You are on page 1of 16

Panalangin para sa intensyon ng Santo Papa

Sumasampalataya ako sa Diyos Amang


makapangyarihan sa lahat,
na maygawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya ako kay Hesukristo,
iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat.
Nagkatawang-tao siya, lalang ng Espiritu Santo.
Ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato,
ipinako sa krus, namatay, inilibing.
Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao.
Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit.
Naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Doon magmumulang paririto at huhukom
sa nangabubuhay at nangamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo,
sa banal na Simbahang katolika, sa kasamahan ng mga banal,
sa kapatawaran ng mga kasalanan,
sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao,
at sa buhay na walang hanggan. Amen.

Ama namin, sumasalangit ka.
Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo
dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon
ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami
sa aming mga sala
para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming
ipahintulot sa tukso,
at iadya mo kami sa lahat ng masama.
Amen.
Ave, Maria, napupuno ka ng grasya.
Ang Pangnoong Diyos ay sumasaiyo.
Bukod kang pinagpala sa babaing lahat,
at pinagpala naman ang iyong anak
na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos,
ipanalangin mo kaming makasalanan
ngayon at kung kamiy mamamatay.
Amen.

Papuri sa Ama, at sa Anak,
at sa Espiritu Santo.
Kapara noong una,
ngayon, at magpasawalang hanggan.
Amen.















MGA ISTASYON NG KRUS



Pagpunta sa istasyon
aawitin ang sumusunod:
Sa kahoy na krus na banal
ni Hesus na Poong mahal
nalupig ang kamatayan
at sa muling pagkabuhay
ang pag-asa ay sumilay.

Purihin at ipagdangal
ang ating Poong Maykapal:
Ama na Bukal ng buhay,
Anak na sya nating Daan,
Espiritung ating Tanglaw.
Pagdating sa istasyon
aawitin ang sumusunod:
Kamiy sumasamba sa yo
at gumagalang sa krus mo,
Panginoong Hesukristo,
nabuhay mulit nanalo
nagpaligaya sa mundo.

Krus ng ating kaligtasan
dapat nating ikarangal,
sagisag ng kalayaan
at ng muling pagkabuhay
ni Hesus na ating mahal.
























Ang Unang Istasyon
ANG HULING PAGHAPON NG ATING PANGINOONG HESUKRISTO SAMPU NG KANYANG
MGA APOSTOL (l Corinto 11:23-26)

Ito ang aral na tinanggap ko sa Panginoon
at ibinibigay ko naman sa inyo:
ang Panginoong Hesus, noong gabing siyay ipagkanulo
ay dumampot ng tinapay, nagpasalamat, at pinagpira-piraso ito, at sinabi, Ito ang aking katawan na
inihahandog para sa inyo.
Gawin ninyo ito bilang pag-aalaala sa akin.
Gayon din naman, matapos maghapunan
ay hinawakan ang saro at sinabi,
Ang sarong ito ang bagong tipan na pinagtitibay ng aking dugo. Tuwing iinumin ninyo ito,
gawin ninyo bilang pag-aalaala sa akin.
Sapagkat tuwing kakain kayo ng tinapay na ito
at iinom sa sarong ito ay ipinahahayag ninyo
ang kamatayan ng Panginoon,
hanggang sa muling pagparito niya.


Panalangin
Ama naming mahabagin,
lagi nawang ipaalaala sa amin ng Espiritu Santo
ang dakilang pag-ibig ng Diyos sa tao
at ang buhay na walang hanggan
na makakamit ng sinumang sumampalataya
at makiisa sa paghahandog ng Banal na Misa
sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.
Amen.

















Ang Ika-2 Istasyon
ANG PANANALANGIN NI HESUKRISTONG PANGINOON NATIN SA HALAMAN NG
GETSEMANI (Lucas 22:39-46)

Gaya ng kanyang kinaugalian, umalis si Hesus at nagtungo sa Bundok ng mga Olibo; at
sumama ang mga alagad. Pagdating dooy sinabi niya sa kanila, Manalangin kayo, nang hindi
kayo madaig ng tukso. Lumayo siya sa kanila nang may isang pukol ng bato, saka lumuhod at
nanalangin. Ama, wika niya, kung maaariy ilayo mo sa akin ang sarong ito. Gayunmay huwag
ang kalooban ko ang masunod, kundi ang kalooban mo. Napakita sa kanya ang isang anghel
mula sa langit at pinalakas ang loob niya. Tigib ng hapis, siyay nanalangin nang lalong taimtim;
tumulo sa lupa ang kanyang pawis na animoy malalaking patak ng dugo. Tumindig siya
pagkapanalangin at lumapit sa kanyang mga alagad. Naratnan niyang natutulog ang mga ito
dahil sa tindi ng dalamhati. Bakit kayo natutulog? tanong niya. Bumangon kayo at manalangin
upang hindi kayo madaig ng tukso.

Panalangin
Ama naming mapagmahal,
tulungan nawa kami ng Espiritu Santo
na manalangin nang buong pananalig at kataimtiman
bago matulog at pagkagising,
bago magtrabaho at habang nagtatrabaho
upang di kami madaig ng tukso at pagsubok
sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.



















Ang Ika-3 Istasyon
ANG PAGHAHARAP NG MGA HUDYO
SA ATING PANGINOONG HESUKRISTO
SA SANEDRIN AT KAY PILATO
(Marcos 14:6-65; 15:1)

Tumindig ang pinakapunong saserdote sa harap ng kapulungan, at tinanong si Hesus, Ano ang
masasabi mo sa paratang nila
sa iyo? Bakit di ka sumagot? Ngunit hindi umimik si Hesus;
hindi siya nagsalita gaputok man. Muli siyang tinanong ng pinakapunong saserdote: Ikaw ba ang
Mesiyas, ang Anak ng Kataas-taasan? Ako nga, sagot ni Hesus. At makikita ninyong siyay
dumarating, nasa alapaap ng langit. Winahak ng pinakapunong saserdote ang sariling kasuutan, at
sinabi,
Hindi na natin kailangan ang mga saksi! Kayo na ang nakarinig
ng kanyang kalapastanganan sa Diyos! Ano ang pasya ninyo?
Ang hatol nilang lahat ay kamatayan. At niluran siya ng ilan, piniringan, at pinagsusuntok, kasabay ang
wikang, Hulaan mo nga, sino ang sumuntok sa iyo? At pinagsasampal siya ng mga bantay.
Kinaumagahan, nagpulong agad ang mga punong saserdote, ang matatanda ng bayan, ang mga
eskriba, at ang iba pang bumubuo ng Sanedrin. Ipinagapos nila si Hesus,
at dinala kay Pilato.

Panalangin
Ama naming ma pagmahal,
pigilin nawa kami ng Espiritu Santo
na hatulan ng kamatayan at pahirapan
ang mga walang kasalanan.
Sa huling pagdating ni Hesus na Hukom
sana ay di niya maalaala
ang mga kasalanang pinagsisihan na namin. Amen.















Ang Ika-4 Istasyon
ANG PAGPAPAHAMPAS NI PILATO
SA ATING PANGINOONG HESUKRISTO
AT ANG PAGPUPUTONG NG KORONANG TINIK
NG MGA HUDYO SA ATING PANGINOON
(Mateo 27:24-30)

Nang makita ni Pilato na wala siyang magagawa, at malamang pang magkagulo ang mga tao,
nagpakuha siya ng tubig at naghugas ng kamay sa harapan ng mga tao. Wala akong pananagutan sa
kamatayan ng taong ito. Bahala kayo! sabi ni Pilato. Sumagot ang mga tao, Mapasaamin at sa aming
mga anak ang dugo niya! At pinalaya niya si Barrabas, ngunit ipinahagupit si Hesus at ibinigay sa
kanila upang ipako sa krus. Si Hesus ay dinala ng mga kawal ng gobernador sa pretoryo, at
nagkatipon ang buong batalyon sa paligid niya. Hinubaran nila siya at sinuutan ng isang balabal na
pulang-pula. Naglikaw sila ng halamang matinik at ipinutong sa kanya, saka pinapaghawak ng isang
tambo sa kanyang kanang kamay. At palibak siyang niluhud-luhuran at binati: Mabuhay ang Hari ng
mga Hudyo! Siyay pinaglulurhan, kinuha nila ang tambo
at siyay pinaghahampas sa ulo.

Panalangin
Ama naming mapagmahal,
ipakilala nawa sa amin ng Espiritu Santo
ang pagkahari ni Hesus Nazareno.
Ang malakas nitong pag-ibig
ang amin nawang sandata
laban sa kasalanan at kamatayan
ngayon at kailanman. Amen.




















Ang Ika-5 Istasyon
ANG PAG-AATANG NG KRUS
SA ATING PANGINOONG HESUKRISTO
(Mateo 27:31)

At matapos kutyain,
kanilang inalisan ng balabal si Hesus,
sinuutan ng sariling damit,
at inilabas upang ipako sa krus.

Panalangin
Ama naming mapagmahal,
iniatang namin sa iyong Anak
ang kahoy na krus, ang masasamang salita,
ang masasamang tingin, ang masasamang isip
at masasamang gawa.
Ipadama nawa sa amin ng Espiritu Santo
ang aming kasamaan,
at ang kabutihan ng Diyos na walang hanggan. Amen.
























Ang Ika-6 Istasyon
ANG PAGKASUBASOB
NI HESUKRISTONG PANGINOON NATIN
SA KABIGATAN NG KRUS NA PINASAN
(Awit 22:2.7-8.12.15-16)

O Diyos ko! O Diyos ko! Bakit ako binayaan?
Masidhi ang pagtaghoy ko upang ako ay tulungan,
Ngunit hindi dumarating ang saklolong hinihintay.
Tila akoy isang uod at hindi na isang tao,
Kung makitay inuuyam, natatawa kahit sino;
Bawat taong makakitay umiiling, nanunukso,
Palibak na nagtatawat sinasabi ang ganito:
Nagtiwala siya sa Diyos, ngunit hindi siya pansin,
Kung talagang minamahal, bakit hindi intindihin?
Huwag mo akong lilisanin, huwag mo akong tatalikdan,
Pagkat walang sasaklolo sa panganib na daratal.
Parang tubig na tumapon, ang lakas ko ay tumakas,
Ang lahat kong mga buto sa wari ko ay nalinsad;
Sa dibdib ko ay naghari ang malaking pagkasindak
Parang pagkit ang puso ko, natutunaw naaagnas!
Itong aking lalamunay tuyong abo ang kapara,
Ang dila koy dumikit sa bubong ng ngalangala,
Sa alabok, halos patay na ako ay iniwan na.
Papuri sa Ama at sa Anak at sa Espiritu Santo.
Kapara noong una, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.



















Ang Ika-7 Istasyon
ANG PAGHALILI NI SIMON CIRENEO
(Markos 15:21)

Nasalubong nila
ang isang lalaking galing sa bukid,
si Simon na taga-Cirene,
ama nina Alejandro at Rufo.
Pilit nilang ipinapasan sa kanya
ang krus ni Hesus.

Panalangin
Ama naming mapagmahal,
ang buhay namiy guminhawa
nang dalhin ng iyong Anak ang aming krus.
Ituro nawa sa amin ng Espiritu Santo
ang pagtutulungan at pagdadamayan
ng mga magkakapatid
kay Kristong aming Panginoon.
Amen.

























Ang Ika-8 Istasyon
ANG PAGKASALUBONG
NG ATING PANGINOONG HESUKRISTO
SA MGA BABAE NA ANG MGA MATAY LUMULUHA
(Lucas 23:27-31)

Sinusundan si Hesus ng maraming tao, kabilang ang mga babaing nananaghoy at
nananambitan dahil sa kanya. Nilingon sila ni Hesus at sinabi sa kanila,
Mga kababaihan ng Herusalem, huwag ninyo akong tangisan. Ang tangisan ninyoy ang inyong
sarili at ang inyong mga anak. Tandaan ninyo: darating ang mga araw na sasabihin nila,
Mapalad ang mga baog, ang mga sinapupunang hindi nagdalantao, at ang mga dibdib na hindi
nagpasuso. Sa mga araw na iyoy sasabihin ng mga tao sa mga bundok, Gumuho kayo sa
amin! At sa mga burol, Tabunan ninyo kami! Sapagkat kung ganito ang ginagawa sa kahoy na
sariwa, ano namn kaya ang gagawin sa tuyo?

Panalangin
Ama naming mapagmahal,
ipadama nawa ng Espiritu Santo
sa mga mag-anak ang dalamhating
idinudulot ng pagkakasala
at ang kaligayahang nilalasap
ng mga pamilyang nagmamahalan
kay Kristong aming Panginoon. Amen.





















Ang Ika-9 Istasyon
ANG PAGHUHUBAD
SA ATING PANGINOONG HESUKRISTO;
AT ANG PAGPAPAKO SA KANYA
(Lucas 23:33-34; Marcos 15:29-32a)

Nang dumating sila sa dakong tinatawag na Bungo,
ipinako nila sa krus si Hesus.
Ipinako rin ang dalawang salarin,
isa sa gawing kanan at isa sa gawing kaliwa.
Nilibak siya ng mga nagdaraan, na tatangu-tangong nagsabi,
Di ba ikaw ang gigiba ng templo
at muling magtatayo nito sa loob ng tatlong araw?
Iligtas mo ngayon ang iyong sarili! Bumaba ka sa krus!
Kinutya rin siya ng mga punong saserdote
at ng mga eskriba, at ang sabi sa isat isa:
Iniligtas niya ang iba, ngunit di mailigtas ang sarili!
Makita lang nating bumaba sa krus ang Mesiyas na iyan
na Hari ng Israel maniniwala tayo sa kanya!

Panalangin
Ama naming makapangyarihan,
tulungan nawa kami ng Espiritu Santo
na maniwala kay Kristong Hari,
kahit na ito ay hinahamak ng mga kaaway.
Huwag nawa naming ikahiyang
sumunod kay Hesus Nazareno,
ang maamo at abang Haring
nagliligtas ng sanlibutan. Amen.















Ang Ika-10 Istasyon
ANG PAGHINGI NG TAWAD NG MAGNANAKAW
SA ATING PANGINOONG HESUKRISTO
(Lucas 23:39-43)

Tinuya si Hesus ng isa sa mga salaring nakabitin,
at ang sabi: Hindi ba ikaw ang Mesiyas?
Iligtas mo ang iyong sarili, pati na kami!
Ngunit pinagsabihan siya ng kanyang kasama,
Hindi ka ba natatakot sa Diyos?
Ikaw may pinarurusahang tulad niya!
Matuwid lamang na tayoy parusahn nang ganito
dahil sa ating mga ginawa;
ngunit ang taong itoy walang ginawang masama.
At sinabi niya,
Hesus, alalahanin mo ako pagdating mo sa iyong kaharian. Sumagot si Hesus,
Sinasabi ko sa iyo: ngayon diy isasama kita sa Paraiso.

Panalangin
Ama naming mapagmahal,
pagdating ng oras ng kamatayan
tulungan nawa kami ng Espiritu Santo
na humingi ng patawad at buhay:
Poong Hesus, Hari ng Paraiso,
ako po ay inyong alalahanin. Amen.




















Ang Ika-11 Istasyon
ANG MAHAL NA BIRHEN AT SI SAN JUAN
SA TABI NG KRUS
NG ATING PANGINOONG HESUKRISTO
(Juan 19:25-27)

Nakatayo sa tabi ng krus ni Hesus
ang kanyang ina
at ang kapatid na babae nitong si Maria,
na asawa ni Cleopas.
Naroon din si Maria Magdalena.
Nang makita ni Hesus ang kanyang ina,
at ang minamahal niyang alagad sa tabi nito,
kanyang sinabi, Babae, narito ang iyong anak!
At sinabi sa alagad, Narito ang iyong ina!
Mula noon,
siyay pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay.

Panalangin
Ama naming mapagmahal,
sa kapangyarihan ng Espiritu Santo
kami ay naging magkakapatid kay Hesus.
Sa loob ng buhay na Sambahayan
ang Ina ay si Maria.
Kaming lahat ay lagi nawang makisama kay Maria
sa tabi ng Panginoong nakapako sa krus. Amen.


















Ang Ika-12 Istasyon
ANG PAGKAMATAY
NG ATING PANGINOONG HESUKRISTO
(Lucas 23:44-46)

Nang mag-iikalabindalawa ng tanghali,
nagdilim sa buong lupain hanggang sa ikatlo ng hapon. Nawalan ng liwanag ang araw,
at ang tabing ng temploy napunit sa gitna.
Sumigaw nang malakas si Hesus,
Ama, sa mga kamay moy
ipinagtatagubilin ko ang aking espsiritu!
At pagkasabi nito, nalagot ang kanyang hininga.


Panalangin
Ama naming mapagmahal,
turuan nawa kami ng Espiritu Santo
na mabuhay para sa Diyos at kapwa lamang.
Paglapit ng huling paghinga
maging handa nawa kaming magdasal:
Ama, sa mga kamay moy
ipinagtatagubilin ko
ang aking espiritu. Amen.



















Ang Ika-13 Istasyon
ANG PAGLILIBING
SA ATING PANGINOONG HESUKRISTO
(Mateo 27:57-61)

Bago magtakipsilim,
dumating ang isang mayamang taga-Arimatea,
na ang ngalay Jose. Siyay alagad din ni Hesus.
Lumapit siya kay Pilato at hiningi ang bangkay ni Hesus. Iniutos naman ni Pilato na ibigay ito sa
kanya.
Kayat kinuha ni Jose ang bangkay
at binalot ng bagong kayong lino.
Inilagay niya ito sa sariling libingan
na di pa nalalaunang ipinauka niya sa bato.
Pagkatapos, iginulong niya sa pintuan
ang isang malaking bato, saka umalis.
Naroon si Maria Magdalena at ang isa pang Maria,
na nakaupo sa tapat ng libingan.

Panalangin
Ama naming mapagmahal,
gusto naming sumunod sa iyong Anak na si Hesus
magpahanggang libing.
Kami ay naniniwala
na bubuhayin ng Espiritu Santo sa langit
ang lahat ng nakalibing na may pananampalataya,
pag-asa at pag-ibig. Amen.
















Ang Ika-14 Istasyon
ANG PAGKABUHAY NA MAG-ULI
NG ATING PANGINOONG HESUKRISTO
(Mateo 28:1-6)

Makaraan ang Araw ng Pamamahinga, pagbubukang-liwayway ng unang araw ng sanlinggo,
pumunta sa libingan ni Hesus si Maria Magdalena at ang isa pang Maria. Biglang lumindol nang
malakas. Bumaba mula sa langit ang isang anghel ng Panginoon, iginulong ang batong
nakatakip sa libingan, at naupo sa ibabaw niyon. Ang kanyang mukha ay nakasisilaw na parang
kidlat at kasimputi ng busilak ang kanyang damit. Nanginig sa takot ang mga bantay at
nabulagtang animoy patay nang makita ang anghel. Ngunit sinabi nito sa mga babae, Huwag
kayong matakot; alam kong hinahanap ninyo si Hesus na ipinako sa krus. Wala na siya rito,
sapagkat siyay muling nabuhay tulad ng kanyang sinabi. Halikayo, tingnan ninyo ang
pinaglagyan sa kanya.

Panalangin
Ama naming makapangyarihan,
sa muling pagkabuhay ni Hesukristo
nawala ang pagkatakot sa kasalanan at kamatayan.
Ibuhos mo sa aming puso ang Espiritu Santo
upang lumaki ang aming pananabik
na makita ang Diyos sa langit
kasama ni Maria at ng lahat ng banal na tao at anghel
magpasawalang hanggan. Amen.

You might also like