You are on page 1of 36

PAGDIRIWANG NG

BANAL NA EUKARISTIYA

AT ANG

RITO NG ORDENASYON
SA PAGKA-OBISPO

NG LUBHANG KAGALANG-GALANG

SIEL HONTIVEROS

OBISPO NG NOVALICHES

Tradisyonal na Bisperas ng Kapistahan ni San Pio X

Setyembre 2, 2022

Catedral de Novaliches
2 ORDENASYON NG LUB. KGG. SIEL HONTIVEROS

ANG ESKUDO NG
LUB. KGG. SIEL HONTVEROS
OBISPO NG NOVALICHES

ORDENASYON NG LUB. KGG. SIEL HONTIVEROS 3 PANIMULANG RITU

Matapos ang awiting pambungad, habang nakatayo ang lahat, ang Cardinal at ang
mga tao ay magkukrus. Ipahahayag ng Cardinal na nakaharap sa mga tao:

S
a ngalan ng Ama at ng
Anak at ng Espiritu Santo.
Sasagot ang mga tao:

Amen.

Ilalahad ng Cardinal ang kanyang mga kamay bilang pagbati sa mga tao, habang
ipinahahayag:

Sumainyo ang Kapayapaan.

Sasagot ang mga tao:

At sumainyo rin.

Aanyayahan ng Cardinal ang mga tao:

Mga kapatid, aminin natin ang


ating mga kasalanan
upang tayo’y maging marapat gumanap
sa banal na pagdiriwang.

Magkakaroon ng saglit na katahimikan. Pagkatapos nito, lahat ay sabay-sabay na


aamin sa nagawang kasalanan.
makapangyarihang

i Diyos, at sa inyo,
mga kapatid,
naamin ko sa
na lubha akong nagkasala
4 ORDENASYON NG LUB. KGG. SIEL HONTIVEROS Ang lahat ay dadagok sa dibdib.

sa isip, sa salita, sa gawa


at sa aking pagkukulang.
Kaya isinasamo ko
sa Mahal na Birheng Maria,
sa lahat ng mga anghel at mga banal
at sa inyo, mga kapatid,
na ako’y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.

Ipahahayag ng Cardinal ang pagpapatawad:

Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos,


patawarin tayo sa ating mga kasalanan,
at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.

Sasagot ang mga tao:

Amen.

KYRIE

℣: Panginoon, kaawaan mo kami.


℟: Panginoon, Kaawaan mo kami.

℣: Kristo, kaawaan mo kami.


℟: Kristo, Kaawaan mo kami.

℣: Panginoon, kaawaan mo kami.


℟: Panginoon, Kaawaan mo kami.
ORDENASYON NG LUB. KGG. SIEL HONTIVEROS 5 GLORIA

at sa lupa’y kapayapaan sa mga


P taong kinalulugdan niya.

apuri sa Diyos sa kaitaasan


Pinupuri ka namin,
dinarangal ka namin,
sinasamba ka namin,
ipinagbubunyi ka namin,
pinasasalamatan ka namin,
dahil sa dakila mong angking kapurihan.
Panginoong Diyos, Hari ng langit,
Diyos, Amang makapangyarihan sa lahat.
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak,
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
tanggapin mo ang aming kahilingan.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
maawa ka sa amin.
Sapagka't ikaw lamang ang banal,
ikaw lamang ang Panginoon,
ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataas-taasan,
kasama ng Espiritu Santo
sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen.
6 ORDENASYON NG LUB. KGG. SIEL HONTIVEROS Pagkaraan ng awit, magkadaop ang

mga kamay na ipahahayag ng Cardinal: Manalangin tayo.

Ang lahat kaisa ng Cardinal ay tahimik na mananalangin nang saglit.

Pagkalipas ng ilang sandali, ilalahad ng Cardinal ang kanyang kamay at ipahahayag


ang panalanging pambungad.
makapangyarihan,

A ipagkaloob mong sa
pagpaparangal namin
ma naming
sa Puso ng Anak mong minamahal
ngayong ginugunita namin
ang kanyang pag-ibig na aming pinakikinabangan
kami nawa’y pagindapating madaluyan
ng nag-uumapaw na batis ng mga biyayang iyong bigay
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Sa katapusan nito’y sasagot ang mga tao ng pagbubunyi:

Amen.

ORDENASYON NG LUB. KGG. SIEL HONTIVEROS 7 PAGPAPAHAYAG NG SALITA

NG DIYOS

UNANG PAGBASA Ezekiel 34, 11-16 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel

I
to ang sinabi ng Panginoon:
“Ako mismo ang maghahanap at mag-aalaga sa aking mga tupa.
Kung paanong hinahanap ng pastol ang tupa niyang nawawala,
gayon ko hahanapin ang aking tupa.
Kukunin ko sila saan man sila itinapon noong panahon ng kanilang
kasamaan. Titipunin ko sila mula sa iba’t ibang dako upang ibalik sa sarili
nilang bayan. Doon ko sila aalagaan sa kaparangan ng Israel,
sa tabi ng mga bukal ng tubig at sa magagandang pastulan.
Aalagaan ko sila sa sariwang pastulan sa tahimik na kaburulan ng Israel.
Ako mismo ang magpapastol sa kanila at hahanap ng kanilang
pahingahan. Hahanapin ko ang nawawala,
ibabalik ang nalalayo,
hihilutin ang napilay,
palalakasin ang mahihina,
at babantayan ang malulusog at malalakas.
Ibibigay ko sa kanila ang kailangan nilang pagkain.”

Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng


tagapaglahad: Ang Salita ng Diyos.

Sasagot ang lahat:

Salamat sa Diyos.
8 ORDENASYON NG LUB. KGG. SIEL HONTIVEROS SALMO Salmo 22, 1-3a. 3b-4.

5. 6

℟: Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop.

Panginoo’y aking Pastol, hindi ako magkukulang.


Ako’y pinahihimlay sa mainam na pastulan,
at inaakay niya ako sa tahimik na batisan,
binibigyan niya ako niyong bagong kalakasan.

℟: Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop.

At sang-ayon sa pangako na kaniyang binitiwan


sa matuwid na landasi’y doon ako inaakay.
Kahit na ang daang iyo’y tumatahak sa karimlan,
hindi ako matatakot pagkat ika’y kaagapay;
ang tungkod mo at pamalo ang gabay ko at sanggalang.

℟: Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop.

Sa harapan ng lingkod mo, ikaw ay may handang dulang,


ito’y iyong ginagawang nakikita ng kaaway;
nalulugod ka sa akin na ulo ko ay langisan
at pati na ang kalis ko ay iyong pinaaapaw.

℟: Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop.

Tunay na ang pag-ibig mo at ang iyong kabutihan,


sasaaki’t tataglayin habang ako’y nabubuhay.
Doon ako sa templo mo lalagi at mananahan.
℟: Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop.
ORDENASYON NG LUB. KGG. SIEL HONTIVEROS 9 IKALAWANG PAGBASA Roma

5, 5b-11 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Ang pag-ibig ng Diyos ay


M ibinuhos sa ating mga puso

ga kapatid:
sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ipinagkaloob na sa atin.

Sapagkat noong tayo’y mahihina pa,


namatay si Kristo sa takdang panahon para sa mga
makasalanan. Mahirap mangyaring ialay ninuman ang
kanyang buhay
alang-alang sa isang taong matuwid – bagamat maaaring may
mangahas na gumawa nito alang-alang sa isang mabuting tao.
Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin
nang mamatay si Kristo para sa atin noong tayo’y makasalanan pa.
At ngayong napawalang-sala na tayo sa pamamagitan ng kanyang
dugo, lalo nang tiyak na maliligtas tayo sa poot ng Diyos sa
pamamagitan niya. Dati, tayo’y mga kaaway ng Diyos, ngunit
ngayon,
tinatanggap na niya tayong mga kaibigan
alang-alang sa pagkamatay ng kanyang Anak.
Kaya’t tiyak ang pagkaligtas natin sa pamamagitan ng pagiging buhay ni
Kristo. Hindi lamang ito!
Nagagalak tayo’t nagpupuri sa Diyos
sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesukristo
sapagkat dahil sa kanya ay tinanggap tayo ng Diyos na mga kaibigan

niya. Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng

tagapaglahad: Ang Salita ng Diyos.

Sasagot ang lahat:


Salamat sa Diyos.
10 ORDENASYON NG LUB. KGG. SIEL HONTIVEROS ALELUYA Juan 10, 14

℟: Aleluya! Aleluya!
Ako’y pastol na butihin
kilala ko’ng tupang akin;
ako’y kilala nila rin.
℟: Aleluya! Aleluya!

Samantalang ginaganap ang pag-awit, maglalagay ng insenso sa insensaryo ang


Cardinal kung minamabuting gamitin ito. Pagkaraan, ang diyakonong magpapahayag
ng Mabuting Balita ay yuyuko sa harap ng Cardinal at hihilingin niya ang pagpapala
sa mahinang tinig:

Padre, ako po ay inyong gawaran ng pagpapala.

Ang Cardinal ay mangungusap nang mahina:


iyong mga labi

S
manahan nawa
ang Panginoon
a iyong puso at sa
upang marapat mong maipahayag
ang kanyang Mabuting Balita,
sa ngalan ng Ama at ng Anak ✠ at ng Espiritu Santo.

Ang diyakono ay sasagot:

Amen.

Kapag walang diyakono, ang Cardinal na nakayuko sa gawing dambana ay


magdarasal nang pabulong:
akapangyarihang Diyos,

M gawin mong dalisay ang


aking puso at mga labi
upang marapat kong maipahayag ang Mabuting Balita.
ORDENASYON NG LUB. KGG. SIEL HONTIVEROS 11 MABUTING BALITA Lucas 15,

3-7

℣: Sumainyo ang Panginoon.


℟: At sumaiyo rin.

℣: ✠ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas ℟:


Papuri sa iyo, Panginoon.
ni Hesus sa mga Pariseo at

N mga eskriba ang


talinghagang ito:
oong panahong iyon, sinabi

“Kung ang sinuman sa inyo ay may sandaang tupa,


at mawala ang isa, ano ang gagawin niya?
Iiwan ang siyamnapu’t siyam sa ilang
at hahanapin ang nawawala hanggang sa matagpuan, hindi ba?
Kapag nasumpungan na’y masaya niyang papasanin ito.
Pagdating ng bahay,
aanyayahan niya ang kanyang mga kaibigan at mga kapitbahay.
Sasabihin niya,
‘Makipagsaya kayo sa akin,
sapagkat nasumpungan ko sa wakas ang tupa kong nawawala!’
Sinasabi ko sa inyo,
magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit
dahil sa isang makasalanang nagsisisi’t tumatalikod sa kanyang
kasalanan kaysa siyamnapu’t siyam na matuwid na hindi
nangangailangang magsisi.

Sa katapusan, ihahayag niya:

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Magbubunyi ang lahat:


Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

Dadalhin ng diyakono ang Aklat ng Mabuting Balita sa Cardinal upang basbasan ang
mga tao gamit ito. Pagkatapos ng pagbabasbas, ang lahat ay mauupo.
12 ORDENASYON NG LUB. KGG. SIEL HONTIVEROS RITO NG PAG-OORDEN

Matapos ang pagbasa ng Mabuting Balita, gaganapin ang pagtawag sa oordenan. Sa


panimula ng Rito ng Pag-oorden, aawitin ang Veni Creator Spiritus bilang pagtawag
sa Espiritu Santo sa oordenan.

Diyakono:

Lumapit ang oordenang Obispo:


Reberendo Mons. Siel Hontiveros

Ang tinawag ay tutugon:

Narito po.

Pari:

Minamahal na Cardinal,
hinihiling po ng Inang Simbahan
na ordenan ang kapatid nating ito
upang maging obispo.

Ang Cardinal:

Mayroon ba kayong kasulatan mula sa Santa Sede?

Pari:

Mayroon po.

Ang Cardinal:

Kung gayon, basahin at ipahayag ito.


ORDENASYON NG LUB. KGG. SIEL HONTIVEROS 13 ANG PAGBASA NG

KASULATAN MULA SA SANTA SEDE

Babasahin ng Kansilyer ang Kasulatan mula sa Santa Sede. Pagkatapos, tutugon ang
lahat ng “Salamat sa Diyos.”

HOMILIYA

Lahat ay nakaupo habang ibinibigay ng Cardinal ang Homiliya.

ANG PAGTATANONG SA OORDENAN

Pagkaraan ng homiliya, ang oordenan ay tatayo sa harap ng Cardinal. Ang Cardinal


ay magtatanong sa oordenan at siya naman ay tutugon.
patakaran ng mga

K amang nangasiwa sa
Simbahan.
inagisnan na natin ang
Itinakda nito na ang oordenang Obispo
ay bigyan ng pagsusulit
sa harap ng mga natitipong tao
upang maihayag ang pananampalataya
at ang kusang pag-ako
sa paglilingkod ng oordenan.

Minamahal kong kapatid,


nakahanda ka bang tumupad
hanggang sa huling sandali ng iyong buhay
sa tungkuling ipinagkatiwala sa atin
ng mga apostol at ngayo’y iniaatang sa iyo
sa pagpapatong ng aming mga kamay
upang gampanan mo sa tulong ng Espiritu Santo?

Ang oordenan:

Nakahanda po ako.
14 ORDENASYON NG LUB. KGG. SIEL HONTIVEROS Ang Cardinal:

Nakahanda ka bang magpahayag ng Mabuting Balita


nang may buong katapatan?

Ang oordenan:

Nakahanda po ako.

Ang Cardinal:

Nakahanda ka bang mapanatili


ang deposito ng pananampalataya
ang kabuoan nito at hindi magbabago,
na tinanggap mula sa mga apostol,
at ipinahahayag ng simbahan
kahit saan at kahit kailan?

Ang oordenan:

Nakahanda po ako.

Ang Cardinal:

Nakahanda ka bang buoin ang simbahan


bilang Katawan ni Kristo at manatiling kaisa nito
kasama ang Kalipunan ng mga Obispo
sa ilalim ng kapangyarihan ng kahalili
ni Apostol San Pedro?

Ang oordenan:

Nakahanda po ako.
ORDENASYON NG LUB. KGG. SIEL HONTIVEROS 15 Ang Cardinal:

Nakahanda ka bang maging tapat na ama


sa pagpapanatili ng bayan ng Diyos,
at gabayan sila sa landas ng kaligtasan,
kaisa na rin ng mga pari at mga diakono
na nakikibahagi sa iyong ministeryo?

Ang oordenan:

Nakahanda po ako.

Ang Cardinal:

Nakahanda ka bang magpakita ng kabutihan


at habag sa ngalan ng Panginoon sa mga dukha,
mga dayuhan, at mga nangangailangan?

Ang oordenan:

Nakahanda po ako.

Ang Cardinal:

Nakahanda ka bang maging mabuting pastol,


na hanapin ang mga tupang naliligaw,
at tipunin sila sa kawan ng Panginoon?

Ang oordenan:

Nakahanda po ako.
16 ORDENASYON NG LUB. KGG. SIEL HONTIVEROS Ang Cardinal:

Nakahanda ka bang manalangin para sa bayan ng Diyos


nang walang patid, at tuparin ang responsibilidad ng obispo,
na nagtataglay ng kabuoan ng Pagkapari,
upang hindi makapagbigay ng batayan sa paninirang-puri?

Ang oordenan:

Nakahanda po ako, sa tulong ng Diyos.

Ang Cardinal:

Bigyan nawa ng Diyos ng kaganapan


ang gawaing ito na kanyang sinimulan.

LITANYA NG MGA BANAL

Tatayo ang lahat. Ang Cardinal na hindi nakamitra ay tatayong magkadaop ang mga
kamay sa kanyang pagsasabi sa mga tao:
ga kapatid,

M manalangin tayo sa Diyos


Amang makapangyarihan
upang kanyang pagpalain ang kapatid nating ito
na kanyang hinirang upang magtaguyod
para sa pangangailangan ng Simbahan.

Diyakono:

Magsiluhod ang lahat.

Ang oordenan ay dadapa at ang Litanya ng mga Banal sisimulang awitin.


ORDENASYON NG LUB. KGG. SIEL HONTIVEROS 17

Pagkatapos ng pag-awit ng Litanya, ang Cardinal na magkadaop ang mga kamay ay


mananalangin.
mang mapagmahal,

A ipagkaloob mo ang
aming kahilingan.
Ang hinirang mong ito
ay iyong bigyan ng mga kaloob ng Espiritu Santo
at ng kinakailangang lakas ng obispo
upang ang mga inihahain namin
sa iyong maka-Amang pag-ibig ay laging magtamasa
ng iyong masaganang tulong at awa.
Hinihiling namin ito
sa pamamagitan ni Hesukristo
na Panginoon namin
magpasawalang hanggan.

Ang lahat ay tutugon:


Amen.

Diyakono:

Magsitayo ang lahat.

LITANYA NG MGA BANAL

Ipapatong ng Cardinal ang kanyang mga kamay sa ulo ng oordenan nang tahimik.
Pagkatapos, ang lahat ng mga obispo nakikiisa at nakasuot ng estola ay isa-isang
magpapatong ng mga kamay sa inoordenan nang walang anumang sinasabi.
Pagkatapos ng pagpapatong ng mga kamay, ang mga obispo ay mananatiling nasa
paligid ng Cardinal hanggang sa matapos ang panalangin ng ordenasyon.
18 ORDENASYON NG LUB. KGG. SIEL HONTIVEROS PANALANGIN NG

PAGTATALAGA

Habang dinadasal ng Cardinal, kasama ng mga nakikipagdiwang na mga Obispo ang


panalangin ng pagtatalaga, ang Aklat ng Mabuting Balita ay nakapatong sa ulunan
ng oordenahang Obispo.
iyong tulungan. Ikaw

A ang nagbibigay ng atas


ng gawain
mang Maykapal, kami'y
at tungkulin sa amin.

Ikaw ang pinanggagalingan ng pag-unlad


at lakas ng iyong nilikhang mga tao.
Ikaw ang nagtatag ng makaparing orden
at gawain ng mga anak ni Levi,
na sa Matandang Tipan ay hinirang mong tumulong
sa mga dakilang pari na namumuno sa iyong bayan.

Sa ilang, ipinagkaloob mo sa pitumpung piniling lalaki


ang diwa ni Moises na sa tulong nila'y namuno.

Ang mga anak ni Aaron ay ginawaran mo rin


ng masaganang pagpapala upang laging
may paring mangangasiwa sa bayan
at maghahain ng itinakdang pagsamba.

Ang iyong Anak na si Hesukrsito ay binigyan mo rin


ng mga alagad na hinirang mo upang magturo
ng pananampalataya at binigyan mo ng mga katuwang
sa paghahatid ng Mabuting Balita sa sanlibutan.

Isinasamo namin sa iyo, Amang makapangyarihan, bigyan mo


ng lakas kaming mga mahihina sapagkat sa ganang aming sarili
kami'y walang magagawa.
Makapangyarihang Ama,
hinihiling naming ipagkaloob mo sa iyong lingkod
ang orden ng pagkaobispo.
ORDENASYON NG LUB. KGG. SIEL HONTIVEROS 19

Pag-ibayuhin mo sa kanya ang Espiritu ng kabanalan,


ang tungkuling tinanggap sa iyo, O Diyos,
para sa kabuoan ng pagkapari
ay kanya nawang magampanan
at maging halimbawa nawa siya ng ulirang pamumuhay
para sa kapwa.

Maging mahusay nawa siya


sa pagtuwang bilang Obispo at Pastol,
upang ang mga pangungusap ng Mabuting Balita ay sumapit,
sa lahat ng panig ng daigdig,
at ang lahat ng mga tinipong tao ni Hesukristo
ay mapisan sa iyong angkan.

Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo


kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Ang lahat ay tutugon:

Amen.

PAGBUBUHOS NG LANGIS SA ULUNAN


Ang oordenang obispo ay luluhod sa harapan ng Cardinal.

Ang Cardinal:

Ang Diyos na makapangyarihan ay tinawag ka


upang makibahagi sa dakilang pagkapari ni Kristo.
Ibuhos niya nawa sa iyo ang langis na nagpapabanal
at pagyamanin ka ng kanyang pagpapala.
20 ORDENASYON NG LUB. KGG. SIEL HONTIVEROS PAG-AABOT NG AKLAT NG

MABUTING BALITA.

Ang oordenang obispo ay lalapit sa Cardinal na mag-aabot ng Aklat ng Mabuting


Balita sa pagluhod sa kanyang harap.

Ang Cardinal:

Tanggapin mo ang Mabuting Balita ni Hesukristo


na siyang iyong ipahahayag.
Panaligan mo ang iyong inilalahad.
Ituro mo ang iyong pinananaligan.
Isakatuparan mo ang iyong ipinangangaral.

PAGKAKALOOB NG SINGSING, MITRA, AT BACCOLO

Ang Cardinal ay isusuot ang singsing sa kamay ng bagong obispo.

Ang Cardinal:

Tanggapin mo ang singsing na ito,


tanda ng iyong katapatan.
Ipagtanggol mo nang may pananampalataya
at pag-ibig ang kabiyak ng Diyos,
ang kanyang simbahan.

Matapos, ang Cardinal ay isusuot ang mitra sa ulunan ng bagong obispo, nang
walang sinasabi. Pagkatapos ay ipagkakaloob niya ang baccolo sa obispo na ang
sinasabi.

Tanggapin mo ang tungkod na ito,


tanda ng iyong ministeryo.
Bantayan mo ang kawan mo,
na itinalaga ng Espiritu Santo
upang pamahalaan mo ang Bayan ng Diyos.
ORDENASYON NG LUB. KGG. SIEL HONTIVEROS 21 PAGLULUKLOK SA BAGONG

OBISPO

Aanyayahan ng Cardinal ang bagong obispo na umupo sa upuan na nakatalaga sa

kanya. BATI NG KAPAYAPAAN

Isasantabi ng bagong obispo ang kanyang baccolo, at tatanggapin ang bati ng


kapayapaan mula sa Cardinal, at sa mga nakikipagdiwang na mga obispo.

PAGPAPAYAHAG NG PANANAMPALATAYA
sa Diyos Amang

S
makapangyarihan sa
lahat,
umasampalataya ako
na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya ako kay Hesukristo,
iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat.
Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo,
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato,
ipinako sa krus, namatay, inilibing.
Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang
may ikatlong araw nabuhay na mag-uli.
Umakyat sa langit.
Naluluklok sa kanan ng Diyos
Amang makapangyarihan sa lahat.
Doon magmumulang paririto
at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako
sa Diyos Espiritu Santo,
sa banal na Simbahang Katolika,
sa kasamahan ng mga banal,
sa kapatawaran ng mga kasalanan,
sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao
at sa buhay na walang hanggan.
Amen.
22 ORDENASYON NG LUB. KGG. SIEL HONTIVEROS PAGDIRIWANG NG HULING

HAPUNAN

Ngayon nama’y tatayo ang Cardinal sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya
ang pinggan ng tinapay nang bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal
niya nang pabulong:
Lumikha sa sanlibutan. Sa

K iyong kagandahang-loob, narito


ang aming maiaalay.
apuri-puri ka, Diyos Amang
Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito para maging
pagkaing nagbibigay-buhay.

Ilalapag niya ang pinggan ng tinapay sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay
madarasal nang malakas ng Cardinal at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!

Ang diyakono o ang Cardinal ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis


habang dinarasal nang pabulong:

Sa paghahalong ito ng alak at tubig


kami nawa’y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo
na nagpagindapat makihati sa aming pagkatao.
Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng Cardinal ang kalis ng
bahagyang nakaangat sa dambana habang dinarasal niya ng pabulong:
Lumikha sa sanlibutan. Sa

K iyong kagandahang-loob, narito


ang aming maiaalay.
apuri-puri ka, Diyos Amang
Mula sa katas ng ubas at bunga ng aming paggawa ang alak na ito para
maging inuming nagbibigay ng iyong Espiritu.

Ilalapag niya ang kalis sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.


ORDENASYON NG LUB. KGG. SIEL HONTIVEROS 23

Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay
madarasal nang malakas ng Cardinal at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!

Pagkatapos, yuyuko ang Cardinal habang dinarasal niya nang pabulong:

Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kaming mga makasalanan.


Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilang handog
upang kami’y matutong sumunod sa iyo nang buong puso.

Kung minamabuting gawin, iinsensuhan ng Cardinal ang mga alay at ang dambana;
pagkaraa’y iinsensuhan ng diyakono o ng tagapaglingkod ang Cardinal at ang mga
nagsisimba.

Pagkatapos, ang Cardinal ay pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga


kamay samantalang pabulong niyang dinarasal:

O Diyos kong minamahal,


kasalanan ko’y hugasan
at linisin mong lubusan
ang nagawa kong pagsuway.

Pagbalik ng Cardinal sa gawing gitna ng dambana, ilalahad niya ang kanyang kamay
sa mga tao at muli niyang pagdaraupin habang kanyang ipinahahayag:
Manalangin kayo, mga kapatid,
upang ang paghahain natin ay kalugdan
ng Diyos Amang makapangyarihan.

Sasagot ang mga tao:

Tanggapin nawa ng Panginoon


itong paghahain sa iyong mga kamay
sa kapurihan niya at karangalan
sa ating kapakinabangan
at sa buong Sambayanan niyang banal.
24 ORDENASYON NG LUB. KGG. SIEL HONTIVEROS PANALANGIN UKOL SA MGA

ALAY

Pagkaraa’y, ilalahad ng Cardinal ang kanyang mga kamay:


ma naming Lumikha,

A tunghayan mo ang di
malirip na pag-ibig
ng Anak mong pinakamamahal
upang sa ikapagpapatawad ng aming mga kasalanan ang
inihahain namin ay maging kalugud-lugod na mga alay sa
pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Sasagot ang mga tao:

Amen.

PAGBUBUNYI O PREPASYO

℣: Sumainyo ang Panginoon.


℟: At sumaiyo rin.
℣: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.
℟: Itinaas na namin sa Panginoon.

℣: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos. ℟:


Marapat na siya ay pasalamatan.
makapangyarihan,

A tunay ngang
marapat
ma naming
na ikaw ay aming pasalamatan
sa pamamagitan ni Hesukristo
na aming Panginoon.
ORDENASYON NG LUB. KGG. SIEL HONTIVEROS 25

Dakilang pag-ibig niya ang nagbunsod


na maghain ng sarili
nang kami’y matubos kaya’t itinampok
siyang nakabayubay sa krus.
Mula sa kanyang tagilirang sinibat dugo’t tubig
ay masaganang dumanak
kaya’t sambayanan mo’y dito nabanaag.
Ito’y ang sangkatauhang
naakit sa puso ng iyong Anak na sumasagip
sa mga dumudulog sa batis
ng kanyang pag-ibig.

Kaya kaisa ng mga anghel


na nagsisiawit ng papuri sa iyo nang
walang humpay sa kalangitan:
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

SANCTUS

Santo, Santo, Santo


Panginoong Diyos ng mga hukbo!
Napupuno ang langit at lupa
ng kadakilaan mo!
Osana sa kaitaasan!

Pinagpala ang naparirito


sa ngalan ng Panginoon!
Osana sa kaitaasan!
26 ORDENASYON NG LUB. KGG. SIEL HONTIVEROS IKATLONG PANALANGIN NG

PAGPUPURI AT PASASALAMAT Nakalahad ang mga kamay ng Cardinal sa

pagdarasal.

Nagdidiwang lamang
ma naming banal,

A dapat kang purihin ng


tanang kinapal
sapagka't sa pamamagitan ng iyong Anak
na aming Panginoong Hesukristo
at sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu
ang lahat ay binibigyan mo ng buhay at kabanalan.
Walang sawa mong tinitipon ang iyong sambayanan
upang mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw
maihandog ang malinis na alay
para sambahin ang iyong ngalan.

Pagdaraupin ng Cardinal ang kanyang mga kamay at lulukuban ng mga kamay niya
ang mga alay habang siya’y nagdarasal.

Nagdidiwang, kasama ang mga nakikidiwang


ma,

A isinasamo naming
pakabanalin mo
sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu
ang mga kaloob na ito
na aming inilalaan sa iyo.
Pagdaraupin ng Cardinal ang kanyang mga kamay at kukrusan niya ang tinapay at
kalis, samantalang kanyang dinarasal:

Ito nawa ay maging Katawan at Dugo ✠


ng iyong Anak at aming Panginoong Hesukristo

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

na nag-utos ipagdiwang ang misteryong ito.


ORDENASYON NG LUB. KGG. SIEL HONTIVEROS 27

Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay ipahahayag ng


malinaw at nauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng kahulugan ng mga ito.

Noong gabing ipagkanulo siya,

Hahawakan ng Cardinal ang tinapay nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng


dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang tinapay,


pinasalamatan ka niya,
pinaghati-hati niya iyon,
iniabot sa kanyang mga alagad
at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang Cardinal.


LAHAT ITO AT KANIN:

T ITO ANG AKING


KATAWAN
ANGGAPIN NINYONG
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.

Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan ni Kristo, ipapatong niya
ito sa pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba.

Ang Cardinal ay magpapatuloy.


Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,

Hahawakan ng Cardinal ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana


habang kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang kalis


muli ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad
at sinabi:
28 ORDENASYON NG LUB. KGG. SIEL HONTIVEROS Bahagyang yuyuko ang Cardinal.

LAHAT ITO AT INUMIN:


T ITO ANG KALIS NG AKING
DUGO
ANGGAPIN NINYONG
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.

GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.

Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan ni
Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba.

Pagkatapos, ipahahayag ng Cardinal:

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.

Ang mga tao ay magbubunyi:

Si Kristo’y namatay!
Si Kristo’y nabuhay!
Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon!

Ilalahad ng Cardinal ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal:


Cardinal Cruz

ma,

A ginugunita
namin
ang pagkamatay ng iyong Anak
na sa ami’y nagligtas,
gayun din ang kanyang muling pagkabuhay
at pag-akyat sa kalangitan
samantalang ang kanyang pagbabalik
ay pinananabikan,
kaya bilang pasasalamat
ngayo’y aming iniaalay sa iyo
ang buhay at banal na paghahaing ito.
ORDENASYON NG LUB. KGG. SIEL HONTIVEROS 29

Tunghayan mo ang handog na ito


ng iyong Simbahan.
Masdan mo ang iyong Anak
na nag-alay ng kanyang buhay
upang kami ay ipakipagkasundo sa iyo.
Loobin mong kaming magsasalu-salo
sa kanyang Katawan at Dugo
ay mapuspos ng Espiritu Santo
at maging isang katawan at isang diwa kay Kristo.

Kami nawa ay gawin niyang handog


na habang panahong nakatalaga sa iyo.
Tulungan nawa niya kaming magkamit ng iyong pamana
kaisa ng Ina ng Diyos, ang Mahal na Birheng Maria,
kaisa ng mga Apostol, mga martir
at kaisa ng lahat ng mga Banal
na aming inaasahang laging nakikiusap para sa aming kapakanan.
Obispo Hontiveros

Ama,
ang handog na ito
ng aming pakikipagkasundo sa iyo
ay magbunga nawa ng kapayapaan at kaligtasan
para sa buong daigdig.
Patatagin mo sa pananampalataya at pag-ibig
ang iyong Simbahang naglalakbay sa lupa,
kasama ng iyong lingkod na si Papa Laurentius
ang mga Obispong si Francisco, Jose, at si Marcellino
ako, na iyong lingkod na inordenan ngayong araw na kanyang katuwang,
ng tanang mga Obispo at buong kaparian
at ng iyong piniling sambayanan.
Dinggin mo ang mga kahilingan ng iyong angkan
na ngayo’y tinipon mo sa iyong harapan.
30 ORDENASYON NG LUB. KGG. SIEL HONTIVEROS

Amang maawain,
kupkupin mo at pag-isahin ang lahat ng iyong mga anak
sa bawa’t panig at sulok ng daigdig.
✠ Kaawaan mo at patuluyin sa iyong kaharian
ang mga kapatid naming yumao
at ang lahat ng lumisan na sa mundong ito
na nagtataglay ng pag-ibig sa iyo.
Kami ay umaasang makararating sa iyong piling
at samasamang magtatamasa ng iyong kaningningang walang maliw
sapagka't aming masisilayan ang iyong kagandahan

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo


na siyang pinagdaraanan
ng bawa't kaloob mo sa aming kabutihan. ✠

Hahawakan ng Cardinal ang pinggang may ostiya at ang kalis na kapwa niya itataas
habang kanyang ipinahahayag:
S
A PAMAMAGITAN NI KRISTO, KASAMA NIYA, AT SA KANYA ANG
LAHAT NG PARANGAL AT PAPURI AY SA IYO,
DIYOS AMANG MAKAPANGYARIHAN,
KASAMA NG ESPIRITU SANTO
MAGPASAWALANG HANGGAN.

Ang mga tao ay magbubunyi:

Amen.
ORDENASYON NG LUB. KGG. SIEL HONTIVEROS 31 ANG PAKIKINABANG

Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng Cardinal nang may


magkadaop na mga kamay:

S
a tagubilin ng mga nakagagaling na utos
at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos
ipahayag natin nang lakas-loob:

Ilalahad ng Cardinal ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng lahat:

Ama namin, sumasalangit ka.


Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo
dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon
ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga sala
para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
Nakalahad ang mga kamay ng Cardinal sa pagdarasal:

H
inihiling naming
kami’y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
iligtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.


32 ORDENASYON NG LUB. KGG. SIEL HONTIVEROS Wawakasan ng sambayanan ang

panalangin sa ganitong pagbubunyi:

Sapagka't iyo ang kaharian


at ang kapangyarihan at ang kapurihan
magpakailanman! Amen.

Pagkatapos, malakas na darasalin ng Cardinal na nakalahad ang mga

kamay: P
anginoong Hesukristo,
sinabi mo sa iyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming pananampalataya
at huwag ang aming pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban
Pagdaraupin ng Cardinal ang kanyang mga kamay.

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Sasagot ang mga tao:

Amen.

Ang Cardinal ay paharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop ng mga kamay


sa pagpapahayag:

Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.

Sasagot ang mga tao:

At sumaiyo rin.

Maidaragdag, kung minamabuti, ang paanyayang ipahahayag ng diyakono o ng

Cardinal: Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.

ORDENASYON NG LUB. KGG. SIEL HONTIVEROS 33

At, alinsunod sa kaugalian ng iba’t ibang pook, ang mga nagsisimba ay


magbibigayan ng kapayapaan. Ang Cardinal at mga tagapaglingkod ay
makapagbibigayan ng kapayapaan

Pagkatapos, hahawakan ng Cardinal ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw


ng pinggan at isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:

Sa pagsasawak na ito
ng Katawan sa Dugo ng aming Panginoong Hesukristo
tanggapin nawa namin sa pakikinabang
ang buhay na walang hanggan.

Samantalang ginaganap ang paghahati-hati sa ostiya, aawitin o darasalin ang


pagluhog na ito:
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

Ito ay mauulit-ulit habang ginaganap ang paghahati-hati sa tinapay. Sa huling


pag-uulit saka pa lamang idurugtong ang ”ipagkaloob mo sa amin ang
kapayapaan.”

Magkadaop ang mga kamay ng Cardinal sa pabulong na pagdarasal:

Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay,


sa kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo,
binuhay mo sa iyong pagkamatay ang sanlibutan.
Pakundangan sa iyong banal na Katawan at Dugo,
iadya mo ako sa tanang aking kasalanan at lahat ng masama,
gawin mong ako’y makasunod lagi sa iyong mga utos,
at huwag mong ipahintulot na ako’y mawalay sa iyo kailanman.
34 ORDENASYON NG LUB. KGG. SIEL HONTIVEROS o kaya:

Ang pakikinabang sa Katawan at Dugo mo,


Panginoong Hesukristo,
ay huwag nawang magdulot ng paghuhukom
at parusa sa kasalanan ko.
Alang-alang sa iyong dakilang pag-ibig
nawa’y aking matanggap
ang pagkupkop mo sa akin at kaloob mong lunas.

Luluhod ang Cardinal at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa
ibabaw ng pinggan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi nang malakas:
I
to ang Kordero ng Diyos.
Ito ang nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.

Idurugtong niyang minsanan kaisa ng sambayanan:

Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo


nguni't sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.

Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na


nagdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.

Pagkatapos, hahawakan ng Cardinal ang kalis at pabulong na magdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.


ORDENASYON NG LUB. KGG. SIEL HONTIVEROS 35

Hahawakan niya ang pinggan o lalagyan ng ostiya at lalapitan niya ang mga
nakikinabang, bahagyang itataas ang ostiya para sa bawa't nakikinabang habang
sinasbi:

Katawan ni Kristo.

Ang nakikinabang ay tutugon:

Amen.
Samantalang nakikinabang ang Cardinal, sisimulan ang awit sa pakikinabang.

Pagkapakinabang, ang mga mumo ng ostiya na nasa pinggan ay titipunin sa kalis na


huhugasan ng diyakono o tagapaglingkod.

Habang ito ay ginaganap, pabulong siyang magdarasal:

Ama naming mapagmahal,


ang aming tinanggap ngayon ay amin nawang mapakinabangan
at ang iyong ipinagkaloob ay magdulot nawa sa amin
ng kagalingang pangmagpakailanman.

Makababalik ngayon sa upuan ang Cardinal. Makapag-uukol ng ilang saglit na


katahimikan o makaaawit ng papuri o salmo.
36 ORDENASYON NG LUB. KGG. SIEL HONTIVEROS PANALANGIN

PAGKAPAKINABANG

Pagkaraan, ang Cardinal ay titindig sa harap ng upuan o sa gawi ng dambana at


paharap sa mga nagsisimbang magpapahayag:

Manalangin tayo.

Kung di pa nagaganap ang tahimik na pagdalangin, ito ay gagawin ngayon, at


pagkaraan, ang panalangin pagkapakinabang ay ipahahayag ng Cardinal na
nakalahad ang mga kamay.

A
ma naming mapagmahal,
pag-alabin nawa ang pag-ibig sa aming kalooban
sa pagsasalo sa pagmamahal mo sa pakikinabang
at sa aming pag-akit sa iyong Anak araw-araw
matutuhan nawa naming makilala siya sa katauhan
ng aming mga kapatid sa iyong sambayanan
sa pamamagitan niya
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Sa katapusan, ang sambayanan ay tutugon.

Amen.
ORDENASYON NG LUB. KGG. SIEL HONTIVEROS 37 PAGHAYO SA

PAGWAWAKAS

Maisusunod, kapag may ipagbibigay-alam, ang mga maikling patalastas na sasabihin


sa mga tao.

Pagkatapos, gaganapin ang paghayo. Tatanggapin ng Cardinal ang kanyang mitra at


ipapahayag niyang nakalahad ang kanyang mga kamay:

℣: Sumainyo ang Panginoon.


℟: At sumaiyo rin.

Diyakono:

Magsiyuko kayong lahat


at hingin ang pagpapala ng Diyos.

Magpapatuloy ang Cardinal:

℣: Ang ngalan ng Panginoo’y papurihan.


℟: Ngayon at magpakailanman.

℣: Sa ngalan ng Panginoon tayo’y tinutulungan.


℟: Siya ay may May gawa ng langit at sanlibutan.

Tatanggapin ng Cardinal ang kanyang tungkod at babasbasan ng Cardinal ang mga


tao habang kanyang ipinahahayag:

Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos,


Ama ✠ at Anak ✠ at Espiritu ✠ Santo.
℟: Amen.
38 ORDENASYON NG LUB. KGG. SIEL HONTIVEROS

Ang diyakono o ang nagdidiwang na magkadaop ang mga kamay ay magpapahayag


ng paghayo sa sambayanan:

T
aglayin ninyo sa inyong pag-alis
ang kapayapaan ni Kristo.

Sasagot ang mga tao:

Salamat sa Diyos.

Karaniwan, ang dambana ay bibigyang-paggalang sa paghalik dito ng Cardinal at


matapos makapagbigaypitagan kaisa ng mga tagapaglingkod, siya ay hahayo.

You might also like