You are on page 1of 8

VIA LUCIS

+
+++
+
Pambungad na Panalangin
Tayo po ay manalangin sa ating mahal na Ama at sa Panginoong muling nabuhay, nawa ang kanyang muling
pagkabuhay ay magbigay sa atin ng panibagong buhay pananampalataya at pagtitiwala sa kanyang mahal na
grasya at pag ibig. Sa pagtahak namin sa liwanag ng iyong muling pagkabuhay ay maramdaman namin kung
paanong kami’y minahal, biniyayaan at pinalakas ng iyong muling pagkabuhay. Amen.

Unang Liwanag
Muling Nabuhay si Hesus
Tema: Pagkabuhay
Ang muling pagkabuhay ni Hesus ay gantimpala ng kanyang paghihirap at kamatayan. Ang ating sariling
paghihirap ay hindi katapusan kundi pagtatapos – walang hanggang gantimpala.

Lahat:
Sinasamba ka namin O Kristo at pinupuri!
Sapagkat sa pamamagitan ng kahoy na krus at ng liwanag ng iyong pagkabuhay ay sinagip mo ang mundo!

Pagbasa:
Sinabi ng anghel sa mga babae, “Huwag kayong matakot! Alam kong hinahanap ninyo si Jesus na ipinako sa
krus. 6Wala na siya rito, dahil nabuhay siyang muli tulad ng sinabi niya sa inyo. Halikayo, tingnan ninyo ang
pinaglagyan ng kanyang bangkay.”

Panalangin:
Humubog ka ng bagong tao sa pamamagitan ng iyong sarili. Ngayong inaalala namin ang pagtatagumpay ni Hesus
laban sa kamatayan, nawa’y pagtagumpayan mo din kami laban sa aming sariling kamatayan – kamatayan na kung
minsan ay dinadala kami sa iyo. Sa pagpapatuloy ng aming paglalakbay, nawa ay maalala namin na sa kabila ng
problemang kinahaharap namin sa mundong ito, ikaw ang aming manlilikha ay laging nandiyan para biyayaan
kami ng bagong buhay sa tuwing kami ay babagsak.

Hinhiling naming ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon na iyong anak na nabubuhay kasama mo at ng
Espiritu Santo na iisang Diyos magpakailanman. Amen.

Ama Namin/Aba Ginoong Maria/Luwalhati


Ikalawang Liwanag
Natagpuan ng dalawang alagad ang libingang walang laman
Tema: Paghahanap
Ang libingang walang laman ay nagdala sa dalawang alagad upang hanapin si hesus. Kapag nakararamdam tayo ng
kakulangan ito ay isang pagkakataon upang ,maghanap at lumapit kay Hesus na nagbibigay na pinupunuan ang
ating kakulangan.

Lahat:
Sinasamba ka namin O Kristo at pinupuri!
Sapagkat sa pamamagitan ng kahoy na krus at ng liwanag ng iyong pagkabuhay ay sinagip mo ang mundo!

Pagbasa:
Pumasok din ang alagad na naunang dumating at nakita niya ito, at siya'y naniwala.

Panalangin
Ama Naming nasa langit, nag uumapaw ang iyong pagmamahal sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ibnigay mo sa
amin sa pamamagaitan ng iyong anak na Panginoong Hesukristo. Nawa ang Banal na Espiritu ay patuloy na
gumabay, magpasigla, pangalagaan at pagyabungin kami sa pagpapatuloy patungo sa isang panawagan ng buhay
na banal. Sa kabila ng aming kasalanan at kahinaan. Nawa ang Banal na Espiritu ay biyayaan kami ng iyong banal

Page 1 of 8
na karunungan na kami ay tulunga sa panahon ng kalituhan sa aming pagpapasya sa sandaling kailangang
kailangan namin. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesus aming Panginoon, Amen.

Ama Namin/Aba Ginoong Maria/Luwalhati


Ikatlong Liwanag
Nagpakita ang Nabuhay na PAnginoon kay Maria Magdalena at sa mga Apostol
Tema: Pagtanggap
Pagkatapos makita ni Maria Magdalena si Hesus, inihayag niya ang Mabuting Balita sa mga apostol. Magdala tayo
nawa ng Mabuting Balita sa ating kapwa.

Lahat:
Sinasamba ka namin O Kristo at pinupuri!
Sapagkat sa pamamagitan ng kahoy na krus at ng liwanag ng iyong pagkabuhay ay sinagip mo ang mundo!

Pagbasa:
Pagkasabi niya ng mga ito, siya ay tumalikod at nakita niya si Jesus na nakatayo. Hindi niya alam na iyon ay si Jesus.
Sinabi ni Jesus sa kaniya: Babae, bakit ka tumatangis? Sino ang hinahanap mo? Inakala niyang siya ang tagapag-
alaga ng halamanan. Kaya sinabi niya sa kaniya: Ginoo, kung kinuha mo siya rito, sabihin mo sa akin kung saan mo
siya inilagay. Kukunin ko siya. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Maria. Humarap siya at sinabi sa kaniya: Raboni! Ang ibig
sabihin nito ay guro. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Huwag mo akong hawakan sapagkat hindi pa ako nakakaakyat sa
aking Ama. Pumunta ka sa mga kapatid ko. Sabihin mo sa kanila na ako ay papaitaas sa aking Ama at inyong Ama,
sa aking Diyos at inyong Diyos. Si Maria na taga-Magdala ay pumunta sa mga alagad. Sinabi niya sa kanila na nakita
niya ang Panginoon. At ang mga bagay na ito ay sinabi ni Jesus sa kaniya.

Panalangin:
Panginoong muling nabuhay, iniunat mo ang iyong kamay sa krus, pinakita mo sa amin ang lampasang
kapangyarihan ng pagmamahal, pagkalooban mo kami sa aming kahinaan ng kapangyarihan ng pagmamahal. Sa
aming kahinaan, nawa’y makasumpong ng dakilang aliw sa iyong walang humpay na pagmamahal, na sa
pamamagitan ng iyong muling pagkabuhay, kami nawa ay makatagpo ng tapang na buhatin at tanggapin ang
aming mga sariling krus bilang aming mapagpakumbabang pagsunod sa pangako ng iyong muling pagkabuhay.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesus aming Panginoon, Amen.

Ama Namin/Aba Ginoong Maria/Luwalhati


Ikaapat na Liwanag
Ang pagkakatagpo ng mg alagad sa libingang walang laman
Tema: Kasabay
Ang istorya ng dalawang agad na naglalakad sa daan patungo sa Emmaus ay pagpapakita ng pagkatalo at kawalang
pag asa ng mga alagad ni Hesus. Subalit ito din yung pagkakataon na sumasabay sa atin ang nabuhay na si Hesus.

Lahat:
Sinasamba ka namin O Kristo at pinupuri!
Sapagkat sa pamamagitan ng kahoy na krus at ng liwanag ng iyong pagkabuhay ay sinagip mo ang mundo!

Pagninilay:
Ang daan patungong Emmaus ay kwento ng buhay Katoliko. Ang mga disipulo ay umaalis palayo sa Jerusalem at
ang buhay APostolikong pananampalataya ay nasa pagkatalo at kalungkutan. Nawalan na sila ng pag asa, meron
din tayong mga sandali na kawalan ng pag asa at pagkawasak. Ang Panginoong muling nabuhay ay sinasabayan
tayo sa ating paglalakbay kahit pa tayo ay nasa maling direksyon. Tanging ang Panginoon lamang ang
makakapagpaliwanag ng kwento ng atin buhay sa pamamagitan ng kanyang mga salita lalo’t higit sa ating
paghihirap at ihalintulad natin ito sa pagbasa ng Salita ng Diyos. tanging ang Panginoon lang ang
makakapagpabalik ng ating lakas at ilaan sa kahalagahan ng buhay.

Ama Namin/Aba Ginoong Maria/Luwalhati

Page 2 of 8
Ikalimang Liwanag
Nakilala ang Panginoon sa paghahati hati ng tinapay

Tema: Pagtatagpo
Ang paghahati hati ng tinapay sa pag alala sa pagmamahal ni Kristo. Sa tuwing tayo ay dumadalo sa banal na misa,
nakakatagpo natin si Hesus na nagbibigay pagmamahal at pag asa sa ating buhay.

Lahat:
Sinasamba ka namin O Kristo at pinupuri!
Sapagkat sa pamamagitan ng kahoy na krus at ng liwanag ng iyong pagkabuhay ay sinagip mo ang mundo!

Pagbasa:
ngunit siya'y pinigil nila. “Tumuloy ka muna rito sa amin. Palubog na ang araw at dumidilim na,” sabi nila. Kaya't
sumama nga siya sa kanila. Nang siya'y kasalo na nila sa pagkain, dumampot siya ng tinapay at nagpasalamat sa
Diyos; pagkatapos, pinagpira-piraso iyon at ibinigay sa kanila. Noon nabuksan ang kanilang mga mata at nakilala
nila si Jesus, subalit siya'y biglang nawala sa kanilang paningin. Nasabi nila sa isa't isa, “Kaya pala nag-aalab ang
ating puso habang tayo'y kinakausap niya sa daan at ipinapaliwanag sa atin ang mga Kasulatan!”

Panalangin:
Ama Namin, nanalangin kaming mga kabataan na magkaroon ng una at personal na pakikipagtagpo sa iyong anak
na si Hesus.. pinapanalangin naming sa pagtatagpo na ito, kami nawa’y makabuo ng matibay na kaugnayan sa
kanya. Naniniwala kami Panginoon, ngunit an gaming mga galaw ay hindi sumasalamin ng pananampalataya.
Ngunit hinihiling naming Panginoon na maramdaman naming ang iyong prsensiya sa aming mga buhay upang
kami’y ganap na makatugon sa iyong biyaya na ganap na pagmamahal sa amin. Amen.

Ama Namin/Aba Ginoong Maria/Luwalhati


Ikaanim na Liwanag
Ang pagpapakita ni Hesus sa komunidad ng mga Disipulo.

Tema: Pagtitiwala
Nagpakita si Hesus sa kanyang mga Disipulo na siya ay
buhay. Kahit sa maraming pagkakataon na siya ay ating iniwan at kinalimutan, ngunit patuloy pa ring
pinaparamdam ng Panginoon ang kaniyang presensiya sa bawat isa sa atin.

Lahat:
Sinasamba ka namin O Kristo at pinupuri!
Sapagkat sa pamamagitan ng kahoy na krus at ng liwanag ng iyong pagkabuhay ay sinagip mo ang mundo!

Pagbasa:
Kaya't sinabi ni Jesus, “Bakit kayo natitigilan? Bakit kayo nag-aalinlangan? 39 Tingnan ninyo ang aking mga kamay
at mga paa. Ako nga ito. Hawakan ninyo ako at pagmasdan. Ang multo ay walang laman at buto, ngunit ako'y
mayroon, tulad ng nakikita ninyo.”
[40 Habang sinasabi niya ito, ipinapakita niya sa kanila ang kanyang mga kamay at mga paa.

Panalangin:
Ama, ang mundong ito ay puno ng dahilan upang magduda. Maraming dahilan para mawalan ng pananalig sa iyo.
Ang mundo, ang sambayanan, at kahit ang aming mga sariling pamilya ay sinusubok ng ibat ibang realidad na
yumayanig sa aming katapatan sa iyo. Ama, sa maraming pagkakataon na nawawalan kami ng pag asa at nais ng
bumitaw, ngunit alam namin sa aming mga puso na iniwan mo kami. Kumakapit kami sa pag asa, mapagmahal na
Ama at alam namin na ikaw ay nandiyan para sa amin. Nananalangin kami sa patuloy na pagtitiwala sa iyo, sa
kabila ng aming pinakamahusay na pagsisikap at pagkabigo, lagi kaming maniniwala na ikaw ay may mas mahusay
na plano para sa main. Amen.

Ama Namin/Aba Ginoong Maria/Luwalhati

Page 3 of 8
Ikapitong Liwanag
Ang nabuhay na Panginoon ay huminga ng kapayapaan at nagbigay kapangyarihan para magpatawad

Tema: Katiyakan
Ang nabuhay na Panginoon ay nagdala ng kapayapaan sa pagpapatawad. Makakamit lang natin ang kapayapaan
kung tatalikuran natin ang ating mga sama ng loob at kawalan ng kapanatagan.

Lahat:
Sinasamba ka namin O Kristo at pinupuri!
Sapagkat sa pamamagitan ng kahoy na krus at ng liwanag ng iyong pagkabuhay ay sinagip mo ang mundo!

Pagbasa:
Kinagabihan ng araw ding iyon na unang araw ng linggo, habang nakasara ang mga pinto ng bahay na
kinaroroonan ng mga alagad dahil sa takot nila sa mga Judio, dumating si Jesus. Tumayo siya sa kalagitnaan nila at
sinabi, “Sumainyo ang kapayapaan!” Pagkasabi nito, ipinakita niya ang kanyang mga kamay at ang kanyang
tagiliran. Tuwang-tuwa ang mga alagad nang makita nila ang Panginoon. 21 Muling sinabi ni Jesus, “Sumainyo ang
kapayapaan! Kung paanong isinugo ako ng Ama, isinusugo ko rin kayo.” 22 Pagkatapos, sila'y hiningahan niya at
sinabi, “Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo.23 Kung patatawarin ninyo ang mga kasalanan ninuman ay pinatawad
na ang mga iyon, subalit ang hindi ninyo patatawarin ay hindi nga pinatawad.”

Pagninilay:
Kahit sa mga kinandadong mga pinto, ang Tagapagligtas na Panginoon ay tumagos sa lahat ng takot at pinagkaisa
ang mga puso ng mga alagad na pinagkalooban ng kapayapaan. Ang malalim na kapayapaan ang ugat ng lahat at
pinagmumulan ng kapayapaan at ligayang di kayang ibigay ng mundo. Tinatawag tayo ng Panginoon muling
nabuhay na hanapin sa paraang hindi bayolente at magbigay solusyon sa hindi pagkakaunawaan at panibaguhin
ang mundo sa pakikipag ugnayan.

Panalangin:
Ama , ipinapanalangin namin ang patuloy na kalakasan at sigasig sa aming pakikisangkot sa aming ibat ibang
apostolado at misyon. Minahal mo kami, biniyayaan at pinalakas bilang iyong lingkod. Sa kabila ng maraming
hamon na aming kinakaharap sa aming paglalakbay, nananalangin kami sa iyong biyaya na mapanatili kami sa
panahong tigang, mahina at desperado. Bigyan mo kami ng katiyakan ng iyong mapagmahal na presensiya at
grasya, nang kami ay patuloy na maglingkod ng may pagmamahal sa iyo.

Ama Namin/Aba Ginoong Maria/Luwalhati


Ikawalong Liwanag
Pinatibay ng Panginoong muling nabuhay ang pananampalataya ni Thomas

Tema: Pananampalataya
Ang Panginoon ang pinanggagalingan ng ating pananampalataya. Sa panahon ng pagkasira at kawalan ng pag asa,
kami’y nananalangin, Panginoon patibayin mo an gaming pananampalataya.

Lahat:
Sinasamba ka namin O Kristo at pinupuri!
Sapagkat sa pamamagitan ng kahoy na krus at ng liwanag ng iyong pagkabuhay ay sinagip mo ang mundo!

Pagbasa:
Ngunit si Tomas, na tinatawag na Kambal at kabilang sa Labindalawa, ay wala roon nang dumating si
Jesus. 25 Kaya't sinabi sa kanya ng ibang mga alagad, “Nakita namin ang Panginoon!”
Sumagot si Tomas, “Hindi ako maniniwala hangga't hindi ko nakikita ang mga butas ng mga pako sa kanyang mga
kamay, at hangga't hindi ko nailalagay ang aking daliri sa mga iyon at nahahawakan ang kanyang tagiliran.”
26 Makalipas ang isang linggo, muling nagkatipon sa loob ng bahay ang mga alagad at kasama nila si Tomas.

Nakasara ang mga pinto, ngunit pumasok si Jesus at tumayo sa kalagitnaan nila. Sinabi niya, “Sumainyo ang

Page 4 of 8
kapayapaan!” 27 At sinabi niya kay Tomas, “Ilagay mo ang iyong daliri dito at tingnan mo ang aking mga kamay.
Ilagay mo ang iyong kamay sa aking tagiliran. Huwag ka nang mag-alinlangan pa, sa halip ay maniwala ka.”
28 Sumagot si Tomas, “Panginoon ko at Diyos ko!”
29 Sinabi sa kanya ni Jesus, “Naniniwala ka na ba dahil nakita mo ako? Pinagpala silang hindi nakakita gayunma'y

naniniwala.”

Panalangin:
Ama naming nasa langit, Panginoon ng awa, hindi na naming hinahanpa ssi Kristo sa gitna ng mga patay sapagkat
siya’y buhay at naging Panginoon ng buhay. Idagdag mo sa aming puso at isipan ang muling pagkabuhay na
ibinahagi ni Hesus at tulungan kaming lumago bilang iyong sambayanan tungo sa buhay na ganap kasama ka. Ama
hinihiling namin ang patuloy na pagpapanibago sa aming pananampalataya sa iyo. Sa patuloy na pagdudduda at
panunukso upang mawalan ng pananampalataya. Patuloy naming matuklasan at tiyakin ang iyong presensiya sa
aming mga buhay. Hinihilng nmain ito sa pamamagitan ni Kristo aming Panginoon, Amen.

Ama Namin/Aba Ginoong Maria/Luwalhati

Ikasiyam na Liwanag
Ang nabuhay na Panginoon ay kumain kasama ang mga disipulo sa baybayin ng Tiberias

Tema: Pagpapatibay
Ang pagbabahaginan ng pagkain ang pinakamagandang lugar para magpalitan ng pagmamahal at malasakit.
Nawa’y maganap natin ang kahalagahan ng pakikipag kaisa sa ating pakikibahagi sa bawat pagkaing ating
ibinabahagi.

Lahat:
Sinasamba ka namin O Kristo at pinupuri!
Sapagkat sa pamamagitan ng kahoy na krus at ng liwanag ng iyong pagkabuhay ay sinagip mo ang mundo!

Pagbasa:
“Magdala kayo rito ng ilang isdang nahuli ninyo,” sabi ni Jesus. Kaya't sumampa sa bangka si Simon Pedro at hinila
sa pampang ang lambat na puno ng malalaking isda; isandaan at limampu't tatlo lahat ang nahuli nila. Hindi nasira
ang lambat, kahit ganoon karami ang mga isda. “Halikayo at mag-agahan kayo,” sabi ni Jesus. Isa man sa mga
alagad ay hindi nangahas magtanong sa kanya kung sino siya sapagkat alam nila na siya ang Panginoon.

Panalangin:
Panginoong tinawag mo kami upang ibahagi ang iyong misyon na madala ang Mabuting Balita sa hangganan ng
mundo. Ginawa mo kaming iyong mga alagad at hinirang mo kami bilang isang hari, propeta, at pari sa
pamamagitan ng binyag. Nawa’y hindi mapawi ang aming pakikipag ugnayan sa iyo at hayaan mo kaming maglaan
ng aming buhay tungo sa pagpapalaganap ng iyong mensahe ng awa at habag sa aming pamilya at mga kaibigan.
Hinihiling namin ito sa iyong makapangyarihang pangalan. Amen.

Ama Namin/Aba Ginoong Maria/Luwalhati


Ikasampung Liwanag
Ang nabuhay na Panginoon ay pinatawad si Pedro at pinagkatiwala ang pagpapakain sa kanyang mga tupa

Tema: Misyon
Kahit binigo ni Pedro si Hesus ay pinagkatiwala pa rin ang kawan sa kanya. Tinunghayan ni Hesus ang kanyang
pagiging bukas at pananampalataya sa kabila n gating mga kahinaan.

Lahat:
Sinasamba ka namin O Kristo at pinupuri!
Sapagkat sa pamamagitan ng kahoy na krus at ng liwanag ng iyong pagkabuhay ay sinagip mo ang mundo!

Pagbasa:
Pagkakain nila, tinanong ni Jesus si Simon Pedro, “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako nang higit sa mga ito?”

Page 5 of 8
“Opo, Panginoon, alam ninyong mahal ko kayo,” tugon niya.
Sinabi sa kanya ni Jesus, “Kung gayon pakainin mo ang aking mga batang tupa.”
Pangatlong ulit na tinanong siya ni Jesus, “Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako?”
Nalungkot si Pedro sapagkat tatlong beses siyang tinanong ng, “Mahal mo ba ako?”
At sumagot siya, “Panginoon, alam po ninyo ang lahat ng bagay; alam ninyong mahal ko kayo.”
Sinabi sa kanya ni Jesus, “Pakainin mo ang aking mga tupa.

Sinabi niya ito upang ipahiwatig kung paano mamamatay si Pedro at kung paano niya luluwalhatiin ang Diyos.
Pagkatapos, sinabi sa kanya ni Jesus, “Sumunod ka sa akin!”

Panalangin:
Ama, punuin mo ang aming mga puso ng apoy ng iyong pagmamahal at pagnanais sa ganap na katarungan para sa
aming kapatiran. Sa pamamagitan ng mabuting pagbibigayan, binigyan mo kami, nawa’y mapanatili naming angb
katarungan at pagkakapantay pantay ng bawat isang nilalang upang tapusin ang pagbabahagi hagi at isang
pamayanang binuo ng pagmamahal at kapayapaan. Hinihiling naming ito sa pamamagitan ni Kristong aming
Panginoon, Amen.

Ama Namin/Aba Ginoong Maria/Luwalhat


Ikalabing isang Liwanag
Ang nabuhay na Panginoon ay nagsugo ng mga disipulo para sa mundo

Tema: Biniyayaan
Sinubaybayan ng Panginoon ang kanyang kawal sa pagpapadala ng kanyang disipulo. Ipinapanalangin namin ang
aming mga lider ng simbahan at sana magpadala pa ang Panginoong ng mas maraming manggagawa sa kanyang
ubasan.

Lahat:
Sinasamba ka namin O Kristo at pinupuri!
Sapagkat sa pamamagitan ng kahoy na krus at ng liwanag ng iyong pagkabuhay ay sinagip mo ang mundo!

Pagbasa:
Kaya't humayo kayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng mga bansa. Bautismuhan ninyo sila sa
pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. 20 Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo.
Tandaan ninyo, ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.”

Panalangin:
Panginoon ng paglikha, buong lakas at kapangyarihan mong itinaas si Hesus mula sa kamatayan, nawa’y
maramdaman ka sa komunidad ng mga disipulong iyong tinawag sa pag asa ng iyong maluwalhating pamana
kabilang ng mga banal. PAlakasin m o kami sa kapangyarihan ng Espiritu na humayo at maging mga disipulo ng
sambayanan, na sumunod sa lahat ng ipinag uutos ni Hesukristo na siya’y sumasaatin hanggang sa wakas ng
panahon, upang maging tagapamagitan ng mga buhay at pakikibahagi sa iyong kaharian sa kapangyarihan ng
Espiritu Santo magpakailanman. Amen.

Ama Namin/Aba Ginoong Maria/Luwalhati


Ikalabing dalawang Liwanag
Umakyat sa langit ang nabuhay na Panginoon

Tema: Minahal
Pagkatapos ng misyon ni Hesus sa mundo, siya’y umakyat sa Ama. Ipinakita nito ang reyalidad ng buhay na walang
hanggan. Sana’y makiisa kami sa pamumuhay na banal, upang makapaghanda kami sa aming sariling pamamaraan
patungo sa piling niya.

Lahat:
Sinasamba ka namin O Kristo at pinupuri!
Sapagkat sa pamamagitan ng kahoy na krus at ng liwanag ng iyong pagkabuhay ay sinagip mo ang mundo!

Page 6 of 8
Pagbasa:
Pagkatapos niyang magsalita sa kanila, ang Panginoong Jesus ay iniakyat sa langit at umupo sa kanan ng
Diyos. 20 Humayo nga at nangaral ang mga alagad sa lahat ng dako. Tinulungan sila ng Panginoon sa gawaing ito.
Pinatunayan niyang totoo ang kanilang ipinapangaral sa pamamagitan ng mga himala na ipinagkaloob niya sa
kanila.

Pagninilay:
Sugatan subalit tinawag upang magpagaling. Paano ko maipapakita sa aking kapwa kabataan, na katulad ko na
sila’y minahal ng Diyos lalong higit kapag sila ay nakakatagpo ng kawalan ng kapanatagan at hindi pagtanggap?

Panalangin:
Ama nagpapasalamat kami sa iyong pagmamahal na ibinuhos sa amin. Kami’y nagagalak dahil hindi ka tumigil ng
pagmamahal sa amin sa kabila ng aming pagsuway, sa kabila ng hindi namin pagtugon sa pagmamahal na iyong
ibinigay sa amin. Ama, ipinapanalangin namin na mahalin ka namin ng buong puso bilang tugon at kasiyahang
palaganapin sa buong mundo ang iyong walang hanggang pagmamahl na ibinigay. Patuloy kang manatili sa amin
habang kami’y nagsusumikap na maging alagad ng pagmamahal, upang ulit ulitin ang pagmamahal na ibinigay mo
sa iba upang ikaw ay kanilang makilala. Amen.

Ama Namin/Aba Ginoong Maria/Luwalhati


Ikalabing tatlong Liwanag
Nagtipon tipon ang mga Disipulo kasama si Maria sa pananalangin

Tema: Panalangin
Nagpatuloy sa pananalangin si Maria kasama ang mga disipulo at nanatiling naghihintay. Sa mundong
kasalukuyan, nakalimutan na natin ang kahalagahan ng paghihintay dahil masyado na tayong naging mainipin.

Lahat:
Sinasamba ka namin O Kristo at pinupuri!
Sapagkat sa pamamagitan ng kahoy na krus at ng liwanag ng iyong pagkabuhay ay sinagip mo ang mundo!

Pagbasa:
Pagdating sa bahay na kanilang tinutuluyan, umakyat sila sa silid sa itaas. Sila ay sina Pedro, Juan, Santiago, Andres,
Felipe, Tomas, Bartolome, Mateo, si Santiago na anak ni Alfeo, si Simon na Makabayan, at si Judas na anak ni
Santiago. Lagi silang nagsasama-sama upang manalangin kasama ang mga babae at si Maria na ina ni Jesus,
gayundin ang mga kapatid ni Jesus.

Panalangin:
Pinakabanal na Ama, lingapin mo ang iyong simbahang nagkakatipon dito sa mapanalanging pagsamba katulad ng
mga unang disipulo at ni Maria. Hinihiling namin na kami’y magtagumpay sa kasiyahan ng Espiritu Santo, sa lahat
ng ipinagkaloob mong Gawain namin para sa mundo. Nawa’y magalak naming maibahagi ang paghihirap ni Kristo
upang magpuri sa kanyang kaluwalhatian. Hinihiling naming ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.
Amen.
Ama Namin/Aba Ginoong Maria/Luwalhati

Ikalabing apat na Liwanag


Pinadala ng Panginoong muling nabuhay ang Espiritu Santo

Tema: Pagpapalakas
Ang Espiritu Santo ay ang ating gabay at katulong. Nawa’y isama natin ang Espiritu Santo upang gabayan tayo sa
ating napiling bokasyon at misyon.

Lahat:
Sinasamba ka namin O Kristo at pinupuri!
Sapagkat sa pamamagitan ng kahoy na krus at ng liwanag ng iyong pagkabuhay ay sinagip mo ang mundo!

Page 7 of 8
Pagbasa:
Walang anu-ano'y may ingay na nagmula sa langit, na tulad ng ugong ng malakas na hangin, at napuno nito ang
bahay na kinaroroonan nila.3 May nakita silang parang mga dilang apoy na dumapo sa bawat isa sa kanila, 4 at
silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at nagsimulang magsalita ng iba't ibang wika, ayon sa ipinagkaloob sa
kanila ng Espiritu.

Panalangin:
Amang nasa langit, sa pamamagitan nitong paglalakbay kasama ng espiritu ay ipinaalala mo sa amin ang
kaganapan ng misteryo ng iyong pagmamahal. Lingapin mo kami na nagkakatipon sa pananalangin at bukas na
tanggapin ang apoy ang Espiritu Santo. Nawa’y manatili sa aming puso at alisin ang hidwaan ang mga salita at
pananalita. Na may isang tinig at isang awit na nagpupuri sa iyong pangalan sa kagalakaan at pagpapasalamat.
Hinihiling naming ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon, at sa kapangyarihan ng Espiritu Santo ngayon
at magpasawalang hanggan. Amen.
Ama Namin/Aba Ginoong Maria/Luwalhati

Buod
Pagninilay:
Sa pamamagitan ng (Via Lucis) daan ng liwanag, binahagi natin ang ating pakikilakbay sa Panginoong muling
nabuhay bilang mga lagad at saksi ni Kristo. Ngayon ay dasalin natin ang panalanging itinuro ni Kristo sa atin.

Lahat:
“Ama Namin….”

Pangwakas na Panalangin
Panginoon, sisimulan naming ang lahat sa iyong inspirasyon, patuloy mo kaming tulungan at maabot ang
kaganapansa pamamagitan ng iyong paggabay. Hinihiling naming ito sa pamamagitan ni Kristong aming
Panginoon. Amen.

+
+++
+

Page 8 of 8

You might also like