You are on page 1of 6

Nobena sa dakilang Awa ng Diyos

Panalangin sa ikatlo ng Hapon

Pumanaw ka, Jesus, subalit ang Bukal ng Buhay ay bumalong sa mga kaluluwa at ang karagatan ng Awa ay bumugso para sa sanlibutan. O bukal ng Buhay, Walang Hanggang Awa ng Diyos, yakapin mo ang sangkatauhan at ibuhos mong ganap ang iyong sarili para sa aming lahat. O banal na Dugo at Tubig na dumaloy mula sa Puso ni Jesus bilang bukal ng awa para sa aming lahat, ako ay nananalig sa Iyo. Banal na Diyos, Banal na puspos ng Kapangyarihan, Banal na walang hanggan, maawa po kayo sa amin at sa buong sansinukob. Amen. (3x ulit) O Jesus, Hari ng Awa, kami ay nananalig sa Iyo.

Nobena sa banal na awa Unang Araw Winika ng ating Panginoong Jesu-Kristo kay Santa Faustina, Ngayong araw na ito dalhin mo sa akin ang lahat ng tao, lalot higit ang mga makasalanan.

Panalangin: Lubhang Maawaing Jesus, na ang hangad ay magkaroon ng tunay at lubhang pagka-awa at magpatawad sa amin, huwag mong tingnan ang aming mga kasalanan kundi ang aming pagtitiwala na ang aming inilalagay sa iyong walang hanggang kabutihan. Tanggapin mo kaming lahat sa iyong Napakamaawaing Puso, at huwag mo kaming pabayaang makalayo roon. Aming ipinag-aamo-amo sa iyo sa pamamagitan ng iyong pag-ibig na siyang nagbubuklod sa iyo at sa iyong Ama at sa Mahal na Espiritu. Walang Hanggang Ama, ilingon mo sa amin ang iyong maawaing titig sa lahat ng tao lalot higit sa mga makasalanan na nabubuhay sa Napakamaawaing Puso ni Jesus. Alang-alang sa kanyang tiniis na hirap at kamatayan, ipakita mo sa amin ang iyong awa, at nang aming mapuri ang walang hanggang kapangyarihan ng iyong pagka-awa magpasawalang hanggan. Amen.

Ikalawang Araw

Winika ng ating Panginoong Jesu-Kristo kay Santa Faustina, Dalhin mo sa akin ngayon araw na ito ang mga kaluluwa ng maraming pari at mga relihiyoso.

Panalangin: Napakamaawaing Jesus, na pinagbubuhatan ng lahat ng kabutihan, dagdagan mo ang iyong grasya sa mga lalakit babae na konsagrado sa gawaing kabanalan nang silay makagawa ng mgakarapat dapat na mga Gawain ng Awa; at nang lahat ng makakita sa kanila ay magpuri sa Ama ng Awa na nasa langit. Walang hanggang Ama, ilingon mo ang iyong maawaing titig sa mga pinili mo sa iyong bakuran lalo na sa mga pari at mga relihiyoso at relihiyosa; at pagkalooban mo sila ng lakas ng iyong bendisyon. Dahil sa malaking pag-ibig sa kamahal-mahalang Puso ng iyong Anak kung saan sila ay nabibigkis, ibigay mo sa kanila ang iyong kapangyarihan at liwanag, at nang sila ay maka-akay at magturo ng paraan tungo sa kaligtasan at nang may iisang tinig ay umawit ng papuri sa iyong Walang Hanggan Awa ngayong at magpapasawalang hanggan. Amen.

Ikatlong Araw Winika ng ating Panginoong Jesu-Kristo kay Santa Faustina, Ngayon dalhin mo sa akin ang mga banal at matapat na mga kaluluwa.

Panalangin: Napakamaawaing Jesus, buhat sa kayamanan ng iyong pagka-awa ay iyong ibinibigay ang iyong mga grasya sa masaganang pamamaraan sa bawat isa at sa lahat. Tanggapin mo kamisa tahanan ng iyong Napakamaawaing Puso at huwag mo kaming pabayaang makaalis doon. Aming hinihiling sa iyo ang grasyang ito sa pamamagitan ng iyong nakamamanghang pag-ibig sa iyong makalangit na Ama na ang pag-ibig na ito ang nagpapaalab ng matindi sa iyong Puso. Ama na Walang Hanggan, ilingon mo ang iyong maawaing titig sa mga matapat na kaluluwa, sa mga tagapagmana ng iyong Anak. Alang-alang sa kanyang napakalungkot na pagtitiis , ipagkaloob mo po sa kanila ang iyong bendisyon, at kupkupin mo po ng iyong palagiang pangangalaga. Huwag sanang mawala ang kanilang pag-ibig o mawala ang malaking kayamanan ng kanilang panananampalataya, at sa halip kasama ang lahat ng napakaraming mga anghel at mga santo, ay magpuri sana silang lahat sa iyong Walang Hanggang Awa magpasawalang hanggan. Amen.

Ikatlong Araw Winika ng ating Panginoong Jesu-Kristo kay Santa Faustina, Ngayon araw na ito dalhin mo sa akin ang hindi naniniwala sa akin at yaong mga hindi pa nakakakilala sa akin.

Panalangin: Lubhang Maawaing Jesus, ikaw ang liwanag ng buong mundo. Tanggapin mo sa tahan ng iyong Napakamaawaing sa iyo o nakakakilala sa iyo. Bayaan mo na ang liwanag ng iyong grasya ang tumanglaw sa kanila at nang sila, kasama naming ay magpuri sa iyong kahanga-hangang awa; at huwag mong pabayaan silang mahiwalay sa iyong tahanan na walang iba kundi ang iyong Napakamaawaing Puso. Walang hanggang Ama, ilingon mo ang iyong maawaing titig sa mga kaluluwa noong mga hindi naniniwala sa iyong Anak, at sa mga kaluluwa noong mga hindi naniwala sa iyong ngunit silay nakalakip na rin sa Napakamaawaing Puso ni Jesus. Ilapit mo sila sa liwanag ng Ebanghelyo. Itong mga kaluluwang ito ay hindi nalalaman kung anong napakalaking kaligayahan ang umiibig sa iyo. Ipagkaloob mo po sana, na sila rin ay magpuri sa kadakilaan ng iyong awa magpasawalang hanggan. Amen.

Ikalimang Araw Winika ng ating Panginoong Jesu-Kristo kay Santa Faustina, Ngayong araw na ito dalhin mo sa akin ang mga kaluluwa ng mga kahiwalay na kapatid.

Panalangin: Napakamawaaing Jesus, ang Kabutihan mismo, hindi mo itinatanggi ang liwanag sa mga humihingi nito sa iyo. Tanggapin mo sa tahanan ng iyong Napakamaawaing Puso ang mga kaluluwa ng mga nakahiwalay naming mga kapatid. Tawagin mo sila sa pamamagitan ng iyong liwanag sa pagkakaisa ng Iglesia, at huwag mo silang pababayaang mahiwalay sa tahanan ng iyong Napakamaawaing Puso; loobin mo po sana ninyo na sila rin ay magpuri sa kadakilaan ng mapagkaloob mong awa. Ama na Walang Hanggan, ilingon mo ang iyong maawaing titg sa mga kaluluwa ng mga kahiwalay naming kapatid, lalot higit yaong mga nag-aksaya ng iyong mga biyaya at hindi ginamit sa wastong paggamit ang mga grasya na ibinigay mo sa patuloy nilang paggawa ng kamalian. Huwag mo pong tingnan ang kanilang kamalian at sa halip ang iyo pong tingnan na kanyang dinaanan alang-alang sa kanila, yaman din lamang na sila ay nakalakip na rin sa kanyang Napakamaawing Puso. Loobin mo po sana rin ay magpuri sa iyong napakadakilang awa magpasawalang hanggan. Amen.

Ikaanim na araw Winika ng ating Panginoong Jesu-Kristo kay Santa Faustina, Ngayong araw na ito dalhin mo sa akin ang mga kaluluwang maamo at may mababang kalooban at ang mga bata.

Panalangin: O lubhang masawaing Jesus, ikaw mismo ang nagsabi, mag-aral kayo sa akin sapagkat akoy maamo at mababang loob. tanggapin po ninyo sa tahanan ng iyong Napakamaawaing Puso ang lahat ng may maamo at mababang kalooban at mga kaluluwa ng mga bata. itong mga kaluluwa ito ang nagbinibigay ng matinding kagalakan sa buong kalangitan at sila ang itinatangi ng makalangit na Ama. Sila ay nakakatulad ng mabungong pumpon ng mga bulaklak sa harap ng trono sa harap ng Panginoong Diyos. Ang Diyos mismo ang naliligayahan mabangong samyo. Ang kaluluwang ito ang may pampalagiang tahanan sa iyong Napakamaawaing Puso, o Hesus, at sila ay patuloy na umaawit ng himno ng pag-ibig at pagkaawa.

Walang hanggan Ama, ilingon mo ang iyong maawaing titig sa mga kaluluwa ng mga maamo, sa mga kaluluwa ng may mababang kalooban at sa mga bata na kasama sa tahanan na walang iba kung hindi ang Napakamaawaing Puso ni Jesus.Ang mga kaluluwang ito ang nakakahambing ng iyong Anak. Ang humahalimuyak nilang bango ang pumapaitaas buhat sa lupa at nakakarating sa iyong trono. Ama ng Awa at ng lahat ng kabutihan,hinihiling ko po sa inyo alang-ala sa pag-ibig mo sa kanila sa kaligayahan na rin na inyo pong nakukuha mula sa kanila; bendisyunan mo po ang buong mundo, nang lahat ng kaluluwa ay sama-samang umawit ng papuri sa iyong Awa magpasawalang hanggan. Amen.

Ikapitong Araw Winika ng ating Panginoong Jesu-Kristo kay Santa Faustina, Ngayong araw na ito dalhin mo sa akin ang mga kaluluwa ng mga gumagalang at nagpupuri sa akin Malaking Pagka-awa.

Panalangin: Lubhang maawaing Jesus, na ang pag-ibig mismo, tanggapin mo sa tahanan ng Iyong Napakamaawaing Puso ang mga kaluluwa ng mga tanging nagbibigay puri at gumagalang sa kadakilaan ng iyong pagka-awa. Ang mga kaluluwang ito ay makapangyarihan sa tanging kapangyarihan na rin ng Diyos. Sa gitna ng lahat ng mga hirap at mga balakid tuloy pa rin sa pagsulong, hindi nawawalan ng pagasa sa iyong awa; at kaisa sa iyo, O Jesus, dinadala nila ang sangkatauhan sa kanilang mga balikat. Ang mga kaluluwang ito ay hindi huhusgahan ng mahigpit at sa halip ay ang iyong awa ang yayapos sa kanila pagpanaw nila sa buhay na ito.

Amang Walang Hanggan, ilingon mo ang iyong maawaing titig sa mga kaluluwang nagpupuri at gumagalang sa iyong pinakadakilang katangian, at iyan ay ang iyong Walang Hanggang Awa, na sila rin ay nakapaloob sa Napakamaawaing Puso ni Jesus. Ang mga kaluluwang ito ang buhay na Ebanghelyo; ang kanilang mga kamay ay puno ng mga gawain ng awa at ang kanilang mga puso, na nag-uumapaw o sa kaligayahan, ay nagsisi-awit ng mga awitin ng awa sa iyo, O Diyos na Kataas-taasan! Aking isinasamo sa iyo, O Panginoong Diyos! Ipakita mo po sa kanila ang iyong awa nang naaayon sa pag-asa at pagtitiwala nila sa iyo. Matupad nawa sa kanila ang ipinangako ni Jesus, na nagsabi sa kanila na sa buong

buhay nila lalot higit sa oras sa kamatayan, ang mga kaluluwa na gagalang sa kanyang Walang Hanggang Awa, siya mismo ang magtatanggol bilang kanyang kaluwalhatian. Amen. Ikawalong Araw

Winika ng ating Panginoong Jesu-Kristo kay Santa Faustina, Ngayong araw na ito dalhin mo sa akin ang mga kaluluwang napipigil sa purgatory.

Panalangin: Lubhang Napakamaawaing Jesus, ikaw mismo ang nagsabi na hangad mo ang awa; kaya dinadala ko sa tahanan ng iyong Napakamaawaing Puso ang mga kaluluwa sa Purgatoryo, mga kaluluwa na mahal sa iyo, subalit, kinakailangang magabayad sa pagkukulang sa iyong hustisya. Haringat ang mga agos Dugo at Tubig na dumaloy mula sa iyong Puso ang siyang pumatay sa apoy ng Purgatoryo, at nang doon din, ang kapangyarihan ng iyong awa ay maipagdiwang. Walang Hanggang Awa, ilingon mo ang iyong maawaing titig sa mga kaluluwang naghihirap sa Purgatoryo, na kasama sa Napakamaawaing Puso ni Hesus. Isinasamo ko sa iyo, alang-alang sa napakalungkot na pagtitiis ni Jesus na iyong Anak, kanyang kamahal-mahalang kaluluwa. Ipakita mo ang iyong awa sa mga kaluluwa na nasa iyong makatarungan at masusing paghuhusga. Tingnan mo po sial sa walang ibang pamamaraan kung hindi sa pamamagitan ng mga Sugat ni Jesus, ang iyong pinakamamahal na Anak; sapagkat kami ay naniniwala na walang hanggan ang iyong kabutihan at awa. Amen.

Ikasiyam na Araw Winika ng ating Panginoong Jesu-Kristo kay Santa Faustina, Ngayong araw na ito dalhin mo sa akin ang mga kaluluwa na nanlalamig.

Panalangin: Lubhang Napakamaawaing Jesus, ikaw mismo ang Pagka-Awa. Dinadala ko ang mga nanlamig na kaluluwa sa tahanan ng iyong Napakamahabaging Puso. Dito sa apoy ng iyong dalisay na pag-ibig bayaan mo na ang nanlamig na kaluluwang ito, na parang mga bangkay, na siyang mga nagdulot ng matinding kamuhian sa iyo, ay muling mag-alab. O lubhang Napakamaawaing Jesus, gamitin mo po ang kapangyarihan ng iyong pagka-awa at tawagin mo sila sa kataimtiman ng iyong pag-ibig, at ibigay mo sa kanila ang alaala ng banal na pag-ibig, sapagkat walang bagay ang sumasailalim sa iyong Kapangyarihan. Walang Hanggang Ama, ilingon mo ang iyong maawaing titig sa mga nanlamig na kaluluwa na kasama rin sa Napakamaawaing Puso ni Jesus. Ama ng Awa, isisnasamo ko sa iyo alang-alang sa napakapait na paghihirap ng iyong Anak at alang-alang sa kanyang tatlong oras na paghihirap sa Krus ay iyong

ipahintulot na sila rin, ay makapagpuri sa kalaliman at sa di-masahod na hiwaga ng iyong pagka-awa. Amen.

Mga dalangin ng Awa

Ama naming replacement Ama ng Walang Hanggan, inaalay ko po sa Iyo ang Katawan at Dugo, Kaluluwa at pagka-Diyos ng Kamahal-mahalang mong Anak na si Jesu-Kristo, na aming Panginoon at Manunubos, para sa ikapagpapatawad ng aming mga sala at sa sala ng buong sansinukob.

Aba ginoong Maria replacement Alang-alang sa mga tiniis na hirap at kamatayan ni Jesus, kaawan mo po kami at ang buong sansinukob.

Bilang pang-wakas, idasal ang mga panalangin: Banal na Diyos, Banal na Puspos ng Kapangyarihan, Banal na Walang Hanggan, maawa po kayo sa amin at sa buong sansinukob. Amen. O Jesus, Hari ng Awa, Kami ay nananalig sa Iyo.

You might also like