You are on page 1of 7

PAGGUNITA KAY SANTA

CATALINA DE SIENA, DALAGA


AT PANTAS NG SIMBAHAN
PANIMULA
Matapos ang pananalangin ng Rosaryo at ng Nobena tatayo
ang lahat sa pagsisimula ng Banal na Misa. Babasahin ng
namumuno ang sumusunod:

Namumuno Magandang hapon po sa ating lahat.


Ngayong araw na ito ay nagdiriwang tayo ng
Paggunita kay Santa Catalina de Siena, dalaga
at pantas ng Simbahan.
Katulad ni Hesus na nagtatag ng Eukaristiya
upang palusugin tayo ng kanyang Salita at
Katawan, tayo rin ay inaanyayahang maging
saksi ng Mabuting Balita at ipadala ang diwa ng
Pakikinabang sa ating kapwa, lalung-lalo na sa
mga nangangailangan.

Babasahin ng commentator ang sumusunod na antipona.

ANTIPONA

1
Ito ang birhen matalino at mahinahon na sumalubong kay
Kristo na may maningas na ilawan.
-

Tatayo ang lahat sa pagsisimula ng Banal na Misa.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Pari/Diyakono Manalangin Tayo.
O Diyos, kinasihan mo si Santa Catalina de Sena
ng apoy ng iyong pag-ibig sa pagbubulay-bulay ng
mga hirap at sakit ng aming Panginoon at sa
paglilingkod sa iyong simbahan. Pakundangan sa
kanyang panalangin, loobin mo na ang iyong
bayan na nakaanib sa katawan ni Kristo ay
magtamasa ng ligayang walang hanggan sa
kanyang kaluwalhatian.
Alang-alang sa Anak mo, si Hesukristong
Panginoon namin, nabubuhay at naghaharing
kasama mo at ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan. Amen.
Uupo ang lahat upang pakinggan ang mga pagbasa.
UNANG PAGBASA | Mga Gawa 9:31-42 |

Tagabasa Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol.

Noong mga araw na iyon, naging matiwasay ang Simbahan


sa buong Judea, Galilea at Samaria. Ito’y tumatag at
lumaganap sa tulong ng Espiritu Santo at namuhay na may
pagkatakot sa Panginoon.

Naglalakbay noon si Pedro upang dumalaw sa mga kapatid


sa pananampalataya. Sa pagdalaw niya sa mga kapatid sa
Lida, natagpuan niya roon ang isang lalaking nagngangalang
2
Eneas. Ito’y paralitiko at walong taon nang nararatay.
“Eneas,” ani Pedro, “pinagagaling ka ni Hesukristo. Tumindig
ka’t ayusin mo ang iyong higaan!” At tumindig siya agad.
Nakita siya ng lahat ng naninirahan sa Lida at Saron, at
nanampalataya sila sa Panginoon.

Sa Jope naman, may isang alagad na babae, ang pangala’y


Tabita. Sa Griego, ang kanyang pangalan ay Dorcas, na ang
ibig sabihi’y usa. Ginugugol niya ang kanyang panahon sa
paggawa ng mabuti at pagkakawanggawa. Nang mga araw
na iyon, siya’y nagkasakit at namatay. Nang mapunasan na
ang bangkay, ito’y ibinurol sa silid sa itaas. Di kalayuan sa
Jope ang Lida. Nang mabalitaan ng mga alagad na naroon si
Pedro, inutusan nila ang dalawang lalaki upang siya’y
pakiusapang pumunta agad sa Jope. Sumama naman sa
kanila si Pedro. Pagdating doon, dinala siya sa silid sa itaas.
Agad lumapit sa kanya ang mga babaing balo na nananangis
at ipinakikita ang mga balabal at mga damit na ginawa ni
Dorcas noong ito’y nabubuhay pa. Pinalabas ni Pedro ang
lahat; siya’y lumuhod at nanalangin. Pagkatapos, humarap
siya sa bangkay at sinabi, “Tabita, bumangon ka!” Dumilat si
Tabita at naupo nang makita si Pedro. Hinawakan ni Pedro
ang kanyang kamay at tinulungan siyang tumindig.
Pagkatapos, tinawag niya ang mga banal at ang mga babaing
balo at iniharap sa kanila si Dorcas na buhay na. Nabalita ito
sa buong Jope, kaya’t marami ang sumampalataya sa
Panginoon.

Tagabasa Ang salita ng Panginoon.


Bayan Salamat sa Diyos.

SALMONG TUGUNAN | Salmo 115 |


Sa lahat ng ‘yong kaloob
ano’ng aking ihahandog?
3
Namumuno Sa Diyos ko’t Panginoon, ano’ng aking
ihahandog sa lahat ng kabutihan na sa akin
ay kaloob? Ang handog ko sa dambana, ay
inumin na masarap, bilang aking pagkilala
sa ginawang pagliligtas. TUGON.

Namumuno Sa tuwinang magtitipon ang lahat ng


kanyang hirang, ang anumang pangako ko,
ay doon ko ibibigay. Masakit sa kalooban
ng Poon kung may papanaw, kahit ito ay
iisa, labis siyang magdaramdam. TUGON.

Namumuno Panginoon, naririto akong inyong abang


lingkod, katulad ng aking ina, maglilingkod
akong lubos; yamang ako’y iniligtas,
kinalinga at tinubos. Ako ngayo’y
maghahandog ng haing pasasalamat, ang
handog kong panalangi’y sa iyo ko ilalagak.
HULING TUGON.

Tatayo ang lahat sa Banal na Ebanghelyo ng Panginoon.


EBANGHELYO | Juan 6:60-69 |
Aleluya! Aleluya! Espiritung bumubuhay ang Salita mo,
Maykapal, buhay mo ang tinataglay. Aleluya! Aleluya!
- Juan 6:63k. 68k.

Diyakono/Pari Ang Panginoon ay Sumainyo.


Bayan At sumaiyo rin.

Diyakono/Pari Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon


kay San Juan.
Bayan Luwalhati sa Iyo, Panginoong
Hesukristo.

4
Kung may insenso, magsusuob nito.

Noong panahong iyon, marami sa mga alagad ni Hesus ang


nagsabi, “Mabigat na pananalita ito; sino ang makatatanggap
nito?” Alam ni Hesus na nagbubulung-bulungan ang kanyang
mga alagad tungkol dito, kaya’t sinabi niya, “Dahil ba rito’y
tatalikuran na ninyo ako? Gaano pa kaya kung makita
ninyong umaakyat ang Anak ng Tao sa dati niyang
kinaroroonan? Ang Espiritu ang nagbibigay-buhay; hindi ito
magagawa ng laman. Ang mga salitang sinasabi ko sa inyo ay
Espiritu at buhay. Ngunit may ilan sa inyong hindi nananalig
sa akin.” Sapagkat talastas ni Hesus buhat pa noong una
kung sinu-sino ang hindi nananalig sa kanya, at kung sino
ang magkakanulo sa kanya. Idinugtong pa niya, “Iyan ang
dahilan kaya ko sinabi sa inyo na walang makalalapit sa akin
malibang loobin ito ng Ama.”

Mula noo’y marami sa kanyang mga alagad ang tumalikod at


hindi na sumama sa kanya. Kaya’t tinanong ni Hesus ang
Labindalawa, “Ibig din ba ninyong umalis?” Sumagot si
Simon Pedro, “Panginoon, kanino po kami pupunta? Nasa
inyo ang mga salitang nagbibigay ng buhay na walang
hanggan. Naniniwala kami at ngayo’y natitiyak naming kayo
ang Banal ng Diyos.”

Diyakono/Pari Ang Mabuting Balita ng Panginoon!


Bayan Papuri sa Iyo, Panginoong Hesukristo.

Isusunod ang Homilya. Luluhod ang bayan.


Kakaligtaan ang Sumasampalataya sa pang-araw-araw na
Banal na Misa.

PANALANGIN NG BAYAN

5
Pari Inihahatid sa atin ni Kristo ang mga salitang
nagbibigay ng buhay na walang hanggan at
tayo ay sumasampalataya. Bunga ng
pananampalatayang ito, may pagtitiwala
tayong magsumamo sa ating Ama sa Langit na
dinggin ang mga panalangin ng pamayanang
ito. Ama, panatilihin Mo kaming tapat sa
iyong Anak.

Namumuno Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y


sumunod sa Panginoon nang buong puso, isip,
at lakas, manalangin tayo sa Panginoon. Ama,
panatilihin Mo kaming tapat sa iyong Anak.

Namumuno Ang mga pinuno ng mga bansang nagdaranas


ng kaguluhan nawa’y walang patid na
magsikap na makapaghatid ng kapayapaan at
katarungan sa kanilang mga bansa, manalangin
tayo sa Panginoon. Ama, panatilihin Mo
kaming tapat sa iyong Anak.

Namumuno Atin nawang maunawaan na ibinibigay ng


Diyos ang pinakadakilang katunayan ng
kanyang pag-ibig sa nananatiling presensya ng
Banal na Sakramento, manalangin tayo sa
Panginoon. Ama, panatilihin Mo kaming
tapat sa iyong Anak.

Namumuno Ang mga maysakit at nagdurusa sa matagal


nang karamdaman nawa’y magkaroon ng
kapayapaan ng damdamin na dulot ng
nagbibigay-ginhawang mga salita ni Kristo,
manalangin tayo sa Panginoon. Ama,
panatilihin Mo kaming tapat sa iyong Anak.

6
Namumuno Ang mga namayapa nawa’y magtamasa ng
walang hanggang kapayapaan kay Kristo,
manalangin tayo sa Panginoon. Ama,
panatilihin Mo kaming tapat sa iyong Anak.

Namumuno Tahimik nating ipanalangin ang ating sariling


mga kahilingan. (Tumigil sandali.)

Maglaan ng sandaling katahimikan.

Pari: Manalangin tayo.


Ama, nasa iyong Anak ang mga salita ng buhay;
wala kaming patutunguhan kundi sa kanya.
Iniaalay namin ang aming mga panalangin sa
ngalan niya na nabubuhay at naghahari
magpasawalang hanggan. Amen.

Ipagpapatuloy sa pagbati ng kapayapaan at Banal na


Eukaristiya.

You might also like