You are on page 1of 6

ANG KAAYUSAN NG PAGSAMBA

(**sa ganitong tanda tatayo ang kapulungan)

TAHIMIK NA PAGBULAY-BULAY PAMBUNGAD NA TUGTUGIN


(Ang Kapulungan ay manatili sa taimtim na pagbubulaybulay)

2. Tanging ang dugo ni Cristo ang lunas sa salang sa atin ay nagpahamak; ang bawat mananalig ng taimtim, patawad ng Dios tunay na kakamtin. KORO 3. Bawat kaloob Nyay dakilang tunay, lalo na ang dulot na kaligtasan; ligayang ganap ang matatamasa kung si Cristo ay atin nang makita. KORO

PANAWAGAN SA PAGSISISI

**PAGSISINDI NG KANDILA SA ALTAR AT PAGBUBUKAS NG BIBLIYA PAGPASOK NG MGA TAGAPANGUNA SA PAGSAMBA TAWAG SA PAGSAMBA Isaias 49:13 ;Isaias 52:10; Zacarias 9:9; Lucas 19:38
Patnugot: Umawit ka sa tuwa, O langit. At magalak ka, O mundo! Umawit kayo, kayong mga bundok. Sapagkat kaaawaan at aaliwin ng PANGINOON ang kanyang mga mamamayang nahihirapan. Kapatiran: Ipapakita ng PANGINOON ang natatangi niyang kapangyarihan sa lahat ng bansa, at makikita ng buong mundo ang pagliligtas ng ating Dios. Patnugot: Sumigaw kayo sa kagalakan, kayong mga mamamayan ng Zion, ang lungsod ng Jerusalem, dahil ang inyong hari ay darating. Siyay matuwid at mapagtagumpay. Siyay mapagpakumbaba at darating na nakasakay sa bisirong asno. LAHAT: PURIHIN ANG HARI NA DUMARATING SA NGALAN NG PANGINOON! KAPAYAPAAN SA LANGIT! PURIHIN ANG DIOS!

Isaias 55:6,7 Patnugot: Lumapit na kayo sa PANGINOON at tumawag sa kanya habang naririyan pa siya para tulungan kayo. Talikuran na ng mga taong masasama ang masasama nilang pag-iisip. Magbalik-loob na sila sa PANGINOON na ating Dios, dahil kaaawaan niya sila at patatawarin. Mga kapatid, dumulog po tayong lahat sa Dios, at ipagtapat natin sa Kanya ang ating mga nagawang kasalanan. Pastor Wen Olavere Mga anak, sinusulat ko sa inyo ang mga bagay na ito upang hindi kayo magkasala. Ngunit kung may magkasala man, may tagapamagitan tayo sa Ama siya si Jesu-Cristo, ang Matuwid. Siya ang ibinigay na handog para sa kapatawaran ng ating mga kasalanan, at hindi lang ng mga kasalanan natin kundi pati na rin ng kasalanan ng buong mundo. (1 Juan 2:1,2) Mga kapatid, ito ang matatag nating saligan ng dakilang pag-ibig at habag ng Dios sa mga taong nagsisisi at tumatalikod na mula sa kanilang mga kasalanan. Panginoon koy salamat, sa biyayang pagliligtas, sa kaluluwa kong hamak. Ang nagdalang awa Kat habag. Amen. PAGKILALA SA MGA PANAUHIN Rev. Delmar Tuazon

PANSARILING PANALANGIN NG PAGSISISI KATIYAKAN NG PAG-IBIG NG DIOS

**IMBOKASYON **DOKSOLOGIA

Pastor Wen Olavere

TUGON

Ang lahat sa sansinukob, at nasa langit na hukbo; papurihan natin ang Dios: Ama, Anak, Espiritu. Amen.

**AWIT NG PAGSAMBA AT PAGPUPURI PAPURIHAN ANG DIOS 1. Ating sambahin at purihin ang Dios dahil isinugo ang Manunubos; ang buhay Niyay kusang inialay, pinto ng langit sa atiy binuksan. KORO: Papurihan ang Dios, at sundin Syang tunay; papurihan ang Dios, tayoy magkatwaan! Lapit sa Ama, sa ngalan ni Cristo, yamang sa salay tinubos Nya tayo.

PAGBABALITA, PAGBATI, MALASAKIT AT UGNAYAN NG KAPATIRAN

**PANALANGIN NG KAPATIRAN TUGON

Ang daing namin, O Dios ay dinggin! Kapayapaan Mo, sanay tanggapin. Amen.

PAGBASA SA BANAL NA KASULATAN **GLORIA PATRI

Ang Amay papurihan, at ang Anak at ang Espiritu; simula pa noong una, Ngayot magpakailanman, walang hanggan, Amen. Amen.

Pag-ibig Nya ang nagligtas; saking pagkakalugmok, itinaas. Pag-ibig Nya ang nagligtas; saking pagkakalugmok, itinaas. 2. Ang lahat sa buhay ko aking ihahandog sa Amang mapagmahal, sa akiy tumubos; pupurihin ko Siya nang may pagmamahal, paglilingkuran nang may katapatan. KORO 3. Taong makasalanan, manalig kay Jesus, hahanguin ka Niya sa pagkakalugmok; buhay mong binabagyo, papayapain Nya; lapit na at kay Jesus pasakop ka. KORO

ANG MENSAHE AT PAGBULAY-BULAY SA MGA SALITA NG DIOS ANG SAKRAMENTO NG BANAL NA HAPUNAN PAGHAHANDOG
Tawag sa Pagkakaloob Lucas 6:38 Patnugot: Magbigay kayo, upang bigyan din kayo ng Dios. Ibabalik sa inyo ang ibinigay ninyo nang sobra-sobra at umaapaw. Sapagkat kung paano kayong magbigay sa iba, ganoon din ang pagbibigay ng Dios sa inyo. Italaga po natin sa Dios ang ating mga kaloob at handog pasasalamat. Paglikom ng mga Kaloob **TUGON Ang aming kaloob, sa Yoy ihahandog; anumang aming naimpok ay biyaya ng Dios. Amen.

**PANALANGIN NG PASASALAMAT (Sabay-sabay)


Loobin nyo po, O Panginoong Dios, na sa pamamagitan ng mga kaloob na ito ay maipaabot namin sa Inyo ang aming taos pusong pagpapasalamat sa Inyong walang humpay na pagkalinga sa amin. Tunay ngang iniibig nyo kami, O aming Ama. Pagpalain po Ninyo, O dakilang Dios, ang mga nakayanan na handog ng Inyong mga anak. Inilalagak po namin ang mga ito sa Inyong makapangyarihang kamay, pati na rin ang aming mga buhay, upang magamit Ninyo sa pagsakatuparan ng Inyong banal na layunin at Gawain sa dakong ito, at saan mang lugar na kami ay Inyong suguin. Ito po ang aming hangarin at pagsamo, sa ngalan ng Inyong bugtong na Anak na si Jesu-Cristong Panginoon at Tagapagligtas namin. Amen.

**PANALANGIN NG PAGTATALAGA **PAGPAPALANG APOSTOL **TATLONG AMEN PANGWAKAS NA TUGTUGIN PAGSARA NG BIBLIYA AT PAGPATAY NG KANDILA PAGLABAS NG MGA TAGAPANGUNA SA PAGSAMBA oOo
Malugod nating binabati ang bawat isang naririto ngayon sa ating Gawaing Pananambahan. Kung ito ang una o ikalawang pagkakataon na kayo ay nakadalo sa Gawaing ito, kami ay lubos na nagagalak at napagpasyahan ninyong dumalo sa Pananambahan ngayong hapon. At naway maranasan ninyo ang pag-ibig at presensya ng ating Panginoong Jesu-Cristo sa piling ng Kapatirang ito. At kayo ay palaging Welcome na dumalo sa lahat ng Gawain ng Kapatiran. Maraming salamat sa naglinis at naghanda ng ating Kapilya para sa Gawaing Pananambahan ngayong hapon, sa naghandog ng bulaklak, at gayon din sa nagluto at naghanda ng ating pagsasalu-saluhan mamaya pagkatapos ng ating Pananambahan. Maligayang bati sa mga kapatid na magdiriwang ng kanilang kaarawan sa linggong ito: Iba pang mga Paalala

**AWIT NG PAGTATALAGA
INILIGTAS NG PAG-IBIG 1. Buhay ko ay kay dilim sa sala ay lugmok, at walang makasagip buhat sa paglubog; ngunit dininig ng Dios ang aking paghibik, at akoy iniligtas ng Pagibig. KORO:

TANGING PAG-ASA Basahin: 1 Tesalonica 4:13-18 Mamuhay nangmatuwid habang hinihintay natin ang mapalad na pagasa. Tito 2:12-13 Isinulat ng isang manunulat, Nang bago pa lang akong mananampalataya, masaya kong pinag-iisipan ang muling pagbabalik ni Jesus. Isa itong napakagandang pangako. Tema din ito ng ilan sa mga awit na kinakanta namin sa Panginoon. Ang muling pagbabalik ni Jesus ay naging isa sa mga paborito kong paksa sa aking pagtuturo, pagmemensahe at pagsusulat. Pero dahil sa mga nangyayari ngayon sa mundo, mas lalo pa itong naging mahalaga sa kin. Mapalad na pag-asa ang tawag ni Pablo dito noon. Pero ngayon, kitang-kita na natin na ang pagbabalik ni Jesus ang tanging pag-asa ng mundo. Kung ang tao ang ating aasahan, walang solusyon ang mga problema sa mundo. Laging bigo ang mga pinuno ng ibat ibang bansa sa mga solusyon nila sa mga problema ng lipunan. Ang tanging solusyon ay mangyayari sa pagbabalik ni Jesus. Pagbalik Niya, itatatag Niya ang Kanyang kaharian, pamamahalaan Niya ang mundo at ang lupa ay mapupuno ng kaalaman at kaluwalhatian ng PANGINOON. (Habakkuk 2:14). Sa paghihintay natin sa pagbabalik ng Panginoon, lagi tayong manalangin. Paglingkuran natin Siya at maging handa habang hinihintay natin ang mapalad na pag-asa ang tanging pag-asa ng mundong ito. Richard De
Haan

Sitio Bagong Barrio, Bgy. Buraburan, Juban, Sorsogon

Sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, Ikaw, Panginoon ay pupurihing lubos; Ang Iyong pagbabalik ay aming hinihintay; Buong pananabik kaming nagbabantay. Sherwood Habang dumarami ang kasamaan sa mundo lalong nakikita ang pangangailangan ng pagbabalik ni Cristo.

Purihin ang hari na dumarating sa ngalan ng Panginoon! Kapayapaan sa langit! Purihin ang Diyos! Lucas 19:38
ANG MATAGUMPAY NA PAGPASOK NI JESUS SA JERUSALEM
Ika-1 ng Abril 2012 LINGGO NG BANAL NA HAPUNAN alas 2 ng hapon

BAKIT DAPAT PANIWALAAN ANG BIBLIA Ang Biblia ay siyang tanging batayan ng paninindigan at pananampalataya. Ito ang tanging kapahayagan ng Dios patungkol sa Kanyang sarili at sa Kaniyang kalooban. Dahil dito, ang diablo ay lubhang nagsisikap na sirain ito sa napakaraming paraan, ngunit ang kaharian ay bumagsak, ang mga dakilang tao ay namatay, ang daigdig ay nagbago na, ngunit ang Biblia, ang Salita ng Dios ay nananatili. Ito pa rin ay kapanipaniwala at nanatiling totoo. I. Ang Biblia ay sinikap sirain at puksain, subalit ito ay nanatili. Simula pa sa kasaysayan ng sangkatauhan ay sinikap nang sirain ni Satanas ang Salita ng Dios (Genesis 3:1,5). Punahin ang ginawang pagbaluktot ni Satanas sa Salita ng Dios sa talatang 5. Mula noon ay gumamit na siya ng mga tao at samahan upang durugin ang Banal na Kasulatan. 1. Emperador Deocletian Nang mabatid ng mga emperador na ang mga Cristiano ay sa Biblia nagbabatay ng kanilang mga paniniwala at pananampalataya ay sinikap nilang puksain ang banal na aklat. Isa na rito ang Emperador na si Deocletian na naglagda ng isang kautusan noong A.D. 303, ipinasasamsam at ipinasusunog ang lahat ng makitang kopya ng Biblia. Sa pagsusunog na ito sa aklat ay kabilang na ring sinilaban ang mga mananampalatayang kasusumpungan nito. Ito ay tumagal hanggang A.D. 313. 2. William Tyndale Ang repormador na nagsalin sa English ng Banal na Kasulatan. Ipinuslit niya sa Englatera ang may 18,000 kopya ng Biblia, subalit nang ito ay malaman ng mga lider ng Iglesia Catolica Apostolica Romana, ito ay ipinasamsam at sinunog. Ang natira na lamang ay dalawa sa kaniyang Biblia (1543). 3. Voltaire ipinahayag niya noong kaniyang kapanahunan na ang Kristianismo ay mapapawi sa balat ng lupa pagkalipas ng 100 taon. Siya ay namatay noong 1778. Dalawamput limang taon matapos siyang namatay, ang palimbagan ng kaniyang mga aklat laban sa Biblia ay ginwang palimbagan ng Biblia at pinangalanang British and Foreign Bible Society. Si Voltaire ay namatay na isinisigaw ay ganito, O Cristo, Cristo, akoy iniwanan ng Dios at tao. O, Cristo, Cristo! II. ANG BIBLIA AY ANG TANGING AKLAT NA KINASIHAN NG DIOS

III.

Kahulugan ng Pagkasi ito ay ang pagpuspos ng Espiritu Santo at ganap na pagpigil Niya sa mga sumulat ng Banal na Kasulatan, upang ito ay maisagawa ng walang pagkakamali sa kahit isa mang salita (2 Timoteo 3:16; 2 Pedro 1:21). Ang mga salita sa Biblia ay hindi idinikta ng Dios sa mga sumulat nito, bagkus ay pinigil ng Espiritu Santo ang kanilang mga isipan upang makaalam ng mga bagay na hindi maaaring malaman sa likas na karunungan ng tao, at pinigil ng Banal na Espiritu ang kanilang mga kamay upang isulat lamang nila ang mga salitang nais ng Dios na maisulat. Masasabi nating ang Biblia ay sinulat ng Dios sa pamamagitan ng mga taong kinasihan at hiningahan ng Kaniyang kapangyarihan, pagkat ang kanilang mga sinulat ay hindi maaaring malaman at hindi makikita sa pamamagitan ng kanilang likas at limitadong pag-iisip. PATOTOO NG ARKEOLOHIYA AT KASAYSAYAN 1. AGHAM (Science) nasumpungan na ang mga talang ating namamasdan sa ating daigdig ay pinamamahalaan ng likas na kautusan (natural law) at ang bawat grupo ng planeta ay may kaayusan. Sino ang nag-ayos nito? Isinasaad ng Biblia na ito ay nilikha ng Dios (Genesis 1:16). Ang agham ay nagpatotoo na bago magkaroon ng kaayusan sa ating daigdig ay wala itong kaayusan at walang laman, pawang kadiliman. Ito ang tuwirang patotoo ng Banal na Kasulatan (Genesis 1:3). Ang zoology ay nagsasaad na bago lumitaw ang tao sa lupa ay naunang nagkaroon ng buhay sa tubig, halaman at mga punong namumunga at mga ibon, isda, at mga hayop sa lupa (Genesis 1). 2. ARKEOLOHIYA i. Si Adan at Eva ay nasumpungang tunay na tao sa pamamagitan ng mga bato na nagtataglay ng kaniyang pangalan. ii. Ang baha sa panahon ni Noe (Genesis 6:7). Ang mga eksperto ay nakahukay sa ilalim ng lupa ng patunay ng pagkakaroon ng pandaigdigang baha na ayon sa kanila ay naganap sa panayong isinaad ng Biblia, sa panahon ni Noe. Sa susunod na Linggo, ipagpapatuloy natin ang pagtalakay sa iba pang mga patotoo mula sa Arkeolohiya na nagpapatunay sa katotohanan ng mga data na nakasulat sa Biblia.

Pag-ibig Nya ang nagligtas; saking pagkakalugmok, itinaas. Pag-ibig Nya ang nagligtas; saking pagkakalugmok, itinaas. 2. Ang lahat sa buhay ko aking ihahandog sa Amang mapagmahal, sa akiy tumubos; pupurihin ko Siya nang may pagmamahal, paglilingkuran nang may katapatan. KORO 3. Taong makasalanan, manalig kay Jesus, hahanguin ka Niya sa pagkakalugmok; buhay mong binabagyo, papayapain Nya; lapit na at kay Jesus pasakop ka. KORO

ANG KAAYUSAN NG PAGSAMBA


(**sa ganitong tanda tatayo ang kapulungan)

TAHIMIK NA PAGBULAY-BULAY PAMBUNGAD NA TUGTUGIN


(Ang Kapulungan ay manatili sa taimtim na pagbubulaybulay)

**PANALANGIN NG PAGTATALAGA **PAGPAPALANG APOSTOL **TATLONG AMEN PANGWAKAS NA TUGTUGIN PAGSARA NG BIBLIYA AT PAGPATAY NG KANDILA PAGLABAS NG MGA TAGAPANGUNA SA PAGSAMBA oOo
Malugod nating binabati ang bawat isang naririto ngayon sa ating Gawaing Pananambahan. Kung ito ang una o ikalawang pagkakataon na kayo ay nakadalo sa Gawaing ito, kami ay lubos na nagagalak at napagpasyahan ninyong dumalo sa Pananambahan ngayong hapon. At naway maranasan ninyo ang pag-ibig at presensya ng ating Panginoong Jesu-Cristo sa piling ng Kapatirang ito. At kayo ay palaging Welcome na dumalo sa lahat ng Gawain ng Kapatiran. Maraming salamat sa naglinis at naghanda ng ating Kapilya para sa Gawaing Pananambahan ngayong hapon, sa naghandog ng bulaklak, at gayon din sa nagluto at naghanda ng ating pagsasalu-saluhan mamaya pagkatapos ng ating Pananambahan. Maligayang bati sa mga kapatid na magdiriwang ng kanilang kaarawan sa linggong ito: Iba pang mga Paalala

**PAGSISINDI NG KANDILA SA ALTAR AT PAGBUBUKAS NG BIBLIYA PAGPASOK NG MGA TAGAPANGUNA SA PAGSAMBA TAWAG SA PAGSAMBA Isaias 49:13 ;Isaias 52:10; Zacarias 9:9; Lucas 19:38
Patnugot: Umawit ka sa tuwa, O langit. At magalak ka, O mundo! Umawit kayo, kayong mga bundok. Sapagkat kaaawaan at aaliwin ng PANGINOON ang kanyang mga mamamayang nahihirapan. Kapatiran: Ipapakita ng PANGINOON ang natatangi niyang kapangyarihan sa lahat ng bansa, at makikita ng buong mundo ang pagliligtas ng ating Dios. Patnugot: Sumigaw kayo sa kagalakan, kayong mga mamamayan ng Zion, ang lungsod ng Jerusalem, dahil ang inyong hari ay darating. Siyay matuwid at mapagtagumpay. Siyay mapagpakumbaba at darating na nakasakay sa bisirong asno. LAHAT: PURIHIN ANG HARI NA DUMARATING SA NGALAN NG PANGINOON! KAPAYAPAAN SA LANGIT! PURIHIN ANG DIOS!

**IMBOKASYON **DOKSOLOGIA

Pastor Wen Olavere

Ang lahat sa sansinukob, at nasa langit na hukbo; papurihan natin ang Dios: Ama, Anak, Espiritu. Amen.

**AWIT NG PAGSAMBA AT PAGPUPURI PAPURIHAN ANG DIOS 1. Ating sambahin at purihin ang Dios dahil isinugo ang Manunubos; ang buhay Niyay kusang inialay, pinto ng langit sa atiy binuksan. KORO: Papurihan ang Dios, at sundin Syang tunay; papurihan ang Dios, tayoy magkatwaan! Lapit sa Ama, sa ngalan ni Cristo, yamang sa salay tinubos Nya tayo.

2. Tanging ang dugo ni Cristo ang lunas sa salang sa atin ay nagpahamak; ang bawat mananalig ng taimtim, patawad ng Dios tunay na kakamtin. KORO 3. Bawat kaloob Nyay dakilang tunay, lalo na ang dulot na kaligtasan; ligayang ganap ang matatamasa kung si Cristo ay atin nang makita. KORO

Ang Amay papurihan, at ang Anak at ang Espiritu; simula pa noong una, Ngayot magpakailanman, walang hanggan, Amen. Amen.

PANAWAGAN SA PAGSISISI

Isaias 55:6,7 Patnugot: Lumapit na kayo sa PANGINOON at tumawag sa kanya habang naririyan pa siya para tulungan kayo. Talikuran na ng mga taong masasama ang masasama nilang pag-iisip. Magbalik-loob na sila sa PANGINOON na ating Dios, dahil kaaawaan niya sila at patatawarin. Mga kapatid, dumulog po tayong lahat sa Dios, at ipagtapat natin sa Kanya ang ating mga nagawang kasalanan. Pastor Wen Olavere Mga anak, sinusulat ko sa inyo ang mga bagay na ito upang hindi kayo magkasala. Ngunit kung may magkasala man, may tagapamagitan tayo sa Ama siya si Jesu-Cristo, ang Matuwid. Siya ang ibinigay na handog para sa kapatawaran ng ating mga kasalanan, at hindi lang ng mga kasalanan natin kundi pati na rin ng kasalanan ng buong mundo. (1 Juan 2:1,2) Mga kapatid, ito ang matatag nating saligan ng dakilang pag-ibig at habag ng Dios sa mga taong nagsisisi at tumatalikod na mula sa kanilang mga kasalanan. Panginoon koy salamat, sa biyayang pagliligtas, sa kaluluwa kong hamak. Ang nagdalang awa Kat habag. Amen. PAGKILALA SA MGA PANAUHIN Rev. Delmar Tuazon

ANG MENSAHE AT PAGBULAY-BULAY SA MGA SALITA NG DIOS ANG SAKRAMENTO NG BANAL NA HAPUNAN PAGHAHANDOG
Tawag sa Pagkakaloob Kawikaan 3:9,10 Patnugot: Parangalan mo ang PANGINOON sa pamamagitan ng paghahandog sa kanya ng mga unang bunga ng iyong ani. Kapag ginawa mo ito, mapupuno ng ani ang iyong bodega at aapaw ang inumin sa iyong sisidlan. Italaga po natin sa Dios ang ating mga kaloob at handog pasasalamat. Paglikom ng mga Kaloob **TUGON Ang aming kaloob, sa Yoy ihahandog; anumang aming naimpok ay biyaya ng Dios. Amen.

PANSARILING PANALANGIN NG PAGSISISI KATIYAKAN NG PAG-IBIG NG DIOS

**PANALANGIN NG PASASALAMAT (Sabay-sabay)


Loobin nyo po, O Panginoong Dios, na sa pamamagitan ng mga kaloob na ito ay maipaabot namin sa Inyo ang aming taos pusong pagpapasalamat sa Inyong walang humpay na pagkalinga sa amin. Tunay ngang iniibig nyo kami, O aming Ama. Pagpalain po Ninyo, O dakilang Dios, ang mga nakayanan na handog ng Inyong mga anak. Inilalagak po namin ang mga ito sa Inyong makapangyarihang kamay, pati na rin ang aming mga buhay, upang magamit Ninyo sa pagsasakatuparan ng Inyong banal na layunin at Gawain sa dakong ito, at saan mang lugar na kami ay Inyong suguin. Ito po ang aming hangarin at pagsamo, sa ngalan ng Inyong bugtong na Anak na si Jesu-Cristong Panginoon at Tagapagligtas namin. Amen.

TUGON

PAGBABALITA, PAGBATI, MALASAKIT AT UGNAYAN NG KAPATIRAN

**PANALANGIN NG KAPATIRAN TUGON

**AWIT NG PAGTATALAGA
INILIGTAS NG PAG-IBIG 1. Buhay ko ay kay dilim sa sala ay lugmok, at walang makasagip buhat sa paglubog; ngunit dininig ng Dios ang aking paghibik, at akoy iniligtas ng Pagibig. KORO:

Ang daing namin, O Dios ay dinggin! Kapayapaan Mo, sanay tanggapin. Amen.

PAGBASA SA BANAL NA KASULATAN **GLORIA PATRI

You might also like