You are on page 1of 3

PANALANGIN SA KRISTONG HARI.

A. PAMBUNGAD NA AWIT: IPAGBUNYI ANG KRISTONG


HARIKoro:
Ipagbunyi ang Kristong Hari, umawit ng papuri

Bawat lahi bawat lipi sa Diyos ay magpupuri


I.
Ang lupa't kalangitan, lahat ay nag-aawitan

Sa Diyos nananambitan, "Mapasaamin ang 'Yong kaharian" (koro)


II.
Umawit ng kagalakan sa Kanyang kadakilaanTambuli'y 'yong hipan,
Kristong Hari ating parangalan (koro)
(Ulitin ang I)
Kristong Hari, purihin Ka!
Sa ngalan ng Ama †, at ng Anak † at ng Espiritu Santo † . Amen.

(Magsiluhod ang lahat)


B. PANALANGIN SA LAHAT NG ORAS
Kamahal-mahalang Hesus, Hari at Mananakop ng Sangkatauhan,
malasin mokami na ngayo'y nangakayupapa sa Iyong harapan,
sumasamba at pumupuri sa IyongPagkahari. Anong laking kaligayahan
at karangalan para sa amin ang pagtubos saaming pagkakasala. Nawa'y
dinggin mo ang aming pananambitan, at pag-aamu-amo. Kami ayIyo at
nagnanais kaming masakop Mo sa tuwina upang lalong makaanib at
makaisaMo. Marami ngang tunay ang hindi kumikilala sa Iyo; marami
din naman anghumahamak sa Iyong mga utos na hindi man pumansin at
Ikaw ay itinakwil. Silanglahat ay Iyong kaawaan, o napakamaawaing
Hesus at patawarin nang sila'ymapabilang sa Iyong dakilang kaharian.
Maging hari Ka nawa, O Panginoon, ng lahatng mga kaluluwa at mga
puso namin at upang kami'y makasunod at makatupad salahat ng Iyong
mga utos na Iyo pang mamarapating iatas sa amin sa ikapapabanalnamin
at sa ikapagkakamit ng walang katapusang Kaluwalhatian. Siya nawa

K. PANALANGIN SA BAWAT NG ORAS


(tingnan ang nakalakip na pahina para sa nakatakdang
panalangin)
D. SALMONG AWITIN LITANYA KAY KRISTONG HARI
Panginoon, maawa Ka sa amin
Kristo, maawa Ka sa amin
.Panginoon, maawa Ka sa amin
.Kristo, pakinggan Mo kami
.Kristo, pakapakinggan Mo kami.
Diyos Ama sa Langit,
maawa Ka sa amin

Diyos Espiritu Santo.


Maawa ka sa amin.
Santisima Trinidad, iisang Diyos
Maawa ka sa amin.
Kristo, Anak ng walang hangang Diyos
Maawa ka sa amin.
Kristo, lalang ng Diyos Espiritu Santo sa sinapupunan ng Maha!
na Birhen.
Maawa ka sa amin.
Kristo, may karangalang walang kahulilip,Kristo,
Maawa ka sa amin.
nakapisan ng walang hanggang Berbo ng Diyos,
maawa ka sa amin.
Kristo, banging di matarok ng karunungan,Kristo, dagat ng
kagalingan,
Maawa ka sa amin.

You might also like