You are on page 1of 21

Ang Pagdiriwang ng Banal na Misa sa Paggunita kay

San Isidro Labrador


PASIMULA
Magpuprusisyon ang mga tagapaglingkod sa ganitong pagkakasunud-sunod:
ang tagapagdala ng insensaryo, krus at mga kandila at iba pang mga
tagapaglingkod, at ang Punong tagapagdiwang sa huli. Pagsapit sa dambana,
ang Punong tagapagdiwang at mga lingkod ay magbibigay galang alinsunod sa
hinihinging paraan.

Iinsensuhan ng Punong tagapagdiwang ang dambana at pagkatapos siya ay


tutungo sa upuan at sisimulan ang pagdiriwang

Punong Tagapagdiwang:

Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.


R. Amen.

Ang pagpapala ng Panginoong Hesukristo, ang pag-ibig ng


Diyos Ama at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo nawa’y
sumainyong lahat.

R. At sumainyo rin.

Punong Tagapagdiwang:

Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang


tayo’y maging marapat gumanap sa banal na pagdiriwang.
Lahat:

Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos at sa inyo, mga


kapatid, na lubha akong nagkasala sa isip, sa salita, sa gawa at
sa aking pagkukulang. Kaya isinasamo ko sa Mahal na Birheng
Maria, sa lahat ng mga anghel at mga banal at sa inyo, mga
kapatid, na ako'y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.
Punong Tagapagdiwang:

Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos patawarin tayo sa


ating mga kasalanan, at patnubayan tayo sa buhay na walang
hanggan.

2
R. Amen.

Panginoon, kaawaan mo kami,


Panginoon, kaawaan mo kami.

Kristo, kaawaan mo kami,


Kristo, kaawaan mo kami.

Panginoon, kaawaan mo kami,


Panginoon, kaawaan mo kami.

Sisimulan ang pag awit ng papuri.

GLORIA

PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Manalangin tayo.
Pagkalipas ng ilang sandali ilalahad ng punong tagapagdiwang ang kanyang
mga kamay at ipahahayag ang pambungad na panalangin.

Ama naming makapangyarihan,


Ikaw ang may-ari ng tanang kinapal
At ikaw ang tumawag sa aming paglilingkod
Para pangasiwaan ang tanang umiiral sa sansinukob.
Ang maasahang pagganap ni San Isidro sa kanyang pagsasaka
Ay amin nawang matularan sa lahat ng aming pagsisikap
Na magkaroon ng makain sa lahat sa masaganang hapag ng buhay
At maglingkod sa kapakanan ng aming kapwa-tao,
Sa pamamagitan Ni Hesukristo
Kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan

R. Amen.

3
PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

UNANG PAGBASA

Hinihintay ng magsasaka ang mahalagang bunga ng kanyang bukirin

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol Santiago 5,7-8.16k-18

Magtiyaga kayo, mga kapatid, hanggang sa pagdating ng


Panginoon.Tingnan ninyo ang magsasaka. Buong Tiyaga niyang
hinihintay ang mahalagang bunga ng kanyang bukirin, at ang pagpatak
ng una at huling ulan. Dapat din kayong magtiyaga. Tibayan ninyo ang
inyong loob, sapagkat nalalapit na ang pagdating ng Panginoon. Malaki
ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid. Si Elias ay taong tulad
din natin. Mataimtim niyang idinalangin na huwag umulan, at sa loob
ng tatlong taon at anim na buwan ay hindi nga umulan. Muli siyang
nanalangin at bumagsak ang ulan at namunga ang mga halaman.

Ang Salita ng Diyos.

Salamat sa Diyos

4
SALMONG TUGUNAN
Mapalad ang umaasa sa Panginoon tuwina.

Mapalad ang taong hindi naakit niyong Masasama, Upang sundan niya
ang kanilang payo’t maling halimbawa; hindi sumasama sa sinumang
taong ang laging adhika’y pagtawanan lamang at hamak-hamakin ang
Diyos na dakila. Nagagalak siyang laging magsasaliksik ng Banal na
aral, Ang utos ng poon siyang binubulay sa gabi at araw.

Mapalad ang umaasa sa Panginoon tuwina.

Ang katulad niya’y isang punongkahoy Sa tabing batisan, Sariwa ang


daho’t laging namumunga sa Kapanahunan, At anumang gawin ay
nakatitiyak na Magtatagumpay.

Mapalad ang umaasa sa Panginoon tuwina.

Ngunit ibang-iba ang masamang tao; ipa Ang kawangis, Siya’y


nagtatangay at naipapadpad kung Hangi’y umihip. Sa taong matuwid
ay Panginoon ang S’yang mag-iingat Ngunit kailanman ang mga
masama ay Mapapahamak

Mapalad ang umaasa sa Panginoon tuwina.

5
MABUTING BALITA

Samantalang ginagawa ang pag-awit ng Antipona, maglalagay ang punong


tagapagdiwang ng insenso sa insensaryo. Pagkaraan, ang diyakono o paring
magpapahayag ng Mabuting Balita ay yuyuko sa harapan ng Punong
tagapagdiwang at hihilingin niya ang pagpapala bago tumungo sa pook ng
pagbasa.

Gagawin ang prusisyon na nilalahukan ng mga tagapaglingkod na may dalang


insensaryo at kandila.

Alleluia, Alleuia.
Magalak kayo’t magdiwang
Malaki ang nakalaang
Gantimpala ninyong tanan.
Alleluia, Alleluia.

6
Sumainyo ang Panginoon.

R. At sumaiyo rin.

Ako ang puno ng ubas,kayo ang mga sanga

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan


R. Papuri sa iyo, Panginoon.

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus Sa kanyang mga alagad” Ako


ang tunay na puno ng ubas, at ang aking Ama ang tagapag-alaga.
Pinuputol niya ang bawat sangang hindi namumunga; at kanya namang
pinuputulan at nililinis ang bawat sangang namumunga upang lalong
dumami ang bunga. Nalinis na kayo sa pamamagitan ng salitang
sinasabi ko sa inyo.manatili kayo sa akin at mananatili ako sa
inyo.hindi makamumunga ang sangang hindi nananatiling nakakabit sa
puno. Gayun din naman,hindi kayo makapamumunga kung hindi kayo
mananatili sa akin.“Ako ang puno ng ubas,kayo ang mga Sanga. Ang
nanatili sa akin,at ako sa Kanya, ang siyang namumunga nang Sagana;
sapagkat wala kayong magagawa Kung kayo’y hiwalay sa akin. Ang
hindi Nananatili sa akin ay itatapon at matutuyo, Gaya ng sanga. Ang
gayong mga sanga ay Titipunin at susunugin.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

R. Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo

HOMILIYA

7
PANALANGIN NG BAYAN

Punong Tagapagdiwang:

Habang nagkakatipon tayo bilang isang bayang sumasamba sa


Panginoon, ilapit natin sa Diyos na ating Ama ang ating mga
pangangailangan nang may pagtitiwala

R. Walang hanggang Tagapagtanim ng ubas gawin mo kaming


mabunga.
Lector:
Ang pagkakaisang nagmula kay Kristo, ang tunay na puno ng ubas
nawa’y makahikayat sa lahat ng Kritiyano sa kanyang simabahan ,
manalangin tayo sa Panginoon.
Lector:
Ang mga pari, relihiyoso, at mga misyonero nawa’y maging tapat sa
kanilang bokasyon sa simbahan at manatilin kaisa ni Kristo sa
kanilang gawain, manalangin tayo sa Panginoon.
Lector:
Ang mga nagdaranas ng mga pagsubok at kahirapan sa buhay
nawa’y manatiling tapat kay Kristo at sa kanyang
Ebanghelyo,manalangin tayo sa Panginoon.
Lector:
ang mga may sakit nawa’y tingnan si Kristo bilang bukal ng lakas at
kagalingan, manalangin tayo sa Panginoon.
Lector:
Ang mga tapat sa Panginoon na namayapa nawa’y manatili kay
Kristo magpasawalang haggan , manalangin tayo sa Panginoon.

Punong Tagapagdiwang:
Panginoon, wala kaming magagawang anuman kung wala ka sa
aming piling. Dinggin mo ang aming panalangin at panatilihin
mo kami sa iyong pag-ibig. Hinihiling namin ito sa

8
pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon.
R. Amen.

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN


Sisimulan ang awit ng pag-aalay. Samantalang ito’y ginaganap, ilalagay ng
mga Diyakono/Tagapaglingkod ang telang patungan ng katawan ni Kristo, ang
pamahiran ng kalis, at ang aklat ng pagmimisa sa ibabaw ng dambana.
Ngayo’y tatayo ang Pari sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya ang
pinggan ng tinapay nang bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal
niya ng pabulong:

Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan. Sa iyong


kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay. Mula sa lupa at
bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito para maging pagkaing
nagbibigay-buhay.

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!


Ang diyakono ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang
dinarasal nang pabulong.

Sa paghahalong ito ng alak at tubig


kami nawa’y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo
na napagindapat makihati sa aming pagkatao.
Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng punong tagapagdiwang
ang kalis ng bahagyang nakaangat sa dambana habang dinarasal niya ng
pabulong:

Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan. Sa iyong


kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay. Mula sa katas ng
ubas at bunga ng aming paggawa ang alak na ito para maging
inuming nagbibigay ng Iyong Espiritu.

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!


Pagkatapos yuyuko ang punong tagapagdiwang habang dinarasal niya ng
pabulong:

9
Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kaming makasalanan.
Tanggapin mo ang aming pagsisi bilang handog
upang kami’y matutong sumunod sa iyo ng buong puso.
Iinsensuhan ng Pari ang mga alay at dambana;
pagkaraa’y iinsensuhan ng diyakono o ng tagapalingkod ang pari at mga
nagsisimba. Pagkatapos tutungo ang tagapagdiwang sa gilid ng dambana,
maghuhugas ng siya ng mga kamay samantalang pabulong niyang dinarasal:

O Diyos kong minamahal,


kasalanan ko’y hugasan
at linisin mong lubusan
ang nagawa kong pagsuway.
Pagbalik ng Pari sa gitna ng dambana, ilalahad niya ang kanyang kamay sa
mga tao at ipahahayag.

Manalangin kayo, mga kapatid upang ang paghahain natin ay


kalugdan ng Diyos Amang Makapangyarihan.

Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong mga


kamay sa kapurihan niya at karangalan sa ating kapakinabangan at
sa buong Sambayanan niyang banal.

10
PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY
Punong tagapagdiwang:

Ama naming Lumikha,


Pagpalain mo ang mga alay na bunga ng pagtatanim at pag-aani
Ng mga magsasakang kagaya ni San Isidro.
Ang pinagpaguran nila sa tag-ulan at tag-araw
Ay siya nawang maging pagkain at inuming
Sa amin ay nagbibigay-buhay
Sa pamamagitan ni Hesukristo
Kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

R. Amen.

PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT

Sumainyo ang Panginoon.


At sumaiyo rin.

Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.


Itinaas na namin sa Panginoon.

Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.


Marapat na siya ay pasalamatan.

Ama naming makapangyarihan,


tunay ngang marapat
na ikaw ay aming pasalamatan
sa pamamagitan ni Hesukristo
na aming Panginoon.

11
Ang pagpaparangal sa iyong kabutiha’y
Lagi mong pinaaalingaw ngaw sa iyong sambayanan
Sa pagkakaroon ng mga kaanib na maaasahan
At tapat,tulad mo,sa pananagutan.
Upang magbunga ang punyagi ng iyong anak
Na sa iyong pag-ibig kami’y makatulad
Ang mga banal na tao’y tumutulong sa lahat
Sa pagbibigay-halimbawa’t panalanging wagas.

Kaya kaisa ng mga anghel


na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

Santo, Santo, Santo Panginoong Diyos ng mga hukbo! Napupuno ang


langit at lupa ng kadakilaan mo! Osana sa kaitaasan! Pinagpala ang
naparirito sa ngalan ng Panginoon! Osana sa kaitaasan.

Nakalahad ang mga kamay ng punong tagapagdiwang sa pagdarasal.

Ama naming banal,


dapat kang purihin ng tanang kinapal
sapagka’t sa pamamagitan ng iyong Anak
na aming Panginoong Hesukristo
at sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu
ang lahat ay binibigyan mo ng buhay at kabanalan.
Walang sawa mong tinitipon ang iyong sambayanan
upang mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw
maihandog ang malinis na alay
para sambahin ang iyong ngalan.
Pagdaraupin ng punong tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at lulukuban
ng mga kamay niya ang mga alay habang siya’y nagdarasal.

Ama,
isinasamo naming pakabanalin mo
sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu

12
ang mga kaloob na ito
na aming inilalaan sa iyo.
Pagdaraupin ng punong tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at kukrusan
niya ang tinapay at kalis, samantalang kanyang dinarasal:

Ito nawa ay maging Katawan at Dugo +


ng iyong Anak at aming Panginoong Hesukristo.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

na nag-utos ipagdiwang ang misteryong ito.


Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay
ipapahayag nang malinaw at nauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng
kahulugan ng mga ito.

Noong gabing ipagkanulo siya,


Hahawakan ng punong tagapagdiwang ang tinapay nang bahagyang
nakaangat sa ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang tinapay,


pinasalamatan ka niya,
pinaghati-hati niya iyon,
iniabot sa kanyang mga alagad
at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang punong tagapagdiwang.

Tanggapin ninyong lahat ito at kanin:


Ito ang aking katawan
na ihahandog para sa inyo.
Ipapamalas niya ang tinapay, ipapatong niya ito sa pinggang patungan ng
katawan ni Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba.

Pagkatapos, ipapahayag ng punong tagapagdiwang.

Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,


Hahawakan ng punong tagapagdiwang ang kalis nang bahagyang nakataas sa
ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:

13
hinawakan niya ang kalis,
muli ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad
at sinabi:
Bahagyang yuyko ang punong tagapagdiwang.

Tanggapin ninyong lahat ito at inumin:


Ito ang kalis ng aking dugo
ng bago at walang hanggang tipan,
ang aking dugo na ibubuhos
para sa inyo at para sa lahat
sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.
Gawin ninyo ito sa pag-alala sa akin.
Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng katawan
ni Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba.

Pagkatapos, ipahahayag ng punong tagapagdiwang:

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.

Si Kristo’y namatay!
Si Kristo’y nabuhay!
Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon!

Ilalahad ng punong tagapagdiwang ang kanyang mga kamay samantalang siya


ay nagdarasal:

Ama,
ginugunita namin
ang pagkamatay ng iyong Anak
na sa ami’y nagligtas,
gayun din ang kanyang muling pagkabuhay
at pag-akyat sa kalangitan
samantalang ang kanyang pagbabalik ay pinananabikan,
kaya bilang pasasalamat ngayo’y aming iniaalay sa iyo
ang buhay at banal na paghahaing ito.

14
Tunghayan mo ang handog na ito
ng iyong Simbahan.
Masdan mo ang iyong Anak
na nag-alay ng kanyang buhay
upang kami ay ipakipagkasundo sa iyo.
Loobin mong kaming magsasalu-salo
sa kanyang Katawan at Dugo
ay mapuspos ng Espiritu Santo
at maging isang katawan at isang diwa kay Kristo.

Kami nawa ay gawin niyang handog


na habang pananhong nakatalaga sa iyo.
Tulungan nawa niya kaming magkamit ng iyong pamana
kaisa ng Ina ng Diyos, ang Mahal na Birheng Maria,
kaisa ng mga Apostol, mga Martir
( ni N., ang banal na pinararangalan o pinipintuho)
at kaisa ng lahat ng mga Banal
na aming inaahasang laging nakikiusap para sa aming kapakanan.

Ama,
ang handog na ito
ng aming pakikipagkasundo sa iyo
ay magbunga nawa ng kapayapaan at kaligtasan
para sa buong daigdig.
Patatagin mo sa pananampalataya at pag-ibig
ang iyong Simbahang naglalakbay sa lupa,
kasama ng iyong lingkod na si Papa N.,
an gaming Obispo N.,
ang tanang mga Obispo at buong kaparian
at ng iyong piniling sambayanan.
Dinggin mo ang mga kahilingan ng iyong angkan
na ngayo’y tinipon mo sa iyong harapan.

Amang maawain,
kupkupin mo at pag-isahin ang lahat ng iyong mga anak
sa bawa’t panig at sulok ng daigdig.

15
Kaawaan mo at patuluyin sa iyong kaharian
ang mga kapatid naming yumao
at ang lahat ng lumisan na sa mundong ito
na nagtataglay ng pag-ibig sa iyo.
Kami ay umaasang makararating sa iyong piling
at samasamang magtatamasa ng iyong kaningningang walang maliw
sapagka’t aming masisilayan ang iyong kagandahan
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo


na siyang pinagdaraanan
ng bawa’t kaloob mo sa aming kabutihan.
Hahawakan ng punong tagapagdiwang ang patena at kalis at itataas habang
binabanggit.

Sa pamamagitan ni Kristo kasama niya,


at sa kanya ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo,
Diyos Amang makapangyarihan,
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

R. Amen.

16
ANG PAKIKINABANG

Punong tagapagdiwang:

Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos


at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos
ipahayag natin nang lakas loob:

Ama namin, sumasalangit Ka,


Sambahin ang ngalan Mo. Mapasaamin ang kaharian Mo. Sundin ang
loob Mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin Mo kami sa aming mga sala para nang pagpapatawad
namin sa nagkakasala sa amin.
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya Mo kami sa lahat ng masama.

Nakalahad ang mga kamay ng punong tagapagdiwang sa pagdarasal:

Hinihiling naming
kami’y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
iligtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang
panalangin ng ganitong pagbubunyi.

17
Sapagkat iyo ang kaharian
at ang kapangyarihan at ang kapurihan
magpakailan man! Amen.
Pagkatapos, malakas na darasalin ng paring nakalahad ang mga kamay:

Panginoong Hesukristo,
sinabi mo sa iyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming pananampalataya
at huwag ang aming mga pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.


R. Amen.

Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.


R. At sumaiyo rin.
Ipahahayag ng Diyakono.

Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.


Pagkatapos, hahawakan ng pari ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw ng
pinggan at iasasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:

Sa pagsasawak na ito
Ng katawan at dugo ng aming Panginoong Hesukristo
Tanggapin nawa namin sa pakikinabang
Ang buhay na walang hanggan.

Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,


maawa Ka sa amin.

18
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan.

Ito ay mauulit-ulit habang ginaganap ang paghahati-hati sa tinapay. Sa huling


pag-uulit saka pa lamang idurugtong ang “ipagkaloob mo sa amin ang
kapayapaan.”

Magkadaop ang mga kamay ng pari sa pabulong na pagdarasal.

Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay,


sa kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo,
binuhay mo sa iyong pagkamatay ang sanlibutan.
Pakundangan sa iyong banal na katawan at dugo,
iadya mo ako sa tanang aking kasalanan at lahat ng masama,
gawin mo akong laging makasunod sa iyong mga utos,
at huwag mong ipahintulot na ako’y mawalay sa iyo kaylan man.
Luluhod ang tagapagdiwang at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya na
itataas sa ibabaw ng pinggan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi ng malakas:

Ito ang Kordero ng Diyos.


Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.

R. Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo ngunit sa


isang salita mo lamang ay gagaling na ako.
Siya’y makikinabang ng magalang at nakayuko sa dambana habang patuloy na
nagdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng katawan ni Kristo patungo sa buhay na


walang haggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang katawan ni Kristo.

19
Ipagsanggalang nawa ako ng dugo ni Kristo patungo sa buhay na
walang haggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang dugo ni Kristo.
Pagkapakinabang bibigyan niya ang sambayanan ng katawan ni Kristo.

Katawan ni Kristo.

R. Amen
Pagpapakinabang ng lahat ipahahayag ng punong tagapagdiwang ang panalangin
pagkatapos ng komunyon.

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Punong Tagapagdiwang:

Manalangin tayo,

Ama naming mapagmahal,


Ipinagpapasalamat namin itong aming pagsasalo sa tanim at ani
Ng mga magsasakang katulad ni San Isidro na iyong idinagal.
Ang kanyang malasakit na paglingkuran ka at ang kapwa
Ay siya nawang umiral sa aming pagsisikap na Hainan ang lahat
Ng iyong bigay na kakanin sa araw-araw
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

R. Amen.
Punong Tagapagdiwang:

Sumainyo ang Panginoon

R. At sumaiyo rin.

Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos Ama at + Anak at Espiritu


Santo.

R. Amen.
Sasabihin ng diyakono
20
Tapos na ang ating pagdiriwang, humayo kayo sa kapayapaan ni Kristo.

R. Salamat sa Diyos.

21

You might also like