You are on page 1of 88

ANG MISA NG SAMBAYANAN

Mula Aklat ng Pagmimisa sa Roma

Malalaking Teksto ng Banal na Misa


kasama ang apat na Panalangin ng Pagpupuri at
Pasasalamat

Diyosesis ng San Pablo


PAROKYA NI MARIA, MAPAG-AMPON SA MGA KRISTIYANO
Brgy. Mayapa, Lungsod ng Calamba
MMXVIII
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

ANG MISA NG SAMBAYANAN


Mula sa Aklat ng Pagmimisa sa Roma
Isinaayos sa Pahayag-Kautusan ng Kabanal-banalang Ikalawang
Pandaigdig na Kapulungan ng mga Obispo sa Vaticano at Ipinalathala
ng Kapangyarihan ni Papa Pablo VI

Mula sa Salin sa Tagalog ng


Ikalawang Huwarang Sipi

Lupon para sa wikang Tagalog sa Liturhiya, 1981


Edition published in 1999 by ST PAULS

Concordat cum originali

The Roman Catholic Parish of Mary Help of Christians


Mayapa Rd., Brgy. Mayapa
City of Calamba, Province of Laguna

For PRIVATE circulation only.

Fonts Used
Mass Text: Times New Roman, 18
Mass Rubrics: Garamond, Italicized, 16

Enlarged text made on July 2018


Prepared and compiled by Ryan Tulaylay
Started: July 03, 2018 | Finished: July 18, 2018

2
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

“O Priest of God,
celebrate this Holy Mass
as if it were your first Mass,
your last Mass,
and your only Mass.”

3
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

Ut in omnibus glorificetur Deus.


That in all things, God may be glorified!

MGA NILALAMAN

4
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

PAGHAHANDA PARA SA BANAL NA MISA


Vesting Prayers (Latin - English)
| Pahina 8 |

PASIMULA
Pagbati, Pagsisisi, Kyrie Eleison, Gloria in excelsis Deo
| Pahina 13 |

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS


Unang Pagbasa, Salmong Tugunan, Ikalawang Pagbasa, Alleluia,
Mabuting Balita
| Pahina 17 |

Ang Pagpapahayag ng Pananampalataya


| Pahina 19-20 |

Huwarang Panalanging Pagkalahatan o Panalangin ng Bayan


| Pahina 21 |

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN


Paghahanda sa mga Alay
| Pahina 24 |

Unang Panalangin ng Pagpupuri at Pagpapasalamat o ang


Pamantayang Panalangin ng Roma
| Pahina 30 |

Ikalawang Panalangin ng Pagpupuri at Pagpapasalamat


| Pahina 44 |

5
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

Ikatlong Panalangin ng Pagpupuri at Pagpapasalamat


| Pahina 53 |

Ikaapat na Panalangin ng Pagpupuri at Pagpapasalamat


| Pahina 61 |

ANG PAKIKINABANG
Ama Namin, Kordero ng Diyos, Paanyaya sa Pakikinabang
| Pahina 71 |

PAGHAYO SA PAGBABASBAS
Paggawad ng Pagpapala at Paghayo
| Pahina 78 |

APPENDIX:

Mga iba pang paraan ng pagbati at pagsisisi sa kasalanan


| Pahina 81 |

Mga mapipiling pagbubunyi pagkatapos ng pagtatalagang maging


Katawan at Dugo ni Kristo ang mga Hain
| Pahina 84 |

Salve Regina at Preces


| Pahina 85 |

6
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

THE VESTING PRAYERS


Latin & English

7
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

______________________

If the hands are washed:


Da, Domine, virtutem manibus meis
ab abstergendam omnem maculam:
ut sine pollutione mentis et corporis
valeam tibi servire.

Give strength to my hands, Lord,


to wipe away every stain,
so that I may be able to serve you
in purity of mind and body.

If an amice is worn:
Impone, Domine
capiti meo galeam salutis,
ad expugandos diabolicos incursus.

Lord,
set the helmet of salvation on my head
to fend off all the assaults of the devil.

8
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

As the alb is worn:


Dealba me, Domine,
et munda cor meum:
ut in sanguine Agni dealbatus,
gaudiis perfruar sempiteris.

Purify me, Lord,


and cleanse my heart
so that, washed in the Blood of the Lamb,
I may enjoy eternal joys

As the cincture is tied, if it is used:


Praecinge me, Domine,
cingulo puritatis,
et extingue in lumbis meis humorem libidinis:
ut maneat in me
virtus continentiae et castitatis.

Lord,
fasten the cincture of purity around me
and extinguish my earthly desires,
so that the virtue of continence and chastity
may dwell within me.

9
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

As the maniple is worn on the sleeve of the alb:


Merear, Domine,
portare manipulum fletus et doloris;
ut cum exsultatione recipiam mercedem laboris.

May I deserve, O Lord,


to bear the maniple of weeping and sorrow
in order that I may joyfully reap the reward of my labors.

As the stole is worn:


Redde mihi, Domine,
stolam immortalitatis,
quam perdidi in praevaricatione primi parentis:
et quamvis indignus accedo ad tuum sacrum mysterium,
merear tamen gaudium sempiterum.

Lord,
restore the stole of immortality,
which I lost through the actions of our first parents,
and although I am unworthy to approach your sacred mysteries,
may I gain eternal joy.

10
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

(Deacons and Bishops [for pontifical masses before the


chasuble is worn])
As the dalmatic is worn:
Indue me, Domine,
indumento salutis et vestimento laetitiae;
et dalmatica justitiae
circumda me semper.

Lord, vest me
in the garment of salvation the vestment of joy.
May I always be surrounded
with the dalmatic of justice.

(Priests and Bishops) As the chasuble is worn:


Domine, qui dixisti:
Iugum meum suave est et onus meum leve:
fac, ut istud portare sic valeam,
quod consequar tuam gratiam.

Lord, you have said:


My yoke is sweet and my burden is light.
Grant that I may carry your yoke well
so as to obtain your grace.

11
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

HOC FÁCITE IN MEAM COMMEMORATIÓNEM. Lc 22: 19

PASIMULA

12
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

Kapag natitipon na ang sambayanan, ang pari at mga


tagapaglingkod ay lalakad patungo sa dambana, samantalang ang
awiting pambungad ay ginaganap.

Pagsapit sa dambana, ang pari at mga tagapaglingkod ay


magbibigay-galang alinsunod sa hinihinging paraan. Magbibigay-
galang ang pari sa dambana sa pamamagitan ng paghalik sa ibabaw.
Kung minamabuti niya, maiinsensuhan niya ito. Pagkatapos, ang pari
ay paroroon sa kanyang upuan.

Matapos ang awiting pambungad, habang nakatayo ang lahat, ang


pari at ang mga tao ay magkukrus. Ipahahayag ng paring nakaharap sa
mga tao:

Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.

Sasagot ang mga tao:

Amen.

Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay bilang pagbati sa mga tao,
habang ipinahahayag:

Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo,


ang pag-ibig ng Diyos Ama,
at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo
nawa’y sumainyong lahat.

o kaya:

Sumainyo ang Panginoon.

13
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

o kaya, kapag ang nagmimisa ay Obispo:

Sumainyo ang kapayapaan.

Sasagot ang mga tao:

At sumaiyo rin.

Ang pari o ang diyakono o sinumang angkop na tagapaglingkod ay


makapagbibigay ng maikling paliwanag tungkol sa buod ng Misang
ipinagdiriwang.

Susunod na gaganapin ang pagsisisi sa kasalanan. Aanyayahan ng pari


ang mga tao:

Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan


upang tayo’y maging marapat gumanap
sa banal na pagdiriwang.

Magkakaroon ng saglit na katahimikan. Pagkatapos nito, lahat ay


sabay-sabay na aamin sa nagawang kasalanan:

Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos


at sa inyo, mga kapatid,
na lubha akong nagkasala

Ang lahat ay dadagok sa dibdib.

Sa isip, sa salita, at sa gawa


at sa aking pagkukulang.
Kaya isinasamo ko

14
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

sa Mahal na Birheng Maria,


sa lahat ng mga anghel at mga banal
at sa inyo, mga kapatid,
na ako’y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.
Ipahahayag ng pari ang pagpapatawad:

Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos,


Patawarin tayo sa ating mga kasalanan,
at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.

Sasagot ang mga tao:

Amen.

Isusunod ang pagluhog na “Panginoon, kaawaan mo kami,”


maliban kapag naganap na ito kaugnay ng ibang paraan ng pagsisisi ng
kasalanan na matatagpuan sa appendix: mga iba pang paraan ng
pagbati at pagsisisi sa kasalanan, pahina 81:

Panginoon, kaawaan mo kami.


R/. Panginoon, kaawaan mo kami.

Kristo, kaawaan mo kami.


R/. Kristo, kaawaan mo kami.

Panginoon, kaawaan mo kami.


R/. Panginoon, kaawaan mo kami.

Kapag nakatakdang ganapin, aawitin o darasalin ang awit:

Papuri sa Diyos sa kaitaasan


at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan

15
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

niya.
Pinupuri ka namin,
dinarangal ka namin,
sinasamba ka namin,
ipinagbubunyi ka namin,
pinasasalamatan ka namin
dahil sa dakila mong angking kapurihan.
Panginoong Diyos, Hari ng langit,
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak,
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
Tanggapin mo ang aming kahilingan.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
maawa ka sa amin.
Sapagka’t ikaw lamang ang banal
ikaw lamang ang Panginoon,
ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataas-taasan,
kasama ng Espiritu Santo
sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen.

Pagkaraan ng awit, magkadaop ang mga kamay na ipahahayag ng


pari:

Manalangin tayo.

Ang lahat kaisa ng pari ay tahimik na mananalangin nang saglit.


Pagkalipas ng ilang sandali, ilalahad ng pari ang kanyang kamay at
ipahahayag ang panalanging pambungad. Sa katapusan nito’y sasagot
ang mga tao ng pagbubunyi:

16
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

Amen.

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

Paroroon sa pook ng pagbasa ang maglalahad ng Salita ng Diyos.


Habang ipinahahayag niya ang unang pagbasa, ang lahat ay
nakaupong makikinig. Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa,
ihahayag ng tagapaglahad:

Ang Salita ng Diyos.

Sasagot ang lahat:

Salamat sa Diyos.

Ang tagapaglahad ng salmo o tagaawit ay magpapahayag ng akda


mula sa Aklat ng mga Awit at ang mga tao ay tutugon sa kaukulang
taludtod.

Pagkatapos, kung mayroong ikalawang pagbasa, ipahahayag din


ito sa pook ng pagbasa katulad ng nauna. Upang ipahiwatig ang
katapusan ng pagbasa, iahahayag ng tagapaglahad:

Ang Salita ng Diyos.

Sasagot ang lahat:

17
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

Salamat sa Diyos.

Isusunod ang Aleluya o ang ibang awit.

Samantalang ginaganap ang pag-awit, maglalagay ng insenso sa


insensaryo ang pari kung minamabuting gamitin ito. Pagkaraan, ang
diyakonong magpapahayag ng Mabuting Balita ay yuyuko sa harap ng
pari at hihilingin niya ang pagpapala sa mahinang tinig:

Padre, ako po ay inyong gawaran ng pagpapala

Ang pari ay mangungusap nang mahina:

Sa iyong puso at sa iyong labi


manahan nawa ang Panginoon
upang marapat mong maipahayag
ang kanyang Mabuting Balita,
sa ngalan ng Ama at ng Anak ✠ at ng Espiritu Santo.

Ang diyakono ay sasagot:

Amen.

Kapag walang diyakono, ang paring nakayuko sa gawing


dambana ay magdarasal nang pabulong:

Makapangyarihang Diyos, gawin mong dalisay


ang aking puso at mga labi
upang marapat kong maipahayag ang Mabuting Balita.

Pagkatapos, ang diyakono o ang pari ay paroroon sa pook ng


pagbasa. Magagawa ito ng paprusisyon na nilalahukan ng mga

18
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

tagapaglingkod na may dalang insensaryo at mga kandila. Sa pook ng


pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:

Sumainyo ang Panginoon.

Sasagot ang mga tao:

At sumaiyo rin.

Ihahayag ng diyakono o pari:

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San N.


Samantala’y kukrusan niya ang aklat, ang kayang noo, ang kanyan
bibig, at ang kanyang dibdib.

Magbubunyi ang mga tao:

Papuri sa iyo, Panginoon.

Pagkaraan, iinsensuhan ng diyakono o ng pari ang aklat kung


ginagamit ang insenso at ipahahayag niya ang Mabuting Balita.

Sa katapusan, ihahayag niya:

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Magbubunyi ang lahat:

Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

Hahalikan ang aklat habang dinarasal nang pabulong:

Magbunga nawa itong pagpapahayag ng Mabuting

19
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

Balita ng pagkapawi ng mga kasalanan.

Pagkaraan, gaganapin ang homiliya na dapat ilahad sa lahat ng


araw ng Linggo at mga pistang pangilin. Ito ay kapuri-puring gawin sa
iba pang araw.

Kasunod ng homiliya ang pagpapahayag ng pananampalataya


kapag ito ay nakatakda.

Sa pasya ng mga Obispo sa Pilipinas, maaring ihalili ang


sumusunod para sa pagpapahayag ng pananampalataya:

Sumasampalataya ako
Sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat,
na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya ako kay Hesukristo,
iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat
Nagkatawang tao siya lalang ng Espiritu Santo,
Ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato,
ipinako sa krus, namatay, inilibing.
Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao.
Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli.
Umakyat sa langit.
Naluluklok sa kanan
ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Doon magmumulang paririto
at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako
sa Diyos Espiritu Santo,
sa banal na Simbahang Katolika,
sa kasamahan ng mga banal,

20
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

sa kapatawaran ng mga kasalanan,


sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao
at sa buhay na walang hanggan.
Amen.

Pagkatapos ay gaganapin ang panalanging pangkalahatan o


panalangin ng bayan.

Huwarang Panalanging Pangkalahatan o


Panalangin ng Bayan

A – Paanyaya
Sa Diyos Amang makapangyarihan
na ang ibig ay maligtas ang lahat ng tao
at makaalam ng katotohanan,
halina, mga kapatid kong ginigiliw,
taimtim tayong manalangin:

Tugon ng Bayan:
R/. Kami’y iyong pakinggan, Diyos na makapangyarihan.

o kaya:
R/. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

B – Unang hanay ng mga pagluhog

21
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

Para sa banal na Sambayanan ng Diyos:


upang ito ay kanyang kalingain at itaguyod.
Manalangin tayo sa Panginoon. R/.

C – Ikalawang hanay ng mga pagluhog


Para sa mga tao sa sanlibutan:
upang pamalagiin ng Diyos na nagkakasundo ang tanan.
Manalangin tayo sa Panginoon. R/.

D – Ikatlong hanay ng mga pagluhog


Para sa lahat ng may pasang iba’t ibang suliranin sa buhay:
upang sila’y marapatin ng Diyos na maibsan sa pasanin.
Manalangin tayo sa Panginoon. R/.

E – Ikaapat hanay ng mga pagluhog


Para sa ating sarili at sa tanang dito’y natitipon:
Upang tayo’y marapatin ng Diyos na maging kinasisiyahan
niyang hain. Manalangin tayo sa Panginoon. R/.

G – Pangwakas na Panalangin ng pari


Ama naming makapangyarihan,
ikaw ay aming kanlungan at lakas.
Bilang tugon sa aming ngayo’y dumadalangin,
itulot mong ikaw ay aming makapiling.
Ginawa mong kami’y makapanalanging taimtim
kaya’t ang may pagtitiwala naming hinihiling
ay ipagkaloob mong totohanan naming kamtin
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
R/. Amen.

22
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

23
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN

Pagkatapos, sisimulan ang awit ng pag-aalay. Samantalang ito’y


ginaganap, ilalagay ng mga tagapaglingkod ang telang patungan ng
Katawan ni Kristo, ang pamahiran, ang kalis, at ang Aklat ng
Pagmimisa sa ibabaw ng dambana.

Nababagay na ang pakikiisa ng mga nagsisimba ay ipahayag sa


pamamagitan ng prusisyon ng pag-aalay ng tinapay at alak at iba pang
handog para sa Simbahan at para sa mga dukha.

Ngayon nama’y tatayo ang pari sa gawing gitna ng dambana,


hahawakan niya ang pinggan ng tinapay nang bahagyang nakaangat sa
dambana, habang dinarasal niya nang pabulong:

Kapuri-puri ka, Diyos Amang lumikha sa sanlibutan.


Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay
Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay
na ito para maging pagkaing nagbibigay-buhay.

24
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

Ilalapag niya ang pinggan ng tinapay sa telang patungan ng Katawan ni


Kristo.

Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap


na ito ay madarasal nang malakas ng pari at sa katapusan
makapagbubunyi ang mga tao:

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!

Ang diyakono o ang pari ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig


sa kalis habang dinarasal nang pabulong:

Sa paghahalong ito ng alak at tubig


Kami nawa’y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo
na nagpagindapat makihati sa aming pagkatao.
Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng pari ang
kalis nang bahagyang nakaangat sa dambana habang dinarasal niya
nang pabulong:

Kapuri-puri ka, Diyos Amang lumikha sa sanlibutan.


Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay
Mula sa katas ng ubas at bunga ng aming paggawa ang
alak na ito para maging inuming nagbibigay ng iyong
Espiritu.

Ilalapag niya ang kalis sa telang patungan ng katawan ni Kristo.

Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap


na ito ay madarasal nang malakas ng pari at sa katapusan
makapagbubunyi ang mga tao:

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!

25
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

Pagkatapos, yuyuko ang pari habang dinarasal niya nang pabulong:

Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kaming mga


makasalanan.
Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilang
handog
Upang kami’y matutong sumunod sa iyo nang buong
puso.

Kung minamabuting gawin, iinsensuhan ng pari ang mga alay at


ang dambana; pagkaraa’y iinsensuhan ng diyakono o ng
tagapaglingkod ang pari at ang mga nagsisimba.

Pagkatapos, ang pari’y pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas


siya ng mga kamay samantalang pabulong niyang dinarasal:

O Diyos kong minamahal,


kasalanan ko’y hugasan
at linisin mong lubusan
ang nagawa kong pagsuway.

Pagbalik ng pari sa gawing gitna ng dambana, ilalahad niya ang


kanyang mga kamay sa mga tao at muli niyang pagdaraupin habang
kanyang ipinahahayag:

Manalangin kayo, mga kapatid,


upang ang paghahain natin ay kalugdan
ng Diyos Amang makapangyarihan.

Sasagot ang mga tao:

26
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

Tanggapin nawa ng Panginoon


itong paghahain sa iyong mga kamay
sa kapurihan niya at karangalan
sa ating kapakinabangan
at sa buong sambayanan niyang banal.

Pagkaraa’y ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at darasalin


niya ang panalangin ukol sa mga alay. Sa katapusan nito’y sasagot ng
“Amen” ang mga nagsisimba bilang pagbubunyi.

Ngayo’y sisimulan ng pari ang Panalangin ng Pagpupuri at


Pasasalamat. Ilalahad niya ang kanyang mga kamay habang kanyang
sinasabi:

Sumainyo ang Panginoon.

Sasagot ang mga tao:

At sumaiyo rin.

Pagkaraa’y isusunod niya habang itinataas niya ang kanyang mga


kamay:

Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.

Sasagot ang lahat:

27
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

Itinaas na namin sa Panginoon.

Habang nakataas ang mga kamay, kanyang ipahahayag:

Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.

Sasagot ang lahat:

Marapat na siya ay pasalamatan.

Ipagapapatuloy ng pari ang Pagbubunyi o Prepasyo nang nakalahad


ang mga kamay.

Sa katapusan nito, pagdaraupin niya ang mga kamay samantalang


kanyang pinaabot sa hantungan ang Pagbubuyi o Prepasyo ngayong
kaisa ng sambayanan kanyang inaawit o binibigkas ng malakas:

Banal ka, Poong Maykapal! o kaya: Santo, Santo, Santo


Banal ang iyong pangalan! Panginoong Diyos
Banal ang iyong kaharian! ng mga hukbo!
Langit at lupa’y nagpupugay Napupuno ang langit
Sa iyong kadakilaan! at lupa
ng kadakilaan mo!
Danadakila ng lahat Osana sa kaitaasan!
ang naparito mong Anak Pinagpala ang
na siyang nagmulat sa bulag, naparirito sa ngalan

28
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

sa pilay ay nagpalakad, ng Panginoon!


at nakiramay sa lahat! Osana sa kaitaasan!

Sa lahat ng nagmimisa pinapayagan ang gumaganap na pari na


awitin ang mga talata ng Panalangin ng Pagpupuri at Pagpapasalamat
na maawit sa samasamang pag-mimisa

Sa Unang Panalangin ng Pagpupuri at Pagapapasalamat o


Panamantayang Panalangin sa Roma, ang mga pangungusap na nasa
loob ng panaklong ay malalaktawan.

29
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

UNANG PANALANGIN
NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT O
PAMANTAYANG PANALANGIN NG ROMA

Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

Ama naming maawaain,


ipinaabot namin ang pasasalamat sa iyo
sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo.

Pagdaraupin ng pari ang kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis,


samantalang kanyang dinarasal.

30
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

Ipinakikiusap namin sa pamamagitan ng Anak mong


ito na ang mga kaloob namin
ay tanggapin at basbasan mo
sa pagdiriwang namin ng paghahain niya sa iyo.

Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

Iniaalay namin ito sa iyo, unang-una para sa iyong


banal na Simbahang katolika.
Pagkalooban mo ng kapayapaan at pagkupkop,
pagkakaisa at pagtataguyod,
ang mga kaanib nito sa sansinukob,
kaisa ng aming Papa N. na iyong lingkod,
kasama ng aming Obispo N.*
at ng lahat ng nananalig at nagpapalaganap
sa pananampalatayang katoliko
na galing sa mga apostol.
*Dito ang mga Obispong Katuwang at Katulong ay mababanggit, ayon sa isinasaad sa ika-109 na
talata ng Pangkalahatang Tagubilin ng Aklat ng Pagmimisa sa Roma.
Pag-alala sa mga nabubuhay sa daigdig.

Ama namin, iyong alalahanin


ang iyong mga anak na ngayo’y aming idinadalangin:
N. at N.

Sila’y saglit na ipagdarasal ng pari nang may magkadaop na kamay.


Pagkatapos, ang pari ay patuloy na magdarasal nang nakalahad ang
mga kamay.

Ang aming pananampalataya ay nababatid mo


gayun din ang pagsisikap naming maging tapat sa iyo.

31
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

Ang paghahaing ito ng pagpupuri ay aming iniaalay


para sa kapakanan namin at ng mga mahal namin sa
buhay, para sa aming kalusugan
at walang hanggang kaligtasan
sa pagdulog namin sa iyong kadakilaan,
Diyos na totoo at nabubuhay kailan man.

Pag-alala sa mga Banal

Kaisa ng buong Simbahan


pinararangalan namin ngayon, unang-una
ang Ina ng Diyos at Panginoon naming Hesukristo,
si Maria na maluwalhating laging Birhen
† gayundin ang kanyang kabyak ng pusong si San Jose,
ang iyong pinagpalang mga apostol at martir
na sina Pedro, Pablo, at Andres,
(sina Santiago, Juan,
Tomas, Santiago, Felipe,
Bartolome, Mateo,
Simon at Tadeo:
Gayundin sina Lino, Cleto, Clemente, Sixto,
Cornelio, Cipriano,
Lorenzo, Crisogono,
Juan at Pablo,
Cosme at Damian)
at ang lahat ng iyong mga banal.
Pakundangan sa kanilang ginawang mga kabutihan
at walang sawang pagdalangin
para sa aming kapakanan,
kami ay lagi mong kalingain
at ipagsanggalang.

32
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

(Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo.


Amen.)

_______________________

MGA TANGING PAGBANGGIT SA MGA DAKILANG


KAPISTAHAN

Sa Pasko ng Pagsilang at
sa walong araw na pagdiriwang nito

Kaisa ng buong Simbahan


ipinagdiriwang namin (sa gabing ito) ngayon
ang dakilang kapistahan ng Pasko ng Pagsilang
ng Tagapagligtas sa sanlibutan,
noong siya’y ipanganak ni Santa Maria
na nagdalang-tao at nanatili pa ring Birhen.
Pinararangalan namin ngayon, unang-una
ang Ina ng Diyos at Panginoon naming Hesukristo,
si Maria na maluwalhating laging Birhen: †

Sa Pagpapakita ng Panginoon

Kaisa ng buong Simbahan


ipinagdiriwang namin ngayon
ang dakilang kapistahan
ng iyong Bugtong na Anak
na hindi naiiba sa iyo sa kadakilaan mula’t-mula pa
at nagpakitang siya ay taong totoo na sa amin ay hindi
naiiba.
Pinararangalan namin ngayon, unang-una

33
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

ang Ina ng Diyos at Panginoon naming Hesukristo,


si Maria na maluwalhating laging Birhen: †

Sa Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay


hanggang sa Ikalawang Linggo ng Pagkabuhay

Kaisa ng buong Simbahan


ipinagdiriwang namin (sa gabing ito) ngayon
ang dakilang kapistahan ng Pagkabuhay
ng aming Panginoong Hesukristo
bilang Diyos na totoo na namalangi pa ring taong totoo.
Pinararangalan namin ngayon, unang-una
ang Ina ng Diyos at Panginoon naming Hesukristo,
si Maria na maluwalhating laging Birhen: †

Sa Pag-akyat ng Panginoon

Kaisa ng buong Simbahan


ipinagdiriwang namin ngayon
ang dakilang kapistahan ng Pag-akyat sa langit
ng iyong Bugtong na Anak at aming Panginoon.
Kanyang iniluklok sa kanang kamay mo
ang inako niyang aba naming pagkatao.
Pinararangalan namin ngayon, unang-una
ang Ina ng Diyos at Panginoon naming Hesukristo,
si Maria na maluwalhating laging Birhen: †

Sa Linggo ng Pentekostes

Kaisa ng buong Simbahan


ipinagdiriwang namin ngayon

34
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

ang dakilang kapistahan ng Pentekostes


noong magpakita sa mga Apostol ang Espiritu Santo
sa anyong dilang apoy na lumapag sa kanila.
Pinararangalan namin ngayon, unang-una
ang Ina ng Diyos at Panginoon naming Hesukristo,
si Maria na maluwalhating laging Birhen: †

_______________________

Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

Ama namin, iyong tanggapin


ang handog na ito ng iyong buong angkan.
Loobin mong kami’y makapamuhay
araw-araw sa iyong kapayapaan.
Huwag mong ipahintulot na kami ay mawalay
sa iyo kailan pa man.
Ibilang mo kami sa iyong mga hinirang.

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay

(Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo.


Amen.)

_______________________

Sa Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay


hanggang sa Ikalawang Linggo ng Pagkabuhay

35
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

Ama namin, iyong tanggapin


Ang handog na ito ng iyong buong angkan
para sa mga minarapat mong muling isilang
sa tubig at sa Espiritu Santo
sa ikapagpapatawad ng lahat nilang mga kasalanan.
Loobin mong kami’y makapamuhay
araw-araw sa iyong kapayapaan.
Huwag mong ipahintulot na kami ay mawalay
Sa iyo kailan pa man
Ibilang mo kami sa iyong mga hinirang.

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay

(Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo.


Amen.)

_______________________

Lulukuban ng mga kamay ng pari ang mga alay habang siya’y


nagdarasal.

Ama namin,
basbasan mo
ang mga handog naming ito.
Marapatin mong sambahin ka namin
sa Espiritu at katotohanan,
kaya para sa amin
ay gawin mong maging Katawan at Dugo
ng pinakamamahal mong Anak,

36
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

ang aming Panginoong Hesukristo.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap


ay ipahahayag nang malinaw at nauunawaan ng tanan ayon sa
hinihingi ng kahulugan ng mga ito.

Noong bisperas ng kanyang pagpapakasakit,


Hahawakan ng pari ang tinapay nang bahagyang nakataas sa ibabaw
ng dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang tinapay


sa kanyang banal at kagalang-galang na mga kamay.
Ang pari ay titingala.

Tumingala siya sa langit,


sa iyo, Diyos Ama niyang makapangyarihan,
at nagpasalamat siya sa iyo.
Pinaghati-hati niya ang tinapay,
iniabot sa kanyang mga alagad
at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang pari:

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:


ITO ANG AKING KATAWAN
NA INIHAHANDOG PARA SA INYO.

Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan ni Kristo,


ipapatong niya ito sa pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba.

37
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

Ang pari ay magpapatuloy.

Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,


Hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng
dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:

Hinawakan niya ang kalis na ito ng pagpapala


sa kanyang banal at kagalang-galang na mga kamay,
muli ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad
at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang pari:

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.
GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.
Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng
Katawan ni Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba.

Pagkatapos, ipahahayag ng pari:

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.


Ang mga tao ay magbubunyi:

38
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

Si Kristo’y namatay!
Si Kristo’y nabuhay!
Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon!

May mga iba pang paraan ng pagbubunying matatagpuan sa pahina 84


appendix: “Mga Mapipiling Pagbubunyi Pagkatapos ng Pagtatalagang
maging Katawan at Dugo ni Kristo ang mga Hain.”

Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay samantalang siya ay


nagdarasal:

Ama,
Kaming mga lingkod mo at bumubuo
sa iyong bayang banal
ay nagdiriwang sa alaala ni Kristo
na iyong Anak at aming Panginoon.
Ginugunita namin
ang kanyang dakilang pagpapakasakit,
ang pagbangon niya mula sa kamatayan,
at ang matagumpay na pag-akyat sa kalangitan.
Kaya mula sa mga biyayang ito rin nanggaling
inihahandog namin sa iyong kataas-taasang kamahalan
ang paghahaing ito na katangi-tangi at dalisay:
ang pagkaing nagbibigay-buhay kaylan man
at ang inuming nagbibigay-kagalingang walang
katapusan.

Masdan mo nang buong kasiyahan


ang aming mga alay na ito.
Ganapin mo sa mga ito ang ginawa mo
sa mga handog ni Abel, ang lingkod na matapat sa iyo,

39
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

sa paghahain ni Abraham, na ama naming


sa pananampalatayang totoo,
at sa inihandang tinapay at alak
ni Melkisedek, na paring hirang mo.
Paunlakan mo ngayong tanggapin
ang mga banal at dalisay na paghahain.

Yuyuko ang pari at magdarasal siyang magkadaop ang mga


kamay:

Makapangyarihang Diyos,
hinihiling naming iyong ipaakyat sa banal mong anghel
ang mga alay na ito sa dakilang dambanang
nasa iyong harap
upang sa pagsasalo sa banal na Katawan at Dugo
ng iyong Anak
sa pakikinabang namin ngayon
dito sa banal mong hapag

Tatayo ng tuwid ang pari at magkukrus samantalang nagdarasal.

kami ay mapuspos ng iyong pagpapala at tanang


pagbabasbas.

(Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo.


Amen.)
Pag-alala sa mga yumao sa daigdig

Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

Ama namin, iyo ring alalahanin


ang mga anak mong naunang yumao sa amin

40
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

sa paghimlay sa iyong kapayapaan


yamang ang tatak ng pananampalataya ay
kanilang taglay
at sila ngayo’y aming ipinagdarasal:
N. at N.

Sila’y saglit na ipagdarasal ng pari nang may magkadaop na mga


kamay. Pagkatapos, ang pari ay patuloy na magdarasal nang nakalahad
ang mga kamay.

Sila at ang tanang nahihimlay sa kandungan ni Kristo


ay aming idinadalangin sa iyo
upang iyong pagbigyang makarating
sa pagsasalo, pagliliwanag at pamamahinga sa
iyong piling.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

(Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo.


Amen.)

Dadagukan ng kanang kamay ng pari ang kanyang dibdib habang


siya ay
nagsisimulang magdasal.

Kahit kami ay mga makasalanan mong lingkod

Patuloy na magdarasal ang pari ng nakalahad ang mga kamay:

kami rin ay nagtitiwala sa iyong nag-uumapaw na


pagkamapagbigay

41
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

sa aming pamumuhay araw-araw.


Kaya pagindapatin mo ring kami
ay makaugnay at makapiling
ng iyong mga banal na apostol at martir,
kasama nina Juan Bautista, Esteban,
Matias, Bernabe,
(Ignacio, Alejandro,
Marcelino, Pedro,
Felicidad, Perpetua,
Agata, Lucia,
Agnes, Cecilia, Anastasia)
at ng lahat ng iyong mga banal.
Kami nawa’y makapisan nila
hindi dahil sa aming ginagawang kabutihang
kulang na kulang
kundi pakundangan sa iyong pagpupuno
sa aming kakulangan.

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo.

At patuloy siyang magdarasal:

Sa kanyang pamamagitan ang tanang mabubuting


kaloob mong ito
ay lagi mong pinaiiral, binubuhay, binabasbasan
at sa amin ibinibigay.
Hahawakan ng pari ang pinggang may ostiya at ang kalis at
kapwa niya itataas
habang kanyang ipinahahayag:

42
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya, at sa kanya


ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo,
Diyos Amang makapangyarihan,
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Ang mga tao ay magbubunyi:

Amen.

Susunod ang yugto ng pakikinabang.

43
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

44
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

IKALAWANG PANALANGIN
NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT

Ilalahad niya ang kanyang mga kamay habang kanyang sinasabi:

Sumainyo ang Panginoon.

Sasagot ang mga tao:

At sumaiyo rin.

Pagkaraa’y isusunod niya habang: itinataas niya ang kanyang mga


kamay:

Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.

Sasagot ang lahat:

Itinaas na namin sa Panginoon.

Habang nakataas ang mga kamay, kanyang ipahahayag:

Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.

Sasagot ang lahat:

Marapat na siya ay pasalamatan.

45
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

Ipagapapatuloy ng pari ang Pagbubunyi o Prepasyo nang nakalahad


ang mga kamay.

Ama naming makapangyarihan,


tunay ngang marapat
na ikaw ay pasalamatan
sa pamamagitan ni Hesukristo
na aming Panginoon.

Siya ang Salitang katuwang mo at kapiling


noong ang lahat ng umiiral ay iyong likhain.
Siya’y sinugo mo para kami sagipi’t palayain
kaya’t siya’y kinalinga ng Mahal na Birhen
na naging kanyang Inang totoo
sa kapangyarihan ng Espiritu Santo.
Inako niyang sundin ang loob mo
at kamtin ang sambayanang banal para sa iyo.
Pinagtiisan niyang iunat sa krus
ang kanyang mga kamay
upang magwakas ang kamatayan
at mahayag ang pagkabuhay.

Kaya kaisa ng mga anghel


na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

Pagdaraupin niya ang mga kamay samantalang kanyang pinaabot sa


hantungan ang Pagbubuyi o Prepasyo ngayong kaisa ng sambayanan
kanyang inaawit o binibigkas ng malakas:

46
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

Banal ka, Poong Maykapal! o kaya: Santo, Santo, Santo


Banal ang iyong pangalan! Panginoong Diyos
Banal ang iyong kaharian! ng mga hukbo!
Langit at lupa’y nagpupugay Napupuno ang langit
Sa iyong kadakilaan! at lupa
ng kadakilaan mo!
Danadakila ng lahat Osana sa kaitaasan!
ang naparito mong Anak Pinagpala ang
na siyang nagmulat sa bulag, naparirito sa ngalan
sa pilay ay nagpalakad, ng Panginoon!
at nakiramay sa lahat! Osana sa kaitaasan!

Nakalahad ang mga kamay ng pari habang dinarasal:

Ama naming banal,


ikaw ang bukal ng tanang kabanalan

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at lulukuban ng


kanyang mga
kamay ang mga alay sa dambana habang siya ay nagdarasal.

Kaya’t sa pamamagitan ng Iyong Espiritu


gawin Mong banal ang mga kaloob na ito

Pagdaraupin ng pari ang kanyang kamay at kukrusan niya ang tinapay


at kalis, samantalang kanyang dinarasal:

upang para sa ami’y maging Katawan at Dugo ✠


ng aming Panginoong Hesukristo.

47
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

Pagdaraupin niya ang kanyang kamay.


Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap
ay ipahahayag nang malinaw at nauunawaan ng lahat ayon sa
hinihingi ng kahulugan ng mga ito.

Bago niya pinagtiisang kusang loob


na maging handog,

Hahawakan ng pari ang tinapay nang bahagyang nakaangat sa ibabaw


ng dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang tinapay,


pinasalamatan ka niya,
pinaghahati-hati niya iyon,
iniabot sa kanyang mga alagad
at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang pari.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:


ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.

Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan at Dugo ni


Kristo, ipapatong niya ito sa pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba.

Ang pari ay magpapatuloy.

48
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,

Hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng


dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang kalis,


muli ka niyanng pinasalamatan,
iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad
at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang pari:

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.
GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.

Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng


Katawan ni Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba.

Pagkatapos, ipahahayag ng pari:

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.


Ang mga tao ay magbubunyi:

49
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

Si Kristo’y namatay!
Si Kristo’y nabuhay!
Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon!
May mga iba pang paraan ng pagbubunying matatagpuan sa pahina 84
appendix: “Mga Mapipiling Pagbubunyi Pagkatapos ng Pagtatalagang
maging Katawan at Dugo ni Kristo ang mga Hain.”

Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay samantalang siya ay


nagdarasal:

Ama,
ginagawa naming ngayon ang pag-alala
sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng iyong Anak
kaya’t iniaalay namin sa iyo
ang tinapay na nagbibigay-buhay
at ang kalis na nagkakaloob ng kaligtasan.
Kami’y nagpapasalamat
dahil kami’y iyong minarapat
na tumayo sa harap mo
para maglingkod sa iyo.

Isinasamo naming kaming magsasalu-salo


sa Katawan at Dugo ni Kristo
ay mabuklod sa pagkakaisa
sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

Ama,
lingapin mo ang iyong Simbahang
laganap sa buong daigdig.
Puspusin mo kami sa pag-ibig
kaisa ni N., na aming Papa

50
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

at ni N., na aming Obispo *


at ng tanang kaparian.
*Dito ang mga Obispong Katuwang at Katulong ay mababanggit, ayon sa isinasaad sa ika-109 na
talata ng Pangkalahatang Tagubilin ng Aklat ng Pagmimisa sa Roma.

_______________________

Sa pagdiriwang ng Misa para sa mga yumao, maidaragdag ito:

Alalahanin mo si N., na tinawag mo


mula sa daigdig na ito.
Noong siya’y binyagan,
siya’y nakaisa ni Kristo sa pagkamatay.
Ngayong siya’y pumanaw,
nawa’y makaisa siya ni Kristo sa pagkabuhay.

_______________________

Alalahanin mo rin ang mga kapatid naming nahimlay


nang may pag-asang sila’y muling mabubuhay
gayun din ang lahat ng mga pumanaw.
Kaawaan mo sila at patuluyin sa iyong kaliwanagan.
Kaawaan mo at pagindapatin kaming lahat
na makasalo sa iyong buhay na walang wakas.

Kaisa ng Mahal na Birheng Maria na Ina ng Diyos,


ni San Jose na kanyang esposo *
kaisa ng mga apostol at ng lahat ng mga banal
na namuhay dito sa daigdig nang kalugod-lugod sa iyo,
maipagdiwang nawa namin ang pagpupuri sa
ikararangal mo.

51
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

*Idinagdag sa bahaging ito ang kabanal-banalang pangalan ni San Jose, esposo ng Mahal na
Birheng Maria ayon sa kautusan ni Papa Francisco I (promulgated: 1st May 2013)

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

sa pamamagitan ng iyong Anak


na aming Panginoong Hesukristo.

Hahawakan ng pari ang pinggang may ostiya at ang kalis at


kapwa niya itataas
habang kanyang ipinahahayag:

Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya, at sa kanya


ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo,
Diyos Amang makapangyarihan,
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Ang mga tao ay magbubunyi:

Amen.

Susunod ang yugto ng pakikinabang.

52
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

53
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

IKATLONG PANALANGIN
NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT

Nakalahad ang mga kamay ng pari habang dinarasal:

Ama naming banal,


dapat kang purihin ng tanang kinapal
sapagka’t sa pamamagitan ng iyong Anak
na aming Panginoong Hesukristo
at sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu
ang lahat ay binibigyan mo ng buhay at kabanalan.
Walang sawa mong tinitipon ang iyong sambayanan
upang mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw
maihandog ang malinis na alay
para sambahin ang iyong ngalan.

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at lulukuban ng


kanyang mga
kamay ang mga alay sa dambana habang siya ay nagdarasal.

Ama,
isinasamo naming pakabanalin mo

54
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu


ang mga kaloob na ito
na aming inilalaan sa iyo

Pagdaraupin ng pari ang kanyang kamay at kukrusan niya ang tinapay


at kalis, samantalang kanyang dinarasal:

Ito nawa ay maging Katawan at Dugo ✠


ng iyong Anak at aming Panginoong Hesukristo.

Pagdaraupin niya ang kanyang kamay.

na nag-utos ipagdiwang ang misteryong ito.

Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap


ay ipahahayag nang malinaw at nauunawaan ng lahat ayon sa
hinihingi ng kahulugan ng mga ito.

Noong gabing ipagkanulo siya

Hahawakan ng pari ang tinapay nang bahagyang nakaangat sa ibabaw


ng dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang tinapay,


pinasalamatan ka niya,
pinaghahati-hati niya iyon,
iniabot sa kanyang mga alagad
at sinabi:

55
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

Bahagyang yuyuko ang pari.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:


ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.

Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan at Dugo ni


Kristo, ipapatong niya ito sa pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba.

Ang pari ay magpapatuloy.

Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,

Hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng


dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang kalis,


muli ka niyanng pinasalamatan,
iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad
at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang pari:

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT

56
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.


GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.

Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng


Katawan ni Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba.

Pagkatapos, ipahahayag ng pari:


Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.
Ang mga tao ay magbubunyi:

Si Kristo’y namatay!
Si Kristo’y nabuhay!
Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon!
May mga iba pang paraan ng pagbubunying matatagpuan sa pahina 84
appendix: “Mga Mapipiling Pagbubunyi Pagkatapos ng Pagtatalagang
maging Katawan at Dugo ni Kristo ang mga Hain.”

Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay samantalang siya ay


nagdarasal:

Ama,
ginugunita namin
ang pagkamatay ng iyong Anak
na sa ami’y nagligtas,
gayun din ang kanyang muling pagkabuhay
at pag-akyat sa kalangitan
samantalang ang kanyang pagbabalik
ay pinananabikan,
kaya bilang pasasalamat ngayo’y aming iniaalay sa iyo
ang buháy at banal na paghahaing ito.

57
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

Tunghayan mo ang handog na ito


ng iyong Simbahan.
Masdam mo ang iyong Anak
na nag-alay ng kanyang buhay
upang kami ay ipagkasundo sa iyo.
Loobin mong kaming magsalu-salo
sa kanyang Katawan at Dugo
ay mapuspos ng Espiritu Santo
at maging isang katwan at isang diwa kay Kristo.

Kami nawa ay gawin niyang handog


na habang panahong nakatalaga sa iyo.
Tulungan nawa niya kaming magkamit
ng iyong pamana
kaisa ng Ina ng Diyos, ang Mahal na Birheng Maria,
ni San Jose na kanyang esposo *
kaisa ng mga Apostol, mga Martir
(ni N. ang banal na pinararangalan o pinipintuho)
at kaisa ng lahat ng mga Banal
na aming inaasahang laging nakikiusap
para sa aming kapakanan.

Ama,
ang handog na ito
ng aming pakikipagkasundo sa iyo
ay magbunga nawa ng kapayapaan at kaligtasan
para sa buong daigdig.
Patatagin mo sa pananampalataya at pag-ibig
ang iyong Simbahang naglalakbay sa lupa,
ang iyong lingkod na si Papa N.,

58
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

ang aming Obispo N., **


ng tanang mga Obispo at buong kaparian
at ng iyong piniling sambayanan.
Dinggin mo ang mga kahilingan ng iyong angkan
na ngayo’y tinipon mo sa iyong harapan.
*Idinagdag sa bahaging ito ang kabanal-banalang pangalan ni San Jose, esposo ng Mahal na
Birheng Maria ayon sa kautusan ni Papa Francisco I (promulgated: 1st May 2013)
**Dito ang mga Obispong Katuwang at Katulong ay mababanggit, ayon sa isinasaad sa ika-109 na
talata ng Pangkalahatang Tagubilin ng Aklat ng Pagmimisa sa Roma.

Amang maawain,
kupkupin mo at pag-isahin ang lahat
ng iyong mga anak
sa bawa’t panig at sulok ng daigdig.
† Kaawaan mo at patuluyin sa iyong kaharian
ang mga kapatid naming yumao
at ang lahat ng lumisan na sa mundong ito
na nagtataglay ng pag-ibig sa iyo.
Kami ay umaasang makararating sa iyong piling
at samasamang magtatamasa
ng iyong kaningningang walang maliw
sapagka’t aming masisilayan ang iyong kagandahan

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo


na siyang pinagdaraanan
ng bawa’t kaloob mo sa aming kabutihan.

Hahawakan ng pari ang pinggang may ostiya at ang kalis at


kapwa niya itataas
habang kanyang ipinahahayag:

59
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya, at sa kanya


ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo,
Diyos Amang makapangyarihan,
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Ang mga tao ay magbubunyi:

Amen.
Susunod ang yugto ng pakikinabang.
_______________________

Kapag ito ay siyang ipinahahayag sa mga pagdiriwang ng Misa


para sa mga
yumao, maaring gawin ang pagbanggit.

† Alalahanin mo si N., na tinawag mo


mula sa daigdig na ito.
Noong siya’y binyagan,
siya’y nakaisa ni Kristo sa pagkamatay.
Ngayong siya’y pumanaw,
nawa’y makaisa siya ni Kristo sa pagkabuhay,
sa pagbibigay-dangal sa aba naming katawan
na gagawing maningning sa liwanag ng pagkabuhay.
Kaawaan mo at patuluyin sa iyong kaharian
ang mga kapatid naming yumao
at ang lahat ng lumisan na sa mundong ito
na nagtataglay ng pag-ibig sa iyo.
Kami ay umaasang magtatamasa
ng iyong kaningningang walang maliw
na dadampi sa bawa’t luha ng dalamhati

60
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

sapagka’t kapag aming nasilayan


ang iyong kagandahan
kami ay magiging katulad mo
at sasamba kaming walang humpay sa iyo,
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo


na siyang pinagdaraanan
ng bawat kaloob mo sa aming kabutihan. †
_______________________

61
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

62
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

IKAAPAT NA PANALANGIN
NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT

Ilalahad niya ang kanyang mga kamay habang kanyang sinasabi:

Sumainyo ang Panginoon.

Sasagot ang mga tao:

At sumaiyo rin.

Pagkaraa’y isusunod niya habang: itinataas niya ang kanyang mga


kamay:

Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.

Sasagot ang lahat:

Itinaas na namin sa Panginoon.

Habang nakataas ang mga kamay, kanyang ipahahayag:

Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.

Sasagot ang lahat:

Marapat na siya ay pasalamatan.

63
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

Ipagapapatuloy ng pari ang Pagbubunyi o Prepasyo nang nakalahad


ang mga kamay.

Ama naming banal,


tunay ngayong marapat na ikaw ay aming pasalamatan.
Ikaw lamang ang Diyos na totoong nabubuhay
nang walang pasimula at walang katapusan.
Ikaw ay nananahan sa liwanag na di matitigan.
Ikaw ang kaisa-isang mabuti
at bukal ng tanang nabubuhay.
Nilikha mo ang tanang umiiral
upang puspusin ng iyong pagpapala
ang iyong mga kinapal
at upang paligayahin ang lahat sa luningning
ng iyong kaliwanagan.
Kaya’t di mabilang ang mga anghel
na nakatayo sa iyong harapan,
naglilingkod sila sa iyo gabi at araw.
Sa pagtunghay nila sa iyong kagandahan
sila ay nagpupuri nang masigla at walang humpay.
Kaisa nila, kaming kumakatawan
sa lahat ng iyong kinapal
dito sa ibabaw ng lupa at sa silong ng kalangitan
ay nagbubunyi para sambahin ang iyong ngalan.

Pagdaraupin niya ang mga kamay samantalang kanyang pinaabot sa


hantungan ang Pagbubuyi o Prepasyo ngayong kaisa ng sambayanan
kanyang inaawit o binibigkas ng malakas:

Banal ka, Poong Maykapal! o kaya: Santo, Santo, Santo

64
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

Banal ang iyong pangalan! Panginoong Diyos


Banal ang iyong kaharian! ng mga hukbo!
Langit at lupa’y nagpupugay Napupuno ang langit
Sa iyong kadakilaan! at lupa
ng kadakilaan mo!
Danadakila ng lahat Osana sa kaitaasan!
ang naparito mong Anak Pinagpala ang
na siyang nagmulat sa bulag, naparirito sa ngalan
sa pilay ay nagpalakad, ng Panginoon!
at nakiramay sa lahat! Osana sa kaitaasan!

Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal:

Ama naming banal,


nagpapasalamat kami sa iyong kadakilaan,
karunungan at pagmamahal
na nababakas sa lahat ng iyong kinapal.
Nilikha mo ang tao na iyong kalarawan,
ipinamahala mo sa kanya ang sanlibutan
upang pangasiwaan ang lahat ng nilikha mo
bilang paglilingkod sa iyo.
Noong ikaw ay talikdan ng tao
sa pagsuway niya sa pagmamahal mo,
hindi mo siya pinabayaang panaigan ng kamatayan.
Buong awa mong tintulungan
ang naghahanap sa iyo
upang ikaw ay matagpuan.
Muli’t muli mong inialok ang iyong tipan,
at sa pamamagitan ng mga propeta
tinuturuan mong umasa ang mga tao
sa pagdating ng kaligtasan.

65
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

Amang banal,
gayun na lamang ang pag-ibig mo sa sanlibutan
kaya noong dumating ang panahong kaganapan
isinugo mo sa amin ang iyong Bugtong na Anak
bilang Tagapagligtas.
Nagkatawang-tao siya lalang Espiritu Santo,
at ipinanganak ni Santa Marian Birhen.
Tumulad siya sa aming pamumuhay sa lahat ng bagay
maliban sa paggawa ng kasalanan.
Sa mga dukha, ipinangaral niya ang Mabuting Balita.
Sa mga napipiit, ipinahayag niyang sila ay lalaya.
Sa mga nahahapis, inihatid niya ang galak at tuwa.
Upang kanyang sundin ang loob mo,
nagpakasakit siya hanggang sa mamatay.
Sa kanyang muling pagkabuhay,
nilupig niya ang kamatayan
at binigyan kami ng bagong buhay.
Upang kami naman ay huwag nang mamuhay
para sa sarili lamang
kundi para sa kanya na namatay at muling nabuhay
para sa aming tanan,
isinugo niya, Ama, mula sa iyo
ang Banal na Espiritu.
Ito ang unang bunga
na handog mo sa mga sumasampalataya
upang sa pagbibigay-kaganapan
sa gawaing sinimulan ng Anak mo
malubos ang kabanalan ng lahat ng tao.

66
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at lulukuban ng


kanyang mga
kamay ang mga alay sa dambana habang siya ay nagdarasal.

Ama,
isinasamo naming pabanalin nawa
ng Banal na Espiritu
ang mga handog na ito

Pagdaraupin ng pari ang kanyang kamay at kukrusan niya ang tinapay


at kalis, samantalang kanyang dinarasal:

upang maging Katawan at Dugo ✠


ng aming Panginoong Hesukristo.

Pagdaraupin niya ang kanyang kamay.

sa pagdiriwang namin sa dakilang misteryong ito


na kanyang inihabilin sa amin
bilang tipan na walang hanggan.

Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap


ay ipahahayag
nang malinaw at nauunawaan ng lahat ayon sa hinihingi ng kahulugan
ng mga ito.

67
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

Ama naming banal,


dumating ang panahon
upang parangalan mo ang iyong Anak,
kanyang ipinakita na mahal niya
ang kanyang mga tagasunod na nasa sanlibutan
at ngayo’y ipakikita niya
kung hanggang saan ang kanyang pag-ibig sa kanila
habang naghahapunan siya at ang mga alagad.

Hahawakan ng pari ang tinapay nang bahagyang nakaangat sa ibabaw


ng dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang tinapay,


pinasalamatan ka niya,
pinaghahati-hati niya iyon,
iniabot sa kanyang mga alagad
at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang pari.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:


ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.

Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan at Dugo ni


Kristo, ipapatong niya ito sa pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba.

Ang pari ay magpapatuloy.

68
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

Gayun din naman,

Hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng


dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang kalis,


muli ka niyanng pinasalamatan,
iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad
at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang pari:

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.
GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.

Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng


Katawan ni Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba.

Pagkatapos, ipahahayag ng pari:

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.


Ang mga tao ay magbubunyi:

69
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

Si Kristo’y namatay!
Si Kristo’y nabuhay!
Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon!
May mga iba pang paraan ng pagbubunying matatagpuan sa pahina 84
appendix: “Mga Mapipiling Pagbubunyi Pagkatapos ng Pagtatalagang
maging Katawan at Dugo ni Kristo ang mga Hain.”
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay samantalang siya ay
nagdarasal:

Ama,
ipinagdiriwang namin ngayon
ang alaala ng aming katubusan.
Ginugunita namin ang pagkamatay ni Kristo,
ang kanyang pagpanaog sa kinaroroonan
ng mga yumao,
ang kanyang muling pagkabuhay,
pag-akyat at pagluklok sa iyong kanan.
Ngayon ay hinihintay namin ang dakilang araw
ng pagpapahayag niya sa gitna
ng kanyang kaningningan.
Kaya’t inihahandog namin sa iyo
ang kanyang Katawan at Dugo
ang haing kalugod-lugod sa iyo at nagliligtas sa mundo.

Ama,
tunghayan mo ang handog na ito
na ipinagkatiwala mo sa iyong Simbahann.
Sa iyong kagandahang-loob
marapatin mong sa aming pagsasalu-salo
sa isang tinapay at kalis na ito
kaming pinagbuklod ng Espiritu Santo

70
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

bilang isang katawan


ay maging buhay na handog
ng papuri sa iyong kadakilaan
kay Kristo.

Ama,
alalahanin mo
ang lahat ng pinatutungkulan namin
ng paghahandog na ito:
ang iyong lingkod na si Papa N.,
ang aming Obispo N., *
ang tanang mga Obispo at buong kaparian,
ang lahat ng naririto ngayon
at ang buo mong sambayanan,
at ang lahat ng mga tao
na pawang tapat at wagas sa paghanap sa iyo.

Alalahanin mo rin ang lahat ng yumao


sa kapayapaan ni Kristo
at ang lahat ng pumanaw
na may pananampalatayang
ikaw lamang ang nakaalam.

Amang maawain, loobin mong kaming iyong mga anak


ay magkamit ng pamanang langit.
Makapiling nawa kami ng Ina ng Diyos,
ang Mahal na Birheng Maria,
ni San Jose na kanyang esposo **
at ng mga Apostol at ng lahat ng mga Banal.

71
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

*Dito ang mga Obispong Katuwang at Katulong ay mababanggit, ayon sa isinasaad sa ika-109 na
talata ng Pangkalahatang Tagubilin ng Aklat ng Pagmimisa sa Roma.

**Idinagdag sa bahaging ito ang kabanal-banalang pangalan ni San Jose, esposo ng Mahal na
Birheng Maria ayon sa kautusan ni Papa Francisco I (promulgated: 1st May 2013)

Sa iyong kaharian,
kaisa ng tanang kinapal na ligtas na
sa kasalanan at kamatayan
kami ay magpupuri sa iyo
sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay


na siyang pinagdaraanan ng bawa’t kaloob mo sa
aming kabutihan.

Hahawakan ng pari ang pinggang may ostiya at ang kalis at


kapwa niya itataas
habang kanyang ipinahahayag:

Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya, at sa kanya


ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo,
Diyos Amang makapangyarihan,
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Ang mga tao ay magbubunyi:

Amen.

72
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

Susunod ang yugto ng pakikinabang.

ANG PAKIKINABANG

Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng pari


nang may magkadaop na mga kamay:

Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos


at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos
ipahayag natin ng lakas-loob:

Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng


lahat.

Ama namin, sumasalangit ka.


Sambahin ang ngalan mo.

73
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

Mapasaamin ang kaharian mo.


Sundin ang loob mo
dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan mo kami ngayon


ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga sala
para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.

Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal:

Hinihiling naming
kami’y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
iligtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng


sambayanan ang panalangin sa ganitong pagbubunyi:

Sapagka’t iyo ang kaharian


at ang kapangyarihan at ang kapurihan
magpakailan man! Amen.

Pagkatapos, malakas na darasalin ng paring nakalahad ang mga


kamay:

74
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

Panginoong Hesukristo,
sinabi mo sa iyong mga apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming pananampalataya
at huwag ang aming pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Sasagot ang mga tao:

Amen.

Ang pari’y paharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop


ng mga kamay sa pagpapahayag.

Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.

Sasagot ang mga tao:

At sumaiyo rin.

Maidaragdag, kung minamabuti, ang paanyayang ipahahayag ng


diyakono o pari:

Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t-isa.

75
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

At, alinsunod sa kaugalian sa iba’t-ibang pook, ang mga nagsisimba ay


magbibigayan ng kapayapaan. Ang pari at ang mga tagapaglingkod ay
makapagbibigayan ng kapayapaan.

Pagkatapos, hahawakan ng pari ang ostiya at hahati-hatiin niya


ito sa ibabaw ng pinggan at isasawak niya ang kaputol sa kalis habang
pabulong niyang dinarasal:

Sa pagsasawak na ito
ng Katawan at Dugo ng aming Panginoong Hesukristo
tanggapin nawa namin sa pakikinabang
ang buhay na walang hanggan.

Samantalang ginaganap ang paghahati-hati sa ostiya, aawitin o


darasalin ang
pagluhog na ito:

Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

Ito ay mauulit-ulit habang ginaganap ang paghahati-hati sa tinapay. Sa


huling pag-uulit saka pa lamang idurugtong ang “ipagkaloob mo sa
amin ang kapayapaan.”

Magkadaop ang mga kamay ng pari sa pabulong na pagdarasal.

76
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay,


sa kalooban ng Ama ng Espritu Santo,
binuhay mo sa iyong pagkamatay ang sanlibutan.
Pakundangan sa iyong banal na Katawan at Dugo,
iadya mo ako sa tanang aking kasalanan
at sa lahat ng masama,
gawin mong ako’y makasunod lagi
sa iyong mga utos,
at huwag mong ipahintulot
na ako’y mawalay sa iyo kaylanman.

o kaya:
Ang pakikinabang sa Katawan at Dugo mo,
Panginoong Hesukristo,
ay huwag nawang magdulot ng paghuhukom
at parusa sa kasalanan ko.
Alang-alang sa iyong dakilang pag-ibig
nawa’y aking matanggap
ang pagkupkop mo sa akin at kaloob mong lunas

Luluhod ang pari at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang


ostiya na itataas
sa ibabaw ng pinggan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi nang
malakas:

Ito ang Kordero ng Diyos.


Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.

Idurugtong niyang minsanan kaisa ng sambayanan:

Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo

77
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

nguni’t sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.

Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana


habang pabulong na nagdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.

Pagkatapos, hahawakan ng pari ang kalis at pabulong na magdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.

Hahawakan niya ang pinggan o lalagyan ng ostiya at lalapitan niya ang


nakikinabang, bahagyang itataas ang ostiya para sa bawa’t
nakikinabang habang sinasabi:

Katawan ni Kristo.

Ang nakikinabang ay tutugon:

Amen.

Ganito rin ang gagawin ng diyakono na nagdudulot ng pakikinabang.

Para sa pakikinabang sa Dugo ni Kristo, gaganapin ang nasasaad


sa ika-240 hanggang ika-252 talata ng Pangkalahatang Tagubilin ng
Aklat ng Pagmimisa sa Roma.

78
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

Samantalang nakikinabang ang pari, sisimulan ang awit sa


pakikinabang.

Pagkapakinabang, ang mga mumo ng ostiya na nasa pinggan ay


titipunin sa kalis na huhugasan ng pari o diyakono o tagapaglingkod.
Habang ito ay ginaganap ng pari, pabuong siyang magdarasal:

Ama naming mapagmahal,


ang aming tinanggap ngayon
ay amin nawang mapakinabangan
at ang iyong ipinagkaloob ay magdulot nawa sa amin
ng kagalingang pangmagpakaylan man.

Makababalik ngayon sa upuan ang pari. Makapag-uukol ng ilang


saglit na
katahimikan o makaaawit ng papuri o salmo.

Pagkaraan, ang pari ay titindig sa harap ng upuan o sa gawi ng


dambana at paharap sa mga nagsisimbang magpapahayag:

Manalangin tayo.
Kung di pa nagaganap ang tahimik na pagdalangin, ito ay gagawin
ngayon, at pagkaraan, ang panalangin pagkapakinabang ay ipahahayag
ng paring nakalahad ang mga kamay. Sa katapusan, ang sambayanan
ay tutugon:

Amen.

79
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

Paghayo sa pagwawakas

Maisusunod kapag may ipagbibigay-alam, ang mga maiiksing


patalastas na sasabihin sa mga tao.

Pagkatapos, gaganapin ang paghayo. Ang paring nakalahad ang


mga kamay sa mga tao ay magpapahayag:

Sumainyo ang Panginoon.

80
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

Sasagot ang mga tao:

At sumaiyo rin.

Babasbasan ng pari ang mga tao habang kanyang ipinahahayag:

Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos,


Ama at Anak ✠ at Espiritu Santo.

Sasagot ang mga tao:

Amen.

May mga araw at pagkakataong mapapalawak ang pagpapala sa


paraan maringal o paraang pinapanalanginan ang sambayanan.

Ang diyakono o ang paring magkadaop ang mga kamay ay


magpapahayag ng paghayo sa sambayanan:

Taglayin ninyo sa inyong pag-alis


ang kapayapaan ni Kristo.

o kaya:
Humayo kayong taglay ang kapayapaan
upang ang Panginoon ay mahalin at paglingkuran.

Sasagot ang mga tao:

Salamat sa Diyos.

81
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

Karaniwan, ang dambana ay bibigyang paggalang sa paghalik


dito ng pari at matapos makapagbigay-pitagan kaisa ng mga
tagapaglingkod, siya ay hahayo.

Kapag may iba pang gaganapin pagkamisa, lalaktawan ang


pagbati, pagpapala, at paghayo.

82
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

APPENDIX

MGA IBA PANG PARAAN NG PAGBATI


AT PAGSISISI SA KASALANAN

Pagbati
Ang pagpapala at kapayapaan
mula sa Diyos na Ama natin

83
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

at sa Panginoong Hesukristo
nawa’y sumainyo.

R/. Kapuri-puri ang Diyos Ama ng ating Panginoong


Hesukristo.
o kaya:

R/. At sumaiyo rin.


_____________________________

Pagsisisi sa kasalanan
Bukod pa sa nasasaad sa Pasimula ng Misa ng Sambayanan, isa sa mga
sumusunod ay mapipili para sa pagsisisi ng kasalanan:

1. Aanyayahan ng pari ang mga tao:


Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan
upang tayo’y maging marapat sa pagdiriwang
ng banal na paghahaing nagdudulot
ng kapatawaran ng Maykapal.

Magkakaroon ng saglit na katahimikan. Pagkatapos, ipahahayag ng


pari:

Panginoon, kami’y nagkasala sa iyo.


Sasagot ang mga tao:

Panginoon, kaawaan mo kami.

84
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

Ipahahayag ng pari:

Kaya naman, Panginoon, ipakita mo na


ang pag-ibig mong wagas.
Sasagot ang mga tao:

Kami ay lingapin
at sa kahirapan ay iyong iligtas.
Ipahahayag ng pari ang pagpapatawad:

Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos,


patawarin tayo sa ating mga kasalanan,
at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
2. Aanyayahan ng pari ang mga tao:
Mga kapatid, tinipon tayo bilang mga kaanib ng
angkan ng Diyos kaya dumulog tayo sa maawaing
Panginoong nagpapatawad ng lubos.
Magkakaroon ng saglit na katahimikan. Pagkatapos, ipahahayag ng
pari o ng sinumang angkop na tagapaglingkod ang mga sumusunod o
iba pang mga pagluhog na kaugnay ng “Panginoon, kaawaan mo
kami.”

Sinugong Tagapagpagaling sa mga nagsisisi,


Panginoon, kaawaan mo kami.
R/. Panginoon, kaawaan mo kami.

Dumating na Tagapag-anyayang

85
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

mga makasalana’y magsisi,


Kristo, kaawaan mo kami.
R/. Kristo, kaawaan mo kami.

Nakaluklok ka sa kanan ng Diyos Ama


para ipamagitan kami,
Panginoon, kaawaan mo kami.
R/. Panginoon, kaawaan mo kami.

Ipahahayag ng pari ang pagpapatawad:

Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos,


patawarin tayo sa ating mga kasalanan,
at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.

MGA

MAPIPILING PAGBUBUNYI
PAGKATAPOS NG PAGTATALAGANG
MAGING KATAWAN AT DUGO NI KRISTO ANG
MGA HAIN

86
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

1. Aming ipinahahayag
na namatay ang ‘yong Anak,
nabuhay bilang Mesiyas
at magbabalik sa wakas
para mahayag sa lahat.

2. Si Kristo ay gunitaing
sarili ay inihain
bilang pagkai’t inuming
pinagsasaluhan natin
hanggang sa siya’y dumating.

3. Sa krus mo at pagkabuhay
kami’y natubos mong tunay,
Poong Hesus naming mahal,
iligtas mo kaming tanan
ngayon at magpakaylan man.

Ad te suspiramus, gementes
et flentes in hac lacrimarum
SALVE REGINA mater valle.
misercicordiae: Eia ergo, advocate nostra,
vita dulcedo, et spes nostra illos tuos misericordes oculos
salve. ad nos converte.
Ad te clammamus, exsules
filii Hevae.

87
ANG MISA NG SAMBAYANAN | AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

R/. Ut digni efficiamur


promissionibus Christi.

Oremus.
Omnipotens sepiterne Deus,
qui gloriose Virginis Matris
Mariae corpus et animam,
ut dignum Filii tui
habitaculum effici
mereretur, Spiritu Sancto
cooperante, praeparasti:
Et Iesum, benedictum da, ut cuius
fructum ventris tui, nobis commemoratione laetamur;
post hoc exsilium ostende. euis pia intercession, ab
O Clemens: O pia: O dulcis instantibus malis, et a
Virgo Maria morte perpetua liberemur.
Per eundem Christum
V/. Ora pro nobis, sancta Dominum nostrum.
Dei Genetrix.
Amen.

88

You might also like