You are on page 1of 20

ANG BANAL NA MISA SA DAKILANG KAPISTAHAN NG PAG-AKYAT NG

PANGINOON SA LANGIT NA KINATATAMPUKAN NG PAGSUSUGO NG


SAMBAYANAN BILANG MGA BAGONG MISYONERO

Mayo 16, 2021, Linggo

NOTE: SASABIHIN LANG ANG “TUMAYO ANG LAHAT,” ETC. KAPAG


NAKASULAT SA GUIDE NA ITO. KAPAG HINDI NAKASULAT, HUWAG SASABIHIN.
ALAM NA NG MGA NAGSISIMBA KUNG KAILAN SILA TATAYO, UUPO, AT
LULUHOD. MATAGAL NA NILANG GINAGAWA ITO. HINDI NA SILA BATA KAYA
HUWAG NATIN SILANG BABY-HIN.

PAGLALAHAD

BASAHIN BAGO ANG MAGSIMULA ANG MISA KAPAG NAKAHANDA NA ANG


PARI. HUWAG BASAHIN ANG TITLE SA ITAAS; DERETSO NA SA NAKASULAT SA
IBABA:

COMMENTATOR:

Mga kapatid:

Tayo ay nagdiriwang ng Linggo ng Pag-akyat ng Panginoong Hesukristo sa Langit.


Nakatuon ang ating Mabuting Balita sa pagsusugo ni Kristo ng kanyang mga alagad sa lahat
ng sulok ng daigdig. Ito ay naganap bago ang kanyang Pag-akyat sa Langit. Hindi ang krus
at ang libingan ang katapusan ng buhay ni Hesus. Ang kanyang maluwalhating
pagkakaluklok sa kanan ng Ama ang siyang hantungan ng lahat ng kanyang ginawa. Tayong
mga alagad ni Kristo ay isinusugo niya upang mangaral ng Mabuting Balita ng kaligtasan.
Ang hirap na ating daranasin sa gawaing ito ay mauuwi rin sa ating pakikiisa sa
kaluwalhatian sa langit ng ating Panginoon.

Sa taóng ito kung kailan ginugunita natin ang ikalimandaang taon ng pagdating ng
Pananampalatayang Kristiyano sa Pilipinas, tayong mga Pilipino ay isinusugo rin ng
Panginoon sa iba’t ibang sulok ng daigdig upang magpatotoo sa ating pananampalataya. Ito
ay binibigyang-diin sa pamamagitan ng ritwal ng pagsusugo sa atin na gaganapin sa Misang
ito.

Ngayon din ang Araw ng Pamamahayag sa Daigdig. Lahat nawa ng mga


mamamahayag sa radyo, telebisyon, at limbagan, maging yaong mga mamamahayag sa
bagong paraan ng paikipagtalastasan kagay ng social media, ay kasihan ng Espiritung
isusugo ni Kristo upang ipalaganap ang katotohanan at kabutihan. Kagaya ng Panginoon,
makaakyat din nawa sila sa kalangitan, alang-alang sa gawain ng pagpapahayag ng
Mabuting Balita na ginagampanan nila.

Kaya’t taglay ang kagalakan sa ating mga puso, tumayo tayo para sa pasimula ng
ating pagdiriwang.

1
PASIMULA

Kapag natitipon na ang sambayanan, ang pari at mga tagapaglingkod ay lalakad patungo sa
dambana, samantalang ang awiting pambungad ay ginaganap. Pagsapit sa dambana, ang pari at
mga tagapaglingkod ay magbibigay-galang alinsunod sa hibihinging paraan. Magbibigay-galang
ang pari sa dambana sa pamamagitan ng paghalik sa ibabaw. Kung minamabuti niya,
maiinsensuhan niya ito. Pagkatapos, ang pari ay paroroon sa kanyang upuan. Matapos ang
awiting pambungad, habang nakatayo ang lahat, ang pari at mga tao ay magkukrus. Ipahahayag
ng paring nakaharap sa tao:

SA NGALAN ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.

Sasagot ang mga tao: Amen.

Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay bilang pagbati sa mga tao, habang ipinahahayag:

SUMAINYO ang Panginoon.

Sasagot ang mga tao: At sumaiyo rin.

PAGWIWISIK NG BANAL NA TUBIG

Pagkatapos ng pagbati, aanyayaahan ng pari ang mga tao na manalanging basbasan ng Diyos
ang tubig na nasa lalagyan sa harap ng tanan. Ipahahayag niya:

MGA kapatid kong minamahal, hilingin natin sa Ama nating makapangyarihan na marapatin
niyang basbasan itong tubig na iwiwisik ngayon bilang paggunita sa tinanggap nating binyag noon,
at tanda na iniwan sa atin ng Panginoong umakyat sa langit . Sa pamamagitan ng tubig na ito,
pagkalooban nawa niya tayo ng panibagong lakas para sa pamamalaging matapat sa Espiritu Santo
na ating tinanggap.

Lahat ay tahimik na mananalangin nang saglit. Ang pari ay magpapatuloy sa pagdarasal nang
magkadaop ang mga kamay:

AMA naming makapanguarihan, ipinahayag mong ikaw ay kapiling ng iyong sambayanan


ngayong ginugunita namin ang iyong paglikha na talaga namang kahanga-hanga at gayun din ang
iyong pagtubos sa amin na talaga namang pambihira at walang kahambing. Basbasan mo ang tubig
na ito na iyong ginawa upang aming magamit para ang mga tanim at madilig, para makapawi ng
uhaw at init, at para maganap namin ang paglilinis. Ito rin ay iyong itinalagang gamitin sa
pagbibigay ng iyong kagandahang-loob sa tanan. Gamitin mo ito sa pagpapalaya sa kaalipinan
ng iyong hinirang na sambayanan. Habang sa disyerto, sila’y naglalakbay, tubig ang pumawi sa
kanilang pagkauhaw. Tubig din ang ginamit ng iyong mga propetaupang ang sisimulan mong
pakikipagtipan sa tao ay maipahayag nila. Sa pamamagitan ng tubig na itinalagang maging banal
ng Anak mong mahal noong siya’y lumusong sa Ilog-Jordan, pinababago mo kaming mga
makasalanan. Ito nawang tubig na ngayo’y iwiwisik sa amin upang ang pagbibinyag ay aming
gunitain ay magpahiwatig din nawa ng aming pakikigalak sa kaligayahan ng aming mga kapatid

2
na tumanggap ng binyag sa Paskong ito ng Pagkabuhay ng iyong Anak na namamagitan kasama
ng Espiritu Santo magpasawalang hanggang.

Sasagot ang mga tao: Amen.

Pagkaraan ay haahwakan ng pari ang pangwisik at kanyang wiwisikan ang kanyang sarili at ang
mga tagapaglingkod gayon din ang kaparian at ang sambayanan at makalilibot siya sa loob ng
simbahan para ito ay gampanan.

Habang ito’y ginaganap, aawitin ang sumusunod na pangsaliw sa pagwiwisik:

CHOIR:

ANTIPONA Ezekiel 47, 1

May bukal sa gawing kanan ng tahanan ng Maykapal, tubig nito’y bumubuhay sa lahat ng
madaluyan. Aleluya ang awitan!

TULUDTOD Salmo 118, 1

Purihin ang Poon ‘pagkat siya’y mabuti, ang pag-ibig niya’y napakatatag at mananatili.

Ulitin ang ANTIPONA.

Pagkabalik sa upuan at kapag tapos na ang pag-awit, ang paring nakaharap sa mga nagsisimba
at nakadaop ang mga kamay ay magpapahayag:

DALISAYIN nawa tayo ng makapangyarihang Diyos sa ating mga kasalanan, at pakundangan sa


pagdiriwang na ito ng pagpupuri at pagpapasalamat, pagindapatin nawa niya tayo na
makapakinabang sa piging niya sa buhay na walang hanggan.

Sasagot ang mga tao: Amen.

Pagkatapos nito, aawitin ang Papuri sa Diyos sa kaitaasan.

CHOIR:

PAPURI SA DIYOS

PAPURI sa Diyos sa kaitaasan at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya. Pinupuri
ka namin, dinarangal ka namin, sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka namin, pinasasalamatan
ka namin dahil sa dakila mong angking kapurihan. Panginoong Diyos, Hari ng langit, Diyos
Amang makapangyarihan sa lahat. Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak, Panginoong Diyos,
Kordero ng Diyos, Anak ng Ama. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka
sa amin. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, tanggapin mo ang aming kahilingan.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa ka sa amin. Sapagkat ikaw lamang ang banal ikaw

3
lamang ang Panginoon, ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataas-taasan, kasama ng Espiritu Santo
sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen.

PANALANGING PAMBUNGAD

Manalangin tayo. AMA naming makapangyarihan, gawin mong kami ay magkaroon ng banal na
kagalakan at makapagdiwang nang may utang na loob sapagkat ang iyong Anak na aming
Manunubos ay siyang tagapaghanda ng aming pananahanan na kanyang pinanggalingan upang
kami’y panguluhan at kanyang tinunguhan upang maging pag-asa kailanman ng sambayanan
niyang kanya ring katawan bilang Tagapamagitan kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.

Sasagot ang mga tao: Amen.

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

UNANG PAGBASA Mga Gawa 1, 1-11

Pagbasa mula sa Gawa ng mga Apostol

Mahal na Teofilo: Isinalaysay ko sa aking unang aklat ang lahat ng ginawa at itinuro ni Hesus
buhat sa pasimula hanggang sa araw na siya’y umakyat sa langit. Bago siya umakyat, tinagubilinan
niya sa pamamagitan ng Espiritu Santo ang mga apostol na kayong hinirang. Pagkatapos ng
kanyang pagbabata, maraming ulit siyang napakita sa kanila. Sa gayon, napatunayang siya’y
buhay. Napakita siya sa kanila sa loob ng apatnapung araw at nagturo tungkol sa paghahari ng
Diyos. At samantalang siya’y kasama-sama pa nila, kanyang tinagubilinan sila: “Huwag muna
kayong aalis sa Jerusalem. Hintayin ninyo roon ang ipinangangako ng Ama na sinabi ko na sa
inyo. Nagbinyag nga sa tubig si Juan, ngunit di na magtatagal at bibinyagan kayo sa Espiritu
Santo.” Kaya’t nang magkasama-sama si Hesus at ang mga alagad, nagtanong ang mga ito,
“Panginoon, itatatag na ba ninyong muli ang kaharian ng Israel?” Sumagot siya, “Ang mga
panahon at sandali ay itinakda ng Ama sa kanyang sariling kapangyarihan, at hindi na kailangan
pang malaman ninyo kung kailan iyon. Ngunit bibigyan kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo
ng Espiritu Santo, at kayo’y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at Samaria, at
hanggang sa dulo ng daigdig.” Pagkasabi nito, siya’y iniakyat sa langit samantalang nakatingin
sila sa kanya; at natakpan siya ng ulap. Habang sila’y nakatitig sa langit, dalawang lalaking
nakaputi ang biglang tumayo sa tabi nila. “Mga taga-Galilea,” sabi nila, “Bakit kayo narito’t
nakatingala sa langit? Itong si Hesus na umakyat sa langit ay magbabalik tulad ng nakita ninyong
pag-akyat niya.”

Ang salita ng Diyos.


CHOIR. Salamat sa Diyos.

SALMONG TUGUNAN Salmo 46, 2-3. 6-7. 8-9

CHOIR. Habang umaakyat ang D’yos, | ang tambuli’y tumutunog.

4
Magdiwang ang lahat ng mga nilikha, | pumalakpak kayong may awit at tuwa! | Bilang pagpupuri
sa Diyos na Dakila! | Ang Diyos na Poon, Kataas-taasan, | ay dakilang haring dapat katakutan, |
Siya’y naghahari sa sangkatauhan.

CHOIR. Habang umaakyat ang D’yos, | ang tambuli’y tumutunog.

Umakyat sa trono ang Panginoong Diyos, | hatid ng tambuling malakas ang tunog; | masayang
sigawan ang ipinansuob. | Purihin ang Diyos, siya ay awitan, | awitan ang hari, siya’y papurihan!

CHOIR. Habang umaakyat ang D’yos, | ang tambuli’y tumutunog.

Ang Diyos, siyang hari ng lahat ng bansa, | awita’t purihin ng mga nilikha! | Maghahari siya sa
lahat ng bansa, | magmula sa tronong banal at dakila.

CHOIR. Habang umaakyat ang D’yos, | ang tambuli’y tumutunog.

IKALAWANG PAGBASA Efeso 1, 17-23

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso

Mga kapatid: Hinihiling ko sa Diyos ng ating Panginoong Hesukristo, ang dakilang Ama, na
pagkalooban niya kayo ng espiritu ng karunungan at ng tunay na pagkakilala sa kanya. Nawa’y
liwanagan ng Diyos ang inyong mga isip upang malaman ninyo ang ating inaasahan sa kanyang
pagkatawag sa atin. Ito’y ang kaluwalhatiang inilaan niya sa kanyang mga hinirang, at ang walang
hanggang kapangyarihan niya sa atin na mga nananalig sa kanya. Ang kapangyarihan ding iyon
ang muling bumuhay kay Kristo at nagluklok sa kanya sa kalangitan, sa kanan ng Diyos. Kaya’t
nasa ilalim ng kapangyarihan ni Kristo ang lahat ng paghahari, kapamahalaan, kapangyarihan, at
pamunuan. Higit ang kanyang pangalan kaysa lahat ng pangalan, hindi lamang sa panahong ito
kundi pati sa darating. Ipinailalim ng Diyos sa kapangyarihan ni Kristo ang lahat ng bagay, at siya
ang ginawang ulo ng Simbahan. Ito ang katawan ni Kristo, ang kapuspusan niya na pumuspuspos
sa lahat-lahat.

Ang salita ng Diyos.


CHOIR. Salamat sa Diyos.

ALELUYA Mateo 28. 19a. 20b

CHOIR.
Aleluya! Aleluya! Humayo’t magturo kayo palaging kasama ako hanggang sa wakas ng mundo.
Aleluya! Aleluya!

5
MABUTING BALITA Marcos 16, 15-20

Pari. Sumainyo ang Panginoon.


(KAPAG KINANTA ITO NG PARI, HUWAG SABAYAN ANG CHOIR SA TUGON.)
Bayan. At sumaiyo rin.

Pari. Ang wakas ng Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos.
Bayan. Papuri sa iyo, Panginoon.

NOONG panahong iyon: Napakita si Hesus sa Labing-isa alagad at sinabi sa kanila, “Humayo
kayo sa buong sanlibutan at ipangaral ninyo sa lahat ang Mabuting Balita. Ang sumampalataya at
mabinyagan ay maliligtas, ngunit ang hindi sumampalataya ay parurusahan. Ang mga
sumasampalataya ay magtataglay ng ganitong tanda ng kapangyarihan: sa pangalan ko’y
magpapalayas sila ng mga demonyo at magsasalita ng ibang wika; sila’y hindi maaano dumampot
man ng ahas o uminom ng lason; at gagaling ang mga maysakit na mapatungan ng kanilang
kamay.” Pagkatapos magsalita sa kanila, ang Panginoong Hesus ay iniakyat sa langit, at lumuklok
sa kanan ng Diyos. Humayo nga ang mga alagad at nangaral sa lahat ng dako. Tinulungan sila ng
Panginoon sa gawaing ito. Pinatotohanan niya ang Salitang kanilang ipinangangaral sa
pamamagitan ng kapangyarihang gumawa ng himala, na ipinagkaloob niya sa kanila.

Pari. Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Bayan. Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

HOMILIYA

PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

Matapos, tatayo ang lahat para sa Pagpapahayag ng Pananampalataya.

SUMASAMPALATAYA ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit


at lupa. Sumasampalaya naman ako kay Hesukristo, iisang Anak Diyos Panginoon nating lahat.

Sa susunod na pangungusap hanggang Santa Mariang Birhen ang lahat ay yuyuko.

nagkatawang tao siya lalang ng Espiritu Santo, ipinaganak ni Santa Mariang Birhen.
Ipinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng
mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit. Naluluklok sa kanan
ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumulang paririto at huhukom sa
nangabubuhay at nangamamatay na tao. Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa
banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa
pagkabuhay na muli ng mga nangamatay na tao at sa buhay na walang hanggan. Amen.
PANALANGING PANGKALAHATAN O PANALANGIN NG BAYAN

Pari. MANALANGIN tayo sa Diyos na lumakas ang ating pananalig kay Kristong maluwalhating
nakaluklok sa kanan ng Ama. Hingin nating maging mga mabisa tayong tagapangaral ng Mabuting
Balita. Ang ating sasambitin ay:

6
TUGON: Amang nagluklok kay Hesus sa kaluwalhatian, dinggin Mo kami!

Namumuno. Para sa mga namumuno sa Simbahan, upang maging masigasig sila sa


pagpapatotoong si Hesus ay muling nabuhay at ngayo’y maluwalhating nakaluklok sa kanan ng
Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

TUGON: Amang nagluklok kay Hesus sa kaluwalhatian, dinggin Mo kami!

Namumuno. Para sa lahat ng mga Kristiyano sa ating kapuluan, upang sa taong ito ng paggunita
sa ikalimandaang taon ng pagdating ng Pananampalatayang Kristiyano sa Pilipinas, ay tumingala
sila sa langit at mapuspos ng Espiritu ng tapang at sigasig, manalangin tayo sa Panginoon.

TUGON: Amang nagluklok kay Hesus sa kaluwalhatian, dinggin Mo kami!

Namumuno. Para sa mga namumuno sa ating bansa, upang matanto nilang ang kanilang talagang
tungkulin ay ihanda ang ating mga kababayan para manahan sa langit na ating tunay na tahanan,
manalangin tayo sa PanginooN.

TUGON: Amang nagluklok kay Hesus sa kaluwalhatian, dinggin Mo kami!

Namumuno. Para sa mga taong nagtalaga ng sarili sa pamamahayag ng katotohanan sa radyo,


telebisyon, limbagan, at iba pang paraan ng panlipunang pakikipagtalastasan, upang kasihan sila
ng Espiritu ng katotohanang siyang magpapalaya sa sangkatauhan, manalangin tayo sa Panginoon.

TUGON: Amang nagluklok kay Hesus sa kaluwalhatian, dinggin Mo kami!

Namumuno. Para sa ating lahat na nagkakatipon sa pagdiriwang na ito, upang sa bisa ng Salita ng
Diyos at ng Banal na Eukaristiya ay mapuspos tayo ng Espiritung Banal na isusugo ni Kristo at
tunay na magpatotoo sa kanya sa lahat ng dako ng daigdig, manalangin tayo sa Panginoon.

TUGON: Amang nagluklok kay Hesus sa kaluwalhatian, dinggin Mo kami!

Namumuno. Para sa lahat ng pumanaw upang sila ay makasalo ng Panginoon sa kaluwalhatian ng


langit kung saan siya nakaluklok ngayon, manalangin tayo sa Panginoon.

TUGON: Amang nagluklok kay Hesus sa kaluwalhatian, dinggin Mo kami!

Namumuno. Tahimik nating ipanalangin ang ating mga sariling kahilingan. (Tumigil saglit.)
Manalangin tayo sa Panginoon.

TUGON: Amang nagluklok kay Hesus sa kaluwalhatian, dinggin Mo kami!

Pari. AMA naming mapagbigay, na nagluklok kay Hesus sa tagumpay at kaluwalhatian, isugo mo
sa amin ang Espiritu ng karunungan at tunay na pagkakilala kay Kristo nang maikalat namin ang
Mabuting Balita ng kaligtasan sa sandaigdigan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ng iyong
maluwalhating Anak na si Hesukristong aming Panginoon.

7
Sasagot ang mga tao: Amen.

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN

PAGHAHANDA NG MGA ALAY

Pagkatapos, sisimulan ang awit ng pag-aalay. Samantalang ito’y ginaganap, ilalagay ng mga
tagapaglingkod ang telang patungan ng Katawan ni Kristo, ang pamahiran, ang kalis, at ang
Aklat ng Pagmimisa sa ibabaw ng dambana. Nababagay na ang pakikiisa ng mga nagsisimba ay
ipahayag sa pamamagitan ng prusisyon ng pag-aalay ng tinapay at alak at ng iba pang handog
para sa Simbahan at para sa mga dukha. Ngayon nama’y tatayo ang pari sa gawing gitna ng
dambana, hahawakan niya ang pinggan ng tinapay nang bahagyang nakaangat sa dambana,
habang dinarasal niya nang pabulong:

KAPURI-PURI ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan. Sa iyong kagandahang-loob, narito ang
aming maiaalay. Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito para maging
pagkaing nagbibigay-buhay.

Ilalapag niya ang pinggan ng tinapay sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal nang
malakas ng pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!

Ang diyakono ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang dinarasal nang pabulong:

SA PAGHAHALONG ITO ng alak at tubig kami nawa’y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo na


napagindapat makihati sa aming pagkatao.

Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakaangat
sa dambana habang dinarasal niya nang pabulong:

KAPURI-PURI ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan. Sa iyong kagandahang-loob, narito ang
aming maiaalay. Mula sa katas ng ubas at bunga ng aming paggawa ang alak na ito para maging
inuming nagbibigay ng iyong Espiritu.

Ilalapag niya ang kalis sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal nang
malakas ng pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!

Pagkatapos, yuyuko ang pari habang dinarasal niya nang pabulong:

8
DIYOS Amang Lumikha, nakikiusap kaming mga makasalanan. Tanggapin mo ang aming
pagsisisi bilang handog upang kami’y matutong sumunod sa iyo nang buong puso.

Kung minamabuting gawin, iinsesuhan ng pari ang mga alay at dambana; pagkaraa’y iinsensuhan
ng diyakono o ng tagapaglingkod ang pari at mga nagsisimba.

Pagkatapos, ang pari’y tutungo sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga kamay
samantalang pabulong niyang dinarasal:

O DIYOS kong minamahal, kasalanan ko’y hugasan at linisin mong lubusan ang nagawa kong
pagsuway.

Pagbalik ng pari sa gitna ng dambana, ilalahad niya ang kanyang mga kamay sa mga tao at muli
niyang pagdaraupin habang kanyang ipinahahayag:

MANALANGIN kayo, mga kapatid, upang ang paghahain natin ay kalugdan ng Diyos Amang
makapangyarihan.

Sasagot ang mga tao: Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong mga kamay
sa kapurihan niya at karangalan sa ating kapakinabangan at sa buong Sambayanan niyang
banal.

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

AMA naming Lumikha, pakundangan sa pag-akyat ng Anak mong mahal ginaganap namin ang
paghahain nang may kapakumbabaan at ipagkaloob mong sa ganitong pagpapalitan ng mga kaloob
mo at ng aming mga alay kami ay makasalo sa pagkabuhay at pag-akyat sa kalangitan sa
pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Sasagot ang mga tao: Amen.

IKALAWANG PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PASASALAMAT

Pari. Sumainyo ang Panginoon.


Bayan. At sumaiyo rin.

Pari. Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.


Bayan. Itinaas na namin sa Panginoon.

Pari. Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.


Bayan. Marapat na siya ay pasalamatan.

AMA naming makapangyarihan, tunay ngang marapat na ikaw ay aming pasalamatan. Kasamaa’t
kamatayan matapos na lupigin ng Anak mong si Hesus na Panginoon namin, siya ngayo’y umakyat
sa iyong piling bilang Haring dakilang sinasamba ng mga anghel. Siya ang aming tagapamagitang
nakikiusap sa iyo para sa tanan. Siya ang tagapasya sa lupa’t kalangitan. Hindi niya iwinaksi ang

9
aba naming pagkatao sa pagluklok sa kanan mo. Sapagkat kami ang katawan at siya ang ulo, ang
pag-akyat niya’y katiyakang sasapit kami sa iyo. Kaya kaisa ng mga anghel na nagsisiawit ng
papuri sa iyo nang walang humpay sa kalangitan, kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan.

CHOIR: Santo, Santo, Santo, Panginoong Diyos ng mga hukbo. Napupuno ang langit at lupa ng
kadakilaan mo. Osana sa kaitaasan. Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon. Osana sa
kaitaasan.

Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

AMA naming banal, ikaw ang bukal ng tanang kabanalan

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at lulukuban ng mga kamay niya ang mga alay
habang siya’y nagdarasal.

Kaya’t sa pamamagitan ng iyong Espiritu, gawin mong banal ang mga kaloob na ito

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis, samantalang
kanyang dinarasal.

upang para sa ami’y maging Katawan at Dugo ng aming Panginoong Hesukristo.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay ipahahayag nang malinaw
at nauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng kahulugan ng mga ito.

Bago niya pinagtiisang kusang-loob na maging handog

Hahawakan ng pari ang tinapay nang bahagyang nakaangat sa ibabaw ng dambana habang
kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang tinapay, pinasalamatan ka niya, pinaghati-hati niya iyon, iniabot sa kanyang
mga alagad at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang pari.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN: ITO ANG AKING KATAWAN NA


IHAHANDOG PARA SA INYO.

Ipapamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan ni Kristo, ipapatong niya ito sa
pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba.

Ang pari ay magpapatuloy.

Gayun din naman, pagkatapos ng hapunan,

10
Hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang
patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang kalis, muli ka niyang pinasalamatan, iniabot niya ang kalis sa kanyang mga
alagad, at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang pari.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN: ITO ANG KALIS NG AKING DUGONG
BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN, ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS PARA SA
INYO AT PARA SA LAHAT SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN. GAWIN
NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.

Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan ni Kristo, at
luluhod siya bilang pagsamba.

Pagkatapos, ipahahayag ng pari:

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.

CHOIR: Aming ipinahahayag na namatay ang ‘Yong Anak, nabuhay bilang Mesiyas at
magbabalik sa wakas para mahayag sa lahat.

Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal.

Ama, ginagawa namin ngayon ang pag-alalala sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng iyong
Anak kaya’t inaalay namin sa iyo ang tinapay na nagbibigay-buhay at ang kalis na nagkakaloob
ng kaligtasan. Kami’y nagpapasalamat dahil kami’y iyong minarapat na tumayo sa harap mo para
maglingkod sa iyo.

Isinasamo naming kaming magsasalu-salo sa Katawan at Dugo ni Kristo ay mabuklod sa


pagkakaisa sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

Ama, lingapin mo ang iyong Simbahang laganap sa buong daigdig. Puspsusin mo kami sa pag-
ibig kaisa ni Francisco na aming Papa, ni Buenaventura na aming Obispo at ng tanang kaparian.

Alalahanin mo rin ang mga kapatid naming nahimlay nang may pag-asang sila’y muling
mabubuhay gayun din ang lahat ng mga pumanaw. Kaawan mo sila at patuluyin sa iyong
kaliwanangan.
Kaawan mo’t pagindapatin kaming lahat na makasalo sa iyong buhay na walang wakas. Kaisa ng
mahal na Birheng Maria na Ina ng Diyos, ng Kabiyak ng puso niyang si San Jose, kaisa ng mga
apostol at ng lahat ng mga banal na namuhay dito sa daigdig, nang kalugod-lugod sa iyo,
maipagdiwang nawa namin ang pagpupuri sa ikararangal mo

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

11
sa pamamagitan ng iyong Anak na aming Panginoong Hesukristo.

Hahawakan ng pari ang pinggang may ostiya at ang kalis at kapwa niya itataas habang kanyang
ipinapahayag:

SA pamamagitan ni Kristo, kasama niya, at sa kanya ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo,
Diyos Amang makapangyarihan, kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

CHOIR: Amen.

ANG PAKIKINABANG

Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng pari nang may magkadaop na mga
kamay.

SA tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos ipahayag
natin nang lakas-loob:

Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng lahat.

CHOIR: AMA namin, sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian
mo. Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan mo kami ngayon ng aming
kakanin sa araw-araw. At patawarin mo kami sa aming mga sala para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin. At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso. At iadya mo kami sa lahat ng
masama.

Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal:

HINIHILING naming kami’y iadya sa lahat ng masama, pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,


iligtas sa kasalanan at ilayo sa lahat ng kapahamakan samantalang aming pinananabikan ang
dakilang araw ng pagpapahayag ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang panalangin sa
ganitong pagbubunyi:

CHOIR: Sapagkat iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kapurihan magpakailan man!
Amen.

Pagkatapos, malakas na darasalin ng paring nakalahad ang mga kamay:

Panginoong Hesukristo, sinabi mo sa iyong mga Apostol: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.” Tunghayan mo ang aming pananampalataya at
huwag ang aming mga pagkakasala. Pagkalooban mo kami ng kapayapaan at pagkakaisa ayon sa
iyong kalooban

12
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Sasagot ang mga tao: Amen.

Ang pari’y paharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop ng mga kamay sa pagpapahayag.

Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.

Sasagot ang mga tao: At sumaiyo rin.

Ipahahayag ng diyakono o ng pari:

Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.

Pagkatapos, hahawakan ng pari ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw ng pinggan at
isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:

Sa pagsasawak na ito ng Katawan sa Dugo ng aming Panginoong Hesukristo tanggapin nawa


namin sa pakikinabang ang buhay na walang hanggan.

Samantalang ginaganap ang paghahati-hati sa ostiya, aawitin ang pagluhog na ito:

CHOIR: Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin.


Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, ipagkaloob mo sa amin ang
kapayapaan.

Magkadaop ang mga kamay ng pari sa pabulong na pagdarasal.

Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay, sa kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo,
binuhay mo sa iyong pagkamatay ang sanlibutan. Pakundangan sa iyong banal na Katawan at
Dugo, iadya mo ako sa tanang aking kasalanan at lahat ng masama, gawin mo akong laging
makasunod sa iyong mga utos, at huwag mong ipahintulot na ako’y mawalay sa iyo kaylan man.

o kaya:

Ang pakikinabang sa Katawan at Dugo mo, Panginoong Hesukristo, ay huwag nawang magdulot
ng paghuhukom at parusa sa kasalanan ko. Alang-alang sa iyong dakilang pag-ibig nawa’y aking
matanggap ang pagkupkop mo sa akin at kaloob mong lunas.
Luluhod ang pari at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa ibabaw ng
pinggan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi ng malakas:

Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan. Mapalad ang mga
inaanyayahan sa kanyang piging.

13
Idurugtong niyang minsanan kaisa ng sambayanan:

Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo nguni’t sa isang salita mo lamang
ay gagaling na ako.

Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na nagdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo para sa buhay na walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo. Pagkatapos, hahawakan ng pari ang kalis
at pabulong na magdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo para sa buhay na walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo. Hahawakan niya ang pinggan o lalagyan ng
ostiya at lalapitan niya ang mga nakikinabang, bahagyang itataas ang ostiya para sa bawat
nakikinabang habang sinasabi:

Katawan ni Kristo.

Ang nakikinabang ay tutugon: Amen.

ESPIRITWAL NA PAKIKINABANG:

Aking Hesus, nananalig akong ikaw ay nananahan sa Pinakabanal na Sakramento.


Mahal kita nang higit sa lahat ng bagay at nais kong tanggapin ka sa aking kaluluwa. Subalit
sa sandaling ito, ikaw ay hindi ko matatanggap sa Banal na Komunyon. Nawa’y tanggapin
kita nang espirituwal sa aking pagnanais na ito at pumasok ka sa aking puso. Niyayakap
kita na parang naririto ka na sa akin, at pinagkakaisa ko ang aking sarili sa iyo. Huwag
mong hayaang ako ay mawalay sa iyo. Amen.

Ganito rin ang gagawin ng diyakono na nagdudulot ng pakikinabang. Samantalang nakikinabang


ang pari, sisimulan ang awit sa pakikinabang. Pagkapakinabang, ang mga mumo ng ostiya na
nasa pinggan ay titipunin sa kalis na huhugasan ng pari o diyakono o tagapaglingkod.

Makababalik ngayon sa upuan ang pari. Makapag-uukol ng ilang saglit na katahimikan o


makaaawit ng papuri o salmo.

CHOIR: COMMUNION SONG.

ORATIO IMPERATA LABAN SA COVID-19:

Mahabagin at mapagmahal na Ama, nagsusumamo kami sa iyo upang hilingin ang


iyong patnubay laban sa Covid-19 na nagpapahirap sa marami at kumitil na ng mga buhay.

14
Tunghayan mo kami nang may pagmamahal at ipag-adya kami ng inyong
mapaghilom na kamay mula sa takot sa kamatayan at karamdaman, itaguyod mo kami sa
pag-asa at patatagin sa pananampalataya.

Gabayan mo ang mga dalubhasang naatasan na tumuklas ng mga lunas at paraan


upang ihinto ang paglaganap nito. Nagpapasalamat kami sa mga bakunang naisulong sa
patnubay ng iyong mga kamay. Pagpalain mo ang aming mga pagsisikap na mawakasan ng
mga bakuna ang pandemya sa aming bayan.

Patnubayan mo ang mga lumilingap sa maysakit upang ang kanilang pagkalinga ay


malakipan ng husay at malasakit. Pagkalooban mo sila ng kalusugan sa isip at katawan,
katatagan sa kanilang paninindigang maglingkod at ipagsanggalang sa karamdaman.

Itinataas namin ang mga nagdurusa. Makamtam nawa nila ang mabuting kalusugan.
Lingapin mo rin ang mga kumakalinga sa kanila. Pagkamitin mo ng kapayapaang walang
hanggan ang mga pumanaw na.

Pagkalooban mo kami ng biyaya na magtulong tulong tungo sa ikabubuti ng lahat.


Pukawin sa amin ang pagmamalasakit sa mga nangangailangan. Sa pagdamay at malasakit
namin sa bawat isa, malampasan nawa namin ang krisis na ito at lumago sa kabanalan at
pagbabalik loob sa iyo.

Hinihiling naming ito sa pamamagitan ni Hesukristo na nabubuhay at naghaharing


kasama mo at ng Espiritu Santo, Diyos, magpasawalang hangan. Amen.

Dumudulog kami sa iyong patnubay, Mahal na Ina ng Diyos. Pakinggan mo ang


aming mga kahilingan sa aming pangangailangan at ipagadya mo kami sa lahat ng
kasamaan, maluwalhati at pinagpalang Birhen. Amen.

Mahal na Birhen, mapagpagaling sa maysakit, ipanalangin mo kami.


San Jose, ipanalangin mo kami.
San Rafael Arkanghel, ipanalangin mo kami.
San Roque, ipanalangin mo kami.
San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami.
San Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami.
San Pablo, unang ermitanyo, ipanalangin mo kami.
Banal na Santatlo, Iisang Diyos, maawa kasa amin.

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

AMA naming mapagmahal, pinagkakalooban mo kami ng pagkakataon na akuin sa lupa ang


ginagawa mo at nilalayon. Gawin mong ang loobin namin ay matuon sa iyong pinagluluklukan sa
Anak mo ngayon upang kaparis naming tao sa piling mo siya’y mamagitan kasama ng Espiritu
Santo magpasawalang hanggan.

Sasagot ang mga tao: Amen.

15
SA MISA SA UMAGA:

ANG PAGSUSUGO NG MGA MANANAPALATAYA BILANG MAKABAGONG


MISYONERO

COMMENTATOR: Tumayo po ang lahat para sa ritwal ng Pagsusugo ng mga


Mananampalataya Bilang Makabagong Misyonero. Ihanda po natin ang ating mga mission
cross na isusuot mamaya pagkatapos ng pagbabasbas.

Pagkaraan ng Panalangin Pagkapakinabang, tutungo ang pari sa harap ng dambana at


aanyayahan ang bayan para sa pagsusugo sa pamamagitan ng mga sumusunod na pananalita:

MGA kapatid, sa binyag ay tinanggap natin ang dakilang biyaya na maging mga anak ng Diyos at
kasapi ng kanyang Simbahan. Kalakip ng biyayang ito ay ang ating pakikiisa sa atas na gawain ni
Hesus bilang hari, pari, at propeta sa sanlibutan. Tayo ay mga katuwang niya sa pagpapahayag ng
Mabuting Balita sa lahat hindi lamang sa salita ngunit maging sa gawa. Hinihiling sa atin ang
kusang-loob na pagtalima sa utos ng pag-ibig sa kapwa bilang tanda ng ating pananampalataya.
Ngayong tayo ay nagdiriwang ng ikalimandaang taon ng pagdating ng pananampalataya sa ating
bansa, muli tayong binibigyan ng atas na gawain na maging mga sugo ni Kristo sa panahong ito
para sa sanlibutan. Tulad ng Mahal na Ina, ang atin nawang laging itugon ay: Narito kami,
Panginoon, isugo mo kami.

Tutugon ang sambayanan: Narito kami, Panginoon, isugo mo kami.

Pari. Sa misyon na laging isalamin sa ating pang araw-araw na buhay, sa mag-anak man o
pamayanan, ang buhay at aral ni Hesus, ang ating tugon:

Tugon. Narito kami, Panginoon, isugo mo kami.

Pari. Sa misyon na laging ipadama ang pag-ibig, katotohanan, at pagkakaisa ng Banal na Santatlo
sa ating mga pamayanan at mag-anak, ang ating tugon:

Tugon. Narito kami, Panginoon, isugo mo kami.

Pari. Sa misyon na ipakilala ang mapagniig na Diyos sa pamamagitan ng ating pakikitungo sa


kapwa, maging sa sarili nating buhay o sa pamamagitan ng mga makabagong paraan, ang ating
tugon:

Tugon. Narito kami, Panginoon, isugo mo kami.


PANALANGIN NG PAGBABASBAS

Ilulukob ng pari ang kanyang mga kamay sa sambayanan habang dinarasal:

PINUPURI ka namin, O Diyos, at dinarakila ang iyong ngalan. Sa iyong mapagkalingang habag,
isinugo mo ang iyong anak sa daigdig upang palayain ito sa pagkalugmok sa kasalanan sa
pamamagitan ng kanyang dugo at upang palaguin kami sa mga kaloob ng Espiritu Santo.

16
Bago siya bumalik sa iyo, taglay ang tagumpay laban sa kamatayan, ay isinugo niya ang kanyang
mga alagad,ang mga tagapagdulot ng kanyang pag-ibig at kapagyarihan, upang ipahayag ang
Mabuting Balita ng buhay sa lahat, at sa pamamagitan ng tubig ng binyag ay malinis ang lahat ng
sumasampalataya.

Panginoon, masdan mo ang iyong mga lingkod na ngayo’y isinusugo bilang mga tagapagpahayag
ng kaligtasan at kapayapaan, taglay ang tanda ng krus.

Gabayan mo ang kanilang mga tahakin ng iyong makapangyarihang mga kamay at sa bisa ng iyong
biyaya ay patatagin mo sila sa iyong Espiritu upang hindi sila manlamig sa oras ng kahirapan. Ang
kanilang salita nawa’y maging katulad ng mga wika ni Kristo, upang ang mga makaririnig sa
kanila’y mahikayat na sumunod sa Mabuting Balita. Punuin mo ng Espiritu Santo ang kanilang
mga puso nang sa gayo’y, sa pagiging lahat para sa lahat, ay maiakay nila ang mga tao sa iyo na
siyang Ama ng lahat, upang awitin ang pagpupuri ng iyong banal na Simbahan.

Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

Sasagot ang mga tao: Amen.

PAGBABASBAS AT PAGKAKALOOB NG «MISSION CROSS»

COMMENTATOR: Itaas po natin ang ating mga mission cross upang ito ay mabasbasan.

Habang tangan-tangan, itataas ng mga tao ang kanilang mission cross. Ilulukob ng pari ang
kanyang mga kamay sa mga krus.

AMA ng kabanalan, niloob mo na ang krus ng iyong anak ay maging bukal ng lahat ng pagpapala
at biyaya. Basbasan mo ang mga krus na ito at ipagkaloob mo na ang mga magpapahayag sa lahat
kay Kristong nabayubay sa kahoy na krus ay magtiyagang mahubog sa kanyang halimbawa.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming panginoon.

Sasagot ang mga tao: Amen.

Pagkatapos, ipahahayag ng pari ang mga sumusunod:

Tanggapin niyo ang tanda ng pag-ibig at pananampalataya kay Kristo. Ipahayag sa inyong wika at
gawa si Kristong ipinako sa krus na siyang kapangyarihan at karungungan ng Diyos.

Isusuot ng sambayanan ang kanilang mission cross.

PAGHAHAYO AT PAGWAWAKAS

Pagkatapos, gaganapin ang paghahayo. Ang paring nakalahad ng mga kamay sa mga tao ay
magpapahayag:

17
SUMAINYO ang Panginoon.

Sasagot ang mga tao: At sumaiyo rin.

Ang diyakono ang magpapahayag ng paanyaya: Yumuko tayo habang iginagawad ang
pagbabasbas.

Itataas ng pari ang kanyang kamay na lumulukob sa lahat:

Pari. Pagpalain nawa kayo ng makapangyarihan ng Diyos Ama sa araw na ito ng pagdiriwang ng
pag-akyat sa langit ng kanyang Anak upang buksan ang pinto ng aakyatan ninyo sa buhay na
walang hanggan.

Sasagot ang mga tao: Amen.

Pari. Katulad ng pagpapakita ni Hesukristo sa mga alagad matapos na siya’y mabuhay na muli
ipagkaloob nawang siya’y magpakita sa inyo nang may awa sa paghuhukom para sa buhay na
walang hanggan.

Sasagot ang mga tao: Amen.

Pari. Kayong nananalig na lumuklok si Kristo sa kanang kamay ng Diyos Ama ay makadama
nawa ng kagalakang hatid ng kanyang pamamalagi sa inyong piling hanggang katapusan alinsunod
sa pangako niya magpasawalang hanggan.

Sasagot ang mga tao: Amen.

Babasbasan ng pari ang mga tao habang kanyang ipinahahayag:

AT pagpalain nawa kayo ng makapangyarihang Diyos, Ama at Anak at Espiritu Santo.

Sasagot ang mga tao: Amen.

Ang diyakonong magkadaop ang kamay ay magpapahayag ng paghahayo sa sambayanan:

Humayo kayong taglay ang kapayapaan upang ang Panginoon ay mahalin at paglingkuran.

Sasagot ang mga tao: Salamat sa Diyos.

18
SA MISA SA GABI:

ANG PAGBABASBAS NG MGA KASAPI NG LUPON SA PAKIKIPAGTALASTASANG


PANLIPUNAN (Social Communications Ministry)

Ang pagbabasbas ay gaganapin pagkatapos ng Panalangin Pagkapakinabang. Tatayo ang lahat


at lalapit sa harap ng kura paroko ang mga kasapi ng Lupon sa Pakikipagtalastasang Panlipunan.

Tagapag-ugnay ng Lupon: Mahal naming Kura Paroko, narito po kaming mga kasapi ng Trinity
Media Ministry, ang Lupon ng Pakikipagtalastasang Panlipunan ng ating Parokya, upang
maglingkod sa Panginoon at sa kanyang sambayanan.

Pari: MGA kapatid noong tayo ay binyagan, tayo ay nakikibahagi sa pagiging pari, hari at propeta
ng Panginoong Hesukristo. Sa bisa ng pakikibahaging ito, tayo ay may karapatang lumahok sa
ikabubuo ng sambayanang Kristiyano.

Ang pagiging isang kasapi sa ating pamayanan ay malinaw na pagpapahayag ng inyong pagnanais
na isakatuparan ang atas na gawain na ipahayag ang Mabuting Balita sa pamamagitan ng pagtalima
at pagkikipagtulungan kay Hesus sa katauhan ng mga pari na namumuno sa sambayanan.

Sa harap ng bayan ng Diyos, nakahanda ba kayong tumupad sa mga gawaing iaatang sa inyong
mga balikat?

Mga kasapi: Opo. Nakahanda po kami.

Pari: Kung ang bahay ay hindi itatayo ng Diyos, walang halaga ang pagpapagod ng mga
gumagawa. Kung hindi Panginoon ang nagbabantay sa lunsod, walang halaga ang papupuyat ng
mga bantay. Ang Diyos ang ating takbuhan at lakas sa katuparan ng ating mga hangarin.

PANUNUMPA

Babangitin ng mga nahirang ang kanilang mga pangako.

Ako, si (banggitin ang pangalan) ng Trinity Media Ministry ay nangangakong tutupad nang buong
husay sa tungkuling ipinagkaloob sa akin. Ito ay aking pinagpasyahan nang buong kalayaan at
nababatid ko nang lubusan ang tungkuling inaasahan sa akin na kaakibat ng ganitong paglilingkod.
Nangangako akong magiging matapat at pag-iibayuhin ang sipag sa lahat ng inaasahan sa akin
para sa ikalalago ng pananampalataya ng aking Parokya gayundin sa ikatatagumpay ng banal na
hangarin ng Inang Simbahan. Tulungan nawa ako ng Banal na Santatlo sa aking pangako.

19
PANALANGIN NG PAGBABASBAS

Mananalangin ang pari na nalukob ang mga kamay sa mga nagpahayag ng panunumpa.

Pari: DIYOS na walang hanggan, tinipon mo kami bilang bayang nakatalaga sa iyo, upang dalhin
ang Mabuting Balita ni Kristo sa lahat ng tao. Basbasan mo ang mga kasapi ng Trinity Media
Ministry. Liwanagan nawa ng iyong Espiritu ang kanilang mga pag-iisip at subaybayan ang lahat
ng kanilang mga gawain. Mapanibago nawa sila sa pananampalataya at mabuklod sa pag-ibig
upang maisakatuparan ang gawain sa iyong Simbahan para sa ikaluluwalhati ng iyong pangalan.
Hinihiling namin ito kay Kristong aming Panginoon.

Sasagot ang mga tao: Amen.

Wiwisikan sila ng banal na tubig.

Kura Paroko:
Mga kapatid kay Kristo, narito ang mga kasapi ng Lupon ng Pakikipagtalastasang Panlipunan
ng ating Parokya, ang Trinity Media Ministry.

Papasalubungan sila ng palakpakan. Isusunod ang Paghahayo at Pagwawakas.

20

You might also like