You are on page 1of 15

ANG PAGBABASBAS NG MGA MAGLALAKBAY SA BANAL NA POOK

1. PASIMULA

Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.

Amen.

Sumainyo nawa ang papgpapala ng ating Diyos, na siyang ating lakas at kaligtasan

At sumainyo rin.

2. PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

2 Corinto 5:6-10

Pagbasa mula sa Ikalawang Sulat ni Apostol San Pablo sa mga Taga- Corinto

Kaya’t laging malakas ang aking loob. Alam ko na habang tayo’y nasa tahanang ito, ang ating katawan,
hindi mapapasaatin ang tahanang galing sa Panginoon. Namumuhay ako ayon sa pananalig sa Diyos,
hind isa mga bagay na nakikita. Malakas nga ang loob kongi wan ang katawang ito na aking tinatahanan
upang manirahan sa piling ng Panginoon. Kaya naman, ang pinakananais ko ay ang maging kalugod-
lugod sa kanya, sa tahanang ito o doon man sa langit. Sapagkat sa bawat isa ay haharap sa hukuman ni
Kristo upang maging tumanggap ng kaukulang ganti sa kanyang ginawa, Mabuti man o masama, nang
siya’y nabubuhay pa sa daigdig na ito.

Ang Salita ng Diyos.

Salamat sa Diyos.

3. PAGNINILAY AT MAIKLING PALIIWANAG


4. PANALANGIN NG BAYAN

NAMUMUNO: Ang Diyos ay pinanggagalingan at patutunguhan ng paglalakbay ng buhay. Halina’t


dumulog tayo sa kanya na may pagtitiwala, at sabihin natin:

Panginoon Samahan mo kami sa aming paglalakbay.

Amang banal, noong unang panahon, ikaw ang gabay at landas ng iyong piniling sambayanan habang
nalligaw sila sa ilang ; ikaw nawa ang kumalinga sa amin sa sisimulan naming paglalakbay upang iligtas
kaming makbalik sa aming pinanggalingan. Manalangin tayo:

Ipinagkaloob mo sa amin ang iypng bugtong na Anak upang maging landas namin patungo s aiyo:
matapat nawa kaming makasunod sa kanya at hindi lumihis sa tamang landas. Manalangin tayo:
Ibigay mo sa amin si Maria bilagn larawan at huwaran sa pagsunod kay Kristo; sa pamamagitan ng
kanyang halimbawa, itulot mong mamuhay kami sa panibagong buhay. Manalangin tayo:

Ginagabayan mo ang iyong Simabahang naglalakbay dito sa lupa sa pamamagitan ng Espritu Santo:
matuklasan ka nawa naming sa lahat ng bagay at lagi naming tahakin ang landas ng iyong mg autos.
Manalangin tayo:

Inakay mo kami sa tama’t mapayapang daan: nawa’y balang araw masilayan namin ang iyong mukha sa
langit. Manalangin tayo:

Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ng ating Panginoon, ipahayag natin nang lakas-loob:

Ama Namin…

PANALANGIN NG PAGBABASBAS

Diyos na makapangyarihan, kinahahabagan mo ang lahat ng umiibig sa iyo, at hindi kailanma’y lumayo sa
mga taong nangangailangan s aiyo. Manatili ka sa iyong mga lingcod na sasama sa banal na paglalakbay
na ito, at gabayan mo sila sa pagtahak sa landas na naaayon sa iyong kalooban. Sa araw, lukuban mo sila
ng iyong pagkalinga; sa gabi, pagkalooban mo sila ng Liwanag ng iyong biyaya, at bilang kasama nila sa
paglalajabay na ito, akayin mo silang ligtas sa kanilang paroroonan. Hinihiling naming ito sa
pamamagitan ni HesuKristong aming Panginoon.

Amen

5. PANGWAKAS

Nawa’y ang Panginoon ang gumabay sa atin at iligtas niya tayo sa lahat ng kapahamakan.

Amen.

Nawa’y sumaatin ang Panginoon sa ating paglalakbay.

Amen.

Nawa’y sa paglalakbay na ating sisimulan ngayon, dala ng pag-asa sa Panginoon, ay makarating tayo sa
paroroonan natin nang maluwalhati sa pamamagitan ng kanyang pagkalinga.

Amen.
Unang Simbahan

Diocesan Shrine and Parish of St. Mary Magdalene

Pililia, Rizal

PASIMULA

Namumuno: Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.

Bayan: Amen

Namumuno : Mga kapatid, sa araw na ito, tayo ay nananalangin upang

samahan si Hesus at pasalamatan ang katang-tangi at dalisay na regalo ng kanyang sarili sa

Eukaristiya. Sa banal na paglalakabay na ito isama natin sa ating panalangin ang lahat ng

kaparian sa buong mundo upang sila ay mapuspos ng tunay na pagmamahal sa Eukaristiya na

ipinagkatiwala sa kanilang mga kamay . Ipanalangin din natin ang lahat ng tao na nanlalamig na

sa Diyos ng Awa, upang sa banal na sakramento sila ay makasumpong ng init ng pag-ibig at

lakas ng pananampalataya. Bilang mga anak ng Diyos Ama nararapat lamang na tayo ay

magnilay at sumamba sa tunay na katawan ni Hesus sa anyong tinapay.

Marami pa rin ang ayaw kumilala sa kapangyarihan ng krus ni Kristo at ng Mabuting Balita na

nagligtas sa tanan. Hilingin natin kay Hesus na ipagkaloob sa sandaigdigan ang tunay na

kapayapaan at kasaganaan na nagmumula lamang sa kanya.

EBANGHELYO Juan 17:9-13

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Bayan: Papuri sa iyo, Panginoon

Noong Panahong iyon sinabi ni Hesus, “idinadalangin ko sila, hindi ang sanlibutan kundi ang lahat

ng ibinigay mo sa akin, sapagkat sila’y iyo. Ang lahat ng akin ay iyo at ang lahat ng iyo ay akin;

at pararangalan ako sa pamamagitan nila. At ngayon ako’y pupunta na sa iyo; aalis na ako sa

sanlibutan, ngunit nasa sanlibutan pa sila. Amang banal ingatan sa pamamagitan ng

kapangyarihan ng iyong pangalan, pangalang ibinigay mo sa akin, upang sila’y maging isa,

papaanong tayo’y iisa. Habang kasama nila ako, iniingatan ko sila sa pamamagitan ng
kapangyarihan ng iyong pangalang ibinigay mo sa akin. Inaalagaan ko sila at ni isa’y walang

mapapahamak liban sa taong humahanap ng kanyang kapahamakan, upang matupad ang

kasulatan. Ngunit ngayon ako’y papunta na sa iyo, sinasabi ko ito habang ako’y nasa sanlibutan

upang mapuspos sila ng aking kagalakan.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

R.: Pinupuri ka namin Panginoong Hesu-kristo (Umupo ang lahat para sa tahimik na pagninilay)

Ang Panginoon ang aking pastol, Ang Panginoon ang aking pastol, pinagiginhawa niya akong

lubos… Handog nyang himlaya’y sariwang pastulan, ang pahingahanko’y payapang batisan,

hatid sa kaluluwa ay kaginhawaan sa tuwid na landas sya ang patnubay. Madilim na lambak

man ang tatahakin ko, wala akong sindak sya’y kasama ko ang hawak niyang tungkod ang

s’yang gabay, ko hawak nyang pamalo sigla’t tanggulan ko. Luluhod ang lahat para ipanalangin

ang intensyon ng Santo Papa.

Ama namin… Aba Ginoong Maria … Luwalhati …

MGA HIBIK SA KABANAL-BANALANG MANUNUBOS

Lahat: Kaluluwa ni Kristo, pakabanalin mo ako. Katawan ni Kristo, iligtas mo ako. Dugo ni

Kristo, tigmakin mo ako. Tubig mula sa tagiliran ni Kristo, hugasan mo ako. Pagpapakasakit ni Kristo,

patatagin mo ako. Butihing Hesus dinggin mo ako. Sa loob ng sugat mo ako’y itago mo. Huwag

mong ipahintulot na mawalay ako sa iyo. Sa nagpapahamak na kaaway, ako’y ipagsanggalang

mo. Sa sandaling pagpanaw, ako’y tawagin mo. At iyong ipag-utos na lumapit ako sa iyo. Upang

kaisa ng mga banal ako’y makapagpuri sa iyo sa kalangitan magpasawalang hanggan. Amen.

PANGWAKAS NA PANALANGIN

Lahat: Panginoon namin at Diyos, sa sakramentong ito dumudulog kami sa presensya ni

Hesu-kristong Anak mo, ipinanganak ng mahal na birhen at ipinako para sa aming kaligtasan.

Marapatin mong kami na nagpapahayag ng pananampalataya sa bukal na walang hanggan.

Sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen

MGA PANALANGIN SA VISITA IGLESIA

Ikalawang Simbahan

Namumuno: Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.


Bayan: Amen

Namumuno: Mga kapatid, sa araw na/gabing ito tayo ay nananalangin/nagtatanod

upang samahan si Hesus at pasalamatan ang katangi-tangi at dalisay na regalo ng kanyang sarili

sa Eukaristiya. Mula pa noong una ipinakita na ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapadala ng

manna, ang tinapay na galing sa langit sa kanyang piniling bayan. Ang pagkain ay importanteng

bahagi ng buhay ng tao subalit ang tao ay di lamang binubuo ng katawan ito ay may espiritung

kailangang busugin ng presensya ng Diyos na lumikha nito. Sinasabi ni Hesus na siya ang pagkaing

nagmula sa langit ang pagkaing tunay na nakabubusog ng bawat puso. Bilang mga anak ng

Diyos Ama nararapat lamang na tayo ay magnilay at sumamba sa katawan ni Hesus sa anyong

tinapay.

PAGBASA Juan 6:51-58

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Bayan: Papuri sa iyo, Panginoon.

Noong panahong iyon sinabi ni Hesus sa mga tao: “Ako ang pagkaing nagbibigay buhay na

bumaba mula sa langit. Mabubuhay magpakailanman ang sinumang kumain nito. At ang

pagkaing ibibigay ko ay sa ikabubuhay ng sanlibutan ay ang aking laman.” Dahil dito’y nagtalutalo ang
mga Judio. “papaanong maibibigay sa atin ng taong ito ang kanyang laman upang

kanin natin?” tanong nila, kaya’t sinabi sa kanila ni Hesus, “Malibang kanin ninyo ang laman ng

anak ng tao at inumin ang kanyang Dugo hindi kayo magkakaroon ng buhay. Ang kumakain ng

aking laman at ang umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at muli ko siyang

bubuhayin sa huling araw. Sapagkat ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo

ay tunay na inumin. Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananahan sa

akin at ako sa kanya. Buhay ng Amang nagsugo sa akin at ako’y nabubuhay dahil sa kanya.

Gayon din naman ang sinumang kumain sa akin ay mabubuhay dahil sa akin. Ito ang pagkaing

bumaba mula sa langit; ang kumakain nito’y mabubuhay magpakailanman. Hindi ito katulad ng

kinain ng inyong mga magulang sa ilang; namatay sila bagamat kumain niyon.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

R.: Pinupuri ka namin Panginoong Hesu-Kristo. (Umupo ang lahat para sa tahimik na pagninilay)

Awit ng Paghahangad
O Diyos ikaw ang tanging hanap loob ko’y ikaw ang tanging hangad, nauuhaw akong parang

tigang na lupa sa tubig ng yong pag-aaruga, ika’y pagmamasdan sa dakong banal ng makita

ko ang iyong, pagkarangal dadalangin akong nakataas aking kamay, magagalak na aawit na

ang papuring iaalay. Gunita koy ikaw habang nahihimlay pagkat ang tulong mong sa tuwina’y

taglay sa lilim ng iyong mga pakpak umaawit akong buong galak. Aking kaluluwa’y kumakapit

sa’yo kaligtasa’y tiyak kung hawak mo ako magdiriwang ang hari ang Diyos s’yang dahilan ang

sa iyo ay nangako galak yaong makakamtan.

Luluhod ang lahat para ipanalangin ang intension ng Santo Papa

Ama namin…. Aba Ginoong Maria…Luwalhati….

PANALANGIN SA PAGIGING BUKAS PALAD

Lahat: Panginoon turuan mo akong maging bukas palad. Turuan mo akong maglingkod

sa iyo, na magbigay ng ayon sa nararapat, na walang hinihintay mula sa iyo, na makibakang di

inaalintana, mga hirap na dinaranas, sa tuwina’y magsumikap na, hindi humahanap ng kapalit

na kaginhawahan, na di naghihintay kundi ang aking mabatid, na ang loob mo’y sy’ang

sinusundan.

PANGWAKAS NA PANALANGIN

Lahat: Panginoon namin at Diyos, ipinagkaloob mo sa amin ang tinapay na bumaba sa

langit. Sa pamamagitan ng pagkaing ito, mapalakas nawa kami upang mamuhay sang ayon sa

iyong buhay at sa katapusan ay mapakinabang sa iyong luwalhati sa huling araw. Hinihiling

namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen

MGA PANALANGIN SA VISITA IGLESIA

Ikatlong Simbahan

Namumuno: Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.

Bayan: Amen

Namumuno: Mga kapatid, sa araw na/gabing ito tayo ay nananalangin/nagtatanod

upang samahan si Hesus at pasalamatan sa katangi-tangi at dalisay na regalo ng kanyang sarili

sa Eukaristiya. Ang Diyos ay Pag-ibig at lahat ng nais sumunod sa kanya ay dapat umibig ng

wagas at dalisay. Ang sangtinakpan ay nilalang sa pamamagitan ng pag-ibig, sinagip dahil sa


pag-ibig at muling babaguhin sang-ayon na rin sa pag-ibig ng Diyos. Ang araw na/gabing ito ay

patunay sa atin kung gaanong kalaki ang malasakit sa atin ni Hesus na ninais niyang manatili sa

anyo ng tinapay upang maranasan ng bawat salinlahi ang kalayaang nanggaling sa kanyang

pag-ibig. Bilang mga anak ng Diyos Ama nararapat lamang na tayo ay magnilay at sumamba

sa tunay na katawan ni Hesus sa anyong tinapay. Hilingin natin kay Hesus na ipagkaloob sa

sandaigdigan ang tunay na kapayapaan at kasaganaan na nagmumula lamang sa kanya.

PAGBASA Juan 15:9-17

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Bayan: Papuri sa iyo, Panginoon.

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Kung paanong iniibig ako ng

Ama, gayon din naman, iniibig ko kayo; manatili kayo sa aking pag-ibig. Kung tinutupad ninyo

ang aking mga utos, mananatili kayo sa aking pag-ibig; tulad ko tinutupad ko ang mga utos ng

aking Ama at ako’y nananatili sa kanyang pag-ibig. “Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito

upang makahati kayo sa kagalakan ko at malubos ang inyong kagalakan. Ito ang aking utos;

mag-ibigan kayo gaya ng pag-ibig ko sa inyo. Walang pag-ibig nahihigit pa sa pag-ibig ng isang

taong nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan. Kayo’y mga kaibigan ko

kung tinutupad ninyo ang mga utos ko. Hindi ko na kayo inaaring alipin, sapagkat hindi alam ng

alipin ang ginagawa ng kanyang panginoon. Sa halip inaari ko kayong mga kaibigan, sapagkat

sinabi ko sa inyo ang lahat ng naririnig ko sa Ama, hindi kayo ang pumili sa akin; ako ang pumili

at humirang sa inyo upang kayo’y humayo at mamunga, at manatili ang inyong bunga. Sa

gayon anuman ang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay ipagkakaloob sa inyo. Ito ang

inuutos ko sa inyo: mag-ibigan kayo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

R.: Pinupuri ka namin Panginoong Hesu-Kristo. (Umupo ang lahat para sa tahimik na pagninilay)

Umasa ka sa Diyos ang mabuti’y gawin at manalig kang ligtas sa lupain sa Diyos mo hanapin ang

kaligayahan at pangarap mo’y makakamtan. Ang iyong sarili sa Diyos mo ilagak at magtiwalang

tutulungan kang ganap. Ang kabutihan mo ay magliliwanag katulad ng araw kung tanghaling

tapat. Sa harap ng Diyos pumanatag ka maging matiyagang maghintay sa kanya huwag mong

kainggitan ang gumiginhawa sa likong paraan umunlad man sila. (Luluhod para sa intension)
Ama namin…. Aba Ginoong Maria…Luwalhati….

PANALANGIN PARA SA MGA PARI

Lahat: O Hesus ipinapanalangin ko sa iyo ang matapat at maalab mong pari, ang mga

lilo at nanlalamig mong pari; ang iyong mga paring nagpapagal dito at sa ibat-ibang bansa lalo

na yaong mga nasa kaduluduluhang bahagi ng daigdig; ang mga pari mong nahaharap sa

matinding tukso at pagsubok; ang mga nangungulila at nag-iisa mong pari; ang iyong mga bata

at maysakit na pari; ang mga kaluluwa sa purgatoryo ng iyong mga pari. Higit sa lahat

ipinapanalangin ko sa iyo ang mga paring mahal sa akin; ang mga paring nagbinyag sa akin;

ang mga paring nagpakumpisal sa akin; ang mga paring nangunguna sa misa namin at

nagbibigay sa akin ng iyong katawan at dugo sa banal na komunyon; ang mga paring nagturo

at gumabay sa akin; at ang lahat ng paring pinagkakautangan ko ng loob. O Hesus alalahanin

mo nawa silang lahat sa iyong mahal na puso at lagi mo nawa silang pagpalain ngayon at

magpasawalang hanggan. Amen.

PANGWAKAS NA PANALANGIN

Lahat: Panginoon namin at Diyos, mapuspos nawa ang aming mga puso ng lakas sa

pamamagitan ng sakramentong ito ng bagong buhay. Gawin mo kaming masigasig sa

pagpapalaganap ng iyong kaharian. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming

Panginoon.

Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen

MGA PANALANGIN SA VISITA IGLESIA

Ikaapat na Simbahan

Namumuno: Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.

Bayan: Amen

Namumuno: Mga kapatid, sa araw na/gabing ito tayo ay nananalangin/nagtatanod

upang samahan si Hesus at pasalamatan ang katangi-tangi at dalisay na regalo ng kanyang sarili

sa Eukaristiya. Sa eukaristiya ating natatagpuan ang susi ng ating pagkakaisa, kung papaanong

siya ang puno ng ubas at tayo ang mga sanga, tayo ay makakaugnay sa iisang

pananampalataya at iisang patutunguhan. Sa mga pagkakataong pakiramdam natin ay nagiisa tayo at


walang karamay. Masdan natin ang milagro sa ating piling, ang Diyos na hindi lumisan
sa atin.

PAGBASA Juan 15:1-4

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Bayan: Papuri sa iyo, Panginoon.

Sinabi ni Hesus “Ako ang tunay na puno ng ubas at ang aking Ama ang tagapag-alaga. Pinuputol

niya ang bawat sangang hindi namumunga; at kanya namang pinuputulan at nililinis ang bawat

sangang namumunga upang lalong dumami ang bunga. Nalinis na kayo sa pamamagitan ng

salitang sinabi ko sa inyo, hindi makakapamunga ang sangang hindi nananatiling nakakabit sa

puno. Gayon din naman hindi kayo makakapamunga kung hindi kayo nakakabit sa akin.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

R.: Pinupuri ka namin Panginoong Hesu-Kristo. (Umupo ang lahat para sa tahimik na pagninilay)

Isang Tinapay isang Katawn isang Bayan

Katulad ng mga butil na tinitipon upang maging tinapay na nagbibigay buhay

kami naway matipon din at maging bayan mong giliw, iisang Panginoon iisang katawan

isang bayan isang lahi sa yo’y nagpupugay. Katulad din ng mga ubas na piniga at naging alak

sinumang uminom nito may buhay na walang hanggan. Kami nawa’y maging sangkap sa

pagbuo nitong bayang liyag.

Luluhod ang lahat para ipanalangin ang intension ng Santo Papa

Ama namin…. Aba Ginoong Maria…Luwalhati….

PANALANGIN PARA SA PANGKALULUWANG PAKIKINABANG

Lahat: Pinakamamahal na Hesus, buong pananalig kong sinasampalatayanan na ikaw

ay nariyan sa kabanal-banalang Sakramento. Iniibig kita higit sa lahat ng bagay, at ninanais kong

tanggapin ka sa aking kaluluwa. Dahil hindi kita matanggap sa sandaling ito sa banal na

komunyon, sa halip pumasok ka sa aking puso. Niyayakap kita na parang ikaw ay tunay na

nariyan, at iniuugnay ko ang aking buong sarili sa iyo, huwag mo kailanman itulot na mawalay

pa ako sa iyo.

PANGWAKAS NA PANALANGIN

Lahat: Aming Ama, itinalaga mo si Hesu-kristo bilang kataas-taasang pari sa ikaluluwalhati

mo at ng aming kaligtasan. Nawa’y ang bayang pinapagindapat niya sa pamamagitan ng


kanyang dugo, ay makasalo sa kapangyarihan ng kanyang krus at muling pagkabuhay sa

pagdiriwang ng huling hapunan, siya na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu

Santo iisang Diyos magpasawalang hanggan.

Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.

MGA PANALANGIN SA VISITA IGLESIA

Ikalimang Simbahan

Namumuno: Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.

Bayan: Amen

Namumuno: Mga kapatid, sa araw na/gabing ito tayo ay nananalangin/nagtatanod

upang samahan si Hesus at pasalamatan ang katangi-tangi at dalisay na regalo ng kanyang sarili

sa Eukaristiya. Sa panahong puno ng alitan at di pagkakasundo hatid ng Panginoon ang

kapayapaang di kailanman ay maibibigay ng mundo. Magnilay tayo sa harap ng Prinsipe ng

kapayapaan upang ituro sa atin ang landas ng pakikipagkasundo. Panibaguhin nawa tayo ng

ating pananalig sa hapag ng bagong pag-asa kung saan si Kristo ang hain at naghahain sa

ikaliligtas ng santinakpan.

PAGBASA

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Bayan: Papuri sa iyo, Panginoon.

Sinabi ni Hesus “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko

sa inyo; hindi ito katulad ng ibinibigay ng sanlibutan. Huwag kayong mabalisa; huwag kayong

matakot, sinabi ko na sa inyo, ako’y aalis ngunit babalik ako. Kung iniibig ninyo ako, ikagagalak

ninyo ang pagpunta ko sa Ama, sapagkat dakila ang Ama kaysa sa Akin. Sinasabi ko na ito sa

inyo bago pa mangyari upang, kung mangyari na, kayo’y manalig sa Ama bago sa Akin. Hindi

na ako pakahahaba ng pagsasalita sa inyo, sapagkat dumarating na ang pinuno ng sanlibutang

ito. Wala siyang kapangyarihan sa akin, subalit dapat makilala ng sanlibutan na iniibig ko ang

Ama at ang ginagawa ko’y ang inuutos niya sa akin. Tumindig kayo, tayo na!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

R.: Pinupuri ka namin Panginoong Hesu-Kristo. (Umupo ang lahat para sa tahimik na pagninilay)

Dakilang Pag-ibig
Dakilang pag-ibig saan man manahan, Diyos ay naroon walang alinlangan

Tinipon tayo sa pagmamahal, ng ating Poong si Hesus tayo’y lumigaya sa pagkakaisa, sa haring

nakapako sa Krus, Purihi’t ibigin ang ating Diyos, na siyang unang nagmahal;

Kayat buong pag-ibig rin nating mahalin, Ang bawat kapatid at kapwa.

Iwasan lahat ang pagkapoot, pag-aalinlanga’t yamot. Sundin ang landasin ni Hesu-Kristo, at

ito’y halimbawa ng Diyos.

(Luluhod ang lahat para ipanalangin ang intension ng Santo Papa)

Ama namin…. Aba Ginoong Maria…Luwalhati….

PANALANGIN KAY HESU-KRISTONG NASA SA KRUS

Lahat: Kaybuti at pinakamamahal na Hesus, nangangayupapa ako sa iyong paanan,

humuhiling na mataimtim na iukit mo sa aking puso ang isang malalim at buhay na

pananampalataya, pag-asa at pag-ibig, na may dalisay na pagbabalik loob para sa aking mga

pagkakasala at matibay na pagnanais na gumawa ng pagbabayad puri. Habang aking

pinagninilayan ang iyong limang sugat at pinagmumuni-muni ang mga ito ng may pagkahabag

at hinagpis, naalala ko butihing Hesus ang matagal nang sinabi ni Propeta David ukol sa iyo:

Binutasan nila ang aking mga kamay at paa. Nabibilang na nila ang aking mga buto!

PANGWAKAS NA PANALANGIN

Lahat: Ama naming makapangyarihan, ginanap mo ang gawain ng kaligtasan sa

pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Kristong iyong Anak. Nawa’y kaming matapat na

nagpapahayag ng kanyang kamatayan at pagkabuhay sa sakramentong ito ay maranasan

ang paglago sa kaligtasan sa aming buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong

aming Panginoon.

Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen

MGA PANALANGIN SA VISITA IGLESIA

Ikaanim na Simbahan

Namumuno: Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.

Bayan: Amen

Namumuno: Mga, kapatid, sa araw na/gabing ito tayo ay nananalangin/nagtatanod

upang samahan si Hesus at pasalamatan ang katangi-tangi at dalisay na regalo ng kanyang


sarili sa Eukaristiya. Hindi tayo nilisan ng Panginoon patuloy niyang ginagabayan ang kanyang

simbahan sa liwanag ng Espiritu Santo. Sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos ang mga

sakramento ay nagkakaroon ng bisa at lakas. Tumawag tayo kay Kristo, ang daan, katotohanan

at pagkabuhay.

PAGBASA Juan 14:15-21

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Bayan: Papuri sa iyo, Panginoon.

Sinabi ni Hesus “Kung iniibig ninyo ako tutuparin ninyo ang aking mga utos. Dadalangin ako sa

Ama, at kayo’y bibigyan niya ng isa pang Patnubay na magiging kasama ninyo

magpakailanman. Ito’y ang Espiritu ng katotohanan, na hindi matanggap ng sanlibutan

sapagkat hindi siya nakikita ni nakikilala ng sanlibutan. Ngunit nakikilala ninyo Siya sapagkat siya’y

sumasainyo at nananahan sa inyo.” Hindi ko kayo iiwang nangungulila; babalik ako sa inyo.

Kaunting panahon na lamang at hindi na ako makikita ng sanlibutan. Ngunit ako’y makikita ninyo;

sapagkat mabubuhay ako, at mabubuhay rin kayo. Malalaman ninyo sa araw na yaon na ako’y

sumasa-Ama, kayo’y sumasaakin, at Ako’y sumasainyo. Ang tumanggap sa mga utos ko at

tumutupad nito ang siyang umiibig sa Akin ay iibigin ng aking Ama; iibigin ko rin siya, at ako’y

lubusang magpapakilala sa kanya.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

R.: Pinupuri ka namin Panginoong Hesu-Kristo. (Umupo ang lahat para sa tahimik na pagninilay)

Sa Diyos lamang Mapapanatag

Sa Diyos lamang mapapanatag ang aking kaluluwa, sa kanya nagmumula ang aking pag-asa

at kaligtasan. O Diyos ikaw lamang ang aking kaligtasan nasa yo aking kaluwalhatian. Ikaw

lamang aking inaasahan ang aking moog at tanggulan. Poon ika’y puno ng kabutihan pastol

akong nagmamahal sa kawan, inaakay sa luntiang pastulan tupa’y hanap mo kung mawaglit

man.

Luluhod ang lahat para ipanalangin ang intension ng Santo Papa

Ama namin…. Aba Ginoong Maria…Luwalhati….

PANALANGIN NG PAGSAMBA

Lahat: O Hesus, ikaw ang daan na dapat kong sundan ang ganap na modelo na aking
gagayahin. Sa aking pagharap sa huling paghuhukom nais kong matagpuan kawangis mo. O

modelo ng mabathalang kababaang loob at pagsunod marapatin mo akong matulad sa iyo

O ganap na halimbawa ng pagpapakasakit at kalinisan marapatin mo akong matulad sa iyo.

O Hesus payak at matiyaga marapatin mo akong matulad sa iyo. O Dakilang halimbawa ng pagibig at
malinis na hangarin, marapatin mo akong matulad sa iyo.

PANGWAKAS NA PANALANGIN

Lahat: Panginoong Hesu-kristo, minarapat mong ikaw na kapiling namin sa iyong

katawan at dugo ay aming sambahin. Maihain nawa namin ang pag-ibig na ganap sa Ama sa

langit. Makapag-alay nawa kami ng ganap na paglilingkod sa aming mga kapatid. Ikaw na

nabubuhay at naghaharing kasama ng Ama at ng Espiritu Santo iisang Diyos magpakailanman.

Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.

MGA PANALANGIN SA VISITA IGLESIA

Ikapitong Simbahan

Namumuno: Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.

Bayan: Amen

Namumuno: Mga kapatid, sa araw na/gabing ito ay nananalangin/nagtatanod upang

samahan si Hesus at pasalamatan ang katangi-tangi at dalisay na regalo ng kanyang sarili sa

Eukaristiya. Tayo’y mga anak ng muling pagkabuhay dahil sa muling pagkabuhay ng Anak. Hindi

sa kamatayan at kasalanan natatapos ang lahat kundi sa tagumpay na nakamit ni Kristo Hesus.

Sa ating paglalakbay sa laban ng buhay mabuksan nawa ang ating mga mata sa presensya ng

Diyos na patuloy na nagbibigay ng lakas ng loob sa ating lahat. Bilang mga anak ng Diyos Ama

nararapat lamang na tayo ay magnilay at sumamba sa tunay na katawan ni Hesus sa anyong

tinapay.

PAGBASA Juan 6:51-58

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Bayan: Papuri sa iyo, Panginoon.

Nang Linggo ding iyon, ang dalawa sa mga alagad ay patungo sa isang nayong tinatawag na

Emaus, may labing isang kilometro ang layo sa Jerusalem. Pinag-uusapan nila ang mga

pangyayari. Samantalang nag-uusap sila at nagtatanungan, lumapit si Hesus at nakisabay sa


kanila. Siya’y nakita nila ngunit hindi nakilala agad, tinanong sila ni Hesus, “Ano ba ang pinaguusapan
ninyo?” at tumigil silang nalulumbay. Sinabi ng isa na nagngangala’y Cleopas, “Kayo

lamang po yata ang dayuhan sa Jerusalem na hindi nakakaalam ng mga bagay na katatapos

pa lamang mangyari roon.” “Anong mga bagay?” tanong niya. At sumagot sila tungkol kay

Hesus na taga Nazaret, isang propetang makapangyarihan sa gawa at salita, maging sa harap

ng Diyos at ng mga tao. Isinakdal siya ng aming mga punong saserdote at mga pinuno upang

mahatulang mamatay, at siya ay ipinako sa krus. Siya pa naman ang inaasahan naming

magpalaya sa Israel. Hindi lamang iyan ikatlong araw na ngayon mula ng mangyari ito; nabigla

kami sa ibinalita ng ilan sa mga babaing kasamahan namin. Maagang maaga raw silang

nagpunta sa libingan at di nila natagpuan ang kanyang bangkay. Nagbalik sila at ang sabi’y

nakakita raw sila ng isang pangitain ng mga anghel na nagsasabing buhay si Hesus. Pumunta rin

sa libingan ang ilan sa mga kasamahan namin at gayon nga ang natagpuan nila, ngunit hindi

nila nakita si Hesus.” Sinabi sa kanila ni Hesus, “Kay hahangal ninyo! Ano’t hindi ninyo

mapaniwalaan ang lahat ng sinasabi ng mga propeta. Hindi ba’t ang Mesiyas ay kailangang

magbata ng lahat ng ito bago niya kamtan ang marangal niyang katayuan?” At ipinaliwanag

sa kanila ni Hesus ang lahat ng nasasaad sa kasulatan tungkol sa kanyang sarili, simula sa mga

aklat ni Moises hanggang sa mga isinulat ng mga propeta. Malapit na sila sa nayong kanilang

patutunguhan at si Hesus ay waring magpapatuloy pa ng lakad. Ngunit sila’y pinakapipigil-pigil

nila. “Tumuloy na po kayo rito sa amin, sumama nga siya sa kanila. Nang siya’y kasalo na nila sa

hapag dumampot siya ng tinapay at nagpasalamat sa Diyos saka pinaghati-hati at ibinigay sa

kanila. Nabuksan ang kanilang mga paningin at nakilala nila si Hesus, subalit ito’y biglang nawala.

At nawika nila, “Kaya pala gayon ang pakiramdam natin habang tayo’y kinakausap sa daan at

ipinaliliwanag sa atin ang kasulatan!” Noon di’y tumindig sila at nagbalik sa Jerusalem.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

R.: Pinupuri ka namin Panginoong Hesu-Kristo. (Umupo ang lahat para sa tahimik na pagninilay)

Liwanag ng Aming Puso

Liwanag ng aming puso sa ami’y manahan ka. Ang init ng yong biyaya sa ami’y ipadama.

Patnubay ng mahihirap o aming pag-asa’t gabay sa aming saya at hapis tanglaw kang kaayaaya. Liwanag
ng aming puso sa ami’y manahan ka. Kandili mo ang takbuhan noong unanguna pa. Pawiin ang aming
pagod ang pasani’y paggaanin, minamahal kong kandungan sa
hapis kami hanguin.

Luluhod ang lahat para ipanalangin ang intension ng Santo Papa

Ama namin…. Aba Ginoong Maria…Luwalhati….

PANALANGIN SA PAGKILALA SA PAGTANGGAP SA PANGINOON

Lahat: Aking buong pusong tinatanggap ang tunay na katawan na isinilang ng Birheng

Maria, ang katawang nagpakasakit at naihain sa krus para sa sangkatauhan. Ang katawang

nasugatan sa tagiliran at binukalan ng dugo. Ito nawa’y maging pagkain nagbibigay lakas sa

oras ng kamatayan. O katamis-tamisan at kabanal-banalang Hesus, aming hari anak ni Maria. O

modelo ng mabathalang kababaang loob at pagsunod marapatin mo akong matulad sa iyo. O

ganap na halimbawa ng pagpapakasakit at kalinisan marapatin mo akong matulad sa iyo. O

Hesus payak at matiyaga marapatin mo akong matulad sa iyo. O Dakilang halimbawa ng pagibig at
malinis na hangarin, marapatin mo akong matulad sa iyo.

PANGWAKAS NA PANALANGIN

Panginoon namin at Diyos, mapagindapat nawa kaming laging makapagbigay ng pangaral sa

pamamalagi ng Kordero na inihain para sa aming kaligtasan. Pagkalooban nawa kami ng pitak

ng kanyang luwalhati dahilan sa aming pananampalataya, siya na nabubuhay at naghahari

ngayon at magpakailanman.

Namumuno: Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Bayan: Amen

You might also like