You are on page 1of 3

UMAWIT AT MAGPURI

Rev. Fr. Allan B. Antonio

Koro: Halina tayong lahat ay umawit


Sa Panginoon tayo ay magpuri
'Pagkat ating nakita
Ang dakilang pag-ibig ng Diyos!

Nilikha N'ya ang sanlibutan


At ang buong kalikasan
Mabuti ang lahat ng ginawa
Pinagyaman at pinagpala
Ang tao'y Kanyang nilalang
Kalarawa't kawangis Niya
At kahit hindi naging tapat
Ay Kanya pa ring minahal (Koro)

Panaho'y nagkaroon ng kaganapan


Nang ang Salita'y naging laman
Naparito at nakipamuhay
Sa mga dukha't makasalanan
Ang buhay N'ya'y inialay
Nang sa krus ay mamatay
At S'ya'y muling nabuhay
Nang tayo'y mapag-isa sa Ama. (Koro)

Isinugo ng Panginoon
Ang Kanyang Espiritung Banal
Upang sa ati'y ipaalala
Na S'ya'y kapiling sa t'wina
S'ya sa atin ay gumagabay
Sa liwanag na binibigay
Pinag-iisa at pinagtitipon
Bilang bayan ng Panginoon. (Koro)

Ang dakilang, ang dakilang pag-ibig ng Diyos!

GLORIA IN EXCELSIS DEO


(Dom Benildus Maramba, OSB/Jean Paul Lecot)
At sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan Niya.
Pinupuri Ka namin, dinarangal Ka namin
Sinasamba ka namin, ipinagbubunyi Ka namin
Pinasasalamatan Ka naming dahil sa dakila Mong angking kapurihan.
Panginoong Diyos, Hari ng langit,
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. (Koro)
Panginoong Diyos, Hesukristo, bugtong na Anak
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos Anak ng Ama.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Maawa Ka, maawa Ka sa a—min.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Tanggapin Mo, tanggapin Mo ang aming kahilingan
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama
Maawa Ka, maawa Ka sa amin. (Koro)
Sapagkat Ikaw lamang ang Banal.Ikaw lamang ang Panginoon
Ikaw lamang O Hesukristo ang Kataas-taasan
Kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama.
Amen, Amen, Amen! (Koro)

UNANG ALAY
(Fr. Rey Magnaye)

KORO: Kunin at tanggapin ang alay na ito


Mga biyayang nagmula sa pagpapala Mo.
Tanda ng bawat pusong ‘pagkat inibig Mo
Ngayo’y nananalig, nagmamahal sa ‘Yo.

Tinapay na nagmula sa butil ng trigo


Pagkaing nagbibigay ng buhay Mo
At alak na nagmula sa isang tangkay na ubas
Inuming nagbibigay lakas. (Koro)

Lahat ng mga lungkot, ligaya’t pagsubok


Lahat ng lakas at kahinaan ko
Inaalay kong lahat buong pagkatao
Ito ay isusunod sa ‘Yo. (Koro)

Ang bayang inibig Mo ngayo’y umaawit


Sa ‘Yo ay sumasamba’t nananalig
Umaasang diringgin ang bawat dalanging
Sa alay na ito’y nakalakip.

Coda: Ngayo’y nananalig, umaasa, dumudulog sumasamba


Umaawit, nagmamahal sa ‘Yo.

KALULUWA NI KRISTO
Rev. Fr. Allan B. Antonio

Kaluluwa ni Kristo, gawin Mo akong banal.


Katawan ni Kristo, nawa’y iligtas Mo ako.
Dugo ni Kristo, puspusin Mo ako ng ‘Yong Espiritu.
Tubig na galing sa ‘Yong tagiliran,
nawa’y linisin ako.
Ang paghihirap Mo, Kristo,
nawa’y maging aking lakas.

(**) Dinggin Mo ako, Hesus,


Itago Mo ako sa ‘Yong mga sugat
H’wag Mong hayaang malayo ako sa ‘Yo
Sa mga kaaway ako’y ipagtanggol.

Sa oras ng pagpanaw, tawagin Mo ako


Hayaan Mong ako’y mapalapit sa ‘Yo
Kasama ng mga banal Ikaw ay pupurihin ko.
(Ulitin ang **) Magpakailanman!
TAYO’Y KAY KRISTO
Rev. Fr. Allan B. Antonio

Si Kristo ang nagbigay kahulugan sa buhay ko.


Ipinakita Niya'ng tunay kong katayuan
Iminulat Niya sa akin ang aking patutunguhan
Ang ganap kong makapiling ang Diyos Ama.

REFRAIN:
Tayo'y kay Kristo
Mabuhay man o mamatay
'Pagkat niyakap Niya ang sangkatauhan
Kamataya'y nagiging buhay
Kung sa Kanya tayo nakasalalay
Christi sumus, Tayo'y kay Kristo

Tinawag Niya tayo at pinili mula sa karamihan


Upang pag-isahin ang kawan Niya'ng nawalay
Nang mamuhay ng sama-sama at nagkakaisa
Sa pag-ibig at kapayapaan kasama Niya.
(Refrain)

Bridge:
Sadyang kapos ang ating pagkatao
Upang tupdin ang tawag ng ating Lingkod
Ngunit walang pangamba 'pagkat kapiling Siya
Siya ang buhay ng ating buhay (Refrain)
Kamataya'y magiging buhay
Kung sa Kanya tayo nakasalalay
Christi sumus, Tayo'y kay Kristo

SALMO 100
(Ferdinand M. Bautista)

Umawit kang masaya, umawit kang masaya!


sa Panginoon umawit kang masaya,
umawit kang masaya sa Panginoon!

1. O sankalupaan, umawit ka,


umawit ka ng may kagalakan!

2. O paglingkuran ang Panginoon


na may kagalakan,
paglingkuran ang Panginoon!

You might also like