You are on page 1of 6

BIYERNES SA IKALAWANG

LINGGO NG PAGDATING NG
PANGINOON
PANIMULA
Matapos ang pananalangin ng Rosaryo at ng Nobena tatayo
ang lahat sa pagsisimula ng Banal na Misa. Babasahin ng
namumuno ang sumusunod:

Namumuno Magandang hapon po sa ating lahat.


Ngayong araw na ito ay nagdiriwang tayo nang
Biyernes sa Ikalawang Linggo sa Panahon ng
Pagdating ng Panginoon.

Ang Panahon ng Adbiyento ay panahon ng


paghahanda sa darating na Mesiyas, na hatid
niyang mensahe ay pag-asa, na tayo nawa ay
makinig sa mensaheng ito bilang pagtalima sa
dakilang kalooban ng Diyos Ama.

Mahal niya tayong lahat, kaya ang ninanais


niya na gumawa tayo ng matuwid at mabuting
bagay sa lahat ng aspeto ng buhay. Huwag
tayong mawalan ng gana kung sasabihin ng iba
na parang tayo’y nag-aaksaya ng oras sa

1
paggawa ng kabutihan sa mga
nangangailangan. Patuloy tayo sa pagtupad ng
misyong itinkada sa atin ng Panginoon para sa
pagpaparangal ng Mabuting Balita tungkol sa
kanyang paghahari. At ngayong Adbiyento,
nawa tayo’y palaging matapat sa Diyos at sa
kanyang mga utos para isabuhay natin ito sa
ating araw-araw na pamumuhay sa ating
pagmamahal sa kanya at sa kapwa.

ANTIPONA
Ang Panginoon ay darating ng buong dangal upang dalawin
ng kanyang bayan. Pagkakalooban sila ng kapayapaan at
buhay na walang hanggan.

Tatayo ang lahat sa pagsisimula ng Banal na Misa.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Pari/Diyakono Manalangin Tayo.
Loobin mo, makapangyarihang Diyos, na ang
iyong bayan ay humanda nang buong pananabik
sa pagdating ng iyong Bugtong na Anak. Hinihiling
namin, na batay sa kanyang pangaral, ay
sumalubong kami sa kanya nang may dalang
ilawan.

Alang-alang sa Anak mo, si Hesukristong


Panginoon namin, nabubuhay at naghaharing
kasama mo at ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.

Uupo ang lahat upang pakinggan ang mga pagbasa.


PAGBASA |Isaias 48:17-19|
2
Tagabasa Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias.

Ganito ang sabi ng Banal ng Israel,


ng Panginoon mong sa iyo’y tumubos:
“Ako ang Panginoong iyong Diyos.
Tuturuan kita para ka umunlad,
papatnubayan kita saan ka man pumunta.
Kung sinusunod mo lang ang mga utos ko,
pagpapala sana’y dadaloy sa iyo,
parang ilog na di natutuyo ang agos.
Tagumpay mo sana ay sunud-sunod,
parang dating ng alon sa dalampasigan.
Ang lahi mo sana’y
magiging sindami ng buhangin sa dagat,
at tinitiyak kong
hindi sila mapapahamak.”

Tagabasa Ang salita ng Panginoon.


Bayan Salamat sa Diyos.

SALMONG TUGUNAN | Salmo 1 |


Ang sumusunod sa Poon
ay sa liwanag hahantong.

Namumuno Mapalad ang taong hindi naaakit niyong


masasama, upang sundan niya ang
kanilang payo’t maling halimbawa; hindi
sumasama sa sinumang taong ang laging
adhika’y pagtawanan lamang at hamak-
hamakin ang Diyos na dakila. Nagagalak
siyang laging magsaliksik ng banal na aral,
ang utos ng Poon siyang binubuhay sa gabi
at araw. TUGON.
3
Namumuno Ang katulad niya’y isang punongkahoy sa
tabing batisan, sariwa ang daho’t laging
namumunga sa kapanahunan, at anumang
gawin ay nakatitityak na magtatagumpay.
TUGON.

Namumuno Ngunit ibang-iba ang masamang tao; ipa


ang kawangis, siya’y natatangay at
naipapadpad kung hangi’y umihip. Sa taong
matuwid ay Panginoon ang s’yang mag-
iingat, ngunit kailanman ang mga masama
ay mapapahamak. HULING TUGON.

Tatayo ang lahat sa Banal na Ebanghelyo ng Panginoon.


EBANGHELYO | Mateo 11:16-19 |
Aleluya! Aleluya! Ang Panginoo’y darating siya’y ating
salubungin s’ya’y kapayapaan natin. Aleluya! Aleluya!

Diyakono/Pari Ang Panginoon ay Sumainyo.


Bayan At sumaiyo rin.

Diyakono/Pari Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon


kay San Mateo.
Bayan Luwalhati sa Iyo, Panginoong
Hesukristo.

Kung may insenso, magsusuob nito.

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao, “Sa ano ko


nga ihahambing ang mga tao ngayon? Katulad sila ng mga
batang nakaupo sa plasa at sumisigaw sa kanilang mga
kalaro, ‘Tinugtugan namin kayo ng plauta, ngunit hindi kayo
sumayaw! Nanambitan kami, ngunit hindi kayo tumangis!’
4
Sapagkat naparito si Juan na nag-aayuno at di umiinom ng
alak, at sinasabi nila, ‘Inaalihan siya ng demonyo!’ Naparito
rin ang Anak ng Tao, na kumakain at umiinom, at sinasabi
naman nila, ‘Masdan ninyo ang taong ito! Matakaw at
naglalasing, kaibigan ng mga publikano at mga
makasalanan!’ Gayunman, ang karunungan ng Diyos ay
napatutunayang tama sa pamamagitan ng kanyang mga
gawa.”

Diyakono/Pari Ang Mabuting Balita ng Panginoon!


Bayan Papuri sa Iyo, Panginoong Hesukristo.
Isusunod ang Homilya at ipagpapatuloy sa Liturhiya ng Banal
na Eukaristiya.

PANALANGIN NG BAYAN

Pari May pananampalatayang ilapit natin ang ating


mga kahilingan sa Amang nagnanais na ang
lahat ng tao ay magpaunlak sa kanyang
paanyaya sa piging ng buhay na walang
hanggan sa Langit. Panginoon, ilapit mo kami
sa iyo.

Namumuno Ang Simbahan dito sa lupa nawa’y magpatuloy


sa paglago at manghikayat ng higit na
maraming mga tao sa piging ng Kaharian,
manalangin tayo sa Panginoon. Panginoon,
ilapit mo kami sa iyo.

Namumuno Ang mayayaman at gayundin ang mahihirap


nawa’y hindi humanap ng mga dahilan upang
maiwasan ang tawag ng Kaharian, manalangin
tayo sa Panginoon. Panginoon, ilapit mo kami
sa iyo.
5
Namumuno Tayo nawa’y tumugon nang tapat sa
panawagan na magsisi sa kasalanan,
manalangin tayo sa Panginoon. Panginoon,
ilapit mo kami sa iyo.

Namumuno Tayong lahat nawa’y magtalaga ng ating mga


sarili sa pagtataguyod ng layunin ng Kaharian,
manalangin tayo sa Panginoon. Panginoon,
ilapit mo kami sa iyo.

Namumuno Ang mga yumao nawa’y mamuhay sa tahanan


ng Panginoon at magdiwang sa piging ng
buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa
Panginoon. Panginoon, ilapit mo kami sa iyo.

Namumuno Tahimik nating ipanalangin ang ating sariling


mga kahilingan. (Tumigil sandali.)

Maglaan ng sandaling katahimikan.

Pari: Manalangin tayo.


Ama naming nasa Langit, inaanyayahan mo
kami upang makasama mo sa iyong Kaharian.
Sa aming pananalangin para sa aming kapwa,
tulungan mo kaming maisama sila sa piging na
inihanda ng iyong Anak na si Jesu-Kristong
aming Panginoon. Amen.

You might also like