You are on page 1of 31

PAGSISIYAM KAY SANTIAGO APOSTOL AT MARTIR

NAKATAYO | AWITIN AT SANTIAGO AMING PATRON

SANTIAGO AMING PATRON

Koro: Marangal naming Patron Santiago Apostol, Aming tagapag-


ampon, Tulong mo’y aming layon.

Sa hawak mong espada Mabisang pananggalang, Sa Paete ay nahayag,


Dito sa iyong bayan. Kami ay idalangin Kay Hesus na Poon, Sa sandali
ng tukso, Sa ami’y saklolo. (Koro)

Awa at dalangin mo Ang aming pananggalang Sa lahat ng panahon O


Santiagong mahal. Sa iisang katawan Ng ating Panginoon, Tayo’y
pinag-iisa ni Santiago Apostol. (Koro)

Mahal na Birheng Ina Sa iyo’y napakita, Sa bayan ng Zaragosa


Nagpupuri’t nagsasaya. Ikaw ay dinadakila Sa iyong mga gawa. O
Santiagong dakila, Patron naming sinta. (koro)

PANALANGIN NG ISANG MANLALAKBAY NAKATAYO

Lahat: Santiago Apostol, kabilang ka sa mga unang tinawag, ikaw ang


unang uminom sa kalis ng Panginoon, at ikaw din ang dakilang
tagapagtanggol ng mga manlalakbay; gawin mo kaming matibay sa
pananampalataya at maligaya sa pag-asa sa aming paglalakbay sa
pagsunod sa landas ng pamumuhay bilang isang Kristyano. Patatagin mo
kami nang sa gayon marating namin sa wakas ang kaluwalhatian ng
Diyos Ama. Amen.

(Mula sa Tanggapan ng mga Manlalakbay, Katedral ng Santiago sa


Compostela)

PANALANGIN NG PAGHAHANDA NAKALUHOD


Lahat: Panginoon kong Diyos ihanda mo ang aking kalooban upang,
sa pamamagitan ni Santiago Apostol, maging bukas ito sa Iyong salita,
matanggap ito, at maisalin sa gawa. Amen.

(Tanda ng Krus) Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo


Amen.

PANALANGIN SA ARAW-ARAW
NAKALUHOD

Lahat: Panginoong Hesukristo! Narito akong lumalapit sa Iyo, taglay ko


ang panalangin ng tuwa at dusa ng aking mga kapatid kasama ang
patuloy na saya at hirap ng aking araw-araw na mga gawain. Kung
minsan ay naliligaw ako sa landas ng buhay, at hindi ko na alam kung
ano ang tamang gawin. Madalas akong maabala ng mga materyal na
bagay at kailangan kong maliwanagan. Panginoon, gawin mo akong
laging ang hanap ay ikaw at naisin na kailanman ay huwag nang
magkasala sa Iyo. Ipagkaloob mo po ang Iyong grasya upang mapagni-
layan namin ang buhay na tinahak mo dito sa lupa at maakit pa sa mga
halimbawa ni Santiago Apostol. Nawa ay buong-puso kitang masundan
sa landas nitong buhay at matagpuan sa Iyo ang kapayapaan at
kaligayahang walang hanggan. Amen.

UNANG ARAW
NAKATAYO
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lukas (Lukas 5:1-11 )

Minsan, dinagsa si Hesus ng nakapadaming tao upang makinig ng salita


ng Diyos at nakatayo naman Siya sa tabi ng lawa ng Genesaret. Nakita
niya noon ang dalawang bangka sa baybay. Kababa- ba pa lamang ng
mga mangingisda mula sa mga para hugasan ang mga lambat. Kaya
sumakay siya sa isa rito na pag-aari ni Simon at hiniling dito na lumayo
nang kaunti ula sa dalampasigan. Umupo siya at mula sa bangka’y
sinimulang turuan ang maraming tao. Matapos siyang magsalita, sinabi
niya kay Simon: “Pumalaot ka at ihulog ang inyong mga lambat para
Humuli.” Ngunit Sumagot si Simon: “ Guro, Magdamag kaming
nagpagod at wala kaming nakuha pero dahil sinabi mo, ihuhulog ko ang
mga lambat.” At nang gawin nila ito, nakahuli sila ng napakaraming isda
kaya halos magkandasira ang kanilang mga lambat. Kaya kinawayan
nila ang kanilang mga kasama- hang nasa kabilang bangka para lumapit
at tulungan sila. Dumating nga ang mga ito at pinuno ang dalawang
bangka hanggang halos lumubog na ang mga iyon. Nang makita ito ni
Simon Pedro, nagpatirapa siya sa harap ni Hesus at Sinabi: “Lumayo ka
sa akin, Panginoon sapagkat taong makasalanan lamang ako.” Talaga
ngang nasindak siya at ang lahat niyang kasama dahil sa huli ng mga
isda na nakuha nila. Gayun din naman ang mga anak ni Zebedeo na sina
Santiago at Juan, na mga kasama ni Simon. Ngunit sinabi ni Hesus kay
Simon: “Huwag kang matakot; mula ngayo’y tao na ang huhulihin mo.”
PAGNINILAY SA UNANG ARAW
NAKAUPO
Si Santiago, Isang Karaniwang Mangingisda

Si Santiago ay bata pa at padalos-dalos, anak siya ni Juan Zebedeo at


Salome, at kapatid naman ni Juan Ebanghelista. Nanirahan at naghanap-
buhay siya malapit sa lawa ng Henesaret. Payapa ang alon sa lugar na
yaon, datapwat alam niya kahit ang kaunting pagbabago sa hangin at
kung saang parte ng lawa maraming mahuhuling isda. Noong
kapanahunan ni Hesus, halos lahat ng gawain, maliban sa pangingisda at
pagpapahinga, ay ginagawa sa plaza o kaya naman sa pampang ng lawa.
Sa mga Hudyo, ang pangingisda ay itinuturing na “marumi” sa
kadahilanang ang lawa ay pinaniniwalaang pinaninirahan ng
malahalimaw na dragon na kumakain ng tao. Sa kabila nito, ang mga
mangingisdang ito ay naging mas malapit sa Diyos. Isang araw, matapos
marinig mula sa iba ang tungkol sa pagdating ng Kaharian ng Diyos,
matamang pinakinggan ni Santiago si Hesus at siya ay humanga rito.
Kalaunan ay inanyahan rin ng Panginoon si Santiago na sumunod sa
Kanya.
PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHENG MARIA
NAKALUHOD

O Mahal na Birheng Maria, pinakamapalad na anak ng Diyos Ama,


kbanal-banalang Ina ng Diyos Anak na aming Panginoong Hesukristo,
Esposang Mahal ng Diyos Espiritu Santo, kalapating kalinis -linisang
nagkamit ng tuwa sa pagkakatawang-tao ng Diyos Anak, babaeng
namatay sa pag-ibig, binuhay ng pag-ibig at iniakyat sa langit, babaeng
pinagpala ng Tatlong Persona at iniluklok sa isang kataas- taasang trono
sa tabi ng Anak mong si Hesus, itinanghal bilang Reyna ng Sanlibutan
na nagmula dito sa bayan ng hapis at kasalanan. Tinitingala naming ang
mataas na trono mo at ipinagbubunyi kang Reyna namin, at kami na
iyong anak na sa iyo’y napaaampon, ay pagindapatin mo na kami ay
makasama ng mga Banal at mga Anghel na nagpupuri sa Diyos na
aming Ama. Siya Nawa.

(3 Aba Ginoong Maria para sa Karangalan ng Mahal na Birheng Maria)

V. Ibinalita sa lahat ang mga kinapal ng Diyos R. At nagdilidili sa


kanyang mga gawa.

DALIT KAY SANTIAGO APOSTOL NAKATAYO

Awit: Marilag na Apostol at Martir, Santiago pintakasi namin. Santiago


iyong ihain Sa Diyos ang aming daing. Santiago iyong ihain Sa Diyos
ang aming daing.

Ebanghelyo’y nagbabantog Na dakila ang pag-iirog Sa iyo ng


maalindog At karikit-rikitang Hesus, Ang ganti nama’y irog din Ng puso
mo sa may giliw.

Awit: Santiago iyong ihain Sa Diyos ang aming Daing.


Yaong mukhang sadyang dilag Ni Hesus na magliwanag At sa Tabor ay
sumikat Sa hari ng Astros tulad Na nagsambulat ng sinag Pinalad mong
panoorin Nakasisilaw na ningning.

Awit: Santiago iyong ihain Sa Diyos ang aming Daing.

Nang pagtipunan ang dibdib Ng bala-balaking sakit Na sa Huerto ay


tiniis Na dugo ang ipinawis Ni Hesus mong iniibig, Ikaw nama’y
karamay rin Sa gayong dusa’t hilahil.

Awit: Santiago iyong ihain Sa Diyos ang aming Daing.

Ang Mestro mong maalam Nang mag-uli ng mabuhay At lumabas sa


baunan Na ipinagtatagumpay Ng mga Banal na tanan. Ang puso mo sa
hilahil Nahango’t nagkamit aliw.

Awit: Santiago iyong ihain Sa Diyos ang aming Daing.

Napakitang makailan, Sa iyo’t sa tanang kawal Bago sa mundo


pumanaw At saka pinanaugan Ng Espirito Santo naman; Kaya nga doon
din Nangaral sa Herusalem

Awit: Santiago iyong ihain Sa Diyos ang aming Daing.


Sa Ebro sa Zaragosa Ay nakita mo si Maria Sa isang haspeng kolumna
Madlang anghel ang kasama Nagpupuri’t nagsasaya, Purihing ulit-ulitin
Ang Reynang maluningning.

Awit: Santiago iyong ihain Sa Diyos ang aming Daing.

Sa Judea at Samaria Herusalem at Espanya Nangaral ka’t kumikita Ng


maraming kaluluwa Maliwanagan ang pita, Nang aral na nagniningning
Ni Kristong sa iyo’y habilin.

Awit: Santiago iyong ihain Sa Diyos ang aming Daing.


Ang iyong puso at dibdib Sa pangaral nagtiis Ng hindi maulatang sakit,
Puyat, gutom, pagod, pawis Talinghaga niyang kalis, Na pangako mong
inumin Kay Hesus mong ginigiliw

Awit: Santiago iyong ihain Sa Diyos ang aming Daing.

Maraming naaakit Sa mga maling aral Sa pagsampalatayang tunay Kay


Kristo’y iyong inakay Ito ang kadahilanan Ng poot ni Abiatar, Kaya’t
hiningi sa baliw na Hari, Ikaw ay patayin.

Awit: Santiago iyong ihain Sa Diyos ang aming Daing.

Ipinahayag mo sa langit Ang iyong bayaning dibdib Sa kapait-paitang


kalis Ng kamatayang mapait Sa Diyos nga ang ibig, Nang puso mo’y
makarating Pag-awitan at purihin.
Awit: Santiago iyong ihain Sa Diyos ang aming Daing.

Pamagat mong Boanerges Na talinghaga ng bagsik Ngayong ikaw ay


nasa langit Sa mga moro’y pasakit At sa Kristyanong sumambit Ligaya’t
tuwa ng dibdib, Sapagkat kung pag-usigin Gawi mo sila’y ampunin.

Awit: Santiago iyong ihain Sa Diyos ang aming Daing.

Sa kalis mong sakdal tapang Sumuko sa Abderraman May pitumpong


libong kawal Na sundalo ang nahalang Sa kampong pinagbakahan Ang
Espanya’y nasanggalang Sa panganib na masupil Ng mga morong taksil.

Awit: Santiago iyong ihain Sa Diyos ang aming Daing.

Awit: Marilag na Apostol at Martir, Santiago pintakasi namin. Santiago


iyong ihain Sa Diyos ang aming daing. Santiago iyong ihain Sa Diyos
ang aming daing.
PANALANGIN NG BAYAN PARA SA UNANG ARAW
NAKATAYO

Namumuno: Sa pamamagitan ni Santiago Apostol, itaas natin ang ating


mga kahilingan sa Panginoong ating Diyos na nagbigay ng
kapaligiran para sa sangkatauhan.

Tugon: PANGINOON, DINGGIN MO ANG AMING PANALANGIN.


PARA SA SIMBAHAN: Sa pamamagitan ng pagpapahayag ng Salita ng
Diyos, maipakita nawa ng Simbahan ang daan ng kabutihan at maging
tanda ng kaligtasan sa buong mundo, manalangin tayo sa Panginoon.
(Tugon)

\
PARA SA SANTO PAPA AT MGA OBISPO: Bilang Si Kristo ang
kanilang halimbawa, maging magandang halimbawa nawa ang kanilang
mga salita at pamumuhay sa lahat ng tao sa buong daigdig, manalangin
tayo sa Panginoon. (Tugon)

PARA SA LAHAT NG MGA MANGINGISDA AT MANDARAGAT:


Sa pamamagitan ng kanilang malinis at tapat na paghahanap-buhay,
maihanda nawa sila nito upang marating nila ang kanilang hantungan,
ang maluwalhating daungan na magbibigay kahulugan sa kanilang
buhay dito sa lupa, manalangin tayo sa Panginoon. (Tugon)

PARA SA MGA NANINIRAHAN SA BANAL NA LUPAIN (HOLY


LAND), KUNG SAAN NAGMULA SI SANTIAGO: Nawa ay
makagawa sila ng paraan upang maghari ang kapayapaan at katarungan
sa kanilang lugar, manalangin tayo sa Panginoon. (Tugon)

Manalig tayo sa Diyos Ama natin, at humiling, na sa pamamagitan ni


Santiago Apostol, ay diringgin Niya ang ating mga kahilingan, at ang
mga kahilingan ng mga kasama natin sa pagsisiyam na ito (sandaling
katahimikan)… manalangin tayo sa Panginoon. (Tugon)
Sama-sama nating dasalin ang panalanging itinuro ni Hesus kay
Santiago at sa mga Apostoles. (Ama Namin…)
PANALANGIN

Panginoon namin at Diyos, ikaw ang nagbigay ng kalikasan sa mga tao


upang sa pamamagitan ng kanilang paggawa ay maiyos ang mga bagay
sa mundong ito ayon sa Iyong kalooban, hinihiling namin sa pamamagi-
tan ni Santiago Apostol, ay madinig ang aming mga panalangin.
Magamit nawa namin ang mga bagay sa mundong ito sa paraang
magiging karapat-dapat kami sa buhay na walang hanggan. Hinihiling
namin ito sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon. Amen.
PANUTO SA PAGTATANGHAL NG RELIKYA AT PAG-AALAY
NG KANDILA

Paghahanda sa Pag aalay ng Kandila Umupo ang lahat at mangyari


magtungo sa likurang Bahagi ng Simbahan ang mga mag– alalay ng
kandila.

Pag-aalay ng Kandila at Pagpagtatanghal ng Relikya Magsitayo ang


lahat at Awitin ang Dalit kay Santiago Apostol ( Pahina: 38) kasabay ng
Pagtatanghal ng Relikya at pag– aalay ng kandila.

Isunod ang pangwakas na panalangin matapos ang Pagtatanghal at Pag-


alalay.

PANGWAKAS NA PANALANGIN
LUHOD

Lahat: Minamahal kong Santiago Apostol, tulungan mo akong maging


malapit na kaibigan ni Hesus katulad mo. Lagi ko nawang maisaisip
katulad ng tinuro Niya sa Iyo na sa pagmamahal sa Kanya ay nararapat
na mahalin at paglingkuran ko rin ang aking kapwa. Samahan mo ako sa
aking paglalakbay dito sa lupa patungo sa makalangit na Kahariang
inihanda ni Hesus para sa lahat ng katulad mo na nagmamahal rin sa
Kanya. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristong aming
Panginoon. Amen.

(Tanda ng Krus) Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo


Amen.

Ang lahat ay magsitahimik at maghanda para sa pagdiriwang ng Banal


na Misa.

IKALAWANG ARAW NAKATAYO

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan (Juan 15:9-17)

Kung paano ako minahal ng Ama, gayon ko rin kayo minahal.


Mamamalagi kayo sa pagmamahal ko. Kung isinasakatuparan ninyo ang
mga kautusan ko, mamamalagi kayo sa sa pagmamahal ko, kung
paanong isinasakatuparan ko ang mga kautusan ng aking Ama at
namamalagi sa kanyang pagmamahal. Sinabi ko sa inyo ang mga bagay
na ito upang mapasainyo ang aking kagalakan at maging ganap ang
inyong kagalakan. Ito ang kautusan ko: magmahalan kayo kung paano
ko kayo minahal. Wala nang pagmamahal na hihigit pa sa pag-aalay ng
sariling buhay alang-alang sa kanyang mga kaibigan. Mga kaibigan ko
kayo kung ginagawa ninyo ang iniuutos ko sa inyo. Hindi ko na kayo
tinatawag na lingkod sapagkat hindi alam ng lingkod ang ginagawa ng
kanyang panginoon. Hindi kayo ang humirang sa akin; ako ang
humirang sa inyo at nagtalaga sa inyo para humayo at mamunga, at
mamalagi ang inyong bunga. At ipagkakaloob ko sa inyo ang anumang
hingin n’yo sa Ama sa pangalan ko. Iniuutos ko sa inyo: magmahalan
kayo.
PAGNINILAY SA IKALAWANG ARAW
NAKAUPO
Iniwan ni Santiago ang kanyang Lambat at Sinundan si Hesus
Naakit si Santiago ng mga pananalita ni Hesus na taga-Nazareth.
Malakas ang naging dating ni Hesus sa kanya maging sa mga naninira-
han sa tabing-lawa na pawang nakikinig rin sa Kanya. Ipinahahayag ni
Hesus na ang Kaharian ng Diyos ay “abot-kamay” na. Katulad ni Juan,
nagpakita ng interes si Santiago na maging bahagi sa lupon ng mga
mamumuno at siyang na-ging dahilan kung bakit napansin sila ni Hesus.
At gayon na nga ang nangyari. Isang araw, tinawag Niya ang magkapa-
tid na parehong anak ni Zebedeo. Katulad ng sampu pa na Kanyang
pinili, sila ay napili ni Hesus upang samahan Siya at kalaunan ay isusugo
upang mangaral. Ang “samahan Siya” ay nangangahulugang
pakikibahagi sa buhay ni Hesus at ang “isusugo upang mangaral” naman
ay ang pagkaunawa sa mga misteryo ng Kaharian ng Diyos. Itinuring ni
Hesus si Santiago bilang isa sa mga kaibigan niya na pagbabahaginan
Niya ng Kaniyang mga narinig mula sa Ama.
Matututunan kalaunan ni Santiago ang mga aral tungkol sa “Mapapalad”
at ang mga talinghaga tungkol sa Kaharian, isasabuhay ito upang
maituro sa mga nananabik sa ganitong uri ng kaalaman. Sa kanilang
pagsama at pagiging malapit kay Hesus ay sinimulan Niyang isugo ang
mga ito na Kanyang mga alagad. Bumabalik silang nasiyahan sa
tagumpay ng kanilang misyon. Subalit ipinagdiinan ni Hesus na sa halip
na ipagsaya nila ang pagdaig sa kasamaan, bagkus ay dapat masaya
nilang malaman na ang kanilang mga pangalan ay nakatala na sa Langit.
PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHENG MARIA
DALIT KAY SANTIAGO APOSTOL

PANALANGIN NG BAYAN PARA SA IKALAWANG ARAW


NAKATAYO

Namumuno: Sa pamamagitan ni Santiago Apostol itaas natin ang ating


mga kahilingan sa Ama na ang Anak Niyang si Heus ang siyang
tumawag sa atin upang makibahagi sa Kanyang buhay at maging
tagapag-palaganap ng Kanyang mabuting balita ng kaligtasan.

Tugon: PANGINOON, DINGGIN MO ANG AMING PANALANGIN.


PARA SA SIMBAHAN: bilang bahagi ng mundong ito at may malasa-
kit sa sangkatauhan, maigawad nawa ng Simbahan ang kaligtasan na
nagmumula sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon. (Tugon)

PARA SA MGA TAGAPAGPAHAYAG NG MABUTING BALITA


LALO NA ANG MGA MISYONERO: pagkalooban nawa sila ng lakas
upang maialay nila, ayon sa Mabuting Balita, ang pagpapatotoo sa isang
matapat na pamumuhay, manalangin tayo sa Panginoon. (Tugon)

PARA SA MGA SEMINARISTA AT MGA NAGSASANAY SA


BUHAY RELIHIYOSO: mapahalagahan nawa nila ang pag-aalay ng
sari-ling buhay upang mapaglingkuran ang sangkatauhan, manalangin
tayo sa Panginoon. (Tugon)

PARA SA ATING MGA SARILI: marinig nawa natin ang tinig ng


Diyos at makita ang buhay bilang pagtugon sa kanyang kalooban nang
sa gayo’y lumago tayo sa paraang ninanais ng ating Panginoon,
manalangin tayo sa Panginoon. (Tugon)

Manalig tayo sa Diyos Ama natin, at humiling, na sa pamamagitan ni


Santiago Apostol, ay diringgin Niya ang ating mga kahilingan, at ang
mga kahilingan ng mga kasama natin sa pagsisiyam na ito (sandaling
katahimikan)… manalangin tayo sa Panginoon (Tugon)
Sama-sama nating dasalin ang panalanging itinuro ni Hesus kay
Santiago at sa mga Apostoles. (Ama Namin…)
PANALANGIN

Panginoon namin at Diyos, na nagsugo ng Iyong anak sa daigdig na ito


upang ipahayag ang pagdating ng Kaharian ng Diyos at upang akayin
ang lahat sa pananampalataya, sa pamamagitan ni Santiago Apostol,
madinig nawa ang aming mga kahilingan, at ipagkaloob na, sa pagtugon
sa tawag ng Iyong Anak, maipahayag namin ang Kanyang salita sa
mundong nangangailangan nito upang makasalo kami sa piging ng
Kaharian ng Langit. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni
Hesukristong aming Panginoon. Amen.

PANUTO SA PAGTATANGHAL NG RELIKYA AT PAG-AALAY


NG KANDILA
PANGWAKAS NA PANALANGIN

IKATLONG ARAW NAKATAYO


Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lukas (Lukas 9:51-
56)

Nang papalapit na ang panahon ng pag-aakyat sa kanya, tahasang


ipinasya ni Jesus na pumunta sa Jerusalem. Nagpadala siya ng mga sugo
para mauna sa kanya at pumasok sila sa mga nayon ng mga Samaritano
para ihanda ang kanyang matutuluyan. Pero ayaw nila siyang tanggapin
dahil papunta siya sa Jerusalem. Kaya sinabi sa kanya ng kanyang mga
alagad na sina Santiago at Juan: “Panginoon, gusto mo bang tumawag
kami ng apoy na babagsak mula sa langit para puksain sila?” Lumingon
si Jesus at pinagwikaan sila, at sa ibang bayan sila nagpunta.

PAGNINILAY SA IKATLONG ARAW


NAKAUPO
Ang mga Anak ng Kulog at ang Kalooban ni Hesus

Ninais ni Hesus na mahubog ang Kanyang mga alagad ayon sa Kanyang


kalooban. Isang araw, nang tanggihan si Hesus sa isang bayan ng mga
Samaritano, minungkahi ng magkapatid na Santiago at Juan na pababaan
ito ng apoy mula sa Langit upang gunawin. Ipinaunawa naman ni Hesus
sa mga disipulo na ang dapat nilang ipinakita sa pamamagitan ng
pagpapaliwanag, na ang Anak ng Tao ay dumating upang iligtas ang
mga tao at hindi ang mawalay sa mga ito. Sa isa pang pangyayari, nang
hilingin ng mga anak ni Zebedeo kay Hesus na ilaan sa kanila ang
pinakamatataas na luklukan sa Kaharian ng Diyos, sinabi ni Hesus na
inihanda na ang mga lugar na ito ng Ama para sa mga naglingkod sa
kanilang kapwa nang buong puso. Unti-unti ay nahubog sila ng
Panginoon upang maging karapat-dapat sila sa Kanya. Kay Hesus
matututunan kung paano makapamumuhay ng hindi nanlalaglag at nang-
aapak ng kapwa-tao. Sapagkat ang pagpili sa daan ng kahinahunan at
kababaang-loob ang maghahatid sa atin sa buhay na walang hanggan.
PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHENG MARIA
DALIT KAY SANTIAGO APOSTOL NAKATAYO

PANALANGIN NG BAYAN PARA SA IKATLONG ARAW


NAKATAYO

Namumuno: Sa pamamagitan ni Santiago Apostol, itaas natin ang ating


mga kahilingan sa Ama na ang Anak Niyang si Hesus ay siyang
nagpakababa at naging masunurin hanggang sa kamatayan.

Tugon: PANGINOON, DINGGIN MO ANG AMING PANALANGIN.


PARA SA SAMBAYANAN NG DIYOS: Buong kababaan nawa niyang
maihandog sa buong daigdig ang Liwanag at kaligtasang ipinagkatiwala
ni Kristo sa kanya, manalangin tayo sa Panginoon. (Tugon)

PARA SA MGA NAMUMUNO SA SIMBAHAN: Sa pagsunod nila sa


yapak ng Panginoon, ang Dakilang Pari, maging tanda nawa sila ng
pagiging payak at mababang loob at may paninindigan sa katotohanan
ng may buong kahinahunan, manalangin tayo sa Panginoon. (Tugon)
PARA SA MGA NANINILBIHAN SA PAMAHALAAN: Huwag nawa
nilang malimutan na sila ay mga lingkod ng bayan ng Diyos at tungkulin
nilang unahin ang kapakanan ng bayan bago ang interes ng iilan,
manalangin tayo sa Panginoon. (Tugon)

PARA SA LAHAT NG MGA KRISTIYANO: Mapagtanto nawa natin


mula sa ating pagninilay sa mga gawa ni Kristo, na ang pagkilos Niya
ay iba sa paraang gusto natin at kinakailangan na Siya ang maging
halimbawa natin sa ating pamumuhay, manalangin tayo sa Panginoon.
(Tugon)
Manalig tayo sa Diyos Ama natin, at humiling, na sa pamamagitan ni
Santiago Apostol, ay diringgin Niya ang ating mga kahilingan, at ang
mga kahilingan ng mga kasama natin sa pagsisiyam na ito (sandaling
katahimikan)… manalangin tayo sa Panginoon (Tugon)

Sama-sama nating dasalin ang panalanging itinuro ni Hesus kay


Santiago at sa mga apostoles. (Ama Namin…)

PANALANGIN

O Diyos, itinuro ng Iyong Anak na si Hesus sa Kanyang mga alagad na


mamuhay ayon sa Iyong ipinangaral, ipagkaloob mo, sa pamamagitan ni
Santiago Apostol, na sa pamamagitan ng pagtulad niya sa kahinahunan
at kababaang-loob ng Iyong Anak, makapaglingkod rin nawa kami sa
aming mga kapatid ng may buong kababaan at, mula sa aming mga
puso, ay mapatawad namin ang mga nagkasala sa amin. Hinihiling
namin ito sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon. Amen.
PANUTO SA PAGTATANGHAL NG RELIKYA AT PAG-AALAY
NG KANDILA PAHINA
PANGWAKAS NA PANALANGIN

IKA-APAT NA ARAW
NAKATAYO
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lukas (Lukas 9:28-
36)

Mga walong araw pagkasabi ni Jesus ng mga salitang ito, isinama ni


Jesus sina Pedro, Juan at Santiago at umahon sa bundok para
manalangin. At habang siya’y nananalangin, nagbago ng anyo ang
kanyang mukha at puting-puting nagningning ang kanyang damit. May
dalawang lalaki ring nakikipag-usap sa kanya, sina Moises at Elias.
Napakita sila sa kaluwalhatian at pinaguusapan nila ang paglisan ni
Jesus na malapit nang maganap sa Jerusalem. Antok na antok naman si
Pedro at ang kanyang mga kasama pero pagkagising nila, nakita nila ang
kanyang kaluwalhatian, at ang dalawang lalaking kasama niya. Nang
papalayo na ang mga iyon kay Jesus, sinabi ni Pedro sa kanya: “Guro,
mabuti at narito tayo; gagawa kami ng tatlong kubol, isa sa iyo, isa kay
Moises, at isa kay Elias.” Hindi niya alam ang kanyang sinasabi.
Nagsasalita pa siya nang may ulap na lumilim sa kanila; at natakot sila
pagpasok sa ulap. At narining mula sa ulap ang salitang ito: “Ito ang
aking anak, ang Hinirang; pakingggan ninyo siya.” Pagkasalita ng tinig,
nag-iisang nakita si Jesus. Nang mga araw na iyon, sinarili nila ito at
walang sinabi kanino man tungkol sa nakita nila.

PAGNINILAY SA IKA-APAT NA ARAW


NAKAUPO
Si Santiago at si Hesus sa mga Sandali ng Kaluwalhatian
Sa bundok Tabor, nasaksihan ni Santiagong anak ni Zebedeo, kasama
sina Pedro at Juan, ang maluwalhating anyo ng mukha ni Hesus at
nakibahagi rin sa naturang kaluwalhatian. Sa ganoong paraan ay
napagtibay ni Hesus ang loob ni Santiago at ng iba pang mga apostoles
upang malampasan nila ang pagpapakasakit ng ating Panginoon maging
ang kahangalan ng Krus. Ang tagpo sa tuktok ng bundok at ang
pagpapahayag ng pagka-Diyos ni Hesus ng isang boses na nagmula sa
kalangitan ang nagbigay sa mga apostoles ng patikim ng matatamong
ligaya sa Paraiso. Doon napagtanto ni Santiago ang ugnayan ng mga
Ebanghelyo mula sa mga libro ng mga Batas at ng mga Propeta. Sa
pagbuhay sa anak na babae ni Jairo, napagnilayan ni Santiago si Hesus
bilang tagapagbigay ng buhay na bumuhay sa batang babae mula sa
kamatayan at humiling na dalahan ito ng pagkain upang huwag itong
mawalan ulit ng malay. Sa pagpapakita ni Hesus ng Kaniyang sarili
bilang daan patungo sa Ama, malalaman ni Santiago ang Katotohan sa
pamamagitan Niya at matatagpuan sa Kanya ang bukal ng Buhay.

PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHENG MARIA


DALIT KAY SANTIAGO APOSTOL NAKATAYO
PANALANGIN NG BAYAN PARA SA IKA-APAT NA ARAW
NAKATAYO

Namumuno: Sa pamamagitan ni Santiago Apostol, itaas natin ang ating


mga kahilingan sa Diyos na ating Ama, na ipinakita ang kadakilaan ng
Kanyang Anak na si Hesus sa Bundok ng Tabor na sumasalamin din sa
kadakilaan Nito sa piling ng Ama.

Tugon: PANGINOON, DINGGIN MO ANG AMING PANALANGIN.


PARA SA SIMBAHAN: Maging tunay na saksi nawa ang Simbahan sa
muling pagkabuhay ni Hesus at maipahayag nito ang katotohanan sa
lahat ng bansa na si Hesus mula sa Bagong Tipan ang Mesiyas na nasa
mga batas at propesiya sa Lumang Tipan, manalangin tayo sa
Panginoon. (Tugon)

PARA SA MGA HINDI PA LUBOS NA NAKAKA-KILALA KAY


HESUS: Sa pamamagitan ng mga Banal na Kasulatan at patotoo ng mga
kristyano, makita nawa nila sa kanila si Hesus, ang Anak ng Diyos na
nagkatawang-tao, manalangin tayo sa Panginoon. (Tugon)

PARA SA MGA RELIHIYOSO AT RELIHIYOSA AT SA MGA


NAGHAHANAP NG KAHULUGAN NG KANILANG BUHAY:
Matagpuan nawa nila ang kaliwanagan sa Diyos at biyayaan nawa sila
ng lakas upang patuloy silang makatugon sa tawag ng Maykapal,
manalangin tayo sa Panginoon. (Tugon)

PARA SA ATING LAHAT: Maging buhay na patunay nawa ang ating


mga buhay habang tayo ay nakikisalamuha sa iba’t ibang uri ng tao,
manalangin tayo sa Panginoon. (Tugon)

Manalig tayo sa Diyos Ama natin, at humiling, na sa pamamagitan ni


Santiago Apostol, ay diringgin Niya ang ating mga kahilingan, at ang
mga kahilingan ng mga kasama natin sa pagsisiyam na ito (sandaling
katahimikan)… manalangin tayo sa Panginoon (Tugon)
Sama-sama nating dasalin ang panalanging itinuro ni Hesus kay
Santiago at sa mga apostoles. (Ama Namin…)

PANALANGIN

O Diyos, sa pagpapakita ng kadakilaan ng Iyong Anak, naihanda Mo


sina Pedro, Santiago at Juan sa kanilang pagharap sa pagpapakasakit ni
Hesus nang may pag-asa at hinayaan Mo ring makita nila na ang
Ebanghelyo ang katuparan ng mga batas at propesiya. Hinihiling namin
na sa pamamagitan ng mga Banal na Kasulatan ay makita namin si
Hesus na taga-Nazaret ang Iyong Anak na nabubuhay at naghahari
magpasawalang hanggan. Amen.

PANUTO SA PAGTATANGHAL NG RELIKYA AT PAG-AALAY


NG KANDILA
PANGWAKAS NA PANALANGIN

IKA-LIMANG ARAW
NAKATAYO
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo (Mateo 26:36-
46)

At nagpunta si Hesus na kasama sila sa isang lugar na tinatawag na


Getsemane at sinabi niya sa mga alagad: “Maupo kayo rito habang
nagdarasal ako sa dako roon.” Isinama niya si Pedro at ang dalawang
anak ni Zebedeo, at nagsimula siyang labis na mahapis at mamighati. At
sinabi niya sa kanila: “Labis na kalungkutang parang kamatayan ang
aking nadarama. Manatili kayo rito at makipagpuyat sa akin.” At
pumunta siya sa malayo-layo pa at napatirapa habang dinarasal:“Ama,
kung maaari, palampasin mo sa akin ang kalis na ito. Ngunit hindi ang
loob ko kundi ang sa iyo.” At pagbalik niya sa mga alagad, nakita niya
silang natutulog, at sinabi niya kay Pedro: “ Hindi ba kayo
makapagpuyat na kasama ko nang kahit isang oras lamang? Magpuyat at
manalangin para hindi kayo madaig ng tukso. Talagang masigasig ang
espiritu ngunit mahina ang laman.” Umalis siya uli para manalangin
nang makalawa at sinabi: “Ama, kung hindi ito lalampas at kailangan
kong inumin, ang kalooban mo ang matupad.” At sa pagbalik niya, muli
niya silang nakitang natutulog; mabigat nga ang kanilang mga mata.
Kaya muli niya silang iniwan para manalangin ng maikatlo, na gayon
din ang sinabi. At saka niya nilapitan ang kanyang mga alagad at sinabi
sa kanila: “Sige, matulog kayo at magpahinga! Dumating na ang oras at
ibinibigay na ang Anak ng Tao sa mga taong makasalanan. Gumising na
kayo at tumindig. Narito na ang magkakanulo sa akin.”

PAGNINILAY SA IKA-LIMANG ARAW


Si Santiago at si Hesus sa mga Sandali ng Paghihirap

Nang handa na si Hesus na ialay ang Kanyang buhay, tinawid Niya ang
sapa ng Kedron katulad ng ginawa ni David at nagtungo sa Bundok ng
mga Olibo. Iniwan Niya sa hindi kalayuan ang walo sa Kaniyang mga
alagad at nagtuloy na kasama sina Pedro, Santiago at Juan. Pagkarating
nila, iniwan Niya ang tatlo at nagtungo mag-isa sa halamanan. Doon,
kasama ang pinakamalalapit Niyang mga disipulo, napakita sa Kanya
ang mga mararanasan Niyang paghihirap. Katulad ng naiwang walo, ang
tatlong kasama Niya ay nadala na rin ng antok at nakatulog. Sapagkat
masigasig ang espiritu ngunit mahina ang laman, iniligtas nila ang
kanilang sarili subalit dahil sa ginawa nila ay napabayaan nila ang
Panginoon. Paglaon ay kinailangan pang isugo Niyang Nabuhay na
Mag-uli ang Espiritu Santo upang gisingin sila mula sa karimlan upang,
bilang mga anak ng Liwanag, ay makapagpatotoo kay Kristo.

PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHENG MARIA


DALIT KAY SANTIAGO APOSTOL NAKATAYO

PANALANGIN NG BAYAN PARA SA IKA-LIMANG ARAW


NAKATAYO
Namumuno: Sa pamamagitan ni Santiago Apostol, itaas natin ang ating
mga kahilingan sa Diyos na malapit sa atin at sa pamamagitan ng
padurusa ng Kanyang Anak na si Hesus ay nakabahagi siya sa hirap ng
sinumang dumaranas ng anomang uri ng pagdurusa.

Tugon: PANGINOON, DINGGIN MO ANG AMING PANALANGIN.

PARA SA SIMBAHAN: maipahayag nawa nito at maipaabot sa lahat ng


nangangailangan ng pang-unawa at kapatawaran ang paglilingkod at
awa na kailangan nila upang maipagpatuloy ang kanilang buhay,
manalangin tayo sa Panginoon. (Tugon)

PARA SA MGA MAYSAKIT, MGA NAKAKARANAS NG


SULIRANING PISIKAL, ESPIRITWAL AT EMOSYONAL:
patnubayan at patatagin nawa sila ng Diyos, manalangin tayo sa
Panginoon. (Tugon)

PARA SA MGA KABATAAN AT SA MGA NASA MABUTING


KALUSUGAN: Maalala nawa nilang dalawin at pagmalasakitan ang
mga maysakit at ang mga nalulumbay, manalangin tayo sa Panginoon.
(Tugon)

PARA SA MGA PAMILYA: Sa pagharap sa mga hamon ng


makabagong mundo, ang pamilya nawa ang magsilbing pangunahing
lugar kung saan naghahari ang pagmamahalan, kapayapaan at
paguunawaan, manalangin tayo sa Panginoon. (Tugon)

Manalig tayo sa Diyos Ama natin, at humiling, na sa pamamagitan ni


Santiago Apostol, ay diringgin Niya ang ating mga kahilingan, at ang
mga kahilingan ng mga kasama natin sa pagsisiyam na ito (sandaling
katahimikan)… manalangin tayo sa Panginoon (Tugon)

Sama-sama nating dasalin ang panalanging itinuro ni Hesus kay


Santiago at sa mga apostoles. (Ama Namin…)

PANALANGIN
Panginoon namin at Diyos. Ibinigay ng Iyong Anak ang Kanyang buhay
para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Nagpakasakit Siya sa kamay ng mga
sana’y dapat Niyang iligtas at tinalikuran pa ng Kanyang mga kaibigan
sa panahon ng Kanyang paghihirap. Hinihiling namin na ipagkaloob Mo,
sa pamamagitan ni Santiago Apostol, na lagi naming matularan si
Hesus sa pag-aalay ng sariling buhay at kahandaang mamatay kaysa
talikuran Siya. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristong
aming Panginoon. Amen.

PANUTO SA PAGTATANGHAL NG RELIKYA AT PAG-AALAY


NG KANDILA
PANGWAKAS NA PANALANGIN

IKA-ANIM NA ARAW
NAKATAYO
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo (Mateo 28:16-
20)

Pumunta naman sa Galilea ang labing-isang alagad, sa bundok na


itinakda ni Jesus. Pagkakita nila sa kanya, sumamba sila, ngunit may
nag-aalinlangan pa. At nilapitan sila ni Jesus at sinabi: “Ibinigay na sa
akin ang kapangyarihan sa langit at sa lupa. Kaya humayo kayo at
gawing mga alagad ko ang lahat ng bansa. Binyagan sila sa Ngalan ng
Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, at turuan sila na sundin ang lahat
ng iniuutos ko sa inyo. Kasama ninyo ako sa lahat ng araw hanggang sa
wakas ng panahon.”

PAGNINILAY SA IKA-ANIM NA ARAW


NAKAUPO
Si Santiago, Apostol ni Hesus na Muling Nabuhay
Matapos ang pagkamatay ng Panginoon, nagbalik si Santiago sa
Senakulo upang makapiling muli si Maria, ang ina ni Hesus, at ang iba
pang mga alagad. Doon, pinagnilayan nila ang muling pagkabuhay ni
Hesus at pinagpanibago ang kanilang pagkakaibigan sa Panginoon.
Matapos ang pag-akyat ni Hesus sa Langit, sinunod ni Santiago ang atas
ni Hesus na manatili sa Herusalem hanggang sa pagpanaog ng Espiritu
Santo. Ang Espiritu Santo ang maglulunsad sa mga alagad bilang mga
tagapagpatotoo sa buhay, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus sa
Hudea, Samaria at sa mga sulok ng daigdig. Ang tinitukoy na “sulok ng
daigdig” ay sa Espanya, sa Galicia. Nang marating ni Santiago ang
Zaragosa, sa kahabaan ng Ilog Ebro, siya ay naguluhan at pinanghinaan
ng loob. Napakita sa kanya ang Birheng Maria sa isang aparisyon.
Pinalakas nito ang kanyang loob at ipinakita sa kaniya na ang kanyang
mga ginawa ay hindi mawawalan ng kabuluhan sapagkat ang buto ng
Mabuting Balita na kanyang ipinangaral ay uusbong balang-araw at
mamumunga ng masagana.

PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHENG MARIA


DALIT KAY SANTIAGO APOSTOL

PANALANGIN NG BAYAN PARA SA IKA-ANIM NA ARAW


NAKATAYO

Namumuno: Sa pamamagitan ni Santiago Apostol, itaas natin ang ating


mga kahilingan sa Panginoon ng buhay na nagbangon kay Hesus mula
sa kamatayan na sa gawang yaon napuno ng ligaya ang lahat ng
nalulumbay.

Tugon: PANGINOON, DINGGIN MO ANG AMING PANALANGIN.


PARA SA SIMBAHAN: Makahanap nawa ng tunay na katahimikan at
kapayapaan ang mga nababagabag sa pamamagitan ng pagtugon ng
Simbahan sa kanyang misyon na ipalaganap ang Mabuting Balitang
dala ni Hesus at ipinahayag ng mga Apostoles, manalangin tayo sa
Panginoon. (Tugon)

PARA SA MGA TAGAPAGPAHAYAG NG MABUTING BALITA,


LALO NA ANG MGA NASA MISYON: Maramdaman nawa nila ang
pagkalinga ni Kristo at patuloy na maihatid ang mensahe ng Mabuting
Balita upang mapapanatili ang pananampalataya at maitaguyod ang
Kristyanong pamumuhay, manalangin tayo sa Panginoon. (Tugon)

PARA SA ATING LAHAT: ang pagmamahal nawa natin sa Mahal na


Birheng Maria ang maging daan upang katulad niya, maging mga tunay
tayong lingkod ng Diyos na mayroong kababaang-loob sa pagsunod sa
Kanya bilang magkakapatid, manalangin tayo sa Panginoon. (Tugon)
PARA SA MGA NAMAYAPA, LALO’T HIGIT SA ATING MGA
MGA MAHAL SA BUHAY NA PUMANAW: Patuluyin nawa sila ng
Diyos sa Kanyang Kaharian at puspusin sila ng kaligayahan at
kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon. (Tugon)

Manalig tayo sa Diyos Ama natin, at humiling, na sa pamamagitan ni


Santiago Apostol, ay diringgin Niya ang ating mga kahilingan, at
angmga kahilingan ng mga kasama natin sa pagsisiyam na ito (sandaling
katahimikan)… manalangin tayo sa Panginoon (Tugon)

Sama-sama nating dasalin ang panalanging itinuro ni Hesus kay


Santiago at sa mga apostoles. (Ama Namin…)

PANALANGIN

Panginoon namin at Diyos. Iniatas ng Iyong Anak na si Hesus sa mga


apostoles na manatili sa Herusalem hanggang sa matanggap nila ang
banal na pagkandiling magmumula sa kalangitan. Sa pamamagitan ng
Mahal na Birheng Maria at ni Santiago Apostol, ipagkaloob nawa sa
amin ang mga kaloob ng Espiritu Santo upang magampanan namin ang
pagiging saksi sa Iyong Anak dito sa mundo at makatulong sa kaligtasan
ng aming mga kapatid. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni
Hesukristong aming Panginoon. Amen.

PANUTO SA PAGTATANGHAL NG RELIKYA AT PAG-AALAY


NG KANDILA
PANGWAKAS NA PANALANGIN
IKA-PITONG ARAW NAKATAYO
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo (Mateo 10:16-
22)

Isinusugo ko kayo ngayon na parang mga tupa sa gitna ng mga asong


gubat. Maging matalino nawa kayo gaya ng mga ahas at walang malay
na parang mga kalapati. Mag-ingat sa mga tao; ibibigay nga nila kayo sa
mga sanggunian at hahagupitin kayo sa kanilang mga sinagoga.
Dadalhin din nila kayo sa mga pinuno at mga hari dahil sa akin, at dapat
kayong magbigay-patotoo sa kanila at sa mga pagano. Kapag isinakdal
naman kayo, huwag kayong mag-alala sa inyong sasabihin; sa oras na
iyo’y ibibigay nga sa inyo ang inyong sasabihin. Sapagkat hindi kayo
ang magsasalita kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang magsasalita sa
pamamagitan ninyo. Ipapapatay ng kapatid ang sariling kapatid, ng ama
ang kanyang anak; at isasakdal ng mga anak ang kanilang mga
magulang at ipapapatay sila. Kamumuhian kayo ng lahat dahil sa akin,
ngunit ang mananatiling matatag hanggang sa wakas ang maliligtas.
PAGNINILAY SA IKA-PITONG ARAW
NAKAUPO
Si Santiago, Martir para kay Kristo

Si Santiagong anak ni Zebedeo ay hindi lamang naging Apostol ni


Hesukristo, subalit siya ay naging saksi rin Niya sa pamamagitan ng
kanyang sariling dugo. Siya ang pinakauna sa mga apostoles na umi-
nom mula sa kalis ng Panginoon. Nang tanungin ni Hesus si Santiago at
Juan kung kaya ba nilang uminom mula sa kalis na Kaniyang iinuman,
tumugon ang magkapatid at sinabing kakayanin nila ito. Ang “Pag-inom
sa Kalis” ay nangangahulugang pagdaan sa matitinding pagsubok o ang
paglampas sa mapapait na karanasan tulad ng pighati at pagdurusa. Sa
kapanahunan ng Romanong Emperador na si Domitian, pinaniniwalaan
na si San Juan ay nakaranas ng pagpapahirap sa pama- magitan ng
paglubog sa kanya sa kumukulong mantika. Si Santiago naman ay
naging biktima ni Haring Herodes Agrippa I na nag-utos pugutan siya ng
ulo taong 44 AD. Sa ganitong paraan, nagawang ganap ni Santiago
angpananampalata- yang kanyang ipinahayag sa pamamagitan ng
kanyang dugo. Ito ang paraang naisip ng hari upang papayapain ang mga
Hudyo. Kilala sa kababawan pagdating sa relihiyon, iningatan
niya ang kanyang katayuan kapalit ang buhay ng kanyang kapwa. Sa
ginawa niya, napapayapa niya ang mga tao ngunit nagkasala naman ito
laban sa Diyos.

PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHENG MARIA


DALIT KAY SANTIAGO APOSTOL NAKATAYO

PANALANGIN NG BAYAN PARA SA IKA-PITONG ARAW


NAKATAYO

Namumuno: Mga kapatid, itaas natin ang ating mga kahilingan, sa


pamamagitan ni Santiago Apostol, sa Panginoong ating Diyos na ang
Anak Niya ay siyang nag-alay ng buhay upang tayo ay maligtas.
Tugon: PANGINOON, DINGGIN MO ANG AMING PANALANGIN.
PARA SA BANAL NA SIMBAHAN: Sa tulong ng patotoo ng mga
apostoles, maging patuloy na saksi nawa ni Kristo ang Simbahan kahit
nahaharap ito sa mga pang-uusig, manalangin tayo sa Panginoon.
(Tugon)

PARA SA MGA INUUSIG SA KANILANG PANANAMPALATAYA


AT NAKIKIBAKA PARA SA KATARUNGAN: Ang halimbawa nawa
ni Kristo, ni Santiago Apostol at ng lahat ng mga apostoles ang
magpatatag sa kanilang pananampalataya, manalangin tayo sa
Panginoon. (Tugon)

PARA SA MGA UMUUSIG SA SIMBAHAN: Ang dugo nawa ng mga


martir na dumaloy tulad ng kay Abel ang maging dahilan ng kanilang
pagbabagong-loob at balang-araw ay makabahagi sa Kaharian ni Kristo,
manalangin tayo sa Panginoon. (Tugon)
PARA SA ATING LAHAT: Maging handa nawa tayo na manindigan sa
ating pananampalataya sa kabila ng mga pang-uusig ng lipunan na ating
ginagalawan, manalangin tayo sa Panginoon. (Tugon)

Manalig tayo sa Diyos Ama natin, at humiling, na sa pamamagitan ni


Santiago Apostol, ay diringgin Niya ang ating mga kahilingan, at ang
mga kahilingan ng mga kasama natin sa pagsisiyam na ito (sandaling
katahimikan)… manalangin tayo sa Panginoon (Tugon)

Sama-sama nating dasalin ang panalanging itinuro ni Hesus kay


Santiago at sa mga apostoles. (Ama Namin…)

PANALANGIN

Panginoon namin at Diyos, ipinahayag ng Iyong Anak na si Hesukristo


na mapapalad ang mga inuusig at naging matiyaga hanggang sa huli. Sa
pamamagitan ni Santiago Apostol, hinihiling namin na gawin mo
kaming mga buhay na patotoo ng aming pananampalataya kay Hesus. Sa
ganitong paraan pinasasalamatan namin Siya para sa kaloob na
pananampalataya sa pamamagitan ng pagbabahagi nito sa iba, sa
pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon. Amen.
PANUTO SA PAGTATANGHAL NG RELIKYA AT PAG-AALAY
NG KANDILA
PANGWAKAS NA PANALANGIN

IKA-WALONG ARAW
NAKATAYO
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo (Mateo 2:7-12)
Kaya lihim na tinawag ni Herodes ang mga pantas at hinigi sa kanila ang
mga impormasyon tungkol sa sumikat na tala. At saka sila pinapunta sa
Betlehem at sinabi: “Pumunta kayo at alamin ang tungkol sa bata.
Pagkakita ninyo sa kanya, bumalik kayo sa akin para maka- punta rin
ako sa kanya at makasamba.” Umalis sila pagkarinig nila sa hari.
Nagpauna sa kanila ang tala na nakita nila sa Silangan, at tumigil ito sa
taas ng lugar na kinaroroonan ng sanggol. Labis na natuwa ang mga
pantas ng makita nila muli ang tala! Pumasok sila sa bahay at nakita nila
ang sanggol kasama ni Mariang kanyang ina. Lumuhod sila at sumamba,
at binuksan ang kanilang mga mamahaling dala at hinandugan siya ng
mga regalong ginto, kamanyang ata mira. At nag- iba sila ng daan pag-
uwi nila sa kanilang lupain dahil binilinan sila sa panaginip na huwag
nang bumalik kay Herodes.

PAGNINILAY SA IKA-WALONG ARAW


NAKAUPO
Si Santiago, Gabay at Tanggulan ng ating Pananampalataya
Nagkahiwa-hiwalay ang mga alagad dulot ng pag-uusig ng mga
Kristyano sa Herusalem. Nagsimula ito sa pagkamatay ni San Esteban at
patuloy na naganap sa iba’t ibang pagkakataon sa buhay ng mga unang
Kristyano. Ang mga malalaking Lansangan ng Imperyo at ang iba pang
mga daan ay napuno ng mga tagapangaral na sinamantalang mangaral sa
sinumang makakasalubong nila sa daan. Nilisan ni Atanasio at
Teodoro ang bayan ng Joppa taglay ang kabaong naglala- man ng
katawan ni Santiago. Dumaong sila sa wawa ng bayan ng Galicia na
noong panahong yaon ay tinaguriang ‘hangganan ng daigdig´
(Finisterre). Kinalaunan, naunawaan din ng mga Kristyano sa panig na
ito ng daigdig ang kahulugan ng pag-uusig. Sa harap ng pananakop ng
mga barbaro, kinailangang itago ang katawan ng Apostol. Sa kabila nito
ay hindi naglaho ang pananalig ng mga tao sa anak ni Zebedeo.
Nabalitaan naman ng Obispo Teodomiro na ang ermitanyong si Pelayo
ay nakakitang talang nagniningning sa ibabaw ng lambak. Agad
nagtungo ang Obispo sa binansagang “parang ng mga tala.”
Pinahukay niya ang lupa at natagpuan ang mga banal na labi ni Santiago.
Nang umabot ito sa kaalaman ni Haring Alfonso ay nagtungo siya rito
kasama ang kanyang pamilya.Sa paglipas ng panahon, hindi mabilang na
mga hari, mga obispo at mga pangkaraniwang tao ang dumalaw dito. Sa
ganitong paraan nagsimula ang tanyag na “Daan ni Santiago.” Hindi
kalaunan ay dumagsa ang mga tao mula sa iba’t ibang bansa at mula sa
iba’t ibang antas ng pamumuhay upang magsagawa ng mga paglalakbay
sa pag-asang makamit ang kapayapaan at kaligayahan sa Espiritu Santo
sa harap ng puntod ng Apostol. Ipinanganak ang Europa dahil sa daang
ito ni Santiago. Sa pamamagitan ni Santiago napag-isa ang iba’t ibang
uri ng tao sa pamamagitan ng pag-ibig ni Kristo.

PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHENG MARIA


DALIT KAY SANTIAGO APOSTOL NAKATAYO

PANALANGIN NG BAYAN PARA SA IKA-WALONG ARAW


NAKATAYO

Namumuno: Sa pamamagitan ni Santiago Apostol, itaas natin ang ating


mga kahilingan kay Hesus na pumili kay Santiago Apostol upang
maging Kanyang disipulo.

Tugon: PANGINOON, DINGGIN MO ANG AMING PANALANGIN.


PARA SA SIMBAHAN: Maipahayag nawa ng Simbahan na tayong
lahat ay mga manlalakbay na nagsusumikap makarating sa lupang
ipinangako ng ating Ama, manalangin tayo sa Panginoon. (Tugon)

PARA SA MGA BANSA, DIYOSESIS AT PAROKYANG NASA


ILALIM NG PAMAMATNUBAY NI SANTIAGO APOSTOL AT
MGA DEBOTO: Matularan nawa nila ang mga halimbawang ipinakita
sa atin ng ating mahal na patron, manalangin tayo sa Panginoon.
(Tugon)

PARA SA ATING LAHAT: Maunawaan nawa natin dito sa lupa ang


mga makalangit na palatandaang ibinigay sa atin ng Diyos, manalangin
tayo sa Panginoon. (Tugon)

PARA SA MGA MAY SAKIT, MGA NAGHAHANAP SA


KAHULUGAN NG KANILANG BUHAY, AT MGA NAGDURUSA
SA IBA’T IBANG PARAAN: madama nawa nila ang pagtulong ng
Diyos, manalangin tayo sa Panginoon. (Tugon)

Manalig tayo sa Diyos Ama natin, at humiling, na sa pamamagitan ni


Santiago Apostol, ay diringgin Niya ang ating mga kahilingan, at ang
mga kahilingan ng mga kasama natin sa pagsisiyam na ito (sandaling
katahimikan)… manalangin tayo sa Panginoon (Tugon)

Sama-sama nating dasalin ang panalanging itinuro ni Hesus kay


Santiago at sa mga apostoles. (Ama Namin…)

PANALANGIN

Panginoon namin at Diyos, Ninais mong ang lahat ng tao ay maligtas at


malaman ang katotohanan. Dinggin mo ang aming panalangin at, sa
pamamagitan ni Santiago Apostol, ipagkaloob mo ang grasya upang
makita namin ang daigdig na may pagtingin ng pananampalataya at
ituring ang buhay na ito bilang patuloy na paglalakbay tungo sa walang
hanggang kaligayahan kasama Mo. Hinihiling namin ito sa pamama-
gitan ni Hesukristong aming Panginoon. Amen.

PANUTO SA PAGTATANGHAL NG RELIKYA AT PAG-AALAY


NG KANDILA
PANGWAKAS NA PANALANGIN

IKA-SIYAM NA ARAW
NAKATAYO

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lukas (Lukas 13:22-
30)

Dumaan si Jesus sa mga lungsod at nayon, na nangangaral habang


papunta sa Jerusalem. May nagtanong sa kanya: “Panginoon, kakaunti
nga ba ang maliligtas? At sinabi ni Jesus sa mga tao: “Magpumilit
kayong pumasok sa makipot na pintuan sapagkat sinasabi ko sa inyo:
marami ang gustong pumasok at hindi makakapasok. Kapag tumindig na
ang may-ari ng bahay at naisara na nga pinto, tatayo kayo sa labas na
kumakatok at magsasabing ‘Panginoon, buksan mo kami’. Sasagot
naman siya sa inyo: “Hindi ko alam kung taga-saan kayo’. Kaya
sasabihin ninyo: “kami ang kumain at uminom kasalo mo, at sa aming
mga lansangan ka nangaral.’ Pero sasagutin niya kayo: ‘Hindi ko alam
kung taga saan kayo. Lumayo kayo sa akin kayong mga gumaga- wa ng
masama.’ Naroon ang iyakan at pagnga-ngalit ng ngipin pagka- kita
ninyo kina Abraham, Isaaac, Jacob at sa lahat ng propeta sa kaharian ng
Diyos, at ipagtatabuyan naman kayo sa labas. At makikis- alo naman sa
Kaharian ng Diyos ang mga darating mula silangan, kanluran, timog at
hilaga. Oo, may mga huli ngayon na mauuna at may mga una na
mahuhuli.”

PAGNINILAY SA IKA-SIYAM NA ARAW


NAKAUPO
Si Santiago ating Pintakasi

Bilang Pintakasi ng Espanya, napukaw ni Santiago ang pansin ng iba’t


ibang bansa upang mamintuho sa kanya gayundin ang mga misyonerong
nagdala ng pananampalatayang Kristyanismo sa bansang Pilipinas at sa
bayan ng Paete. Sa kasalukuyan, mararamdaman sa katangi-tanging
paraan ang pre- sensiya ni Santiago sa lungsod ng Kompostela, sa mga
parokyang namimintakasi sa kanya, at maging sa buong Espanya, at sa
kanyang mga kapatid na simbahan sa Pilipinas at sa buong daigdig.
Ang kaibigang ito ng ating Panginoon ay patuloy na naghahatid sa atin
papalapit kay Kristo. Ang daang ito ni Santiago kung saan ipinanganak
ang Europa, ang pagbabatayan ng lahat ng nagnanais matuklasang muli
ang sanhi ng pagkakabuklod ng mga bansa.

PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHENG MARIA


DALIT KAY SANTIAGO APOSTOL NAKATAYO

PANALANGIN NG BAYAN PARA SA IKA-SIYAM NA ARAW


NAKATAYO
Namumuno: Manalangin tayo sa Panginoong ating Diyos na sa lahat na
pagkakataon ay nililiwanagan ang ating landas at ginagabayan tayo
tungo sa daan ng kapayapaan. Itinataas namin ang lahat ng aming mga
panalangin sa pamamagitan ni Santiago Apostol.

Tugon: PANGINOON, DINGGIN MO ANG AMING PANALANGIN.


PARA SA SIMBAHAN: Maipagkaloob nawa nito sa mga tao ang
Mabuting Balita ng kaligtasan at ang mga sakramentong nagbibigay
buhay, manalangin tayo sa Panginoon. (Tugon)

PARA SA ATING LAHAT: Maging mga saksi nawa tayo ni Kristo


hanggang sa mga hangganan ng daigdig at sa pamamagitan ng pagka-
tanggap sa Mabuting Balita ay makinabang tayong lahat dito,
manalangin tayo sa Panginoon. (Tugon)

PARA SA MGA PAROKYANG NASA PAMAMATNUBAY NI


SANTIAGO APOSTOL LALONG-LALO NA ANG ATING
PAROKYA DITO SA BAYAN NG PAETE: Magampanan nawa natin
ang ating tungkulin bilang mga disipulo ni Hesus sa pamamagitan ng
pagtulad natin sa tatag ng pananampalataya at mga gawa ni Apostol
Santiago, manalangin tayo sa Panginoon. (Tugon)

PARA SA MGA MAHAL NATIN SA BUHAY NA NAMAYAPA NA:


pagkalooban nawa sila ng Diyos ng kapayapaan at kaligayahang walang
hanggan, manalangin tayo sa Panginoon. (Tugon)
Manalig tayo sa Diyos Ama natin, at humiling, na sa pamamagitan ni
Santiago Apostol, ay diringgin Niya ang ating mga kahilingan, at ang
mga kahilingan ng mga kasama natin sa pagsisiyam na ito (sandaling
katahimikan)… manalangin tayo sa Panginoon (Tugon)
Sama-sama nating dasalin ang panalanging itinuro ni Hesus kay
Santiago at sa mga apostoles. (Ama Namin…)
PANALANGIN

Panginoon pakinggan mo ang aming mga panalangin. Kami na mga nag


-alay ng pagsisiyam na ito sa karangalan ni Santiago Apostol ay humi-
hiling sa kanyang pamamagitan upang maging saksi kami ni Hesus sa
mundo. Ipagkaloob mong makasama Mo kami sa pagpapahayag ng
Kaharian ng Diyos sa pag-asang makakamit namin ang buhay na laan
para sa mga nagmamahal sa Iyo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni
Hesukristong aming Panginoon. Amen.

PANUTO SA PAGTATANGHAL NG RELIKYA AT PAG-AALAY


NG KANDILA
PANGWAKAS NA PANALANGIN

DALIT KAY SANTIAGO APOSTOL


Koro: Marilag na Apostol at Martir, Santiago pintakasi namin. Santiago
iyong ihain Sa Diyos ang aming daing. Santiago iyong ihain Sa Diyos
ang aming daing.

Ebanghelyo’y nagbabantog Ng dakilang pag-irog Sa iyong maalindog


At karikit-rikitang Hesus. (Koro)

Kagitingang iyong taglay, Karunungan at gabay, Sa ami’y ‘yong


patnubay, Pagsupil sa kasamaan. (Koro)

Pag-ibig sa Panginoon, Sa iyo aming baon, Tagubiling matibay Sa


pananampalatayang banal. (Koro)

You might also like