Professional Documents
Culture Documents
Oh kaibig-ibig naming Nina Maria, Buhat sa Tahanan ni David, Reyna ng Mga Anghel, Ina ng
Biyaya at pag-ibig, binabati Kita ng buong puso. Ipagkaloob mo sa akin ang biyaya na mahalin
Ko ang Panginoong Diyos ng Puno ng Katapatan sa aking buong Buhay. Ipagkalooob mo sa akin
sa pamamagitan ng Dakilang Pagdedebosyong sa iyo, Kung saan ikaw ang kauna-unahang
nilikha sa Dakilang Pag-ibig ng Diyos, Amen.
Aba! Aming Masintahing Nina Maria, Rosang bulaklak na buong Kataimtiman at Halamanang
nakapinid na tanging sa esposong Makalangit lamang nabubuksan. Oh Lirio ng paraiso, gawin
mo akong maging mapagmahal sa mga mapagpakumbaba at natatagong buhay, bayaan mong
ang Iyong maka-langit na Esposo ang Siyang makatagpo sa aking pusong laging bukas sa
panawagan ng Kanyang tinig na nagmamahal sa kanyang mga biyaya at Inspirasyon.. Amen..
Oh! Nina Maria, Itinalagang maging Ina ng Anak ng Diyos at Maging ina namin, sa
pamamagitan ng Maka-langit na Biyaya ng Diyos, puno ng Awa at habag iyong dinggin ang
aking pagsamo at pananambitan. Sa gitna ng mga pagsubok na aking pinadadanan sa buhay,
aking isinasalalay sa iyo ang aking pagtitiwala sa Kalunasan ng mga ito.. Amen..
Oh! Bukod na Pinagpalang Nina Maria, pinuno Ka ng grasya ng kataas-taasan sinula ng Kalinis-
linisang paglilihi sa iyo ng iyong Ina, ipagkaloob mo sa akin Oh! Nina Maria na iyong dinggin
ang aking hiling,
At kung iyong ipagkakaloob nag magi to hayaan mo nawang ika’y aking purihin sa Kabutihan
ng Iyong Kalinis-linisang Puso.. Amen..
Oh Makapangyarihang Diyos ng iyong inihanda ang Niña Maria upang maging INA ng iyong
Anak at maging esposa ng Espiritu Santo iyo syang iniligtas sa kasalanang mana ,sa
pamamagitan ng kanyang mga panalangin bayaan mo na kami'y maging buhay na templo ng
iyong kaluwalhatian sa pamamagitan ni Jesus na Anak mo.Amen.
Panginoon,Maawa ka sa amin
Kristo,Maawa ka sa amin
Panginoon ,Maawa ka sa amin
Diyos Ama sa langit,Maawa ka sa amin
Diyos anak na tumobos sa sanlibutan,Maawa ka sa amin
Diyos Espirito Santo,Maawa ka sa amin
Manalangin Tayo:
Makapangyarihan at Mahabaging Ama,na kung Saan sa pakikiisa ng Espiritu Santo, ay iyong
Inihanda ang Katawan at kaluluwa ng Niña Maria upang maging Marapat na maging Ina ng
iyong Anak at iyong itinatangi na huwag mabahiran ng kasalanang mana, Ipagkaloob mo na
kaming nagdedebobosyon sa kanyang banal na pagkabata ay maging Malaya sa pamamagitan ng
kanyang pagkakandili at panalangin sa lahat ng karumihan ng kaisipan at layaw ng katawan
,nawa maging kawangis niya kami sa kababaang loob, pagsunod at pag-ibig,hinihiling naming
ito Kay Kristong Panginoon . Amen.
Ang imahen ay gawa sa pagiging bata ng Ina ng Diyos. Ipinakikita dito na si Maria ay walang
pinagkaiba sa ordinaryong tao, ngunit siya ay bukod tanging pinagpala ng Diyos para maging
kasangkapan niya sa pagliligtas sa sanlibutan. Si Maria bilang bata ay simbulo ng kababaang
loob na makikita sa bawat bata.