You are on page 1of 1

SA TRIGO AT UBAS NAGMULA

John John J. Dorega

Refrain:
Sa trigo at ubas nagmula,
‘Sang ost’yang alay ng madla.
Handog ng bayan mong hinirang.
Tanggapin mo’t gawing katawa’t dugo ni Kristo.

1. Itong alak at tinapay kasama ang buhay naming taglay,


Ama kami’y bahaginan kay Kristong sugo mong hirang.

2. Itong alak at tinapay, magdulot sa ‘min ng kaligtasan,


At buhay na mapayapa kay Kristong sugo nagmula.

BANAL NA INA
Ferdz M. Bautista

Banal na Ina, Birheng sakdal ganda!


Reyna ng langit at lupa, ipanalangin mo kami.

1. Ang puso ko’y nagpupuri sa Panginoon


at ang aking espiritu’y nagagalak
sa Diyos na aking Tagapagligtas,
sapagkat nilingap Niya akong kanyang abang alipin.

2. Mula ngayon ang lahat ng tao’y


tatawagin akong mapalad;
dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin
ng Makapangyarihan! Siya ay Banal.

MAPALAD ANG BIRHENG MARIA


Bill Kevin del Rosario

Koro 1: Mapalad ang Birheng Maria, pinili ng Diyos Ama.


Upang il’wal ang sugo N’ya,
Anak na kaisa-isa at Manunubos sa sala.

1. Ikaw po Birheng Marilag, Inang walang makatulad.


Magdalita ka’t mahabag, ipagtanggol kaming lahat
sa hirap na aming daranasin.

2. At sa oras ng pagdating niyong kamatayan namin,


Kami ay inyong dalawin, saklolohan
at aliwin sa hirap na aming titiisin.

… at Manunubos sa sala. Aah!

You might also like