You are on page 1of 72

TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG

PAGPAPAKASAKIT AT MULING PAGKABUHAY

+1
Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon
Sa pagtatakipsilim gaganapin ang Misa sa paghahapunan ng Panginoon. Ang tabernakulo ay dapat
walang laman; dapat maghanda ng sapat na tinapay para italagang maging Katawan ni Kristo para sa
pakikinabang ngayon at bukas.
Magpuprusisyon ang punong tagapagdiwang, ibang mga pari, at mga tagapaglingkod, samantalang ang
awiting pambungad ay inaawit. Pagdating sa sanktwaryo, ang punong tagapagdiwang, at mga
tagapaglingkod ay magbibigay galang ayon sa hinihinging paraan. Magbibigay galang ang punong
tagapagdiwang sa dambana sa pamamagitan ng paghalik sa ibabaw nito. Iinsensuhan niya ito. Matapos
ito, ang punong tagapagdiwang ay magtutungo sa kanyang upuan.

Punong Tagapagdiwang:
Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, (+) at ng Espiritu Santo.
R. Amen.
Punong Tagapagdiwang:
Sumainyo ang Panginoon.
R. At sumainyo rin.

Punong Tagapagdiwang:
Natitipon tayo ngayon bilang iisang katawan upang ipahayag at simulan ang
tatlong araw ng pagdiriwang ng misteryo paskuwal ng Panginoon. May mga
pagkakataong tayo’y nakalilimot sa atas ng pag-ibig ng Diyos na unang nagmahal
sa atin. Suriin natin ang ating sarili upang marapat tayong humarap sa banal na
paghahaing ito.

Magkakaroon ng saglit ng katahimikan. Pagkatapos nito, lahat ay sabay-sabay na aamin sa nagawang


kasalanan:

Inaamin ko sa Makapangyarihan Diyos at sa inyo, mga kapatid, na lubha akong


nagkasala sa isip, sa salita, at sa gawa, at sa aking pagkukulang. Kaya isinasamo ko
sa Mahal na Birheng Maria, sa lahat ng mga anghel at mga banal at sa inyo, mga
kapatid na ako’y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.

Punong Tagapagdiwang:
Kaawaan tayo ng Makapangyarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga kasalanan,
at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.
R. Amen.

2
KYRIE

Panginoon, kaawaan mo kami. Panginoon, kaawaan mo kami.


Kristo, kaawaan mo kami. Kriston, kaawaan mo kami.
Panginoon, kaawaan mo kami. Panginoon, kaawaan mo kami.

GLORIA

Sa pag-awit ng Gloria, ang mga kampana ng Simbahan ay tutugtugin at pagkaraa’y mananahimik ang mga
ito hanggang sa Gabi ng Pagkabuhay.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Manalangin tayo

Ama naming Makapangyarihan,


sa mga kasalo ngayon sa Banal na Hapunan
na ipinamana ng Iyong Anak na mamamatay
bilang haing bago at pangmagpakailanman
para sa giliw niyang sambayanan,
ipagkaloob Mong lubusang makapakinabangan
ang iyong dakilang pag-ibig at buhay
sa pamamagitan Niya kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

R. Amen.

3
PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

UNANG PAGBASA Exodo 12, 1 – 8, 11 – 14

Pagbasa mula sa aklat ng Exodo

Noong mga araw na iyon: Sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron, “Mula
ngayon, ang buwang ito ang magiging unang buwan ng taon para sa inyo. At sabihin
ninyo sa buong pamayanan ng Israel na sa ikasampung araw ng buwang ito, bawat
puno ng sambayanan ay pipili ng isang kordero o bisirong kambing para sa kanyang
pamilya. Kung maliit ang pamilya at makauubos ng isang buong kordero, magsasalo
sila ng kalapit na pamilya, na hindi rin makauubos ng isang buo. Ang dami ng
magsasalu-salo sa isang kordero ay ibabatay sa dami ng makakain ng bawat isa.
Kailangang ang kordero ay lalaki, isang taong gulang, walang pinsala o kapintasan.
Kung walang tupa ay kambing. Aalagaan itong mabuti hanggang sa ikalabing-apat
na buwan at sa kinagabihan, sabay-sabay papatayin ng buong bayan ang kani-
kanilang kordero. Kukuha sila ng dugo nito at ipapahid sa mga hamba at sombrero
ng pintuan ng bahay na kakainan ng kordero. Sa gabi ring iyon, lilitsunin ito at
kakaning kasama ng tinapay na walang lebadura at ng mapapait na gulay. Ganito
naman ang magiging ayos ninyo sa pagkain nito: nakabigkis, nakasandalyas, at may
tangang tungkod; dali-dali ang inyong pagkain nito. Ito ang Paskuwa ng Panginoon.”

“Sa gabing yaon, lilibutin ko ang buong Egipto at papatayin ang lahay ng
panganay na lalaki, maging tao o hayop man. At parurusahan ko ang lahat ng diyos-
diyosan sa Egipto. Ako ang Panginoon. Lalampasan ko ang lahat ng bahay na makita
kong may pahid ng dugo, at walang pinsalang mangyayari sa inyo. Ito ang siyang
magiging palatandaan na Israelita ang nakatira sa bahay na iyon. Ang araw na ito’y
ipagdiriwang ninyo magkailanman bilang pista ng Panginoon.”

Ito ang Salita ng Diyos.


R. Salamat sa Diyos.

SALMONG TUGUNAN Salmo 115, 12 – 13, 15 – 16 bk, 17 – 18


Tugon 1 Corinto 10, 16

Tugon: Sa kalis ng pagbabasbas, si Kristo ang tinatanggap

4
Sa Diyos ko’t Panginoon, anong aking ihahandog
Sa lahat ng kabutihan na sa aki’y kaloob?
Ang handog ko sa dambana, ay inumin na masarap
Bilang aking pagkilala sa gnawang pagliligtas.

Tugon: Sa kalis ng pagbabasbas, si Kristo ang tinatanggap

Masakit sa kalooban ng Poon kung may papanaw


Kahit ito ay iisa, labis siyang magdaramdam,
Katulad ng aking ina, maglilingkod akong lubos
Yamang ako’y iniligtas, kinalinga at tinubos.

Tugon: Sa kalis ng pagbabasbas, si Kristo ang tinatanggap

Ako ngayo’y maghahandog ng haing pasasalamat


Ang handog kong panalangi’y sa iyo ko ilalagak.
Sa templo sa Jerusalem, ay doon ko ibibigay
Ang anumang pangako kong sa iyo ay binitiwan.

Tugon: Sa kalis ng pagbabasbas, si Kristo ang tinatanggap

IKALAWANG PAGBASA 1 Corinto 11, 23 – 26


Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid: Ito ang aralna tinanggap ko sa Panginoon at ibinibigay ko naman


sa inyo: ang Panginoong Hesus, noong gabing siya’y ipinagkanulo ay dumampot ng
tinapay, nagpasalamat, at pinaghati hati ito, at sinabi, “Ito ang aking katawan na
ihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alala sa akin.” Gayon din
naman, matapos maghapunan ay hinawakan niya ang kalis at sinabi, “Ang kalis na
ito ang bagong tipan na pinagtitibay ng aking dugo. Tuwing iinumin ninyo ito, gawin
ninyo sa pag-alala sa akin.” Sapagka’t tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom
sa kalis na ito ay ipinahahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon, hanggang sa
muling pagparito niya.

Ito ang Salita ng Diyos.

R. Salamat sa Diyos.

5
PAGBUBUNYI SA MABUTING BALITA Juan 13, 34

Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo, kayo ay mag-ibigan sa isa't isa.
Kung papaanong inibig ko kayo ay gayundin naman kayong mag-ibigan sa isa't isa.

MABUTING BALITA Juan 12, 1 – 15

Sumainyo ang Panginoon.


R. At sumainyo rin.

(+) Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan


R. Papuri sa’yo Panginoon.

Bisperas na ng Paskuwa. Alam ni Hesus na dumating na ang panahon ng


kanyang paglisan sa sanlibutang ito upang bumalik sa Ama. Mahal niya ang kanyang
mga tagasunod na nasa sanlibutan, at ngayo’y ipakikita niya kung hanggang saan
ang kanyang pag-ibig sa kanila.

Naghahapunan si Hesus at ang mga alagad. Naisilid na ng diyablo sa isip ni


Hudas, anak ni Simon Iscariote, ang pagkakanulo kay Hesus. Alam ni Hesus na
ibinigay na sa kanya ng Ama ang buong kapangyarihan; alam din niyang siya’y mula
sa Diyos at babalik sa Diyos. Kaya’t nang sila’y naghahapunan, tuminding si Hesus,
naghubad ng kanyang panlabas ng kasuotan, at nagbigkis ng tuwalya. Pagkatapos,
nagbuhos siya ng tubig sa palanggan, at sinimulang hugasan ang paa ng mga alagad
at punasan ng tuwalyang nakabigkis sa kanya. Paglapit niya kay Simon Pedro,
tumutol ito. “Panginoon,” sabi niya, “diyata’t kayo pa ang maghuhugas ng aking
mga paa?” Sumagot si Hesus, “Hindi mo mauunawaan ngayon ang ginagawa ko,
nguni’t mauunawaan mo rin ito pagkatapos.” Sinabi sa kanya ni Pedro. “Hinding-
hindi ko pahuhugasan sa inyo ang aking mga paa.” “Kung hindi kita huhugasan,
wala kang kaugnayan sa akin,” tugon ni Hesus. Kaya’t sinabi ni Pedro, “Panginoon,
hindi po lamang ang mga paa ko, kundi pati ang aking kamay at ulo!” ani Hesus,
“Maliban sa kanyang mga paa, hindi na kailangang hugasan pa ang naligo na,
sapagka’t malinis na ang kanyang buong katawan. At malinis na kayo, ngunit hindi
lahat.” Sapagkat alam ni Hesus kung sino ang magkakanulo sa kanya, kaya sinabi
nyang malinis na sila, nguni’t hindi lahat.

6
Nang mahugasan na ni Hesus ang kanilang mga paa, siya’y nagsuot ng damit
at nagbalik sa hapag. “Nauunawaan ba ninyo kung ano ang ginawa ko sa inyo?”
tanong niya sa kanila. “Tinatawag ninyo akong Guro at Panginoon, at tama kayo,
sapagkat ako nga. Kung akong Panginoon ninyo at Guro ay naghugas ng inyong mga
paa, dapat din kayong maghugasan ng paa. Binigyan ko kayo ng halimbawa at ito’y
dapat ninyong tularan.

Ito ang Mabuting Balita ng Panginoon.

R. Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo.

HOMILIYA

PAGHUHUGAS NG MGA PAA

Kasunod ng Homiliya, ang mga pinili para sa paghuhugas ng paa ay ihahatid ng mga tagapaglingkod sa
mga inihandang upuan sa angkop na pook. Ang punong tagapagdiwang na maaaring mag-alis ng kasulya
kung kailangan ay lalapit sa bawat huhugasan, magbubuhos siya ng tubig sa mga paa ng huhugasan sa
tulong ng mga tagapaglingkod niya, at siya ang magpapahid ng tuwalya sa mga nahugasang paa.

Samantalang ito’y ginagawa, aawit ang koro ng angkop na awit ukol sa pagdiriwang.

PANALANGIN NG BAYAN

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN

Sisimulan ang awit ng pag-aalay. Samantalang ito’y ginaganap, ilalagay ng mga tagapaglingkod ang
telang patungan ng Katawan ni Kristo, ang pamahiran, ang kalis at ang Aklat ng Pagmimisa sa ibabaw ng
dambana. Tatayo ang punong tagapagdiwang sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya ang pinggan
ng tinapay ng bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya nang pabulong:

Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan. Sa Iyong kagandahang-loob,


narito ang aming maiaalay. Mula sa lupat at bunga ng aming paggawa ang tinapay
na ito para maging pagkaing nagbibigay-buhay.

Ilalapag niya ang pinggan ng tinapay sa telang patungan ng Katawan ni Kristo. Ang mga pangungusap na
ito ay madarasal ng malakas ng pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

7
Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!
Ang diyakono o pari ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang dinarasal ng pabulong:

Sa paghahalong ito ng alak at tubig kami nawa’y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo


na nagpagindapat makihati sa aming pagkatao.

Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng paro ang kalis nang bahagyang nakaangat sa
dambana habang dinarasal niya nang pabulong;

Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan. Sa Iyong kagandahang-loob,


narito ang aming maiaalay. Mula sa katas ng ubas at bunga ng aming paggawa ang
alak na ito para maging inuming nagbibigay ng iyong Espiritu.

Ilalapag niya ang kalis sa telang patungan ng Katawan ni Kristo. Ang mga pangungusap na ito ay
madarasal ng malakas ng pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!

Pagkatapos ay yuyuko ang punong tagapagdiwang habang dinarasal niya nang pabulong:

Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kaming mga makasalanan. Tanggapin mo ang


aming pagsisisi bilang handog upang kami’y matutong sumunod sa iyo nang buong
puso.
Iinsensuhan ng punong tagapagdiwang ang mga alay at ang dambana; pagkaraa’y iinsensuhan ng
tagapaglingkod ang punong tagapagdiwang kasunod ang mga kasamang pari at ang mga nagsisimba.
Pagkatapos, ang punong tagapagdiwang ay magtutungo sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng kamay
habang pabulong niyang dinarasal:

O Diyos kong minamahal, kasalanan ko’y hugasan at linisin mong lubusan ang
nagawa kong pagsuway.
Pagkaraan nito’y magtutungo siya sa gitna ng dambana, ilalahad ang kanyang mga kamay at muli itong
pagdaraupin habang kanyang ipinapahayag:

Manalangin kayo mga kapatid, upang ang paghahain natin ay kalugdan ng Diyos
Amang Makapangyarihan sa lahat.

R. Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong mga kamay, sa


kapurihan niya ta karangalan, sa ating kapakinabangan, at sa buong Sambayanan
niyang banal.

8
PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY
Ilalahad ng punong tagapagdiwang ang kanyang mga kamay habang dinarasal:

Ama naming Lumikha,


ipagkaloob mong marapat na ganapin ang banal na paghahain
sapagka’t tuwing ipinagdiriwang ang alaala ng Anak mong nag-aalay,
ang pagliligtas niya sa tanan ay nangyayari upang aming pakinabangan
sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
R. Amen.

PANALANGIN NG PAPURI AT PASASALAMAT

P. Sumainyo ang Panginoon.


R. At sumainyo rin.
P. Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.
R. Itinaas na namin sa Panginoon.
P. Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.
R. Marapat na siya ay ating pasalamatan
P. Ama naming makapangyarihan, tunay ngang marapat na ikaw ay aming
pasalamatan sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon.

Siya ang talagang dakila at lagi mong ikinalulugod


na paring naghahain para sa sansinukob
nitong pag-aalay na tangi mong ibinukod.
Ang pagdiriwang ng Huling Hapunan ay paghahain niya para sa tanan
upang alalahanin namin at pagsaluhan.
Ang laman niya’y inihain upang lahat ay buhayin.
Ang dugo niya’y dumanak nang lahat ay mapatawad.

Kaya kaisa ng mga anghel na nagpupuri sa iyo nang walang humpay sa


kalangitan ipinagbubunyi namin ang iyong kadakilaan.

Santo, Santo, Santo Panginoong Diyos na makapangyarihan ...

9
Nakalahad ang mga kamay ng punong tagapagdiwang habang dinarasal:

Ama naming maawain,


ipinaaabot namin ang pasasalamat sa iyo
sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo.

Pagdaraupin ng tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis,
samantalang kanyang dinarasal:

Ipinapakiusap namin sa pamamagitan ng Anak mong ito


na ang mga kaloob namin ay tanggapin at basbasan mo (+)
sa pagdiriwang namin ng paghahain niya sa iyo.
Nakalahad ang mga kamay ng tagapagdiwang sa pagdarasal.

Iniaalay namin sa iyo unang una,


para sa iyong banal na Simbahang Katolika.
Pagkalooban mo ng kapayapaan at pagkupkop,
pagkakaisa at pagtataguyod,
ang mga kaanib nito sa sansinukob,
kaisa ng aming Papa N., na iyong lingkod,
kasama ng aming Obispo N.
at ng lahat na nananalig at nagpapalaganap
sa pananampalatayang katoliko na galing sa mga apostol.
Pag-alala sa mga nabubuhay sa daigdig

Ama namin, iyong alalahanin


ang iyong mga anak na ngayo’y aming idinadalangin: N. at N.
Sila’y saglit na ipagdarasal ng pari nang may magkadaop na mga kamay. Pagkatapos, ang pari ay patulou
na magdarasal nang nakalahad ang mga kamay

Ang aming pananampalataya ay nababatid mo


gayun din ang pagsisikap naming maging tapat sa iyo.
Ang paghahaing ito ng pagpupuri ay aming iniaalay
para sa kapakanan namin at ng mga mahal namin sa buhay,
para sa aming kalusugan at walang hanggan kaligtasan,
Diyos na totoo at nabubuhay kailan man.

10
Pag-alala sa mga Banal

Kaisa ng buong Simbahan


ngayo'y aming ipinagdiriwang
ang dakilang kapistahan ng ginawang paghahain
ng aming Panginoong Hesukristo para sa amin.
Pinararangalan namin ngayon, unang una
ang Ina ng Diyos at Panginoon naming Hesukristo,
si Maria na maluwalhating laging Birhen,
gayundin ang kanyang kabyak ng pusong si San Jose,
ang iyong pinagpalang mga apostol at martir
na sina Pedro, Pablo at Andres,
(sina Santiago, Juan, Tomas, Felipe, Bartolome, Mateo, Simon, at Tadeo;
Gayundin sina Lino, Cleto, Clemente, Sixto, Cornelio, Cipriano, Lorenzo,
Crisogono, Juan at Pablo, Cosme at Damian)
at ang lahat ng iyong mga banal.
Pakundangan sa kanilang ginawang kabutihan
at walang sawang pagdalangin para sa aming kapakanan,
kami ay lagi mong kalingain at ipagsanggalang.
Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

Ama namin, iyong tanggapin


ang handog na ito ng iyong buong angkan
sa pag-alala sa dakilang araw
ng paghahain ng Katawan at Dugo
ng aming Panginoong Hesukristo
upang pagsaluhan ng mga alagad.
Loobin mong kami’y makapamuhay araw-araw sa iyong kapayapaan.
Huwag mong ipahintulot na kami ay mawalay sa iyo kailan man.
Ibilang mo kami sa iyong mga hinirang.
Lulukuban ng mga kamay ng tagapagdiwang ang mga alay habang siya’y nagdarasal:

Ama namin, basbasan mo


ang mga handog na ito.
Marapatin mong sambahin ka namin
sa Espiritu at katotohanan, kaya para sa amin
ito ay gawin mong maging Katawan at Dugo
ng pinakamamahal mong Anak, ang aming Panginoong Hesukristo.

11
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

Noong bisperas ng kanyang pagpapakasakit


para kami at ang lahat ng tao ay masagip,
nakisalo siya ngayon sa mga alagad niyang iniibig.
Hahawakan ng tagapagdiwang ang tinapay nang bahagyang nakataas habang kanyang patuloy na
inihahayag.

Hinawakan ni Hesus ang tinapay


sa kanyang banal at kagalang-galang na mga kamay.
Ang tagapagdiwang ay titingala

Tumingala siya sa langit, sa iyo, Diyos Amang niyang makapangyarihan,


at nagpasalamat siya sa iyo. Pinaghati-hati niya ang tinapay,
Iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang tagapagdiwang.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:


ITO ANG AKING KATAWAN NA IHAHANDOG PARA SA INYO.
Ipamamalas ang ostiyang itinalagang mgaing Katawan ni Kristo, ipapatong sa pinggan at luluhod siya sa
bilang pagsamba. Ipagpapatuloy ng tagapagdiwang:

Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,


Hahawakan ng tagapagdiwang ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang
kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang kalis na ito ng pagpapala


sa kanyang banal at kagalang-galang na mga kamay,
muli ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad at sinabi:
bahagyang yuyuko ang tagapagdiwang

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN.
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.

GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.

12
Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan ni Kristo, at luluhod siya
bilang pagsamba. Pagkatapos ay ipahahayag ng tagapagdiwang:

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.


Ipahahayag ng mga tao:

Si Kristo’y namatay!
Si Kristo’y nabuhay!
Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon!
Ilalahad ng punong tagapagdiwang ang kanyang mga kamay samantalang siya’y nagdarasal:

Ama,
kaming mga lingkod mo at bumubuo sa iyong bayang banal
ay nagdiriwang sa ala-ala ni Kristo na iyong Anak at aming Panginoon.
Ginugunita namin ang kanyang dakilang pagpapakasakit,
ang pagbangon niya mula sa kamatayan,
at ang matagumpay na pag-akyat niya sa kalangitan.
Kaya mula sa mga biyayang sa iyo rin nanggaling
Inihahandog namin sa iyong kataas-taasang kamahalan
ang paghahaing ito na katangi-tangi at dalisay:
ang pagkaing nagbibigay-buhay kailan man
at ang inuming nagbibigay-kagalingang walang katapusan.
Masdan mo nang buong kasiyahan ang aming mga alay na ito.
Ganapin mo sa mga ito ang ginawa mo
sa mga handog ni Abel, ang lingkod na matapat sa iyo,
sa paghahain ni Abraham, na ama namin sa pananampalatayang totoo,
at sa inihandang tinapay at alak ni Melkisedek, na paring hirang mo.
Paunlakan mo ngayong tanggapin ang banal at dalisay na paghahain.
Yuyuko ang pari at magdarasal siyang magkadaop ang mga kamay:

Makapangyarihang Diyos,
Hinihiling namin iyong ipaakyat sa banal mong anghel
ang mga alay na ito sa dakilang dambanang nasa iyong harap
upang sa pagsasalo sa banal na Katawan at Dugo ng iyong Anak
sa pakikinabang namin ngayon dito sa banal mong hapag
Tatayo ng tuwid ang pari at magkukrus samantalang nagdarasal

(+) kami ay mapuspos ng iyong pagpapala at tanang pagbabasbas.

13
Pag-alala sa mga yumao sa daigdig. Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal

Ama namin, iyo ring alalahanin


ang mga anak mong naunang yumao sa amin
sa paghimlay sa iyong kapayapaan
yamang ang tatak ng pananampalataya ay kanilang taglay
at sila ngayo’y aming ipinagdarasal: N at N.
Sila’y saglit na ipagdarasal ng pari. Pagkatapos nito ang pari ay patuloy na magdarasal nang nakalahad
ang mga kamay.

Sila at ang tanang nahihimlay sa kandungan ni Kristo


ay aming idinadalangin sa iyo
upang iyong pagbigyang makarating
sa pagsasalo, pagliliwanag, at pamamahinga sa iyong piling.
Dadagukan ng kanang kamay ng pari ang kanyang dibdib habang siya ay nagsisimulang magdasal.

Kahit kami ay makasalanan mong lingkod


Patuloy na magdarasal ang parin nang nakalahad ang mga kamay

kami rin ay nagtitiwala sa iyong nag-uumapaw na pagkamapagbigay


sa aming pamumuhay araw-araw.
Kaya pagindapatin mo rin kami ay magkaugnay at makapiling
ng iyong mga banal na apostol at martir,
kasama nina Juan Bautista, Esteban, Matias, Bernabe,
(Ignacio, Alejandro, Marcelino, Pedro, Felicidad,
Perpetua, Agata, Lucia, Agnes, Cecilia, Anastacia)
at ng lahat ng iyong mga banal.
Kami nawa’y makapisan nila
hindi dahil sa aming ginagawang kabutihang kulang na kulang
kundi pakundangan sa iyong pagpupuno sa aming kakulangan.
Pagdaraupin ang kanyang mga kamay

Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo.


At patuloy niyang ipahahayag

Sa kanyang pamamagitan ang tanang mabubuting kaloob mong ito


ay lagi mong pinaiiral, pinababanal, binubuhay, binabasbasan,
at sa ami’y ibinibigay.

14
Hahawakan ng tagapagdiwang ang pinggan ng ostiya at ang kalis at kapwa niyang itataas habang kanyang
ipinapahayag:

Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya, at sa kanya


ang lahat ng parangal at papuri ay sa Iyo,
Diyos Amang makapangyarihan,
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

R. Amen.

ANG PAKIKINABANG
Pagkalapag ng kalis at ostiya sa dambana, ipahahayag ng tagapagdiwang nang may magkadaop na mga
kamay:

Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos


at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos
ipahayag natin ng lakas loob:
Ilalahad ng tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at ipapahayag kaisa ng lahat:

Ama namin, sumasalangit ka. Sambahin ang Ngalan mo.


Mapasaamin ang kaharian mo. Sundin ang loob mo
dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga sala
para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
Nakalahad ang mga kamay ng tagapagdiwang sa pagdarasal.

Hinihiling naming kami’y iadya sa lahat ng masama,


pagkalooban ng kapayapaan araw-araw, iligtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang panalangin sa ganitong
pagbubunyi:

Sapagkat iyo ang kaharian at ang kapangyarihan


at ang kapurihan magpakailanman. Amen.

15
Nakalahad ang mga kamay ng tagapagdiwang sa pagdarasal.

Panginoong Hesukristo, sinabi mo sa iyong mga Apostol:


“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming pananampalataya
at huwag ang aming mga pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay at magpapatuloy

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.


R. Amen.
Ang tagapagdiwang ay paharap sa sambayanang maglalahad ng mga kamay sa pagpapahayag:

Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.


R. At sumainyo rin.
Maidaragdag ang sumusunod na paanyaya:

Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.


Pagkatapos nito ay hahawakan ng tagapagdiwang at hahati hatiin niya ito sa ibabaw ng pinggan at
isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:

Sa pagsasawak na ito ng Katawan sa Dugo ng aming Panginoong Hesukristo


tanggapin nawa namin sa pakikinabang ang buhay na walang hanggan.
Samantalang ginaganap ito, aawitin ang pahayag na ito:

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,


maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

16
Magkadaop ang mga kamay ng tagapagdiwang habang pabulong na dinarasal:

Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay,


sa kalooban ng Ama, kasama ng Espiritu Santo,
binuhay mo sa iyong pagkamatay ang sanlibutan.
Pakundangan sa iyong banal na Katawan at Dugo,
iadya mo ako sa tanang aking kasalanan at lahat ng masama,
gawin mong ako’y makasunod lagi sa iyong mga utos,
at huwag mong ipahintulot na ako’y mawalay sa iyo kailan man.
o kaya:

Ang pakikinabang sa Katawan at Dugo mo, Panginoong Hesukristo,


ay huwag nawang magdulot ng paghuhukom at parusa sa kasalanan ko.
Alang alang sa iyong dakilang pag-ibig nawa’y makatanggap
nang pagkupkop mo sa akin at kaloob mong lunas.
Luluhod ang tagapagdiwang at pagtayo niya ay kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa ibabaw ng
pinggan. Paharap niyang ipahahayag sa sambayanan:

Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.

R. Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo


ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.
Pagkatapos ng pakikinabang, ang lalagyan ng mga ostiya para sa Biyernes Santo ay hahayaang
nakapatong sa dambana at ang misa ay wawakasan sa pamamagitan ng Panalangin Pagkapakinabang.
Matapos nito babalik ang tagapagdiwang sa kanyang upuan at kanyang ipahahayag:

PANALANGING PAGKAPAKINABANG

Manalangin tayo

Ama naming mapagmahal,


ipagkaloob mong sa aming pakikinabang
sa ipinagdiwang ditong Hapunan ng Anak mong mahal
kami’y pagindapating makasalo kailan man
sa piging sa iyong piling sa kalangitan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

R. Amen.

17
PRUSISYON NG BANAL NA SAKRAMENTO

Pagkatapos ng panalangin, luluhod ang pari sa harap ng dambana at lalagyan niya ng


insenso ang insensaryo. Samantalang siya’y nakaluhod, iinsensuhan niya nang tatlong ulit
ang Banal na Sakramento. Pagkaraa’y ilalagay sa balikat niya ang balabal na ang dulo
ay gagamitin niya upang takpan ang lagayan ng mga ostiya na kanyang dadalhin sa
prusisyon.

Ang banal na Sakramento ay ipuprusisyon sa loob ng simbahan sa pangunguna ng


tagapagdala ng krus na napaggigitnaan ng mga kandila at sinusundan ng tagapagdala ng
insensaryo. Ang prusisyon ay paroroon sa paglalagakan ng Sakramento; ang pook na ito
ay dapat na isang kapilya sa loob ng simbahan at napapalamutian ng nababagay na gayak
para sa pagkakataong ito. Sa pagpuprusisyon, aawit ng mga awiting ukol sa Katawan ni
Kristo.

Pagsapit ng prusisyon sa paglalagakan, ipapatong ng pari sa dambana ang lalagyan ng


Sakramento.

PANALANGIN SA PAGSAMBA

P. Katawan ni Kristo ipinaglihi ng mahal na Birheng Maria:


R. Parangal at papuri ngayon at magpakailanman.

P. Katawan ni Kristo, inialay sa krus:


R. Parangal at papuri ngayon at magpakailanman.

P. Katawan ni Kristo muling nabuhay sa libingan:


R. Parangal at papuri ngayon at magpakailanman.

P. Dugo ni Kristo kabayaran sa ating kalayaan:


R. Parangal at papuri ngayon at magpakailanman.

P. Dugo ni Kristo tatak ng bagong ugnayan:


R. Parangal at papuri ngayon at magpakailanman.

P. Dugo ni Kristo inumin ng buhay na walang hanggan:


R. Parangal at papuri ngayon at magpakailanman.

18
P. Puso ni Kristo, inulos ng isang sibat:
R. Parangal at papuri ngayon at magpakailanman.

P. Puso ni Kristo bukal ng awa:


R. Parangal at papuri ngayon at magpakailanman.

P. Puso ni Kristo bukal ng pag-ibig:


R. Parangal at papuri ngayon at magpakailanman.

P. Tinapay ng Buhay na bumaba mula sa langit:


R. Ipagkaloob mo sa amin ang iyong kaligtasan.

P. Salita ng Buhay mula sa Ama:


R. Ipagkaloob mo sa amin ang iyong kaligtasan.

P. Tagapagkaloob ng Espiritu Santo:


R. Ipagkaloob mo sa amin ang iyong kaligtasan.

P. Lalaking ikakasal sa banal na Simbahan:


R. Ipagkaloob mo sa amin ang iyong kaligtasan.

P. Tagapagligtas ng sanlibutan:
R. Ipagkaloob mo sa amin ang iyong kaligtasan.

P. Kaibigan ng kabataan at dukha:


R. Ipagkaloob mo sa amin ang iyong kaligtasan.

P. Sa pagsapit mo sa huling araw


R. Ipagkaloob mo sa amin ang iyong kaligtasan.

Matapos ang panalangin ng pagsamba, aawiting ang ‘Tantum Ergo’ at ang


tagapagdiwang ay muling maglalagay ng insenso sa insensaryo. Samantalang siya’y
nakaluhod, iinsensuhan niya ang Sakramento. Pagkatapos nito’y isasara ang pinto ng
tabernakulong pinaglalagakan ng Sakramento.

Matapos ang ilang saglit nang matahimik na pagsamba, magbibigay galang ang pari at
mga tagapaglingkod sa harap ng isinarang tabernakulo at sila ay babalik na sa bihisan.

19
Ang dambana ay aalisan ng takip at kung maaari, ang lahat ng mga krus sa simbahan ay
itatago. Iminumungkahing takpan ang mga krus na hindi maiaalis sa kinalalagyan.

Uumpisahan ang pagsamba sa banal na Sakramento. Ang maringal na pagsamba ay hindi


dapat ipagpatuloy paglampas ng hatinggabi.

20
21
BIYERNES SANTO

Pagdiriwang ng Pagpapakasakit ng Panginoon

Ang dambana ay walang anumang mantel o krus.

Gaganapin sa ikatlo ng hapon ang pagdiriwang ng Pagpapakasakit ng Panginoon. May tatlong yugto ang
pagdiriwang ngayon: Ang Pagpapahayag ng Salita ng Diyos, Pagpaparangal sa Krus na Banal, at ang
Pakikinabang.

Uumpisahan ang pagdiriwang sa pagluhod ng lahat ng mga makikilahok sa pagdiriwang. Ang


tagapagdiwang at mga tagapaglingkod ay paroroon sa dako ng dambana, ang tagapagdiwang ay
magpapatirapa habang ang mga tagapaglingkod ay magtutungo sa kani-kanilang nararapat na tunguhan
at doon ay luluhod. Ang lahat ay tahimik na mananalangin.

Pagkatapos nito, ang tagapagdiwang ay paroroon sa kanyang upuan, haharap sa mga tao at kanyang
ipahahayag ng magkadaop ang mga kamay ang sumusunod na panalangin:

Panalangin (Hindi ito pangungunahan ng ‘Manalangin tayo.’)

Ama naming makapangyarihan,


alalahanin mo ang iyong awa at pagmamahal
at sa iyong paglingap, gawin mong banal kaming lahat
na siyang dahilan kaya’t dugo’y dumanak
upang pagsaluhin kami
sa piging ng Pagkabuhay na kanyang itinatag
bilang aming Tagapamagitan kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
o kaya:
Ama naming makapangyarihan,
winakasan mo sa pagpapakasakit ng iyong Anak
ang kamatayang bunga ng minanang kasalanang kinasangkutan ng lahat.
Sa aming pagkakawangis bilang tao
sa iyong nagkatawang taong Anak na si Kristo
ipagkaloob mong kami’y maging kanyang kaparis
sa pagkabuhay na dulot ng iyong pag-ibig
sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

R. Amen.

22
PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

UNANG PAGBASA Isaias 52, 13 – 53, 12

SALMONG TUGUNAN Salmo 30, 2 at 6. 12-13. 15-16. 17 at 25


(Tugon: Lucas 23, 46)

IKALAWANG PAGBASA Hebreo 4, 14 – 16; 5, 7 – 9

MABUTING BALITA Juan 18, 1 – 19, 42

Ang pagpapahayag ay di lalahukan ng insensaryo o mga kandila. Hindi rin ito pangungunahan ng pagbati
tulad ng dati. Walang pagkukrus na gagawin ang pari o diyakono.

P. Ang Pagpapakasakit ng ating Panginoong Hesukristo ayon kay San Juan

(Mga tauhan: T – Tagapagsalaysay; H – Hesus; P – Pedro, Pilato, utusang babae, kawal;


B – Bayan at iba pa)
T- Noong panahong iyo, umalis si Hesus kasama ang kanyang mga alagad.
Pumunta sila sa ibayo ng batis Cedron at pumasok sa isang halamanan doon.
Ang lugar na ito’y alam ni Hudas na nagkanulo sa kanya, sapagkat madalas
magpunta roon si Hesus at ang kanyang mga alagad. Pumaroon si Hudas,
kasama ang ilang mga bantay ng templo at isang pangkat ng mga kawal na
padala ng mga punong saserdote at mga Pariseo. May dala silang mga parol,
sulo, at sandata. Alam ni Hesus ang lahat ng mangyayari sa kanya, kaya’t
sila’y sinalubong niya at tinanong:
H- Sino ang hinahanap ninyo?
B- SI HESUS NA TAGA-NAZARET.
H- Ako si Hesus.
T- Kaharap nila si Hudas na nagkanulo sa kanya. Nang sabihin ni Hesus na siya
nga, napaurong sila at nabuwal sa lupa. Muli siyang nagtanong:

23
H- Sino nga ba ang hinahanap ninyo?
B- SI HESUS NA TAGA-NAZARET.
H- Sinabi ko na sa inyong ako si Hesus. Kung ako ang hinahanap ninyo,
hayaan ninyong umalis ang mga taong ito.
T- Sinabi ito ni Hesus upang matupad ang kanyang salita, “Walang napahamak
kahit isa sa mga ibinigay mo sakin, Ama.” Binunot ni Simon Pedro ang
kanyang tabak at tinaga ang alipin ng pinakapunong saserdote. Natigpas ang
kanang tenga ng aliping yaon na pangala’y Malco. Sinabi ni Hesus kay Pedro:
H- Isalong mo ang iyong tabak! Dapat kong inumin ang kalis ng paghihirap
na ibinigay sa akin ng Ama.
T- Si Hesus ay dinakip at ginapos ng mga bantay na Hudyo at ng pangkat ng mga
kawal sa pamumuno ng kanilang kapitan. Siya’y dinala muna kay Anas na
biyenan ni Caifas na pinakapunong saserdote nang panahong yaon. Si Caifas
ang nagpayo sa mga Hudyo na mas mabuti para sa kanila na isang tao lamang
ang mamatay alang-alang sa bayan.
Si Simon Pedro at ang isa pang alagad ay sumunod kay Hesus. Kilala ng
pinakapunong saserdote ang alagad na ito, kaya’t nakapasok siyang kasama
ni Hesus sa patyo ng bahay ng pinakapunong saserdote. Naiwan naman si
Pedro sa labas ng pintuan. Lumabas ang alagad na kilala ng pinakapunong
saserdote, kinausap ang dalagang nagbabantay sa pinto, at pinapasok si Pedro.
Si Pedro’y tinanong ng dalaga:
P- Hindi ba’t isa ka sa mga alagad ng taong iyan?
T- Sumagot si Pedro.
P- Hindi.
T- Maginaw noon, kaya’t nagpabaga ng uling ang mga alipin at mga bantay at
tumayo sa paligid ng siga upang magpainit. Nakihalo si Pedro at nagpainit
din.
Si Hesus ay tinanong ng pinakapunong saserdote tungkol sa kanyang mga
alagad at sa kanyang itinuturo. Sumagot si Hesus:
H- Hayagan akong nagsasalita sa madla; lagi akong nagtuturo sa mga
sinagoga at sa templo ng mga hudyo. Wala akong sinabing palihim. Bakit
ako ang tinatanong ninyo? Ang tanungin ninyo’y mga nakarinig sa akin;
alam nila kung ano ang sinabi ko.
T- Pagkasabi nito, siya’y sinampal ng isa sa mga bantay na naroroon.
P- Bakit mo sinasagot ng ganyan ang pinakapunong saserdote?
T- Sinagot siya ni Hesus:

24
H- Kung nagsalita ako ng masama, patunayan mo! Nguni’t kung mabuti ang
sinabi ko, bakit mo ako sinampal?
T- Si Hesus na nagagapos pa noon ay ipinadala ni Anas kay Caifas, ang
pinakapunong saserdote.
Samantala, naroon pa rin si Simon Pedro at nagpapainit. Siya’y tinanong nila:
P- Hindi ba’t alagad ka rin ng taong iyan?
T- Sumagot si Pedro.
P- Hindi!
T- Tinanong naman siya ng isa sa mga alipin ng pinakapunong saserdote, kamag-
anak ng lalaking tinagpasan niya ng tainga:
P- Hindi ba ikaw ang nakita kong kasama ni Hesus sa halamanan?
T- Muling itinatwa ito ni Pedro. Siya namang pagtilaok ng manok.
Mula sa bahay ni Caifas, si Hesus ay dinala nila sa palasyo ng gobernador.
Umaga na noon. Hindi pumasok ang mga Hudyo sa palasyo ng gobernador,
upang sila’y huwag maituring na di karapat-dapat kumain ng Hapunang
Pampaskuwa. Kaya’t sa labas sila tinanggap ni Pilato at tinanong:
P- Ano ang sakdal ninyo laban sa taong ito?
T- Sumagot sila:
B- KUNG HINDI PO SIYA GUMAWA NG MASAMA, HINDI NAMIN SIYA
DADALHIN SA INYO.
T- Sumagot si Pilato:
P- Dalhin ninyo siya, at hatulan ayon sa inyong kautusan.
T- Sumagot ang mga Hudyo:
B- WALA PO KAMING KAPANGYARIHANG HUMATOL NG
KAMATAYAN KANINUMAN.
T- Nangyari ito upang matupad ang sinabi ni Hesus tungkol sa paraan ng
kanyang pagkamatay. Si Pilato’y pumasok uli sa palasyo at tinawag si Hesus:
P- Ikaw ba ang Hari ng mga Hudyo?
T- Sumagot si Hesus:
H- Iyan ba’y galing sa inyong sariling isipan, o may nagsabi sa inyo?
T- Tinanog siya ni Pilato:
P- Ako ba’y Hudyo? Ang mga kababayan mo at ang mga punong saserdote ang
nagdala sa iyo rito. Ano ba ang ginawa mo?
T- Sumagot si Hesus.

25
H- Ang kaharian ko’y hindi sa sanlibutang ito. Kung sa sanlibutang ito ang
aking kaharian, ipinakipaglaban sana ako ng aking mga tauhan at hindi
naipagkanulo sa mga Hudyo. Nguni’t hindi sa sanlibutang ito ang aking
kaharian!
P- Kung gayon, isa kang hari?
T- Sumagot si Hesus.
H- Kayo na ang nagsasabing ako’y hari. Ito ang dahilan kung bakit ako
ipinanganak at naparito sa sanlibutan: upang magsalita tungkol sa
katotohanan. Nakikinig sa aking tinig ang sinumang nasa katotohanan.
T- Tinanong siya ni Pilato:
P- Ano ba ang katotohanan?
T- Pagkasabi nito, muling lumabas si Pilato at sinabi sa mga Hudyo:
P- Wala akong makitang kasalanan sa taong ito. Nguni’t ayon sa inyong
kaugalian, dapat akong magpalaya ng isang bilanggo kung araw ng
Paskuwa. Ibig ba ninyong palayain ko ang Hari ng mga Hudyo?
B- HINDI! HUWAG SIYA! KUNDI SI BARRABAS!
T- Si Barrabas ay isang tulisan. Kaya’t ipinakuha ni Pilato si Hesus at
ipinahagupit. Ang mga kawal ay kumuha ng halamang matinik, ginawang
korona, at ipinutong kay Hesus. At sinuutan siya ng balabal na purpura. Isa’t
isa’y lumalapit sa kanya at ang wika:
B- MABUHAY ANG HARI NG MGA HUDYO!
T- At si Hesus ay pinagsasampal. Lumabas muli si Pilato at sinabi sa kanila:
P- Ihaharap ko siya sa inyo upang malaman ninyo na wala akong makitang
kasalanan niya!
T- At inilabas si Hesus na may koronang tinik at balabal na purpura. Sinabi sa
kanila ni Pilato:
P- Narito ang tao!
T- Pagkakita sa kanya ng mga punong saserdote at ng mga bantay, sila’y
sumigaw:
B- IPAKO SA KRUS! IPAKO SA KRUS! IPAKO SA KRUS!
T- Sinabi ni Pilato:
P- Kunin ninyo siya at kayo ang magpako sa kanya. Wala akong makitang
kasalanan niya.
T- Sumagot ang mga Hudyo:
B- AYON SA AMING KAUTUSA’Y NARARAPAT SIYANG MAMATAY,
SAPAGKAT SIYA’Y NAGPANGGAP NA ANAK NG DIYOS.

26
T- Lalong natakot si Pilato nang marinig niya ang pananalitang ito. Muli siyang
pumasok sa palasyo at tinanong si Hesus:
P- Tagasaan ka ba?
T- Subali’t hindi tumugon si Hesus. Ani Pilato:
P- Ayaw mo bang makipag-usap sa akin? Hindi mo ba alam na maaari kitang
palayain o ipapako sa krus?
T- At sumagot si Hesus:
H- Kaya mo lamang magagawa iyan ay sapagkat ipinagkaloob sa iyo ng
Diyos ang kapangyarihang iyan, kaya mas mabigat ang kasalanan ng
nagdala sa akin dito.
T- Nang marinig ito ni Pilato, lalo niyang hinangad na palayain si Hesus. Ngunit
nagsigawan ang mga tao:
B- KAPAG PINALAYA MO ANG TAONG IYAN, HINDI KA KAIBIGAN NI
CESAR! SINUMANG NAGPAPANGGAP NA HARI AY KALABAN NG
CESAR!
T- Pagkarinig ni Pilato ng pangungusap na ito, inilabas niya si Hesus. At siya’y
lumuklok sa hukuman, sa dakong tinatawag na “Ang Plataporma.” Gabata sa
wikang Hebreo. Araw noon ng Paghahanda sa Paskuwa at mag-
iikalabindalawa na ng tanghali. Sinabi ni Pilaot sa mga Hudyo:
P- Narito ang inyong hari!
T- Sumigaw sila:
B- PATAYIN SIYA! PATAYIN! IPAKO SA KRUS!
T- Tanong ni Pilato:
P- Ipapako ko ba sa krus ang inyong hari?
T- Sumagot ang mga punong saserdote:
B- WALA KAMING HARI KUNDI ANG CESAR!
T- Kaya’t si Hesus ay ibinigay sa kanila ni Pilato upang ipako sa krus. Kinuha
nga nila si Hesus. At lumabas siya na pasan ang kanyang krus, patungo sa
lugar na kung tawagi’y “Dako ng Bungo.” Golgota sa wikang Hebreo.
Pagdating doon, siya’y ipinako sa krus, kasama ng dalawa pa—isa sa gawing
kanan at isa sa kaliwa. Sumulat si Pilato ng ganitong pangungusap at
ipinalagay sa krus: “Si Hesus na taga-Nazaret, ang Hari ng mga Hudyo.”
Nasusulat ito sa wikang Hebreo, Latin, at Griyego at marami sa mga Hudyo
ang nakabasa nito, sapagkat malapit sa lungsod ang dakong pinagpakuan kay
Hesus. Kaya’t sinabi ng mga punong saserdote kay Pilato:
B- HUWAG NINYONG ISULAT NA HARI NG MGA HUDYO, KUNDI,
“SINABI NG TAONG ITO, AKO ANG HARI NG MGA HUDYO.”

27
T- Sumagot si Pilato:
P- Ang naisulat ko ay naisulat ko na.
T- Nang maipako na ng mga kawal si Hesus, kinuha nila ang kanyang kasuotan
at pinaghati-hatian ng apat. Kinuha rin nila ang kanyang tunika; ito’y walang
tahi at hinabi nang buo mula sa itaas hanggang sa ibaba. Nag-usap-usap ang
mga kawal:
B- HUWAG NATING PUNITIN ITO; MAGSAPALARAN NA LAMANG
TAYO PARA MALAMAN KUNG KANINO ITO MAUUWI.
T- Nangyari ito upang matupad ang isinasaad ng Kasulatan, “Pinaghati hatian
nila ang aking mga kasuotan; at ang aking damit ay kanilang pinagsapalaran.”
Gayon nga ang ginawa ng mga kawal.
Nakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina ang kapatid na babae
nitong si Maria, na asawa ni Cleopas. Naroon din si Maria Magdalena. Nang
makita ni Hesus ang kanyang ina, at ang minamahal niyang alagad sa tabi nito,
kanyang sinabi:
H- Ginang, narito ang iyong anak!
T- At sinabi ni Hesus sa alagad:
H- Narito ang iyong ina!
T- Mula noon, siya’y pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay. Pagkatapos
nito, alam ni Hesus na naganap na ang lahat ng bagay; at bilang katuparan ng
Kasulatan ay sinabi niya:
H- Nauuhaw ako!
T- May isang mangkok doon na pino ng maasim na alak. Itinubog nila rito ang
isang espongha, ikinabit sa sanga ng isopo at idiniit sa kanyang bibig. Nang
masipsip ni Hesus ang alak ay kanyang sinabi:
H- Naganap na!
T- Iniyukyok ni Hesus ang kanyang ulo at nalagot ang kanyang hininga.
(Luluhod ang lahat at sandaling mananahimik)

T- Noo’y araw ng Paghahanda at ayaw ng mga Hudyo na manatili sa krus ang


mga bangkay sa Araw ng Pamamahinga sapagkat dakila ang Araw ng
Pamamahingang ito. Kaya’t hiniling nila kay Pilato na ipabali nito ang mga
binti ng mga ipinako sa krus, at alisin doon ang mga bangkay. Naparoon nga
ang mga kawal at binali ang mga binti ng dalawang ipinakong kasabay ni
Hesus.

28
Ngunit pagdating nila kay Hesus at makitang patay na siya, hindi na nila binali
ang kanyang mga binti. Subalit inulos ng sibat ng isa sa mga kawal ang
tagiliran ni Hesus, at biglang dumaloy ang dugo at tubig. Ang nakakita nito
ang nagpapatotoo—tunay ang kanyang patotoo at niyang katotohana ang
sinabi niya—upang kayo’y maniwala. Nangyari ang mga ito upang matupad
ang sinasabi ng Kasulatan, “Walang mababali isa man sa kanyang mga buto.”
At sinabi naman ng ibang bahagi ng Kasulatan, “Pagmamasdan nila ang
kanilang inulos.”

Pagkatapos nito, si Jose na taga-Arimatea ay nagsadya kay Pilato upang


humingi ng pahintulot na makuha ang bangkay ni Hesus. Si Jose’y isang
alagad ni Hesus, ngunit palihim nga lamang dahil sa takot sa mga Hudyo. At
pinahintulutan siya ni Pilato; kaya’t kinuha ni Jose ang bangkay ni Hesus.
Sumama sa kanya si Nicodemo, may dalang pabango—mga sandaang libra
ng pinaghalong mira at aloe. Siya ang nagsadya kay Hesus isang gabi. Kinuha
nila ang bangkay ni Hesus, at nilagyan ng pabango habang binabalot sa
kayong lino, ayon sa kaugalian ng mga Hudyo. Sa pinagpakuan kay Hesus ay
may isang halamanan, at dito’y may isang libingang hindi pa napaglilibingan.
Yamang noo’t araw ng Paghahanda ng mga Hudyo, at dahil sa malapit naman
ang libingang ito, doon nila inilibing si Hesus.

P. Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


R. Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo.

HOMILIYA
PANALANGING PANGKALAHATAN

Ang pagpapahayag ng Salita ng Diyos ay wawakasan ng panalanging pangkalahatan. Tatayo ang


tagapagdiwang sa harap ng kanyang upuan. Ipapahayag nang magkadaop ang mga kamay ng
tagapagdiwang na naglalahad ng kamay sa bawat kahilingan.

Para sa Banal na Simbahan


Idalangin natin, mga mahal kong kapatid,
ang banal na Sambayanan ng Diyos sa buong daigdig
upang pagkalooban ng kapayapaan at pagkupkop,
pagkakaisa, at pagtataguyod ang mga kaanib nito sa sansinukob
at upang tayo’y bigyan ng pamumuhay na matiwasay
para tayo’y makasamba sa Diyos Ama nating makapangyarihan.

29
Luluhod ang lahat. Pagkatapos ng tahimik na pananalangin, tayo ang lahat at ipahahayag ng
tagapagdiwang ang mga sumusunod:

Ama naming makapangyarihan,


sa katauhan ng Anak mong si Kristo
ipinahayag mo ang iyong kadakilaan sa lahat ng mga tao.
Lingapin mo ang iyong mga ginawa dahil sa pag-ibig
upang ang iyong Sambayanang laganap sa buong daigdig
para sambahin ang banal mong ngalan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
R. Amen.

Para sa Papa
Idalangin natin ang ating Banal na Papa na si N.
na hinirang ng Diyos sa hanay ng mga tagapangasiwa
upang kanyang bigyan ng kalusugan at mahabang buhay
para sa kapakanan ng kanyang banal na Sambayanang
ipinagkatiwala para paglingkuran
Luluhod ang lahat. Pagkatapos ng tahimik na pananalangin, tayo ang lahat at ipahahayag ng
tagapagdiwang ang mga sumusunod:

Ama naming makapangyarihan,


sa iyong kapasyahan umiiral ang sanlibutan.
Paunlakan mo ang aming kahilingan na iyong lingapin si Papa N.
na iyong hinirang para kami pangasiwaan
upang ang Sambayanang Kristiyano na iyong pinamumunuan
ay mapamahalaan niya nang may kaunlaran sa pananampalataya
at gawang kabutihang iyong inaasahan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
R. Amen.

Para sa Kaparian at Lahat ng Kaanib ng Simbahan


Idalangin din natin si N. na ating Obispo, gayundin ang lahat ng mga obispo,
mga pari, at mga diyakuno, at ang tanang kabilang sa sambayanang Kristiyano
Luluhod ang lahat. Pagkatapos ng tahimik na pananalangin, tayo ang lahat at ipahahayag ng
tagapagdiwang ang mga sumusunod:

30
Ama naming makapangyarihan,
ang iyong Espiritu ay nagpapabanal at nagtataguyod sa buong Simbahan.
Dinggin mo ang aming pagluhog para iyong mga tagapaglingkod
upang mapaglingkuran kang matapat sa tulong ng iyong kagandahang-loob
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
R. Amen.

Para sa mga Inihahandang Tao sa Pagbibinyag


Idalangin din natin ang mga inihahandang tao sa pagbibinyag
upang ang kanilang kalooban ay makatugon sa pagtawag
ng Diyos Ama nating makapangyarihan
para sa tubig ng binyag sila’y muling maisilang
sa ikapagpapatawad ng lahat ng kasalanan
at sa ikapagkakamit ng pakikisalo kay Hesus na Poong mahal.
Luluhod ang lahat. Pagkatapos ng tahimik na pananalangin, tayo ang lahat at ipahahayag ng
tagapagdiwang ang mga sumusunod:

Ama naming makapangyarihan,


lagi mong pinauunlad ang Sambayanan
sa pagkakaroon ng karagdagang kabilang.
Sa pananampalataya at pagkaunawa ay magkaroon nawa ng pag-unlad
ang mga inihahanda sa pagbibinyag
upang sa muli nilang pagsilang bilang binyagan
sila’y mapabilang sa mga kaanib ng iyong angkan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
R. Amen.

Para sa Pagkakaisa ng mga Kristiyano


Idalangin din natin ang lahat ng ating mga kapatid
na pawang kay Hesukristo nananalig
upang marapatin ng Diyos Ama nating makapangyarihan
na sila’y tipunin at lingapin sa iisa niyang Sambayanan.
Luluhod ang lahat. Pagkatapos ng tahimik na pananalangin, tayo ang lahat at ipahahayag ng
tagapagdiwang ang mga sumusunod:

31
Ama naming makapangyarihan,
tinitipon mo ang mga nawalay at tinatangkilik mo
ang mga nagkakatipon sa iyong Sambayanan.
Lingapin mo ang mga kabilang sa kawan ng iyong Anak
na sa iyo itinalaga sa buklod ng iisang binyag
upang sila’y magkabuklod sa buong pananalig
at sila’y magkapisan sa buklod ng pag-ibig
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
R. Amen.

Para sa mga Judio


Idalangin din natin ang mga Judio
na unang pinagpahayagan ng Diyos na totoo
upang ipagkaloob niyang sa pag-ibig sa kayang Ngalan
sila ay umunlad sa pagiging matapat sa kanyang tipan.
Luluhod ang lahat. Pagkatapos ng tahimik na pananalangin, tayo ang lahat at ipahahayag ng
tagapagdiwang ang mga sumusunod:

Ama naming makapangyarihan,


pinangatawanan mo ang iyong mga pangako kay Abraham
at sa tanang sa kanya ay sumilang.
Dinggin mo ang pagluhog ng iyong Sambayanan
upang ang mga tao na iyong unang hinirang
ay pagindapating sumapit sa kaganapan ng kaligtasan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
R. Amen.

Para sa mga hindi sumasampalataya kay Kristo


Idalangin din natin ang tanang hindi pa sumasampalataya kay Kristo
upang tahakin nila ang landas ng kaligtasan
na naliliwanagan ng Espiritu Santo.
Luluhod ang lahat. Pagkatapos ng tahimik na pananalangin, tayo ang lahat at ipahahayag ng
tagapagdiwang ang mga sumusunod:

32
Ama naming makapangyarihan,
gawin mong ang mga hindi pa nananalig sa iyong Anak
ay makatuklas sa katotohanan sa pamumuhay nilang wagas
at kaming sa pag-ibig mo ay laging umuunlad
sa pagmamalasakit sa tanang sa iyo’y humahanap
ay maging mga saksing mapapaniwalaan
ng iyong dakilang pag-ibig sa sanlibutan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
R. Amen.

Para sa mga hindi pa sumasampalataya sa Diyos


Idalangin din natin ang mga hindi pa sumasampalataya sa Diyos
upang pagindapating sa kanya’y makadulog
sa paniniwalang wagas na kanilang sinusunod
Luluhod ang lahat. Pagkatapos ng tahimik na pananalangin, tayo ang lahat at ipahahayag ng
tagapagdiwang ang mga sumusunod:

Ama naming makapangyarihan,


nilikha mo ang lahat ng mga tao upang lagi kang hanapin
at pag natagpuan ka’y masiyahang walang maliw.
Ipagkaloob mong kahit may mga di kanais-nais na balakid
mabanaagan pa rin ng tanan ang mga pahiwatig ng iyong pag-ibig
at matanggap nila ang mga gawang kabutihan
ng mga sumasampalataya bilang kaakit-akit na katibayan
na ikaw ang Diyos na totoo at Amang aming pinanggalingan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
R. Amen.

Para sa mga Umuugit sa Pamahalaan


Idalangin natin ang mga may tungkuling maglingkod sa bayan
at umuugit sa ating pamahalaan upang ang kalooban nila
ay itaguyod ng Amang Maykapal alinsunod sa kanyang kinalulugdan
sa ipagkakamit ng kapayapaan at kalayaan ng tanan.
Luluhod ang lahat. Pagkatapos ng tahimik na pananalangin, tayo ang lahat at ipahahayag ng
tagapagdiwang ang mga sumusunod:

33
Ama naming makapangyarihan,
nasa iyong kamay ang adhika at karapatan ng tanan.
Tunghayan mo ang mga umuugit sa aming pamahalaan
upang sumagana ang tanan sa sanlibutan sa ipagkakamit ng kapayapaan
at ikapananatili ng kalayaan na ikaw ay sambahin alinsunod sa iyong loobin
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
R. Amen.

Para sa mga may Tanging Pangangailangan


Idalangin natin, mga kapatid, sa Ama nating makapangyarihan
na ang sanlibutan ay maibsan ng tanang katiwalian,
ang mga karamdaman ay malunasan, ang kagutuman ay maparam,
ang mga nasa piitan ay lumayang tuluyan,
ang mga naaapi ay mahango sa kawalang-katarungan
ang mga naglalakbay ay maluwalhating sumapit sa paroroonan,
ang mga nasa ibang bansa ay makauwi sa kanilang bayan,
ang mga maysakit ay magkamit ng kagalingan
at ang mga nag-aagaw buhay ay matiwasay na mahimlay.
Luluhod ang lahat. Pagkatapos ng tahimik na pananalangin, tayo ang lahat at ipahahayag ng
tagapagdiwang ang mga sumusunod:

Ama naming makapangyarihan,


binubuhayan mo ng loob ang mga nasa kapighatian,
pinatatatag mo ang mga may mabigat na pinapasan.
Paunlakan mo ang mga kahilingan ng mga dumaraing
dahil sa maraming mga pinagtitiisan upang bawa’t nasa kapighatian
ay magkamit ng kasiyahang madama ang iyong pagmamahal
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
R. Amen.

34
ANG PAGPAPARANGAL SA KRUS NA BANAL

Ang lahat ng tao ay luluhod habang ito ay ginaganap maliban sa paring magdadala ng krus at mga
tagapaglingkod na siyang gaganap sa bahaging ito.

Ang nahahabingang krus ay dadalhin sa gawi ng dambana. Ipuprusisyon ito na nasa gitna ng dalawang
tagapagdala ng nagdiringas na kandila. Ang pari na may dala ng krus sa may gawing pinto ng simbahan
ay hahawiin ang telang nakalukob sa gawing ulunan ng krus at kanya itong itataas habang inaawit ang
sumusunod na paanyaya:

Sa kahoy ng krus na banal


ni Hesus na Poong mahal
nalupig ang kamatayan
at sa muling pagkabuhay
ang pag-asa ay sumilay.
At tutugon naman ang bayan sa paanyaya:

R. Purihin at ipagdangal
ang ating Poong Maykapal:
Ama na Bukal ng buhay,
Anak na s’ya nating daan,
Espiritung ating Tanglaw.

Lalakad ngayon ang pari tangan ang krus kasama ng mga tagapaglingkod. Pagdating sa gawing gitna ng
simbahan, hahawiin ng pari ang telang nakalukob sa gawing kanan ng krus. Muli niyang itataas ang krus
habang inaawit muli ang sumusunod na paanyaya:

Sa kahoy ng krus na banal


ni Hesus na Poong mahal
nalupig ang kamatayan
at sa muling pagkabuhay
ang pag-asa ay sumilay.
At tutugon naman ang bayan sa paanyaya:

R. Purihin at ipagdangal
ang ating Poong Maykapal:
Ama na Bukal ng buhay,
Anak na s’ya nating daan,
Espiritung ating Tanglaw.

35
Lalakad muli ang pari tangan ang krus hanggang makarating sa gawing unahan ng sanktwaryo. Pagdating
dito, hahawiin ang buong telang nakalambong sa krus. Muli niyang itataas ang krus habang inaawit muli
ang sumusunod na paanyaya:

Sa kahoy ng krus na banal


ni Hesus na Poong mahal
nalupig ang kamatayan
at sa muling pagkabuhay
ang pag-asa ay sumilay.
At tutugon naman ang bayan sa paanyaya:

R. Purihin at ipagdangal
ang ating Poong Maykapal:
Ama na Bukal ng buhay,
Anak na s’ya nating daan,
Espiritung ating Tanglaw.

Pagkatapos nito, maaaring ilapag ang krus sa lalagyan nito o ibigay sa mga tagapaglingkod upang
kanilang hawakan. Lalapit ang tagapagdiwang upang magbigay galang sa krus. Siya’y luluhod ng tatlong
beses sa krus pagkaraa’y siya’y hahalik sa alinmang sugat na natamo ng ating Panginoon sa kanyang
pagkapako sa krus. Matapos nito, ang sambayanang natitipon naman ang lalapit sa krus upang sila’y
magbigay galang dito.

Matapos ang pagpaparangal sa krus, maaaring iwan ang krus sa lugar na kinaroroonan niyo nang may
dalawang nagdiringas na kandila sa dalawang gilid nito o maari ring ito’y dalhin sa tayuan nito sa
dambana.

ANG BANAL NA PAKIKINABANG

Ang dambana’y lalatagan ng mantel ng mga tagapaglingkod, pagkatapos ay ilalatag naman ang telang
patungan ng Katawan ni Kristo. Ilalagay na rin sa dambana ang aklat. Ang pari o diyakuno o ang mga
tagapaglingkod ang siyang susundo sa Banal na Sakramento mula sa pinaglagakan nito upang dalhin sa
dambana. Habang ito ay dinadala patungo sa dambana, lahat ay tahimik na nakatindig. May dalawang
tagapaglingkod na magdadala ng dalawang nagdiringas ng kandila at sila’y sasabay sa pari o diyakuno o
tagapaglingkod na may tangan sa Banal na Sakramento.

Ipapatong ang Banal na Sakramento sa telang patungan sa ibabaw ng dambana habang ang dalawang
nagdiringas na kadila ay ipapatong rin sa magkabilang dulo ng dambana. Ang mga lalagyan ay bubuksan.
Tutungo ang tagapagdiwang sa dambana, magbibigay galang sa Banal na Sakramento, at saka siya titindig
nang nakaharap sa sambayanan.

Malakas niyang ipahahayag ang sumusunod na paanyaya ng magkadaop ang mga kamay:

36
Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos
at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos
ipahayag natin nga lakas na loob:
Ilalahad ng tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at ipapahayag kaisa ng lahat:

Ama namin, sumasalangit ka. Sambahin ang Ngalan mo.


Mapasaamin ang kaharian mo. Sundin ang loob mo
dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga sala
para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
Nakalahad ang mga kamay ng tagapagdiwang sa pagdarasal.

Hinihiling naming kami’y iadya sa lahat ng masama,


pagkalooban ng kapayapaan araw-araw, iligtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang panalangin sa ganitong
pagbubunyi:

Sapagkat iyo ang kaharian at ang kapangyarihan


at ang kapurihan magpakailanman! Amen.
O kaya:

(Sa himig ng Pasyong Mahal)


Sapagkat ang kaharian, lakas at kapangyarihan,
karangala't kapurihan, ay tanging sa iyo lamang ngayon at magpakailanman!
Luluhd ang lahat matapos ang pagbubunying ito.
Pagdaraupin ng tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at pabulong na darasalin ang mga sumusunod:

Ang pakikinabang sa katawan mo, Panginoong Hesukristo,


ay huwag nawang magdulot ng paghuhukom at parusa sa kasalanan ko.
Alang-alang sa iyong dakilang pag-ibig nawa’y aking matanggap
ang pagkupkop mo sa akin at kaloob mong lunas.

37
Luluhod ang tagapagdiwang at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya na nakataas sa ibabaw ng
sisidlan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi nang malakas:

Ito ang Kordero ng Diyos.


Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.

R. Panginoon, hindi ako karapat dapat na magpatuloy sa iyo


ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.

Siya’y makikinabang nanag magalang at nakayuko sa dambana.

Ngayon ay gaganapin ang pakikinabang ng mga tao. Maaaring umawit ng anumang naaangkop na awit
sa pagdiriwang ngayon.

Pagkapakinabang ang sisisdlan ng Banal na Sakramento ay dadalhin ng diyakuno o pari sa isang sadyang
inihandang paglalagakan sa labas ng simbahan o maaari rin namang sa loob ng sakristiya.

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Pagkatapos ng ilang saglit na katahimikan, ipahahayag ng tagapagdiwang ang mga sumusunod:

Manalangin tayo.
Nakalahad ang mga kamay ng tagapagdiwang sa pagpapatuloy:

Ama naming mapagmalahal,


pinapakinabang mo kami sa banal na pagkamatay at pagkabuhay ni Kristo.
Panatilihin mo sa amin ang ginanap ng iyong dakilang pag-ibig
upang kami’y makapamuhay nang matapat
sa pakikisalo sa dulot mong pagliligtas
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

R. Amen.

38
Sa paghayo, haharap ang pari sa sambayanan at itataas niya ang kanyag mga kamay upang lukuban ang
mga pananalanginan.

Ama naming bukal ng pagpapala,


ang iyong pagbabasbas ay manaog nawang masagana
sa iyong sambayanang gumanap ng paggunita
sa pagkamatay ng iyong Anak
na siyang pagkabuhay ng nagtitiwala.
Ang iyong pagpapatawad ay sumapit nawa sa tanan.
Ang iyong pakikisamang maaasahan ay iyong ibigay.
Ang pananampalatayang banal nawa’y maging matibay.
Ang kaligtasang walang maliw ay patatagin mong lubusan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

R. Amen.
Tahimik na lilisan ang lahat. Ang dambana ay aalisan ng mantel pagsakit sa kaukulang panahong
nakalisan na ang mga nagdiwang sa dambana.
Ayon sa matandang kaugalian dito sa Pilipinas, isusunod ang rito ng paglilibing pagkatapos makalisan
ang lahat.

SABADO SANTO
Ang simbahan ay nagtatanod sa libingan ng ng Panginoon, habang pinagninilayan ang kahulugan ng
kanyang pagpapakasakit at kamatayan. Hindi ipinagdiriwang ang paghahain ng Misa kaya’t ang dambana
ay walang mantel at gayak. Pagkatapos lamang ng Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko ng Muling
Pagkabuhay, saka nagsisimula ang pagsasaya nang may diwa ng kagalakan na nag-uumapaw sa loob ng
susunod na limampung araw.

39
PANAHON NG MULING PAGKABUHAY

ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO


NG MULING PAGKABUHAY

40
Ang kabuuan ng Magdamagang Pagdiriwang ng Muling Pagkabuhay ay gaganapin kapag madilim na ang
paligid. Ito’y hindi dapat simulan bago magtakip-silim; dapat itong magwakas bago magbukang-liwayway
ang araw ng Linggo. Ang misa sa gabing ito ay dapaat maganap bago maghatinggabi, ang Misa ng Muling
Pagkabuhay.

Ang tagapagdiwang at mga tagapaglingkod ay magsusuot ng puting damit para sa pagmimisa. Ang lahat
ng makikilahok sa pagdiriwang ay dapat may dalang mga kandila.

ANG MARINGAL NA PAGSISIMULA NG MAGDAMAGANG


PAGDIRIWANG: ANG PAGPAPARANGAL SA BAGONG ILAW.

Pagbabasbas at Paghahanda sa Ilaw


Lahat ng ilaw sa loob ng simbahan ay hindi muna sisindihan.

Isang siga ang ihahanda sa isang naaangkop na dako sa labas ng simbahan. Kapag natitipon na ang mga
tao, ang tagapagdiwang ay tutungo doon kasama ng mga tagapaglingkod. Isa sa mga tagapaglingkod ang
magtatangan sa kandila ng Pasko ng Pagkabuhay.

Babatiin ang mga natitipon ayon sa kinaugaliang paraan. Siya’y magbibigay sa kanila ng maiksing
paliwanag tungkol sa pagdiriwang. Maaaring ang sumusunod ang kanyang ipahayag:

Punong Tagapagdiwang:
Ang Kapayapaan ni Kristo, ang Pag-ibig ng Diyos Ama,
at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo ay sumainyong lahat.
R. At sumainyo rin.

Punong Tagapagdiwang:
Mga kapatid, sa kabanal-banalang gabing ito
na pinangyayarihan ng pagtawid ng ating Panginoong Hesukristo
mula sa pagkamatay patungo sa pagkabuhay
ang Sambayanan niya ay nag-aanyaya
sa lahat ng mga anak na nasa iba’t ibang panig ng daigdig
upang magtipun tipon sa pagganap ng magdamagang pagdiriwang.
Sa pagganap natin sa ala-ala ng Pasko ng Panginoong nagtagumpay
sa pakikinig ng Salita at paghahain ng kanyang buhay
maaasahan nating tayo’y makakapakinabang
sa kanyang pananaig sa kamatayan
at pamumuhay sa piling Niya at ng Amang Maykapal.
Dito sisindihan ang siga ayon sa paraang nakagawian sa pook. Ang siga ngayon ay babasbasan.

41
Manalangin tayo.
Ama naming Makapangyarihan,
sa pamamagitan ng iyong Anak kami’y dinulutan
ng ningas ng iyong kaliwanagan.
Ang bagong ningas na ito ay iyong gawing banal (+)
at ipagkaloob mong kami’y pagningasin nitong aming pagdiriwang
upang makasapit kaming may dalisay na kalooban
sa walang maliw na kaliwanagan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
R. Amen.
Ihaharap ng mga tagapaglingkod sa tagapagdiwang ang kandila ng Pasko ng Pagkabuhay. Ito ay
guguhitan ng tagapagdiwang ng krus sa pamamagitan ng pang-ukit o pang-sulat. Iguguhit din dito ang
mga titik na Griyego.

1. Sa pagguhit sa krus mula 2. Sa pagguhit sa bisig ng krus


sa itaas hanggang ibaba mula sa kaliwa hanggan kanan
Si Kristo ang nagmamahal Si Kristo ang nagmamahal
noon sa bayang hinirang simula pa noong araw
ngayon pa ri’y siyang patnubay: wakas natin siya’t hantungan:
Si Hesukristo’y nabuhay Si Hesukristo’y nabuhay
siya’y ating kaliwanagan. siya'y ating kaliwanagan.

3. Sa pagguhit sa alpha 4. Sa pagguhit sa omega


sa ulunan ng krus sa paanan ng krus
Si Kristo ang pinagmulan Si Kristo ang siyang hantungan
Alpha’y sagisag niyang tunay. Omega’y kanyang larawan,
Siya’y ating pinanggalingan: siya ang patunguhan:
Si Hesukristo’y nabuhay Si Hesukristo’y nabuhay
siya’y ating kaliwanagan. siya'y ating kaliwanagan.

42
5. Sa pagguhit sa unang bilang 6. Sa pagguhit sa ikalawang
ng taon, sa itaas na kaliwang bilang ng taon, sa itaas na
sulok ng krus kanang sulok ng krus.
Kay Kristo ay nabibilang Kay Kristo ay nabibilang
lahat ng panahon at araw mga taong daan-daan
bawat yugot ng pag-iral: Hari siya ng kasaysayan:
Si Hesukristo’y nabuhay Si Hesukristo’y nabuhay
siya’y ating kaliwanagan. siya'y ating kaliwanagan.

7. Sa pagguhit sa ikatlong bilang 8. Sa pagguhit sa ikaapat


ng taon, sa ibabang kaliwang bilang ng taon, sa ibabang
sulok ng krus kanang sulok ng krus.
Kay Kristo ang karangalan Kay Kristo ang kapurihan
lahat ng kapangyarihan ng buong sangkatauhan
Panginoong dinarangal: ngayon at magpakailan man:
Si Hesukristo’y nabuhay Si Hesukristo’y nabuhay
siya’y ating kaliwanagan. siya'y ating kaliwanagan.
A

2 0

1 8

Ω
Kapag naiguhit na ang krus at ang iba pang palamuti, maaari ng itusok ng tagapagdiwang ang limang
butil ng insenso sa kandila. Gagawin niya ito ayon sa balangkas ng krus, habang ipinapahayag:

1
4 2 5
3
1. Sa sugat na lubhang banal 2. May sugat sa paang kanan
ni Hesus sa tagiliran si Hesus na nabayubay
dugo’t tubig ay lumitaw. sa krus na kinamatayan.
Si Hesukristo’y nabuhay Si Hesukristo’y nabuhay
siya’y ating kaliwanagan. siya’y ating kaliwanagan.

43
3. Ang kaliwang paa naman 4. At sa kanan niyang kamay
ni Hesus din ay sugatan si Hesus din ay pinakuan
pako’y naglagos na tunay. kaya’t may sugat na taglay.
Si Hesukristo’y nabuhay Si Hesukristo’y nabuhay
siya’y ating kaliwanagan. siya’y ating kaliwanagan.

5. Sa kanyang kaliwang kamay


si Hesus ay pinakuan
noong buhay niya ay inialay.
Si Hesukristo’y nabuhay
siya’y ating kaliwanagan.
Isisindi ang kandila ng Pasko ng Pagkabuhay sa bagong basbas na apoy habang ipinapahayag:

Mapawi nawang tuluyan


ang dilim ng kasalanan
sa puso nati’t isipan:
Si Hesukristo’y nabuhay
siya’y ating kaliwanagan.

PRUSISYON
Ang insensaryo ang mauuna sa prusisyon, kasunod ang mga tagapaglingkod na pumapagitna sa paring
may tangan sa kandila ng Pasko ng Pagkabuhay. Sisindihan ang labindalawang kandilang nasa
labindalawang krus na nasa labindalawang haligi ng simbahan pagsapit sa pintuan ng simbahan kung ang
simbahan ay naitalaga na.
Pagkasindi ng kandila, hahawakan ito ng diyakuno o pari, kapag walang diyakuno, itataas niya ito paharap
sa sambayanan at kanyang ipahahayag o aawitin:

Tayo nang magbigay dangal


kay Hesus na ating ilaw
sa diwa nati’t isipan.
Si Hesukristo’y nabuhay
siya’y ating kaliwanagan.
Sasagot ang lahat:

Salamat po Poong mahal,


sa ilaw na iyong bigay
upang kami ay tanglawan.
Si Hesukristo’y nabuhay
siya’y ating kaliwanagan.

44
Pagkaraan ng pahayag or awit, tutungo ang prusisyon sa gawing pintuan ng simbahan. Itataas muli ang
kandila ng Pasko ng Pagkabuhay at ipahahayag o aawitin ang mga sumusunod:

Tayo nang magbigay dangal


kay Hesus na ating ilaw
sa diwa nati’t isipan.
Si Hesukristo’y nabuhay
siya’y ating kaliwanagan.
Sasagot ang lahat:

Salamat po Poong mahal,


sa ilaw na iyong bigay
upang kami ay tanglawan.
Si Hesukristo’y nabuhay
siya’y ating kaliwanagan.
Pagkaraan ng pahayag o awit, mayroong labindalawang tagapaglingkod o mga hinirang ang lalapit at
magsisindi ng kandila mula sa kandila ng Pasko ng Pagkabuhay para masindihan ang labindalawalang
kandilang nasa mga haligi ng simbahan. Magsisindi na rin ng kandila ang mga taong dadalo sa
pagdiriwang ngayong gabi. Makaraan ang ilang sandali magpapatuloy ang prusisyon.

Pagsapit ng may tangan sa kandila ng Pasko ng Pagkabuhay sa dako ng dambana, haharap siya sa mga
tao at kanyang ipahahayag o aawitin sa ikatlong ulit ang mga sumusunod:

Tayo nang magbigay dangal


kay Hesus na ating ilaw
sa diwa nati’t isipan.
Si Hesukristo’y nabuhay
siya’y ating kaliwanagan.
Sasagot ang lahat:

Salamat po Poong mahal,


sa ilaw na iyong bigay
upang kami ay tanglawan.
Si Hesukristo’y nabuhay
siya’y ating kaliwanagan.

45
ANG MARINGAL NA PAGPAPAHAYAG
NA NGAYON AY PASKO NG PAGKABUHAY
Ilalagay ang kandila ng Pasko ng Pagkabuhay sa patungan o kandelero nito na nasa malapit sa ambo o
sa lugar na nakalaan para sa mga pagbasa.
Ang diyakuno o paro ang magpapahayag na ngayo’y Pasko ng Pagkabuhay.
Kung ito ay gagampanan ng isang taong hindi diyakuno, siya ay magpapahayag nito sa ambo o sa
itinalagang lugar na kita ng sambayanan.

Pagpapahayag na Ngayo’y Pasko ng Pagkabuhay


Magalak kayong lahat sa kalangitan
kayong mga anghel ay mangag-awitan!
Magalak kayong lahat na mapapalad na nilikha
na nakapaligid sa luklukang dakila.
1. Si Kristo na ating Hari ay nabuhay na mag-uli!
Hipan natin ang tambuli nitong ating kaligtasan!
Magalak, o sanlibutan, sa maningning nating Ilaw!
Si Kristo na walang maliw ang pumaram sa dilim!

Tugon: Magalak nang lubos ang buong Sambayanan!


Sa kaluwalhatian lahat tayo’y magdiwang!
Sa ningning ni Hesukristo, sumagip sa sansinukob,
siya’y muling nabuhay, tunay na Manunubos!

2. Itaas sa kalangitan ating puso at isipan!


Diyos Ama’y pasalamatan sa Anak niyang nabuhay.
Sapagkat tapat siyang tunay sa kanyang pananagutan
para sa kinabilangan niya na sambayanan! (Tugon)

3. Ngayon nga ang Kapistahan ni Hesukristong nag-alay!


ng kanyang sariling buhay, nagtiis ng kamatayan.
Ang minanang kasalanan, ang dating kaalipina’y
sa tubig pawing naparam, kalayaa’y nakamtan! (Tugon)

4. Ngayon ang pagdiriwang ng ating muling pagsilang


sa tubig ng kaligtasan na batis ng kabanalan,
pagka’t mula sa libingan bumangon na matagumpay
Mesiyas ng sanlibutan – si Hesus nating mahal! (Tugon)

46
5. Diyos Ama ng sanlibutan, tunay na walang kapantay
pag-ibig mo’t katapatan para sa mga hinirang.
Handog mo’y kapatawaran sa lahat ng kasalanan.
Higit sa lahat mong alay – si Hesus naming mahal! (Tugon)

6. Dahil sa kaligayahang sa ami’y nag-uumapaw


hain namin itong ilaw, sagisag ng Pagkabuhay.
Tunay na kaliwanagang hatid ni Hesus na Tanglaw,
ang dilim ng kamatayan ay napawi’t naparam! (Tugon)

7. Ang Araw ng Kaligtasan, si Hesus, bukang-liwayway,


walang maliw na patnubay sa landas ng kaligtasan.
hatid niya’y kapayapaan, lakas mo at pagmamahal
upang aming magampanan aming pananagutan! (Tugon)

ANG PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS


Sa pagdiriwang na ito, siyam na pagbasa ang nakalaan, pito mula sa Matandang Tipan at dalawa mula sa
Bagong Tipan (ang Sulat at ang Mabuting Balita)

Matapos ang pagpapahayag na Ngayo’y Pasko ng Pagkabuhay, papatayin ang sindi ng mga kandila at
uupo ang lahat. Bago simulan ang paglalahad ng mga pagbasa, maaaring ang pari ay magsalita ng ilang
mga pangungusap ng paliwanag katulad ng narito o anumang katumbas nito:

Mga kapatid,
ngayon nasimulan na natin
ang Magdamagang Pagdiriwang ng Muling Pagkabuhay,
makinig tayong mabuti sa Salita ng Diyos,
isaloob natin kung paano niyang ginaganap
sa iba’t ibang yugto ng kasaysayan
ang pagliligtas niya sa mga hinirang na tao.
Noon ngang sumapit ang itinakda niyang panahon,
ang kanyang sariling Anak ang kanyang sinugo
upang maging Tagapagligtas.
Hilingin natin sa Diyos ang kaganapan ng kaligtasan
na nangyayari ngayon sa pagdiriwang ng Pasko ng pagtubos sa lahat.
Isusunod ngayon ang paglalahad ng mga pagbasa. Sa bawat pagtapos ng mga pagbasa at salmong kaayon
nito, tatayo ang lahat at ipahahayag ng tagapagdiwang ang paanyayang “Manalangin tayo” at kanyang
ihahayag ang panalangin.

47
Kasunod ng Unang Pagbasa (tungkol sa Paglikha: Genesis 1, 1-2, 2 o kaya 1, 2.26-31a)

Manalangin tayo.
Ama naming makapangyarihan,
lahat ng iyong mga nilikha ay ikaw ang itinatampok.
Nawa’y maisaloob ng iyong mga tinubos na ang daigdig na pasimula
ay lalo mo pang pinadakila sa mga huling panahon ng pagsagip ni Kristo
na siyang inihaing Korderong pamasko
na kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
O kaya:

Ama naming makapangyarihan,


sa iyong kagandahang-loob kami’y iyong nilikha
at sa iyong pagtangkilik kami’y iyong pinadakila.
Ipagkaloob mong ang aming matatag na kalooban ay manaig
sa kasalanang nagbibigay balakid
sa aming pagiging marapat na sa iyong ligaya’t sumapit
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

R. Amen.
Kasunod ng Ikalawang Pagbasa (tungkol sa Paghahain ni Abraham: Genesis 22, 1-18 o kaya 22, 1-2. 9a.
10-13. 15-18)

Manalangin tayo.

Ama naming makapangyarihan,


pinaparami mo sa sanlibutan
ang mga anak na sa pangako mo’y sumilang
bunga ng paglawak ng saklaw ng iyong paghirang.
Sa pagbibinyag, ginagawa mong matupad
ang iyong pangakong si Abraham ay maging ama ng lahat.
Ipagkaloob mong ang iyong sambayanan
ay marapat na makatugon sa iyong panawagan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

R. Amen.

48
Kasunod ng Ikatlong Pagbasa (tungkol sa Pagtawid sa Dagat: Exodo 14, 15 – 15, 1)

Manalangin tayo.
Ama naming makapangyarihan,
ang idinudulot mong pagpapalaya noon sa iyong sambayanan
mula sa pang-aapi ng haring sa kanila’y nagpapatay
ay nababanaagan namin kahit sa aming kapanahunan
sa inyong pagliligtas na iyong ginaganap sa muling pagsilang
ng mga biniyagang mula sa iba’t ibang bansa at bayan.
Ipagkaloob mong ang pagiging anak ni Abraham
at ang dangal na sa Israel mapabilang
ay maging lubos na kapalaran ng sanlibutan sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
o kaya:
Ama naming makapangyarihan,
noong unang panahon ay iyo nang idinulot na mabanaag
ang himala ng Bagong Tipan sa pagtawid sa dagat
bilang tagapagpahiwatig ng naganap na pagbibinyag
na siyang paglaya ng iyong sambayanan sa pagkabihag.
Ipagkaloob mong ang lahat ng mga bansa ay makaranas
ng muling pagsilang dulot ng Espiritung tinatanggap
ng mga may pananampalataya na Israel ang unang nagpamalas
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
R. Amen.
Kasunod ng Ikaapat na Pagbasa (tungkol sa bagong Jerusalem: Isaias 54, 5-14)

Manalangin tayo.
Ama naming makapangyarihan, sa ikadarakila ng iyong ngalan
paramihin mo ang mga nakikinabang sa iyong pagpapalang bigay
sa mga ninuno namin sa pagsampalataya sa iyong katapatan.
Ngayong ang iyong paghirang ay sanlibutan na ang saklaw
ang matibay na pinanaligan ng mga ninuno naming banal
ay matanto nawa naming nagkaroon na ng malaking katuparan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
R. Amen.

49
Kasunod ng Ikalimang Pagbasa (tungkol sa kaligtasang malayang inihahaog sa lahat: Isaias 55, 1 -11)

Manalangin tayo.
Ama naming makapangyarihan,
ang sanlibutan ay walang ibang inaasahan kundi ikaw
na sa pahayag ng iyong mga propeta
ay naglalahad ng iyong balak na maganda.
Malugod mong pagyamanin ang aming pananalig
Sapagkat wala kaming makakamit nang hindi mo iniibig
para kami’y sa iyo mapalapit sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
R. Amen.
Kasunod ng Ikaanim na Pagbasa (tungkol sa bukal ng karunungan: Baruk 3, 9-15. 32-4, 4)

Manalangin tayo.
Ama naming makapangyarihan,
lagi mong pinararami ang iyong tinatawagan sa mga banal ng sanlibutan.
Ipagkaloob mo ang iyong patuloy na pagtangkilik
sa iyong mga dinadalisay sa pambinyag na tubig
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
R. Amen.
Kasunod ng Ikapitong Pagbasa (tungkol sa bagong puso at espiritu: Ezekiel 36, 16-17a 18-28)

Manalangin tayo.
Ama naming makapangyarihan,
ang lakas mo ay hindi nababawasan,
ang liwanag mo ay nagniningning kailan man.
Tunghayan mo ang pagdiriwang ng iyong sambayanan
at ganapin mo ang iyong pagsagip sa tanan.
Nawa’y madama at mamalas ng sanlibutan
na ang mga hamak ay idinarangal,
ang mga nasa lumang kasalanan ay napagbago na naman
at kay Kristo nagkakaugnay-ugnay ang lahat
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
R. Amen.

50
Matapos ang lahat ng pagbasa mula sa Matandang Tipan at ng salmong sagutan at kaugnay na
panalangin, ang mga kandila sa dambana ay sisindihan, at pasisimulan ng tagapagdiwang ang pag-awit
ng GLORIA, na itutuloy namang awitin ng lahat ng mga nagsisimba. Patutugtugin ang lahat ng mga
kampana ng simbahan.

GLORIA
Sa katapusan ng awit isusunod ng tagapagdiwang ang mga sumusunod. Mas angkop kung ang mga
naunang panalangin ay ihahayag na lamang ang sumusunod na panalangin ay aawitin.

Manalangin tayo.

Ama naming makapangyarihan,


ang kabanal-banalang gabing ito ay pinagliliwanag mo
sa kadakilaan ng pagkabuhay ni Kristo.
Antigin mo ang Espiritu ng pagkupkop mo
upang sa pagbabago ng aming buong pagkatao
kami’y wagas na makapagligkod sa iyo
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

R. Amen.
Uupo ang lahat. Ipahahayag ng isang tagapaglingkod ng pagbasa ang Salita ng Diyos mula sa sulat ni
Apostol San Pablo.

Pagbasa sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma 6, 3-11

Mga kapatid: Hindi ba ninyo nalalaman na tayong lahat na nabinyagan kay


Kristo Hesus ay nabinyagan sa kanyang kamatayan? Samakatwid, tayo’y namatay
at nalibing kasama niya sa pamamagitan ng binyag upang kung papaanong binuhay
na muli si Kristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo nama’y
mabuhay sa isang bagong pamumuhay.
Sapagka’t kung nakaisa tayo ni Kristo sa isang kamatayang tulad ng kanyang
kamatayan, tiyak na makakaisa niya tayo sa isang muling pagkabuhay tulad ng
kanyang pagkabuhay. Alam natin na ang dati nating pagkatao ay ipinakong kasama
niya upang mamatay ang makasalanang katawan at nang hindi tayo maalipin pa ng
kasalanan. Sapagka’t ang namatay na ay pinalaya mula sa kapangyarihan ng
kasalanan. Ngunit tayo’y naniniwalang mabubuhay tayong kasama ni Kristo kung
mamatay tayong kasama niya. Alam nating si Kristo na muling binuhay ay hindi na
muling mamamatay. Wala nang kapangyarihan sa kanya ang kamatayan. Nang

51
siya’y mamatay, namatay siya nang minsanan para sa kasalanan, at ang buhay niya
ngayo’y para sa Diyos. Kaya dapat ninyong ibilang ang inyong sarili na patay na sa
kasalanan datapwa’t buhay naman para sa Diyos sa inyong pakikipag-isa kay Kristo
Hesus.

Ang Salita ng Diyos.


R. Salamat sa Diyos.

SALMONG ALELUYA

Pagkabasa ng sulat, lahat ay tatayo at maringal na pasisimulan ng tagapagdiwang ang pag-awit ng


Aleluya na uulitin naman ng lahat ng nagsisimba. Ang taga-awit ang magpapahayag ng salmo at ng bawat
taludtod. Kung kinakailangan, ang taga-awit na rin ang magpapasimula sa Salmong Aleluya.

Tugon: Aleluya, Aleluya, Aleluya

O pasalamatan ang D’yos na Panginoon, pagka’t siya’y mabuti;


ang kanyang pag-ibig ay napakatatag at mananatili.
Ang taga-Israel, bayaang sabihi’t kanilang ihayag.
“Ang pag-ibig ng Diyos ay di kukupas.”

Tugon: Aleluya, Aleluya, Aleluya

Ang lakas ng Poon, ang siyang magdudulot ng ating tagumpay


Sa pakikibaka sa ating kaaway.
Aking sinasabing di ako papanaw, mabubuhay ako
upang isalaysay ang gawa ng Diyos na Panginoon ko.

Tugon: Aleluya, Aleluya, Aleluya

Ang batong natakwil ng nangagtatayo ng tirahang-bahay,


Sa lahat ng bato’y higit na mahusay.
Ang lahat ng ito ang nagpamalas ay ang Panginoong Diyos.
Kung iyong pagmamasdan ay kalugod-lugod.

Tugon: Aleluya, Aleluya, Aleluya

52
ALELUYA

MABUTING BALITA
Tanging ang insensaryo ang gagamitin sa pagpapahayag ng Mabuting Balita.

Pagkatapos ng Mabuting Balita, isusunod ang homiliya.

ANG PAGDIRIWANG NG PAGBIBINYAG

Ang tagapagdiwang at ang mga tagapaglingkod ay magtutungo sa pook ng pagbibinyag Ito’y dapat nasa
lugar na lantad sa mga nagsisimba. Kung maaari ay sa sanktwaryo ito naparoroon.

Ang mga bibinyagan ay tatawagin upang lumapit sa unahan kasama na kanilang mga ninong at ninang
upang humarap sa tagapagdiwang.

Ang punong tagapagdiwang ay tutungo sa harapan at pasisimulan ang pagbibinyag sa ganitong


pananalita.

Mga kapatid, sa mga pagluhog natin,


tulungan natin ang ating mga kapatid ng may pananalig
upang ang Ama nating makapangyarihan
ay siyang tumangkilik sa mga isisilang sa binyag
pakundangan sa kanyang pag-ibig.

Sisimulan ngayon ang pagtawag sa mga banal upang ipanalangin ang mga bibinyagan at tatayo ang lahat.
Ang mga bibinyagan ay isa-isang lalapit sa may harapan ng sanktuwaryo.

LITANYA NG MGA BANAL

Panginoon, kaawaan mo kami. Panginoon, kaawaan mo kami.


Kristo, kaawaan mo kami. Kristo, kaawaan mo kami.
Panginoon, kaawaan mo kami. Panginoon, kaawaan mo kami.

Santa Maria Ina ng Diyos, * Ipanalangin mo kami.


San Miguel Arkanghel
Lahat kayong mga anghel

San Jose
San Pedro at San Pablo
San Andres

53
San Juan
Santa Maria Magdalena
San Esteban
San Ignasyo
San Lorenzo
San Lorenzo Ruiz at mga kasamang martir
San Basilio
San Martin
San Benito
San Antonio Abad
San Carlos Borromeo
San Francisco at Santo Domingo
San Francisco Javier
San Juan Vianney
Santa Catalina
Santa Teresa
San Juan Bosco
San Pablo Unang Ermitanyo
Lahat kayong mga banal sa piling ng maykapal

Iligtas mo kami sa lahat ng kasamaan * Panginoong Hesus maawa ka.


Iligtas mo kami sa lahat ng kasalanan
Iligtas mo kami sa walang hanggang kamatayan
Alang-alang sa iyong pagiging tao
Alang-alang sa iyong kamatayan at pagkabuhay
Alang-alang sa pagkakaloob mo sa amin ng Banal na Espiritu

Patnubayan mo at kalingain ang iyong angkan * Panginoon Hesus dinggin mo kami.


Patnubayan mo at bigyan ng bagong buhay ang mga taong bibinyagan.
Basbasan mo ang bukal ng tubig kung saan ang mga anak mo ay muling isisilang.

Kristo dinggin mo kami


R. Kristo dinggin mo kami

Kristo pakinggan mo ang aming panalangin.


R. Kristo pakinggan mo ang aming panalangin

54
Pagkatapos ng litaniya darasalin ng punong tagapagdiwang na magkadaop ang kamay ng sumusunod.

Ama naming makapangyarihan,


halina at gawin mong makapiling namin
ikaw ngayong muling pagsilang ay ipinagdiriwang
sa pagbibinyag sa mga bagong kaanib ng iyong sambayanan.
Isugo mo ang Espiritu ng iyong pagkupkop
upang ang ginaganap naming mapagkumbabang paglilingkod
ay magdulot ng iyong lubusang kaloob
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

R. Amen.

PAGBABASBAS SA TUBIG PAMBINYAG

Ngayo'y babasbasan ng Punong tagapagdiwang ang tubig na gagamitin sa binyag. Ipahahayag niya ang
panalangin ng magkadaop ang kamay.

Ama naming makapangyarihan,


bagamat natatago sa aming paningin.
Ang kapangyarihan mong maggawad ng buhay sa amin
ay inilalahad ng mga pananda ng iyong paglagi sa aming piling
anupa't ang tubig na iyong nilikha ay naging tagapahayag ng iyong pagpapala.

Ama namin, noong ang daigdig ay iyong lalangin


ang iyong Espiritu ay lumukob na sa tubig
bilang simoy ng hangin upang ang kakayanan nitong bumubuhay
ay maging tagapagdulot ng iyong kabanalan.

Ama namin, ang sansinukob ay iyong panibagong ginawa


noong ipahintulot na magkaroon ng malaking baha
upang ipahiwatig na ang tubig ay may katangian
na tumapos sa kasamaan at magpasimula ng kabutihan.

Ama namin, ang mga anak ni Abraham ay pinatawid mo sa karagatan


noong sila'y palayain mo sa pagkaalipin sa Egipto
upang ipahiwatig ang mangyayari sa mga bibinyagan
bilang kaanib ng iyong sambayanan.

55
Ama namin, niloob mong binyagan ni Juan sa ilog Jordan ang Anak mo
at maganap ang paglukob sa kanya ng Espiritu Santo.
Niloob mong dumaloy ang dugo at tubig
sa sinibat na puso ng Anak mong iniibig.
Niloob mong mabuhay muli ang iyong Anak na nag-utos sa mga alagad:
"Humayo kayo at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa.
Binyagan ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo."
Magtaglay nawa itong tubig ng pagpapalang kaloob ng Espiritu Santo
na idinudulot ng mahal na Anak mo upang ang mga tao na pawang nilikha
ayon sa iyong larawang dakila nguni't nasadlak sa lusak ng kasalanan
ay mahugasan ngayong sila'y bibinyagan para makabangong taglay
ang iyong kalinisan sa muling pagsilang sa tubig
at Espiritu Santo bilang kaanib ng iyong mga angkan.

Maaaring ilubog ngayon ng punong tagapagdiwang ang kandila ng Pasko ng Pagkabuhay nang minsanan
o nang maikatlong ulit, habang patuloy niyang inihahayag.

Ama namin, iniluluhog namin sa iyo,


manaog nawa sa tubig na ito ang kapangyarihan ng Espiritu Santo
sa pamamagitan ni Hesukristo upang mapuspos ng iyong Espiritu
itong pambinyag na tubig.
Ang kandila ay hahawakan ng Punong tagapagdiwang habang ito'y nakatayo sa tubig.

At sa gayo'y lahat ng nakikiisa sa kamatayan niya


sa pamamagitan ng binyag ay muling mabuhay
na siya rin ang kasama bilang tagapamagitan
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

R. Amen.

Iaalis ang kandila habang ang mga tao ay nagbubunyi at umaawit. Matapos ang pagbabasbas isusunod
ang pagtatanong ng punong tagapagdiwang sa mga bibinyagan. Pauupuin ang mga tao at maiiwang
nakatindig ang mga bibinyagan para sa pagtatakwil sa kasalanan at pagpapahayag ng pananampalataya.

56
PAGTATAKWIL SA KASALANAN

Mga kapatid naglaan kayo ng panahon upang ihanda ang sarili sa binyag.
Ang inyong mga magulang, kaibigan na tumulong sa inyo
at lahat ng tanang naririto ay nangangako
na tutulungan kayo sa pagtupad sa inyong mga pangako.
Kaya sa harap ng simbahan,
ipahayag ninyo ngayon ang inyong pananampalataya.

Tagapagdiwang:
ltinatakwil ba ninyo si Satanas, ang lahat ng kanyang gawain
at ang kanyang pang-aakit?

R. Opo, itinatakwil ko.

PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
Tagapagdiwang:
Sumasampalataya ba kayo sa Diyos Amang, makapangyarihan
sa lahat na may gawa ng langit at lupa?

R. Opo, sumasampalataya ako.

Sumasampalataya ba kayo kay Hesukristo


iisang Anak ng Diyos Panginoon natin,
Ipinanganak ni Santa Mariang Birhen, Ipinako sa Krus namatay inilibing,
muling nabuhay at naluluklok sa kanan ng Ama?

R. Opo, sumasampalataya ako.

Sumasampalataya ba kayo sa Espiritu Santo, sa Banal na Simbahang Katolika,


sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan,
sa muling pagkabuhay ng mga namatay at sa buhay na walang hanggan?

R. Opo, sumasampalataya ako.

57
SAKARAMENTO NG BINYAG
Isa-isa ngayong lalapit ang mga bibinyagan sa Punong tagapagdiwang. Gamit ang pangalan ng
bibinyagan kanyang tatanungin:

Mga minamahal sang-ayon ba kayo sa inyong kalooban


na kayo ay mabinyagan sa pananampalataya ng simbahan
na ipinahayag natin kanina?
R. Opo.
Siya ay bubuhusan ng tubig ng punong tagagdiwang habang binabangit:

N. Ikaw ay binibinyagan ko, Sa ngalan ng Ama + at ng Anak + at ng Espiritu


Santo +.

R. Amen.

PAGSUSUOT NG PUTING DAMIT

Tagapagdiwang:
Ang damit pambinyag ay tanda ng muling pagsilang kay Kristo
at ng dakilang karangalan ng mga anak ng Diyos.
Nawa'y manatiling wagas at walang bahid dungis ang inyong karangalan
hanggang inyong matamo ang buhay na walang hanggan.

R. Amen.

Ilalagay ngayon ng mga ninong at ninang sa kanilang mga inaanak ang damit pambinyag.

PAGBIBIGAY NG NAKASINDING KANDILA

Mula sa kandila ng Pagkabuhay, sisindihan ng ninong at ninang ang kandila para sa kanilang inaanak.
Iaabot ng ninong at ninang sa kanilang inaanak ang kandilang nagdiringas.

Tagapagdiwang:
Ang ilaw na ito ay tanda ng liwanag ni Kristo na tinanggap sa binyag.
Nawa'y mag-alab ito sa iyong puso't diwa
hanggang sa pagbabalik ni Kristong ating Panginoon.

R. Amen.

58
PAGPAPAHID NG BANAL NA LANGIS

Ang sumusunod ay gagawin lamang kung hindi kukumpilan ang bininyagan. Ipahahayag ng
tagapagdiwang ang sumusunod:

Tagapagdiwang:
Ang pagpapahid ng langis ay nagpapakilala
ng paglukob ng Espiritu Santo sa muling isinilang sa binyag.
Maging matatag ka nawa sa iyong pakikiisa
kay Kristong hari, pari, at propeta ngayon at magpakailan man.

R. Amen.

Ngayon ay papahiran sa noo o sa ulunan ang mga bininyagan.

SAKRAMENTO NG KUMPIL

Tagapagdiwang:
Mga kapatid ngayong nabinyagan na ang ating mga kapatid
sila’y pinagkalooban ng bagong buhay ng Diyos at naging kanyang mga anak.
Idalangin natin ngayon sa Diyos Ama na ipagkaloob niya sa kanila
ang Espiritu Santo upang sila’y mapuspos ng kanyang lakas
at bunga ng pagpapahid ng banal na langis
ay maging higit silang katulad ni Kristo, ang Anak ng Diyos.

Ilulukob ng punong tagapagdiwang ang kanyang mga kamay sa mga kukumpilan habang kanyang
dinarasal:

Tagapagdiwang:
O Diyos na makapangyarihan sa lahat,
Ama ni Hesukristo na aming Panginoon,
sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu Santo,
hinango mo sa kasalanan ang mga anak mong ito
at binigyan mo sila ng pakikihati sa iyong buhay.
Suguin mo sa kanila ngayon ang Espiritu Santo,
ang mang-aaliw, upang siyang maging lakas nila at patnubay.
Ipagkaloob mo na sila'y mapuspos ng karunungan at pang-unawa,
na sila'y maging makatwiran sa pagpapasya
at manatiling matibay ang loob sa lahat ng pagkakataon.

59
Puspusin mo sila ng kaalaman at pamimitagan
at ng banal na pagkatakot sa harap ng iyong kadakilaan.
Hinihiling namin ito sa iyo
sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon magpasawalang hanggan.

R. Amen.

Isa-isa ngayong lalapit ang mga nabinyagan sa punong tagapagdiwang upang tanggapin ang
sakramento ng kumpil habang nakahawak sa kanang balikat ng kukumpilan ang mga ninong at
ninang. Isasawak ng punong tagapagdiwang ang kanyang daliri sa Krisma.

Tagapagdiwang:
N, + Tanggapin mo ang tatak ng kaloob ng Espiritu Santo.

R. Amen.

Tagapagdiwang:
Sumaiyo ang kapayapaan

R. At sumainyo rin.

Babalik ang mga kinumpilan sa kanilang mga upuan at sisimulan ang pagsasariwa ng mga
pangako ng binyag sa mga dating binyagan.

PAGSASARIWA SA PANGAKO SA BINYAG


Titindig ang sambayanan at sisindihan muli nila ang kanilang mga kandila mula sa kandila ng
Pasko ng Pagkabuhay.

Tagapagdiwang:
Mga kapatid, sa misteryo ng pagkamatay at pagkabuhay ni Kristo,
tayo'y nalibing kasama niya noong tayo'y binyagan
upang kasama rin niya tayo'y makabangon at makapagbagong buhay.

Naganap na natin ang apatnapung araw na paghahanda,


kaya't sariwain natin ngayon ang ating pangako sa pagbibinyag.
Talikdan natin ang kasamaan at kasalanan.
Harapin natin ang matapat na paglilingkod sa Diyos
bilang mga maaasahang kaanib ng kanyang banal na simbahang Katolika.

60
Kung kayo'y makapangangakong tatalikod
sa lahat ng hadlang sa katuparan ng panukala ng Diyos
upang kayo'y makapamuhay bilang matapat at maaasahang kaanib
ng kanyang angkan, pakisagot ninyo itong tatlong katanungan.

Tagapagdiwang:
Si Satanas ba ay itinatakwil ninyo?
R. Opo, itinatakwil namin.

Ang mga gawain ni Satanas ay itinatakwil ba ninyo?


R. Opo, itinatakwil namin.

Ang mga pang-akit ni Satanas upang sumuway ang tao sa Diyos


ay itinatakwil ba ninyo?
R. Opo, itinatakwil namin.

Ngayon nama'y harapin natin ang ating pananampalataya.


Kung kayo'y makapangangakong magsisikap mamuhay
bilang mga ikinararangal na anak ng Diyos Ama,
kung tutularan niyo siya sa kanyang kabutihan,
pagmamahal sa lahat at pagmamalasakit
para sa pangkalahatang kapakanan, pakisagot ninyo ang mga katanungang ito:
Sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat
at lumikha ng langit at lupa kayo ba ay sumasampalataya?
R. Opo, sumasampalataya kami.

Kung kayo'y makapangangakong magsisikap mamuhay


bilang mga tunay na kapatid ng Panginoong Hesus,
kung gagawin ninyong simulain sa buhay
ang kanyang katwiran, katarungan at paglilingkod sa lahat
alinsunod sa kanyang pagmamahal, pakisagot ninyo ang katanungang ito:

Sa iisang Anak ng Diyos, ang ating Panginoong JesuKristo,


ipinanganak ni Santa Mariang Birhen, ipinako sa krus, namatay, inilibing,
muling nabuhay at naluklok sa kanan ng Ama kayo ba ay sumasampalataya?
R. Opo, sumasampalataya kami.

61
Kung kayo'y makapangangakong susunod sa patnubay ng Espiritu Santo
at kung sisikapin ninyong mapaunlad ang kaloob niyang buhay
at pagmamahal upang maging maipagmamalaking anak ng Diyos Ama
at kapatid ng Panginoong Hesus, pakisagot ninyo ang katanungang ito:

Sa Espiritu Santo, sa Banal na Simbahang Katolika,


sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan,
sa muling pagkabuhay ng mga namatay, at sa buhay na walang hanggan.
Kayo ba ay sumasampalataya?
R. Opo, sumasampalataya kami.

Bunga ng pagmamahal ng Diyos


na makapangyarihang Ama ng ating Panginoong Hesukristo,
tayo ay pinatawad sa ating kasalanan
noong tayo ay muling isilang sa tubig at Espiritu Santo.
Tulungan nawa niya tayong mamalaging tapat
sa ating Panginoong Hesukristo ngayon at magpasawalang hanggan.

R. Amen.

Iwiwisik ngayon ang tubig sa mga tao habang kinakanta ang awit “Isang pananampalataya isang
pagbibinyag” Pagkatapos ng pagwiwisik muling babalik ang punong tagapagdiwang sa upuan at
sisimuIan ang panalangin ng bayan.

PANALANGIN NG BAYAN

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN


Sisimulan ang awit ng pag-aalay. Samantalang ito’y ginaganap, ilalagay ng mga tagapaglingkod ang
telang patungan ng Katawan ni Kristo, ang pamahiran, ang kalis at ang Aklat ng Pagmimisa sa ibabaw ng
dambana. Tatayo ang punong tagapagdiwang sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya ang pinggan
ng tinapay ng bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya nang pabulong:

Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan. Sa Iyong kagandahang-loob,


narito ang aming maiaalay. Mula sa lupat at bunga ng aming paggawa ang tinapay
na ito para maging pagkaing nagbibigay-buhay.

Ilalapag niya ang pinggan ng tinapay sa telang patungan ng Katawan ni Kristo. Ang mga pangungusap na
ito ay madarasal ng malakas ng pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

62
Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!
Ang diyakono o pari ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang dinarasal ng pabulong:

Sa paghahalong ito ng alak at tubig kami nawa’y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo


na nagpagindapat makihati sa aming pagkatao.
Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng paro ang kalis nang bahagyang nakaangat sa
dambana habang dinarasal niya nang pabulong;

Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan. Sa Iyong kagandahang-loob,


narito ang aming maiaalay. Mula sa katas ng ubas at bunga ng aming paggawa ang
alak na ito para maging inuming nagbibigay ng iyong Espiritu.
Ilalapag niya ang kalis sa telang patungan ng Katawan ni Kristo. Ang mga pangungusap na ito ay
madarasal ng malakas ng pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!

Pagkatapos ay yuyuko ang punong tagapagdiwang habang dinarasal niya nang pabulong:

Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kaming mga makasalanan. Tanggapin mo ang


aming pagsisisi bilang handog upang kami’y matutong sumunod sa iyo nang buong
puso.
Iinsensuhan ng punong tagapagdiwang ang mga alay at ang dambana; pagkaraa’y iinsensuhan ng
tagapaglingkod ang punong tagapagdiwang kasunod ang mga kasamang pari at ang mga nagsisimba.
Pagkatapos, ang punong tagapagdiwang ay magtutungo sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng kamay
habang pabulong niyang dinarasal:

O Diyos kong minamahal, kasalanan ko’y hugasan at linisin mong lubusan ang
nagawa kong pagsuway.
Pagkaraan nito’y magtutungo siya sa gitna ng dambana, ilalahad ang kanyang mga kamay at muli itong
pagdaraupin habang kanyang ipinapahayag:

Manalangin kayo mga kapatid, upang ang paghahain natin ay kalugdan ng Diyos
Amang Makapangyarihan sa lahat.

R. Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong mga kamay, sa


kapurihan niya ta karangalan, sa ating kapakinabangan, at sa buong Sambayanan
niyang banal.

63
PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY
Ama naming Lumikha,
tanggapin mo ang aming mga panalangin
na sumasaliw sa aming paghahahin
upang sa nagsimulang Pasko ng Pagkabuhay
kami'y itaguyod nito sa kagalingang walang katapusan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
R. Amen.

PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PASASALAMAT


P. Sumainyo ang Panginoon
R. At sumainyo rin.
P. Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa
R. Itinaas na namin sa Panginoon
P. Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos
R. Marapat na siya ay pasalamatan
Ama naming makapangyarihan,
tunay ngang marapat na ikaw ay aming pasalamatan.
Ngayong gabing ipinagdiriwang ang paghahain ng Mesiyas
ang maamong tupa na tumubos sa aming lahat.
Ang iyong Anak na minamahal
ay naghain ng sarili niyang buhay.
Siya ang tupang maamong umako sa kaparusahan
upang mapatawad ang kasalanan ng sanlibutan.
Sa pagkamatay niya sa banal na krus
ang kamatayan namin ay kanyang nilupig.
Sa pagkabuhay niya bilang Manunubos
pag-asa't pagkabuhay ay aming nakamit.
Kaya kaisa ng mga anghel
na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan kami'y nagbubunyi sa iyong kadakilaan.

Santo, Santo, Santo, Panginoong Diyos na Makapangyarihan ...

64
Nakalahad ang mga kamay na darasalin

Ama naming banal,


dapat kang purihin ng tanang kinapal
sapagkat sa pamamagitan ng iyong Anak
na aming Panginoong Hesukristo
at sa kapangyrihan ng Banal na Espiritu,
ang lahat ay bibibigyan mo ng buhay at kabanalan.
Walang sawa mong tinitipon ang iyong sambayanan
upang mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw
maihandog ang malinis na alay para sambahin ang iyong ngalan.

Pagdaraupin ng tagpagdiwang ang kanyang kamay at lulukuban ng mga kamay niya ang mga
alay habang siya'y nagdarasal.

Ama, isinasamo naming pakabanalin mo


sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu ang mga kaloob na ito
na aming inilalaan sa iyo.

Pagdaraupin ng tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at kukurusan niya ang tinapay at kalis,
samantalang kanyang dinarasal.

Ito nawa ay maging Katawan at Dugo +


ng iyong Anak at aming Panginoong Hesukristo

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

na nag-utos ipagdiwang ang misteryong ito.

Noong gabing ipagkanulo siya,

Hahawakan ng tagapagdiwang ang tinapay ng bahagyang nakaangat sa ibabaw ng dambana


habang kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang tinapay, pinasalamatan ka niya,


pinaghati-hati niya iyon, iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang tagapagdiwang.

65
TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:
ITO ANG AKING KATAWAN NA IHAHANDOG PARA SA INYO.

Ipapamalas niya ang ostiya, ilalapag sa patena, at luluhod bilang pagsamba. Ipagpapatuloy niya.

Gayundin naman, noong matapos ang hapunan,

Hahawakan ng kalis na bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang


ipinahahayag.

hinawakan niya ang kalis, muli ka niyang pinasalamatan,


iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang tagapagdiwang.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN.
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.

GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.

Ipapamalas ang kalis, ipapatong sa dambana at luluhod siya bilang pagsamba. Pagkatapos
kanyang ipahahayag.

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.

Sa krus mo at Pagkabuhay Kami'y natubos mong tunay


Poong Hesus naming mahal iligtas mo kaming tanan
Poong Hesus naming mahal ngayon at magpakailanman

Ilalahad ng punong tagapagdiwang ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal:

66
Ama,
ginugunita namin ang pagkamatay ng iyong Anak na sa ami’y nagligtas,
gayun din ang kanyang muling pagkabuhay at pag-akyat sa kalangitan
samantalang ang kanyang pagbabalik ay pinananabikan,
kaya bilang pasasalamat ngayo’y aming iniaalay sa iyo
ang buhay at banal na paghahaing ito.

Tunghayan mo ang handog na ito ng iyong Simbahan.


Masdan mo ang iyong Anak na nag-alay ng kanyang buhay
upang kami ay ipagkasundo sa iyo.
Loobin mong kaming magsalu-salo sa kanyang Katawan at Dugo
ay mapuspos ng Espiritu Santo at maging isang katawan
at isang diwa kay Kristo.

Kami nawa ay gawin niyang handog


na habang panahong nakatalaga sa iyo.
Tulungan nawa niya kaming magkamit ng iyong pamana
kaisa ng Ina ng Diyos, ang Mahal na Birhen,
kaisa ng mga Apostol, mga Martir, at kaisa ng lahat ng mga Banal
na aming inaasahang laging nakikiusap para sa aming kapakanan.

Ama, ang handog na ito


na aming pakikipagkasundo sa iyo
ay magbunga nawa ng kapayapaan at kaligtasan para sa buong daigdig.
Patatagin mo sa pananampalataya at pag-ibig
ang iyong simbahang naglalakbay sa lupa,
Kasama ang iyong lingkod na si Papa N. ang aming obispong si N.
ng tanang mga Obispo at buong kaparian at ng iyong piniling sambayanan.
Dinggin mo ang kahilingan ng iyong angkan
na ngayo'y tinipon mo sa iyong harapan.

Amang maawain,
kupkupin mo at pag-isahin ang lahat ng iyong mga anak
sa bawat panig at sulok ng daigdig.
Kaawan mo at patuluyin sa iyong kaharian
ang mga kapatid naming yumao at ang lahat ng lumisan sa mundong ito
na nagtataglay ng pag-ibig sa iyo.
Kami ay umaasang makararating sa iyong piling
at sama-samang magtatamasa ng iyong kaningningang walang maliw
sapagkat aming masisilayan ang iyong kagandahan

67
Pagdaraupin ang kanyang mga kamay

Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo


na siyang pinagdaraanan ng bawat kaloob Mo sa aming kabutihan.

Hahawakan ng Punong tagapagdiwang ang patena at kalis na kapwa itataas habang


ipinahahayag:

Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya, at sa kanya


ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo, Diyos Amang makapangyarihan,
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Ang lahat ng tao ay magbubunyi

R. Amen.

ANG PAKIKINABANG
Pagkalapag ng kalis at ostiya sa dambana, ipahahayag ng tagapagdiwang nang may magkadaop na mga
kamay:

Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos


at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos
ipahayag natin ng lakas loob:
Ilalahad ng tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at ipapahayag kaisa ng lahat:

Ama namin, sumasalangit ka. Sambahin ang Ngalan mo.


Mapasaamin ang kaharian mo. Sundin ang loob mo
dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga sala
para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
Nakalahad ang mga kamay ng tagapagdiwang sa pagdarasal.

Hinihiling naming kami’y iadya sa lahat ng masama,


pagkalooban ng kapayapaan araw-araw, iligtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.

68
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang panalangin sa ganitong
pagbubunyi:

Sapagkat iyo ang kaharian at ang kapangyarihan


at ang kapurihan magpakailanman. Amen.
Nakalahad ang mga kamay ng tagapagdiwang sa pagdarasal.

Panginoong Hesukristo, sinabi mo sa iyong mga Apostol:


“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming pananampalataya
at huwag ang aming mga pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay at magpapatuloy

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.


R. Amen.
Ang tagapagdiwang ay paharap sa sambayanang maglalahad ng mga kamay sa pagpapahayag:

Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.


R. At sumainyo rin.
Maidaragdag ang sumusunod na paanyaya:

Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.


Pagkatapos nito ay hahawakan ng tagapagdiwang at hahati hatiin niya ito sa ibabaw ng pinggan at
isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:

Sa pagsasawak na ito ng Katawan sa Dugo ng aming Panginoong Hesukristo


tanggapin nawa namin sa pakikinabang ang buhay na walang hanggan.
Samantalang ginaganap ito, aawitin ang pahayag na ito:

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,


maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

69
Magkadaop ang mga kamay ng tagapagdiwang habang pabulong na dinarasal:

Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay,


sa kalooban ng Ama, kasama ng Espiritu Santo,
binuhay mo sa iyong pagkamatay ang sanlibutan.
Pakundangan sa iyong banal na Katawan at Dugo,
iadya mo ako sa tanang aking kasalanan at lahat ng masama,
gawin mong ako’y makasunod lagi sa iyong mga utos,
at huwag mong ipahintulot na ako’y mawalay sa iyo kailan man.
o kaya:

Ang pakikinabang sa Katawan at Dugo mo, Panginoong Hesukristo,


ay huwag nawang magdulot ng paghuhukom at parusa sa kasalanan ko.
Alang alang sa iyong dakilang pag-ibig nawa’y makatanggap
nang pagkupkop mo sa akin at kaloob mong lunas.
Luluhod ang tagapagdiwang at pagtayo niya ay kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa ibabaw ng
pinggan. Paharap niyang ipahahayag sa sambayanan:

Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.

R. Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo


ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.
Pagkatapos ng pakikinabang, ang lalagyan ng mga ostiya para sa Biyernes Santo ay hahayaang
nakapatong sa dambana at ang misa ay wawakasan sa pamamagitan ng Panalangin Pagkapakinabang.
Matapos nito babalik ang tagapagdiwang sa kanyang upuan at kanyang ipahahayag:

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

Manalangin tayo

Ama naming mapagmahal,


Padaluyin mo sa amin ang batis ng Espiritu ng iyong pag-ibig,
upang kaming pinapagsalo mo s
a piging ng Pasko ng Pagkabuhay ni Kristo
ay magkaisa sa pananalig sa iyo sa pamamagitan niya
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

R. Amen

70
PAGHAYO SA PAGWAWAKAS

Tagapagdiwang:
Sumainyo ang Panginoon
R. At sumainyo rin

Tagapagdiwang:
Yumuko kayo at hingin ang pagpapala ng Diyos. (Tumahimik)

Tagapagdiwang:
Sa dakilang kapistahang ito ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesukristo,
kayo nawa’y pagpalain ng makapangyarihang Diyos
at sa lahat ng kasalanan ay kanya nawang ipagsanggalang
kayong nagdiriwang ngayon at magpasawalang hanggan.

R. Amen

Tagapagdiwang:
Sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Hesukristo,
piangkalooban kayo ng Diyos ng kagalingan at kaligtasan.
Puspusin nawa niya kayo ng kawalang kamatayan
ngayon at magpasawalang hanggan.

R. Amen

Tagapagdiwang:
Matapos idalamhati ang pagpapakasakit ni Hesukristo,
ipinagdiriwang ngayon ang maligayang Pasko ng Pagkabuhay ng mga tao.
Pasapitin nawa niya kayo sa kagalakan
ng kanyang kapistahan sa kalangitan magpasawalang hanggan.

R. Amen

Tagapagdiwang:
At pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos,
Ama + at Anak at Espiritu Santo.

R. Amen.

71
Tagapagdiwang:
Humayo kayong taglay ang kapayapaan
upang ang Panginoon ay mahalin at paglingkuran, Aleluya! Aleluya!

R. Salamat sa Diyos, Aleluya! Aleluya!

+
72

You might also like