You are on page 1of 24

Iglesia Filipina Independiente

Diyosesis ng laguna
Parokya ng el salvador del mundo
Cavinti, laguna

Pagsisiyam AT MGA
PANALANGIN SA MGA
KALULUWA NG
NAMAYAPANG KRISTIYANO

1
NOVENA SA MGA KALULUWA
2
Namumuno: Ave Maria Purisima
Bayan: Sinpicado Consevida
Namumuno: Sa Ngalan ng Ama, Anak, at
Espirito Santo.
Bayan: Amen.
Lahat: Narito na po kami Jesus sa mahal
mong yapak na mapag-aksaya, alibugha
mong anak muli mong tanggapin silayan ng
Lingap. Kaming nagsisisi, sala naming lahat.
Patawad o Diyos ko, Patawad ang daing ko,
Patawad kaawaan mo kaming mga taong
nabubuhay dito sa Mundo.
PAGSISISI
Panginoon kong Jesukristo, Diyos na totoo at
tao naming totoo gumawa at sumakop sa min,
Pinagsisisihan kong masakit sa tanang loob
ko ang dilang pagkakasala ko sa iyo, Ikaw
nga ang Diyos ko, Panginoon ko at Ama ko,
na iniibig kong higit sa lahat, nag-titika
naman akong matibay na matibay na di na
muling magkakasala sa iyo, Umaasa akong
3
patatawarin mo rin alang-alang sa iyong
mahal na Pasyon at pagkamatay sa Krus
dahilan sa amin. Siya Nawa.

Buksan mo na po Panginoon ko ang mga


labi’t dila namin pakabuhayin mo ang aming
mga puso at pakalinisin sa mga walang
kasaysayan at walang matotong panimdim,
liwanagin mo ang aming isip papagningasin
ang aming mga puso, nang magunamgunam
na mataimtim sa kalooban ang pinagdaanang
hirap at kamatayan. Sampu nang kapait-
paitang dinalita ng kabana-banalang, kami’y
marapat dinggin sa harapan ng iyong di
matingkalang kapangyarihan na nabubuhay at
naghahari magpasawalang hanggan. Amen.
+++ROSARYONG MGA MISTERYO+++
(Dinadasal lamang sa ika-apatnapung/ika-
tatlumpung araw ng pagkamatay at sa araw
babang luksa.)
Iluwalhati mo na po Panginoong Diyos sa
Langit ang kalahat-lahatang kaluluwa na
4
nagkakasakit sa Purgatoryo, at ibinubukod po
namin at inihihingi ng awa itong kaluluwa ni
_______.
Alang alang at pakundangan sa kauna-
unahang misteryo ng ______ ng ating
Ginoong Sta. Maria Birheng Hari at ina natin
ay _________.
(Susundan ng Pagdarasal ng Rosaryo na
sisimulan sa Unang Misteryo at magtatapos
sa ika-Limang Misteryo. At isusunod dito ang
Paghahain na nakalaan sa Bawat Misteryo.)
+++ROSARYO NG PAGHIHIRAP+++
(Dinadasal sa Pagdaraos ng Pagsisiyam sa
Paglalamay at sa pag-papa-alaala tuwing
Todos los Santos at iba pa.)
Lubhang Maawaing Jesus ko lingapin mo po
ng iyong mahabaging mata ang kaluluwa
nang namatay na si ________ at kung siya
man po ay may mga kasalanang di niya
napagsisihan noong siya’y nabubuhay pa dito
sa ibabaw ng lupa ay patatawarin mo na po

5
siya patutuluyin, papagkamtin, ilipat diyan sa
bayang kaluwalhatian sa langit. Siya Nawa.
Ang Sampung Panalangin
Namumuno: Jesus ko Alang-alang sa
masaganang dugo na iyong ipinawis ng
manalangin ka sa halamanan ng Panginoong
Diyos.
Tugon: Kaawaan mo na po’t patawarin Jesus
ko ang Kaluluwa ni ________.
Namumuno: Jesus ko Alang-alang sa tampal
na tinanggap ng iyong mukhang kagalang-
galang.
Tugon: Kaawaan mo na po’t patawarin Jesus
ko ang Kaluluwa ni ________.
Namumuno: Jesus ko Alang-alang sa
masakit na hampas na iyong tiniis.
Tugon: Kaawaan mo na po’t patawarin Jesus
ko ang Kaluluwa ni ________.

6
Namumuno: Jesus ko Alang-alang sa
Koronang Tinik na nag-sitimo sa kasanto-
santohan mong ulo.
Tugon: Kaawaan mo na po’t patawarin Jesus
ko ang Kaluluwa ni ________.
Namumuno: Jesus ko Alang-alang sa
paglakad mo sa lansangan ng kapaitan na ang
krus ay iyong pasan-pasan.
Tugon: Kaawaan mo na po’t patawarin Jesus
ko ang Kaluluwa ni ________.
Namumuno: Jesus ko Alang-alang sa iyong
Kasanto-santuhang mukha na napuno ng
dugo ay iyong binayaang malarawan sa
birang ni Veronica.
Tugon: Kaawaan mo na po’t patawarin Jesus
ko ang Kaluluwa ni ________.
Namumuno: Jesus ko Alang-alang sa tunika
mong natigmak ng dugo na biglang pinaknit
at hinubad sa iyong katawan niyong mga
tampalasan.

7
Tugon: Kaawaan mo na po’t patawarin Jesus
ko ang Kaluluwa ni ________.
Namumuno: Jesus ko Alang-alang sa
Kasanto-santuhan mong katawan na napako
sa Krus.
Tugon: Kaawaan mo na po’t patawarin Jesus
ko ang Kaluluwa ni ________.
Namumuno: Jesus ko Alang-alang sa iyong
Kasanto-santuhang mga paa’t kamay na
pinakuan ng mga pako na ipinagdalita mong
masakit.
Tugon: Kaawaan mo na po’t patawarin Jesus
ko ang Kaluluwa ni ________.
Namumuno: Jesus ko Alang-alang sa
tagiliran mong nabuksan sa saksak ng isang
sibat at binukalan ng dugo at tubig.
Tugon: Kaawaan mo na po’t patawarin Jesus
ko ang Kaluluwa ni ________.

8
Namumuno: Requim Eternam Donais
Domine,
Tugon: Et Lus Perpetua Compacio. Amen.
O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga
sala. Iligtas Mo kami sa apoy ng impiyerno.
Dalhin mo sa langit ang lahat ng kaluluwa.
Lalong-lalo na yaong mga nangangailangan
ng tulong at awa.
PAGHAHAIN
Katamis-tamisang Jesus ko, nasa pagsakop
mo sa sangkatauhan ay inibig mong ikaw ay
ipanganak, tumulo ang iyong mahalagang
dugo, mapasakamay niyong mga
Tampalasan. Sa paghalik ni Judas, gapusin ng
mga lubid, dalhin sa pagpapahirapan sa iyo
tulad sa Korderong walang sala. Iharap kay
Anas, kay Caifas, kay Pilato at Kay Herodes,
luran at paratangan na pinatutuhanan ng mga
saksing sinungaling, Tampalin, maging
alimurahin, matadtad ng sugat ang buo mong
katawan sa hampas ng mga suplina, Putungan
ng Koronang Tinik, matakpan ang mukha mo
9
ng isang pur-pura sa pag-papa-libhasa sa iyo.
Malagay sa isang pagkabuhong na kahiya-
hiya, mapako sa Krus at matindig sa pagitan
ng dalawang magnanakaw na parang isa ka sa
kanila, painumin ng apdong nilahukan ng
suka, at ang tagiliran mo ay Sulain ng isang
sibat at binukalan ng dugo at tubig.
Hanguin mo na po Panginoon ko ang
kaluluwa ni _______ alang-alang doon sa
madlang sakit na lubhang mapait para dalitain
mo ang mga kaluluwa sa purgatoryo na sa
pagdurusa nila ay iakyat mo sila ng mga
Tiwasay sa iyong kaluwalhatian, at iligtas mo
kami alang-alang sa mga karapatan ng iyong
Kasanto-santuhang pagpapakasakit at
pagkamatay sa Krus, sa mga hirap sa
impiyerno, ng kami ay maging dapat
pumasok sa payapang kaharian na iyong
pinagdalhan sa mapalad na magnanakaw, na
napakisama sa iyong naparipa sa krus,
nabubuhay ka nga at naghahari na kasama ng
Diyos Espirito Santo, magpasawalang
hanggan. Amen.

10
PAGHAHAIN SA MISTERYO NG
LUWALHATI
(Miyerkules at Linggo)
Birheng pinagkakatipunan, dilang kabutihan,
dilang karikitan, dilang kabanalan, yayamang
ikaw ang may anak kay Jesukristong puno ng
dilang galing napupuno ang loob mo ng di
masabing ligaya at tuwa ng pagkabuhay na
mag-uli ng ating Panginoong Jesukristo.
Pagdalaw pag-galang ng mga Santos na
hinango mo sa limbo sampu ng
pagbibiyayaan ka ng Diyos Espirito Santo sa
Pagiging Hari ng Santisima Trinidad at sa
lahat ng ginawa niya, kaya maawa ka.
Birheng maawain tanggapin itong Rosaryong
inihahain, galang at awa mo sa amin sa
Limang Misteryo ng Luwalhati mo. Yamang
ina kang mahabagin ipakiusap, walang tugo’t
sa mahal na anak mo sa mahal na grasya sa
ika-sisipag naming gumawa ng kabanalan at
iadya mo po kami sa lahat ng Masama.
Amen.

11
PAGHAHAIN SA MISTERYO NG
HAPIS
(Martes at Biyernes)
Birheng Wagas, napupuno ka ng sindak,
hapis dalamhati ng kahirapan ng anak mong
bugtong yayamang ikaw ang may anak kay
Jesukristong puno ng dilang galing napupuno
ang loob mo ng di masabing ligaya at tuwa
ng pagkabuhay na mag-uli ng ating
Panginoong Jesukristo. Pagdalaw pag-galang
ng mga Santos na hinango mo sa limbo
sampu ng pagbibiyayaan ka ng Diyos Espirito
Santo sa Pagiging Hari ng Santisima Trinidad
at sa lahat ng ginawa niya, kaya maawa ka.
Birheng maawain tanggapin itong Rosaryong
inihahain, galang at awa mo sa amin sa
Limang Misteryo ng Hapis mo. Yamang ina
kang mahabagin ipakiusap, walang tugo’t sa
mahal na anak mo sa mahal na grasya sa ika-
sisipag naming gumawa ng kabanalan at
iadya mo po kami sa lahat ng Masama.
Amen.

12
PAGHAHAIN SA MISTERYO NG
TUWA/LIWANAG
(Lunes, Huwebes, Sabado)
Birheng Maluningning na walang kapara,
Pinagpala ka sa lahat ng mga babae,
yayamang ikaw ang may anak kay
Jesukristong puno ng dilang galing napupuno
ang loob mo ng di masabing ligaya at tuwa
ng pagkabuhay na mag-uli ng ating
Panginoong Jesukristo. Pagdalaw pag-galang
ng mga Santos na hinango mo sa limbo
sampu ng pagbibiyayaan ka ng Diyos Espirito
Santo sa Pagiging Hari ng Santisima Trinidad
at sa lahat ng ginawa niya, kaya maawa ka.
Birheng maawain tanggapin itong Rosaryong
inihahain, galang at awa mo sa amin sa
Limang Misteryo ng Tuwa/Liwanag mo.
Yamang ina kang mahabagin ipakiusap,
walang tugo’t sa mahal na anak mo sa mahal
na grasya sa ika-sisipag naming gumawa ng
kabanalan at iadya mo po kami sa lahat ng
Masama. Amen.

13
ANG LIMANG KRUS
+Aba ina ng Diyos Ama, +Aba ina ng Diyos
anak, +Aba esposa ng Diyos Espirito Santo,
+Aba Simbahang Santisima Trinidad, +Aba
Ginoong Maria Birheng Kalinis-linisang
ipinaglihing di karamay sa kasalanang
Orihinal.
(Manalangin ng Isang Ama Namin, Aba
Ginoong Maria at Luwalhati)
Maawaing Jesus ko tunghan mo kami mahal
na Senor ng iyong mga mata kaming sangka-
kristiyanuhan. Yayamang dahilan sa amin
ang pagkaparipa mo sa mahal na kahoy ng
Sta. Crus, at mabuhos ang kamahal-mahalang
dugo. O Diyos na naghabilin sa amin sa mga
bakas ng paghihirap mo sa mapalad na
sabanas na ibinalot sa katawan mo pong
mahal at ihugos ka ni Joseph sa Krus kaya
maawa ka o lubhang maawaing Senor
pagpalain mo ang Kaluluwa ni _______.
Iakyat mo siya sa langit ng makasama ng mga
Santos Angheles na nagpuri sa iyo
magparating man sa walang hanggan. Amen.
14
LETANIA PURISIMA
DE LA VIRGEN MARIA
Kyrie Eleison Kyrie Eleison
Christe Eleison Christe Eleison
Kyrie Eleison Kyrie Eleison
Panginoon, Kaawaan mo siya.
Kristo, Kaawaan mo siya.
Panginoon, Kaawaan mo siya.
Kristo, pakinggan mo siya.
Kristo, paka-pakinggan mo siya.
Diyos Ama sa langit, Kaawaan mo siya.
Diyos Anak na tumubos sa sanglibutan,
Diyos Espiritu Santo,
Santisima Trinidad na tatlong Persona at
iisang Diyos,
Santa Maria, ipanalangin mo Siya.
Santang Ina ng Diyos,
15
Santang Birhen ng mga Birhen,
Ina ng Kristo,
Ina ng grasya ng Diyos,
Inang Kalinislinisan,
Inang Walang malay sa Kasalanan,
Inang di malapitan ng Masama,
Inang Kaibig-ibig,
Inang Kahanga-hanga,
Ina ng Mabuting kahatulan,
Ina ng Maylikha,
Ina ng Mananakop,
Ina ng Banal na Iglesia,
Birheng Kapaham-pahaman,
Birheng Dapat Iglang,
Birheng Lalong Dakila,
Birheng Makapangyayari,

16
Birheng Maawain,
Birheng Matibay ang Loob sa magaling,
Salamin ng Katwiran,
Luklukan ng Karunungan,
Mula ng Tuwa namin,
Sisidlan ng Kabanalan,
Sisidlan ng Bunyi at Bantog,
Sisidlan ng Bukod-tanging katimtiman,
Rosang Bulaklak na di mapuspus ng bait ng
tao ang Halaga,
Tore ni David,
Toreng Garing,
Bahay na Ginto,
Kaban ng Tipan,
Pinto ng Langit,
Talang Maliwanag,
Mapagpagaling sa mga may sakit,
17
Pagsakdalan ng mga taong Makasalanan,
Mapang-aliw sa mga nagdadalamhati,
Mapag-ampon sa mga Kristiyano,
Hari ng mga Anghel,
Hari ng mga Patriarka,
Hari ng mga Propeta,
Hari ng mga Apostol,
Hari ng mga Martir,
Hari ng mga Compesor,
Hari ng mga Birhen,
Hari Lahat ng mga Santo,
Haring Ipinaglihi na na di nagmana nang
salang Orihinal,
Haring Iniakyat sa langit,
Hari ng Kasanto-santohang Rosaryo,
Hari ng Kapayapaan,

18
Kordero ng Diyos na nakawawala ng
kasalanan ng sanlibutan. Patawarin mo po
Panginoon ang Kaluluwa ni _______.
Kordero ng Diyos na nakawawala ng
kasalanan ng sandaigdigan. Paka-pakinggan
mo po Siya.
Kordero ng Diyos na nakawawala ng
kasalanan ng santinakpan. Maawa ka sa
Kanya.
Namumuno: Ipanalangin mo kami Santang
Ina ng Diyos
Tugon: Nang kami’y maging dapat sa
pangako ni Jesukritong Panginoon.
Aba Po Santa Mariang Hari, Ina ng Awa.
Ikaw ang kabuhayan at katamisan; Aba
pinananaligan ka namin. Ikaw nga ang
tinatawagan namin, pinapanaw na taong anak
ni Eva. Ikaw rin ang pinagbunbuntuhang
hininga namin ng aming pagtangis dini sa
lupang bayang kahapis-hapis. Ay aba,
pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin ang
mga Mata mong maawain, at saka kung
19
matapos yaring pagpanaw sa amin, ipakita
mo sa amin ang iyong Anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain, maalam
at matamis na Birhen.
Namumuno: Ipanalangin mo kami, Santang
Ina ng Diyos.
Tugon: Dumating na po sa iyong tainga ang
aming Pagdaing.

(Ulitin ng tatlong Beses ang Sumusunod na


Panalangin)
Señor Alang Alang sa Kapait-paitang Hirap
na tiniis mo dahilan sa mahal na Kahoy ng
Sta. Cruz at gayon din naman sa Oras ng
Kamatayan ay kaawaan mo na po Señor ang
kaluluwa ni _______. Patatawarin mo na po
siya patutuluyin, papagkamtin, ilipat diyan sa
bayang kaluwalhatian sa langit. Siya Nawa.
Birhen kami po’y kaawaan mo na tumatawag
sa iyo naghahaing di matanto sa mahal mo
pong Disinaryo. Birhen ito pong aming hain
20
di man dapat tanggapin at ang kaluluwa
namin ay ipag-amo amo mo rin kay Jesus na
maawain, upang kami ay lingunin sa
kamatayang darating sa wakas ng buhay
namin ng kami po ay patawarin sa mga
kasalanan namin. Siya Nawa.
ANG TRISAGION
(Dasalin ng Tatlong ulit Habang nagkukurus
sa Noo, Bibig at Dibdib.)
+ Santos Dios, + Santos Poster, + Santos
Mortales, Mesirenobis.
(Manalangin ng Isang Ama Namin, Tatlong
Aba Ginoong Maria at Isang Luwalhati.)
Sa inyo po Mahal na Poong Jesukristo at sa
Mahal na Poong El Salvador del Mundo, sa
Kalahat-lahatang pinipintakasi nitong may
Bahay. Ang aming pong dinasal ay Isang
Ama Namin, Tatlong Aba Ginoong Maria at
Isang Luwalhati.
(Dadasalin ang Sumusunod kung ang
Pagdadasal na ito ay para sa Pag-alaala)
21
Ay iniaalay namin sa inyo, nawa po itong
nagpapa-alaala na si _______ ay bigyan
ninyo ng mahabang buhay at ng ika-bubuhay
sa araw-araw at ito’y hinihiling namin sa
pamamagitan ng iyong Pangalan. Siya Nawa.
(Dadasalin ang Sumusunod mula sa Araw ng
Kamamatayan hanggang sa araw ng Babang
Luksa.)
Nawa po itong naulila, na kanyang Asawa,
mga Anak at lahat ng mahal niya sa Buhay ay
Bigyan ninyo ng katahimikan at katiwasayan
ng isipan at gayon din ng maraming biyaya
na ikabubuhay sa araw-araw at ito’y
hinihiling namin sa pamamagitan ng iyong
Pangalan. Siya Nawa.
Bendito, Alabado, si El Santisimo,
Sacramento del Altar, De La Limpia,
Immaculada, Concepcion, De La Birhen
Maria, Madre De Dios, Señora, Nuestra,
Consevida, Sin Macha Sin Pecado, Original,
Elprimer, Instante, De Su Ser, Natural, Con
Siempre, Amas Amen. Jesus.

22
Pagpalain mo po kami at ampunin Diyos at
Panginoon namin, igawad mo po sa amin ang
iyong tulong at kaawaan mo po kaming
Lahat. Ilingon mo po sa amin ang mata mong
maawain at kami po ay bigyan ng
kapayapaan at katahimikan. Pagpalain mo po
kami at ampunin Diyos at Panginoon namin
itong may-bahay at lahat ng dito’y
namamahay ililigtas mo sila sa kalakasan ng
lindol, sunog, kaaway, peste, gutom, gera,
alang-alang sa katamis-tamisang ngalan ni
Jesus, Maria, Joseph.
Alabado Consempre, Alabado Bendito.
Namumuno: Ave Maria Purisima
Bayan: Sinpicado Consevida
Namumuno: Sa Ngalan ng Ama, Anak, at
Espirito Santo.
Bayan: Amen.

23
24

You might also like