You are on page 1of 19

MGA PANALANGIN SA PAGTATANOD SA KABANAL-BANALANG SAKRAMENTO

HUWEBES SANTO

Commentator:
Ang lahat ay tumayo.

AWIT

Katulad ng mga Butil na tinitipon .


upang maging tinapav na nagbibigay buhay
kami naway matipon din at maging bayan mong giliw

Iisang Panginoon iisang katawan


isang bayan isang lahi sa iyo'y nagpupugay.
Katulad din ng mga ubas napiniga at naging alak
sinumang uminom nito may buhay na walang-hanggan.
Kami naway maging sangkap sa pagbuo nitong bayang liyag
PAMBUNGAD

Commentator:
Ang lahat ay lumuhod

Namumuno:
Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo

R. Amen.

Namumuno:
Purihin natin ang Diyos na ating Ama, siya na lumikha ng langit at lupa. Siya ang ating
Diyos na pinanggagalingan ng lahat ng pagpapala. Sa Kanyang kagandahang loob ay
isinugo niya ang ating Panginoong Hesu-kristo, ang tinapay ng buhay, upang maging
ating kaligtasan.

R. Purihin at ipagdangal ang Diyos, ngayon at magpasawalang


hanggan.

Namumuno:
Purihin natin ang Panginoong Hesu-kristo, ang bugtong na Anak ng Ama, isinilang ng
Mahal na Birhen sa kapangyarihan ng Espiritu Santo. Siya na nakipanayam sa atin at
naging kaisa natin sa lahat ng bagay liban lamang sa kasalanan upang gawin tayong
tunay na mga anak ng Ama.
R. Purihin at ipagdangal ang Diyos, ngayon at magpasawalang
hanggan. .

Namumuno:
Purihin natin ang Espiritu Santo, ang Panginoon na nagbibigay buhay. Ipinagkaloob
siya ni Hesus sa kanyang mga alagad tanda ng kapangyarihang ipinagkakaloob sa mga
saksi ng Panginoon sa daigdig.
R. Purihin at ipagdangal ang Diyos, ngayon at magpasawalang
hanggan.

Namumuno:
Mga kapatid: Ang gabing ito'y puno ng kapangyarihan at pag-ibig ng Diyos. Wala ng
hihigit pa sa kapangyarihan ng Diyos na ipinakita sa atin ng ating Panginoong Hesu-
kristo na nagbigay ng kanyang sarili bilang tanda ng pag-ibig para sa atin. Ito ngayon ay
ipinararanas sa atin sa dakilang Sakramento ng Eukaristiya. "Mahal niya ang kanyang
mga tagasunod na nasa sanlibutan, at ngayo'y ipakikita niya kung hanggang saan ang
kanyang pag-ibig." (luan 13:1). Tayo'y nagtatanod sa gabing ito upang lalo nating
matuklasan, maunawan at mahalin ang dakilang biyaya ng Eukaristiya na itinatag ng
Panginoon noong Huling Hapunan.
Sandaling katahimikan para sa pagsamba sa Santisimo Sakramento.

Commentator:
Ang lahat ay umupo.

Antipona: Mga hari ng lupa! nagkasundo at sama-samang


lumalaban, hinahamon ang Panginoon at ang kanyang
hinirang.

Salmo 2
Ang Haing Pinili ni Panginoon

Kanan: Bakit nagbabalak maghimagsik ang mga bansa? Sa sabwatan nilang ito'y
anong kanilang
mapapala? Mga hari ng lupa'y nagkasundo at sama-samang lumalaban, hinahamon si
Panginoon at ang kanyang hinirang.

Kaliwa: Sinasabi nila: "Ang paghahari nila sa atin ay dapat nang matapos; dapat na
tayong lumaya at
kumawala sa gapos." Si Panginoon na nakaupo sa langit ay natatawa lamang, lahat ng
plano
nila ay wala namang katuturan.
Kanan:Sa tindi ng kanyang galit, sila'y kanyang binalaan; sa tindi ng Poot, sila'y
kanyang
sinabihan, "Doon sa Zion, sa bundok na banal, ang haring pinili ko'y aking itinalaga."

Kaliwa:"Ipahahayag ko ang sinabi sa akin ni Panginoon,'Ikaw ang aking anak, mula


ngayo'y
ako na ang iyong ama. Hingin mo ang mga bansa't ibibigay ko sa iyo, maglng ang
buong
daigdig ay ipapamana ko.

Kanan: Dudurugin mo sila ng tungkod na bakal tulad ng palayok, silajy magkakabasag-


basag."'
Kaya't magpakatalino kayo mga hari ng mundo, ang babalang ito'y unawain ninyo:

Kaliwa: Paglingkuran ninyo si Panginoon nang may takot at paggalang, sa Pa€man ng


kanyang anak
yumukod kayo't magparangal, baka magalit siya't bigla kayong parusahan. Mapalad
ang taong ang Diyos ang kanlungan.

Papuri sa Ama at sa Anak at sa Espiritu Santo kapara noong unang-una, ngayon at


magpasawalang hanggan. Amen.
Antipona1: Mga hari ng lupa'y nagkasundo at sama-samang
lumalaban, hinahamon ang Panginoon at ang kanyang
hinirang.

Antipona 2: Ang damit ko sa katawa'y pinaghati-hati nila ang


hinubad na tunika'y dinaan sa sapalaran.

Salmo 22
Panambitan at Awit ng Papuri

Kanan: Araw-gabi'y dumaraing, tumatawag ako, O Diyos, hindi ako mapanatag, di ka


pa rin
sumasagot. Ikaw yaong pinutungang tanging Banal, walang iba, dinakila ng Israel,
pinupuri
sa tuwina; sa iyo ang lahi nami'y nagtiwala at umasa, nagtiwala silang lubos, iniligtas
mo nga
sila. Noong sila ay tumawag, ang panganib ay nawala, .lubos silang nagtiwala at di
naman
napahiya.

Kaliwa: Tila ako'y isang uod at hindi na isang tao, kung makita'y inuuyam, nagHtawa
kahit sino; bawat taong makakita'y umiiling, nariunukso, palibak na nagtatawa't sinasabi
ang ganito: "Nagtiwala
siya sa Diyos, ngunit hindi siya pansin, kung talagang minamahal, bakit hindi
intindihin?"

Kanan: Noong ako ay iluwal, Ikaw, O Diyos, ang patnubay, magmula sa pagkabata,
ako'y iyong
iningatan; kaya naman mula noon, sa iyo na umaasa, sapul noon, ikaw na lang ang
Diyos na
kinilala. H'wag mo akong lilisanin, huwag mo akong tatalikdan, pagkat walang sasaklolo
sa panganib na daratal.

Kaliwa: Akala mo'y mga toro, pumaligid na kaaway, mabangis na mga hayop na
balitang torong-
Basan; parang leong naninila, walang tigil ang atungal. Parang-tubig na,tumapon, ang
lakas ko
ay tumakas, ang lahat kong mga buto sa wari ko ay nalinsad; sa dibdib ko ay naghari
ang
malaking pagkasindak parang pagkit ang puso ko, natutunaw naaagnas!

Kanan: Itong aking'lalamuna'y tuyong abo ang kapara, ang dila ko'y dumidikit sa
bubong ng ngalangala, sa alabok, halos patay na ako ay iniwan na. May pangkat ng
mga buhong na sa
aki'y pumaligid, para akong nasa gitna niyong asong mababangis; mga kamay ko at
paa'y parang gapos na ng lubid. Ang buto ng katawan ko, sa masid ay mabibilang
minamasdan nila ako niyong tinging may pag-uyam.

Kaliwa: Pinaghati-hati nila ang damit ko sa katawan, ang hinubad na tunika'y dinaan sa
sapalaran.
H'wag mo akong ulilahin h'wag talikdan Panginoon, o aking Tagapagligtas, bilisan mo
ang pagtulong.H'wag mo akong babayaang sa talim ay mapahamak, at sa mga asong
iyon, ang
buhay ko ay iligtas.

Kanan:sagipin sa mga leon, iligtas mo at ingatan, wala akong magagawa sa harap ng


torong-ligaw.
Ang lahat ng ginawa mo'y ihahayag ko sa lahat, sa gitna ng kapulunga'y pupurihin
kitang
ganap. Purihin ang Panginoon ng lahat ng kanyang lingkod, siya'y inyong dakilain,
kayong angkan ni Jacob; ikaw bayan ng Israel ay sumamba at maglingkod.

Papuri sa Ama at sa Anak at sa Espiritu Santo kapara noong unang-una, ngayon at


magpasawalang hanggan. Amen.

Antipona 2: Ang damit ko sa katawa'y pinaghati-hati nila, ang hinubad na tunika'y


dinaan sa sapalaran.

Antipona 3: Panginoon, hangad ko'y iyong batid; ang mga daing ko'y iyong
dinirinig.

Salmo 38
Dalangin ng Taong Nagdaranas ng Hirap

Kanan: Panginoon, huwag mo Po akong kagalitan! O kung galit ka ma'y huwag akong
parusahan.
Ang labis mong galit ay aking dinamdam; sa parusang hatol, ako ay nasaktan.

Kaliwa: Ako'y nilalagnat sa taglay mong galit dahil sa sala ko ako'y nagkasakit. Ako'y
nalulunod sa
taglay kong sala, sa dinami-rami ay parang baha na; mabigat na lubha itong aking dala.

Kanan: Parang bakukang na itong aking sugat dahil sa ginawi kong hindi marapat;
wasak na't kuba na
ang aking katawan, sa buong maghapon ay nananambitan.

Kaliwa: Dumapong lagnat ko'y apoy na sa init, lumulubhang lalo ang taglay kong sakit.
Halos
madurog na at ako'y malupig; Puso'y nagdurugo sa tindi ng sakit.
Kanan: Yaong aking hangad Panginoon, iyong batid; ang mga daing ko'y iyong
dinirinig. Tibok ng
puso ko,y dinggin at masasal, ang taglay kong lakas halos ay Pumanaw; ang mga mata
ko ay
naging malamlam.

Kaliwa: Mga kaibiga't mga kapitbahay ay nagsisilayo, ayaw nang dumalaw dahil sa
sugat ko sa aking katawan; lumalayo pati aking sambahayan. Yaong nagnanais na
ako'y patayin, nag-umang
ng bitag upang ako'y dakpin; ang may bantang ako'y saktan at wasakin, maghapon
kung sila'y
mag-abang sa akin.

Kanan: Para akong bingi na di makarinig, at para ring pipi na di makaimik sa


Pagsasanggalang ay
walang masabi, pagkat ang katulad ko nga'y isang bingi.

Kaliwa: May tiwala ako sa'yo, Panginoon, alam kong sa akin ikaw ay tutugon. Kung
may dusa ako,
h'wag silang tulutang maghambog, magtawa saking kabiguan.

Kanan: Sa pakiramdam ko,ako'y mabubuwal, mahapdi't makirot ang aking katawan.


Aking ihahayag ang kasalanan ko, mga kasalanang sa 'ki'y gumugulo.

Kaliwa: Mga kaaway ko'y malakas, masigla; wala mang dahila'y namumuhi sila. Ang
ganting masama
ang sukli sa akin, dahil sa hangad kong buhay ko'y tuwirin.

Kanan: O Panginoon ko, h'wag akong iiwan; maawaing Diyos, h-wag akong layuan;
Tagapagligtas ko' ako ay tulungan!

Papuri sa Ama at sa Anak at sa Espiritu Santo kapara noong unang-una, ngayon at


magpasawalang hanggan. Amen.

Antipona 3: Panginoory hangad ko'y iyong batid; ang mga


daing ko'y iyong dinirinig.

Namumuno:
Ama naming mapagmahal, isinugo mo ang iyong Bugtong na Anak mula sa kalangitan.
Siya'y naging iyong Salita ng kaligtasan at naging Tinapay na nagbibigay-buhay sa
amin' Pagindapatin mo na buong puso naming tanggapin si Kristong mananakop sa
pakikinig sa iyong mga salita at sa pagdiriwang ng may Pananampalataya sa mga
misteryo ng aming katubusan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesu-kristong
Anak mo, na nabubuhay at naghahari kaisa mo at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos, magpasawalang hanggan.
R. Amen

UNANG PANGKAT

Commentator:
Ang lahat ay tumaYo.

PAGBASA

Ang Mabuting Balita ayon kay San Marcos (14:12-16,22-26)


R. Papuri sa iyo, Panginoon.

Unang araw ng Pista ng Tinapay na Walang Lebadura,araw ng pagpatay ng kordero


para sa Paskuwa. Tinanong si Hesus ng kanyang mga alagad, "Saan po ninyo ibig na
ipaghanda namin kayo ng Hapunang Pampaskuwa?" Inutusan niya ang dalawa sa
kanyang mga alagad, "Pumunta kayo sa bayan. May masasalubong kayong isang lalaki
na may dalang isang bangang tubig. Sundan ninyo siya sa bahay na kanyang
papasukan at sabihin ninyo sa may-ari, 'Ipinatatanong po ng Guro kung saan silid siya
maaaring kumain ng Hapunang Pampaskuwa, kasalo ng kanyang mga alagad.' At
ituturo niya sa inyo ang isang malaking silid sa itaas na mayroon nang kagamitan. Doon
kayo maghanda para sa atin." Nagtungo sa bayan ang mga alagad at natagpuan nga
nila roon ang lahat, gaya ng sinabi niya sa kanila. At inihanda nila ang Hapunang
Pampaskuwa. Samantalang sila'y kumakain, dumampot ng tinapay si Hesus, at
matapos magpasalamat sa Diyos ay kanyang pinaghati-hati at ibinigay sa mga alagad.
"Kunin ninyo; ito ang aking katawan" wika niya. Hinawakan niya ang kalis, at matapos
magpasalamat ay ibinigay sa kanila; at uminom silang lahat. Sinabi niya "Ito ang aking
dugo ng tipan, ang dugong mabubuhos dahil sa marami. Sinasabi ko sa inyo, hindi na
ako iinom ng alak na mula sa ubang hanggang sa araw nainumin ko ang bagong alak
sa kaharian ng Diyos." Umawit sila ng isang imno, at pagkatapos nagtungo sa Bundok
ng mga Olibo.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


R. Pinupuri ka namin, Panginoong Hesu-kristo.

Commentator:
Ang lahat ay umupo.

RESPONSORIO (Pahayag 5:9-10)

Namumuno:
Sa pamamagitan ng iyong dugo ay tinubos mo ang mga tao para sa Diyos.
R. Mula sa bawat lahi, wika, bayan at bansa.
Namumuno:
Ginawa mo silang lahing maharlika at pari na itinalaga upang maglingkod sa Diyos.
R. Mula sa bawat lahi, wika, bayan at bansa.

PAGNINILAY

Mula sa Katesismo ni Papa Benedicto XVI hinggil kay San Pablo Apostol at ang
kanyang Teolohiya hinggit sa mga Sakramento (10 Disyembre 2008)

Pagtuunan natin ng pansin ang Sakramento ng Eukaristiya. Naipakita ko na sa ibang


Katekesis ang malatim na pagpipitagan sa berbal na pagsasalin ni San Pablo sa
tradisyon ng Eukaristiya na tinanggap niya mula sa mga saksi [ng Huling Hapunan]
noong huling gabing iyon. Ipinapasa niya ang mga salita nito bilang mamahaling
kayamanan na ipinagkatiwala sa kanyang katapatan. Kung kayat tunay nating naririnig
ang tinig ng mga saksi sa mga kataga [ng Huling Hapunan] noong huling gabing iyon.
Narinig natin ang tinig ng mga Apostol: "lto ang aral na tinanggap ko sa Panginoon at
ibinibigay ko naman sa inyo: ang Panginoong Hesus, noong gabing siya'y ipagkanulo
ay dumampot ng tinapay, nagpasalamat, at pinagpira-piraso ito, at sinabi,'Ito ang aking
katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-aalaala sa akin.'
Gayon din naman, matapos maghapunan,ay hinawakan niya ang saro at sinabi, 'Ang
sarong ito ang bagong tipan na pinagtitibay ng aking dugo. Tuwing iinumin ninyo ito,
gawin ninyo bilang pag-aalaala sa akin."' (1 Cor 11: 23-25). Ang teksto na ito ay
masagana sa kahulugan. Sa Katekesis na ito, mayroon lamang akong dalawang
maigsing sasabihin. Isinasalin ni Pablo ang mga kataga ng Panginoon hinggil sa saro
sa ganitong pamamara.m: Ang saro na ito ang "bagong tipan ng pinagtitibay ng aking
dugo." Nakatago sa mga katagang ito ang pagpapahiwatig sa dalawang pangunahing
teksto sa Lumang Tipan. Ang una ay nagpapatungtol sa pangako ng isang bagong
tipan na nasasaad sa Aklat ni Propeta Jeremias. Sinasabi ni Hesus sa kanyang mga
alagad at sa atin: ngayon - sa sandaling ito - sa pamamagitan ko at sa pagkamatay ko
nagkakaroon ng katuparan ang bagong tipan, ang bagong kasaysayan ng
sangkatauhan ay nagsisimula sa pamamagitan ng aking dugo. Subalit ipinapahiwatig
din ng mga katagang ito ang isang tagpo sa tipanan sa Sinai, nang sinabi ni Moises:
"Ang dugong ito ang siyang katibayan ng
pakikipagtipang ginawa sa inyo ng Panginoon sa pagbibigay sa inyo ng kautusang ito"
(Ex 24: 8). Noon, dugo ng hayop. Ang dugo ng hayop ay pagpapahayag lamang ng
pagnanais, ng paghihintay sa tunay na sakripisyo, sa tunay na pagsamba. Sa biyaya ng
saro, ibinibigay ng Panginoon ang totoong sakripisyo. Ang natatangi at totoong
sakripisyo ay ang pag-ibig ng Anak. Sa pamamagitan ng biyaya ng walang hanggang
pag-ibig, ang daigdig ay pumapasok sa isang bagong tipan. Ang pagdiriwang ng
Eukaristiya ay nangangahulugang ibinibigay ni Kristo ang kanyang sarili, ang kanyang
pag-ibig upang itulad tayo sa kanya at sa gayon, lumalang ng isang panibagong
daigdig.
PANALANGIN

Commentator:
Ang lahat ay lumuhod.

Lahat:
Ama naming makapangyarihan, ang kamahal-mahalang dugo ng iyong Anak ay iyong
ipinantubos sa aming lahat Panalagiin mong sa ami'y nagaganap ang iyong ginawa
dahil sa iyong habag upang sa aming paggunita ng iyong pagliligtas ang bunga nito ay
kamtin naming marapat sa pamamagitan ni Hesu-kristo, kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan. Amen.

Commentator:
Ang lahat ay tumayo.

AWIT NG PAGHAHANGAD

1.Diyos ikaw ang tanging hanap loob ko'y ikaw ang tanging hangad nauuhaw akong
parang tigang na lupa sa tubig ng yong Pag-aaruga.
2.Ika'y pagmamasdan sa dakong banal ng makita ko ang iyong pagkarangal dadalangin
akong nakataas aking kamay magagalak na aawit na ang papuring iaalay.
3.Gunita koy ikaw habang nahihimlay pagkat ang tulong mong sa tuwina'y taglay sa
lilim ng iyong mga pakpak umaawit akong buong galak.
4.Aking kaluluwa'y kumakapit sa'yo kaligtasa'y tiyak kung hawak mo ako magdiriwang
ang hari ang Diyos s'yang dahilan ang sa iyo ay nangako galak yaong makakamtan.

IKALAWANG PANGKAT

Ang Mabuting Balita ayon kay San Juan (6:51-58)


R.Papuri sa iyo Panginoon.

 Noong panahong iyon sinabi ni Hesus sa mga tao: "Ako ang pagkaing nagbibigay
buhay na bumaba mula sa langit. Mabubuhay magpakailanman ang sinumang kumain
nito. At ang pagkaing ibibigay ko ay sa ikabubuhay ng sanlibutan ay ang aking laman."
Dahil dito'y nagtalutalo ang mga Judio. "Papaanong maibibigay sa atin ng taong ito ang
kanyang laman upang kanin natin?" tanong nila, kayat sinabi sa kanila ni
Hesus ,"Malibang kanin ninyo ang laman ng anak ng tao at inumin ang kanyang Dugo
hindi kayo magkakaroon ng buhay. Ang kumakain ng aking laman at ang umiinom ng
aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at muli ko siyang bubuhayin sa huling
araw. Sapagkat ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo ay tunay na
inumin. Ang kumakain ng aking
laman at ang umiinom ng aking dugo ay nananahan sa akin at ako sa kanya. Buhay
ang Amang nagsugo sa akin at akoy nabubuhay dahil sa kanya. Gayon din naman ang
sinumang kumain sa akin ay mabubuhay dahil sa akin. Ito ang pagkaing bumaba mula
sa langi! ang kurriakain nito'y mabubuhay magpakailanman.Hindi ito katulad ng kinain
ng inyong mga magulang sa ilang; namatay sila bagamat kumain niyon."

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


R.Pinupuri ka naming Panginoon Hesu-kristo.

Commentator:
Ang lahat ay umupo.

RESPONSORIO (Juan 6:57-58)


Namumuno:
Buhay ang Ama na nagsugo sa akin at ako'y nabubuhay dahil sa kanya.
R. Ang sinumang kumain sa akin ay mabubuhay dahil sa akin.

Namumuno:
Ito ang tinapay na bumagsak mula sa langit.
R. Ang sinumang kumain sa akin ay mabubuhay dahil sa akin.

PAGNINILAY

Mula sa Katesismo ni Papa Benedicto XVI hinggil kay San Pablo Apostol at ang
kanyang Teolohiya hinggil sa mga Sakramento (10 Disyembre 2008)

Ang ikalawang mahalagang aspeto ng katuruan hinggil sa Eukaristiya ay matatagpuan


sa Unang Sulat sa mga taga- Corinto, nang sinabi ni San Pablo: "Hindi ba't ang pag-
inom natin sa saro ng pagpapala na ating ipinagpapasalamat ay pakikibahagi sa dugo
ni Kristo? At ang pagkain natin ng tinapay
na ating pinagpipira-piraso ay pakikibahagi naman sa kanyang katawan? Kaya nga,
yamang isa lamang ang tinapay, tayo'y iisang katawan bagamat marami, sapagkat
nakikibahagi tayo sa
iisang tinapay" (10: 16-17). Sa mga salitang ito nakikita ang personal at panlipunang
karakter ng Sakramento ng Eukaristiya. Personal na nakikiisa si Kristo sa bawat isa sa
atin subalit si Kristo ay nakikiisa rin sa lalaki o babae na kasunod ko. At ang tinapay ay
para sa akin at para din sa iba. Kung kaya pinagkakaisa ni Kristo ang lahat sa kanyang
sarili at ang bawat isa sa ating lahat. Tinatanggap natin si Kristo sa pagkakaisa. Ngunit
si Kristo ay nakikiisa rin sa aking kapwa: si Kristo at ang aking kapwa ay hindi
napaghihiwalay sa Eukaristiya. Kung kaya, tayo ay isang tinapay at isang katawan. Ang
isang Eukaristiya na walang pagkikipagkaisa sa iba ay Eukaristiyang inabuso. At dito
darating tayo sa pinaka-ugat at pinaka-laman ng doktrina ng Simbahan bilang Katawan
ng Kristo, ng Nabuhay na Kristo. Makikita rin natin ang buong katotohanan ng
katuruang ito. Ibinibigay ni Kristo ang kanyang katawan sa Eukaristiya. Ibinibigay niya
ang kanyang sarili sa kanyang Katawan at ginagawa rin niya tayo bilang kanyang
Katawan. lbinubuklod niya tayo sa kanyang Muling Nabuhay na Katawan. Kapag ang
tao ay kumakain ng ordinaryong tinapay, ang tinapay na ito ay nagiging bahagi ng
kanyang katawan kapag ito ay sumailalim sa proseso ng pagtutunaw. Ito ay nagiging
sustansya ng buhay ng tao. Ngunit sa banal na Komunyon kabaligtaran ang
nangyayari. Ibinibilang tayo ng Panginoong Hesu-kristo bilang kanyang bahagi at
ipinakikilala sa atin ang kanyang maluwalhating Katawan. Kayat tayo'y nagiging
kanyang Katawan. Ang sinumang magbasa ng ikalabingdalawang kabanata ng Unang
Sulat sa mga taga-Corinto at ng ikalabingdalawang kabanata ng Sulat sa mga taga-
Roma ay makakapag-isip na ang mga salita hinggil sa Katawan ni Kristo bilang
organismo ng karisma ay nagpapatungkol sa isang sosyolohikal o teolohikal na
talinhaga. Sa agham pulitikal ng mga Romano, ang talinhagang ito ng katawan na may
iba't ibang bahagi at bumubuo sa iisang bagay ay tumutukoy sa Estado o Pamahalaan.
Sapagkat ang Estado ay isang organismo kung saan ang
bawat isa ay may tungkulin, at ang pagkakaiba at dami ng mga gawain ay bumubuo ng
isang katawan at ang bawat isa ay may lugar dito. Kung ang ikalabingdalawang
kabanata ng Unang Sulat sa mga taga-Corinto lamang ang babasahin, maaaring mag-
isip ang makakabasa nito na nilimitahan ni Pablo ang kanyang pananaw sa Simbahan
sa ganitong pamamaraan, na ang lahat ng ito ay pawang katanungan lamang hinggil sa
sosyolohiya ng Simbahan. Subalit kung iisipin din ang ikasampung kabanata, makikita
natin ang katotohanan na ang Simbahan ay naiiba, mas malalim at mas makatotohanan
kaysa sa organismo ng Estado. Sapagkat tunay na ibinibigay ni Kristo ang kanyang
Katawan at tunay tayong ginagawang kanyang Katawan. Tunay tayong nakikiisa sa
Muling Nabuhay na Katawan ni Kristo at tayo'y nagkakaisa sa isa't isa. Ang Simbahan
ay hindi lamang korporasyon na tulad ng Estado. Siya ay katawan. Hindi lamang siya
isang samahan kung hindi tunay na organismo.

PANALANGIN

Commentator:
Ang lahat ay lumuhod.

Lahat:

Panginoong Hesu-kristo, Diyos na totoo at tao namang totoo, ang Huling Hapunan ay
inilagak mo para kami'y magkasalu- salo sa alaala ng iyong pagpapakasakit ukol sa
mga tao. Ipagkaloob mo ang aming kahilingang ang iyong Katawan at Dugo ay bumuo
sa iyong Simbahan bilang tunay na pananda ng kaligtasan at tagapagpahayag ng iyong
pag-ibig sa sangkatauhan sa pamamagitan mo kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan. Amen.

Commentator:
Ang lahat ay tumayo.

UMASA KA SA DIYOS

Umasa ka sa Diyos ang mabuti'y gawin at manalig kang ligtas sa lupain sa Diyos mo
hanapin ang kaligayahan at pangarap mo'y makakamtan.
Ang iyong sarili sa Diyos mo ilagak at magtiwalang tutulungan kang galak. Ang
kabutihan mo ay magliliwanag katulad ng araw pag tanghaling tapat.

Sa harap ng Diyos pumanatag ka maging matiyagang maghintay sa kanya huwag


mong kainggitan ang gumiginhawa sa likong paraan umunlad man sila.

IKATLONG PANGKAT

PAGBASA

 Ang Mabuting Balita ayon kay San Lucas (22:39-44)


R. Papuri sa iyo Panginoon.

Noong panahong iyon, gaya ng kanyang kinaugalian, umalis si Hesus at nagtungo sa


Bundok ng mga Olibo; at sumama ang mga alagad. Pagdating doo'y sinabi niya sa
kanila, "Manalangin kayo, nang hindi kayo madaig ng tukso." Lumayo siya sa kanila
nang may isang pukol ng bato, saka lumuhod at nanalangin. " Ama," wika niya, "kung
maaari'y ilayo mo sa akin ang kalis na ito. Gayunma'y huwag ang kalooban ko ang
masunod, kundi ang kalooban mo." Napakita sa kanya ang isang anghel mula sa
langit at pinalakas ang loob niya. Tigib ng hapis, siya'y nanalangin nang lalong taimtim;
tumulo sa lupa ang kanyang pawis na animo'y malalaking patak ng dugo.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


R. Pinupuri ka naming Panginoong Hesu-kristo.

Commentator:
Ang lahat ay umupo.

RESPONSORIO (Salmo 30:7-8)

Namumuno:
Kay buti mo, Panginoon, at ako,y iningatan!
R. Nang ika'y lumayo sa akin, ako ay natakot.

Namumuno:
Tinawag ko ikaw, at aking hiniling na ako,y tulungan.
R. Nang ika'y lumayo sa akin, ako ay natakot.

PAGNINILAY
Mula sa Katesismo ni Papa Benedicto XVI hinggil kay San Pablo Apostot Ang
Kahalagahan ng Kristolohiya, Ang Teolohiya ng Krus (29 Oktubre 2008)

Bakit ba itinuring ni San Pablo na pangunahing turo ang salita tungkol sa Krus? Hindi ito
mahirap sagutin: ang Krus ay nagpapahayag ng "kapangyarihan ng Diyos" (1 Cor 1:24),
na hindi tulad ng kapangyarihan ng tao. Sapagkat ito ay nagpapahayag ng pag-ibig:
"Sapagkat ang inaakala nilang kahangalan ng Diyos ay karunungang higit kaysa lahat
ng karunungan ng tao, at ang inaakala narulng kahinaan ng Diyos ay lakas na higit sa
lahat ng kalakasan ng tao" (ibid., v.25). Ilang siglo makalipas si Pablo, nakikita natin na
ang Krus ang nagtagumpay at hindi ang karunungan na tumaliwas dito. Ang
Nakapakong Kristo ay karunungan, sapagkat tunay niyang ipinakikita sa atin kung sino
ang Diyos, ang puwersa ng pag- ibig na ginawa ang lahat hanggang sa Krus upang
magligtas. Ang Diyos ay gumagamit ng mga pamamaraan na para sa ating paningin ay
pawang kahinaan. Ang Nakapakong Kristo ay nagpapakita sa atin ng kahinaan ng tao
at, gayun din, ng tunay na kapangyarihan ng Diyos- ang malayang.pagbibigay ng pag-
ibig. Ang buong pagbibigay ng pag-ibig ang tunay na karunungan. Naranasan din ni
San Pablo ito, at palagian niyang nababanggit sa iba't ibang liham na isinulat niya sa
kanyang espiritwal na paglalakbay na siyang naging tiyak na gabay para sa mga alagad
ni Hesus: "Ang tulong ko'y sapat sa lahat ng pangangailangan mo; lalong nahahayag
ang aking kapangyarihan kung ikaw ay mahina" (2 Cor 12: 9); at "pinili ng Diyos ang sa
palagay ng sanlibutan ay kahangalan upang hiyain ang marurunong, at ang mahihina
sa turing ng sanlibutan upang hiyain ang malalakas" (1 Cor 1: 27). Lubos na nakilala ng
Apostol si Kristo kung kayat kahit na napakarami ng mga pagsubok na dumating sa
kanya, namuhay pa rin siya ng may pananampalataya sa Anak ng Diyos na nagmahal
sa kanya at nag-alay ng sarili para sa kanyang mga kasalanan at sa kasalanan ng lahat
(cf. Gal 1: 4; 2:20), Ang katotohanang ito sa kanyang buhay ay huwaran para sa ating
lahat. Mayroong isang magandang paglalagom si San Pablo hinggil sa teolohiya ng
Krus, at ito ay matatagpuan natin sa Ikalawang Sulat sa mga taga-Corinto (5:14-21).
Dito ang lahat ay napapaloob sa dalawang pangunahing pagpapahalaga: ang una ay si
Kristo na itinuring na makasalanan uPang sa pamamagitan niya ay maging matuwid
tayo sa harap ng Diyos (v. 21), namatay para sa lahat (v. 14); at ikalawa ang Diyos na
ipinagkasundo tayo sa kanyang sarili at hindi tayo sinisi sa ating mga kasalanan (vv. 18-
20). Sa pamamagitan ng "ministeryo ng pagkakasundo" na ito, ang lahat ng uri ng
pang-aalipin ay tinubos (cf. 1 Cor 6:20;7:23). Lumalabas dito ang kahalagahan nito sa
ating buhay. Tayo rin ay nararapat na pumasok sa "ministeryo ng pagkakasundo" na
nangangailangang isuko ang
sariling kagalingan at piliin ang kahangalan ng pag-ibig. Inialay ni San Pablo ang
kanyang sariling buhay at inilaan ng walang pag-aalinlangan ang kanyang sarili sa
ministeryo ng pagkakasundo, ng Krus, na siyang nagliligtas sa lahat. At tayo rin ay
nararapat na gawin ito: nawa'y matagpuan natin ang tunay na lakas sa kababaan ng
pag-ibig at ang karunungan sa kahinaan sa pagtalikod sa mga materyal na bagay. Ito
ay pagpasok sa kapangyarihan ng Diyos. Hubugin natin ang ating buhay dito sa totoong
karunungan: hindi dapat tayo mabuhay para sa sarili, kung hindi mabuhay para sa
pananampalataya sa Diyos na masasabi natin: "minahal niya ako at ibinigay niya ang
kanyang sarili para sa akin."

PANALANGIN

Commentator:
Ang lahat ay lumuhod.

Lahat:
Ama naming makapangyarihan, sa ikararangal mo at
ikagagaling ng sangkatauhan niloob mong si Kristo ay maging
dakilang pari kailan man. Ipagkaloob mong ang bayang para
sa iyo'y kanyang kinamtan dahil sa dugo niyang banal ay
makapakinabang sa kanyang pagkamatay at pagkabuhay
pakundangan sa alaala niyang ipinagdiriwang sa

pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo magpasawalang


hanggan. Amen.

Commentator:
Ang lahat ay tumayo.

DAKILANG PAG-IBIG

Dakilang pag-ibig sa€an  man manahan


Diyos ay naroroon walang alinlangan

Hinirang tayo sa pagmamahal ng ating Poong si Hesus.


Lahat tayo ay lumigaya sa pagkakaisa sa Haring nakapako sa
Krus.

IKAAPAT NA PANGKAT
PAGBASA

Ang Mabuting Balita ayon kay San Juan (17:20-26)


R. Papuri sa iyo Panginoon.

Noong panahong iyon, tumingala si Hesus sa langit at nanalangin, "Amang banal, hindi
lamang ang aking mga alagad ang idinadalangin ko, kundi pati ang mga mananalig sa
akin dahil sa kanilang pahayag. Maging isa nawa silang lahat, Ama. Kung paanong
ikaw ay nasa akin at ako'y nasa iyo, gayon din naman! maging isa sila sa atin upang
maniwala ang sanlibutan na ikaw ang nagsugo sa akin. Ang karangalang ibinigay mo sa
akin ay ibinigay ko sa kanila upang sila'y ganap na maging isa,
gaya nating iisa: ako'y nasa kanila at ikaw ay nasa akin, upang lubusan silang maging
isa. At sa gayoo makikilala hg sanlibutan na sinugo mo ako, at sila'y iniibig mo tulad ng
pag-ibig mo sa akin."

Ama,nais kong makasama sa aking kinaroroonan ang mga ibinigay mo sa akin, upang
mamasdan nila ang karangalang bigay mo sa akin, sapagkat inibig mo na ako bago pa
nilikha ang sanlibutan. Makatarungang Ama, hindi nakikilala ng sanlibutan, ngunit
nakikilala kita; at nalalaman ng mga ibinigay mo sa akin na ikaw ang nagsugo sa akin.
Ipinakilala kita sa kanila, at ipakikilala pa, upang ang pag-ibig mo sa akin ay sumapuso
nila at ako nama'y sumakanila."

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


R. Pinupuri ka naming Panginoon Hesu-kristo.

Commentator:
Ang lahat ay umupo.

RESPONSORIO (1 ]uan 4:8-9)

Namumuno:
Ang hindi umiibig ay hindi kumikilala sa Diyos.
R. Sapagkat ang Diyos ay pag-ibig.

Namumuno:
Inihayag ng Diyos ang kanyang pag-ibig nang isugo niya ang
Anak.
R. Sapagkat ang Diyos ay pag-ibig.

PAGNINILAY
Mula sa Katesismo ni Papa Benedicto XVI hinggil kay San Pablo Apostol:
Espiritwal na Pagsamba (7 Enero 2009)

Sa Roma 3:25, matapos banggitin ang "katubusan na na kay Kristo Hesus,"


ipinagpapatuloy sa atin ni San Pablo ang isang misteryosong pormula tungkol kay
Hesus: "Siya ang itinakda ng Diyos upang maging handog upang sa pagbubuo ng
kanyang dugo ay maipatawad ang mga kasalanan ng mga tao sa pamamagitan ng
pananalig sa kanya." Sa pamamagitan ng mga kakaibang salitang ito, "handog ng
Papapatawad," tinutukoy ni San Pablo ang tinatawag na "propisyatoryo" ng Templo. Ito
ay ang takip na nagkukubli sa Kaban ng Tipan na sumasagisag sa pagtatagpo ng Diyos
at ng tao, ang tagpuan ng Presensya ng Diyos sa daigdig. Sa Araw ng Pagbabayad-
puri "Yom Kippur," winiwisikan ng dugo ng handog na hayop ang"propisyatoryo" na
kumakatawan sa pagsusuko ng mga kasalanan ng nakaraang
taon sa.Diyos. Kung kayat ang mga kasalanan ay iwinawaksi sa kalaliman ng kabutihan
ng Diyos, sinasakop ng kapangyarihan ng Diyos, ginagapi at pinatatawad. Ito'y
pagsisimulang muli ng bagong buhay. Ang rito na ito ang tinutukoy sa atin ni San pablo;
at ipinahihiwatig niya sa atin na ito ay nagpapahayag ng tunay na kagustuhang iwaksi
ang lahat ng ating mga kasalanan sa ‘di maarok na kalaliman ng banal na awa. Ngunit
ang kagustuhang ito ay hindi nagkaroon ng katuparan sa dugo ng mga hayop.
Kinailangan ang mas makatotohanang pagtatagpo ng kasalanan ng tao at ng banal na
awa. At ang pagtatagpong ito ay nagkaroon ng kaganapan sa Krus ni Kristo. Si Kristo,
ang tunay na Anak ng Diyos na nagkatawang-tao, ang umako ng-lahat ng ating mga
kasalanan. Sa kanya nagtatagpo ang kapahamakan ng tao at ang banal na awa. A.g
lahat ng kasamaan ng sangkatauhan ay nalulusaw at pinapanibago sa kanyang puso.
Sa paghahayag ng pagbabagong ito, sinasabi sa atin ni San Pablo na ang
nakaugaliang pamamaraan ng pagsamba, kasama ang pag-aalay ng mga handog na
hayop, sa Templo ng Jerusalem ay nagwakas sa Krus ni Kristo, ang dakilang gawa ng
banal na pag-ibig na naging pag-ibig ng tao. Ang simbolikong pagsamba na ito, ang
kulto ng pagnanais, ay pinalitan ng tunay na pagsamba: ang pag-ibig ng Diyos na
nagkatawang-tao kay Kristo at nagkaroon ng katuparan sa kanyang kamatayan sa
Krus. Hindi ito paglalagay sa tunay na pagsamba sa antas ng
espiritwal; ang tunay na pagsamba ay banal at makataong pag- ibig na bumubuwag sa
simboliko at panandaliang pamamaraan ng pagsamba. Ang Krtis ni Kristo, ang kanyang
pag-ibig sa anyong laman at dugo, ay tunay na pagsamba na nagpapakita ng
katotohanan ng Diyos at ng tao. Sa opinyon ni pablo, ang panahon ng Templo at ng
pagsamba dito ay natapos na bago pa man tuluyang sinira ang Templo. Ito ay naaayon
sa sinabi ni Hesus noong inihayag niya ang imbing pagkaguho ng Templo at
ang paghahayag ng bagong templo "na hindi gawa ng tao," ang templo ng Katawang
Muling Nabuhay.

PANALANGIN

Commentator:
Ang lahat ay lumuhod.

Lahat:
Ama naming makapangyarihan, ngayong ang aming
katubusan ay aming ginugunita, kami'y dumadalangin at
nagmamakaawa na ang ginaganap namin ay maging pananda
ng pagkakaisa at pag-ibig na sangla ng Manunubos naming si
Hesu-kristo na namamagitan kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan. Amen.

Commentator:
Ang lahat ay tumayo.

PANALANGIN NG BAYAN

Namumuno:
Hinihimok ni Kristo ang lahat sa kanyang banal na hapunan, kung saan inihahandog
niya ang kanyang katawan at Dugo para sa ikabubuhay ng sanlibutan, hilingin natin sa
kanya.

PAG-ISAHIN MO KAMI SA PAG-IBIG PANGINOON.

1. Kristo, Anak ng Diyos na buhay, ipinag-utos mo na ang hapunang pagpapasalamat


ay gawin sa pag-ala-ala sa iyo, pagyamanin mo ang iyong simbahan sa pagdiriwang ng
mga banal na misteryo. (R.)
2. Kristo, paring walang hanggan ng kataas-taasang Diyos, ipinagbilin mo sa iyong mga
pari na iaalay ang mga sakramento, magluningning nawa ang kahulugan nito sa
kanilang mga pamumuhay. (R)
3. Kristo, tinapay ng buhay, pinag-iisa mo ang lahat ng nakikinabang sa iyong katawan,
palakasin mo ang lahat ng nananampalataya sa pamamagitan ng kapayapaan at
pagkakasundo. (R.)
4. Kristo, sa pamamagitan ng iyong eukaristiya ipinagkakaloob mo ang lunas ng buhay
na walang hanggan. Igawad mo ang kagalingan sa lahat ng maysakit at ang pag-asa ng
pagpapatawad sa lahat ng mga may kasalanan. (R.)
5. Kristo, bukal ng pag-ibig at awa ng Ama, kaawaan mo ang lahat ng nauuhaw sa
iyong salita sa kadahilanang walang magdala nito sa kanila, biyayaan mo ang iyong
simbahan ng marami pang bokasyon na siyang maghahatid sa iyo ng karampatang ani
pagdating ng wakas: (R.)
6. Kristo, aming hari na darating, ipinag-utos mo na ang sakamento na nagpapahayag
ng iyong kamatayan at muling pagkabuhay ay ipagdiwang hanggang sa iyong
pagbabalik, ipagkaloob mo na ang lahat ng namatay ay makapakinabang sa iyong
muling pagkabuhay. (R.)

AMA NAMIN

Ang lahat ay tumayo.

ANG LITANYA NG EUKARISTIYA

Panginoon, kaawaan mo kami. Panginoon, kaawaan mo kami.


Kristo, kaawaan mo kami. Kristo, kaawaan mo kami.
Panginoon, kaawaan mo kami. Panginoon, kaawaan mo kami

Hesus, ang pinakadakila * Kaawaan mo kami.


Hesus, ang banal
Hesus, ang Salita ng Diyos
Hesus, ang Bugtong na Anak ng Ama
Hesus, Anak ni Maria
Hesus, ang napako sa krus
Hesus, ang muling nabuhay
Hesus, nabubuhay sa kaluwalhatian
Hesus, magbabalik muli
Hesus, aming Panginoon
Hesus, aming pag-asa
Hesus, aming kapayapaan
Hesus, aming  kaligtasan
Hesus, aming muling pagkabuhay
Hesus, hahatol sa lahat
Hesus, Panginoon ng Simbahan
Hesus, Panginoon ng sangnilikha
Hesus, mapagmahal sa lahat
Hesus, buhay ng daigdig
Hesus, kalayaan ng mga napipiit
Hesus, ligaya ng mga nalulumbay
Hesus, nagkakaloob ng Espirito
Hesus, sanhi ng lahat ng biyaya
Hesus, sanhi ng bagong Buhay
Hesus, ang walang hanggang pari
Hesus, pari at hain
Hesus, tunay na Pastol
Hesus, tunay na liwanag
Hesus, tinapay mula sa langit
Hesus, tinapay ng buhay
Hesus, tinapay ng pasasalamat
Hesus, tinapay na nagbibigay ng buhay
Hesus, banal na manna
Hesus, bagong tipan
Hesus, pagkain sa buhay na walang hanggan
Hesus, pagkain sa aming paglalakbay
Hesus, banal na pagsasalo
Hesus, tunay na sakripisyo
Hesus, ganap na sakripisyo
Hesus, walang sakripisyo
Hesus, maka-Diyos na-Hain
Hesus, Tagapamagitan ng bagong tipan
Hesus, misteryo sa altar
Hesus, misteryo ng pananampalataya
Hesus, lunas sa buhay na walang hanggan
Hesus, pangako ng buhay na walang hanggan
Hesus, Kordero ng Diyos, ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan
ng sanlibutan
(R. Maawa ka sa amin)
Hesus, umako sa aming mga kasalanan ikaw na nag-aalis ng
mga kasalanan ng sanlibutan
(R. Maawa ka sa amin)
Hesus, Tagapagtigtas ng sanlibutaru ikaw na nag-aalis ng mga
kasalanan ng sanlibutan
(R. Maawa ka sa amin)
Kristo pakinggan mo kami
(R. Kristo Dinggin mo kami)
Panginoong Hesus dingin ang aming panalanagin.

Namumuno:
Manalangin tayo.

Sandaling katahimikan.

Lahat:
O Diyos, iniwanan mo sa kahanga-hangang Sakramentong ito ang alaala ng iyong hirap
at sakit: sambahin nawa namin ang banal na misteryo ng iyong katawan at dugo upang
lagi naming madama ang mga bunga ng iyong pagtubos sa amin ikaw na nabubuhay at
naghahari ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.
Namumuno:
Nawa'y pagpalain tayo ng Panginoon, iligtas sa lahat ng masama, at patnubayan sa
buhay na walang hanggan.
R. Amen.

PANGWAKAS NA AWIT

Buksan ang aming puso turuan mong mag-alab


Sa bawat pagkukuro lahat ay makayakap
Buksan aming isip sikatan ng liwanag
Nang kusang matangkilik tungkuti'y mabanaag.
Buksan ang aming palad sarili'y maialay

Turuan mong ihanap kami ng bagong malay.

You might also like