You are on page 1of 3

DASAL SA KALULUWA

PAGSISISI
Panginoon kong Jesukristo, Diyos na totoo at tao namang
totoo, gumawa at sumakop sa akin. Pinagsisihan kong
masakit sa tanang loob ko ang dilang kasalanan ko. Ikaw
nga ang Diyos ko, Panginoon ko at Ama ko, na iniibig ko
ng lalo sa lahat. Nagtitika akong matibay na di na muling
magkakasala sa iyo, nagtitika naman akong magkumpisal
ng dilang kasalanan ko. Umaasa akong patatawarin Mo
rin alang-alang sa Iyong mahal na Pasyon at pagkamatay
Mo sa krus alang-alang sa akin. Siya nawa.
Buksan Mo, Panginoon ko, ang mga labi namin, palusugin
ang aming mga loob at pakalinisin sa mga walang
kapakanang mahahalay at linsong akala; papagningasin
Mo ang aming puso ng magunam-gunam naming
mataimtim ang Kamahal-mahalan Mong pinagdaanang
hirap at kamatayan, sampu ng kapait-paitang dinalita ng
Iyong marangal na Ina, at ng maging dapat kaming
dinggin sa harapan ng Iyong di-matingkalang
kapangyarihan, na nabubuhay Ka at naghahari
magpasawalang-hanggan. Siya nawa.
Ama namin sumasalangit ka, Sambahin ang pangalan
mo. Mapasaamin ang kaharian mo. Sundin ang loob mo
dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan mo kami ngayon
ng aming kakanin sa araw araw; At patawarin mo kami sa
aming mga sala, Para nang pagpapatawad namin sa

nagkakasalaan sa amin; At huwag mo kaming ipahintulot


sa tukso, At iadya mo kami sa lahat ng masama.
AMEN

ANG SAMPUNG PANALANGIN


Lubhang maawaing Jesus ko, lingapin Mo ng matang
maamo ang mga kaluluwa ng mga bininyagang
nangamatay, lalo na ang kaluluwa ng namatay naming
kaibigan/kapatid/magulang na si ________. Na dahil sa
kanila ay nagpakasakit ka at namatay sa krus. Siya nawa.
1. Jesus ko alang-alang sa masaganang dugo na Iyong ipinawis ng
manalangin Ka sa Halamanan.
Tugon: Kaawaan Mo at patawarin ang kaluluwa ng
aming kaibigan/kapatid/magulang na si ________.
2. Jesus ko, alang-alang sa tampal na tinanggap ng Iyong
kagalang-galang na mukha.
3. Jesus ko, alang-alang sa masasakit na hampas na Iyong tiniis.
4. Jesus ko, alang-alang sa koronang tinik na nagsitimo sa
kasantu-santuhan Mong ulo.
5. Jesus ko, alang-alang sa paglakad Mo sa lansangan ng kapaitan
ng krus ay Iyong kababaw-babaw.
6. Jesus ko, alang-alang sa kasantu-santuhan Mong mukha na
naliligo sa dugo ay Iyong binayaang malarawan sa birang ni
Veronica.
7. Jesus ko, alang-alang sa damit Mong natitigmak ng dugo na
biglang pinaknit at hinubad sa Iyong katawan niyong mga
tampalasan.
8. Jesus ko, alang-alang sa kasantu-santuhan Mong katawan na
napako sa krus.
9. Jesus ko, alang-alang sa Iyong mga kasantu-santuhang paa at
kamay na pinakuan ng mga pakong ipinagdalita Mong masakit.
10. Jesus ko, alang-alang sa tagiliran Mong nabuksan sa saksak
ng isang matalim na sibat ay binukalan ng dugo at tubig.

Kapayapaan kailanman ang igawad ng Poong Maykapal


sa yumaong ating mahal.
Siya nawa ay silayan ng ilaw na walang hanggan
Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa

(5 beses na dadasalin)

You might also like