You are on page 1of 20

HOLY FAMILY PARISH

SOCORRO, ORIENTAL MINDORO

PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM SA
HAPUNAN NG PANGINOON

1
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM NG HAPUNAN NG PANGINOON
PASIMULA

Ang pagdiriwang ng hapunan ng Panginoon ay sisimulan sa bandang hapon ng Huwebes


Santo. Nararapat na sa pasimula ng pagdiriwang maghanda ng karampatang dami ng
ostiya na ipamamahagi hanggang sa Byemes Santo. Sa rito ng Paghuhugas ng paa ang
pitsel na hugasan, pampunas at ang palanggana ay dapat isaayos. Pananatiliing walang
laman ang tabemakulo sa panimula ng misa. Puti ang damit na gagamitin ng punong
tagapagdiwang at ng mga nakikipagdiwang. Maaaring maglagay ng mga bulaklak sa altar
at sa lugar kung saan gaganapin ang pagbabantay sa Sakramento pagkatapos ng misa.
Nararapat na may tabenakulo at mga nakahandang ilaw sa lugar na paglalaanan para
dito. Maaaring gumamit ng insenso sa pagdiriwang. Pagsapit ng punong tagapagdiwang
sa upuan sisimulan ang misa tulad ng kinagawian.

PAGBATI

Punong tagapagdiwang:

Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.

R. Amen.

Purihin ang Panginoong Jesukristo na siyang pagsasakatawang-tao ng pag-ibig ng


Ama. Nawa ang Espiritu ng pag-ibig ay laging sumainyo.

R. At sumainyo rin.

PAGSISISI

Punong Tagapagdiwang:

Natitipon tayo ngayon bilang iisang katawan upang ipahayag at simulan ang triduo ng
misteryo paskuwal ng Panginoon. May mga pagkakataong tayo’y nakalilimot sa atas
ng pag-ibig ng Diyos na unang nagmahal sa atin. Suriin natin ang ating sarili upang
marapat tayong humarap sa banal na paghahaing ito.

Sandaling katahimikan

P. at B.
Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos at sa iyo mga kapatid, na lubha akong
nagkasala (dadagukan ang dibdib) sa isip, sa salita, sa gawa at sa aking pagkukulang. Kaya
isinasamo ko sa Mahal na Birheng Maria, sa lahat ng mga anghel at mga banal at sa inyo
mga kapatid na ako’y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.

P. Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga kasalanan,


at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.

B. Amen.

2
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM NG HAPUNAN NG PANGINOON
Iminumungkahing awitin

Panginoon kaawaan mo kami


Panginoon kaawaan mo kami.

Kristo kaawan mo kami.


Kristo kaawaan mo kami.

Panginoon kaawaan mo kami.


Panginoon kaawan mo kami.

Pasisimulan ng punong tagapagdiwang ang pag-awit ng Papuri sa Diyos. Tutugtugin ang


mga batingaw at matapos nito ang mga ito'y mananatiling tahimik hanggang sa muling pag-
awit ng Papuri sa Diyos sa magdamagang Pagtatanod sa Gabi ng muling pagkabuhay. Sa
oras ng konsagrasyon gagamitin ang mga kahoy na pang-ingay sa halip na mga kampana.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

P. Manalangin tayo:
Sandaling katahimikan

Ama naming makapangyarihan,


sa mga kasalo ngayon sa banal na hapunan na ipinamana ng iyong Anak na
mamamatay bilang haing bago at pangmagpakailanman para sa giliw niyang
sambayanan, ipagkaloob mong lubusan mapakinabangan ang iyong dakilang pag-ibig
at buhay sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen

LITURHIYA NG SALITA NG DIYOS


Maupo po ang lahat

UNANG PAGBASA
Mag tagubilin tungkol sa hapunan ng Paskuwa.

Pagbasa mula sa aklat ng Exodo 12,1-8.11-14

Noong araw na iyon, sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron, “mula ngayon, ang buwang
ito ang magiging unang buwan ng taon para sa inyo. At sabihin ninyo sa buong pamayanan
ng Israel na sa ikasampung araw ng buwang ito, bawa’t puno ng sambahayan ay pipili ng
kordero o bisirong kambing para sa kanyang pamilya. Kung maliit ang pamilya at hindi
makauubos ng isang buong kordero, magsasalo sila ng kalapit na pamilya na hindi rin
makauubos ng isang buo. Ang dami ng magsasalu-salo sa isang kordero ay ibabatay sa
makakain ng bawa’t isa. Kailangang ang kordero ay lalaki, isang taong gulang, walang
pinsala o kapintasan. Kung walang tupa kahit kambing. Aalagaan itong mabuti hanggang sa
ikalabing-apat ng buwan at sa kinagabihan, sabay-sabay na papatayin ng buong bayan ang
kanilang kordero. Kukuha sila ng dugo nito at ipapahid sa mga hamba at sombrero ng mga
pintuan ng bahay na kakainan ng kordero. Sa gabi ring iyon, lilitsunin ito at kakaning
kasama ng tinapay na walang lebadura at mapapait na gulay. Ganito naman ang magiging

3
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM NG HAPUNAN NG PANGINOON
ayos ninyo sa pagkain nito: nakabigkis, nakasandalyas at may tangang tungkod; dali-dali ang
inyong pagkain nito. Ito ang paskuwa ng Panginoon.

“Sa gabing iyon, lilibutin ko ang buong Egipto at papatayin ang lahat ng panganay na lalaki,
maging tao o hayop man. At parurusahan ko ang lahat ng diyus-diyusan sa Egipto. Ako ang
Panginoon. Lalampasan ko ang lahat ng bahay na makita kong may pahid na dugo, at
walang pinsalang mangyayari sa inyo sa pagpaparusa ko sa buong Egipto. Ang dugo ang
siyang magiging palatandaan na Israelita ang nakatira sa bahay na iyon. Ang araw na ito’y
ipagdiriwang ninyo magpakailanman bilang pista ng Panginoon.”

Ang salita ng Diyos.

R. Salamat sa Diyos.

SALMONG TUGUNAN

Sa kalis ng pagbabasbas si Kristo ang tinatanggap

Sa Diyos ko’t Panginoon, anong aking ihahandog,


Sa lahat ng kabutihan na sa akin ay kaloob?
Ang handog ko sa dambana, ay inumin na masarap,
Bilang aking pagkilala sa ginawang pagliligtas.

Sa kalis ng pagbabasbas si Kristo ang tinatanggap

Masakit sa kalooban ng Poon kung may papanaw


Kahit ito ay iisa labis siyang magdaramdam.
Katulad ng aking ina, maglilingkod akong lubos;
Yamang kao’y iniligtas, kinalinga at tinubos.

Sa kalis ng pagbabasbas si Kristo ang tinatanggap

Ako ngayo’y maghahandog ng haing pasasalamat,


Ang hadog kong panalangi’y sa iyo ko ilalagak.
Sa templo sa Jerusalem, ay doon ko ibibigay
ang anumang pangako sa iyo ay binitiwan.

Sa kalis ng pagbabasbas si Kristo ang tinatanggap

IKALAWANG PAGBASA

Tuwing kakain kayo at iinom, ipinapahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon..

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga -Corinto
12,1-8.11-14

Mga kapatid:
Ito ang aral ng Panginoon na tinanggap ko sa Panginoon at ibinigay ko naman sa inyo: ang
Panginoong Hesus, noong gabing siya’y ipagkanulo ay kumuha ng tinapay, nagpasalamat at
pinaghati-hati ito, at sinabi, “Ito ang kaing katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin
4
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM NG HAPUNAN NG PANGINOON
ninyo ito sa pag-alala sa akin.” Gayon din naman, matapos maghapunan ay hinawakan niya
ng kalis at sinabi, “Ang kalis na ito ng bagong tipan na pinagtitibay ng aking Dugo. Tuwing
iinumin ninyo ito, gawin ninyo ito sa pag-alala sa akin.” Sapagkat’ tuwing kakain kayo ng
tinapay na ito at iinom sa kalis na ito ay ipinahahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon,
hanggang sa muling pagparito niya.

Ang salita ng Diyos.

R. Salamat sa Diyos

MABUTING BALITA

Diyakono:

Sumainyo ang Panginon


R. At sumainyo Rin

Ipakikita niya kung hanggang saan ang kanyang pag-ibig sa kanila.

+ Ang mabuting balita ng Panginoon ayon kay san Juan 13,1-5


R. Papuri sa iyo Panginoon

Bisperas ng paskuwa. Alam ni Hesus na dumating na ang panahon ng kanyang paglisan sa


sanlibutang ito upang bumalik sa Ama. Mahal niya ang kanyang mga tagasunod na nasa
sanlibutan, at ngayo’y ipakikita niya kung hanggang saan ang kanyang pag-ibig sa
kanila.Naghahapunan si Hesus at ang mga alagad. Naisilid na ng diyablo sa isip ni Judas,
anak ni Simon Iscariote, ang pagkakanulo kay Hesus.

Alam ni Hesus na ibinigay na sa kanya ng Ama ang buong kapangyarihan; alam din niyang
siya’y mula sa Diyos at babalik sa Diyos. Kaya’t nang sila’y naghahapunan, tumindig si
Hesus, naghubad ng kanyang panlabas na kasuutan, at nagbigkis ng tuwalya. Pagkatapos,
nagbuhos siya ng tubig sa palanggana, at sinimulang hugasan ang paa ng mga alagad at
punasan ng tuwalyang nagbibigkis sa kanya. Paglapit niya kay Simon Pedro, tumutol ito.
“Panginoon,” sabi niya. “Diyata’t kayo pa ang maghuhugas ng aking mga paa?” sumagot si
Hesus, “Hindi mo nauunawaan ngayon ang ginagawa ko, nguni’t mauunawaan mo rin
pagkatapos.” Sinabi sa kanya ni Pedro. “Hinding-hindi ko po pahuhugasan sa inyo ang aking
mga paa.” “Kung hindi kita huhugasan, wala kang kaugnayan sa akin,” tugon ni Hesus.
Kayat sinabi ni Pedro, “Panginoon, hindi lamang po ang mga paa ko, kundi pati ang aking
kamay at ulo!” Ani Hesus, “Maliban sa kanyang mga paa, hindi na kailangang hugasan pa
ang naligo na, sapagkat malinis na ang kanyang buong katawan. At malinis na kayo, ngunit
hindi lahat.” Sapagkat alam ni Hesus kung sino ang magkakanulo sa kaniya, kaya sinabi
niyang malinis na sila, ngunit hindi lahat.

Nang mahugasan na ni Hesus ang kanilang mga paa, siya’y nagsuot ng mga damit at
nagbalik sa hapag. “Nauunawaan ba ninyo kung ano ang ginawa ko sa inyo?” tanong niya sa
kanila. “Tinatawag ninyo akong Guro at Panginoon, at tama kayo, sapagkat ako nga. Kung
ang Panginoon ninyo at Guro ay naghugas ng inyong mga paa, dapat din kayong
maghugasan ng paa. Binigyan ko kayo ng halimbawa at ito’y dapat ninyong tularan.”

Ang mabuting balita ng Panginoon


R. Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo
5
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM NG HAPUNAN NG PANGINOON
HOMILIYA

Walang Sumasampalataya Ako

ANG PAGHUHUGAS NG MGA PAA

Ang mga pinili mula sa Sambayanan ng Diyos ay ihahatid ng mga tagapaglingkod sa mga
inihandang upuan sa angkop na pook. Ang pari (na maaring mag-alis ng kasulya kung
kailangan) ay lalapit sa bawat huhugasan, magbubuhos siya ng tubig sa mga paa ng mga
huhugasan sa tulong ng tagapaglingkod niya, at siya ay magpapahid ng tuwalya sa
nahugasang mga paa. Samantalangito’y ginagawa, aawitin ang mga sumusunod na taludtod o
iba pangnababagay na awit

Unang Taludtod: Juan 13,4

Si Hesus na Poong sinta’y


Naghanda ng palangganang
May tubig at ng tuwalya
Upang hugasan ang paa
Ng mga alagad niya.

Ikalawang Taludtod: Juan 13, 6.7.8

“huhugasan po ba ninyo,’
Ani Pedro, “ang paa ko?”
“kung di ko gagawin ito
Ay di ka makakasalo
Sa akin,” sabi ni Kristo.

Kaya’t lumapit si Kristo


Upang hugasan si Pedro
Na nagtaning nang ganito:
“Huhugasan po ba ninyo,
Guro, ang mga paa ko?”

“Lingid sa pang-unawa mo
Ngayon ang minimithi kp.
Matatanto mo rin, Pedro,
Ang ibig sabihin nito,”
Ang sagot ni Hesukristo.

Ikatlong Taludtod: Juan 13,14

Panginoon ninyo ako


6
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM NG HAPUNAN NG PANGINOON
Na naghugas sa paa n’yo.
Dapat n’yo ring gawin ito
Sa kapwa ninyo sa grupo
Gayundin sa ibang tao.

Ikaapat na Taludtod: Juan 13, 35

Kapag umiral sa inyo


Ang dakilang pag-ibig ko,
Makikilala ng tao
Na alagad ko nga kayo,
Ang sabi ni Hesukristo.

Ikalimang Taludtod: Juan 13, 34

Ang bagong utos ko’y ito:


Mag-ibigan sana kayo
Katulad ng ginawa ko
Na pagmamahal sa inyo,
Ang sabi ni Hesukristo.

Ikaanim na Taludtod: 1 Corinto 13, 13

Ang pag-ibig, ang pag-asa


At ng pananampalataya
Sa inyo’y umiral sana:
Ang pinakamahalaga’y
Pag-ibig at walang iba.

PANALANGIN NG BAYAN

ANG PAGTANGGAP SA MGA BANAL NA LANGIS

Sisimulan ang paghahandog ng mga alay at ang lalagyanan ng mga banal na langis ay
ihahandog ng dalawang kinatawan ng sambayanan sa punong tagapagdiwang. Ang mga
langis ay unang ihahandog bago ialay ang alak at tinapay. Sa bandang harapan ng
sanktuaryo sasalubungin ng tagapagdiwang at iba pang tagapaglingkod para sa
pagtanggap ng ibang alay. Ilalagay ang mga langis sa isang mesa sa may sanktuaryo.

PAGTANGGAP NG LANGIS PARA SA MAY SAKIT

Ang langis para sa maysakit ay iaabot ng naatasang tagapagdala nito sa paring namumuno
ng pagdiriwang. Sasabihin ng taga-pag-abot ng langis sa tagapagdiwang

Kinatawan: Narito po ang langis para sa may sakit.

Tagapagdiwang:

Maranasan nawa ng mga may karamdaman na papahiran ng langis na ito ang awa,
pakikiramay at mapanligtas na pagmamahal ni Kristo, sa kanilang katawan, isip at
kaluluwa.

7
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM NG HAPUNAN NG PANGINOON
R.Purihin at ipagdangal ang ating Poong Maykapal: Ama nating bukal ng buhay. Anak na
sy'a nating Daan. Espiritung ating Tanglaw.

PAGTANGGAP SA BANAL NA KRISMA

Ang krisma ay iaabot ng naatasang tagapagdala nito sa namumuno ng pagdiriwang.


sasabihin ng taga-pag-abot ng langis sa tagapagdiwang.

Kinatawan: Narito po ang Banal na Krisma

Tagapagdiwang:

Ang mga papahiran ng mahalimuyak na krismang ito: ang mga bibinyagan at


kukumpilan; mga oordinahang pari, ay makaranas nawa ng biyaya ng Espiritu Santo.

R.Purihin at ipagdangal ang ating Poong Maykapal: Ama nating bukal ng buhay. Anak na
sy'a nating Daan. Espiritung ating Tanglaw.

Tatanggapin ng pari ang tinapay at alak at ang misa ay magpapatuloy.

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN

PAGHAHANDA NG MGA ALAY

Matapos ihanda ang mga iaalay sa altar tutungo ang tagapagdiwang sa gitna nito at
hahawakan ang patena na bahagyang nakataas at sasambitin

Kapuri-puri ka Diyos Amang lumikha sa sanlibutan.


Sa iyong kagandahang loob, narito ang aming maiaaalay. Mula sa lupa at bunga ng
aming paggawa ang tinapay na ito para maging pagkaing nagbibigay buhay.

R. Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at magpakailanman.

Ibubuhos ng diyakono ang alak at tubig sa kalis.

Sa paghahalong ito ng alak at tubig


kami nawa'y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo na napagindapat makihati sa aming
pagkatao.

Hahawakan ng tagapagdiwang ang kalis at sasambitin

Kapuri-puri ka o Diyos Amang lumikha sa sanlibutan.


Sa iyong kagandahang loob narito ang aming maiaalay. Mula sa katas ng ubas at
bunga ng aming paggawa ang alak na ito para maging inuming nagbibigay ng iyong
Espiritu.

R Kapuri -puri ang Poong Maykapal ngayon at magpakailanman.

8
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM NG HAPUNAN NG PANGINOON
Yuyuko ang tagapagdiwang habang dinarasal niya ng pabulong

Diyos Amang lumikha, nakikiusap kaming mga makasalanan. Tanggapin mo ang


aming pagsisisi bilang handog upang kami'y matutong sumunod sa iyo nang buong
puso

linsensuhan niya ang mga alay at ang altar. Matapos nito iinsensuhan ng diyakono ang
tagapagdiwang, ang mga paring nakikipagmisa at ang mga tao. Pagkatapos ay
maghuhugas ang tagapagdiwang ng kama'y at pabulong na sasabihin.

Diyos kong minamahal, kasalanan ko'y hugasan at linisin mong lubusan ang nagawa
kong pagsuway.

Matapos nito ay kanyang ipahahayag.

Manalangin kayo mga kapatid


upang, ang paghahain natin ay kalugdan ng Diyos Amang makapangyarihan.

R. Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong mga kamay sa kapurihan niya't
karangalan sa ating kapakinabangan
at sa buong sambayanan niyang Banal.

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

Punong Tagapagdiwang:

Ama naming Lumikha


ipagkaloob mong marapat na ganapin ang banal na paghahain
sapagkat tuwing ipinagdiriwang ang ala-ala ng Anak mong nag-aalay, ang pagliligtas
niya sa tanan ay nangyayari upang aming pakinabangan sa pamamagitan niya kasama
ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

B. Amen.

PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PASASALAMAT I

Punong Tagapagdiwang:

Sumainyo ang Panginoon


R.At sumainyo rin

Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa


R.Itinaas na namin sa Panginoon

Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos


R.Marapat na siya ay pasalamatan

Ama naming makapangyarihan


tunay ngang marapat na ikaw ay aming pasalamatan.
Sa pamamagitan ni Jesu-kristo na aming Panginoon.
9
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM NG HAPUNAN NG PANGINOON
Siya ang laging dakila at lagi mong ikinalulugod
na paring naghahain para sa sansinukob
nitong pag-aalay na tangi mong ibinukod.
Ang pagdiriwang sa huling hapunan ay paghahain niya
para sa tanan upang alalahanin namin at pagsaluhan.
Ang laman niya'y inihain upang lahat ay buhayin.
Ang dugo niya'y dumanak nang lahat ay mapatawad.

Kaya kaisa ng mga anghel na nagpupuri sa iyo nang walang humpay sa kalangitan
ipinagbubunyi namin ang iyong kadakilaan:

Santo Santo Santo Panginoong Diyos na makapangyarihan


Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo
Hosana sa kaitaasan
Pinagpala ang naparito sa ngalan ng Panginoon
Hosana sa kaitaasan

Nakalahad ang mga kamay ng Pari sa pagdarasal

Ama naming maawain,


ipinaaabot namin ang pasasalamat sa iyo
sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo.

Pagdaraupin ng pari ang kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis,


samantalang kanyang dinarasal.

Ipinakikiusap naming sa pamamagitan ng Anak mong ito


na ang mga kaloob namin ay tanggapin at basbasan mo +
sa pagdiriwang namin ng paghahain niya sa iyo.

Iniaalay namin ito sa iyo unang-una


para sa iyong banal na Simbahang Katolika.
Pagkalooban mo ng kapayapaan at pagkupkop,
pagkakaisa at pagtataguyod,
ang mga kaanib nito sa sansinukob,
kaisa ng aming Papa Benedicto., na iyong lingkod,
kasama ng aming Obispo N.
at lahat ng nananalig at nagpapalaganap
sa pananampalatayang katoliko
na galing sa mga apostol.

Ama namin, iyong alalahanin


Ang iyong mga anak na ngayo’y aming idinadalangin:
N. at N.

Sila’y saglit na ipagdarasal ng pari nang may magkadaop na kamay.


Pagkatapos, ang pari ay patuloy na magdarasal nang nakalahad ang mga kamay.

Ang aming pananampalatya ay nababatid mo


Gayundin ang pagsisikap naming maging tapat sa iyo,
10
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM NG HAPUNAN NG PANGINOON
Ang paghahaing ito ng pagpupuri ay aming iniaalay
para sa kapakanan namin at ng mga mahal namin sa buhay,
para sa aming kalusugan at walang hanggang kaligtasan
sa pagdulog namin sa iyong kadakilaan,
Diyos na totoo at nabubuhay kaylan man.

Kaisa ng Buong simbahan


Ngayo'y aming ipinagdiriwang
ang dakilang kapistahan ng ginawang paghahain
ng aming Panginoong Hesukristo para sa amin.
Pinararangalan namin ngayon, unang-una
ang ina ng Diyos at Panginoon naming si Hesukristo,
si Maria na maluwalhating laging Birhen:
gayundin ang kanyang kabiyak ng pusong si San Jose,
ang iyong pinagpalang mga apostol at martir
na sina Pedro, Pablo at Andres,
(sina Santiago, Juan,
Tomas, Santiago, Felipe,
Bartolome, Mateo,
Simon at Tadeo;
Gayundin din sina Lino, Cleto, Clemente, Sixto,
Cornelio, Cipriano,
Lorenzo, Crisogono,
Juan at Pablo,
Cosme at Damian)
at lahat ng iyong mga banal.
Pakundangan sa kanilang ginawang kabutihan
at walang sawang pagdalangin
para sa aming kapakanan,
kami ay lagi mong kalingain
at ipagsanggalang.

Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

Ama namin, iyong tanggapin


Ang handog na ito ng iyong buong angkan.
Loobin mo kami’y makapamuhay
araw-araw sa iyong kapayapaan.
Huwag mong ipahintulot na kami’y mawalay
Sa iyo kaylan pa man.
Ibilang mo kami sa iyong mga hinirang.

Lulukuban ng mga kamay ng punong tagapagdiwang ang mga alay habang siya’y
nagdarasal.

Ama namin
Basbasan mo
Ang mga handog naming ito.
Marapatin mong sambahin ka namin
Sa Espiritu at katotohanan,
Kaya para sa amin
ito ay gawin mong maging katawan at Dugo
11
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM NG HAPUNAN NG PANGINOON
ng pinakamamahal mong Anak,
ang aming Panginoong Hesukristo.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

Noong bisperas ng kanyang pagpapakasakit,

Hahawakan ng tagapagdiwang ang tinapay nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng


dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:

Hinawakan niya ang tinapay


sa kanyang banal at kagalang-galang na mga kamay.

Ang pari ay titingala.

Tumingala siya sa langit,


sa iyo, Diyos Ama niyang makapangyarihan,
at nagpasalamat siya sa iyo.
Pinaghati-hati niya ang tinapay,
iniabot niya sa kanyang mga alagad at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang pari:

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:


ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO

Ipapamalas niya ang ostiyang itinalagang maging katawan ni Kristo, ipapatong


niya ito sa pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba.

Ang pari ay magpapatuloy

Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,

Hahawakan ng tagapagdiwang ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana


habang kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang kalis na ito ng pagpapala


sa kanyang banal at kagalang-galang na mga kamay,
muli ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang pari:

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.
GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALAALA SA AKIN.
12
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM NG HAPUNAN NG PANGINOON
Ipapamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng katawan ni Kristo, at
luluhod siya bilang pagsamba.

Pagkatapos, ipahahayag ng pari:

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.

Si Kristo’y namatay!
Si Kristo’y nabuhay!
Si Krsito’y babalik sa wakas ng panahon!

Ilalahad ng tagapagdiwang ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal:

Ama,
kaming mga lingkod mo at bumubuo sa iyong bayang banal
ay nagdiriwang sa alaala ni Kristo
na iyong Anak at aming Panginoon.
Ginugunita namin
ang kanyang dakilang pagpapakasakit
ang pagbangon niya mula sa kamatayan,
at ang matagumpay na pag-akyat niya sa kalangitan.
Kaya mula sa mga biyayang sa iyo rin nanggaling
inihahandog namin sa iyong kataas-taasang kamahalan
ang paghahain na ito na katangi-tangi at dalisay:
Ang pagkaing nagbibigay-buhay kaylan man
at ang inuming nagbibigay-kagalingang walang katapusan.

Masdan mo nang buong kasiyahan ang aming mga alay na ito.


Ganapin mo sa mga ito ang ginawa mo
sa mga handog ni Abel, ang lingkod na matapat sa iyo,
sa paghahain ni Abraham,
na ama namin sa pananampalatayang totoo,
at sa inihandang tinapay at alak ni Melkisedek,
na paring hinirang mo.
Paunlakan mo ngayon tanggapin
ang banal at dalisay na paghahain.

Yuyuko ang tagapagdiwang at magdarasal siyang magkadaop ang mga kamay.

Makapangyarihang Diyos,
hinihiling naming iyong ipaakyat sa banal mong anghel
ang mga alay na ito sa dakilang dambanang nasa iyong harap
upang sa pagsasalo sa banal na katawan at dugo ng iyong Anak
sa pakikinabang namin ngayon dito sa banal mong hapag

Tatayo nang tuwid ang pari at magkukrus samantalang nagdarasal

Kami ay mapuspos ng iyong pagpapala at tanang pagbabasbas.

PAG-ALALA SA MGA YUMAO SA DAIG-DIG

13
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM NG HAPUNAN NG PANGINOON
Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

Ama namin, iyo ring alalahanin


Ang mga anak mong naunang yumao sa amin
Sa paghimlay sa iyong kapayapaan
Yamang ang tatak ng pananampalataya ay kanilang taglay
At sila ngayo’y aming ipinagdarasal:
N. at N.

Sila’y saglit na ipagdarasal ng pari nang may magkadaop na mga kamay. Pagkatapos, ang
pari ay patuloy na magdarasal nang nakalahad ang mga kamay.

Sila at ang tanang nahihimlay sa kandungan ni Kristo


Ay aming idinadalangin sa iyo
Upang iyong pagbigyang makarating
Sa pagsasalo, pagliliwanag at pamamahinga sa iyong piling.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

(Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo. Amen.)

Dadagukan ng kanang kamay ng pari ang kanyang dibdib habang siya ay nagsisimulang
magdasal

Kahit kami ay mga makasalanan mong lingkod

Patuloy na magdarasal ang pari nang naklahad ang mga kamay.

Kami rin ay nagtitiwala sa iyong nag-uumapaw na pagkamapagbigay


sa aming pamumuhay araw-araw.
Kaya pagindapatin mo ring kami ay makaugnay at makapiling
Ng iyong mga banal na apostol at martir,
Kasama nina Juan Bautista, Esteban,
Matias, Bernabe,
(Ignacio, Alejandro,
Marcelino, Pedro,
Felicidad, Perpetua,
Agata, Lucia,
Agnes, Cecilia, Anastasia)
At ng lahat ng iyong mga banal.
Kami nawa’y makapisan nila
Hindi dahil sa aming ginagawang kabutihang kulang na kulang
Kundi pakundangan sa iyong pagpupuno sa aming kakulangan.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

(Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo.)

At patuloy siyang magdarasal:

14
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM NG HAPUNAN NG PANGINOON
Sa kanyang pamamagitan ang tanang mabubuting kaloob mong ito ay lagi mong
pinaiiral, pinababanal, binubuhay, binabasbasan
At sa amin ibinibigay.

Hahawakan ng punong tagapagdiwang ang pinggang may ostiya at ang kalis at kapwa niya
itataas habang kanyang ipinapahayag:

Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya, at sa kanya


ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo,
Diyos Amang makapangyarihan,
Kasama ng Espiritu Santo
Magpasawalang hanggan.

Ang mga tao ay magbubunyi

Amen.

ANG PAKIKINABANG

Pagkalapag ng kalis at pinggan, ipahahayag ng pari nang may magkadaop na mga kamay;

Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos


at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos
ipahayag natin nang lakas-loob:

Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng lahat

Ama namin, sumasalangit Ka.


Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayun ng aming kakanin sa araw-araw.

At patawarin mo kami sa aming mga sala


para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.

Nakalahad ang mga kamay ng punong tagapagdiwang sa pagdarasal:

Hinihiling naming
kami’y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
iligtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

15
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM NG HAPUNAN NG PANGINOON
Sapagka’t iyo ang kaharian
at ang kapangyarihan at ang kapurihan
magpakailan man! Amen.

Malakas na darasalin ng paring nakalahad ang mga kamay:

Panginoong Hesukristo,
sinabi mo sa iyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming pananampalataya
at huwag ang aming mga pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.


R. Amen.

Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.


R. At sumaiyo rin.

Ipahahayag ng Diyakono.

Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.

Pagkatapos, hahawakan ng pari ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw ng pinggan
at isasawsaw niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinadasal:

Sa pagwasak na ito
Ng katawan at dugo ng aming Panginoong Hesukristo
Tanggapin nawa namin sa pakikinabang
Ang buhay na walang hanggan.

Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin.


Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, ipagkaloob mo sa amin ang
kapayapaan.

Magkadaop ang mga kamay ng Pari sa pabulong na pagdarasal.

Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay,


sa kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo,
binuhay mo sa iyong pagkamatay ang sanlibutan.
Pakundanagn sa iyong banal na katawan at dugo,
iadya mo ako sa tanang aking kasalanan at lahat ng
masama, gawin mo akong laging makasunod sa iyong mga utos,
at huwag mong ipahintulot na ako’y mawalay sa iyo kaylan man.

16
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM NG HAPUNAN NG PANGINOON
Luluhod ang tagapagdiwang at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa
ibabaw ng pinggan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi ng malakas:

Ito ang Kordero ng Diyos.


Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.

R. Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo nguni’t sa isang salita mo


lamang ay gagaling na ako.

Siyay makikinabang ng magalang at nakayuko sa dambana haabng patuloy na nagdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng katawan ni Kristo patungo sa buhay na walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang katawan ni Kristo.

Ipagsanggalang nawa ako ng dugo ni Kristo patungo sa buhay na walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang dugo ng Kristo.


Pagkapakinabang ng lahat ipahahayag ng punong tagapagdiwang ang panalangin
pagkatapos ng komunyon.

KOMUNYON

Matapos ang pakikinabang ng mga tao iiwanan ang ciborium sa altar at dadasalin ng
punong tagapagdiwang ang panalangin pagkapakinabang sa dako ng upuan

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

Ama naming mapagmahal,


ipagkaloob mong sa aming pakikinabang
sa ipinagdiriwang nitong hapunan ng Anak mong mahal
kami'y pagindapating makasalo kaylanman sa piging ng iyong piling sa kalangitan sa
pamamagitan ni Jesu-Kristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

R. Amen

PRUSISYON SA PAGLILIPAT NG BANAL NA SAKRAMENTO

Matapos nito magtatapos ang misa ng walang pagbabasbas. Luluhod ang lahat. Luluhod
naman ang pari at iinsensuhan ang Santisimo ng tatlong ulit. Lalapit ang diyakono o
punong tagapaglingkod at iaabot ang balabal. Isusuot ito ng punong tagapagdiwang at
dadalhin ang Santisimo na nakatago sa loob ng balabal.

Ang banal na sakramento ay ipuprusisyon sa loob ng simbahan patungo sa lugar na


paglalaanan ng pagtatanod. Pangungunahan ito ng mga tagapaglingkod na may tangan
17
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM NG HAPUNAN NG PANGINOON
ayon sa pagkakasunod-sunod; krus, mga kandila at insenso. Nakaluhod ang mga tao na di
kasama sa prusisyon habang inaawit ang mga sumusunod., "Pange Lingua" maliban sa
dalawang huling taludtod o di kaya'y “Isang pagkain isang Katawan isang bayan".

Habang nagpruprusisyon maaaring unti-unti nang patayin ang mga ilaw sa simbahan
hanggang ang matitirang ilaw ay sa lugar ng pagtatanod na lamang. Ang pagliligpit ng
mantel ng altar, ng mga bulaklak at ang pagtatanggal ng mga kandila sa altar at anumang
gayak ay maaaring gawin pagkatapos ng seremonyas ng pagbabantay o di kaya'y habang
nagpuprusisyon patungo sa lugar ng pagtatanod ang tagapagdiwang, mayroong ilang
tagapaglingkod na unti-unting inaalis ang anumang palamuting nabanggit. Tatanggalin ang
mga krusipiho sa loob ng simbahan o di kaya'y lalagyan ng takip.

Pagsapit ng prusisyon sa lugar ng pagtatanod ibibigay ng punong tagapagdiwang ang


ciborium sa diyakono at ilalagay naman ng diyakono ang sakramento sa tabemakulo.

Aawitin ng lahat ang Tantum Ergo at muling lalagyan ng pari ng insenso ang insensaryo at
iinsensuhan ang sakramento.

Tantum ergo Sacramentum Veneremur cernui


Et antiquum documentum Novo cedat ritui
Praestet fidessuplementum Sensuum defectui.

Genitori genitoque
Laus et jubilatio
Salus honor virtus quoque Sit et benedictio
Procedenti ab utroque Compar sit laudation

Pagkatapos ng sandaling pagsambang katahimikan isasara ng diyakono ang pinto ng


tabemakulo. Pagkabigay-galang ng pari at tagapaglingkod sa sakramento sila ay tahimik
na babalik sa sakristiya.

Maaaring magtanod ang ibat ibang samahang pansimbahan ngunit ang pagtatanod ay
hindi dapat lumagpas ng hatinggabi.

18
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM NG HAPUNAN NG PANGINOON
19
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM NG HAPUNAN NG PANGINOON

You might also like