay.

Ang batas ng Panginoon ay batas na walang kulang,


ito’y utos na ang dulot sa tao ay bagong buhay;
yaong kanyang mga batas ay mapagtitiwalaan,
nagbibigay ng talino sa pahat ng kaisipan.

T. Panginoon, iyong taglay


ang Salitang bumubuhay.

Ang tuntuning ibinigay ng Poon ay wastong utos,


liligaya ang sinuman kapag ito ang sinunod;
ito’y wagas at matuwid pagkat mula ito sa Diyos,
pang-unawa ng isipan yaong bungang idudulot.

T. Panginoon, iyong taglay


ang Salitang bumubuhay.

Yaong paggalang sa Poon ay marapat at mabuti,


isang banal na tungkulin na iiral na parati;
pati mga hatol niya’y matuwid na kahatulan,
kapag siya ang humatol, ang pasya ay pantay-pantay.

T. Panginoon, iyong taglay


ang Salitang bumubuhay.

Ito’y higit pa sa ginto, na maraming nagnanais,


higit pa sa gintong lantay na ang hangad ay makamit;
matamis pa kaysa pulot, sa pulot na sakdal tamis,
kahit anong pulot ito na dalisay at malinis.

T. Panginoon, iyong taglay


ang Salitang bumubuhay.
182 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

PANALANGIN
Pagkaraan ng ikaanim na pagbasa, ipahahayag ng pari:

Manalangin tayo.

A ma naming makapangyarihan,
lagi mong pinararami ang iyong tinatawagan
sa mga bansa ng sanlibutan.
Ipagkaloob mo ang iyong patuloy na pagtangkilik
sa iyong mga dinadalisay sa pambinyag na tubig
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang lahat:

Amen.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 183

IKAPITONG PAGBASA
Ezekiel 36:16-17. 18-28
Wiwisikan ko kayo ng tubig na dalisay
upang puso ang sa inyo’y aking ibibigay.

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel

S inabi sa akin ng Panginoon,


“Tao, nang ang Israel ay unang tumira
sa kanilang lupain, pinarumi nila ito sa kanilang kasamaan.
At dahil sa dugong pinadanak nila sa lupain,
at dahil sa kanilang mga diyus-diyusan,
ibinuhos ko sa kanila ang aking matinding poot.
Itinapon ko sila at ikinalat sa iba’t ibang panig ng daigdig.
Ginawa ko sa kanila ang nararapat sa kanila.
Ngunit sa mga lugar na kinatapunan nila,
binigyang-daan nila ang mga tao
upang hamakin ang aking pangalan.
Sinabi ng mga tao sa kanila,
‘Hindi ba sila’y mga mamamayan ng Panginoon,
bakit pinaalis sa kanilang bayan?’
Nabahala ako dahil sa banal kong pangalan na ipinahamak
ng mga Israelita sa mga dakong kinapuntahan nila.

“Kaya sabihin mo sa Israel na ito ang ipinasasabi ko:


Lahat ng ginagawa ko ay hindi dahil sa inyo, mga Israelita,
kundi sa banal kong pangalan
na inyong binigyan-daang hamakin
sa mga lugar na pinatapunan ko sa inyo.
Ipakikita ko ang kabanalan ng dakila kong pangalan
na nalapastangan sa harap ng mga bansa.
Makikilala ng lahat na ako ang Panginoon
kung maipakita ko na sa kanila ang aking kabanalan.
Titipunin ko kayo mula sa iba’t ibang bansa
upang ibalik sa inyong bayan.
184 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

Wiwisikan ko kayo ng tubig na dalisay upang kayo’y luminis.


Aalisin ko rin ang naging mantsa ninyo
dahil sa inyong mga diyus-diyusan.
Bibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu.
Ang masuwayin ninyong puso ay gagawin kong masunurin.
Bibigyan ko kayo ng aking Espiritu
upang makalakad kayo ayon sa aking mga tuntunin
at masunod ninyong mabuti ang aking mga utos.
Ititira ko kayo sa lupaing ibinibigay ko sa inyong mga ninuno.
Kayo ay magiging bayan ko at ako ang inyong Diyos.”
Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:

Ang Salita ng Diyos.


Sasagot ang lahat:

Salamat sa Diyos.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 185

Kapag may binyag:

SALMONG TUGUNAN
Salmo 41:3. 5; 42:3. 4

T. Parang usang nauuhaw


akong sabik sa Maykapal.

Nananabik ako sa Diyos, Diyos na buhay, walang iba;


kailan kaya maaaring sa harap mo ay sumamba?

T. Parang usang nauuhaw
akong sabik sa Maykapal.

Papunta sa templo ng Diyos ako ang siyang nangunguna;


pinupuri namin ang Diyos, sa pag-awit na masaya!

T. Parang usang nauuhaw


akong sabik sa Maykapal.

Ang totoo’t ang liwanag, buhat sa’yo ay pakamtan,


upang sa Sion ay mabalik, sa bundok mong dakong banal
sa bundok mong pinagpala, at sa templo mong tirahan.

T. Parang usang nauuhaw


akong sabik sa Maykapal.

Sa dambana mo, O Diyos, ako naman ay dudulog,


yamang galak at ligaya ang sa aki’y iyong dulot;
sa saliw ng aking alpa’y magpupuri akong lubos
buong lugod na aawit ako sa Diyos na aking Diyos!

T. Parang usang nauuhaw


akong sabik sa Maykapal.
186 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

o kaya kapag walang binyag:

SALMONG TUGUNAN
Salmo 50:12-13. 14-15. 18-19

T. D’yos ko, sa aki’y likhain


tapat na puso’t loobin.

Isang pusong tapat sa aki’y likhain,


bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin.
Sa iyong harapa’y h’wag akong alisin;
ang Espiritu mo ang papaghariin.

T. D’yos ko, sa aki’y likhain


tapat na puso’t loobin.

Ang galak na dulot ng ‘yong pagliligtas,


ibalik at ako ay gawin mong tapat.
Kung magkagayon na, aking tuturuang
sa iyo lumapit ang makasalanan.

T. D’yos ko, sa aki’y likhain


tapat na puso’t loobin.

Hindi mo na nais ang mga panghandog;


sa haing sinunog di ka nalulugod.
Ang handog ko, O Diyos, na karapat-dapat
ay ang pakumbaba’t pusong mapagtapat.

T. D’yos ko, sa aki’y likhain


tapat na puso’t loobin.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 187

PANALANGIN
Pagkaraan ng ikapitong pagbasa, ipahahayag ng pari:

Manalangin tayo.

A ma naming makapangyarihan,
ang lakas mo ay hindi nababawasan,
ang liwanag mo ay nagniningning kailanman.
Tunghayan mo ang pagdiriwang ng iyong sambayanan
at ganapin mo ang iyong pagsagip sa tanan.
Nawa’y madama at mamalas ng sanlibutan
na ang mga hamak ay idinarangal,
ang mga nasa lumang kasalanan ay napagbago na naman
at kay Kristo nagkakaugnay-ugnay ang tanan
sapagka’t siya ang pinagsisimulan
ngayon at magpasawalang hanggan.
Sasagot ang lahat:

Amen.
o kaya:

Manalangin tayo.

A ma naming makapangyarihan,
sa pagdiriwang sa Pasko ng Pagkamatay at Pagkabuhay
ng iyong Anak na minamahal
kami’y tinuturuan tungkol sa nilalaman
ng Matandang at Bagong Tipan.
Gawin mong maisaloob namin ang iyong pagmamahal
upang sa aming pagtanggap ng iyong bigay sa kasalukuyan
maging matatag ang aming inaasahan sa huling araw
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang lahat:

Amen.
188 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

PAPURI SA DIYOS
Pagkatapos ng huling pagbasa mula sa Matandang Tipan at ng salmong tugunan at kaugnay na
panalangin, ang mga kandila sa dambana ay sisindihan, at pasisimulan ng pari ang pag-awit
ng Papuri sa Diyos, na itutuloy namang awitin ng lahat ng nagsisimba. Tutugtugin ang mga
batingaw, alinsunod sa umiiral na kaugalian.

Papuri sa Diyos sa kaitaasan


at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya.
Pinupuri ka namin,
dinarangal ka namin,
sinasamba ka namin,
ipinagbubunyi ka namin,
pinasasalamatan ka namin,
dahil sa dakila mong angking kapurihan.
Panginoong Diyos, Hari ng langit,
Diyos, Amang makapangyarihan sa lahat.
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak,
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
tanggapin mo ang aming kahilingan.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
maawa ka sa amin.
Sapagka’t ikaw lamang ang banal,
ikaw lamang ang Panginoon,
ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataas-taasan,
kasama ng Espiritu Santo
sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 189

PANALANGING PAMBUNGAD
Sa katapusan ng pag-awit, isusunod ng pari ang pagpapahayag ng pambungad na panalangin,
ayon sa dating paraan.

Magkadaop ang mga kamay na ipahahayag ng pari:

Manalangin tayo.
Ang lahat kaisa ng pari ay tahimik na mananalangin nang saglit. Pagkalipas ng ilang sandali,
ilalahad ng pari ang kanyang kamay at ipahahayag:

A ma naming makapangyarihan,
ang kabanal-banalang gabing ito
ay pinagliliwanag mo
sa kadakilaan ng pagkabuhay ni Kristo.
Antigin mo ang Espiritu ng pagkupkop mo
upang sa pagbabago ng aming buong pagkatao
kami’y wagas na makapaglingkod sa iyo
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao ng pagbubunyi:

Amen.
Ipahahayag ng tagapaglahad ng pagbasa ang Salita ng Diyos mula sa Sulat ni Apostol San Pablo.
190 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

SULAT
Roma 6:3-11
Si Kristo na muling nabuhay ay hindi na muling mamamatay.

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo


sa mga taga-Roma

M ga kapatid:
Hindi ba ninyo nalalaman
na tayong lahat na nabinyagan kay Kristo Hesus
ay nabinyagan sa kanyang kamatayan?
Samaktwid, tayo’y namatay at nalibing na kasama niya
sa pamamagitan ng binyag
upang kung paanong binuhay na muli si Kristo
sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama,
tayo nama’y mabuhay sa isang bagong pamumuhay.

Sapagkat kung nakaisa tayo ni Kristo


sa isang kamatayang tulad ng kanyang kamatayan,
tiyak na makakaisa niya tayo sa isang muling pagkabuhay
tulad ng kayang pagkabuhay.
Alam natin na ang dati nating pagkatao
ay ipinakong kasama niya
upang mamatay ang makasalanang katawan
at nang hindi na tayo maalipin pa ng kasalanan.
Sapagkat ang namatay na
ay pinalaya mula sa kapangyarihan ng kasalanan.
Ngunit tayo’y naniniwalang mabubuhay tayong kasama
ni Kristo kung namatay tayong kasama niya.
Alam nating si Kristo na muling binuhay
ay hindi na muling mamamatay.
Wala nang kapangyarihan sa kanya ang kamatayan.
Nang siya’y mamatay,
namatay siya nang minsanan para sa kasalanan,
at ang buhay niya ngayo’y para sa Diyos.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 191

Kaya dapat ninyong ibilang ang inyong sarili


na patay na sa kasalanan
datapwa’t buhay naman para sa Diyos
sa inyong pakikipag-isa kay Kristo Hesus.
Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:

Ang Salita ng Diyos.


Sasagot ang lahat:

Salamat sa Diyos.

ANG DAKILANG ALELUYA


Pagkabasa ng sulat, lahat ay tatayo at maringal na pasisimulan ng pari ang pag-awit ng Aleluya
na uulitin naman ng lahat ng nagsisimba.

Aleluya! Aleluya! Aleluya!


Ipahahayag ng taga-awit ang salmo at sa bawa’t taludtod ang lahat ay sasagot ng Aleluya. Kung
kinakailangan, maari rin namang ang taga-awit na ito ang siyang magpasimula sa Aleluya.
192 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

SALMONG TUGUNAN
Salmo 117:1-2. 16-17. 22-23

T. Aleluya! Aleluya! Aleluya!

O pasalamatan ang D’yos na Panginoon,


pagkat siya’y mabuti;
ang kanyang pag-ibig ay napakatatag at mananatili.
Ang taga-Israel,
bayaang sabihi’t kanilang ihayag,
“Ang pag-ibig ng Diyos, ay hindi kukupas.”

T. Aleluya! Aleluya! Aleluya!

Ang lakas ng Poon,


ang siyang nagdulot ng ating tagumpay
sa pakikibaka sa ating kaaway.
Aking sinasabing di ako papanaw,
mabubuhay ako upang isalaysay
ang gawa ng Diyos na Panginoon ko.

T. Aleluya! Aleluya! Aleluya!

Ang batong natakwil


ng nangagtatayo ng tirahang-bahay,
sa lahat ng bato’y higit na mahusay.
Ang lahat ng ito
ang nagpamalas ay ang Panginoong Diyos.
kung iyong mamasdan ay kalugud-lugod.

T. Aleluya! Aleluya! Aleluya!


Maaaring gumamit ng insenso sa pagpapahayag ng Mabuting Balita, subalit hindi na dapat
dalhin ang mga kandila.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 193

MABUTING BALITA
Lucas 24:1-12
Bakit ninyo hinahanap ang buhay sa gitna ng mga patay?

P. Sumainyo ang Panginoon.


B. At sumaiyo rin.

P. X Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas


B. Papuri sa iyo, Panginoon.

U magang-umaga nang araw ng Linggo,


ang mga babae’y nagtungo sa libingan,
dala ang mga pabangong inihanda nila.
Nang dumating sila,
naratnan nilang naigulong na
ang batong nakatakip sa pintuan ng libingan.
Ngunit nang pumasok sila,
wala ang bangkay ng Panginoong Hesus.
Samantalang nagugulo ang kanilang isip tungkol dito,
nakita nila’t sukat sa tabi nila
ang dalawang lalaking nakasisilaw ang damit.
Dahil sa matinding takot, sila’y lumuhod,
sayad ang mukha sa lupa.
Tinanong sila ng mga lalaki,
“Bakit ninyo hinahanap ang buhay sa gitna ng mga patay?
Wala na siya rito – siya’y muling nabuhay!
Alalahanin ninyo ang sinabi niya sa inyo
noong nasa Galilea pa siya:
‘Ang Anak ng Tao ay kailangang maipagkanulo
sa mga makasalanan at maipako sa krus,
at sa ikatlong araw ay muling mabuhay.’”
At naalaala ng mga babae ang mga sinabi niya.
Pagbabalik mula sa libingan,
isinalaysay nila ang lahat ng ito
sa Labing-isa at sa iba pang kasama nila.
194 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

Ang mga babaing ito’y sina Maria Magdalena, Juana,


at Mariang ina ni Santiago;
sila at ang iba pang mga babaing kasama nila
ang nagbalita nito sa mga apostol.
Ngunit inakala ng mga apostol
na kahibangan lamang ang kanilang sinabi,
kaya hindi nila pinaniwalaan ang mga babae.
Gayunma’y tumindig si Pedro at patakbong nagpunta sa libingan.
Yumukod siya at pagtingin sa loob
ay wala siyang nakita kundi ang mga kayong lino.
Kaya’t umuwi siyang nagtataka sa nangyari.
Sa katapusan, ihahayag niya:

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Magbubunyi ang lahat:

Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

HOMILIYA
Isusunod naman ang homiliya. Pagkatapos nito ay pasisimulan ang pagdiriwang ng binyag.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 195

ANG PAGDIRIWANG NG PAGBIBINYAG


Ang pari at mga tagapaglingkod ay paroroon sa pook ng pagbibinyag, kung ito’y lantad sa
paningin ng mga nagsisimba. Kung hindi ito lantad, ang kinalalagyan ng tubig ay dadalhin sa
dako ng dambana.

Kung may bibinyagan, sila’y tatawagin upang lumapit sa unahan at maiharap ng mga ninong at
ninang nila sa pari. Kung mga bata ang bibinyagan, ang mga magulang at mga ninong at ninang
ang magdadala sa mga ito sa harapan ng mga natitipong tao.

Ngayon, magsasalita ang pari sa mga tao. Sasabihin ang mga pangungusap na naririto o anumang
katumbas.

Kung mayroong mga bibinyagan:

S a mga pagluhog natin, mga minamahal na kapatid,


tulungan natin ang ating mga kapatid na may pananalig
upang ang Ama nating makapangyarihan ay siyang tumangkilik
sa mga isisilang sa binyag pakundangan sa kanyang pag-ibig.
Kung ang kinalalagyan ng tubig pambinyag ay babasbasan, bagama’t walang bibinyagan, ganito
ang maaaring sabihin ng pari:

A ng pagbabasbas ng Ama nating makapangyarihan


ay ating hilingin, mga kapatid kong minamahal,
upang ito ay lumukob sa tubig na pagbibinyagan
para mapabilang kay Kristo ang mga muling isisilang.
Ang pagtawag sa mga banal ay aawitin ng mga namumunong dalawang taga-awit. Lahat ng
nagsisimba ay tatayo alinsunod sa kaugaliang umiiral sa buong panahon ng Pagkabuhay at sila’y
tutugon.

Kung may prusisyong mahaba patungo sa pook ng pagbibinyag, gagawin ang pagtawag sa mga
banal habang nagpuprusisyon. Sa ganitong kaayusan, ang mga bibinyagan ay tatawagin muna
upang lumapit at saka pa lamang sisimulan ang prusisyon. Ganito ang pagkakasunud-sunod ng
mga kabilang sa prusisyon: ang kandila ng Pasko ng Pagkabuhay ay dadalhin sa unahan, ito’y
susundan ng mga bibinyagan na sinasabayan ng kanilang mga ninong at ninang, sa gawing
huli ang pari at mga tagapaglingkod. Ang paanyayang nasa itaas ay sasabihin ng pari bago niya
basbasan ang tubig.
196 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

Kung walang bibinyagan at hindi magbabasbas ng tubig pambinyag, lalaktawan ang pagtawag
sa mga banal at gagawin kaagad ang pagbabasbas ng tubig na iwiwisik.

Sa pagtawag sa mga banal, maaaring magdagdag pa ng ngalan ng mga iba pang banal, lalo na
ang ngalan ng Tagapag-tangkilik ng simbaban ng pook, o kaya’y ang ngalan ng mga banal na
pinipintuho ng mga bibinyagan.

Pari: Panginoon, aming dasal: 4. Tagapagbinyag na San Juan,


Lahat: Kami po ay kaawaan. tagapanguna sa daan
ni Hesus na aming mahal,
Pari: Hesukristo, aming dasal:
Lahat: Kami po ay kaawaan, Lahat: Kami po ay ipagdasal
Panginoon naming mahal. sa Panginoong Maykapal.

1. O Maria, lubhang banal, 5. O Jose, asawang banal


ikaw ang siyang nagsilang ni Maria na nagsilang
sa D’yos Anak na Lumalang, sa D’yos Anak na Lumalang,

Lahat: Kami po ay ipagdasal Lahat: Kami po ay ipagdasal


sa Panginoong Maykapal. sa Panginoong Maykapal.

2. O Miguel, anghel na banal, 6. Pedro, Apostol na banal


kami ay iyong tulungang at Pablong tagapangaral,
maghain ng kahilingan, hiling namin ay pagbigyan,

Lahat: Kami po ay ipagdasal Lahat: Kami po ay ipagdasal


sa Panginoong Maykapal. sa Panginoong Maykapal.

3. O mga anghel na banal, 7. Andres, Apostol na banal,


naglilingkod gabi’t araw tapat at maaasahang
sa Panginoong Lumalang, alagad ni Kristong mahal,

Lahat: Kami po ay ipagdasal Lahat: Kami po ay ipagdasal


sa Panginoong Maykapal. sa Panginoong Maykapal.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 197

8. O Apostol na San Juan, 13. Perpet’wa, babaing banal,


sumulat ng katibayan Felicidad na huwaran
tungkol kay Hesus na mahal, sa tibay ng katapatan,

Lahat: Kami po ay ipagdasal Lahat: Kami po ay ipagdasal


sa Panginoong Maykapal. sa Panginoong Maykapal.

9. O Mariang ngayo’y banal 14. Agnes, babaing uliran


dati kang makasalanan sa pagkamaaasahan
taga-Magdalenang bayan, kahit hanggang kamatayan,

Lahat: Kami po ay ipagdasal Lahat: Kami po ay ipagdasal


sa Panginoong Maykapal. sa Panginoong Maykapal.

10. Matapat na San Esteban, 15. Gregorio, Papang banal


unang nagbuwis ng buhay, dakila sa kasipagan
lingkod ka ng sambayanan, bilang lingkod ng simbahan,

Lahat: Kami po ay ipagdasal Lahat: Kami po ay ipagdasal


sa Panginoong Maykapal. sa Panginoong Maykapal.

11. O San Ignaciong marangal 16. Agustin, Obispong banal


na pinuno ng Simbahan, nagawa mong matalikdan
nagb’wis ka rin ng ‘yong buhay, ang buhay ng kasalanan,

Lahat: Kami po ay ipagdasal Lahat: Kami po ay ipagdasal


sa Panginoong Maykapal. sa Panginoong Maykapal.

12. O San Lorenzong huwaran 17. O Atanasiong matapang


bilang lingkod ng Simbahan magturo ng tamang araI,
kahit hanggang kamatayan, Obispong maaasahan,

Lahat: Kami po ay ipagdasal Lahat: Kami po ay ipagdasal


sa Panginoong Maykapal. sa Panginoong Maykapal.
198 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

18. Basiliong maaasahang 23. O Juan Vianney, paring banal,


magturo ng karunungan, masipag magpakumpisal,
Obispong tunay na banal, at magmisa at mangaral,

Lahat: Kami po ay ipagdasal Lahat: Kami po ay ipagdasal


sa Panginoong Maykapal. sa Panginoong Maykapal.

19. O Martin, Obispong banal, 24. O Catalinang matapang


matulungin at maalam, sa mithiing matulungan
huwaran sa kabutihan, ang Papang nalalabuan,

Lahat: Kami po ay ipagdasal Lahat: Kami po ay ipagdasal


sa Panginoong Maykapal. sa Panginoong Maykapal.

20. Benito, maaasahang 25. Teresang may katatagan


mamuno sa sambahayan sa hangad na maging banal,
ng nais na maging banal, matapat kay Kristong mahal,

Lahat: Kami po ay ipagdasal Lahat: Kami po ay ipagdasal


sa Panginoong Maykapal. sa Panginoong Maykapal.

21. Franciscong tapat na tunay, 26. O mga babaing banal,


Domingong tagapangaral, mga lalaking huwarang
kapwa uliran at banal, ngayo’y nasa kalangitan,

Lahat: Kami po ay ipagdasal Lahat: Kami po ay ipagdasal


sa Panginoong Maykapal. sa Panginoong Maykapal.

22. Francisco Javyer na banal,


masipag sa pangangaral
ng pananalig na tunay,

Lahat: Kami po ay ipagdasal


sa Panginoong Maykapal.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 199

27. Hiling nami’y kaligtasan 32. Kaming sa ‘yo ay sumuway


sa lahat ng kasamaan, humihiling na pagbigyan,
Panginoon naming mahal. kami po ay kaawaan,

Lahat: Panginoon, aming dasal, Lahat: Panginoon, aming dasal,


kaligtasan ay ibigay. kaligtasan ay ibigay.

28. Hiling nami’y kaligtasan Kapag may bibinyagan ngayon:


sa kamatayan kailanman,
Panginoon naming mahal, 33. Itong mga bibinyagan
na ikaw rin ang humirang
Lahat: Panginoon, aming dasal, bigyan mo ng bagong buhay.
kaligtasan ay ibigay.
Lahat: Panginoon, aming dasal,
29. Panginoon naming mahal, kaligtasan ay ibigay.
naging taong isinilang
Kapag walang bibinyagan ngayon:
dito sa mundong ibabaw,
34. Itong tubig ay basbasan
Lahat: Panginoon, aming dasal,
yamang ito’y nakalaan
kaligtasan ay ibigay. para sa binyag na banal.

30. Panginoon naming mahal, Lahat: Panginoon, aming dasal,


sa krus ikaw ay namatay
kaligtasan ay ibigay.
nguni’t muli kang nabuhay,
35. O Hesus, Haring marangal,
Lahat: Panginoon, aming dasal,
Anak ng D’yos Amang buhay,
kaligtasan ay ibigay.
hiling namin ay pagbigyan.
31. Espiritu Santong Tanglaw
Lahat: Panginoon, aming dasal,
ikaw ang s’yang nagbibigay,
kaligtasan ay ibigay.
Panginoon naming mahal,
36. O Panginoong nabuhay,
Lahat: Panginoon, aming dasal,
O Hesus Haring marangal,
kaligtasan ay ibigay. hiling namin ay pagbigyan.

Lahat: Panginoon, aming dasal,


kaligtasan ay ibigay.
200 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

Kapag may bibinyagan ngayon, ipahahayag ang panalanging ito ng paring magkadaop ang
kamay:

A ma naming makapangyarihan,
halina at gawin mong makapiling namin ikaw
ngayong ang muling pagsilang ay ipinagdiriwang
sa pagbibinyag sa mga bagong kaanib ng iyong sambayanan.
Isugo mo ang Espiritu ng iyong pagkupkop
upang ang ginaganap naming mapagpakumbabang paglilingkod
ay magdulot ng iyong lubusang kaloob
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 201

PAGBABASBAS SA TUBIG PAMBINYAG


Ngayo’y babasbasan ng pari ang tubig pambinyag. Ipahahayag niya ang panalangin nang
magkadaop ang mga kamay.

A ma naming makapangyarihan,
bagama’t natatago sa aming paningin,
ang kapangyarihan mong maggawad ng iyong buhay sa amin
ay inilalahad ng mga pananda ng iyong paglagi sa aming piling
anupa’t ang tubig na iyong nilikha
ay naging tagapagpahayag ng iyong pagpapala.

Ama namin, noong ang daigdig ay iyong lalangin


ang iyong Espiritu ay lumulukob na sa tubig
bilang simoy ng hangin
upang ang kakayanan nitong bumuhay
ay maging tagapagdulot ng iyong kabanalan.

Ama namin, ang sansinukob ay iyong panibagong ginawa


noong ipahintulot na magkaroon ng malaking baha
upang ipahiwatig na ang tubig ay may katangian
na tumapos sa kasamaan at magpasimula ng kabutihan.

Ama namin, ang mga anak ni Abraham


ay pinatawid mo sa karagatan
noong sila’y palayain mo sa pagkaalipin sa Ehipto
upang ipahiwatig ang mangyayari sa mga bibinyagan
bilang mga kaanib sa iyong sambayanan.

Ama namin,
niloob mong noong binyagan ni Juan
sa Ilog-Jordan ang Anak mo
ay maganap ang paglukob sa kanya ng Espiritu Santo.
Niloob mong dumaloy ang dugo at tubig
sa sinibat na puso ng Anak mong iniibig.
202 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

Niloob mong mabuhay muli ang iyong Anak


na nag-utos sa mga alagad:
”Humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng bansa.
Binyagan ninyo sila
sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.”
Magtaglay nawa itong tubig ng pagpapalang
kaloob ng Espiritu Santo
na idinudulot ng mahal na Anak mo
upang ang mga tao na pawang nilikha
ayon sa iyong larawang dakila
nguni’t nasadlak sa lusak ng kasalanan
ay mahugasan ngayong sila’y bibinyagan
para makabangong taglay ang iyong kalinisan
sa muling pagsilang sa tubig at Espiritu Santo
bilang mga kaanib ng iyong angkan.
Maaaring ilubog ng pari ang kandila ng Pasko ng Pagkabuhay nang minsanan o makaitlong ulit,
habang patuloy niyang ipinahahayag:

Ama namin, iniluluhog namin sa iyo,


manaog nawa sa tubig na ito
ang kapangyarihan ng Espiritu Santo
sa pamamagitan ni Hesukristo
upang mapuspos ng iyong Espiritu
itong pambinyag na tubig
Ang kandila ay hahawakan ng pari habang ito’y nakatayo sa tubig.

at sa gayo’y lahat ng nakikiisa


sa kamatayan niya sa pamamagitan ng binyag
ay muling mabuhay na siya rin ang kasama
bilang Tagapamagitan kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 203

laalis muna sa tubig ang kandila habang ang mga tao ay umaawit ng pagbubunyi

Kaisa ng mga bukal


ng tubig sa sanlibutan
batis, ilog, karagatan
aming pinapupurihan
pag-ibig mong walang hanggan.
Maaaring umawit ng anumang pagbubunyi na bagama’t naiiba ay dapat na katugma nito sa
diwa at may angkop na nilalaman.
204 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

PAGTATAKWIL SA KASALANAN
Ang mga bibinyagan na may sapat na gulang at mga magulang o mga ninong o ninang ng mga
bibinyagan ay isa-isang magpapahayag ng pagtatakwil sa kasamaan at sasagot sa pagtatanong
tungkol sa pananampalataya. Pagkatapos nito, sila ay bibinyagan.

Pari: Itinatakwil ba ninyo si Satanas,


ang kanyang mga gawain at ang kanyang pang-aakit?
Nagpapabinyag: Opo, itinatakwil namin.
o kaya:

Pari: Itinatakwil ba ninyo si Satanas?


Nagpapabinyag: Opo, itinatakwil namin.

Pari: Itinatakwil ba ninyo ang kanyang mga gawain?


Nagpapabinyag: Opo, itinatakwil namin.

Pari: Itinatakwil ba ninyo ang kanyang pang-aakit?


Nagpapabinyag: Opo, itinatakwil namin.

PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

Pari: Sumasampalataya ba kayo


sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat
na may likha ng langit at lupa?
Nagpapabinyag: Opo, sumasampalataya kami.

Pari: Sumasampalataya ba kayo kay Hesukristo,


iisang Anak ng Diyos, Panginoon natin,
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen,
ipinako sa krus, namatay, inilibing,
muling nabuhay at naluluklok sa kanan ng Ama?
Nagpapabinyag: Opo, sumasampalataya kami.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 205

Pari: Sumasampalataya ba kayo sa Espiritu Santo,


sa banal na Simbahang Katolika,
sa kasamahan ng mga banal,
sa kapatawaran ng mga kasalanan,
sa muling pagkabuhay ng mga namatay,
at sa buhay na walang hanggan?
Nagpapabinyag: Opo, sumasampalataya kami.

PAGBIBINYAG
Tatlong ulit na ilulubog sa tubig o bubuhusan ng tubig ang nagpapabinyag.

N., ikaw ay binibinyagan ko sa ngalan ng Ama,


Ang binibinyagan ay ilulubog sa tubig o bubuhusan ng tubig sa unang pagkakataon.

at ng Anak,
Ang binibinyagan ay ilulubog sa tubig o bubuhusan ng tubig sa ikalawang pagkakataon.

at ng Espiritu Santo.
Ang binibinyagan ay ilulubog sa tubig o bubuhusan ng tubig sa ikatlong pagkakataon.
206 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

PAGLALAHAD NG KAHULUGAN NG BINYAG


Ipagpapatuloy ang pagdiriwang ng binyag sa paglalahad ng kahulugan ng binyag.

PAGLALAGAY NG LANGIS
Kung ang kumpil ng mga nabinyagan ay nakahiwalay sa kanilang binyag, lalagyan sila ng pari
ng langis pagkatapos ng binyag.

Pagkatapos ng Binyag, lalagyan ng pari ang mga bata ng langis.

Ipahahayag ng pari ang mga sumusunod bago lagyag ng langis ang mga bagong binyag:

N gayong naganap na ng Diyos Ama


ng Panginoong Hesukristo
ang muling pagsilang sa tubig at Espiritu Santo,
ang pagpapahid ng langis ay nagpapakilala
ng paglukob ng Espiritu Santo
sa muling isinilang sa binyag.
Maging matatag nawa ang mga batang ito
sa kanilang pakikiisa kay Kristong hari, pari, at propeta,
ngayon at magpakailanman.
Sasagot ang mga bagong binyag:

Amen.
Lalagyan ng langis ang tuktok ng mga bagong binyag.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 207

PAGBIBIGAY NG DAMIT PAMBINYAG


Bibigyan ng puting damit na pambinyag sa bawat isa, may sapat na gulang man o bata. Ipahahayag
ng pari:

A ng damit pambinyag
ay tanda ng muling pagsilang kay Kristo
at ng dakilang karangalan ng mga Anak ng Diyos.
Nawa’y manatiling wagas
at walang bahid-dungis ang iyong karangalan
hanggang iyong matamo
ang buhay na walang hanggan.
Sasagot ang mga bagong binyag:

Amen.
llalagay ng ninong at ninang sa kanilang inaanak ang damit pambinyag.
208 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

PAGBIBIGAY NG KANDILANG NAGDIRINGAS


Tatanganan o hahawakan ng pari ang kandila ng pagkabuhay habang ipinahahayag:

T ayo nang magbigay-dangal kay Hesus


na ating ilaw sa diwa nati’t isipan.
Sasagot ang mga bagong binyag:

Amen.
Ipahahayag ng pari:

Si Hesukristo’y nabuhay.
Siya’y ating kaliwanagan.
Mula sa kandila ng pagkabuhay, sisindihan ng ninong at ninang ang kandila para sa kanilang
inaanak. laabot ng ninong o ninang sa kanilang inaanak ang kandilang nagdiringas.

Pagkaraa’y ipahahayag ng pari:

Ang ilaw na ito ay tanda ng liwanag ni Kristo


na tinanggap sa binyag.
Nawa’y mag-alab ito sa iyong puso’t diwa
hanggang sa pagbabalik ni Kristong ating Panginoon.
Sasagot ang mga bagong binyag:

Amen.
Ang mga may gulang sa hanay ng mga bagong binyag ay kukumpilan kaagad makaraang
mabinyagan, kung may obispong nangungulo sa pagdiriwang na ito o kaya’y kung may paring
nagtataglay ng ganitong kapahintulutan.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 209

KUMPIL
Kapag obispo ang nagbinyag, dapat niyang isunod kaagad ang pakukumpil. Kapag wala ang
obispo, ang kumpil ay maigagawad ng paring nagbinyag.

PAGPAPATONG NG MGA KAMAY


Ang magkukumpil ay haharap sa mga tao at magkadaup-palad niyang aawitin o bibigkasin ang
sumusunod:

M ga kapatid,
noong binyagan ang mga kukumpilan ngayon,
sila’y muling isinilang:
ipinagkaloob sa kanila ng Diyos
ang kanyang sariling buhay
kaya’t sila’y naging mga anak niya.

Idalangin natin ngayon sa Diyos Ama


na ipagkaloob niya sa kanila ang Espiritu Santo
upang sila’y mapuspos ng kanyang lakas
at bunga ng pagpapahid ng banal na langis
ay maging higit silang katulad ni Kristo,
ang Anak ng Diyos.
Tahimik na dadalangin ang lahat.
210 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

Ipapatong ng magkukumpil ang kanyang mga kamay sa ulo ng mga kukumpilan. Siya lamang
ang aawit o bibigkas ng sumusunod:

O Diyos na makapangyarihan sa lahat,


Ama ni Hesukristo na aming Panginoon,
sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu Santo,
hinango mo sa kasalanan ang mga anak mong ito
at binigyan mo sila ng pakikihati sa iyong buhay.

Suguin mo sa kanila ngayon


ang Espiritu Santo, ang Mang-aaliw,
upang siyang maging lakas nila at patnubay.
Ipagkaloob mo na sila’y mapuspos
ng karunungan at pang-unawa,
na sila’y maging makatwiran sa pagpapasya
at manatiling matibay ang loob sa lahat ng pagkakataon.
Puspusin mo sila ng kaalaman at pamimitagan
at ng banal na pagkatakot sa harap ng iyong kadakilaan.
Hinihiling namin ito sa iyo
sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon
magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga kukumpilan:

Amen.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 211

PAGPAPAHID NG LANGIS
Ang krisma ay dadalhin sa nagkukumpil. Ang mga kukumpilan ay isa-isang lalapit sa kanya,
o kaya lalapit siya sa kanila. Ipapatong ng ninong o ninang o ang magulang na naghaharap sa
kukumpilan ang kanyang kanang kamay sa aanakin o anak at sasabibin niya ang ngalan nito sa
nagkukumpil. Maaari ring ang kukumpilan ang magsabi ng kanyang ngalan.

Ilulubog ng nagkukumpil ang kanyang kanang hinlalaki sa lalagyan ng krisma at sa pamamagitan


nito’y kukrusan niya sa noo ang kinukumpilan samantalang sinasabi ito:

N., tanggapin mo ang tatak ng kaloob ng Espiritu Santo.


Kinumpilan:

Amen.
Igagawad ang pagbati ng kapayapaan.

Sumaiyo ang kapayapaan.


Kinumpilan:

At sumaiyo rin.
212 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

PAGBABASBAS SA TUBIG
Kung walang bibinyagan at wala ring pagbabasbas ng tubig pambinyag, babasbasan ng pari ang
tubig na iwiwisik. Ipahahayag ang sumusunod na panalanging pinangungunahan ng paanyaya:

Mga kapatid kong minamahal,


hilingin natin sa Ama nating makapangyarihan
na marapatin niyang basbasan
itong tubig na iwiwisik ngayon
bilang paggunita sa tinanggap nating binyag noon.
Pagkalooban nawa niya tayo ng panibagong lakas
para sa pamamalaging matapat
sa Espiritu Santo na ating tinanggap.
Lahat ay tahimik na mananalangin nang saglit. Ang pari ay magpapatuloy sa pagdarasal nang
magkadaop ang mga kamay:

A ma naming makapangyarihan,
ipahayag mong ikaw ay kapiling ng iyong sambayanan
sa pagdiriwang na ito ng gabi ng pagkabuhay.
Ginugunita namin ang iyong paglikha
na talaga namang kahanga-hanga
at gayundin ang iyong pagtubos sa amin
na lalo pang pambihira at walang kahambing.
Basbasan mo itong tubig
na iyong ginawa upang aming magamit
para ang mga tanim ay madilig,
para makapawi sa uhaw at init,
at para maganap namin ang paglilinis.
Ito rin ay iyong itinalagang gamitin sa pagbibigay
ng iyong kagandahang-Ioob sa tanan.
Ginamit mo ito sa pagpapalaya sa kaalipinan
ng iyong hinirang na sambayanan.
Habang sa disyerto sila’y naglalakbay,
tubig ang pumawi sa kanilang pagkauhaw.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 213

Tubig din ang ginamit ng iyong mga propeta


upang ang sisimulan mong pakikipagtipan sa tao
ay maipahayag nila.
Sa pamamagitan ng tubig na itinalagang maging banal
ng Anak mong mahal
noong siya’y lumusong sa Ilog-Jordan,
pinagbabago mo kaming mga makasalanan.
Ito nawang tubig na ngayo’y iwiwisik sa amin
upang ang pagbibinyag ay aming gunitain
ay magpahiwatig din nawa ng aming pakikigalak
sa kaligayahan ng aming mga kapatid
na tatanggap ng binyag
sa Paskong ito ng Pagkabuhay ng iyong Anak
na namamagitan kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
214 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

PAGSARIWA SA PANGAKO SA PAGBIBINYAG


Kapag ang pagbibinyag (at pagkukumpil) ay naganap na o, kung walang pagbibinyag, matapos
mabasbasan ang tubig, ang lahat ng mga tao ay tatayo at, samantalang hawak nila ang kanilang
mga kandilang may sindi, gagawin nila ang pagsariwa sa pangako sa pagbibinyag.

Aanyayahan ng pari ang mga tao sa ganito o katumbas na mga pangungusap:

M ga kapatid,
sa misteryo ng Pasko ng Pagkamatay
at Pagkabuhay ni Kristo,
tayo’y nalibing kasama niya noong tayo’y binyagan
upang kasama rin niya
tayo’y makabangon at makapagbagong-buhay.
Naganap na natin ang Apatnapung Araw na Paghahanda,
Kaya’t sariwain natin ngayon ang ating pangako sa pagbibinyag.
Talikdan natin ang kasamaan at kasalanan.
Harapin natin ang matapat na paglilingkod sa Diyos
bilang mga maaasahang kaanib
ng kanyang banal na Simbahang Katolika.
Kung kayo’y makapangangakong tatalikod
sa lahat ng hadlang sa katuparan ng panukala ng Diyos
upang kayo’y makapamuhay
bilang matapat at maaasahang kaanib ng kanyang angkan,
pakisagot ninyo itong tatlong katanungan.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 215

Pari: Si Satanas ay itinatakwil ba ninyo?


Lahat: Opo, itinatakwil namin.

Pari: Ang mga gawain ni Satanas ay itinatakwil ba ninyo?


Lahat: Opo, itinatakwil namin.

Pari: Ang mga pang-akit ni Satanas


upang sumuway ang tao sa Diyos
ay itinatakwil ba ninyo?
Lahat: Opo, itinatakwil namin.
o kaya:

Pari: Para kayo makapamuhay


bilang mga malayang anak ng Diyos,
ang kasalanan ay itinatakwil ba ninyo?
Lahat: Opo, itinatakwil namin.

Pari: Para kayo’y huwag mapailalim sa kasalanan


ang kaakit-akit na tukso ng kasamaan
ay itinatakwil ba ninyo?
Lahat: Opo, itinatakwil namin.

Pari: Si Satanas na pinanggagalingan ng kasalanan


at pinuno ng kadiliman
ay itinatakwil ba ninyo?
Lahat: Opo, itinatakwil namin.
216 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

Ipagpapatuloy niya.

Pari: Ngayon nama’y ating harapin


ang ating pananampalataya.
Kung kayo’y makapangangakong magsisikap mamuhay
bilang mga ikinararangal na anak ng Diyos Ama,
kung tutularan ninyo siya sa kanyang kabutihan,
pagmamahal sa lahat,
at pagmamalasakit para sa pangkalahatang kapakanan,
pakisagot ninyo ang katanungang ito:

Sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat


at Lumikha ng langit at Iupa
kayo ba ay sumasampalataya?
Lahat: Opo, sumasampalataya kami.

Pari: Kung kayo’y makapangangakong magsisikap mamuhay


bilang mga tunay na kapatid ng Panginoong Hesus,
kung gagawin ninyong simulain sa buhay
ang kanyang katwiran, katarungan,
at paglilingkod sa lahat
alinsunod sa kanyang pagmamahal,
Pakisagot ninyo ang katanungang ito:

Sa iisang Anak ng Diyos,


ang ating Panginoong Hesukristo,
na ipinanganak ni Santa Mariang Birhen,
ipinako sa krus, namatay, inilibing,
muling nabuhay at naluluklok sa kanan ng Ama
kayo ba ay sumasampalataya?
Lahat: Opo, sumasampalataya kami.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 217

Pari: Kung kayo’y makapangangakong susunod


sa patnubay ng Espiritu Santo
at kung sisikapin ninyong mapaunlad
ang kaloob niyang buhay at pagmamahal
upang maging mga maipagmamalaking
anak ng Diyos Ama at kapatid ng Panginoong Hesus,
pakisagot ninyo ang katanungang ito:

Sa Espiritu Santo, sa Banal na Simbahang Katolika,


sa kasamahan ng mga banal,
sa kapatawaran ng mga kasalanan,
sa muling pagkabuhay ng mga namatay,
at sa buhay na walang hanggan
kayo ba ay sumasampalataya?
Lahat: Opo, sumasampalataya kami.
Ipahahayag ng pari:

B unga ng pagmamahal ng Diyos


na makapangyarihang Ama
ng ating Panginoong Hesukristo,
tayo ay pinatawad sa ating kasalanan
noong tayo’y muling isilang sa tubig at Espiritu Santo.
Tulungan nawa niya tayong mamalaging tapat
sa ating Panginoong Hesukristo
ngayon at magpasawalang hanggan.
Sasagot ang lahat:

Amen.
218 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

Ang mga nagsisimba ay wiwisikan ng tubig na binasbasan ng pari. Samantalang ito’y nagaganap,
aawitin ang ”May bukal sa gawing kanan” o anumang awit tungkol sa binyag:

May bukal sa gawing kanan


ng tahanan ng Maykapal,
tubig nito’y bumubuhay
sa lahat ng madaluyan,
Aleluya ang awitan!
Samantala ang mga bagong binyag ay ihahatid sa kanilang pook na dapat kalagyan kaisa ng
sambayanan.

Kung hindi ginaganap sa pook ng pagbibinyag ang pagbabasbas ng tubig pambinyag, magalang
na dadalhin ng mga tagapaglingkod ang lalagyan ng tubig sa nakalaang paglalagakan nito.

Kung hindi ginaganap ang pagbabasbas ng anumang tubig pambinyag, ilalagak sa kaukulang
pook ang binasbasang tubig na pangwisik.

Matapos mawisikan ang mga tao, ang pari ay babalik sa kanyang upuan. Ang Sumasampalataya
ay hindi ipahahayag. Pangunguluhan ng pari ang panalanging pangkalahatan (panalangin ng
bayan) na sasalihan ng mga bagong binyag sa unang pagkakataon.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 219

PANALANGIN NG BAYAN
Pagkatapos ay gaganapin ang panalangin ng bayan o panalanging pangkalahatan.

Aanyayahan ng pari ang sambayanan:



Taglay ang galak na dulot ng muling pagkabuhay ni Kristo,
manalangin tayo sa ating Amang nasa langit.
Sa pamamagitan ng binyag,
tayo ay kanyang inampon
bilang mga tunay niyang minamahal na anak.
Buong puso tayong manalangin:

T. Ama ng muling nabuhay naming Panginoon, dinggin mo kami.

Nawa’y maipahayag ng Simbahan


ang pag-asa para sa sansinukob
habang hinihintay nito ang puspusang kaligtasan.
Manalangin tayo sa Panginoon.

T. Ama ng muling nabuhay naming Panginoon, dinggin mo kami.

Nawa’y ang mga mananampalataya’y


talikdan ang mga maling gawain at pagkamakasarili
upang maging karapat-dapat sa bagong buhay
na ipinagkaloob ni Kristo.
Manalangin tayo sa Panginoon.

T. Ama ng muling nabuhay naming Panginoon, dinggin mo kami.

Nawa’y makamit at maranasan


ng mga kapatid naming patuloy na inaalipin
ng kahirapan, kamangmangan, at imoralidad
ang ganap na kalayaan ng isang tunay na anak ng Diyos.
Manalangin tayo sa Panginoon.

T. Ama ng muling nabuhay naming Panginoon, dinggin mo kami.


220 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

Nawa’y basbasan ng Diyos


ang lahat ng manggagawa na nagpapagod
para sa ikauunlad ng bansa
at basbasan nawa ng Diyos ang lahat ng kanilang pagsisikap
at iadya sa lahat ng kapahamakan
Manalangin tayo sa Panginoon.

T. Ama ng muling nabuhay naming Panginoon, dinggin mo kami.

Nawa magkaroon ng agarang lunas


sa coronavirus pandemic na nagpapahirap sa marami,
upang hilumin na ng Panginoon ang mga maysakit,
bigyan ng sapat na lakas ang mga kumakalinga sa kanila
at tulungan tayong magsumikap sa pananampalataya.
Manalangin tayo sa Panginoon.

T. Ama ng muling nabuhay naming Panginoon, dinggin mo kami.

Para sa kapayapaan sa mundo at para sa mga nagdurusa


dahil sa kalupitan ng digmaan lalo na sa Ukraine,
ipag-adya nawa ng Diyos ang mundo mula sa lahat ng karahasan
at hindi tamang paggamit sa kapangyarihan
upang ang lahat ay mamuhay nang may kapanatagan at kalayaan.
Manalangin tayo sa Panginoon.

T. Ama ng muling nabuhay naming Panginoon, dinggin mo kami.

Nawa‘y patuluyin ng Diyos


sa kaluwalhatian ng kanyang kaharian
ang mga mahal namin sa buhay na yumao na
Manalangin tayo sa Panginoon.

T. Ama ng muling nabuhay naming Panginoon, dinggin mo kami.


ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 221

Wawakasan ng pari ang panalangin:

Ama naming makapangyarihan,


pakinggan mo ang pagsusumamo ng iyong mga anak.
Papanatilihin mo ang aming kababaang-loob
upang maging karapat-dapat kami sa kaligtasang kaloob ni Kristo.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan
ni Kristong aming Panginoon.

Sasagot ang mga tao:

Amen.
222 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN


Ang pari ay paroroon sa dambana at pasisimulan niya ang pagdiriwang ng huling hapunan sa
paraang kinaugalian.

Pagkatapos, sisimulan ang awit ng pag-aalay. Samantalang ito’y ginaganap, ilalagay ng mga
tagapaglingkod ang telang patungan ng Katawan ni Kristo, ang pamahiran, ang kalis, at ang
Aklat ng Pagmimisa sa ibabaw ng dambana.

Nababagay na ang tinapay at alak ay dalhin sa dambana sa prusisyong binubuo ng mga bagong
binyag.

Ngayon nama’y tatayo ang Pari sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya ang pinggan ng
tinapay nang bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya nang pabulong:

K apuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.


Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito
para maging pagkaing nagbibigay-buhay.
Ilalapag niya ang pinggan ng tinapay sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal nang
malakas ng Pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!


Ang diyakono o ang pari ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang dinarasal
nang pabulong:

Sa paghahalong ito ng alak at tubig


kami nawa’y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo
na nagpagindapat makihati sa aming pagkatao.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 223

Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng Pari ang kalis nang bahagyang nakaangat
sa dambana habang dinarasal niya nang pabulong:

K apuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.


Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa katas ng ubas at bunga ng aming paggawa ang alak na ito
para maging inuming nagbibigay ng iyong Espiritu.
Illapag niya ang kalis sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal nang
malakas ng Pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!


Pagkatapos, yuyuko ang Pari habang dinarasal niya nang pabulong:

Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kaming mga makasalanan.


Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilang handog
upang kami’y matutong sumunod sa iyo nang buong puso.
Kung minamabuting gawin, iinsensuhan ng pari ang mga alay at ang dambana; pagkaraa’y
iinsensuhan ng diyakono o ng tagapaglingkod ang pari at ang mga nagsisimba.

Pagkatapos, ang pari’y pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga kamay
samantalang pabulong niyang dinarasal:

O Diyos kong minamahal,


kasalanan ko‘y hugasan
at linisin mong lubusan
ang nagawa kong pagsuway.
224 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

Pagbalik ng pari sa gawing gitna ng dambana, ilalahad niya ang kanyang mga kamay sa mga tao
at muli niyang pagdaraupin habang kanyang ipinahahayag:

Manalangin kayo, mga kapatid,


upang ang paghahain natin ay kalugdan
ng Diyos Amang makapangyarihan.
Sasagot ang mga tao:

Tanggapin nawa ng Panginoon


itong paghahain sa iyong mga kamay
sa kapurihan niya at karangalan
sa ating kapakinabangan
at sa buong Sambayanan niyang banal.

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY


Pagkaraa’y, ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at darasalin:

A ma naming Lumikha,
tanggapin mo ang aming mga panalangin
na sumasaliw sa aming paghahain
upang sa nagsimulang Pasko ng Pagkabuhay
kami’y itaguyod nito sa kagalingang walang katapusan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga nagsisimba bilang pagbubuny:

Amen.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 225

UNANG PAGBUBUNYI O PREPASYO SA PASKO NG PAGKABUHAY


Ang pagkamatay at pagkabuhay ni Kristo

P. Sumainyo ang Panginoon.


B. At sumaiyo rin.

P. Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.


B. Itinaas na namin sa Panginoon.

P. Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.


B. Marapat na siya ay pasalamatan.

A ma naming makapangyarihan,
tunay ngang marapat na ikaw ay aming pasalamatan
ngayong gabing ipinagdiriwang
ang paghahain ng Mesiyas,
ang maamong tupa na tumubos sa aming lahat.
Ang iyong Anak na minamahal
ay naghain ng sarili niyang buhay.
Siya ang tupang maamong umako sa kaparusahan
upang mapatawad ang kasalanan ng sanlibutan.
Sa pagkamatay niya sa banal na krus
ang kamatayan namin ay kanyang nilupig.
Sa pagkabuhay niya bilang Manunubos
pag-asa’t pagkabuhay ay aming nakamit.
Kaya kaisa ng mga anghel
na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

SANTO
Santo, Santo, Santo Panginoong Diyos ng mga hukbo!
Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo!
Osana sa kaitaasan!
Pinagpala ang mga naparirito sa ngalan ng Panginoon!
Osana sa kaitaasan!
226 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

IKALAWANG PANALANGIN
NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT
Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

A ma naming banal,
ikaw ang bukal ng tanang kabanalan.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at lulukuban ng mga kamay niya ang mga alay
habang siya’y nagdarasal.

Kaya’t sa pamamagitan ng iyong Espiritu


gawin mong banal ang mga kaloob na ito
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis, samantalang
kanyang dinarasal:

upang para sa ami’y maging Katawan at Dugo X


ng aming Panginoong Hesukristo.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay ipahahayag nang malinaw
at nauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng kahulugan ng mga ito.

Bago niya pinagtiisang kusang loob


na maging handog,
Hahawakan ng pari ang tinapay nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang
kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang tinapay,


pinasalamatan ka niya,
pinaghati-hati niya iyon,
iniabot sa kanyang mga alagad
at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang pari.

T ANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:


ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 227

Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan ni Kristo, ipapatong niya ito sa
pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba.

Ang pari ay magpapatuloy.

Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,


Hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang
patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang kalis,


muli ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad
at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang pari.

T ANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.

GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.


Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan ni Kristo, at
luluhod siya bilang pagsamba.

Pagkatapos, ipahahayag ng pari:

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.


Ang mga tao ay magbubunyi:

Aming ipinahahayag
na namatay ang ‘yong Anak,
nabuhay bilang Mesiyas
at magbabalik sa wakas
para mahayag sa lahat.
228 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal:

A ma,
ginagawa namin ngayon ang pag-alala
sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng iyong Anak
kaya’t iniaalay namin sa iyo
ang tinapay na nagbibigay-buhay
at ang kalis na nagkakaloob ng kaligtasan.
Kami’y nagpapasalamat
dahil kami’y iyong minarapat
na tumayo sa harap mo
para maglingkod sa iyo.

Isinasamo naming kaming magsasalu-salo


sa Katawan at Dugo ni Kristo
ay mabuklod sa pagkakaisa
sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
Isang nakikipagmisa
Ama,
lingapin mo ang iyong Simbahang
laganap sa buong daigdig.
Puspusin mo kami sa pag-ibig
kaisa ni Francisco, na aming Papa
at ni N., na aming Obispo,
at ng tanang kaparian.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 229

Isang nakikipagmisa
Alalahanin mo rin
ang mga kapatid naming nahimlay
nang may pag-asang sila’y muling mabubuhay
gayun din ang lahat ng mga pumanaw.
Kaawaan mo sila at patuluyin sa iyong kaliwanagan.
Kaawaan mo at pagindapatin kaming lahat
na makasalo sa iyong buhay na walang wakas.
Kaisa ng Mahal na Birheng Maria na Ina ng Diyos,
ng kanyang Kabiyak ng puso, si San Jose,
kaisa ng mga apostol at ng lahat ng mga banal
na namuhay dito sa daigdig nang kalugud-lugod sa iyo,
maipagdiwang nawa namin ang pagpupuri sa ikararangal mo.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

sa pamamagitan ng iyong Anak


na aming Panginoong Hesukristo.

Hahawakan ng pari ang pinggang may ostiya at ang kalis na kapwa niya itataas habang kanyang
ipinahahayag.

S A PAMAMAGITAN NI KRISTO, KASAMA NIYA, AT SA KANYA


ANG LAHAT NG PARANGAL AT PAPURI AY SA IYO,
DIYOS AMANG MAKAPANGYARIHAN,
KASAMA NG ESPIRITU SANTO
MAGPASAWALANG HANGGAN.
Ang mga tao ay magbubunyi:

Amen.
230 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

ANG PAKIKINABANG
Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng pari nang may magkadaop na mga
kamay:

S a tagubilin ng mga nakagagaling na utos


at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos
ipahayag natin nang lakas-loob:
Illalahad ng pari ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng lahat

Ama namin, sumasalangit ka.


Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo
dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan mo kami ngayon


ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga sala
para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal:

Hinihiling naming
kami’y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
iIigtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 231

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang panalangin sa
ganitong pagbubunyi:

Sapagkat iyo ang kaharian


at ang kapangyarihan at ang kapurihan
magpakailanman! Amen.
Pagkatapos, malakas na darasalin ng paring nakalahad ang mga kamay:

P anginoong Hesukristo,
sinabi mo sa iyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming pananampalataya
at huwag ang aming pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.


Sasagot ang mga tao:

Amen.
Ang pari’y paharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop ng mga kamay sa pagpapahayag.

Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.


Sasagot ant mga tao:

At sumaiyo rin.
Maidaragdag, kung minabuti, ang paanyayang ipahahayag ng diyakono o ng pari:

Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.


At, alinsunod sa kaugalian ng iba’t-ibang pook, ang mga nagsisimba ay mabigbigyan ng
kapayapaan. Ang pari at ang mga tagapaglingkod ay makapagbibigayan ng kapayapaan.
232 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

Pagkatapos, hahawakan ng pari ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw ng pinggan at
isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:

Sa pagsasawak na ito
ng Katawan sa Dugo ng aming Panginoong Hesukristo
tanggapin nawa namin sa pakikinabang
ang buhay na walang hanggan.

Samantalang ginaganap ang paghahati-hati sa ostiya, aawitin o darasalin ang pagluhog na ito.

Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.
Ito ay mauulit-ulit habang ginaganap ang paghahati-hati sa tinapay. Sa huling pag-uulit saka pa
lamang idurugtong ang “ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.”

Magkadaop ang mga kamay ng pari sa pabulong na pagdarasal:

Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay,


sa kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo,
binuhay mo sa iyong pagkamatay ang sanlibutan.
Pakundangan sa iyong banal na Katawan at Dugo,
iadya mo ako sa tanang aking kasalanan at lahat ng masama,
gawin mong ako’y makasunod lagi sa iyong mga utos,
at huwag mong ipahintulot na ako’y mawalay sa iyo kailanman.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 233

o kaya:

Ang pakikinabang sa Katawan at Dugo mo,


Panginoong Hesukristo,
ay huwag nawang magdulot ng paghuhukom
at parusa sa kasalanan ko.
Alang-alang sa iyong dakilang pag-ibig
nawa’y aking matanggap
ang pagkupkop mo sa akin at kaloob mong lunas.
Luluhod ang pari at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa ibabaw ng
pinggan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi ng malakas:

Ito ang Kordero ng Diyos.


Ito ang nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.
Idurugtong niyang minsanan kaisa ng sambayanan:

Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo


ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.
Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na nagdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.

Pagkatapos, hahawakan ng pari ang kalis at pabulong na magdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.
234 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

Hahawakan niya ang pinggan o lalagyan ng ostiya at lalapitan niya ang mga nakikinabang,
bahagyang itataas ang ostiya para sa bawat nakikinabang habang sinasabi:

Katawan ni Kristo.
Ang nakikinabang ay tutugon:

Amen.
Ganito rin ang gagawin ng diyakono na nagdudulot ng pakinabang.

Samantalang nakikinabang ang pari, sisimulan ang awit sa pakikinabang.

Pagkapakinabang, ang mga mumo ng ostiya na nasa pinggan ay titipunin sa kalis na huhugasan
ng pari o ng diyakono o ng tagapaglingkod. Habang ito ay ginaganap ng pari, pabulong siyang
magdarasal:

Ama naming mapagmahal,


ang aming tinanggap ngayon ay amin nawang mapakinabangan
at ang iyong ipinagkaloob ay magdulot nawa sa amin
ng kagalingang pangmagpakailanman.

Makababalik ngayon sa upuan ang pari. Makapag-uukol ng ilang saglit na katahimikan o


makaaawit ng papuri o salmo.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 235

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Pagkaraan, ang pari ay titindig sa harap ng upuan o sa gawi ng dambana paharap sa mga
nagsisimbang magpapahayag:

Manalangin tayo.
Kung di pa nagaganap ang tahimik na pagdalangin, ito ay gagawin ngayon, at pagkaraan, ang
panalangin pagkapakinabang ay ipahahayag ng paring nakalahad ang mga kamay.

A ma naming mapagmahal,
padaluyin mo, sa amin ang batis
ng Espiritu ng iyong pag-ibig
upang kaming pinapagsalo mo
sa piging ng Pasko ng Pagkabuhay ni Kristo
ay magkaisa sa pananalig sa iyo
sa pamamagitan niya
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao ng pagbubunyi:

Amen.
236 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

PANALANGIN PARA SA PAMBANSA


AT PANGLOKAL NA HALALAN

Pagkatapos ng Panalangin Pagkapakinabang, darasalin ang Panalangin para sa Pambansa at


Panglokal na Halalan.

Aanyayahan ng pari ang sambayanan:

Manalangin tayo upang sa papalapit


na pambansa at panglokal na halalan
ay tunay na maghari ang kalooban ng Diyos,
na Siyang gumagabay sa lahat ng bansa.
Sama-sama nating idalangin:

T. Iligtas mo kami, Panginoon.

Mula sa pamimilit, pananakot, karahasan, at terorismo.


T. Iligtas mo kami, Panginoon.

Mula sa panloloko, pagsisinungaling, at pagbaluktot sa katotohanan.


T. Iligtas mo kami, Panginoon.

Mula sa panunuhol, kasakiman, at sabwatan upang makapandaya.


T. Iligtas mo kami, Panginoon.

Mula sa kawalang-muwang sa panlilinlang at makitid na pananaw.


T. Iligtas mo kami, Panginoon.

Mula sa pagbabanta, pananakot, at lapastangang pananalita.


T. Iligtas mo kami, Panginoon.
Ipahahayag ng pari:

Sama-sama nating idalangin:

T. Dinggin Mo kami, Panginoon.

Upang ang aming budhi ang siyang gawing tunay na pamantayan.


T. Dinggin Mo kami, Panginoon.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 237

Upang ang kabutihan ng nakararami ang aming pinakamataas na layunin.


T. Dinggin Mo kami, Panginoon.

Upang ang dignidad ng tao ay palagiang igalang.


T. Dinggin Mo kami, Panginoon.

Upang ang kapus-palad at mahihina ay pag-ukulan ng higit na pansin.


T. Dinggin Mo kami, Panginoon.

Upang ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi ipagwalang-bahala.


T. Dinggin Mo kami, Panginoon.

Upang ang pagkakaisa ay magbigay-daan


sa landas ng kapayapaan at kaunlaran.
T. Dinggin Mo kami, Panginoon.

Upang ang banal na pagkatakot sa Diyos at pag-ibig sa kapwa


ang maging gabay ng mga nagnanais manungkulan sa pamahalaan.
T. Dinggin Mo kami, Panginoon.
Ipahahayag ng pari

Manalangin tayo.
Mananalangin ang lahat:

Pastol ng aming kaluluwa at Tagapagligtas ng sanlibutan,


ang pulitika ay Iyong kaloob sa amin;
isang paanyaya upang maglingkod sa iba at lumago sa kabanalan.
Gabayan Mo ang pulitika sa aming bansa
katulad ng paggabay mo sa amin.
Nawa ang aming pulitikal na pakikilahok
para sa mga botante at kandidato
ay magdulot ng kaluwalhatian sa Iyong mahal na ngalan
at matulungan din kaming yumabong sa kabutihan,
ngayon at magpasawalang hanggan.
Amen.
238 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY

PAGHAYO SA PAGWAWAKAS
Maisusunod, kapag may ipagbibigay-alam, ang mga maikling patalastas na sasabihin sa mga tao.

Pagkatapos, gaganapin ang paghayo. Ang paring nakalahad ng mga kamay sa mga tao ay
magpapahayag:

Sumainyo ang Panginoon.


Sasagot ang mga tao:

At sumaiyo rin.
Ang diyakono o ang pari na rin kapag walang diyakono ang magpapahayag ng paanyaya:

Magsiyuko tayo habang iginagawad ang pagbabasbas.


Pagkaraan, itataas ng pari ang kanyang mga kamay na lumulukob sa lahat, samantalang inaawit
o ipinahahayag niya:

Sa dakilang kapistahang ito


ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesukristo
kayo nawa’y pagpalain ng makapangyarihang Diyos
at sa tanang kasalanan ay kanya nawang ipagsanggalang
kayong nagdiriwang ngayon at magpasawalang hanggan.
Ang lahat ay sasagot:

Amen.
Ipahahayag ng pari:

Sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Hesukristo
pinagkalooban kayo ng Diyos ng kagalingan at kaligtasan.
Puspusin nawa niya kayo ng kawalang-kamatayan
ngayon at magpasawalang hanggan.
Ang lahat ay sasagot:

Amen.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY 239

Ipahahayag ng pari:

Matapos ipagdalamhati ang pagpapakasakit ni Hesukristo
ipinagdiriwang ngayon
ang maligayang Pasko ng Pagkabuhay ng mga tao.
Pasapitin nawa niya kayo sa kagalakan
ng kanyang kapistahan sa kalangitan magpasawalang hanggan.
Ang lahat ay sasagot:

Amen.
Babasbasan ng pari ang mga tao habang kanyang ipinahahayag:

P agpalain kayo ng makapangyarihang Diyos,


Ama at Anak X at Espiritu Santo.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
lpahahayag ng diyakono o ng pari ang paghayo sa ganitong paraan:

Humayo kayong taglay ang kapayapaan


upang ang Panginoon ay mahalin at paglingkuran,
Aleluya! Aleluya!
Sasagot ang mga nagsisimba:

Salamat sa Diyos,
Aleluya! Aleluya!

Karaniwan, ang dambana ay bibigyang-paggalang sa paghalik dito ng pari at matapos


makapagbigaypitagan kaisa ng mga tagapaglingkod, siya ay hahayo.
Archdiocesan Liturgical Commission
Manila

You might also like