You are on page 1of 5

UNITED CHURCH OF CHRIST IN THE PHILIPPINES

MLJ-WEST CENTRAL LUZON CONFERENCE

November 20, 2022 10:00 AM

NOVEMBER:CHRISTIAN STEWARDSHIP MONTH


Migrant Worker’s & Ecumenical Witness Sunday
THEME: “Rebuilding & Restoring with Hope:
Heralding the Full Life”
(23th Sunday of Ecclesial Year 2022-2023/ P29-O34)

KAAYUSAN NG PAGSAMBA
Tahimik na Pagninilay-nilay: “We Christians bring peace and grace as a treasure to be offered to the
world, but these gifts can bear fruit only when Christians live and work together in harmony. This makes
it easier to contribute to building relations of respect and peaceful coexistence with those who belong
to other religious traditions, and with non-believers.”- Pope Francis
Prosesyunal at Paghahanda sa Altar
Paanyaya sa Pagdiriwang Patnugot:
Patnugot: Anong paglilingkod ang tunay na nakalulugod sa Dios? Narito ang paalala sa atin
habang sama-sama nating ipinagdiriwang ang Linggo ng mga Migranteng Manggagawa
gayundin naman ang Ekyumenikal na Pagsaki natin bilang mga alagad ni Cristo, ang Hari ng
mga hari.
Kapulungan: Ang Wika ng Aklat ng Hebreo, “Magpatuloy kayo sa pag-iibigan bilang
magkakapatid kay Cristo. Huwag ninyong kalimutang patuluyin ang mga dayuhan sa
tahanan ninyo. May mga taong gumawa niyan noon, at hindi nila alam na mga anghel na
pala ang mga bisita nila.
Patnugot: Damayan ninyo ang mga kapatid na nasa bilangguan na parang nakabilanggo
rin kayong kasama nila, at damayan din ninyo ang mga kapatid na pinagmamalupitan na
para bang dumaranas din kayo ng ganoon.” Halina, ipahayag nawa ng ating sama-samang
pagsamba ang kahandaang nating maglingkod sa Kanya sa pamamagitan ng pagsasabuhay
sa aral na ito. Papurihan natin ngayon ang Panginoon! Manalangin tayo:
 Imbokasyon Patnugot
Papuri at luwalhati sa Iyo Oh Diyos naming Makapangyarihan at ang presensya’y
sumasalahat. Samahan kami ng Banal na Espiritu sa aming pagsamba at hingaan
kami ng patnubay upang makasumpong kami ng kaayusan at kahulugan sa aming
pananambahan at sama-samang paglilingkod. Alang-alang kay Cristo Jesus na
aming Panginoon at Tagapagligtas, Amen.
 Imno Ng Pagpupuri: “All Hail the Power of Jesus Name” AIK# 182
All hail the power of Jesus' name! Let angels prostrate fall.
Bring forth the royal diadem, and crown him Lord of all.
Bring forth the royal diadem, and crown him Lord of all!
O seed of Israel's chosen race now ransomed from the fall,
hail him who saves you by his grace, and crown him Lord of all.
Hail him who saves you by his grace, and crown him Lord of all!
Let every tongue and every tribe responsive to his call,
To him all majesty ascribe, and crown him Lord of all.
To him all majesty ascribe, and crown him Lord of all!
Oh, that with all the sacred throng we at his feet may fall!
We'll join the everlasting song and crown him Lord of all.
We'll join the everlasting song and crown him Lord of all.
ANG SAMBAHAYAN NG DIYOS SA PAGSISISI
Paanyaya sa pagsisisi
Patnugot: Sa ilang sandali ng katahimikan, ipanatag natin ang ating kalooban sa harapan ng
Diyos na nakadarama sa bigat ng ating mga kasalanan. Manatili at pakinggan ang Kanyang
tinig na nangungusap sa ating mga puso:
Kapulungan: Ikinukumpisal namin sa Iyo O Diyos ang mabilis naming paghusga sa aming
kapwa, nakokompromiso namin ang katotohanan at katarungan alang-alang sa sarili
naming kapakanan,patawarin kami bilang Iyong bayan sa pagwawalang bahala sa
kalagayan ng aming kapwa ,sa mga panahong pinipili namin ang aming makakasalamuha,
hindi kami naging bukas para sa iba- at nagkait ng kamay ng pagtanggap sa kanila.
Patnugot: Halina, pumaloob tayo sa biyaya ng habag. Ang Diyos ay nakahandang patawarin
tayo sa lahat ng ating mga nagawang pagkukulang at kasalanan.
Sandali ng katahimikan sa paghahayag ng mga kasalanan

Imno ng Pagsisisi: “Grace Greater Than our Sin l” AIC#75


Marvelous grace of our loving Lord, Grace that exceeds our sin and our guilt!
Yonder on Calvary’s mount outpoured, there where the blood of the Lamb was spilled.
Refrain: Grace, grace, God’s grace,
Grace that will pardon and cleanse within;
Grace, grace, God’s grace, Grace that is greater than all our sin!
Dark is the stain that we cannot hide; What can we do to wash it away?
Look! There is flowing a crimson tide, brighter than snow you may be today.
Katiyakan ng kapatawaran
Narito ang Mabuting Balita, tayong mga makasalanan at nabubuhay sa kadiliman, ay may
pag-asa sapagkat siansabi sa atin ng Banal na kasulatan ang ganito, “ 13 Iniligtas niya tayo sa
kapangyarihan ng kadiliman at inilipat sa kaharian ng kanyang minamahal na Anak. 14 Sa pamamagitan
niya ay napalaya tayo, samakatuwid ay pinatawad ang ating mga kasalanan [sa pamamagitan ng kanyang
dugo.” Salamat kay Cristo Jesus na nagpatawad sa ating mga kasalanan at nagkaloob ng
kaligtasan at buhay na walang hanggan! Sa diwang ito, batiin natin ng kapayapaan ang
bawat isa.
Masayang Pagbabatian Ng Kapayapaan
Mga Paalala
Panalanging Pastoral
Panalangin sa Awit: “God will Make A Way”
God will make a way where there seems to be no way
He works in ways we cannot see He will make a way for me
He will be my guide hold me closely to His side
With love and strength for each new day
He will make a way He will make a way
ANG SALITA NG DIYOS
Mula sa Banal na Kasulatan
Unang Pagbasa: Genesis 12:1-3
Sagutang Pagbasa: Awit 46 Patnugot
Ebanghelyo: Mateo 4:18-22 Pastor
PAGBASA SA EBANGHELYO AYON KAY MATEO 4: 18-22
Ang Pagtawag sa Apat na Mangingisda
18
Minsan, naglalakad si Jesus sa tabi ng Lawa ng Galilea. Nakita niyang naghahagis ng
lambat sa lawa ang dalawang mangingisda, si Simon na tinatawag ding Pedro, at ang
kapatid niyang si Andres. 19 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Sumunod kayo sa akin at gagawin
ko kayong mga mangingisda ng mga tao.” 20 Noon di'y iniwan nila ang kanilang mga
lambat at sumunod kay Jesus. 21 Nagpatuloy siya ng paglalakad at nakita rin niya ang
magkapatid na Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo. Sila'y nasa bangka kasama ng
kanilang ama, at nag-aayos ng lambat. Tinawag din sila ni Jesus. 22 Agad nilang iniwan
ang bangka at ang kanilang ama, at sumunod kay Jesus.
ITO ANG MABUTING BALITA NG ATING KALIGTASAN!

Tugong Awit: “Seek Ye First”


Seek ye first the kingdom of God and His righteousness;
And all these things shall be added unto you, Hallelu, Hallelujah!
Ask, and it shall be given unto you; Seek, and you shall find.
Knock, and it shall be opened unto you Hallelu, Hallelujah!
Man shall not live by bread alone, but by every word
That proceeds out from the mouth of God, Hallelu, Hallelujah!
MULA SA AWIT
MULA SA SALITA Pastor
TUGON NG SAMBAHAYAN NG DIYOS
Sa Pamamagitan Ng Pagkakaloob
“Magagawa ng Diyos na pasaganain sa inyo ang bawat biyaya upang sa lahat ng paraan ay
magkaroon kayo ng kasapatan at sumagana kayo sa bawat mabuting gawa. Ayon sa
nasusulat: Namamahagi siya sa malalayong dako, nagbigay siya sa mga mahihirap. Ang
kaniyang katuwiran ay mananatili magpakailanman….Sa lahat ng bagay ay payayamanin
niya kayo sa inyong matapat na pagbibigay. Ito ay magdudulot sa amin ng pagpapasalamat
sa Diyos.” Halina, tugunin natin ang kagandahang loob ng Diyos na pagpalain tayo. Gawin
natin ngayon ang masayang paghahandog ng ating mga alay, mga pangako at ikapu.
Paglikom sa mga Handog na Alay, Mga Pangako at Ikapu
Tagalikom- Deacon
 Awit ng Paghahandog “Doxology”
 panalangin sa mga Handog
Labis labis Ka kung magpala at magkaloob sa amin na Iyong mga anak Oh Panginoong Diyos. Lagi at
sa tuwina ay nararanasan namin ang Iyong pag-ibig, kabutihan at malasakit. Nawa, ang aming mga
kaloob sa Iyo ay maging kapahayagan din ng aming pagmamahal sa Iyo at sa Iyong ministeryo.
Pagpalain Mo nawa ang aming mga handog at kaming patuloy nanag-aalay ng mga buhay para sa
banal Mong paggamit. Amen.
ANG PAGHAYO NG SAMBAHAYAN NG DIYOS
Imno Ng Paghayo “Anywhere with Jesus” AIK#128
Kung kasama kong lagi ay si Cristo, saan man ako dalhin ay yayao
Ngunit kung mag-iisa lamang ako, may kalungkuta’t takot ang buhay ko.
Refrain: Saan man, saan man di mangangamba
Buhay ko’y ligtas kung ang kasama’y Siya.
Kung si Cristo ang kasama tuwina, ang tukso ay di ko na alintana
Kung sakali mang dumanas ng tukso ang tiyak magtatagumpay rin ako. (Refrain)
Kung si Cristo ay kasama tuwina sa aking lakad laging may sasama;
kung lisaninman ako ng sinuman, ang kasama ko’y Cristong di lilisan. (Refrain)
 Sa lupa’t dagat kung S’ya ang sasama, kung ako’y mang-aakit ng kalulwa,kung
akingsundin lagi ang utos Nya, kung kasama ko’y tagumpay ang bunga. (Refrain)
 pangwakas na Panalangin at Pagpapala
Sa ating paghayo, ipamalas nawa ng ating mga buhay ang kagalakan na mayroon
tayong Diyos na naghahari sa atin. Ihanda natin ang daraanan ng Panginoon. Pagtiisan
natin ang lahat ng bagay. At turuan ng buong tiyaga ang mga tao tungkol sa Kaligtasan at
kapatawarang nagbubuhat kay Cristo.
Nawa ang Diyos ay ingatan tayo, si Cristo Jesus ay palakasin tayo ng Kanyang
kapangyarihan, at ang Banal na Espiritu’y kupkupin tayo sa kapayapaan at itunton ang mga
paa natin sa daan ng katwiran.
Humayo tayo ngayon sa kapayapaan, upang ibigin at paglingkuran ang Iisang
Diyos, ang Ama, ang Anak at Diwang Patnubay, Amen. ang Diyos. Amen.

tatlong Amen Tahimik na Magnilay ang Lahat


“A church in the land without the Spirit is rather a curse than a blessing. If you have not the Spirit of
God, Christian worker, remember that you stand in somebody else's way; you are a fruitless tree
standing where a fruitful tree might grow.”-Charles Spurgeon

SAGUTANG PAGBASA MULA SA AKLAT NG MGA AWIT (46)


Patnugot: Ang Dios ang ating kanlungan at kalakasan.
Siyaʼy laging nakahandang sumaklolo sa oras ng kagipitan. 2 Kaya huwag
tayong matatakot kahit lumindol man, at gumuho ang mga bundok at bumagsak
sa karagatan.
Kapulungan: Humampas man at umugong ang mga alon na naglalakihan, at
3

mayanig ang kabundukan.


Patnugot: May ilog na nagbibigay ng kagalakan sa bayan ng Dios, sa banal na
4

tahanan ng Kataas-taasang Dios. 5 Ang Dios ay nakatira sa lungsod na ito kaya hindi ito
magigiba. Itoʼy kanyang ipagtatanggol sa kinaumagahan.
Kapulungan: 6 Nagkakagulo ang mga bansa; bumabagsak ang mga kaharian. Sa
sigaw ng Dios, ang mga tao sa mundo ay parang matutunaw sa takot.
Patnugot: 7
Kasama natin ang PANGINOON ng hukbo ng kalangitan. Ang Dios ni
Jacob ang ating kanlungan.
9
Kanyang pinatitigil ang mga digmaan sa lahat ng sulok ng mundo. Binabali niya ang
mga sibat, pinuputol ang mga pana, at sinusunog ang mga kalasag.
Kapulungan: 10 Sinasabi niya, “Tumigil kayo at kilalanin ninyo na ako ang
[a]

Dios. Akoʼy pararangalan sa mga bansa.


Akoʼy papupurihan sa buong mundo.”
LAHAT: 11
Kasama natin ang PANGINOONG Makapangyarihan.
Ang Dios ni Jacob ang ating kanlungan.
ANG SALITA NG DIYOS!

ANG UNANG PAGBASA AY MULA SA GENESIS 12:1-3


Tinawag ng Diyos si Abram
12 Sinabi ni Yahweh kay Abram, “Lisanin mo ang iyong bayan, ang tahanan ng iyong
ama at mga kamag-anak, at pumunta ka sa bayang ituturo ko sa iyo. 2 Pararamihin ko
ang iyong mga anak at apo at gagawin ko silang isang malaking bansa. Pagpapalain
kita, at gagawin kong dakila ang iyong pangalan at ikaw ay magiging pagpapala sa
marami. 3 Ang sa iyo'y magpapala ay aking pagpapalain,
at ang sa iyo'y sumumpa ay aking susumpain; sa pamamagitan mo, lahat ng mga bansa
sa daigdig ay aking pagpapalain.”
[a]

ANG SALITA NG DIYOS!

You might also like