You are on page 1of 49

PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM SA
PAGHAHAPUNAN NG PANGINOON
Kulay Puti
Ayon sa napakatandang kaugalian ng Simbahan, ngayo’y bawal ang
pagmimisa kapag walang nagsisimba.
Sa pagtatakipsilim gaganapin ang Misa sa paghahapunan ng Panginoon
na ipagdiriwang nang may lubusang pakikilahok ng Sambayanan ng
pook, ng kaparian at ng tanang tagapaglingkod na gumaganap ng
kanilang paglilingkod.
Ang mga paring nakipagmisa na kaugnay ng pagbabasbas ng langis o
nakapagmisa na para sa kapakanan ng mga tao ay maaaring
makipagmisa uli ngayon.
Kung makabubuti para sa kapakanan ng mga tao, maaaring
pahintulutan ng Punong-tagapangasiwa ng diyosesis ang pagdiriwang
ng isa pang Misa sa pagtatakipsilim sa mga simbahan at pambayang
bahay dalanginan gayundin sa mga bahay dalanginang may
nagmamay-ari nguni't bukas para sa madla. Kung talagang kailangan,
maaari rin niyang pahintulutan ang pagmimisa sa umaga ng araw na ito
nguni't tanging para lamang sa mga totoong hindi makapagsisimba
ngayon. Ang mga nasabing pagmimisa ay hindi maaaring para sa
kapakinabangang pangsarili ng ilang piling mga tao o kung ito ay
magiging sanhi ng pagkabawas ng maraming nagsisimba ngayon.
Maaaring makinabang ang mga maysakit kahit anong oras nguni't para
sa iba tanging sa Misa lamang ng gabing ito pinapayagan ang
pakikinabang.
Ang tabernakulo ay dapat na walang laman; dapat maghanda ng sapat
na tinapay para italagang maging Katawan ni Kristo para sa
pakikinabang ng mga pari at mga tao ngayon at bukas.
Maaaring palamutian ng bulaklak ang dambana ayon sa diwa ng araw
n aiyo. Ang tabernakulo ay dapat na walang laman; dapat maghanda ng
sapat na tinapay para italagang maging Katawan ni Kristo para a
pakikinabang ng mga pari at mga tao ngayon at bukas.
Maaaring ganapin sa pagdiriwang na ito ang Pagtanggap sa mga Banal
na Langis.
PAUNANG SALITA
Tagapagdaloy
“Ang sarong ito ang bagong tipan na pinagtitibay ng
Aking Dugo.” Ang Lingkod ng Diyos ay Lingkod ng Bagong
Tipan. Sa dapit-hapong ito ipinagdiriwang natin aang
Huling Hapunan ng Panginoon. Sa piging na ito, itinatag ni
Hesus ang mga sakramento ng Banal na Orden at ng
Eukaristiya. Paglimiin natin ang kahulugan nito para sa atin
na mga alagad Niya.

Ngayon gaganapin natin ang paghuhugas ng paa ng


mga alagad at ang paggunita sa Huling Hapunan. Ang
paghuhugas ng paa ay hindi lamang isang ritwal na
ginagaya ang ginawa ng Panginoon kundi isang panawagan
sa lahat na maglingkod sap ag-ibig, tulad ng paglilingkod na
ginawa ng Panginoon. Nagsimula pa ang ritu ng
paghuhugas nsa kalagitnaan ng ika-limang siglos a
Jerusalem at pormal na nagging bahagi ng liturhiya
pagkatapos ng ikalawang konsilyo sa Vaticano.

Pagkatapos ng pagdiriwang ang reposisyon ng mga


natirang banal na ostiya, isang kilos na nagpapaalaala s
panahong wala pang tabernakulo sa loob ng Simbahan at
inilalagak pa ang natira sa ibang bahagi ng Simbahan, na
malimit ay s sakristiya. Pinagtibay ang kilos na ito noong
ikalabintatlong siglo sa pangunguna ni Papa Urbao IV
matapos na itatag ang pista ng Corpus Christi. Kaalinsabay
rin nito ang isang matandang Gawain na pag-aalis ng
mantel ng altar.

Ang mamumuno sa pagdiriwang na ito ay ang ating


Kura Paroko Reberendo Padre Artemio Fabros. Magsitayo
ang lahat at sabay-sabay nating awitin ang pambungad na
awit.
PASIMULA
Kapag nagtitipon na ang sambayanan, ang pari at mga tagapaglingkod
ay lalakad patungo sa dambana samantalang ang awiting pambungad
ay ginaganap.
Pagsapit sa dambana, ang pari at mga tagapaglingkod ay magbibigay-
galang alinsunod sa hinihinhing paraan. Magbibigay-galang ang par isa
dambana sa pamamagitan ng paghalik sa ibabaw. Kung minamabuti
niya, maiinsensuhan nia ito. Pagkatapos, ang pari ay paroroon sa
kanyang upuan.
Matapos ang awiting pambungad, habang nakatayo ang lahat, ang pari
at mga tao ay mag kukrus. Ipapahaag ng paring nakaharap sa mga tao:

Sangalan ng Ama
at ng Anak at ng Espirito Santo.
Sasagot ang mga tao:
Amen.
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay bilang pagbati sa mga tao,
habang ipinahahayag:

Ang pagpapala at kapayapaan mula


sa Diyos na Ama natin at sa Panginoong
Hesukristo nawa’y sumainyong lahat.
Sasagot ang mga tao:
At sumainyo rin.
PAMBUNGAD NA PALIWANAG
Ang tagapagdiwang ay makapagbibigay ng maikling paliwag tungkol
sa buod ng Misang ipagdiriwang.

Mga minamahal na kapatid, sa


pagdiriwang natin ng Huling Hapunan ng
Panginoon, ginugunita at sinisimulan natin
ngayon ang pag-alaala sa misteryo ng
Pagpapakasakit, Pagkamatay at Muling
Pagkabuhay ni Hesukristo na ating
Tagapagligtas.

Ito ang gabi ng pagpapamalas ng ating


Panginoon na siya’y lingkod Diyos sa
pamamagitan ng paghuhugas niya sa mga paa ng
kanyang mga alagad. Ito ang gabi ng
pagkakaloob niya ng Banal na Eukaristiya na
siyang alaala niya sa Bagong Tipan. Ito ang gabi
ng paghahabilin ng bagong utos at pananalangin
ng Panginoon sa ipagkakaisa ng lahat ng mga
nananampalataya sa kanya. Sa pagsasariwa ng
kanyang salita at buhay, hilingin nating
makabahagi tayo sa kanyang nararamdaman, sa
kanyang pag-ibig na nagdudulot kaligtasan.
PAGSISISI SA MGA KASALANAN
Susunod na gaganapin ang pagsisi sa kasalanan. Aanyayahan ng pari ang
mga tao:

Mga kapatid, aminin natin ang ating


mga kasalanan upang tayo’y maging
marapat gumanap sa banal na pagdiriwang.
Magkaroon ng saglit na katahimikan. Pagkatapos nito, lahat ay sabay-sabay
na aamin sa nagawang kasalanan:

Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos


at sa inyo, mga kapatid,
na lubha akong nagkasala
Ang lahat ay dadagok sa dibdib.

sa isip, sa salita, sa gawa


at sa aking pagkukulang.
Kaya isinasamo ko
sa Mahal na Birheng Maria,
sa lahat ng mga anghel at mga banal
at sa inyo, mga kapatid,
na ako’y ipanalangin sa
Panginoong ating Diyos.
Ipapahayag ng pari ang pagpapatawad:

Kaawaan tayo ng makapangyarihang


Diyos, patawarin tayo sa ating mga
kasalanan, at patnubayan tayo sa buhay
na walang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
KYRIE
PAPURI SA DIYOS SA KAITAASAN
Sa pag-awit ng Papuri sa Diyos, ang mga kampana ng Simbahan ay
tutugtugin at pagkaraa’y mananahimik ang mga ito hanggang sa Gabi
ng Pagkabuhay, maliban kung iba ang pasya ng mga Panayam ng mga
Obispo ng Punong-tagapangasiwa ng diyosesis.
Papuri sa Diyos sa kaitaasan,
at sa lupa’y kapayapaan
sa mga taong kinalulugdan niya.
Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin,
sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka namin,
pinasasalamatan ka namin dahil sa dakila
mong angking kapurihan.
Panginoong Diyos, Hari ng langit, Diyos Amang
makapangyarihan sa lahat.
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak,
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
tanggapin mo ang aming kahilingan.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
maawa ka sa amin.
Sapagka’t ikaw lamang ang banal,
ikaw lamang ang Panginoon,
ikaw lamang, O Hesukristo,
ang Kataas-taasan,
kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng
Diyos Ama. Amen.
PANALANGING PAMBUNGAD
Pagkaraan ng awit, magkadaop ang mga kamay na ipahahayag ng pari:
Manalangin tayo.
Ang lahat kaisa ng tagapagdiwang ay tahimik na mananalangin ng
saglit. Pagkalipas ng ilang sandali, ilalahad ng pari ang kanyang kamay
at ipahahayag:

Ama naming makapangyarihan,


sa mga kasalo ngayon sa banal na
Hapunan na ipinamana ng iyong
Anak na mamamatay bilang haing
bago at pangmagpakailanman para
sa giliw niyang sambayanan,
ipagkaloob mong lubusang
mapakinabangan ang iyong dakilang
pag-ibig at buhay sa pamamagitan
niya kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:
Amen.
Paroroon sa pook ng pagbasa ang maglalahad ng Salita ng Diyos.
Habang ipinahahayag niya ang unang pagbasa, ang lahat ay
nakaupong makikinig.
PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS
Tagapagdaloy:
Sa Unang Pagbasa, ang pagsasalo sa Kordero ng
Paskuwa ay pagbabadya ng magyayari sa Huling
Hapunan, isang pagsasalo at pagbabahaginan sa
Hapag ng Diyos.
UNANG PAGBASA
Exodo 12:1-8. 11-14
Pagbasa mula sa aklat ng Exodo

Noong mga araw na iyon: Sinabi ng


Panginoon kina Moises at Aaron, “Mula ngayon,
ang buwang ito ang magiging unang buwan ng
taon para sa inyo. At sabihin ninyo sa buong
pamayanan ng Israel na sa ikasampung araw ng
buwang ito, bawat puno ng sambahayan ay pipili
ng isang kordero o bisirong kambing para sa
kanyang pamilya. Kung maliit ang pamilya at
hindi makauubos ng isang buong kordero,
magsasalo sila ng kalapit na pamilya, na hindi
rin makauubos ng isang buo. Ang dami ng
magsasalu-salo sa isang kordero ay ibabatay sa
dami ng makakain ng bawat isa. Kailangang ang
kordero ay lalaki, isang taong gulang, walang
pinsala o kapintasan. Kung walang tupa ay kahit
kambing. Aalagaan itong mabuti hanggang sa
ikalabing apat ng buwan at sa kinagabihan,
sabay-sabay na papatayin ng buong bayan ang
kani-kanilang kordero. Kukuha sila ng dugo
nito at ipapahid sa mga hamba at sombrero ng
pintuan ng bahay na kakainan ng kordero. Sa
gabi ring iyon, lilitsunin ito at kakaning kasama
ng tinapay na walang lebadura at ng mapapait
na gulay. Ganito naman ang magiging ayos
ninyo sa pagkain nito: nakabigkis,
nakasandalyas at may tangang tungkod; dalidali
ang inyong pagkain nito. Ito ang Paskuwa ng
Panginoon.

“Sa gabing yaon, lilibutin ko ang buong


Egipto at papatayin ang lahat ng panganay na
lalaki, maging tao o hayop man. At parurusahan
ko ang lahat ng diyus-diyusan sa Egipto. Ako ang
Panginoon. Lalampasan ko ang lahat ng bahay
na makita kong may pahid na dugo, at walang
pinsalang mangyayari sa inyo sa pagpaparusa
ko sa buong Egipto. Ang dugo ang siyang
magiging palatandaan na Israelita ang nakatira
sa bahay na iyon. Ang araw na ito’y ipagdiriwang
ninyo magpakailanman bilang pista ng
Panginoon.”
Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng
tagapaglahad:
Ang Salita ng Diyos.
Sasagot ang mga tao:
Salamat sa Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 115:12-13. 15-16. 17-18.
T. Sa kalis ng pagbabasbas
si Kristo ang tinatanggap.
Sa Diyos ko’t Panginoon, ano’ng aking
ihahandog sa lahat ng kabutihan na sa akin ay
kaloob? Ang handog ko sa dambana, ay inumin
na masarap, bilang aking pagkilala sa ginawang
pagliligtas.
T. Sa kalis ng pagbabasbas
si Kristo ang tinatanggap.
Masakit sa kalooban ng Poon kung may
papanaw, kahit ito ay iisa, labis siyang
magdaramdam, katulad ng aking ina,
maglilingkod akong lubos yamang ako’y
iniligtas, kinalinga at tinubos.
T. Sa kalis ng pagbabasbas
si Kristo ang tinatanggap.
Ako ngayo’y maghahandog ng haing
pasasalamat, ang handog kong panalangi’y sa
iyo ko ilalagak. Sa templo sa Jerusalem, ay doon
ko ibibigay ang anumang pangako kong sa iyo ay
binitiwan.
T. Sa kalis ng pagbabasbas
si Kristo ang tinatanggap.
Tagapagdaloy:
Sa Ikalawang Pagbasa, inilalahad ni San Pablo ang
binabadya sa unang pagbasa, ang pagdiriwang ng
Eukaristiya. Ito ang pinakamatandang sanaysay tungkol
sa Eukaristiya sa Banal na Kasulatan.
IKALAWANG PAGBASA
1 Corinto 11:23-26
Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa
mga Corinto

M ga Kapatid: Ito ang aral na tinanggap ko sa


Panginoon at ibinibigay ko naman sa inyo: ang
Panginoong Hesus, noong gabing siya’y ipagkanulo
ay dumampot ng tinapay, nagpasalamat, at
pinaghati-hati ito, at sinabi, “Ito ang aking katawan
na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito sa pag-
alala sa akin.” Gayon din naman, matapos
maghapunan ay hinawakan niya ang kalis at sinabi,
“Ang kalis na ito ang bagong tipan na pinagtitibay ng
aking dugo. Tuwing iinumin ninyo ito, gawin ninyo
sa pag-alala sa akin.” Sapagkat tuwing kakain kayo
ng tinapay na ito at iinom sa kalis na ito ay
ipinahahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon,
hanggang sa muling pagparito niya.
Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng
tagapaglahad:
Ang Salita ng Diyos.
Sasagot ang mga tao:
Salamat sa Diyos.
AWIT PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Juan 13:34
Ang bagong utos ko’y ito:
mag-ibigan sana kayo
katulad ng ginawa ko
na pagmamahal sa inyo,
ang sabi ni Hesukristo.
MABUTING BALITA
Juan 13:1-15
Pagkaraan, ang pari ay paroroon sa pook ng pagbasa. Magagawa ito ng
paprusisyon na nilalahukan ng mga tagapaglingkod na may dalang
insensaryo at mga kandila. Sa pook ng pagbasa, ihahayag ng
tagapaglahad:
P: Sumainyo ang Panginoon.
B: At sumaiyo rin.
P: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon
kay San Juan
B: Papuri sa iyo, Panginoon.
Samantala’y kukrusan niya ang aklat, ang kanyang noo, ang kanyang
bibig, at ang kanyang dibdib.
Pagkaraan, iinsensuhan ng pari ang aklat kung ginagamit ang insenso at
ipahahayag niya ang Mabuting Balita.

Bisperas na ng Paskuwa. Alam ni Hesus na


dumating na ang panahon ng kanyang paglisan
sa sanlibutang ito upang bumalik sa Ama. Mahal
niya ang kanyang mga tagasunod na nasa
sanlibutan, at ngayo’y ipakikita niya kung
hanggang saan ang kanyang pag-ibig sa kanila.
Naghahapunan si Hesus at ang mga alagad.
Naisilid na ng diyablo sa isip ni Judas, anak ni
Simon Iscariote, ang pagkakanulo kay Hesus.
Alam ni Hesus na ibinigay na sa kanya ng Ama
ang buong kapangyarihan; alam din niyang
siya’y mula sa Diyos at babalik sa Diyos. Kaya’t
nang sila’y naghahapunan, tumindig si Hesus,
naghubad ng kanyang panlabas na kasuotan, at
nagbigkis ng tuwalya. Pagkatapos, nagbuhos
siya ng tubig sa palanggana, at sinimulang
hugasan ang paa ng mga alagad at punasan ng
tuwalyang nakabigkis sa kanya. Paglapit niya
kay Simon Pedro, tumutol ito. “Panginoon,”
sabi niya, “diyata’t kayo pa ang maghuhugas ng
aking mga paa?” Sumagot si Hesus, “Hindi mo
nauunawan ngayon ang ginagawa ko, ngunit
mauunawaan mo rin pagkatapos.” Sinabi sa
kanya ni Pedro. “Hinding-hindi ko po
pahuhugasan sa inyo ang aking mga paa.” “Kung
hindi kita huhugasan, wala kang kaugnayan sa
akin,” tugon ni Hesus. Kaya’t sinabi ni Pedro,
“Panginoon, hindi lamang po ang mga paa ko,
kundi pati ang aking kamay at ulo!” Ani Hesus,
“Maliban sa kanyang mga paa, hindi na
kailangang hugasan pa ang naligo na, sapagkat
malinis na ang kanyang buong katawan. At
malinis na kayo, ngunit hindi lahat.”
Sapagkat alam ni Hesus kung sino ang
magkakanulo sa kanya, kaya sinabi niyang
malinis na sila, ngunit hindi lahat. Nang
mahugasan na ni Hesus ang kanilang mga paa,
siya’y nagsuot ng damit at nagbalik sa hapag.
“Nauunawaan ba ninyo kung ano ang ginawa ko
sa inyo?” tanong niya sa kanila. “Tinatawag
ninyo akong Guro at Panginoon, at tama kayo,
sapagkat ako nga. Kung akong Panginoon ninyo
at Guro ay naghugas ng inyong mga paa, dapat
din kayong mahugasan ng paa. Binigyan ko kayo
ng halimbawa at ito’y dapat ninyong tularan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Tagapagdaloy:
Pinupuri ka naming Panginoon Hesukristo.
HOMILIYA
Kasunod ng homiliyang tungkol sa pangunahing misteryo na ginugunita
sa Misang ito: ang pagtatatag ng Eukaristiya, ang pagtatatag ng
Pagpapari, at ang pagmamahal-kapatid sa kapwa tao na siyang Bagong
Utos ni Kristo, kapag makakabuti sa mga nagsisimba, gaganaoun ang
paghuhugas ng mga paa.
PAGHUHUGAS NG MGA PAA
Tagapagdaloy:
Ngayo’y gugunitain natin ang ginagawang
paghuhugas ni Hesus ng mga paa ng kanyang mga
alagad. Manatili po tayong nakaupo.
Tagapagdiwang:

Mga minamahal na mga


kapatid, ang Panginoong Hesus
ay lagi nating kapiling sa tuwing
tayo’y nagdiriwang at
naglilingkod sa isa’t isa.
Niloob niyang hugasan ang mga
paa ng kanyang mga alagad.
Ating idulog na kanya nawang
tanggapin ang gagawin nating
pagsunod sa kanyang ipinag-uutos.
Atin ngayong huhugasan ang mga
pagkakasala natin sa bawat isa.
Nawa’y hugasan din ang mga
marumi nating mga kalooban.
Ang mga pinili para rito ay ihahatid ng mga tagapaglingkod sa mga
inihandang upuan sa angkop na pook. Samantalang ito’y ginagawa,
aawit ng nababagay na awit.
Ang pari (na maaaring mag-alis ng kasulya kung kailangan) ay lalapit
sa bawa't huhugasan, magbubuhos siya ng tubig sa mga paa ng mga
huhugasan sa tulong ng mga tagapaglingkod niya, at siya ang
magpapahid ng tuwalya sa nahugasang mga paa.
Matapos ang paghuhugas ng mga paa ng mga piling lingkod, patatayuin
ang mga tao.
Tagapagdaloy:
Magsitayo po ang lahat.
Tagapagdiwang:

Diyos naming Ama,


pinatatatag mo ang pag-ibig at
lubhang kalugud-lugod sa inyo.
Nagpakumbaba ang iyong Anak upang
kami’y hanguin at itampok sa iyo.
Ipagkaloob mo na sa aming paglaganap
bilang isang nagbubunying mag-anak
ay manatili nawang tapat at kaisa sa iyo.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ng
iyong Anak na si Hesukristo, na
Tagapamagitan, nabubuhay at
naghaharing kasama mo at ng Espiritu
Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:
Amen.
Aalisin ng mga tagapaglingkot ang mga upuan na ginamit ng mga
hinugasan ng paa.
PANALANGIN NG BAYAN
Pagkatapos ay gaganapin ang panalangin ng bayan o panalanging
pangkalahatan.
Aanyayahan ng pari ang lahat sa panalangin:

Mga kapatid, kaisa ni Kristo na tinipon tayo


sa hapag ng kanyang katawan at Dugo, ipaabot
natin sa Diyos ang ating mga panalangin. Buong
pagtitiwala nating sambitin:
T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
Para sa buong Simbahan, upang ang ating
pagdiriwang ng Tatlong Araw na ito ay
matulungan ang bawat Kristiyano na lumalim
ang pananampalataya at umigting ang pagsunod
kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.
T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
Para sa mga obispo, pari, diyakono, at lahat ng
maumuno at naglilingkod sa pamayanang
Kristiyano, upang masundan nila ang
halimbawa ng paglilingkod at pag-aalay ng
sarili, manalangin tayo sa Panginoon.
T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
Para sa lahat ng mga nasa pamunuan ng mga
bansa, upang maglingkod sila para sa kabutihan
ng lahat lalo na ng mga aba at mga dukha,
manalangin tayo sa Panginoon.
T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
Para sa mga nangangailangan, upang sa pag-ibig
ng Diyos at ng mga sumasampalataya sa kanya,
ang gma nagugutom ay mapakain, ang mga
maysakit ay mapagaling, ang mga nagluluksa ay
maaliw, ang mga api ay mapalaya at mga
naghihingalo ay mapayapa, manalangin tayo sa
Panginoon.
T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
Para sa ating pamayanang Kristiyano, upang
ang Eukaristiya ang tunay na maging bukal at
rurok ng ating mabubuting gawa at
Kristiyanong pamumuhay at upang higit tayong
mabuklod sa pag-ibig kay Kristo at sa isa’t isa,
manalangin tayo sa Panginoon.
T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
Para sa mga mahal nating yumao, nawa silang
mga nakasalo sa Eukaristiya sa lupa ay
makasalo sila sa piging ng langit, manalangin
tayo sa Panginoon.
T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
Tahimik nating ipanalangin ang ating mga
sariling kahilingan. (Sandaling katahimikan)
Manalangin tayo sa Panginoon.
T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
Wawakasan ng pari ang panalangin:

Ama naming mapagmahal, tinipon kami ng


iyong Anak upang gunitain ang kanyang
kamatayan at pagkabuhay at pagsaluhan ang
kanyang pag-aalay sa hapunang ito. Alang-alang
sa kanyang pagpapakasakit, dinggin mo ang
aming mga kahilingan sa pamamagitan ni
Kristo na aming Panginoon magpasawalang
hanggan.
Sasagot ang mga tao:
Amen.
PAGTANGGAP SA MGA BANAL NA LANGIS
Pagkatapos ng Panalangin ng Bayan, habang nakaupo ang lahat,
dadalhin sa dambana ang mga banal na langis. Ang Langis para sa
Maysakit ay dadalhin ng isang piniling parokyano na maysakit. Ang
Banal na Krisma ay dadalhin ng isang parokyano na inatasan para sa
gawaing ito. Tanga ng dalawang tagapaglingkod ang kandila na siyang
susundo sa mga may dala ng Banal na Langis sa may gawing pinto ng
Simbahan.
Tagapagdaloy:
Magsiupo po ang lahat. Ngayon po ay
masasaksihan natin ang paghahandog ng mga
Banal na Langis na binasbasan ng ating mahal na
Obispo kaninang umaga sa ginanap na Misa na
may pagbabasbas sa mga langis,
PAGTANGGAP NG LANGIS PARA SA MGA MAYSAKIT
Iaalay sa pari ang Langis para sa Maysakit at ipahahayag:
Narito po ang Langis para sa mga Maysakit.
Ipamamalas ito ng pari sa mga tao at sasabihin:

Kapuri-puri ang Diyos na humihilom


sa mga maysakit at nagkakaloob ng
kaaliwan sa mga nagdadalamhati.
Nawa maranasan ng mga papahiran
ng langis na ito ang pagdamay,
pagmamahal at pagliligtas ni Kristo sa
kanilang katawan, diwa, at kaluluwa.
Sasagot ang mga tao ng pagbubunyi:
Purihin at ipagdangal ang ating Poong
Maykapal; Ama na bukal ng buhay,
Anak na ating Daan, Espiritu na ating tanglaw.
PAGTANGGAP NG BANAL NA KRISMA
Iaalay sa pari ang Banal na Krisma at ipahahayag:
Narito po ang Banal na Krisma
Ipamamalas ito ng pari sa mga tao at sasabihin:

Kapuri-puri ang Diyos na nagtatalaga


sa kanyang mga hinirang. Nawa
mapuspos ng Espiritu ng Diyos ang
mga bibinyagan, kukumpilan, at
oordenahan na siyang papahiran ng
banal na Krismang ito upang maisabuhay
nila ang pagkakatalaga nila bilang kaisa
ng Panginoong Hesukristo.
Sasagot ang mga tao ng pagbubunyi:
Purihin at ipagdangal ang ating Poong
Maykapal; Ama na bukal ng buhay,
Anak na ating Daan, Espiritu na ating tanglaw.
PAG-AALAY NG MGA HANDOG
Tagapagdaloy:
Gaganapin po natin ngayon ang pag-aalay ng
mga handog para sa mga mahihirap at kapus-
palad.
Tagapag-alay:
Narito po ang aming mga handog na nagmula sa
aming pawis at pagod at laan para sa mga
mahihirap at nangangailangan.
Tagapagdiwang:

Mga kapatid, ayon sa


ating kasabihan: pinagpala
ang taos-pusong nag-aalay
at bukas-palad na nagbibigay.
Sasagot ang mga tao ng pagbubunyi:
Purihin at ipagdangal ang ating Poong
Maykapal; Ama na bukal ng buhay,
Anak na ating Daan, Espiritu na ating tanglaw.
PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN
Sa pagsisimula nito, makapagpuprusisyon ang mga tao na nag-aalay ng
makakatulong sa mga dukha. Samantalang ito’y ginagawa, aawit ng
naaangkop na awit.
Pagkatapos, ilalagay ng mga tagapaglingkod ang telang patungan ng
Katawan ni Kristo, ang pamahiran, ang kalis, at ang Aklat ng Pagmimisa sa
ibabaw ng dambana.
Ngayon nama’y tatayo ang pari sa gawing gitna ng dambana, hahawakan
niya ang pinggan ng tinapay nang bahagyang nakaangat sa dambana,
habang dinarasal niya nang pabulong:

Kapuri-puri ka,
Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.
Sa iyong kagandahang-loob,
narito and aming maiaalay.
Mula sa lupa at bunga ng aming
paggawa ang tinapay na ito para maging
pagkaing nagbibigay-buhay.
Ilalapag niya and pinggan ng tinapay sa telang patungan ng Katawan ni
Kristo.
Kapag hindi ginagap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay
madarasal nang malakas ng pari at katapusan makapagbubunyi ang mga
tao:
Kapuri-puri ang Pong Maykapal
ngayon at kailanman!
Ang diyakono o ang pari ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis
habang dinarasal nang pabulong:

Sa paghahalong ito ng alak at tubig kami


nawa’y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo na
nagpagindapat makihati sa aming pagkatao.
Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng pari ang kalis ng
bahagyang nakaangat sa dambana habang dinarasal niya ng pabulong:

Kapuri-puri ka,
Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.
Sa iyong kagandahang-loob,
narito ang aming maiaalay.
Mula sa katas ng ubas at bunga ng
aming pagagawa ng alak na ito
para maging inuming nagbibigay ng
iyong Espirito.
Ilalapag niya ang kalis sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.
Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito
ay madarasal nang malakas ng pari at sa katapusan makapagbubunyi ang
mga tao:
Kapuri-puri ang Pong Maykapal
ngayon at kailanman!
Pagkatapos, yuyuko ang pari habang dinarasal niya nang pabulong:

Diyos Amang Lumikha,


Nakikiusap kaming mga makasalanan.
Tanggapin mo ang aming pagsisi bilang
handog upang kami’y matutong sumunod
sa iyo nang buong puso.
Kung minamabuting gawin, iinsensuhan ng pari ang mga alay at ang
dambana; pagkaraa’y iinsensuhan ng diyakono o ng tagapaglingkod ang pari
at ang mga nagsisimba.
Pagkatapos, ang pari’y pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng
mga kamay samantalang pabulong niyang dinarasal:

Diyos kong minamahal,


kasalanan ko’y hugasan
at linisin mong lubusan
ang nagawa kong pagsuway.
Pagbalik ng pari isa gawing gitna ng dambana, ilalahad niya ang kanyang
kamay sa mga tao at muli niyang pagdaraupin habang kanyang
ipinahahayag:

Manalagin kayo, mga kapatid,


upang ang paghahain natin
ay kalugdan ng Diyos Amang
makapangyarihan.
Sasagot ang mga tao:
Tanggapin nawa ng Panginoon
itong paghahain sa iyong mga
kamay sa kapurihan niya at
karangalan sa ating kapakinabangan
at sa buong Sambauanan niyang banal.
Pagkaraa’y, ilalahad ng pari ang kanyang kamay at darasalin niya ang
panalangin ukol sa mga alay. Sa katapusan nito’y sasagon ng “Amen” ang
mga nagsisimba bilang pagbubunyi.
PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY
Pagkaraa’y, ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at darasalin:

Ama naming Lumikha, ipagkaloob


mong marapat na ganapin ang banal
na paghahain sapagka't tuwing
ipinagdiriwang ang alaala ng Anak
mong nag-aalay, ang pagliligtas niya
sa tanan ay nangyayari upang aming
pakinabangan sa pamamagitan niya
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:
Amen.
PAGBUBUNYI O PREPASYO
Ngayo’y sisimulan ng pari ang Panalangin ng Pagpupuri at
Pagpapasalamat. Ilalahad niya ang kanyang mga kamay habang
kanyang sinasabi:
P: Sumainyo ang Panginoon.
B: At sumainyo rin.
Pagkaraa’y isusunod niya habang itinataas niya ang kanyang mga
kamay:
P: Itaas sa Diyos ang iyong puso at diwa.
B: Itinaas na naming sa Panginoon.
Habang nakataas ang mga kamay, kanyang ipahahayag:
P: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.
B: Marapat na siya ay pasalamatan
Ipagpapatuloy ng pari ang Pagbubunyi o Prepasyo nang nakalahad ang
mga kamay.

Ama naming makapangyarihan


tunay ngang marapat na ikaw ay
aming pasalamatan sapamamagitan
ni Hesukristo na aming Panginoon.

Siya ang talagang dakila at lagi mong


ikinalulugod na paring naghahain
para sa sansinukob nitong pag-aalay na
tangi mong ibinukod. Ang pagdiriwang
sa Huling Hapunan ay paghahain niya
para sa tanan upang alalahanin namin
at pagsaluhan. Ang laman niya’y inihain
upang lahat ay buhayin. Ang dugo niya’y
dumanak nang lahat ay mapatawad.
Kaya kaisa ng mga anghel
na nagsisiawit ng papuri saiyo
nang walang humpay sa kalangitan:
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:
SANTO
Sa katapusan nito, pagdaraupin niya ang mga kamay niya samantalang
kanyang pinaabot sa hantungan ang Pagbubunyi o Prepasyo ngayong
kaisa ng sambayanan kanyang inaawit o binibigkas nang malakas:
Santo, Santo, Santo
Panginoong Diyos ng mga hukbo!
Napupuno ang langit at lupa
ng kadakilaan mo!
Osana sa kaitaasan!
Pinagpala ang mga naparirito
sa ngalan ng Panginoon!
Osana sa kaitaasan
UNANG PANALANGIN NG PAGPUPURI
AT PAGPAPASALAMAT O PAMANTAYANG
PANALANGIN NG ROMA
Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

Ama naming maawain,


ipinaaabot namin ang pasasalamat
sa iyo sa pamamagitan ng aming
Panginoong Hesukristo.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at kukrusan niya ang
tinapay at kalis, samantalang kanyag dinarasal:

Ipinakikiusap naming sa pamamagitan


ng Anak mong ito na ang mga kaloob
naming at tanggapin at basbasan mo 
sa pagdiriwang naming ng paghahain sa iyo.
Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

Iniaalay naming ito sa iyo, unang-una


para sa iyong banal na Simbahang Katolika.
Pagkalooban mo ng kapayapaan at
pagkupkop, pagkakaisa at pagtataguyod,
ang mga kaanib nito sa sansinukob, kaisa
ng aming Papa FRANCISCO, na iyong
lingkod, kasama ng aming Arsobispo JOSE,
at ng lahat ng nananalig at nagpapalaganap
sa pananampalatayang katoliko na
galing sa mga apostol.
Pag-alala sa mga nabubuhay sa daigdig

Ama namin, iyong alalahanin ang iyong


mga anak na ngayo’y aming idinadalangin.
Sila’y saglit na ipagdarasal ng pari nang may magkadaop na kamay.
Pagkatapos, ang pari ay patuloy na magdarasal nang nakalahad ang
mga kamay.

Ama aming pananampalataya ay


nababatid mo gayun dun ang pagsisikap
naming maging tapat sa iyo.
Ang paghahaing ito ng pagpupuri ay
aming iniaalay para sa kapakanan
naming at ng mga mahal namin sa buhay,
para sa aming kalusugan at walang
hanggang kaligtasan sa pagdulog namin
sa iyong kadakilaan, Diyos na totoo
at nabubuhay kailanman.
Pag-alala sa mga Banal

Kaisa ng buong Simbahan


ngayo’y aming ipinagdiriwang
ang dakilang kapistahan ng
ginawang paghahain ng aming
Panginoong Hesukristo para sa amin.
Pinararangalan namin ngayon,
unang-una ang Ina ng Diyos at
Panginoon naming Hesukristo,
si Maria na maluwalhating laging
Birhen,  gayundin ang kanyang
kabiyak ng pusong si San Jose,
ang iyong pinagpalang mga apostol
at martir na sina Pedro, Pablo, at
Andres, sina Santiago, Juan, Tomas,
Santiago, Felipe, Bartolome, Mateo,
Simon at Tadeo; gayundin sina Lino,
Cleto, Clemente, Sixto, Cornelio,
Cipriano, Lorenzo, Crisogono, Juan
at Pablo, Cosme at Damian at ang
lahat ng iyong mga banal.
Pakundangan sa kanilang ginawang
mga kabutihan at walang sawang
pagdalangin para sa aming kapakanan,
kami ay lagi mong kalingain
at ipagsanggalang.
Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

Ama namin, iyong tanggapin ang


handog na ito ng iyong buong angkan.
sa pag-alala sa dakilang araw ng
paghahain ng Katawan at Dugo ng
aming Panginoong Hesukristo
upang pagsaluhan ng mga alagad.
Loobin mong kami ay makapamuhay
araw-araw sa iyong kapayapaan.
Huwag mong ipahintulot na kami ay
mawalay sa iyo kailan pa man.
Ibilang mo kami sa iyong mga hinirang.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.
Sa pamamagitan ng aming
Panginoong Hesukristo. Amen.
Lulukuban ng mga kamay ng pari ang mga alay habang siya’y
nagdarasal.

A ma namin, basbasan mo ang mga


handog naming ito. Marapatin mong
sambahin ka namin sa Espiritu at
katotohanan, kaya para sa amin ito ay
gawin mong maging Katawan at Dugo
ng pinakamamahal mong Anak, ang
aming Panginoong Hesukristo.
Pag daraupin niya ang kanyang mga kamay.
Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay
ipahahayag ng malinaw at nauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng
kahulugan ng mga ito.

N oong bisperas ng kanyang


pagpapakasakit, para kami at ang
lahat ng tao ay masagip, nakisalo
siya ngayon sa mga alagad niyang iniibig.
Hahawakan ng pari ang tinapay nang bahagyang nakataas sa ibabaw
ng dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:
hinawakan niya ang tinapay,
sa kanyang banal at kagalang
galang na mga kamay.
Ang pari ay titingala.

T umingala siya sa langit, sa iyo,


Diyos Ama niyang makapangyarihan,
at nagpasalamat siya sa iyo.
Pinaghati-hati niya ang tinapay, iniabot
sa kanyang mga alagad at sinabi:
Bahagang yuyuko ang pari.

T ANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO


AT KANIN: ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.
Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan at Dugo ni
Kristo, ipapataong niya ito sa pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba.
Ang pari ay magpapatuloy.

G ayun din naman, noong


matapos ang hapunan,
Hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng
dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:
hinawakan niya ang kalis na ito
ng pagpapala sa kanyang banal at
kagalang-galang na mga kamay,
muli ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya ang kalis sa kanyang
mga alagad at sinabi:
Bahagang yuyuko ang pari.

T ANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO


AT INUMIN: ITO ANG KALIS NG AKING
DUGO NG BAGO AT WALANG HANGGANG
TIPAN, ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT SA
IKAPAGPATAWAD NG MGA KASALANAN.
GAWIN NIYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.
Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng
Katawan ni Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba.
Pagkatapos, ipapahayag ng pari.
Ipagbunyi natin ang misteryo
ng pananampalataya
Ang mga tao ay magbubunyi:
Aming ipinahahayag
na namatay ang ‘yong Anak,
nabuhay bilang Mesiyas
at magbabalik sa wakas
par mahayag sa lahat.
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay samtalang siya ay nag
darasal:

Ama, kaming mga lingkod mo at


bumubuo sa iyong bayang banal ay
nagdiriwang sa alaala ni Kristo na
iyong Anak at aming Panginoon.
Ginugunita namin ang kanyang dakilang
pagpapakasakit ang pagbangon niya mula
sa kamatayan, at ang matagumpay na
pag-akyat niya sa kalangitan.
Kaya mula sa mga biyayang sa iyo rin
nanggaling inihahandog namin sa iyong
kataas-taasang kamahalan ang paghahaing
ito na katangi-tangi at dalisay: ang pagkaing
nagbibigay-buhay kailanman at ang inuming
nagbibigay-kagalingang walang katapusan.

Masdan mo nang buong kasiyahan ang


aming mga alay na ito. Ganapin mo sa
mga ito ang ginawa mo sa mga handog
ni Abel, ang lingkod na matapat sa iyo,
sa paghahain ni Abraham, na ama namin
sa pananampalatayang totoo, at sa
inihandang tinapay at alak ni Melkisedek,
na paring hirang mo. Paunlakan mo
ngayong tanggapin ang banal at dalisay
na paghahain.
Yuyuko ang pari at magdarasal siyang magkadaop ang mga kamay.

Makapangyarihang Diyos, hinihiling


naming iyong ipaakyat sa banal mong
anghel ang mga alay na ito sa dakilang
dambanang nasa iyong harap upang sa
pagsasalo sa banal na Katawan at Dugo
ng iyong Anak sa pakikinabang namin
ngayon dito sa banal mong hapag
Tatayo nang matuwid ang pari at magkukrus samantalang nagdarasal.
 kami ay mapuspos ng iyong pagpapala
at tanang pagbagasbas.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.
Sa pamamagitan ng aming
Panginoong Hesukristo. Amen.
Pag-alala sa mga yumao sa daigdig. Nakalahad ang mga kamay ng par
isa pagdarasal.

Ama namin, iyo ring alalahanin


ang mga anak mong naunang yumao
sa amin sa paghimlay sa iyong
kapayapaan yamang ang tatak ng
pananampalataya ay kanilang taglay
at sila ngayo’y aming ipinagdarasal.
Sila’y saglit na ipagdarasal ng pari nang may magkadaop ng mga
kamay.
Pagkatapos, ang pari ay patuloy na magdarasal nang nakalahad ang
mga kamay.

Sila at ang tanang nahihimlay


sa kandungan ni Kristo ay aming
idinadalangin sa iyo upang iyong
pagbigyang makarating sa
pagsasalo, pagliliwanag at
pamamahinga sa iyong piling.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.
Sa pamamagitan ng aming
Panginoong Hesukristo. Amen.
Dadagukan ng kanang kamay ng pari ang kanyang dibdib habang siya
ay nagsisimulang magdasal.

Kahit kami ay mga


makasalanan mong lingkod
Patuloy na magdarasal ang pari nang nakalahad ang mga kamay.
kami rin ay nagtitiwala sa iyong
nag-uumapaw na pagkamapagbigay
sa aming pamumuhay araw-araw.
Kaya pagindapatin mo ring kami ay
maka-ugnay at makapiling ng iyong
mga banal na apostol at martir, kasama
nina Juan Bautista, Esteban, Matias,
Bernabe, Ignacio, Alejandro, Marcelino,
Pedro, Felicidad, Perpetua, Agata, Lucia,
Agnes, Cecilia, Anastacia at ng lahat ng
iyong mga banal. Kami nawa’y makapisan
nila hindi dahil sa aming ginagawang
kabutihang kulang na kulang kundi
pakundangan sa iyong pagpuno sa
aming kakulangan.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.
Sa pamamagitan ng aming
Panginoong Hesukristo. Amen.
At patuloy siyang magdarasal.

Sa kanyang pamamagitan ang tanang


mabubuting kaloob mong ito ay lagi
mong pinaiiral, pinababanal, binubuhay,
binabasbasan at sa amin ibinibigay.
Hahawakan ng pari ang pinggang may ostiya at ang kalis ng kapwa niya
itataas habang kanyang ipinahahayag:

SA PAMAMAGITAN NI KRISTO,
KASAMA NIYA AT SAKANYA ANG
LAHAT NG PARANGAL AT PAPURI
AY SA IYO, DIYOS AMANG
MAKAPANGYARIHAN, KASAMA
NG ESPIRITU SANTO
MAGPASAWALANG HANGGAN.
Ang mga tao ay magbubunyi:
Amen.
ANG PAKIKINABANG
Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng pari nang may
magkadaop na mga kamay.

S a tagubilin ng mga nakagagaling


na utos at turo ni Hesus na Panginoon
natin at Diyos ipahayag nating nang
lakas-loob:
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng lahat:
Ama namin, sumasalangit ka.
Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo dito sa
lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng
aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming
mga sala para nang pagpapatawad
naming sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal:

H inihiling naming
kami'y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan
araw-araw, iligtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinanabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng
sambayanan ang panalangin sa ganitong pagbubunyi:
Sapagka’t iyo ang kaharian
at ang kapangyarihan at ang
kapurihan magpakailanman!
Amen.
Pagkatapos, malakas na darasalin ng paring nakalahad ang mga kamay:

P anginoong Hesukristo,
sinabi mo sa iyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang
ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming
pananampalataya at huwag ang
aming pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:
Amen.
Ang pari’y paharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop ng mga
kamay sa pagpapahayag.
Ang kapayapaan ng Panginoon
ay laging sumainyo.
Sasagot ang mga tao:
At sumaiyo rin.
Maidaragdag, kung minamabuti, ang paanyayang ipahahayag ng
diyakono o pari:
Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.
At, alinsunod sa kaugalian ng iba’t ibang pook, ang mga nagsisimba ay
magbibigayan ng kapayapaan. Ang pari at mga tagapaglingkod ay
makapagbibigayan ng kapayapaan.
Pagkatapos, hahawakan ng pari ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa
ibabaw ng pinggan at isasawal niya ang kaputol sa kalis habang
pabulong niyang dinarasal:

Sa pagsasawak na ito ng Katawan


sa Dugo ng aming Panginoong
Hesukristo tanggapin nawa namin sa
pakikinabang ang buhay na
walang hanggan.
Samantalang ginaganap ang paghahati-hati sa ostiya, aawitin o
darasalin ang paluhog na ito:
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng
mga kasalanan ng sanlibutan
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng
mga kasalanan ng sanlibutan
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng
mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.
Ito ay mauulit-uit habang ginaganap ang paghahati-hati sa tinapay. Sa
huling pag-uulit saka pa lamang idurugtong ang “ipagkaloob mo sa amin
ang kapayapaan.”
Magkadaop ang mga kamay ng pari sa pabulong na pagdarasal:

Panginoong Hesukristo,
Anak ng Diyos na buhay,
sa kalooban ng Ama kasama ng
Espiritu Santo, binuhay mo sa
iyong pagkamatay ang sanlibutan.
Pakundangan sa iyong banal na
Katawan at Dugo, iadya mo ako sa tanang
aking kasalanan at lahat ng
masama, gawin mong ako’y
makasunod lag isa iyong mga utos,
at huwag mong ipahintulot
na ako’y mawalay sa iyo kailanman.
O kaya:

Ang pakikinabang sa Katawan at


Dugo mo, Panginoong Hesukristo,
ay huwag nawang magdulot ng
paghuhukom at parusa sa kasalanan ko.
Alang-alang sa iyong dakilang pag-ibig
nawa'y aking matanggap ang pagkupkop
mo sa akin at kaloob mong lunas.
Luluhod ang pari at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya na
itataas sa ibabaw ng pinggan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi
nang malakas:

Ito ang Kordero ng Diyos.


Ito ang nag-aalis ng mga
kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan
sa kanyang piging.
Idurugtong niyang minsanan kaisa ng sambayanan:
Panginoon, hindi ako karapat-dapat
na magpatuloy s aiyo, ngunit sa isang
salita mo lamang at gagaling na ako.
Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang
pabulong na nagdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni


Kristo para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.
Pagkatapos, hahawakan ng pari ang kalis at pabulong na magdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni


Kristo para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.
Hahawakan niya ang pinggan o lalagyan ng ostiya at lalapitan niya ang
mga nakikinabang, bahagyang itataas ang ostiya para sa bawa’t
nakikinabang habang sinasabi:
Katawan ni Kristo.
Ang nakikinabang ay tutugon:
Amen.
Samantalang nakikinabang ang tagapagdiwang, sisimulan ang awit sa
pakikinabang.
Pagkapakinabang, ang mga mumo ng ostiya na nasa pinggan ay
titipunin sa kalis na huhugasan ng tagapagdiwang o diyakono o
tagapaglingkod. Habang ito ay ginaganap ng tagapagdiwang, pabulong
siyang magdarasal:

Ama naming mapagmahal, ang aming


tinanggap ngayon ay amin nawang
mapakinabangan at ang iyong
ipinagkaloob ay magdulot nawa sa amin
ng kagalingan pangmagpakailanman.
Makababalik ngayon sa upuan ang pari. Makapag-uukol ng ilang saglit
na katahimikan o makaawit ng papuri o salmo.
Pagkapakinabang, ang lalagyan ng mga ostiya para sa Biyernes Santo
ay hahayaang nakapatong sa dambana at ang Misa ay wawakasan sa
panalanging ito:
PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Pagkaraan, ang pari ay titindig sa harap ng upuan o sa gawi ng dambana
at paharap sa mga nagsisimbang magpapahayag:
Manalangin tayo.
Kung di pa nagaganap ang tahimik na pagdalangin, ito ay gagawin
ngayon, at pagkaraan, ipahahayag ng pari na nakalahad ang mga
kamay.

Ama naming mapagmahal,


ipagkaloob mong sa aming
pakikinabang sa ipinagdiwang
ditong Hapunan ng Anak mong
mahal kami’y pagindapating
makasalo kailanman sa piging
sa iyong piling sa kalangitan sa
pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:
Amen.
Tagapagdaloy:
Magsiluhod po ang lahat para sa prusisyon ng
Banal na Sakramento.
PRUSISYON NG BANAL NA SAKRAMENTO
Pagkatapos ng panalangin, luluhod ang pari sa harap ng dambana at
lalagyan niya ng insenso ang insensaryo. Samantalang siya’y nakaluhod,
iinsensuhan niya nang tatlong ulit ang Banal na Sakramento. Pagkaraa’y
ilalagay sa balikat niya ang balabal na ang dulo ay gagamitin niya upang
takpan ang lalagyan ng mga ostiya na kanyang dadalhin sa prusisyon.
Ang Banal na Sakramento ay ipuprusisyon sa loob ng simbahan sa
pangunguna ng tagapagdala ng krus na napapagitnaan ng mga
tagapagdala ng kandila at sinusundan ng tagapagdala ng insensaryo.
Ang prusisyon ay paroroon sa paglalagakan ng Sakramento; ang pook
na ito’y dapat na isang kapilya sa loob ng simbahan at napapalamutian
ng nababagay na gayak para sa pagkakataong ito. Sa pagpuprusisyon,
ang awit na “Pange Lingua” (maliban sa dalawang huling taludtod) o iba
pang awit tungkol sa Katawan ni Kristo ay aawitin.
SA HIMIG NG LATING “PANGE LINGUA”
Lahat tayo ay magpuri
sa banal na misteryo.
Totoong napakabuti
ng Poong Hesukristo.
Inialay ang sarili
para sa kapwa tao.

Si Maria ang nagsilang


sa nagkatawang-tao
manunubos na namuhay
na kabilang sa mundo.
Ang nais n’ya ay maakay
sa kaligtasan tayo.

Samantalang kumakain
noong Huling Hapunan,
tinapay ay inihain
bilang katawang banal
ng Panginoong nagbiling
siya ay pagsaluhan
At ang kopa na may alak
hinawakan ni Hesus:
inumin n’yo ang dadanak
na dugo kong panubos
nang makamtan ang patawad
para sa sansinukob.
Pagsapit ng prusisyon sa paglalagakan, ipapatong ng pari sa dambana
ang lalagyan ng Sakramento. Muli siyang maglalagay ng insenso sa
insensaryo. Samantalang siya’y nakaluhod, iinsensuhan niya ang
Sakramento habang inaawit ang “Tantum Ergo.” Pagkatapos nito’y
isasara ang pinto ng tabernakulong pinaglalagakan ng Sakramento.
Lahat tayo ay mag-aalay O kaya:
sa Panginoong Hesus ng Tantum ergo sacramentum
pananalig na tunay veneremur cernui,
para tanggaping lubos et antiquum documentum novo
itong bagong kasunduan cedat ritui;
sakramentong kaloob. praestet fides supplementum
sensuum defectui.
Sa Amang D’yos at kay Genitori, Genitoque
Hesus magpuri lahat tayo. laus et jubilatio,
Purihin din ang kaloob na salus, honor, virtus quoque
Espiritu Santo upang sit et benediction:
laging maihandog ang Procedenti ab utroque
ating sakramento. Amen compar sit laudatio. Amen.
Matapos ang saglit na pagsambang matahimik at pagkaluhod ng pari at
ng mga tagapaglingkod, sila ay babalik sa bihisan.
Ang dambana ay aalisan ng takip (mantel), palamuti at bulaklak, at kung
maaari ang lahat ng mga krus sa Simbahan ay itatago.
Iminumungkahing takpan ng telang lila ang mga krus na hindi maalis sa
kinalalagyan maging ang estasyon ng krus.
Ang Panalanging Pantakipsilim ay hindi gaganapin ng mga nakiisa sa
Misang ito. Ang mga tao ay dapat akiting magpatuloy sa pagsamba sa
Banal na Sakramento sa kaukulang oras sa gabing ito, alinsunod sa
kaugaliang umiiral, nguni’t ang maringal na pagsamba ay hindi dapat
ipagpatuloy paglampas ng hatinggabi.

You might also like