You are on page 1of 9

PAGSASAABO NG TUYONG PALASPAS

NG NAKARAANG TAON
(Ritu ng Sunog-Sala)

Paunang Salita

1. Ang Ritual ay hindi pamalit sa pagbabasbas ng mga


Abo sa Miyerkules ng Abo. Ito ay rito upang ihanda
ang mga tao sa pagpasok sa panahon ng kuwaresma.
2. Ang Pagsusunog ay gagawin sa labas ng simbahan
kung saan man may inihandang lalagyan ng mga
palaspas at lalagyan sunugan.
3. Maaring gawin ang rituwal bago simulan ang misa o
ang panalanging pantakip-silim. Kung ito ay
gaganapin sa loob ng misa, papalitan nito ang
penitential rite.
4. Kapag inilagay ito sa loob ng misa. Sisimulan ang
tanda ng Krus at pagbati sa harapan ng simbahan
tulad ng ginagawa sa ritwal ng pagbabasbas ng
kandila sa ikalawa ng Pebrero.

I. PAMBUNGAD
Kapag natitipon na ang tao, maaring gumamit ng awit na batay sa panahon
ng kuwaresma. Pagkatapos ng Pambungad na Awit babati ayon sa
sumusunod ang tagapagdiwang.

Presider: ☩ Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak at


ng Espiritu Santo.

All: Amen.

Presider: Sumainyo ang biyaya at kapayapaan


mula sa Diyos Ama at mula kay
Hesukristo na nagmahal sa atin at
hinugasan ang ating mga kasalanan
sa Kanyang dugo.

All: At sumaiyo rin.


1
Kaunting pagpapaliwanag tungkol sa ginaganap na pagdiriwang.

Presider/ Commentator:
Mga kapatid, ang mga palaspas na hawak natin
ay ginamit natin noong ating gunitain ang
matagumpay na pagpasok ni Hesus sa Jerusalem
nang Linggo ng Pagpapakasakit ng Panginoon.
Noon, Siya ay ating inawitan ng papuri at
kinilalang Hari bilang nabibilang sa lipi ni David.
Ang ating pagbubunyi ay tulad ng kasariwaan ng
palaspas na ito sa kanyang pagiging luntian.
Tulad din ito ng ating kalalagayan noong tayo ay
binyagan; handang sundin ang kalooban ng Ama,
dahil ito ang tinahak na daan ni Hesukristo.
Pagkalipas ng ilang panahon, ang pagbubunyi ay
napalitan ng sigawang hatulan Siya ng
kamatayan. Ang dating luntian ay naluoy at
pinanawan ng kasariwaan. Ang kabanalang dulot
ng pagiging binyagan ay pinarumi ng pagiging
makasalanan. Ngunit, may pag-asa pa ang lahat.
Dahil ang natuyot na palaspas, sa apoy ay
dinadarang upang magkamit ng kadalisayan. Ang
kasalanan ay isinusuko sa paghingi ng
kapatawaran upang mabalik ang kabanalan. At
ang kamatayan ay hindi ang may huling salita,
kundi ang tagumpay ng pagkabuhay. Halina, sa
pagsusunog ng mga palaspas na ito, kilalanin
natin ang tagumpay ng apoy na nagpapadalisay
na pag-ibig ng Diyos.

2
PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Presider: Mga Kapatid,
Tinatawag tayo ng
Diyos sa pagbabagong loob
at upang manampalataya
sa Ebanghelyo,
hingin natin sa Kanya ang biyaya ng
taos-pusong pagsisisi.

Panandaliang tumahimik ang lahat para sa panalangin.


Pagkatapos ay dadasalin ng pari ang panalangin:

O Diyos ng Awa, nilikha mo kami


mula sa alabok at kaisa ng
simbahan, hinimok kaming
sumunod sa tawag ng iyong
Ebanghelyo.
Gawaran mo kami ng iyong habag
habang aming inihahanda ang mga
abo na tanda ng aming paglalakbay
sa ilang ay makasumpong sa bukal
ng muling pagsilang na may
masidhing pagkauhaw sa
katarungan.
Nawa’y ang amin nawang
kawanggawa ay makapagbigay
lingkod sa iyong sambayanan at
ihantong kami sa kapayapaan.
Nawa'y pabanalin ng panalanging ito
ang lahat ng aming mga gawa, at sa
inihandang hapag kung saan ikaw ay
naghahari kasama ni Kristo at ng
Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.
All: Amen.

3
II. PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS
UNANG PAGBASA Isaias 58:5-10
Pagbasa mula sa Aklat ni Propeta Isaias

Ganyan ba ang pag-aayunong aking kaluluguran?


Iyan ba ang araw na talagang nagpapakumbaba ang
mga tao?
Hinihiling ko ba na yumuko kayong tulad ng damong
hinihipan ng hangin,
o mahiga kayo sa sako at abo?
Pag-aayuno na ba ang tawag ninyo diyan,
isang araw na nakalulugod kay Yahweh?
“Ganitong pag-aayuno ang gusto kong gawin ninyo:
Palayain ninyo ang mga di-makatarungang
ipinabilanggo;
kalagin ninyo ang tanikala ng inyong mga inalipin.
Palayain ninyo ang mga inaapi,
at baliin ang mga pamatok ng mga alipin.
Ang mga nagugutom ay inyong pakainin,
ang mga walang tirahan ay inyong patuluyin.
Ang mga walang maisuot ay inyong bigyan ng mga
damit.
At sa mga nangangailangang mga kamag-anak ay
huwag kayong magkakait.
Kung magkagayon, sisikat ang liwanag sa inyo, at
matutulad kayo sa bukang-liwayway,
hindi magtatagal at manunumbalik ang inyong
kalusugan.
Mahahayag sa inyong unahan ang mabubuti ninyong
gawa,
at sa inyong hulihan ay papatnubayan kayo ng
kaluwalhatian ni Yahweh.
Sa araw na iyon, diringgin ni Yahweh ang inyong
dalangin;
kapag kayo'y humingi ng tulong, sasabihin niya,
‘Naririto ako.’

4
“Kapag itinakwil ninyo ang pang-aapi,
maling pagbibintang at pagsisinungaling;
kapag ang nagugutom ay kusang-loob ninyong
pakakainin,
at tutulungan ang mahihirap,
sisikat ang liwanag sa inyong nasa kadiliman,
at ang inyong kapanglawan ay magliliwanag gaya ng
sa katanghaliang-tapat.

Ang Salita ng Diyos.

RESPONSORIAL PSALM Mga Awit 51, 3-4

Poon, iyong kaawaan


kaming sa ‘yo’y nagsisuway.

Ako’y kaawaan, O mahal kong Diyos,


sang-ayon sa iyong kagandahang-loob
mga kasalanan ko’y iyong pawiin,
ayon din sa iyong pag-ibig sa akin!
Linisin mo sana ang aking karumhan
at ipatawad mo yaring kasalanan! (R)

Ang pagsalansang ko ay kinikilala,


laging nasa isip ko at alaala.
Sa iyo lang ako nagkasalang tunay,
at ang nagawa ko’y di mo nagustuhan. (R)

Isang pusong tapat sa aki’y likhain,


bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin.
Sa iyong harapa’y h’wag akong alisin;
ang Espiritu mo ang papaghariin. (R)

Ang galak na dulot ng ‘yong pagliligtas,


ibalik at ako ay gawin mong tapat.
Turuan mo akong makapagsalita,
at pupurihin ka sa gitna ng madla. (R)

5
MABUTING BALITA Mateo 6, 1-3
Presider: Sumainyo ang Panginoon.
All: At sumaiyo rin.
Presider: + Ang Mabuting Balita ng
Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa


kanyang mga alagad: “Pag-ingatan ninyo na
huwag maging pakitang-tao lamang ang paggawa
ninyo ng mabuti. Kapag ganyan ang ginawa
ninyo, wala kayong matatamong gantimpala
buhat sa inyong Amang nasa langit.
“Kaya nga, kapag naglilimos ka, huwag mo nang
ipagmakaingay ito, katulad ng ginagawa ng mga
mapagpaimbabaw doon sa sinagoga at sa mga
lansangan. Ginagawa nila ito upang purihin sila
ng mga tao. Sinasabi ko sa inyo: tinanggap na
nila ang kanilang gantimpala. Ngunit kung
naglilimos ka, huwag mo nang ipaalam ito kahit
sa iyong pinakamatalik na kaibigan upang
malihim ang iyong paglilimos. At gagantihin ka
ng iyong Amang nakakikita ng kabutihang
ginagawa mo nang lihim.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

HOMILIYA

6
II. PAGSUSUNOG NG PALASPAS

Presider: Ngayon, susunugin na natin ang


mga palaspas. Idalangin natin na sa
pagdalisay ng apoy na ito sa mga
palaspas ay dalisayin din tayo ng
Panginoon at makapagbagong-
buhay.
Ilalagay ngayon ng mga tao ang kanilang palaspas sa lalagyang inihanda.
Matapos ang paglalagay susunugin ang mga palaspas habang umaawit ng
karampatang himig.

Iinsensuhan ang nasusunog na palaspas

Kung hindi sa loob ng misa ito ginawa itutuloy ang mga sumusunod.

III. PANALANGIN NG PAGLUHOG

Presider: Nababatid ng Panginoon kung


saan tayo nagmula, at batid
niyang tayo ay alabok.
Hilingin natin sa kanya na tayo'y
patawarin at hilumin ang mga
sugat na buhat sa kasalanan
Lector: Ipagkaloob mo sa amin ang biyaya ng
tunay na pagbabalik loob upang
mapagtagumpayan ang lahat ng
tukso.

All: Panginoon dinggin mo kami


Reader: Patawarin mo kami, ang iyong mga
lingkod at palayain sa utang ng
kasalanan.

All: Panginoon dinggin mo kami

7
Lector: Tulungan mo kaming matanto ang
tunay na halaga ng aming buhay

All: Panginoon dinggin mo kami.


Lector: Panibaguhin mo ang iyong pag-ibig sa
amin, at itulot mong maging saksi mo
kami sa pang araw-araw na buhay.

All: Panginoon dinggin mo kami.


Presider: Manalangin tayo ngayon sa Diyos na
ating Ama sa mga salitang itinuro sa
atin ni Kristo.
All: AMA NAMIN…

PANGWAKAS NA PANALANGIN

Presider: Panginoong Diyos, hindi mo


hinangad na mamatay ang
makasalanan bagkus sila'y
magbalik loob. Sa iyong habag
isaalang-alang mo ang kahinaan
ng aming katayuan. Batid
naming kami ay alabok at sa
alabok din kami babalik dahilan
sa aming kasamaan. Magdalang
awa ka sa amin, patawarin mo
ang aming pagkukulang at
ipagkaloob mo sa amin ang
gantimpala ng lahat ng nagsisisi
sa pamamagitan ni Kristong
aming Panginoon.

8
All: Amen.

IV. PAGHAHAYO
Presider: Sumainyo ang Panginoon.
All: At Sumaiyo rin.
Presider: Pagpalain kayo ng
makapangyarihang Diyos,
☩ Ama at Anak at Espiritu Santo.

All: Amen.
Presider: Humayo kayo at mamuhay sa
kabanalan ng pagiging binyagan.
All: Salamat sa Diyos.

Ang isang angkop na himno ay inaawit habang ang mga


Tao at Tagapagdiwang ay umaalis.

You might also like