ANG ROSARYO SA MGA BANAL NA SUGAT NG ATING PANGINOONG HESUKRISTO O DEBOSYON NG AWA
(Sa malalaking butil )
Walang hanggang Ama, iniaalay ko sa iyo ang mga Sugat ng Aming Panginoong Hesukristo
Upang pagalingin ang mga sugat ng aming kaluluwa.
(Sa maliliit na butil)
O Hesus ko, patawarin mo ako at bigyan ng Awa sa pamamagitan ng kabutihan ng iyong
mga Banal na Sugat.
DALANGIN SA SUGAT NA NASA BALIKAT
O Pinakamamahal na Hesus, maamong Kordero ng Diyos, ako, na isang hamak na makasalanan
ay nagpupugay at sumasamba sa sugat na nasa balikat Mo gawa ng mabigat na Krus ng Iyong pinasan. Dahil sa bigay nito’y nawakwak ang laman at lumabas ang buto sa Iyong balikat, na nagpasakit sa Iyo ng higit sa iba Mong sugat. Sinasamba kita, O nahahapis na Hesus, pinupuri kita, pinasasalamatan kita dahil sa Iyong kaibig-ibig at walang kasakit-sakit na sugat. Sa pamamagitan ng sobra-sobrang sakit na dulot ng Krus at di masusukat na bigat nito, patawarin mo ako sa aking mga kasalananh mortal at benyal at patnubayan Mo ako patungong Langit sa pamamagitan ng Daan ng Krus. Amen.