You are on page 1of 10

Lector: Isang magandang gawain nating mga

Kristiyano ay ang pagtapos natin sa


taong kaloob ng Diyos sa pagdulog sa
Kanyang Banal na dambana na kagabi
ay ating isinagawa. Gayundin naman,
karugtong ng magandang gawaing iyon
ang pagsisimula o pagbubukas natin sa
Bagong Taon na ngayon ay ating
idinadaos.

“Banta sa posisyon at kapangyarihan”


ganito ang realisasyon ni Herodes sa
batang Hesus na pinasisinayan ng
Kasulatana at upang manatili si
Herodes dapat niyang pigilan ang

Page 1 of 10
mangyayari sa hinaharap. Pagpapakita
ito ng katotohanang kaganapan sa
lipunan na ang pagiging ganid ng isang
nasa kapangyarihan ay sisira sa
kagalakang hatid ng maykapal. Kaya
naman, tulad ni Jose, marapat na
maging instrumento tayo ng kalooban
ng Diyos at wakasan ang ganitong
kalupitan. Nang may kagalakan, halinat
papurihan natin ang Diyos na
maylalang. Tatayo po ang lahat.

Tatayo ang lahat sa pagsisimula ng Banal na Misa.


Maaaring maglaan ng isang awit.

ANG NAKATAKDANG PANALANGIN

Pari: Makalangit naming Ama, ibsan mo


nawa sa amin ang makapilatong pag-
uugali, bagkus sa Iyong paggabay at
pamamatnubay ay maisakatuparan
namin ang bawat tungkulin iniatang mo
sa amin tulad ng Yong abang lingkod
na si San Jose; Ang lahat ng ito'y samo
namin at dalangin kay Kristo na aming
Panginoon na nabubuhay at
naghaharing kasama mo at ng Espiritu
Santo iisang Diyos ngayon at
magpakailanman. Amen.

Page 2 of 10
Matapos ang panalangin ay uupo ang lahat upang
pakinggan ang mga Pagbasa.

UNANG PAGBASA
Isaias 63:7-9

Lector: Kay buti ni Yahweh. Ito ang


puntodobista ni propeta Isaias na
naranasan ng Bayang Israel.

Tagabasa: Ang unang pagbasa ay mula sa


aklat ni Propeta Isaias.

Aking sasaysayin ang pag-ibig ni Yahweh na


hindi nagmamaliw; pupurihin ko siya sa lahat ng
bagay na kanyang ginawa para sa atin. Tunay na
kanyang pinagpala ang bayang Israel, dahil sa
kahabagan niya at wagas na pag-ibig. Sinabi ni
Yahweh, “Sila ang bayan ko na aking hinirang,
kaya hindi nila ako pagtataksilan.” Iniligtas niya
sila sa kapahamakan at kahirapan. Hindi isang
anghel, kung hindi si Yahweh mismo ang nagligtas
sa kanila; iniligtas sila dahil sa pag-ibig niya't
habag, na sa simula pa ay kanya nang ipinakita.

Tagabasa: Ang Salita ng Panginoon.


Bayan: Salamat sa Diyos!

Page 3 of 10
SALMONG TUGUNAN
Awit 148

“PURHIN SI YAHWEH! PURIHIN ANG DIYOS”

Purihin si Yahweh! Purihin ang Diyos, nitong


kalangitan, kayo sa itaas siya'y papurihan. Ang
lahat ng anghel, magpuri't magdiwang, kasama
ang hukbo roong karamihan! TUGON!

Ang araw at buwan, siya ay purihin, purihin din siya


ng mga bituin, mataas na langit, siya ay purihin,
tubig sa itaas, gayon din ang gawin! TUGON!

Siya ang may utos na kayo'y likhain, kaya ang ngalan


niya ay dapat purihin. Kanyang itinatag, kanilang
kinalagyan,
hindi magbabago magpakailanpaman. HULING
TUGON!

IKALAWANG PAGBASA
Hebreo 2:10-18

Lector: Nagkatawang-tao ang Diyos


upang ipakita ang Kanyang
dakilang pag-ibig sa tao. Halinat
pakinggan natin ang pagbasa.

Page 4 of 10
Tagabasa: Ang ikalawang pagbasa ay mula
sa aklat ng mga Hebreo.

Sa pamamagitan ng kanyang pagdurusa, siya'y


ginawang ganap ng Diyos at nang sa gayon ay
makapagdala siya ng maraming anak patungo sa
kaluwalhatian. Ito'y dapat lamang gawin ng Diyos
na lumikha at nangangalaga sa lahat ng bagay,
sapagkat si Hesus ang tagapanguna ng kanilang
kaligtasan. Si Hesus ang nagpapabanal sa mga
tao. Ang kanyang Ama at ang Ama ng mga taong
ito ay iisa, kaya't hindi niya ikinahihiyang tawagin
silang mga kapatid. Sinabi niya sa Diyos,
“Ipapahayag ko sa aking mga kapatid ang iyong
pangalan, sa gitna ng kapulungan ika'y
papupurihan. Sinabi rin niya.“ Ako'y mananalig sa
Diyos.”At dugtong pa niya, “Narito ako, at ang
mga anak na kaloob sa akin ng Diyos.” Dahil sa
ang mga anak na tinutukoy niya ay tao, naging tao
rin si Hesus at tulad nila'y may laman at dugo.
Ginawa niya ito upang sa pamamagitan ng
kanyang kamatayan ay mawasak niya ang diyablo
na siyang may kapangyarihan sa kamatayan.  Sa
pamamagitan din ng kanyang kamatayan ay
pinalaya niya ang lahat ng tao na buong buhay
nila'y inalipin ng takot sa kamatayan.  Hindi ang
mga anghel ang kanyang tinutulungan, sa halip ay
ang mga anak ni Abraham. Kaya't kinailangang
matulad siya sa kanyang mga kapatid sa lahat ng
paraan. Upang siya'y maging isang Pinakapunong
Pari na mahabagin at tapat na naglilingkod sa
Diyos at nag-aalay ng handog para mapatawad
ang mga kasalanan ng tao.  At ngayo'y

Page 5 of 10
matutulungan niya ang mga tinutukso, sapagkat
siya man ay tinukso at nagdusa.

Tagabasa: Ang salita ng Panginoon.


Bayan: Salamat sa Diyos!

Matapos ang ikalawang pagbasa ay tatayo ang


lahat upang magbigay galang sa paghahatid ng
Mabuting Balita ng Panginoon. Maglalaan ng awit.

ANG BANAL NA EBANGHELYO


Mateo 2:13-23

Pari: Ang Panginoon ay sumainyo!


Bayan: At sumainyo rin!

Pari: Pakinggan ang Mabuting Balita


sang-ayon kay San Mateo.
Bayan: Luwalhati sa Iyo, Panginoong
HesuKristo.

Pagkaalis ng mga matatalinong tao,


nagpakita kay Jose sa panaginip ang isang anghel
ng Panginoon. Sinabi nito sa kanya, “Bumangon
ka't dalhin mo agad sa Egipto ang iyong mag-ina.
At huwag kayong aalis doon hangga't hindi ko
sinasabi sapagkat hahanapin ni Herodes ang bata
upang patayin.” Bumangon nga si Jose at nang
gabi ring iyon, dinala niya sa Egipto ang kanyang
mag-ina. Doon sila nanirahan hanggang sa
mamatay si Herodes. Sa gayon, natupad ang
sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta:

Page 6 of 10
“Tinawag ko ang aking anak mula sa Egipto.” Galit
na galit si Herodes nang malaman niyang nilinlang
siya ng mga matatalinong tao. Kaya't ipinapatay
niya ang lahat ng batang lalaki sa Bethlehem at sa
palibot nito mula sa gulang na dalawang taon
pababa, batay sa panahong sinabi sa kanya ng
mga matatalinong tao. Sa gayon, natupad ang
sinabi ni Propeta Jeremias: “Narinig sa Rama ang
isang tinig, tinig ng pananangis at ng malakas na
panaghoy. Tinatangisan ni Raquel ang kanyang
mga anak. Ayaw niyang paaliw sapagkat patay na
sila.” Pagkamatay ni Herodes, nagpakita kay Jose
sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon
habang siya'y nasa Egipto. Sinabi sa kanya ng
anghel, “Bumangon ka. Iuwi mo na sa Israel ang
iyong mag-ina sapagkat patay na ang mga
nagtatangka sa buhay ng bata.” Kaya't bumangon
nga si Jose at iniuwi sa Israel ang kanyang mag-
ina. Ngunit nang mabalitaan niyang naghahari sa
Judea si Arquelao na anak ni Herodes, natakot
siyang pumunta roon. At dahil binigyan siya ng
babala sa kanyang panaginip, sila ay tumuloy sa
Galilea, at doon nanirahan sa bayan ng Nazaret.
Sa gayon, natupad ang sinabi ng mga propeta:
“Siya'y tatawaging Nazareno.”

Pari: Ang mabuting balita ng


Panginoon!
Bayan: Papuri sa Iyo, Panginoong
HesuKristo.

Uupo ang lahat upang pakinggan ang Homilya.

Page 7 of 10
PANALANGIN NG BAYAN
Luluhod ang bayan.

Pari: Halina’t hilingin natin sa


Mahabaging Diyos ang lahat
nating mga pagsamo. Ang ating
sasambitin: MAHABAGING
DIYOS, KAAWAAN MO KAMI!

Namumuno: Maging matalino nawa sa


paggawa ng desisyon ang aming
mga pinuno sa pamahalaan.
Manalangin tayo.

Namumuno: Maging daluyan nawa ng Yong


tapat na pag-ibig at tunay na
paglilingkod ang aming mga
Obispo, pari ay diyakono.
Manalangin tayo.

Namumuno: Hagkan mo Panginoon ang puso


ng bawat Kristiyano na nananalig
sa Iyo na tahakin ang landas
patungo sa Iyo sa bagong taong
kaloob Mo sa amin. Manalangin
tayo.

Namumuno: Sa paggabay ng Yong Banal na


Espiritu ay makagampan nawa
ang bawat Aglipayano sa
inaasahang paglilingkod tulad ni

Page 8 of 10
Jose na abang lingkod Mo.
Manalangin tayo.

Namumuno: Dinggin mo nawa Panginoon ang


puso ng mga kapatid naming may
karamdaman. Manalangin tayo.

Namumuno: Tanggapin mo nawa Panginoon


ang kaluluwa ng aming mga
kapatid na namayapa.
Manalangin tayo.

Namumuno: Maglaan tayo ng saglit na


katahimikan upang idalangin ang
ating mga sariling kahilingan.

Pari: Sa Iyo namin ibinabalik O Diyos


ang kaluwalhatian at kabanalan.
Dinggin mo po ang aming mga
panalangin. Kami ay paging
dapatin at turuang sumunod sa
Banal Mong layunin. Amen.

Magpapatuloy ang misa sa pagbabatian ng


Kapayapaan at isusunod ang pag-aalay.

Page 9 of 10
Page 10 of 10

You might also like