You are on page 1of 1

ANG ORASYON

Sa ngalan ng Ama, ng Anak , ng Espiritu Santo, amen.

Namumuno : Binatì ng Anghel ng Panginoón si Ginoóng Santa María

Sagot : At siya'y naglihî lalang ng Espíritu Santo.

Namumuno : Abá Ginoóng María, napupunô ka ng grasya, ang Panginoóng Diyos ay


sumasaiyo. Bukód kang pinagpalà sa babaeng lahat, at pinagpalà rin naman ang iyong Anak na
si Hesús.

Sagot : Santa María, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon at kung
kami'y mamamatay. Amen.
Nanununo : Nárito ang alipin ng Panginoón.

Sagot : Maganap nawâ sa akin ayon sa wikà mo.

Namumuno : Abá Ginoóng María, napupunô ka ng grasya, ang Panginoóng Diyos ay


sumasaiyo. Bukód kang pinagpalà sa babaeng lahat, at pinagpalà rin naman ang iyong Anak na
si Hesús.

Sagot : Santa María, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon at kung
kami'y mamamatay. Amen.

Namumuno : At ang Verbo ay nagkatawáng-tao,

Sagot : At nakipamayan sa atin.

Namumuno : Abá Ginoóng María, napupunô ka ng grasya, ang Panginoóng Diyos ay


sumasaiyo. Bukód kang pinagpalà sa babaeng lahat, at pinagpalà rin naman ang iyong Anak na
si Hesús.

Sagot : Santa María, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon at kung
kami'y mamamatay. Amen.

Namumuno : Ipanalangin mo kami, O Santang Ina ng Diyos,

Sagot : Nang kami'y maging dapat na makinabang sa mga pangakò ni Hesukristong


Panginoón.

Namumuno : Manalangin tayo.

Panginoón, aming Diyos,


kasihan Mo nawâ ang aming mga káluluwâ ng Iyong mahal na grasya
at yayamang dahilan sa pamamalità ng Anghel
ay nakilala namin ang Pagkákatawang-tao ni Hesukristong Anak Mo;
pakundangan sa mahal Niyang Pagpápakasakit at Pagkamatay sa Krus
ay papakinabangán Mo kami sa Kaniyang Pagkabuhay na Mag-uli sa kaluwalhatian sa Langit.

Alang-alang kay Hesukristo ring Panginoón namin.

Sagot : Amen

Namumuno : Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espíritu Santo,

Sagot : Kapara noong sa unang-una, ngayon at kailanman, at mágpasawaláng-hanggán. Amen.

You might also like