You are on page 1of 24

PASIMULA

Sa takdang oras, sisimulan ang pagdiriwang sa labas ng simbahan. Ang Obispo ay maaaring
magsuot ng kapa sa pasimula ng pagdiriwang na kanyang aalisin pagsapit sa dambana.

Habang nakatayo ang lahat, ang Obispo at ang mga tao ay magkukrus. Ipahahayag ng Obispo
nakaharap sa mga tao:

Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.


Sasagot ang mga tao:
Amen.
Ilalahad ng Obispo ang kanyang mga kamay bilang pagbati sa mga tao, habang ipinahahayag:

Sumainyo ang kapayapaan.

Sasagot ang mga tao:


At sumaiyo rin.

Ipahahayag ng Obispo:

Minamahal na sambayanan ng Diyos, minamahal na mga kapatid kay


Kristo,
buong kagalakan nating sinisimulan ngayon
ang ating pagdiriwang ng hubileyo
ng Parokya ng Mahal na Birhen ng Peñafrancia.
Tinipon tayo ngayon ng pag-ibig ng Ama.
Magpasalamat sa Diyos
sa lahat ng kanyang biyaya
at pananatili sa ating pamayanan.

Sa paglalakbay natin sa landas ng buhay,


hilingin nating likhain muli tayo ng Diyos,
palayain tayo sa lahat ng bumubuhag sa atin
at naglalayo sa atin sa Diyos,
hilumin tayo sa lahat ng kasamaan at karahasan,
papanibaguhin tayo ng kanyang Salita,
papagkasunduin tayo
upang ang mga may alitan ay manumbalik sa pagkakaibigan,
palaguin tayo sa kabanalan,
patatagin ang ating mga ugnayan,
pasiglahin ang atig pamayanan,
pagbuklurin ang mga mag-anak,
puspsusin tayo ng kagalakan
at lumago tayo sa karunungan at biyaya.

Pasisimulan natin ang panahon ng hubileyo


sa pagbubukas ng Pinto ng Hubileyo.
Ang Banal na Pinto ay tanda ni Kristo,
Tagapagligtas, Pastol at Guro.
Ipinakilala niya ang kanyang sarili:
“Ako ang pintuan.
Ang sinumang pumasok sa pamamagitan ko ay maliligtas.
Papasok siya’t lalabas
at makatatagpo ng pastulan” (Juan 10:9).

Sa pagbubukas nitong pintuan


nawa’y lalo pang mag-umapaw
ang biyaya at awa na kaloob ng Diyos.
Buksan din nawa natin ang pintuan ng ating mga puso
upang manahan si Hesus sa ating mga buhay.

PANALAGIN NG PAGBABASBAS NG PINTUAN


Obispo:
Manalangin tayo.

Sandaling katahimikan.

Purihin ka, O Panginoon naming Diyos,


sapagkat inaalalayan mo kami sa paglalakbay.
Ikaw ang pumapatnubay sa aming pagdating at pagparoon.
Ikaw ang kumakalinga sa amin
mula sa pagsilang hanggang kamatayan.

Basbasan mo, Panginoon, + ang pintuang ito,


na aming inilalaan sa iyo
sa panahon ng aming pagdiriwang
ng hubileyo ng Parokya ng _______________________.
Ipagkaloob mo na ang pintuang ito
ay maging tanda para sa amin
ng dakilang pagdiriwang ng aming sambayanan.
Sa pagpasok namin sa pintuang ito,
tulungan mo na makapasok kami
sa iyong kaharian na may kababaang-loob.
At lumabas dito ng buong pananampalataya
upang ipahayag ang iyong Salita.

Nagpapasalamat kami
sa pagsugo mo kay Hesus na aming Panginoon.
Siya ang pintuan ng iyong kaharian.
Sa kanya at kasama niya
kami ay iyong pinapapasok
at pinagigindapat makibahagi
sa iyong buhay na walang hanggan.

Tulungan mo kaming iwan ang kasalanan


at makapasok sa pinto ng kaligtasan.
Ikaw ang aming pinto ng kapayapaan,
ang sanhi ng aming pagkakaisa
at tanging daan ng buhay.
Akayin mo kami
patungo sa aming tunay na tahanan
kung saan ikaw ay nabubuhay at naghahari
kasama ni Hesukristong, Anak mo,
at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos,
magpasawalang hanggan.

Sasagot ang mga tao:

Amen.

PAGBUBUKAS NG BANAL NA PINTUAN


Lalapit ngayon ang Kardinal sa may pintuan. Sa pamamagitan ng natatanging martilyo,
makaikatlo niyang hahatawin at babasagin ang marka sa pintuan, habang sinasabi ang ganito:

Si Hesukristong ating Panginoon ay nananatili noon, ngayon,


at magpakailanman. +
Siya ang Alpha at Omega. +
Sa kanya ang lahat ng papuri magpakailan man. +

Bubuksan ang pintuan. Papasok ang Obispol at luluhod sa inihandang luhuran sa loob ng
simbahan at tahimik na mananalangin.

Gagayakan ng bulaklak, kandila at pabango ang Banal na Pintuan ng ilang mga kinatawan ng
pamayanan habang namumuno ang koro sa pag-awit.

Itatanghal ng Obispo ang Aklat ng Mabuting Balita.

PAANYAYA SA PAGPASOK
Pagkatapos, tatayo ang Kardinal at haharap sa sambayanan upang anyayahan ang lahat na
pumasok sa Banal na Pintuan.

Mga kapatid,
halina’t tumuloy sa tahanan ng Diyos
sa ngalan ni Kristo.
Siya ang daan patungo sa taong ito ng biyaya.
Siya ang pintuan patungo sa ating kaligtasan.

MARINGAL NA PAGPASOK SA LOOB NG SIMBAHAN


Ang prusisyon ay pangungunahan ng nagdadala ng insensaryo, krus at mga kandila. Susundan
ito ng nagdadala ng Aklat ng Mabuting Balita. Kasunod nito ang mga pari, ibang mga lingkod
at
ang Obispo.

Pagdating sa dambana, magbibigay-galang ang Obispol, mga pari at mga tagapaglingkod.


Tatanggalin ang kapa ng Obispo at magsusuot ng kasulya para sa Misa. Iinsensuhan niya ang
dambana.

Habang ginaganap ang pagpasok sa simbahan, ang koro ay aawit ng angkop na mga awitin.

Ipagpapatuloy ang karaniwang daloy ng Banal na Misa.


PANALANGING PAMBUNGAD
Pagkaraan ng awit, magkadaop ang mga kamay na ipahahayag ng Obispo:

Manalangin tayo.

Ang lahat kaisa ng Obispo ay tahimik na mananalangin nang saglit. Pagkalipas ng ilang
sandali, ilalahad ng Obispo ang kanyang kamay at ipahahayag ang panalanging pambungad.

Ama naming makapangyarihan,


ipagkaloob mong lagi naming ikaligayang ikaw ay paglingkuran
sapagka’t walang maliw at walang kahulilip ang kasiyahan
kapag sumasamba kami sa iyong kapangyarihang
nagpapairal sa tanang sanlibutan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao ng pagbubunyi:

Amen.

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS


UNANG PAGBASA
Daniel 12:1-3

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Daniel


Sa pagkakataong yaon, darating si Miguel,
ang makapangyarihang bantay ng bansang Israel, at magkakaroon ng
matinding kahirapang
hindi pa nangyayari kailanman.
Ngunit maliligtas ang mga kababayan mong ang pangalan ay nakasulat
sa aklat ng Diyos.
Mabubuhay ang marami sa mga namatay sa lahat ng panig ng daigdig;
ang iba’y sa buhay na walang hanggan,
at ang iba’y sa kaparusahang walang hanggan.
At yaong may pagkaunawa
at umakay sa marami tungo sa kabutihan
ay magniningnig na parang tala sa kalangitan magpakailanman.

Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:

Ang Salita ng Diyos.


Sasagot ang lahat:

Salamat sa Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 15:5. 8. 9-10. 11

T. D’yos ko, ang aking dalangi’y ako’y iyong tangkilin.


Ikaw lamang, Panginoon, ang lahat sa aking buhay,
ako’y iyong tinutugon sa lahat kong kailangan;
ang biyayang kaloob mo ay kahanga-hangang tunay.
Nababatid ko na ika’y kasama ko oras-oras,
sa piling mo kailanma’y hindi ako matitinag.
T. D’yos ko, ang aking dalangi’y ako’y iyong tangkilin.

Kaya’t ako’y nagdiriwang, ang diwa ko’y nagagalak, ang lagi kong
nadarama’y hindi ako matitinag.
Pagkat di mo tutulutang ang mahal mo ay malagak, sa balon ng mga
patay upang doon ay maagnas.
T. D’yos ko, ang aking dalangi’y ako’y iyong tangkilin.
Ituturo mo ang landas na buhay ang hahantungan, sa piling mo’y
madarama ang lubos na kagalakan;
ang tulong mo’y nagdudulot ng ligayang walang hanggan.
T. D’yos ko, ang aking dalangi’y ako’y iyong tangkilin.

IKALAWANG PAGBASA
Hebreo 10:11-14. 18

Pagbasa mula sa sulat saa Mga Hebreo

Bawat saserdote ay nakatayong naglilingkod araw-araw


at naghahandog ng iyon at iyon ding mga hain,
subalit hindi makapapawi ng kasalanan ang mga haing iyon.
Ngunit si Kristo ay minsan lamang naghandog
dahil sa mga kasalanan, at iyo’y sapat na.
Pagkatapos, lumuklok siya sa kanan ng Diyos.
At naghihintay siya roon
hanggang sa lubusang pasukuin sa kanya ng Diyos
ang kanyang mga kaaway.
Samakatwid, sa pamamagitan ng isa lamang paghahandog
ay kanyang pinagpaging-banal magpakailanman
ang mga nilinis niya.

Sapagkat ipinatawad na ang mga kasalanan,


hindi na kailangan pang maghandog dahil sa kasalanan.
Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:

Ang Salita ng Diyos.


Sasagot ang lahat:

Salamat sa Diyos.

ALELUYA
Lucas 21:36
T. Aleluya! Aleluya!
Manalanging walang humpay
samantalang hinihintay
si Hesus na Poong mahal.
T. Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 13:24-32

P. Sumainyo ang Panginoon.


B. At sumainyo rin.

P. + Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos


B. Papuri sa iyo, Panginoon.

Noong panahong iyon,


sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Sa mga araw na iyon,
pagkatapos ng mga napakalaking kapighatian, magdidilim ang araw, hindi magliliwanag
ang buwan, malalaglag mula sa langit ang mga bituin,
at mayayanig ang mga kapangyarihan sa kalawakan.
At makikita ang Anak ng Tao na nasa alapaap, dumarating na may dakilang
kapangyarihan at malaking karangalan.
Susuguin niya ang kanyang mga anghel sa apat na panig ng daigdig
at titipunin nila ang mga hinirang ng Diyos, mula sa lahat ng dako.
“Unawain ninyo ang aral mula sa puno ng igos: kapag sumisipot na ang mga dahon sa
sanga nito, alam ninyong malapit na ang tag-araw.
Gayun din naman,
kapag nakita ninyong nangyayari na ang mga bagay na ito, malalaman ninyong malapit
na ang panahon ng pagparito niya
– nagsisimula na.
Tandaan ninyo:
magaganap ang mga bagay na ito
bago mamatay ang mga taong nabubuhay sa ngayon.
Mawawala ang langit at ang lupa,
ngunit ang mga salita ko’y hindi magkakabula.

“Ngunit walang nakaaalam ng araw o oras ng pagsapit niyon, kahit ang mga anghel sa
langit o ang Anak man - ang Ama lamang ang nakakaalam nito.”

Sa katapusan, ihahayag niya:


Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Magbubunyi ang lahat:


Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

HOMILIYA

PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
Kasunod ng homiliya ang pagpapahayag ng pananampalataya kapag ito ay nakatakda.

Sumasampalataya ako
sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat,
na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya ako kay Hesukristo,
iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat.
Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo,
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato,
ipinako sa krus, namatay, inilibing.
Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao.
Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit.
Naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Doon magmumulang paririto
at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo,
sa banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal,
sa kapatawaran ng mga kasalanan,
sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao at sa buhay na walang hanggan.
Amen.
PANALANGIN NG BAYAN
Pagkatapos ay gaganapin ang panalangin ng bayan o panalanging pangkalahatan.
Obispo:
Mga minamahal na kapatid,
lakas-loob tayong tumawag sa ating mapagmahal na Ama
na laging handang makinig
sa pagsusumamo nating kanyang mga anak.
T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Para sa ating Papa, sa ating Arsobispo, sa mga Obispo, at mga pari:


nawa’y maging salamin sila ng pag-ibig ng Ama na nangangalaga
sa kanyang mga anak sa pamamagitan ng kanilang buhay at
paglilingkod sa kapwa. Manalangin tayo sa Panginoon.
T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Para sa mga pinuno ng ating pamahalaan: nawa’y ituring nila ang kanilang sarili hindi bilang
mga panginoong kinatatakutan ng mamamayan, bagkus bilang mga tagapangalaga at
tagapagtanggol ng mga dukha, mahihina at walang tinig sa lipunan. Manalangin tayo sa
Panginoon.

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Para sa mga maysakit, nag-iisa, nakabilanggo, walang hanap-buhay, walang matirhan, at sa


lahat ng may matitinding pangangailangan sa buhay dito sa ating parokya: nawa’y makahanap
sila ng ginhawa sa Panginoon at sa atin na handang sila ay pagbuksan ng puso at palad na
mapagbigay. Manalangin tayo sa Panginoon.

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Para sa lahat ng pamilya: nawa’y ang mga mag-asawa ay manatiling tapat sa kanilang tipan
noong sila ay ikasal at nawa’y ang mga anak ay maging masunurin at magalang sa kanilang
mga magulang upang ang bawat pamilya ay manatiling nagmamahalan at nagkakaisa.
Manalangin tayo sa Panginoon.

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Para sa lahat ng mga yumaong pari, layko at parokyanong naglingkod dito sa ating parokya:
nawa’y gantimpalaan sila ng Panginoon ng kaharian ng langit dahil sa kanilang kabutihan at
katapatan. Manalangin tayo sa Panginoon.

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Para sa ating sambayanan: nawa’y ang ating pagdiriwang ng hubileyo ay maging


pagpapahayag ng ating pagpapasalamat sa Diyos sa kanyang kabutihan at ating pagtanggap sa
hamon na tayo’y maging sambayanan ng pagkakaisa at pag-ibig. Manalangin tayo sa
Panginoon.

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Obispo:
Diyos naming Ama,
dinggin mo ang aming pagsamo.
Pag-isahin mo ang aming puso at diwa,
upang kami’y maging sambayanang sumasalamin sa iyong pag-ibig na
hindi nagbabago
ngayon at magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:
Amen.

PAGDIRIWANG
NG HULING HAPUNAN
Pagkatapos, sisimulan ang awit ng pag-aalay. Samantalang ito’y ginaganap, ilalagay ng mga
tagapaglingkod ang telang patungan ng Katawan ni Kristo, ang pamahiran, ang kalis, at ang
Aklat ng Pagmimisa sa ibabaw ng dambana.

Nababagay na ang pakikiisa ng mga nagsisimba ay ipahayag sa pamamagitan ng prusisyon ng


pag-aalay ng tinapay at alak at ng iba pang handog para sa Simbahan at para sa mga dukha.

Ngayon nama’y tatayo ang Kardinal sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya ang pinggan
ng tinapay nang bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya nang pabulong:

Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.


Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito
para maging pagkaing nagbibigay-buhay.
Ilalapag niya ang pinggan ng tinapay sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.
Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal nang
malakas ng Kardinal at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!

Ang Kardinal ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang dinarasal nang
pabulong:

Sa paghahalong ito ng alak at tubig


kami nawa’y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo
na nagpagindapat makihati sa aming pagkatao.
Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng Kardinal ang kalis nang bahagyang
nakaangat sa dambana habang dinarasal niya nang pabulong:

Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.


Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa katas ng ubas at bunga ng aming paggawa ang alak na ito para
maging inuming nagbibigay ng iyong Espiritu.

Illapag niya ang kalis sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!


Pagkatapos, yuyuko ang Kardinal habang dinarasal niya nang pabulong:

Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kaming mga makasalanan.


Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilang handog
upang kami’y matutong sumunod sa iyo nang buong puso.

Kung minamabuting gawin, iinsensuhan ng Obispo ang mga alay at ang dambana pagkaraa’y
iinsensuhan ng diyakono o ng tagapaglingkod ang Kardinal at ang mga nagsisimba.

Pagkatapos, ang Obispo ay pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga kamay
samantalang pabulong niyang dinarasal:

O Diyos kong minamahal,


kasalanan ko‘y hugasan
at linisin mong lubusan
ang nagawa kong pagsuway.
Pagbalik ng Obispo sa gawing gitna ng dambana, ilalahad niya ang kanyang mga kamay sa
mga tao at muli niyang pagdaraupin habang kanyang ipinahahayag:

Manalangin kayo, mga kapatid,


upang ang paghahain natin ay kalugdan
ng Diyos Amang makapangyarihan.
Sasagot ang mga tao:

Tanggapin nawa ng Panginoon


itong paghahain sa iyong mga kamay sa kapurihan niya at karangalan
sa ating kapakinabangan
at sa buong Sambayanan niyang banal.

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY


Pagkaraa’y, ilalahad ng Obispo ang kanyang mga kamay at
darasalin niya ang panalangin ukol sa mga alay.
Ama naming lumikha,
ipagkaloob mo ang iyong masintahing pagtingin sa aming mga alay
upang ang kagandahang-Ioob mo ay aming makamtan
atang bunga ng walang hanggang pag-iral ayamingmapakinabangan sa
pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Sasagot ang mga nagsisimba bilang pagbubunyi:

Amen.

P. Sumainyo ang Panginoon.


B. At sumainyo rin.
P. Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.
B. Itinaas na namin sa Panginoon.
P. Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.
B. Marapat na siya ay pasalamatan.

Obispo:

….Kaya kaisa ng mga anghel


na nagsisiawit ng papuri sa iyo nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:
SANTO

IKALAWANG PANALANGIN
NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT

Nakalahad ang mga kamay ng Obispo sa pagdarasal.


Ama naming banal,
ikaw ang bukal ng tanang kabanalan.
Pagdaraupin ng Obispo ang kanyang mga kamay at lulukuban ng mga
kamay niya ang mga alay habang siya’y nagdarasal.

Kaya’t sa pamamagitan ng iyong Espiritu


gawin mong banal ang mga kaloob na ito
Pagdaraupin ng Kardinal ang kanyang mga kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis,
samantalang kanyang dinarasal:

upang para sa ami’y maging Katawan at Dugo + ng aming Panginoong


Hesukristo.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay ipahahayag nang malinaw

at nauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng kahulugan ng mga ito.

Bago niya pinagtiisang kusang loob


na maging handog,
Hahawakan ng Obispol ang tinapay nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang
kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang tinapay, pinasalamatan ka niya, pinaghati-hati niya


iyon, iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang Kardinal.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:


ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.
Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan at Dugo ni Kristo, ipapatong niya
ito sa pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba.

Magpapatuloy ang Kardinal.


Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,
Hahawakan ng Kardinal ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang
kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang kalis, muli ka niyang pinasalamatan,


iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang Obispo.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN: ITO ANG KALIS


NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN, ANG AKING DUGO
NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.

GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.


Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan
ng Katawan ni Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba.

Pagkatapos, ipahahayag ng Obispo:

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.

Ang mga tao ay magbubunyi:

Aming ipinahahayag
na namatay ang ‘yong Anak,
nabuhay bilang Mesiyas
at magbabalik sa wakas
para mahayag sa lahat.

Ilalahad ng Obispo ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal:


Ama,
ginagawa namin ngayon ang pag-alala
sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng iyong Anak
kaya’t iniaalay namin sa iyo
ang tinapay na nagbibigay-buhay
at ang kalis na nagkakaloob ng kaligtasan.
Kami’y nagpapasalamat
dahil kami’y iyong minarapat na tumayo sa harap mo
para maglingkod sa iyo.

Isinasamo naming kaming magsasalu-salo


sa Katawan at Dugo ni Kristo
ay mabuklod sa pagkakaisa
sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
Isa sa mga nakikipagmisa:
Ama,
lingapin mo ang iyong Simbahang
laganap sa buong daigdig.
Puspusin mo kami sa pag-ibig
kaisa ni Francisco, na aming Papa
at ni _____, na aming Obispo
at ng tanang kaparian.

Isa sa mga nakikipagmisa:

Alalahanin mo rin ang mga kapatid


naming nahimlay
nang may pag-asang sila’y muling mabubuhay
gayun din ang lahat ng mga pumanaw.
Kaawaan mo sila at patuluyin sa iyong kaliwanagan.
Kaawaan mo at pagindapatin kaming lahat
na makasalo sa iyong buhay na walang wakas.
Kaisa ng Mahal na Birheng Maria na Ina ng Diyos,
ng kanyang Kabiyak ng puso, si San Jose,
kaisa ng mga apostol at ng lahat ng mga banal
na namuhay dito sa daigdig nang kalugud-lugod sa iyo,
maipagdiwang nawa namin ang pagpupuri sa ikararangal mo.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

sa pamamagitan ng iyong Anak


na aming Panginoong Hesukristo.

Hahawakan ng Obispo ang pinggang may ostiya at ang kalis


na kapwa niya itataas habang kanyang ipinahahayag.

SA PAMAMAGITAN NI KRISTO, KASAMA NIYA, AT SA KANYA


ANG LAHAT NG PARANGAL AT PAPURI AY SA IYO,
DIYOS AMANG MAKAPANGYARIHAN,
KASAMA NG ESPIRITU SANTO
MAGPASAWALANG HANGGAN.

Ang mga tao ay magbubunyi:

Amen.

ANG PAKIKINABANG
Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng Kardinal nang may magkadaop na
mga kamay:

Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos


at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos
ipahayag natin nang lakas-loob:
Illalahad ng Obispo ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng lahat

Ama namin, sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo.


Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo
dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan mo kami ngayon


ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga sala para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso. At iadya mo kami sa lahat ng masama.

Nakalahad ang mga kamay ng Kardinal sa pagdarasal:

Hinihiling naming
kami’y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
iIigtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang panalangin sa
ganitong pagbubunyi:

Sapagkat iyo ang kaharian


at ang kapangyarihan at ang kapurihan
magpakailanman! Amen.
Pagkatapos, malakas na darasalin ng Obispo nakalahad ang mga kamay:

Panginoong Hesukristo,
sinabi mo sa iyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming pananampalataya
at huwag ang aming mga pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.


Sasagot ang mga tao:

Amen.

Ang Obispo ay paharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop ng mga kamay sa


pagpapahayag.

Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.


Sasagot ant mga tao:

At sumaiyo rin.
Maidaragdag, kung minabuti, ang paanyayang ipahahayag ng diyakono o Obispo:

Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.

At, alinsunod sa kaugalian ng iba’t-ibang pook, ang mga nagsisimba ay mabigbigyan ng


kapayapaan. Ang Obispo at ang mga tagapaglingkod ay makapagbibigayan ng kapayapaan.

Pagkatapos, hahawakan ng Kardinal ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw ng pinggan at
isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:

Sa pagsasawak na ito
ng Katawan sa Dugo ng aming Panginoong Hesukristo
tanggapin nawa namin sa pakikinabang
ang buhay na walang hanggan.
Samantalang ginaganap ang paghahati-hati sa ostiya,
aawitin o darasalin ang pagluhog na ito.

Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, ipagkaloob mo sa amin
ang kapayapaan.
Ito ay mauulit-ulit habang ginaganap ang paghahati-hati sa tinapay. Sa huling, pag-uulit
saka pa lamang idurugtong ang “ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.”

Magkadaop ang mga kamay ng Kardinal sa pabulong na pagdarasal.

Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay,


sa kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo,
binuhay mo sa iyong pagkamatay ang sanlibutan.
Pakundangan sa iyong banal na Katawan at Dugo,
iadya mo ako sa tanang aking kasalananat lahat ng masama,
gawin mong ako’y makasunod lagi sa iyong mga utos,
at huwag mong ipahintulot na ako’y mawalay sa iyo kailanman.
o kaya:

Ang pakikinabang sa Katawan at Dugo mo, Panginoong Hesukristo,


ay huwag nawang magdulot ng paghuhukom at parusa sa kasalanan ko.
Alang-alang sa iyong dakilang pag-ibig nawa’y aking matanggap
ang pagkupkop mo sa akin at kaloob mong lunas.
Luluhod ang Obispo at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa ibabaw ng
pinggan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi ng malakas:

Ito ang Kordero ng Diyos.


Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.

Idurugtong niyang minsanan kaisa ng sambayanan:


Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo ngunit sa isang
salita mo lamang ay gagaling na ako.

Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na nagdarasal:


Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo para sa buhay na
walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.

Pagkatapos, hahawakan ng Obispo ang kalis at pabulong na magdarasal:


Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo
para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.

Hahawakan niya ang pinggan o lalagyan ng ostiya at lalapitan niya ang mga nakikinabang,
bahagyang itataas ang ostiya para sa bawat nakikinabang habang sinasabi:
Katawan ni Kristo.

Ang nakikinabang ay tutugon:


Amen.

Ganito rin ang gagawin ng diyakono na nagdudulot ng pakinabang. Samantalang nakikinabang


ang Kardinal, sisimulan ang awit sa pakikinabang.

Pagkapakinabang, ang mga mumo ng ostiya na nasa pinggan ay titipunin sa kalis na huhugasan
ng pari o diyakono o tagapaglingkod. Habang ito ay ginaganap ng pari, pabulong siyang
magdarasal:
Ama naming mapagmahal,
ang aming tinanggap ngayon ay amin nawang mapakinabangan
at ang iyong ipinagkaloob ay magdulot nawa sa amin
ng kagalingang pangmagpakailanman.

Makababalik ngayon sa upuan ang Kardinal. Makapag-uukol ng ilang saglit na katahimikan o


makaaawit ng papuri o salmo.

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Pagkaraan, ang Obispo ay titindig sa harap ng upuan o sa gawi ng dambana paharap sa mga
nagsisimbang magpapahayag:

Manalangin tayo.

Kung di pa nagaganap ang tahimik na pagdalangin, ito ay gagawin ngayon, at pagkaraan, ang
panalangin pagkapakinabang ay ipahahayag ng Obispo nakalahad ang mga kamay.

Ama naming mapagmahal,


sa pinagsaluhan naming banal na pakikinabang
ang amin nawang pag-ibig ay lalong madagdagan
ng ginawa namin sa pag-alala sa Anak mong mahal
na nag-utos ipagdiwang ang Huling Hapunan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Tutugon ang sambayanan:

Amen.

PASASALAMAT
Maisusunod kapag may ipagbibigay-alam, ang mga maiiksing patalastas na sasabihin sa mga
tao.

PAGKAKALOOB NG INDULHENSIYA PLENARYA


Isa sa mga pari ang magpapahayag ng pagkakaloob ng Indulhensya Plenaryo.

Minamahal na Bayan ng Diyos,


sa diwa ng pasasalamat sa Diyos na nagkakaloob ng lahat ng biyaya
sa pagbubukas ng Hubileyo ng ating parokya,
sa pamamagitan ng kapangyarihang ipinagkakaloob sa Kanyang
Kabunyian
__________________, Obispo ng Novaliches,
siya ay magkakaloob ng Indulhesya Plenarya sa karaniwang anyo ng
Simbahan
sa lahat ng naririto
na taimtim na nagsisisi sa kanilang mga kasalanan, nakapagkumpisal
at tumanggap ng banal na komunyon.
Ipanalangin din natin sa Diyos si Papa Francisco,
ang ating Inang Simbahan
at sikaping tahakin ang landas ng kabanalan
at makilakbay sa pakiisa sa sambayanan ng Diyos.

PAGHAYO SA PAGWAWAKAS
Pagkatapos, gaganapin ang paghayo. Ang Obispol na nakalahad ng mga kamay sa mga tao ay
magpapahayag:

Sumainyo ang Panginoon.

Sasagot ang lahat:

At sumaiyo rin.

Ang diyakono o ang Obispo na rin kapag walang diyakono ang magpapahayag ng paanyaya:
Magsiyuko kayo habang iginagawad ang pagbabasbas.

Obispo:
Nawa’y gabayan kayo ng Mahal na Birheng Maria,
ni San Miguel Arkanghel,
ni San Juan Bautista,
nina Apostol San Pedro at San Pablo,
at ng lahat ng mga banal
sa kanilang pagtulong at mga panalangin.
Nawa’y patawarin kayo
ng makapangyarihan at maawaing Panginoon
sa lahat ng kasalanan.

Nawa’y tulungan niya kayo


na magtiyaga sa makabuluhang pagsisisi,
mabuting halimbawa,
at taos-pusong pagkakawanggawa.

Nawa’y akayin kayo ni Hesukristong Tagapagligtas tungo sa buhay na


walang hanggan.
Sasagot ang lahat:

Amen.
Babasbasan ng Obispo ang mga tao habang kanyang ipinahahaag.

Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos,


Ama + at Anak + at Espiritu + Santo.
Sasagot ang lahat:

Amen.

Ang diyakono na magkadaop ang mga kamay ay magpapahayag ng paghayo sa sambayanan:

Humayo kayong taglay ang kapayapaan


upang ang Panginoon ay mahalin at paglingkuran.

Sasagot ang mga tao:

Salamat sa Diyos.

Karaniwan, ang dambana ay bibigyang-paggalang sa paghalik dito ng Obispo at matapos


makapagbigay-pitagan kaisa ng mga tagapaglingkod, siya ay hahayo.

You might also like