You are on page 1of 7

MIYERKULES NG

IKALIMANG LINGGO NG
KARANIWANG PANAHON
PANIMULA
Matapos ang pananalangin ng Rosaryo at ng Nobena tatayo
ang lahat sa pagsisimula ng Banal na Misa. Babasahin ng
namumuno ang sumusunod:

Namumuno Magandang hapon po sa ating lahat.


Ngayong araw na ito ay nagdiriwang tayo ng
Miyerkules ng Ikalimang Linggo ng
Karaniwang Panahon.

Ang tunay na nagpaparumi ay ang


masasamang bagay dulot ng kasalanan. Kung
mali ang ating mga isip, salita, at gawa,
nawawala sa atin ang kaloob na grasya ng
Panginoon. Kaya kailangan natin na
espirituwal na paglilinis sa sarili upang maging
karapat-dapat tayong kamtan ang biyaya ng
Diyos. Kaya kung nais nating matanggap ang
biyaya ng Diyos, dapat maging tapat tayo sa
Panginoon sa paggawa ng mabuti at magiging
mabubuting ehemplo para sa ibang tao.
1
ANTIPONA
Halikayo, mangayupapa sa pagsamba sa Diyos, manikluhod
tayo sa harap ng Panginoong may gawa sa atin, sapagkat siya
ang ating Panginoong Diyos.
-Slm 94:6-7

Tatayo ang lahat sa pagsisimula ng Banal na Misa.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Pari/Diyakono Manalangin Tayo.
Alagaan mo sana, O Ama, ang iyong angkan nang
buong pagmamahal. Ipagkaloob mong umasa
kaming lagi sa iyong tulong nang madama ang
paglingap mo sa tuwina.

Alang-alang sa Anak mo, si Hesukristong


Panginoon namin, nabubuhay at naghaharing
kasama mo at ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.

Uupo ang lahat upang pakinggan ang mga pagbasa.


PAGBASA |1 Hari 10:1-10|

Tagabasa Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari.

Noong mga araw na iyon, nakarating sa pandinig ng reyna ng


Seba ang mga balita tungkol kay Solomon. Kaya’t nagsadya
siya upang subukin ito sa pamamagitan ng malalim na
katanungan. Dumating nga siya sa Jerusalem, na may
kasamang maraming abay at may dalang katakut-takot na
kayamanan: mga kamelyo na may kargang iba’t ibang uri ng
pabango, napakaraming ginto at batong hiyas. At nang

2
makaharap na niya si Solomon, sinabi niya ang kanyang
pakay. Sinagot naman ni Solomon ang lahat niyang tanong –
at wala isa mang hindi nito naipaliwanag. Humanga ang
reyna sa karunungan ni Solomon at sa palasyong ipinagawa
nito. Napansin niya ang pagkain sa hapag ng hari, ang mga
tirahan ng kanyang mga pinuno at ang kaayusan ng kanyang
mga tauhan. Napansin din niya ang kanyang kasuutan, ang
mga tagadulot niya ng inumin, ang handog na iniaalay niya
sa Templo. Hangang-hanga ang reyna sa kanyang nakita.

Kaya’t sinabi niya sa hari: “Totoo nga pala ang lahat nang
narinig ko tungkol sa inyo. Hindi ko mapaniwalaan ang mga
sinasabi nila sa akin tungkol sa inyo. Ngunit ngayong makita
ko ang lahat, ay napatunayan kong wala pa pala sa kalahati
ang ibinalita nila sa akin. Sapagkat ang inyong karunungan
ay talagang higit kaysa iniulat nila sa akin. Mapalad ang
inyong mga asawa! Mapalad ang inyong mga tauhan
sapagkat lagi nilang naririnig ang inyong karunungan!
Purihin ang Panginoon, ang inyong Diyos, na nagpala sa inyo
at nagpaluklok sa trono ng Israel. Dahil sa walang
katapusang pag-ibig ng Panginoon sa Israel, ginawa niya
kayong hari upang mamahala dito at magpairal ng
katarungan.”

At ang hari’y binigyan niya ng halos limang toneladang ginto,


at napakaraming pabango at batong hiyas. Kailanma’y hindi
natumbasan sa dami ang pabangong iyon na bigay ng reyna
ng Seba kay Haring Solomon.

Tagabasa Ang salita ng Panginoon.


Bayan Salamat sa Diyos.

SALMONG TUGUNAN | Salmo 36 |


Madiwa kapag nangusap
3
ang mga mat’wid at ganap.

Namumuno Ang iyong sarili’y sa Diyos mo ilagak, pag


nagtiwala ka’y tutulungang ganap; ang
kabutihan mo ay magliliwanag, katulad ng
araw kung tanghaling-tapat. TUGON.

Namumuno Ang mga mat’wid, madiwang mangusap at


ang sinasabi nila’y pawang tumpak. Ang
utos ng Diyos ang nasasa puso, sa utos na
ito’y hindi lumalayo. TUGON.

Namumuno Ililigtas ng Diyos ang mga matuwid,


iingatan sila pag naliligalig. Ililigtas sila’t
kanyang tutulungan laban sa masama,
ipagsasanggalang; sapagkat sa Poon
nangungubling tunay. HULING TUGON.

Tatayo ang lahat sa Banal na Ebanghelyo ng Panginoon.


EBANGHELYO | Marcos 7:14-23 |
Aleluya! Aleluya! Amang D’yos ni Hesukristo, ang salita mo’y
totoo kami ay pabanalin mo. Aleluya! Aleluya!
- Juan 17:17b. a

Diyakono/Pari Ang Panginoon ay Sumainyo.


Bayan At sumaiyo rin.

Diyakono/Pari Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon


kay San Marcos.
Bayan Luwalhati sa Iyo, Panginoong
Hesukristo.

Kung may insenso, magsusuob nito.

4
Noong panahong iyon, muling pinalapit ni Hesus ang mga
tao at sinabi sa kanila, “Makinig kayong lahat, at unawain
ang aking sasabihin! Hindi ang pumapasok sa bibig ng tao
ang nakapagpaparumi sa kanya sa mata ng Diyos kundi ang
mga nagmumula sa kanya. Ang may pandinig ay makinig.”

Iniwan ni Hesus ang mga tao; at nang makapasok na sa


bahay, siya’y tinanong ng kanyang mga alagad tungkol sa
talinghaga. “Kayo man ba’y wala ring pang-unawa?” tugon ni
Hesus. “Hindi ba ninyo alam na hindi nakapagpaparumi sa
tao ang kinakain niya, sapagkat hindi naman pumapasok
iyon sa kanyang puso, kundi sa tiyan, at pagkatapos ay
idinudumi.” Sa pagsasabi nito’y para nang ipinahayag ni
Hesus na maaaring kanin ang lahat ng pagkain. Nagpatuloy
siya sa pagsasalita: “Ang lumalabas mula sa tao ang
nagpaparumi sa kanya sa mata ng Diyos. Sapagkat sa loob –
sa puso ng tao – nagmumula ang masasamang isipang nag-
uudyok sa kanya na makiapid, magnakaw, pumatay,
mangalunya, mag-imbot, at gumawa ng lahat ng kabuktutan,
tulad ng pagdaraya, kahalayan, pagkainggit, paninirang-puri,
kapalaluan, at kahangalan. Ang lahat ng ito’y nanggagaling sa
puso ng tao, at siyang nagpaparumi sa kanya.”

Diyakono/Pari Ang Mabuting Balita ng Panginoon!


Bayan Papuri sa Iyo, Panginoong Hesukristo.
Isusunod ang Homilya at ipagpapatuloy sa Liturhiya ng Banal
na Eukaristiya.

5
PANALANGIN NG BAYAN

Pari Para sa mga Kristiyano, wala nang iba pang


batas maliban sa batas ng pag-ibig. Manalangin
tayo para sa ating katapatan sa batas na ito at
walang pag-aalinlangang pagsasabuhay ng
ating relihiyon. Ama, dalisayin Mo ang aming
mga puso.

Namumuno Ang ating Simbahan nawa’y laging mapanibago


at dalisayin ng salita ng Ebanghelyo ni Kristo,
manalangin tayo sa Panginoon. Ama, dalisayin
Mo ang aming mga puso.

Namumuno Tayong lahat nawa’y magdulot ng pag-asa sa


mga nanghihina ang kalooban sa pamamagitan
ng ating pagmamahal kaysa pawang mga
pampalubog na loob na salita lamang,
manalangin tayo sa Panginoon. Ama, dalisayin
Mo ang aming mga puso.

Namumuno Ang ating mga puso nawa’y mapuno ng tapat


na pagnanais na mabuhay para sa bawat isa
upang sumamba tayong lahat sa espiritu at
katotohanan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama, dalisayin Mo ang aming mga puso.

Namumuno Ang mga maysakit at naghihingalo nawa’y


makatagpo ng kaginhawahan ng pag-ibig at
habag ng Ama, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama, dalisayin Mo ang aming mga puso.

6
Namumuno Ang ating mga yumaong mahal sa buhay
nawa’y makasama sa kalipunan ng tunay na
pagsamba sa kalangitan, manalangin tayo sa
Panginoon. Ama, dalisayin Mo ang aming
mga puso.

Namumuno Tahimik nating ipanalangin ang ating sariling


mga kahilingan. (Tumigil sandali.)

Maglaan ng sandaling katahimikan.

Pari: Manalangin tayo.


Makalangit na Ama, gawin mong dalisay ang
aming mga puso upang hindi kami mawalay sa
aming mithiing mahalin ka nang higit sa lahat.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni
Kristong aming Panginoon. Amen.

You might also like