You are on page 1of 34

Pagmimisa sa Pagtatakipsilim

sa Paghahapunan ng Panginoon

PASIMULA NG MISA
Magandang hapon po sa lahat.

Ngayon po ay Huwebes Santo sa Mahal na Araw.

Ginugunita natin ang paghahanda ng Panginoon ng kanyang sarili para


sa nalalapit niyang pagpapakasakit at kamatayan. Ipinamalas niya ang
kanyang dakilang pag-ibig hanggang sa kahuli-hulihang sandali. Siya
ang Guro at Panginoong lumuhod upang hugasan ang paa ng kanyang
mga alagad. Ito ang “tanda” ng Eukaristiyang kanyang itinatag: ang
ganap na pag-aalay ng sarili para sa kapwa. Sa sakramento ng
Eukaristiya at ng Pagpapari, nakikibahagi tayo sa dakilang pag-aalay ni
Hesus ng sarili. Ayon kay San Pablo, sa tuwing iniinom natin ang alak at
ibinabahagi ang tinapay sa Eukaristiya, inihahayag natin ang
kamatayan ng Panginoon hanggang sa muli niyang pagbabalik.

Ang ating Punong Tagapagdiwang ay si:

• Reberendo Padre Antonio P. Perez, Jr.


o
• Reberendo Padre Nathaniel Masendo, MSFS

Kung Concelebrada, babanggitin din ang pangalan ng paring


makikipagdiwang sa mga katagang: …kasama si Reberendo Padre
______.

Tayo po’y sumabay sa mga awitin at aktibong makiisa sa ating Banal na


Pagdiriwang.
(Sisimulan ang misa na walang laman ang tabernakulo. Dapat maghanda ng sapat
na tinapay para italagang maging Katawan ni Kristo para sa pakikinabang ng mga
pari at tao ngayon at bukas.)

PAGBATI
(Gawin dito ang tanda ng krus.)

Pari: Sa ngalan ng Ama ✠, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.

Bayan: Amen.

Pari: Sumainyo ang Panginoon.

Bayan: At sumaiyo rin.

PAGSISISI

Pari: Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang
tayo’y maging marapat gumanap sa banal na pagdiriwang.
(Tumahimik)

Bayan: Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos at sa inyo, mga


kapatid, na lubha akong nagkasala (dadagok sa dibdib) sa
isip, sa salita, sa gawa, at sa aking pagkukulang. Kaya
isinasamo ko sa Mahal na Birheng Maria, sa lahat ng mga
anghel at mga banal at sa inyo, mga kapatid, na ako’y
ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.

Pari: Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin tayo


sa ating mga kasalanan at patnubayan tayo sa buhay na
walang hanggan.

Bayan: Amen.
Pari: Panginoon, kaawaan mo kami.

Bayan: Panginoon, kaawaan mo kami.

Pari: Kristo, kaawaan mo kami.

Bayan: Kristo, kaawaan mo kami.

Pari: Panginoon, kaawaan mo kami.

Bayan: Panginoon, kaawaan mo kami.

GLORIA
(Sa pag-awit ng Gloria, patutunugin ang mga kampana ng simbahan.
Pagkatapos nito, mananahimik ang mga ito hanggang sa Gabi ng Pagkabuhay.)

Pari: Papuri sa Diyos sa kaitaasan

Bayan: Papuri sa Diyos sa kaitaasan at sa lupa’y kapayapaan sa mga


taong kinalulugdan niya. Pinupuri ka namin, dinarangal ka
namin, sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka namin,
pinasasalamatan ka namin dahil sa dakila mong angking
kapurihan. Panginoong Diyos, Hari ng langit, Diyos Amang
makapangyarihan sa lahat. Panginoong Hesukristo, Bugtong
na Anak, Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka
sa amin. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
tanggapin mo ang aming kahilingan. Ikaw na naluluklok sa
kanan ng Ama, maawa ka sa amin. Sapagkat ikaw lamang
ang banal, ikaw lamang ang Panginoon, ikaw lamang, O
Hesukristo, ang Kataas-taasan, kasama ng Espiritu Santo sa
kadakilaan ng Diyos Ama. Amen.
PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Pari: Manalangin tayo.(Tumahimik)


Ama naming makapangyarihan,
sa mga kasalo ngayon sa banal na Hapunan
na ipinamana ng iyong Anak
na mamamatay bilang haing
bago at pangmagpakailanman
para sa giliw niyang sambayanan,
ipagkaloob mong lubusang mapakinabangan
ang iyong dakilang pag-ibig at buhay
sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS


UNANG PAGBASA
Exodo 12,1-8.11-14

Sa pamamagitan ng dugo ng kordero, nailigtas ang mga Israelita mula sa kamatayan at


pagkaalipin. Sa pamamagitan naman ng Dugo ni Kristo, naliligtas tayo mula sa
kamatayan at pagkaalipin sa kasalanan.

Pagbasa mula sa aklat ng Exodo.

NOONG mga araw na iyon, sinabi ng Panginoon kina Moises


at Aaron, “Mula ngayon, ang buwang ito ang magiging
unang buwan ng taón para sa inyo. At sabihin ninyo sa
buong pamayanan ng Israel na sa ika-sampung araw ng
buwang ito, bawat puno ng sambahayan ay pipili ng isang
kordero o bisirong kambing para sa kanyang pamilya. Kung
maliit ang pamilya at hindi makauubos ng isang buong
kordero, magsasalo sila ng kalapit na pamilya, na hindi rin
makauubos ng isang buo. Ang dami ng magsasalu-salo sa
isang kordero ay ibabatay sa dami ng makakain ng bawat isa.
Kailangang ang kordero ay lalaki, isang taóng gulang, walang
pinsala o kapintasan. Kung walang tupa ay kahit kambing.
Aalagaan itong mabuti hanggang sa ikalabing apat ng buwan
at sa kinagabihan, sabay-sabay na papatayin ng buong bayan
ang kani-kanilang kordero. Kukuha sila ng dugo nito at
ipapahid sa mga hamba at sombrero ng pintuan ng bahay na
kakainan ng kordero. Sa gabi ring iyon, lilitsunin ito at
kakaning kasama ng tinapay na walang lebadura at ng
mapapait na gulay. Ganito naman ang magiging ayos ninyo
sa pagkain nito: nakabigkis, nakasandalyas, at may tangang
tungkod; dalidali ang inyong pagkain nito. Ito ang Paskuwa
ng Panginoon.
“Sa gabing iyon, lilibutin ko ang buong Egipto at papatayin
ang lahat ng panganay na lalaki, maging tao o hayop man. At
parurusahan ko ang lahat ng diyos-diyosan sa Egipto. Ako
ang Panginoon. Lalampasan ko ang lahat ng bahay na makita
kong may pahid na dugo, at walang pinsalang mangyayari sa
inyo sa pagpaparusa ko sa buong Egipto. Ang dugo ang
siyang magiging palatandaan na Israelita ang nakatira sa
bahay na iyon. Ang araw na ito’y ipagdiriwang ninyo
magpakailanman bilang pista ng Panginoon.”

- Ang salita ng Diyos.

Bayan: Salamat sa Diyos.


SALMONG TUGUNAN
(Slm 115)

SA KALIS NG PAGBABASBAS SI KRISTO ANG TINATANGGAP.

1. Sa Diyos ko’t Panginoon, ano’ng aking ihahandog/ sa lahat


ng kabutihan na sa akin ay kaloob?/ Ang handog ko sa
dambana, ay inúmin na masarap/ bilang aking pagkilala sa
ginawang pagliligtas. (T)

2. Masakit sa kalooban ng Poon kung may papanaw,/ kahit ito


ay iisa, labis siyang mag-daramdam,/ katulad ng aking ina,
maglilingkod akong lubos/ yamang ako’y iniligtas, kinalinga,
at tinubos. (T)

3. Ako ngayo’y maghahandog ng haing pasasalamat,/ ang


handog kong panalangi’y sa iyo ko ilalagak./ Sa templo sa
Jerusalem, ay doon ko ibibigay/ ang anumang pangako kong
sa iyo ay binitiwan. (T)

IKALAWANG PAGBASA
1 Corinto 11,23-26

Sa tuwing ipinagdiriwang natin ang Eukaristiya, muli nating ipinahahayag ang


pag-aalay ni Hesus ng kanyang sarili para sa kaligtasan ng sanlibutan.

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga


taga-Corinto

MGA KAPATID: Ito ang aral na tinanggap ko sa Panginoon at


ibinibigay ko naman sa inyo: Ang Panginoong Hesus, noong
gabing siya’y ipagkanulo ay dumampot ng tinapay,
nagpasalamat, at pinaghati-hati ito, at sinabi, “Ito ang aking
katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito sa
pag-alala sa akin.” Gayon din naman, matapos maghapunan
ay hinawakan niya ang kalis at sinabi, “Ang kalis na ito ang
bagong tipan na pinagtitibay ng aking dugo. Tuwing iinumin
ninyo ito, gawin ninyo sa pag-alala sa akin.” Sapagkat tuwing
kakain kayo ng tinapay na ito at iinom sa kalis na ito ay
ipinahahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon, hanggang
sa muling pagparito niya.

- Ang salita ng Diyos.


-
Bayan: Salamat sa Diyos.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA

Ang bagong utos ko’y ito:


mag-ibigan sana kayo
katulad ng ginawa ko
na pagmamahal sa inyo,
ang sabi ni Hesukristo.

MABUTING BALITA
Juan 13, 1-15

Pari: Sumainyo ang Panginoon.

Bayan: At sumaiyo rin.

Pari: ✠ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan.

Bayan: Papuri sa iyo, Panginoon.


Pari: BISPERAS na ng Paskuwa. Alam ni Hesus na dumating na
ang panahon ng kanyang paglisan sa sanlibutang ito upang
bumalik sa Ama. Mahal niya ang kanyang mga tagasunod
na nasa sanlibutan, at ngayo’y ipakikita niya kung
hanggang saan ang kanyang pag-ibig sa kanila.

Naghahapunan si Hesus at ang mga alagad. Naisilid na ng


diyablo sa isip ni Hudas, anak ni Simon Iscariote, ang
pagkakanulo kay Hesus. Alam ni Hesus na ibinigay na sa
kanya ng Ama ang buong kapangyarihan; alam din niyang
siya’y mula sa Diyos at babalik sa Diyos. Kaya’t nang sila’y
naghahapunan, tumindig si Hesus, naghubad ng kanyang
panlabas na ka-suotan, at nagbigkis ng tuwalya.
Pagkatapos, nagbuhos siya ng tubig sa palanggana, at
sinimulang hugasan ang paa ng mga alagad at punasan ng
tuwalyang nakabigkis sa kanya. Paglapit niya kay Simon
Pedro, tumutol ito. “Panginoon,” sabi niya, “diyata’t kayo
pa ang maghuhugas ng aking mga ang buong
kapangyarihan; alam din niyang siya’y mula sa Diyos at
babalik sa Diyos. Kaya’t nang sila’y naghahapunan,
tumindig si Hesus, naghubad ng kanyang panlabas na
kasuotan, at nagbigkis ng tuwalya. Pagkatapos, nagbuhos
siya ng tubig sa palanggana, at sinimulang hugasan ang paa
ng mga alagad at punasan ng tuwalyang nakabigkis sa
kanya. Paglapit niya kay Simon Pedro, tumutol ito.
“Panginoon,” sabi niya, “diyata’t kayo pa ang maghuhugas
ng aking mga paa?” Sumagot si Hesus, “Hindi mo
nauunawaan ngayon ang ginagawa ko, ngunit
mauunawaan mo rin pagkatapos.” Sinabi sa kanya ni
Pedro, “Hinding-hindi ko po pahuhugasan sa inyo ang aking
mga paa.” “Kung hindi kita huhugasan, wala kang
kaugnayan sa akin,” tugon ni Hesus. Kaya’t sinabi ni Pedro,
“Panginoon, hindi lamang po ang mga paa ko, kundi pati
ang aking kamay at ulo!” Ani Hesus, “Maliban sa kanyang
mga paa, hindi na kailangang hugasan pa ang naligo na,
sapagkat malinis na ang kanyang buong katawan. At
malinis na kayo, ngunit hindi lahat.” Sapagkat alam ni
Hesus kung sino ang magkakanulo sa kanya, kaya sinabi
niyang malinis na sila, ngunit hindi lahat.

Nang mahugasan na ni Hesus ang kanilang mga paa, siya’y


nagsuot ng damit at nagbalik sa hapag. “Nauunawaan ba
ninyo kung ano ang ginawa ko sa inyo?” tanong niya sa
kanila. “Tinatawag ninyo akong Guro at Panginoon, at
tama kayo, sapagkat ako nga. Kung akong Panginoon ninyo
at Guro ay naghugas ng inyong mga paa, dapat din kayong
maghugasan ng paa. Binigyan ko kayo ng halimbawa at
ito’y dapat ninyong tularan.”

— Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Bayan: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

HOMILIYA

(Walang Pagpapahayag ng “Pananampalataya”)


PAGHUHUGAS NG MGA PAA (Umupo)

Commentator: Ngayon ay gugunitain natin ang ginawang paghuhugas ni


Hesus ng mga paa ng kanyang mga alagad. Paalala ito sa
atin na dapat din tayong maglingkod nang may buong
pagmamahal sa isa’t isa, gaya ng paglilingkod na ginawa ni
Hesus.

Manatili po tayong nakaupo.

Pari: Mga minamahal na mga kapatid,


ang Panginoong Hesus
ay lagi nating kapiling sa tuwing tayo’y nagdiriwang
at naglilingkod sa isa’t isa.
Niloob niyang hugasan ang mga paa
ng kanyang mga alagad.
Ating idulog na kanya
nawang tanggapin ang gagawin nating pagsunod
sa kanyang ipinag-uutos.
Atin ngayong huhugasan
ang mga pagkakasala natin sa bawat isa.
Nawa’y hugasan din
ang mga marumi nating mga kalooban.

1. Ang pari, kung kinakailangan ay mag-aalis ng kasulya, lalapit sa bawat huhugasan, at


magbubuhos ng tubig sa mga paa. Maaaring tulungan siya ng ng iba pang mga
tagapaglingkod niya. Ang pari rin ang magpapahid ng tuwalya sa nahugasang mga
paa.
2. Aawit ng angkop na himig habang ginaganap ang paghuhugas ng paa.

Matapos ang paghuhugas ng mga paa ng mga piling lingkod, patatayuin ang mga tao.

Commentator: Magsitayo po ang lahat.


Pari: Diyos naming Ama,
pinatatatag mo ang pag-ibig
at lubhang kalugud-lugod sa inyo.
Nagpakumbaba ang iyong Anak
upang kami’y hanguin at itampok sa iyo.
Ipagkaloob mo na sa aming paglaganap
bilang isang nagbubunying mag-anak
ay manatili nawang tapat at kaisa sa iyo.
Hinihiling namin ito
sa pamamagitan ng iyong Anak na si Hesukristo,
na Tagapamagitan,
nabubuhay at naghaharing kasama mo
at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

PANALANGIN NG BAYAN

Pari: Ibinigay sa atin ni Hesus ang Eukaristiya bilang alaala ng


kanyang pag-aalay ng sarili. Manalangin tayo sa Ama upang
matularan natin ang sakripisyo na ginawa ni Hesus.
Idalangin natin:

AMA, DINGGIN MO ANG IYONG BAYAN.

Lektor: Matularan nawa ng Santo Papa, mga obispo, mga pari,


diyakono, at mga relihiyoso ang kababaang-loob ni Hesus na
maglingkod sa kapwa sa kabila ng paghihirap at pag-uusig.
Manalangin tayo: (T)

Lektor: Maging tapat nawa ang mga may katungkulan sa


pamahalaan sa kanilang paglilingkod sa bayan at talikdan
nila ang paghuhugas-kamay bagkus maging halimbawa ng
pag-amin sa mga kasalanan. Manalangin tayo: (T)

Lektor: Maging matapang na mga lingkod nawa ang bawat


kristiyano lalo na sa gitna ng mga pang-aabuso sa mga
dukha, mga manggagawa, mga biktima ng karahasan, at mga
naulila. Manalangin tayo: (T)

Lektor: Makahugot nawa ng lakas at pag-asa sa Eukaristiya ang mga


naghihikahos, mga may sakit at mga namatayan ng mga
mahal sa buhay. Manalangin tayo: (T)

Lektor: Sa Eukaristiya, “tumawid” tayo mula sa kamatayan tungo sa


ganap na buhay. Nawa’y makibahagi sa walang haggang
kaluwalhatian ng Panginoon ang lahat na mga yumao.
Manalangin tayo: (T)

Pari: Diyos Ama, ikaw na nagbigay ng buhay at ng lahat ng


mabuti, dinggin mo ang aming mga panalangin at gabayan
mo kami. Habang ipinagdiriwang namin ang
pagpapakasakit at kamatayan ni Kristo, ihatid mo kami sa
kaluwalhatian ng kanyang muling pagkabuhay.

Hinihiling namin ito sa ngalan ni Kristong aming Panginoon.

Bayan: Amen.
PAGTANGGAP SA MGA BANAL NA LANGIS
Pagkatapos ng Panalangin ng Bayan, habang nakaupo ang lahat, dadalhin sa dambana
ang mga banal na langis. Ang langis para sa maysakit ay dadalhin ng isang piniling
parokyano na may sakit. Ang Krisma ay dadalhin ng isang parokyano na inatasan para
sa gawaing ito. Tangan ng dalawang tagapaglingkod ang kandila na siyang susundo sa
mga may dala ng Banal na Langis sa may gawing pinto ng Simbahan.

Commentator: Magsiupo po ang lahat. Ngayon po ay masasaksihan


natin ang paghahandog ng mga Banal na Langis na
binasbasan ng ating mahal na Obispo kaninang umaga
sa ginanap na Misa na may pagbabasbas sa mga langis.

PAGTANGGAP NG LANGIS PARA SA MGA MAYSAKIT

Tagapag-alay ng Langis Narito po ang langis para sa mga maysakit.


para sa maysakit:

Pari: Maranasan nawa ng mga may karamdaman na papahiran


ng langis na ito ang awa, pakikiramay at mapanligtas
na pagmamahal ni Kristo, sa kanilang katawan, isip at
kaluluwa.

Bayan: Kapuri-puri ang Poong Maykapal! Ngayon at


magpakailanman!

PAGTANGGAP NG BANAL NA KRISMA

Tagapag-alay ng Narito po ang banal na Krisma.


Banal na Krisma:

Pari: Ang mga papahiran ng mahalimuyak na Krismang ito: ang


mga bibinyagan at kukumpilan; mga oordinahang pari, ay
makaranas nawa ng biyaya ng Espiritu Santo.
Bayan: Kapuri-puri ang Poong Maykapal! Ngayon at
magpakailanman!
PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN

PAGHAHAIN NG ALAY (Tumayo)

Pari: Kapuri-puri ka,


Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.
Sa iyong kagandanang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa
ang tinapay na ito para maging pagkaing nagbibigay-buhay.

Ilalapag niya ang pinggan ng tinapay sa telang patungan

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!


Ang tagapagdiwang ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang
dinarasal nang pabulong:

Sa paghahalong ito ng alak at tubig


kami nawa’y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo na
nagpagindapat makihati sa aming pagkatao.
Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng tagapagdiwang ang kalis
nang bahagyang nakaangat sa dambana habang dinarasal niya nang pabulong:

Kapuri-puri ka,
Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.
Sa iyong kagandahang-Ioob, narito ang aming maiaalay.

Mula sa katas ng ubas


at bunga ng aming paggawa ang alak na ito
para maging inuming nagbibigay ng iyong Espiritu.
Illapag niya ang kalis sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!


Pagkatapos, yuyuko ang tagapagdiwang habang dinarasal niya nang pabulong:

Diyos Amang Lumikha,


nakikiusap kaming mga makasalanan. Tanggapin mo ang
aming pagsisisi bilang handog upang kami’y matutong
sumunod sa iyo nang buong puso.

Kung minamabuting gawin, iinsensuhan ng tagapagdiwang ang mga alay at ang


dambana pagkaraa’y iinsensuhan ng diyakono o ng tagapaglingkod ang pari at ang
mga nagsisimba.

Pagkatapos, ang tagapagdiwang ay pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas


siya ng mga kamay samantalang pabulong niyang dinarasal

O Diyos kong minamahal, kasalanan ko‘y hugasan at


linisin mong lubusan ang nagawa kong pagsuway.
Pagbalik ng tagapagdiwang sa gawing gitna ng dambana, ilalahad niya ang
kanyang mga kamay sa mga tao at muli niyang pagdaraupin habang kanyang
ipinahahayag:

Pari: Manalangin tayo mga kapatid, upang ang paghahain


natin ay kalugdan ng Diyos Amang makapangyarihan.
Bayan: Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong mga
kamay sa kapurihan niya at karangalan sa ating
kapakinabangan at sa buong Sambayanan niyang banal.

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

Pari: Ama naming Lumikha,


ipagkaloob mong marapat na ganapin
ang banal na paghahain
sapagkat tuwing ipinagdiriwang
ang alaala ng Anak mong nag-aalay,
ang pagliligtas niya sa tanan
ay nangyayari upang aming pakinabangan
sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT

Pari: Sumainyo ang Panginoon.

Bayan: At sumaiyo rin.

Pari: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.

Bayan: Itinaas na namin sa Panginoon.

Pari: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.

Bayan: Marapat na siya ay pasalamatan.


Pari: Ama naming makapangyarihan,
tunay ngang marapat
na ikaw ay aming pasalamatan
sa pamamagitan ni Hesukristo
na aming Panginoon.

Siya ang talagang dakila at lagi mong ikinalulugod


na paring naghahain para sa sansinukob
nitong pag-aalay na tangi mong ibinukod.
Ang pagdiriwang sa Huling Hapunan
ay paghahain niya para sa tanán
upang alalahanin namin at pagsaluhan.
Ang laman niya’y inihain
upang lahat ay buhayin.
Ang dugo niya’y dumanak
nang lahat ay mapatawad.

Kaya kaisa ng mga anghel


na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

Bayan: Banal ka Poong Maykapal


Banal ka, Poong Maykapal.
Banal ang iyong pangalan.
Banal ang iyong kaharian.
Langit at lupa'y nagpupugay
sa iyong kadakilaan.

Dinarakila ng lahat
ang naparito mong Anak
na s'yang nagmulat sa bulag,
sa pilay ay nagpalakad,
at nakiramay sa lahat.

(Magsiluhod ang lahat)

PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT

Nakalahad ang mga kamay ng tagapagdiwang sa pagdarasal.

Pari: Ama naming maawain,


ipinaaabot namin ang pasasalamat sa iyo
sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo.

Pagdaraupin ng tagapagdiwang ang kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis,


samantalang kanyang dinarasal:

Ipinakikiusap namin sa pamamagitan ng Anak mong ito


na ang mga kaloob namin ay tanggapin at basbasan mo ✠
sa pagdiriwang namin ng paghahain niya sa iyo.

Nakalahad ang mga kamay ng tagapagdiwang sa pagdarasal.

Iniaalay namin ito sa iyo, unang-una


para sa iyong banal na Simbahang Katolika.
Pagkalooban mo ng kapayapaan at pagkupkop,
pagkakaisa at pagtataguyod,
ang mga kaanib nito sa sansinukob,
kaisa ng aming Papa Francisco, na iyong lingkod,
kasama ng aming Obispo Reynaldo,
at ng lahat ng nananalig at nagpapalaganap
sa pananampalatayang Katoliko
na galing sa mga apostol.

Pag-alala sa mga nabubuhay sa daigdig.

Ama namin, iyong alalahanin


ang iyong mga anak na ngayo’y aming idinadalangin:
N. at N.
Sila’y saglit na ipagdarasal ng tagapagdiwang nang may magkadaop na mga
kamay. Pagkatapos, ang tagapagdiwang ay patuloy na magdarasal nang nakalahad
ang mga kamay.

Ang aming pananampalataya ay nababatid mo


gayun din ang pagsisikap naming maging tapat sa iyo.
Ang paghahaing ito ng pagpupuri ay aming iniaalay
para sa kapakanan namin at ng mga mahal namin sa
buhay,
para sa aming kalusugan at walang hanggang kaligtasan,
sa pagdulog namin sa iyong kadakilaan,
Diyos na totoo at nabubuhay kailanman.

Pag-alala sa mga Banal.

Kaisa ng buong Simbahan


ngayo’y aming ipinagdiriwang
ang dakilang kapistahan ng ginawang paghahain
ng aming Panginoong Hesukristo para sa amin.
Pinararangalan namin ngayon, unang-una
ang Ina ng Diyos at Panginoon naming Hesukristo,
si Maria na maluwalhating laging Birhen,
gayundin ang kanyang kabiyak ng pusong si San Jose,
ang iyong pinagpalang mga apostol at martir
na sina Pedro, Pablo at Andres,
(sina Santiago, Juan, Tomas, Santiago, Felipe, Bartolome,
Mateo, Simon at Tadeo;
gayundin sina Lino, Cleto, Clemente, Sixto,
Cornelio, Cipriano,
Lorenzo, Crisogono,
Juan at Pablo,
Cosme at Damian)
at ang lahat ng iyong mga banal.
Pakundangan sa kanilang ginawang mga kabutihan
at walang sawang pagdalangin para sa aming kapakanan,
kami ay lagi mong kalingain at ipagsanggalang.
(Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo. Amen.)

Nakalahad ang mga kamay ng tagapagdiwang sa pagdarasal.

Ama namin, iyong tanggapin


ang handog na ito ng iyong buong
angkan sa pag-alala sa dakilang araw
ng paghahain ng Katawan at Dugo
ng aming Panginoong Hesukristo
upang pagsaluhan ng mga alagad.
Loobin mong kami’y makapamuhay
araw-araw sa iyong kapayapaan.
Huwag mong ipahintulot na kami
ay mawalay sa iyo kailan pa man.
Ibilang mo kami sa iyong mga hinirang.

Pagdaraupin ng tagapagdiwang ang kanyang mga kamay.

(Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo. Amen.)


Lulukuban ng mga kamay ng tagapagdiwang ang mga alay habang siya’y
nagdarasal.

Ama namin, basbasan mo


ang mga handog naming ito.
Marapatin mong sambahin ka namin
sa Espiritu at katotohanan,
kaya para sa amin
ito ay gawin mong maging Katawan at Dugo ng
pinakamamahal mong Anak,
ang aming Panginoong Hesukristo.

Paggdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

Noong bisperas ng kanyang pagpapakasakit


para kami at ang lahat ng tao ay masagip,
nakisalo siya ngayon sa mga alagad niyang iniibig.

Hahawakan ng tagapagdiwang ang tinapay nang bahagyang nakataas habang


kanyang patuloy na inihahayag:

Hinawakan ni Hesus ang tinapay


sa kanyang banal at kagalang-galang na mga kamay.

Ang tagapagdiwang ay titingala.


Tumingala siya sa langit,
sa iyo, Diyos Ama niyang makapangyarihan,
at nagpasalamat siya sa iyo.
Pinaghati-hati niya ang tinapay,
iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang tagapagdiwang.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:


ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.

lpamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan ni Kristo, ipapatong


niya ito sa pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba.
Ang pari ay magpapatuloy.

Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,


Hahawakan ng tagapagdiwang ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng
dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang kalis na ito ng pagpapala


sa kanyang banal at kagalang-galang na mga kamay,
muIi ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang tagapagdiwang:


TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:
ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.
GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.

Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan ni
Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba. Pagkatapos, ipahahayag ng pari:

Pari: Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.


Ang mga tao ay magbubunyi:

Bayan: Sa krus mo at pagkabuhay


kami’y natubos mong tunay.
Poong Hesus naming mahal,
iligtas mo kaming tanan
ngayon at magpakailanman.

PAKIKINABANG

Pari: Ama,
kaming mga lingkod mo at bumubuo
sa iyong bayang banal
ay nagdiriwang sa alaala ni Kristo
na iyong Anak at aming Panginoon.
Ginugunita namin
ang kanyang dakilang pagpapakasakit
ang pagbangon niya mula sa kamatayan,
at ang matagumpay na pag-akyat niya sa kalangitan. Kaya
mula sa mga biyayang sa iyo rin nanggaling inihahandog
namin sa iyong kataas-taasang kamahalan ang paghahaing
ito na katangi-tangi at dalisay:
ang pagkaing nagbibigay-buhay kailanman
at ang inuming nagbibigay-kagalingang
walang katapusan.
Masdan mo nang buong kasiyahan
ang aming mga alay na ito.
Ganapin mo sa mga ito ang ginawa mo
sa mga handog ni Abel, ang lingkod na matapat sa iyo.

Sa paghahain ni Abraham,
na ama namin sa pananampalatayang totoo,
at sa inihandang tinapay at alak ni Melkisedek,
na paring hirang mo.

Paunlakan mo ngayong tanggapin


ang banal at dalisay na paghahain.

Yuyuko ang tagapagdiwang at magdasal siyang magkadaop ang mga kamay:

Makapangyarihang Diyos,
hinihiling naming iyong ipaakyat
sa banal mong anghel
ang mga alay na ito
sa dakilang dambanang nasa iyong harap
upang sa pagsasalo sa banal na Katawan at Dugo
ng iyong Anak
sa pakikinabang namin ngayon dito sa banal mong hapag

Tatayo nang tuwid ang tagapagdiwang at magkukrus samantalang nagdarasal:

✠ kami ay mapuspos ng iyong pagpapala at tanang


pagbabasbas.

Pagdaraupin ng tagapagdiwang ang kanyang mga kamay.


(Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo. Amen.)
Nakalahad ang mga kamay ng tagapagdiwang sa pagdarasal.

Ama namin, iyo ring alalahanin


ang mga anak mong naunang yumao sa amin
sa paghimlay sa iyong kapayapaan
yamang ang tatak ng pananampalataya
ay kanilang taglay at sila ngayo’y
aming ipinagdarasal N., at N.

Sila’y saglit na ipagdarasal ng tagapagdiwangnang may magkadaop na mga


kamay. Pagkatapos, ang tagapagdiwang ay patuloy na magdarasal nang nakalahad
ang mga kamay.

Sila at ang tanang nahihimlay sa kandungan ni Kristo


ay aming idinadalangin sa iyo
upang iyong pagbigyang makarating
sa pagsasalo, pagliliwanag at pamamahinga
sa iyong piling.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

(Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo. Amen.)


Dadagukan ng kanang kamay ng tagapagdiwang ang kanyang dibdib habang siya
ay nagsisimulang magdasal.

Pari: Kahit kami ay mga makasalanan mong lingkod


kami rin ay nagtitiwala sa iyong nag-uumapaw
na pagkamapagbigay
sa aming pamumuhay araw-araw.
Kaya pagindapatin mo ring kami ay makaugnay
at makapiling
ng iyong mga banal na apostol at martir,
kasama nina Juan Bautista, Esteban,
Matias, Bernabe,
(Ignacio, Alejandro,
Marcelino, Pedro,
Felicidad, Perpetua,
Agata, Lucia,
Agnes, Cecilia, Anastacia)
at ng lahat ng iyong mga banal.
Kami nawa’y makapisan nila
hindi dahil sa aming ginagawang kabutihang
kulang na kulang
kundi pakundangan sa iyong pagpupuno
sa aming kakulangan.

Pagdaraupin ng tagapagdiwang ang kanyang mga kamay.

Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo. Amen.


At patuloy siyang magdarasal.

Sa kanyang pamamagitan
ang tanang mabubuting kaloob mong ito
ay lagi mong pinaiiral, pinababanal, binubuhay,
binabasbasan at sa amin ibinibigay.
Hahawakan ng tagapagdiwang ang pinggang may ostiya at ang kalis at kapwa niya
itataas habang kanyang ipinahahayag:

SA PAMAMAGITAN NI KRISTO,
KASAMA NIYA, AT SA KANYA
ANG LAHAT NG PARANGAL AT PAPURI
AY SA IYO, DIYOS AMANG MAKAPANGYARIHAN,
KASAMA NG ESPIRITU SANTO
MAGPASAWALANG HANGGAN.

Dakilang Amen

Bayan: " AMEN! AMEN! AMEN!"

PAKIKINABANG:

Pari: Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni Hesus


na Panginoon natin at Diyos ipahayag natin nang lakas-
loob:

Bayan: "Ama namin, sumasalangit ka, sambahin ang ngalan mo


Mapasaamin ang Kaharian mo, sundin ang loob mo
Dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw


At patawarin mo kami sa aming mga sala
Para nang pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa
amin
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso
At iadya mo kami sa lahat ng masama. Amen."

Nakalahad ang mga kamay ang tagapagdiwang sa pagdarasal:

Pari: Hinihiling naming kami’y iadya sa lahat ng masama,


pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
iligtas sa kasalanan at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag ng Tagapagligtas
naming si Hesukristo.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang


panalangin sa ganitong pagbubunyi:

Bayan: "Sapagkat iyo ang Kaharian, at ang Kapangyarihan at ang


Kapurihan magpakailanman. Amen."

Pari: O, Panginoong Hesukristo,


sinabi Mo sa Iyong mga Apostol,
"Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo,
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming
pananampalataya at huwag ang
aming mga pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng
kapayapaan at pagkakaisa
ayon sa iyong kalooban,

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

Ang pari ay paharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop ng mga kamay sa


pagpapahayag.

Pari: Ang kapayapaan ng ating Panginoong Hesukristo ay


sumainyo.

Bayan: At sumaiyo rin.


Pari: Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t-isa.

Pagkatapos, hahawakan ng tagapagdiwang ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa


ibabaw ng pinggan at isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong
niyang dinarasal:

Pari: Sa pagsasawak na ito


ng Katawan sa Dugo
ng aming Panginoong Hesukristo
tanggapin nawa namin sa pakikinabang
ang buhay na walang hanggan.

PAANYAYA SA PAKIKINABANG

Samantalang ginaganap ang paghahati-hati sa ostiya, aawitin o darasalin ang pagluhog


na ito.

Bayan: “Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng


sanlibutan, maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng
sanlibutan, maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng
sanlibutan, ipagkaloob mo po sa amin ang kapayapaan!"
(Lumuhod ang lahat)

Ito ay mauulit-ulit habang ginaganap ang paghahati-hati sa tinapay. Sa huling pag-


uulit saka pa lamang idurugtong ang “ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.”

Magkadaop ang mga kamay ng pari sa pabulong na pagdarasal.


Pari: Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay,
sa kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo,
binuhay mo sa iyong pagkamatay ang sanlibutan.
Pakundangan sa iyong banal na Katawan at Dugo,
iadya mo ako sa tanang aking kasalanan at lahat ng
masama,
gawin mong ako’y makasunod lagi sa iyong mga utos,
at huwag mong ipahintulot na ako’y mawalay sa iyo
kailanman.
Luluhod ang tagapagdiwang at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya na
itataas sa ibabaw ng pinggan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi ng
malakas:

I
" to ang Kordero ng Diyos.
Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Mapapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.

Bayan: “Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo


ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.”

Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na


nagdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo para


sa buhay na walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.

Pagkatapos, hahawakan ng pari ang kalis at pabulong na magdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.

Hahawakan niya ang pinggan o lalagyan ng ostiya at lalapitan niya ang mga
nakikinabang, bahagyang itataas ang ostiya para sa bawat nakikinabang habang
sinasabi:

Katawan ni Kristo.
Ang nakikinabang ay tutugon:

Amen.

ANTIPONA SA PAKIKINABANG
(1 Cor 11:24–25)

Handog ko para sa inyo ang sariling katawan ko.


Ito’y kasunduang bago nasasalig
sa dugo ko sa gunita ko’y gawin n’yo.

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
(Tumayo)

Pari: Manalangin tayo. (Tumahimik)


Ama naming mapagmahal,
ipagkaloob mong sa aming pakikinabang
sa ipinagdiwang ditong Hapunan ng Anak mong mahal
kami’y pagindapating makasalo kailanman
sa piging sa iyong piling sa kalangitan
sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.
(Dito natatapos ang Misa. Walang pagbabasbas.)

PRUSISYON NG BANAL NA SAKRAMENTO

1. Pagkatapos ng panalangin, luluhod ang tagapagdiwang sa harap ng dambana at lalagyan niya


ng insenso ang insensaryo. Samantalang siya’y nakaluhod, iinsensuhan niya nang tatlong ulit
ang Banal na Sakramento.

2. Ang Banal na Sakramento ay maaaring ilipat sa angkop na lugar sa loob ng sakristiya o sa altar
repositorio. Aawit ng isang angkop na awit.

3. Hindi itatanghal ang Santisimo sa isang MONSTRANCE o CIBORIUM kundi nakatago dapat ito
sa isang repository (Paschales Solemnitatis #55).

(“Pange Lingua”)
Pagsapit ng prusisyon sa paglalagakan, ipapatong ng tagapagdiwang sa dambana ang lalagyan
ng Sakramento. Muli siyang maglalagay ng insenso sa insensaryo. Samantalang siya’y
nakaluhod, iinsensuhan niya ang Sakramento habang inaawit ang “Tantum Ergo.” Pagkatapos
nito’y isasara ang pinto ng tabernakulong pinaglalagakan ng Sakramento.

PAGTATANOD NG BANAL NA SAKRAMENTO


SA ALTAR REPOSITORIO

Tantum ergo sacramentum

Tantum ergo sacramentum/


Veneremur cernui,/
Et antiquum documentum/
Novo cedat ritui;/
Praestet fides suplementum,/
Sensuum defectui.
Genitori, genitoque/
Laus et jubilatio/
Salus, honor, virtus, quoque/
Sit et benedictio;/
Procedenti ab utroque/
Compar sit laudatio.
Amen.

4. Bihilya sa Banal na Sakramento

Isasara ng pari ang pinaglagakan ng Sakramento.


Ang lahat ay inaanyayahang sumamba sa Banal na Sakramento.
Ang maringal na pagsamba ay ititigil pagsapit ng hatinggabi.

You might also like