You are on page 1of 10

PAGGUNITA SAN JOSE,

MANGAGAWA
PANIMULA
Matapos ang pananalangin ng Rosaryo at ng Nobena tatayo
ang lahat sa pagsisimula ng Banal na Misa. Babasahin ng
namumuno ang sumusunod:

Namumuno Magandang hapon po sa ating lahat.


Ngayong araw na ito ay nagdiriwang tayo ng
Paggunita kay San Jose, Manggagawa.
Ang pagtratrabaho ay hindi lang nasasakop
dito ang kompanya, opisina, gusali, gobyerno,
ahensiya, kundi pati na rin ang ating munting
pagtratrabaho sa pamilya, komunidad,
paaralan, simbahan, atbp. Nawa’y tularan natin
si San Jose na nagsaloob na gawin at sundin
ang dakilang plano ng Diyos. At nawa’y tularan
natin din ang Panginoong Hesukristo na
gumawa nang mabuti upang ang ating
pagtratrabaho ay isang pagbabahagi sa
kanyang ginawang pagliligtas sa ating lahat.

Babasahin ng commentator ang sumusunod na antipona.


1
ANTIPONA
Mapalad ang mga may takot sa Panginoon, na tumulak sa
kanyang mga daan. Kakain ka sa bunga ng iyong
piagpaguran; ikaw ay magiging masaya at mapalad. Aleluya.
-

Tatayo ang lahat sa pagsisimula ng Banal na Misa.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Pari/Diyakono Manalangin Tayo.
O Diyos, na may gawa ng lahat ng bagay, itinakda
mo ang batas ng paggawa sa sangkatauhan.
Loobin mo nang buong awa na sa tulong at
halimbawa ni San Jose at matupad namin ang
iyong ipinag-uutos at matamo ang iyong mga
ipinangako.
Alang-alang sa Anak mo, si Hesukristong
Panginoon namin, nabubuhay at naghaharing
kasama mo at ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan. Amen.
Uupo ang lahat upang pakinggan ang mga pagbasa.
UNANG PAGBASA | Genesis 1:26-2, 3 |

Tagabasa Pagbasa mula sa aklat ng Genesis.

Sinabi ng Diyos: “Ngayon, lalangin natin ang tao. Ating


gagawin siyang kalarawan natin. Siya ang mamamahala sa
mga isda, mga ibon at lahat ng hayop, maging maamo o
mailap, malaki o maliit.” Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon
sa kanyang larawan. Lumalang siya ng isang lalaki at isang
babae, at sila’y pinagpala. Wika niya, “Magpakarami kayo at
punuin ng inyong mga supling ang buong daigdig, at
2
pamahalaan ito. Binibigyan ko kayo ng kapangyarihan sa
mga isda, sa mga ibon, at sa lahat ng maiilap na hayop,
maging malalaki o maliliit. Bibigyan ko rin kayo ng lahat ng
uri ng butil at mga bungangkahoy na inyong makakain. Ang
lahat ng halamang luntian ay ibibigay ko naman sa maiilap
na hayop, malaki man o maliit, at sa lahat ng mga ibon.” At
ito nga ang nangyari. Pinagmasdan ng Diyos ang lahat
niyang ginawa, at lubos siyang nasiyahan. Dumaan ang gabi,
at sumapit ang umaga – ito ang ika-anim na araw.

Gayun nilikha ng Diyos ang lupa, ang langit at lahat ng bagay


na naroroon. Sa loob ng anim na araw, tinapos niyang
likhain ang lahat ng ito, at siya’y nagpahinga sa ikapitong
araw. Pinagpala niya ang ikapitong araw at itinangi,
sapagkat sa araw na ito siya nagpahinga matapos likhain ang
lahat.

Tagabasa Ang salita ng Panginoon.


Bayan Salamat sa Diyos.

SALMONG TUGUNAN | Salmo 89 |


Poon kami’y pagpalain
at iyong pagtagumpayin.

Namumuno Wala pa ang mga bundok, hindi mo pa


nilalalang hindi mo pa nililikha itong buong
daigdigan, ikaw noon ay Diyos na, pagkat
ika’y walang hanggan. TUGON.

Namumuno Yaong taong nilikha mo’y bumabalik sa


alabok, sa lupa ay nagbabalik kapag iyong
iniutos. Ang sanlibong mga taon ay para
bang isang araw, sa mata mo, Panginoon,
isang kisap-mata lamang; isang saglit sa
3
magdamag na ito ay dumaraan. TUGON.

Namumuno Yamang itong buhay nami’y maikli lang na


panahon. Itanim sa isip namin upang kami
ay dumunong. Hanggang kailan pa ba,
Poon, titiisin yaring lagay nitong iyong mga
lingkod, sa gitna ng kahirapan? TUGON.

Namumuno Kung umaga’y ipadama yaong wagas mong


pag-ibig, at sa buong buhay nami’y may
galak ang aming awit, ipakita sa lingkod mo
ang dakila mong gawain, at sa sunod
naming lahi, ipadama ay gayun din.
HULING TUGON.

Tatayo ang lahat sa Banal na Ebanghelyo ng Panginoon.


EBANGHELYO | Mateo 13:54-58 |
Aleluya! Aleluya! Manunubos naming mahal, salamat sa ‘yong
patnubay at paglingap araw-araw. Aleluya! Aleluya!
- Salmo 67:20

Diyakono/Pari Ang Panginoon ay Sumainyo.


Bayan At sumaiyo rin.

Diyakono/Pari Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon


kay San Mateo.
Bayan Luwalhati sa Iyo, Panginoong
Hesukristo.

Kung may insenso, magsusuob nito.

Noong panahong iyon, umuwi si Hesus sa kanyang bayan at


nagturo sa kanilang sinagoga. Nagtaka ang mga nakarinig sa
kanya. Sabi nila, “Saan kumuha ng karunungan ang taong
ito? Paano siya nakagagawa ng kababalaghan? Hindi ba ito
4
ang anak ng karpintero? Hindi ba si Maria ang kanyang ina,
at sina Santiago, Jose, Simon, at Judas ang kanyang mga
kapatid na lalaki? At dito nakatira ang kanyang mga kapatid
na babae, hindi ba? Saan niya natutunan ang lahat ng ito?” At
ayaw nilang kilanlin siya. Kaya’t sinabi ni Hesus sa kanila,
“Ang propeta’y iginagalang kahit saan, liban sa kanyang
sariling bayan at sa kanyang sariling sambahayan.” At dahil
sa di nila pagsampalataya, hindi siya gumawa roon ng
maraming kababalaghan.

Diyakono/Pari Ang Mabuting Balita ng Panginoon!


Bayan Papuri sa Iyo, Panginoong Hesukristo.

Isusunod ang Homilya. Luluhod ang bayan.


Kakaligtaan ang Sumasampalataya sa pang-araw-araw na
Banal na Misa.

PANALANGIN NG BAYAN

Pari Manalangin tayo kay San Jose para sa lahat ng


ating mga pangangailangan. Paramihin mo
ang bunga ng aming mga gawa, Panginoon.

Namumuno Ang Simbahan nawa’y magpatuloy sa


pagpapahayag ng mga kahalagahan ng
katarungan bilang susi sa ating kapayapaan,
manalangin tayo sa Panginoon. Paramihin mo
ang bunga ng aming mga gawa, Panginoon.

Namumuno Ang mga pinuno ng pamahalaan at mga


ekonomista nawa’y magsikap para sa
makatarungang pamamahagi ng mga yaman at
magtaguyod ng dangal ng lahat ng tao,

5
manalangin tayo sa Panginoon. Paramihin mo
ang bunga ng aming mga gawa, Panginoon.

Namumuno Ang mga negosyante nawa’y gamitin ang


kanilang mga pangkabuhayang interes para sa
paglilingkod sa lahat, manalangin tayo sa
Panginoon. Paramihin mo ang bunga ng
aming mga gawa, Panginoon.

Namumuno Ang mga dukha at mga walang hanapbuhay


nawa’y makatagpo ng marangal na paraan ng
ikabubuhay, manalangin tayo sa Panginoon.
Paramihin mo ang bunga ng aming mga
gawa, Panginoon.

Namumuno Ang mga yumaong naghirap sa paggawa noong


sila ay nabubuhay pa rito sa lupa nawa’y
makatanggap ng kanilang gantimpala sa
kabilang buhay, manalangin tayo sa Panginoon.
Paramihin mo ang bunga ng aming mga
gawa, Panginoon.

Namumuno Tahimik nating ipanalangin ang ating sariling


mga kahilingan. (Tumigil sandali.)

Maglaan ng sandaling katahimikan.

Pari: Manalangin tayo.


Ama ng aming Manunubos, sa pagsasama ng
aming mga panalangin at sa pamamagitan ni
San Jose, tulungan mo kaming makita sa aming
mga pagkilos ang dangal sa paggawa.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo
na aming Panginoon. Amen.

6
Ipagpapatuloy sa pagbati ng kapayapaan at Banal na
Eukaristiya.
Paglilipat ng Bara Alta
Ang paglilipat ng bara alta ay gaganapin matapos ang
prusisyon ng Mahal na Birhen o di kaya sa
nakaugalian ng parokya.

Mag-aalay ng bulalak ang mga kinatawan na mga


nagsidalo sa pagdiriwang. At sasabihin ng
commentator:

Commentator Inaanyayahan po ang mga magulang


nina (P) na lumapit sa harapan.

Hermana ________: Mahal naming Kura Paroko, sa ngalan


ng Diyos na makapangyarihan sa lahat, sa loob
po ng isang taon mula ng tanggapin namin ang
tungkuling ito para sa pag-aalay sa mahal na
Birheng Maria ay amin pong naisakatuparan ang
mga alituntunin ng pagiging Hermana de Sagala,
ang pagparito ng mga bata upang maghandog ng
pasasalamat sa Poong Maykapal, ang pag-aalay
ng bulaklak sa Mahal na Birheng Maria. Hindi po
ito matutupad kundi sa tulong ng Diyos at ng mga
nagmamahal naming kapamilya.

Narito po kami sa inyo ngayon upang sa


pagtatapos na ito ng pagdiriwang ay akin naman
pong ipinakikilala sa inyong harapan ang ating
kapatid na si (P) na nahirang bilang Hermana De
7
Sagala para sa pagdiriwang ng Buwan ng Flores
de Mayo sa taong _____.

Amin po siyang inihaharap sa inyo upang inyong


suriin sa harap ng mga mananampalataya ng
ating Parokya, ang Parokya ng San Juan Bautista.

Haharap ang dalawang Hermana sa dambana ng


Diyos.

Pari: Mga ginigiliw sa Panginoon, ang paglilipat na ito


ng Bara Alta ay naging kaugalian na ng ating
Simbahan, at taun-taon ay ipinagdiriwang, upang
sa ganito ring paraan ay masunod ang halimbawa
ng pagbabahaginan at pagbibigay sa kapwa ng
mga biyaya mula sa Diyos, kaya sa Diyos din muli
natin ibabalik sa pamamaraan ng paglilingkod sa
ating kapwa-tao.

At dahil nga dito, nasa harapan natin ngayon ang


ating kapatid na si (P) upang pagtibayin ang
kanyang tungkulin at obligasyon bilang Hermana
Mayor sa ating pagdiriwang ng Pagbubukas ng
Buwan ng Flores de Mayo sa taong _______.

Ang pari ay nasa harapan at dito susuriin ng Kura


paroko ang susunod na Hermana.

Kura Paroko: Minamahal na (P) bago po namin kayo


italaga bilang Hermana De Sagala sa pagdiriwang
ng Pagbubukas ng Buwan ng Flores de Mayo sa
taong _____, hinihiling ko sa iyo na ipahayag ninyo

8
ang iyong pangako sa pagtupad ng mga tungkulin
bilang Hermana Mayor.

Hermana ______: Sa ngalan ng Diyos, ako, si (P), na


nahirang bilang Hermana Mayor sa pagdiriwang
ng Buwan ng Flores de Mayo sa taong _____, ay
nanunumpa na maging matapat sa lahat ng
tungkulin na ipagkakatiwala sa akin bilang
Hermana Mayor at patuloy na magiging matapat
sa Aral, Disiplina, at pagsamba ng Simbahan ng
Diyos sa lupa.

Patnubayan nawa ako ng Mahal na Birhen sa pag-


ako sa kanya bilang tagapaglingkod sa
Panginoon. Kasihan nawa ako ng Poong
Maykapal.

Kura Paroko: Kung gayon, isinasalin sa iyo at


tanggapin ang Bara Alta mula sa Kasalukuyang
Hermana Mayor, ang ating kapatid na si (P)
bilang sagisag ng karangalan at katungkulan
bilang Hermana Mayor sa pagdiriwang ng
Pagbubukas ng Buwan ng Flores de Mayo sa
taong ______.

Iaabot ang Bara Alta.

Kura Paroko: Mga kapatid, ikinalulugod kong


inihaharap sa inyo ang kapatid na (P) na
itinalaga bilang Hermana De Sagala sa
pagdiriwang ng Pagbubukas ng Buwan ng Flores
de Mayo sa taong 2023 at nawa’y tulungan natin

9
siya sa abot ng ating makakaya upang ang ating
pagdiriwang ay maging kalugud-lugod sa Diyos.

Matapos ang paglilipat ng bara alta, iaabot naman ng


Kura Paroko ang Simbolo ng pagiging kasapi ng
Samahan ng Hermana ng Parokya sa kasalukuyang
Hermana.

Kura Paroko: Matapos na ating nasaksihan ang


paglilipat na ito ng bara alta. Tanggapin mo (P) ang
pagpapalang ito sa ating debosyon sa Mahal na
Birhen bilang tanda na ikaw ay bahagi sa
kasaysayan ng Simbahang ito bilang isa sa mga
naging Hermana ng Simbahan ni San Juan. Patuloy
mo nawang isabuhay ang aral ng Diyos at ng Mahal
na Birhen. Ikaw nawa’y bigyan ng magandang
kinabukasan kasama ang iyong pamilya at
patnubayan ka nawa ng Poong Maykapal.

Magsasalita ang Kasalukuyang Hermana


Isusunod ang pagpapala. Luluhod ang lahat.
Matapos ang pagpapala, wiwisikan ang bayan.
Matapos ang pagpagpapala, tatayo ang lahat sa
paghayo.

10

You might also like