Purihin sa Awit (Fr. Neil Sevilla) Pag-aalaala Lumapit Tayo sa Panginoon
PAGHAHANDA NG MGA ALAY
Tinapay at Alak Paggugunita Alay ni Kristo, Alay ng Bayan
PAKIKINABANG
Sa Piging na Ito (6)
Dakila Ka, O Panginoon Huwag Kang Matakot, Iniligtas Kita (FMB) Sa Piling Mo
PANGWAKAS NA AWIT
Humayong Mapayapa Humayo Na
PURIHIN SA AWIT (Salmo 100)
Fr. Neil P. Sevilla
Umawit kayong may galak sa Panginoon.
Purihin sa awit ang Panginoon. Lumapit kayo sa kanya, pasalamatan Siya.
Kilalanin ninyo ang Panginoon ay Diyos,
Nilalang Niya tayong lahat. Tayo’y Kanya, ang bayan at kawan Niya.
Pumasok kayo sa Kanyang mga pintuan,
umawit sa dakong banal. Purihin, purihin ang Kanyang Banal na Pangalan.
Mabuti at laging tapat ang Panginoon,
Purihin sa awit ang Panginoon. Pag-ibig Niya’y walang hanggan, tapat magpakailanman.
… Pag-ibig Niya’y walang hanggan, tapat magpakailanman.
ALAY NI KRISTO, ALAY NG BAYAN Fr. Neil P. Sevilla
1. Tinapay na nagmula sa hinimay na mga trigo.
Sa lupa’y inihasik, magiging katawan ni Kristo, Anak Mong ginigiliw, pagkaing buhay ang hatid.
2. At alak na nagmula sa kinatas na mga ubas
na pinitas ng kamay, magiging dugong tunay ni Kristong sa krus nabayubay, inuming dulot ay kaligtasan.
Basbasan Mo, Amang banal,
narito’t aming taglay ang tinapay at alak, Inani ng pagpapagal. Pagpalain pati kami, bayan Mong nagdarasal. Sumaamin nawa si Kristo, Panginoong nagmamahal.
… Habang inaalala, inako Niyang sariling pag-aalay.
HUWAG KANG MATAKOT, INILIGTAS KITA
Ferdz M. Bautista
1. Ang tunay na pag-ibig inihayag sa atin ni Hesus
doon sa Krus, pag-ibig na dakila!
H’wag kang matakot iniligtas kita!
H’wag kang matakot tinawag kita. Huwag kang matakot pagkat ikaw ay akin. H’wag kang matakot minamahal kita.
2. Ang tunay na pag-ibig may magandang loob
Ito’y nakaugat sa katotohanan!
SA PIGING NA ITO Ferdz M. Bautista
Sa piging na ito ating pagsaluhan
Ang katawa’t dugo ni Hesukristo. Siya’y ating lakas at tanggulan; Panginoong Diyos nating lahat.
1. Tikman ninyo at masdan ang kabutihan ng Panginoon.
Mapalad ang tao, na ang Diyos ang pag-asa.
2. Inuming inihahai’y Dugo ni Kristong butihin,
Hinati-hating pagkai’y Katawang alay sa piging ni Hesus para sa atin.