You are on page 1of 7

BIYERNES NG IKA-33 LINGGO

SA KARANIWANG PANAHON
PANIMULA
Matapos ang pananalangin ng Rosaryo at ng Nobena
tatayo ang lahat sa pagsisimula ng Banal na Misa.
Babasahin ng namumuno ang sumusunod:

Namumuno Magandang hapon po sa ating lahat, Ngayon


ay nagdiriwang tayo ng Biyernes ng Ika-33
Linggo sa Karaniwang panahon.

Ngayong palapit na ang pagtatapos ng


Pangliturhiyang Taon ng Simbahan, ang
ating paghahanda para sa Kapaskuhan ay
nag-uudyok sa atin na maging handa sa
pagdating ng ating Panginoon, ngayong
palapit na rin tayo sa pagpasok sa Panahon
ng Adbiyento. Kaya narinig natin sa Unang
Pagbasa ang bersyon ng mga Hudyo kapag
nagdiriwang sila ng isang banal na okasyon
tuwing ika-25 ng Disyembre. Ito yung
tinatawag na Hanukah, na sumasapit sa
ikadalawampu’t limang araw ng buwan ng
1
Kislev. Ginugunita nila ang muling
pagtatalaga ng Templo sa Jerusalem sa loob
ng walong araw, matapos itong mawasak
nang lusubin sila ng mga taga-Babilonia.
Kaakibat nitong pagdiriwang nila ng
Hanukah ay ang kanilang paglilinis sa
kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng
paghahandog ng mga hain sa altar at
pagpupuri sa Diyos dahil buong galak
nilang natanggap ang kanyang awa at
pagpapatawad.

ANTIPONA
Wika ng Panginoon: ang aking binabalak ay tungo sa
kapayapaan, hindi sa kapighatian; tatawagin ninyo ako
at sasagutin ko kayo. Ibabalik ko ang iyong mga bihag
saan man sila naroon.
-Jer. 29:11, 12, 14

Magsitayo ang lahat para sa banal na pagdiriwang

PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Pari/Diyakono Manalangin Tayo.
Loobin mo, Panginoon naming Diyos, na ang
aming pamumuhay ay laging malaan sa iyo.
Ang aming kaligayahan ay di magiging ganap
kung hindi paglilingkuran ang May Gawa ng
lahat ng biyaya.

Alang-alang sa Anak mo, si Hesukristong


Panginoon namin, nabubuhay at naghaharing

2
kasama mo at ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan. Amen.
Uupo ang lahat upang pakinggan ang mga pagbasa.
PAGBASA |1 Macabeo 4:36-37, 52-59|

Tagabasa Pagbasa mula sa unang aklat ng


Macabeo.

Noong mga araw na iyon, sinabi ni Judas at ng mga


kapatid niya, “Ngayong nagapi na ang mga kaaway,
kailangang linisan natin ang templo at muling italaga
ito.” Kaya’t ang buong hukbo ay umahon sa Bundok ng
Sion.

Nang ikadalawangpu’t lima ng buwan ng Kislev,


ikasiyam na buwan ng taong sandaa’t apatnapu’t walo,
maagang-maaga silang bumangon at naghandog sa
bagong altar ng mga haing susunugin, ayon sa tinakda
ng utos ng Diyos. Sa araw na ito’y itinalaga nilang muli
ang templo sa gitna ng awitang kasaliw ang mga
kudyapi, plauta at pompiyang. Ganito ring araw nang
lapastanganin ng mga Hentil ang templo. Lahat ay
nagpatirapa, sumamba, at nagpuri sa Diyos na lumingap
at pumatnubay sa kanila.

Walong araw silang nagdiwang sa pagtatalagang ito;


tuwang-tuwa silang naghandog ng mga susunugin.
Naghandog din sila ng hain para sa pagkakaligtas at sa
karangalan ng Diyos. Bilang palamuti, ang labas ng
templo’y nilagyan ng mga koronang ginto at maliliit na
kalasag. Inayos nila at nilagyan ng mga pansara ang mga
3
pintuan ng templo at ang mga silid ng mga saserdote.
Galak na galak ang lahat nang maalis ang mga tanda ng
kalapastanganang ginawa ng mga Hentil. Ipinasiya ni
Judas, ng kanyang mga kapatid at ng lahat ng
mamamayan ng Israel na sa gayun ding araw, taun-taon
ay ipagdiriwang nila ang muling pagtatalaga ng templo.
Walong araw nilang gagawin ito, mula sa ika-
dalawampu’t lima ng buwan ng Kislev.

Tagabasa Ang salita ng Panginoon.


Bayan Salamat sa Diyos.

SALMONG TUGUNAN |1 Mga Cronica 29|


D’yos, aming papupurihan
ang ‘yong dakilang pangalan.

Namumuno Karapat-dapat kang purihin


magpakailanman Panginoon! Ang Diyos
ni Jacob na aming ama. TUGON.

Namumuno Sa iyo ang kadakilaan, ang


kapangyarihan, ang karangalan at ang
pagtatagumpay pagkat iyo ang lahat ng
nasa langit at nasa lupa. TUGON.

Namumuno Sa iyo ang buong pamamahala at ikaw


ang hari ng lahat. Sa iyo nagmumula ang
kayamanan at ang karangalan. TUGON.

Namumuno Taglay mo ang kapangyarihan at


kadakilaan, at ikaw ang nagbibigay ng

4
lakas at kapangyarihan sa lahat.
HULING TUGON.

Tatayo ang lahat sa Banal na Ebanghelyo ng Panginoon.


EBANGHELYO | Lucas 19:45-48 |
Aleluya! Aleluya! Ang tinig ko’y pakikinggan ng kabilang
sa ‘king kawan. ako’y kanilang susundan Aleluya!
Aleluya!
- Juan 10:27

Diyakono/Pari Ang Panginoon ay Sumainyo.


Bayan At sumaiyo rin.

Diyakono/Pari Ang Mabuting Balita ng Panginoon


ayon kay San Lucas.
Bayan Luwalhati sa Iyo, Panginoong
Hesukristo.

Kung may insenso, magsusuob nito.

Noong panahong iyon, pumasok si Hesus sa templo at


kanyang ipinagtabuyan ang mga nagtitinda. Sinabi niya
sa mga ito, “Nasusulat: ‘Ang aking bahay ay tatawaging
bahay-dalanginan.’ Ngunit ginawa ninyong ‘pugad ng
mga magnanakaw.’”

Araw-araw, si Hesus ay nagtuturo sa loob ng templo.


Pinagsikapan ng mga punong saserdote, ng mga eskriba,
at ng mga pangunahin ng bayan ng siya’y ipapatay.
Subalit wala silang makitang paraan upang maisagawa
ito, sapagkat taimtim na nakikinig sa kanya ang buong
bayan.
5
Diyakono/Pari Ang Mabuting Balita ng Panginoon!
Bayan Papuri sa Iyo, Panginoong
Hesukristo.
Isusunod ang Homilya at ipagpapatuloy sa Liturhiya ng
Banal na Eukaristiya.

PANALANGIN NG BAYAN
Pari Sapat ang utos ng Panginoon, subalit nag-
uumapaw ang kanyang awa. Manalanagin
tayo sa Ama nang buong pananalig sa
kanyang karunungan. Ama, panatilihin Mo
kami sa Iyong pamamaraan.

Namumuno Ang Simbahang Kristiyano nawa’y akayin


ang kanyang mga miyembro sa daan ng
katwiran at higit silang ilapit sa pag-ibig ng
Diyos, manalangin tayo sa Panginoon. Ama,
panatilihin Mo kami sa Iyong
pamamaraan.

Namumuno Tayo nawa’y matutong tumalikod sa


kasalanan nang buong puso, habang
nananatiling masunurin sa batas ng Diyos,
manalangin tayo sa Panginoon. Ama,
panatilihin Mo kami sa Iyong
pamamaraan.

Namumuno Ang mga hindi pa sumasampalataya nawa’y


makinig sa Salita ng Diyos at maakay sila sa
kaligtasang walang hanggan, manalangin

6
tayo sa Panginoon. Ama, panatilihin Mo
kami sa Iyong pamamaraan.

Namumuno Ang mga maysakit, matatanda, nalulumbay


at lahat ng nagdurusa nawa’y huwag nating
kaligtaang lingapin, manalangin tayo sa
Panginoon. Ama, panatilihin Mo kami sa
Iyong pamamaraan.

Namumuno Ang mga tapat na yumao nawa’y lumigaya


sa buhay na walang hanggan, manalangin
tayo sa Panginoon. Ama, panatilihin Mo
kami sa Iyong pamamaraan.

Namumuno Tahimik nating ipanalangin ang ating


sariling mga kahilingan. (Tumigil sandali.)

Maglaan ng sandaling katahimikan.

Pari: Manalangin tayo.


Ama naming nasa Langit, sinusuri mo ang
puso ng bawat isa at alam mo ang mga
nilalaman nito. Palakasin mo ang aming
puso upang sumamba kami nang tunay at
buong pusong makapaglingkod sa kapwa
ang aming mga kamay sa pamamagitan ni
Kristong aming Panginoon. Amen.

You might also like