You are on page 1of 14

LENTEN PILGRIMAGE 2023

Prayer Guide
March 18 | Saturday
Pilgrim Churches of Bataan
2
PANALANGIN NG MANLALAKBAY
Mula sa Rito ng Pagbabasbas ng mga Maglalakbay
sa Banal na Pook

Lahat:
Diyos na makapangyarihan,
kinahahabagan mo ang lahat ng
umiibig sa iyo,
at hindi ka kailanma’y lumayo
sa mga taong nangangailangan sa iyo.
Manatili ka sa amin na sasama
sa banal na paglalakbay na ito,
at gabayan mo kami sa pagtahak
sa landas na naaayon sa iyong kalooban.
Sa araw, lukuban mo kami
ng iyong pagkalinga;
sa gabi, pagkalooban mo kami
ng liwanag ng iyong biyaya,
at bilang kasama namin
sa paglalakbay na ito,
akayin mo kaming ligtas
sa aming paroroonan.
Hinihiling namin ito
sa pamamagitan ni Hesukristong
aming Panginoon.
Amen.

3
PANALANGIN SA UNANG SIMBAHAN
Ang lahat ay sabay-sabay na mananalangin.

Namumuno: Manalangin tayo.

Lahat: Panginoong Hesus, sa iyong huling hapunan


kasama ang iyong mga alagad ay tunay at
ganap kang kasama nila. Alam mo ang
kanilang mga kahinaan, at mga kasalanan,
subalit nanatili kang tapat sa kanila. Patuloy
mo pa rin silang minahal sa kabila ng
kanilang pagkakasala.

Sa aming pamilya ay madalas na


nagkakasala kami dahil sa panghuhusga
namin sa isa’t-isa na nagdadala sa amin sa
pagsasawalang-bahala, hindi pagtanggap, at
pagkakawatak-watak. Panginoon, hilumin
mo ang aming pamilya. Ang pag-aalay mo ng
iyong sarili para sa aming kaligtasan ay
bunga ng iyong pag-ibig sa amin. Maging
dahilan nawa ito sa pagtanggap namin sa
pagkukulang ng bawat isa. Nawa sa
pamamagitan ng iyong dakilang pag-ibig sa
amin ay makapagbigay rin kami ng pag-asa
at lakas sa isa’t-isa. Nawa ang aming hapag
ay mapuno ng pagmamahalan at
pagbibigayan. Hinihiling namin ang lahat ng
ito, sa pangalan mo, ikaw na nabubuhay at
naghahari ngayon at magpakailanman.
Amen.

4
PANALANGIN SA IKALAWANG SIMBAHAN
Ang lahat ay sabay-sabay na mananalangin.

Namumuno: Manalangin tayo.

Lahat: O Hesus, sa Banal na Linggong ito, nais


mong kami ay magmahalan katulad ng iyong
pagmamahal sa amin. Tulungan mo kaming
maisabuhay ang iyong mga aral. Nawa ang
pag-ibig, kaligayahan at pagpapakumbaba
na natutunan namin sa aming pamilya ay
patuloy naming maging inspirasyon sa
paggawa ng mabuti at maipamahagi rin
namin ang mga biyayang ito sa aming kapwa
na iniibig at pinag-alayan mo ng buhay.
Nawa ang kapayapaang aming nadarama sa
mga oras na ito ay magdala sa amin ng
pag-asa na dulot ng iyong muling
pagkabuhay. Hinihiling namin ang lahat ng
ito, sa pangalan mo, ikaw na nabubuhay at
naghahari ngayon at magpakailanman.
Amen

PANALANGIN SA IKATLONG SIMBAHAN


Ang lahat ay sabay-sabay na mananalangin.

Namumuno: Manalangin tayo.

Lahat: Panginoong Hesus, sa tuwing kami ay


nakararanas ng pagtataksil ng aming kapwa,
tulungan mo kaming makita na ang
paghihiganti ay lalo lamang magdudulot ng

5
poot na maglalayo sa amin sa iyo. Ipaalala
mo sa amin na nakikita mo ang aming
kalungkutan at pighati at hindi mo kami
kailanman pababayaan.

Naniniwala kaming ayaw mong manaig ang


kasamaan sa aming puso bagkus nais mong
magtiwala kami na mas makapangyarihan
ang pag-ibig kaysa sa anumang bagay na
dulot ng aming kahinaan. Ipaalala mo na
kami ay isang pamilya.

Ipaalala mo ang pagmahahal namin sa isa’t


isa at ipaalala mo na mag-ibigan kami
katulad ng pag-ibig mo sa aming lahat. Sa
kabila ng aming mga kasalanan ay iniligtas
mo kami. Inialay mo ang iyong buhay para
sa amin. Tulungan mo kaming magtiwala
muli. Tulungan mo kami na laging piliin ang
magmahal. Hinihiling namin ang lahat ng
ito, sa pangalan mo, ikaw na nabubuhay at
naghahari ngayon at magpakailanman.
Amen.

PANALANGIN SA IKA-APAT NA SIMBAHAN


Ang lahat ay sabay-sabay na mananalangin.

Namumuno: Manalangin tayo.

Lahat: Panginoong Hesus, sa iyong huling hapunan


kasama ang mga taong nagkasala sa iyo ay
inialay mo ang iyong katangi-tanging
katawan at dugo. Hinugasan mo rin ang paa
ng iyong mga alagad at higit sa lahat ay

6
nag-iwan ka ng napakahalagang kautusan,
“mahalin ninyo ang iyong kapwa gaya ng
inyong pagmamahal sa inyong sarili.” Subalit
hanggang ngayon ay tila hindi pa rin namin
naisasabuhay ang kautusang ito. Kami na
mas inuuna pang isipin ang aming sarili at
ang makukuha naming kapalit bago
mag-alay ng pagmamahal. Mahirap pa ring
magmahal para sa mga taong katulad namin
na ibinabase pa rin ang kahulugan ng
pagmamahal base sa pamantayan ng
mundong ito. Pangingoon, tulungan mo
kaming maunawaan ang tunay na
pagmamahal. Basbasan mo ang aming
pamilya ng iyong pag-ibig. Ilayo mo kami sa
lahat ng uri ng kasamaan at panganib.

Tulungan mo kaming pagtagumpayan ang


galit na dadalhin lamang kami sa
pagkakawatak-watak. Biyayaan mo kami ng
kakayanan na magpatawad gaya ng
pagpapatawad mo sa amin, at isugo mo
kami sa mundong ito upang maging patotoo
ng iyong dakilang pag-ibig at grasya
lalong-lalo na sa mga taong
nangangailangan, napag-iiwanan, at
naliligaw ng landas. Hinihiling namin ang
lahat ng ito, sa pangalan mo, ikaw na
nabubuhay at naghahari ngayon at
magpakailanman. Amen.

7
PANALANGIN SA IKALIMANG SIMBAHAN
Ang lahat ay sabay-sabay na mananalangin.

Namumuno: Manalangin tayo.

Lahat: Panginoong Hesus, kinailangan mong


maranasan ang matinding pighati at
pagdurusa dahil sa iyong dakilang pag-ibig sa
amin. Maging ang iyong mga magulang na
sina Maria at Jose ay nakaranas din ng
pighati at pagdurusa. Ngunit lahat kayo ay
nanatiling matatag. Nang dahil sa pag-ibig
ay napagtagumpayan mo ang mga pagsubok
at kahinaan ng tao. Pag-ibig din ang
nagbigay sa iyo ng lakas upang tupdin ang
kalooban ng Diyos Ama. At ngayon ay
malaya kaming namumuhay sa mundong ito
na bunga ng iyong pagpapakasakit.

Sa tuwing kami ay puno ng takot at


pag-aalala, ipaalala mo sa amin na hindi ka
mawawala sa aming tabi at kasama ka namin
sa bawat pagsubok at pagdurusa.

Tulungan mo kaming maging katulad mo sa


aming kapwa lalo na sa mga miyembro ng
aming pamilya na nasa gitna ng pagsubok at
matinding kalungkutan. Ipaalala mo na sa
aming sama-samang pagharap sa mga
pagsubok ng buhay ay mas mapapagaan
namin ang mga alalahanin at dalahin ng
isa’t-isa. Hinihiling namin ang lahat ng ito,
sa pangalan mo, ikaw na nabubuhay at

8
naghahari ngayon at magpakailanman.
Amen

PANALANGIN SA IKA-ANIM NA SIMBAHAN


Ang lahat ay sabay-sabay na mananalangin.

Namumuno: Manalangin tayo.

Lahat: Panginoong Hesus, nanalangin ka sa Ama


noong gabing ikaw ay ipinagkanulo. Tulad ng
tao ay nagdalamhati ka at ninais mong
manatili sa tabi mo ang iyong mga kaibigan
na makatutulong upang maibsan ang sakit
na iyong nadarama. Ngunit, sila ay naging
mahina. Marahil ito nga ay parte ng iyong
misyon. Ngayon ay patuloy mo pa rin
kaming iniimbitahang makasama mo. Sa
tuwing kami ay sumasamba sa Banal na
Sakramento o nakikibahagi sa pagdiriwang
ng Banal na Misa, paulit-ulit mo kaming
tinatawag na manatili sa iyong piling.
Ipinapanalangin namin na tulungan mo
kaming patuloy na manatili sa piling mo.

Nawa ay maipakita namin ang pakikibahagi


namin sa iyo sa pamamagitan ng paggawa ng
kabutihan sa aming mga mahal sa buhay.
Nawa ay makita namin ang iyong presensya
sa bawat miyembro ng aming pamilya.
Tulungan mo po kami na magkaroon ng
pusong marunong makiramdam sa mga
pangangailangan ng iba. Hinihiling namin
ang lahat ng ito, sa pangalan mo, ikaw na

9
nabubuhay at naghahari ngayon at
magpakailanman. Amen

PANALANGIN SA IKAPITONG SIMBAHAN


Ang lahat ay sabay-sabay na mananalangin.

Namumuno: Manalangin tayo.

Lahat: Panginoong Hesukristo, kami ngayon ay


masayang nabubuhay dahil sa dakilang
pagmamahal mo sa amin. Umaasa kami sa
iyong kaluwalhatian dahil hindi ka man lang
nag-atubiling harapin ang iyong kamatayan
kahit na ipinagkanulo at iniwan ka ng mga
alagad. Ipinagkatiwala mo ang lahat sa
kamay ng Ama. Panginoong Hesus,
maraming pagkakataon din na nakakaranas
kami ng
iba-t’-ibang uri ng katapusan sa aming
buhay.

Napakahirap po kapag ang mga nangyayari


ay higit pa sa kaya naming harapin.
Napakasakit po kapag ang aming
pagsusumikap ay hindi nagbubunga. Sa
ganitong mga pagkakataon ay hindi na
namin alam ang aming gagawin. Ngunit sa
tuwing naaalala namin kung paano mo
hinarap ang lahat ng pagsubok sa mga oras
na iyon at tuluyan mong ipinaubaya ang
iyong sarili sa Ama sa kabila ng sakit na

10
iyong nararamdaman ay nagkakaroon kami
ng lakas na humarap din sa mga pagsubok sa
buhay.

Sa tuwing tila kami ay iniwanan na ng lahat,


naniniwala kaming mayroong kaming
kasama sa aming pagdurusa. Naniniwala
kami na mayroong isang hindi kami iiwanan
kahit kami ay walang-wala at hinang-hina
na. At ikaw iyon Panginoon. Tulungan mo
ang aming pamilya na maisabuhay ang
pag-ibig mo.
Tulutan mo kaming maging pag-asa at
kalakasan ng isa’t-isa lalo na sa mga panahon
ng pagsubok. Hinihiling namin ang lahat ng
ito, sa pangalan mo, ikaw na nabubuhay at
naghahari ngayon at magpakailanman.
Amen.

11
PANGWAKAS NA PANALANGIN
Ang lahat ay nakatayo.

ANIMA CHRISTI
(Hango sa pagsasalin ng Bukas-Palad)

Espiritung Banal ni Kristo


Pagpalain niyo po ako
Katawan ni Kristo iligtas mo ako
Tubig mula sa iyo Kristo
Hugasan niyo po ako, Pasyon ni Kristo
Bigyan niyo po ako ng Lakas
 

Pakinggan niyo po ako Hesus


Itago niyo po ako sa iyong sugat
Para nawa'y di na ako mawawala
sa iyong piling

Mula sa kasamaang nagbabanta sa akin


Ipagtanggol niyo po ako at kung oras na ng aking
kamatayan
Iyaya niyo po ako sa inyo para purihin ka
Kasama ng mga santo, habang buhay.
Amen.

12
PANALANGIN SA PAGTATAPOS
NG VISITA IGLESIA

Manalangin tayo.

Panginoong Hesukristo,
ipinagkaloob mo sa amin ang Eukaristiya
bilang alaala ng iyong pagpapakasakit
at pagkamatay.

Nawa sa aming pagsamba


sa sakramento ng iyong Katawan at Dugo
ay makamtan namin ang kaligtasang
iyong pinagtagumpayan
at ang kapayapaan sa iyong kaharian.

Maging karapat-dapat nawa kami


sa iyong pagpapakasakit
at sa iyong kamatayan na aming gugunitain.

Ikaw na nabubuhay kasama ng Ama


at ng Espiritu Santo, iisang Diyos,
magpasawalang hanggan.

Amen.

13
PANALANGIN SA BANAL NA KRUS NI KRISTO

Panginoong Hesukristo,

Ikaw ay nagpakasakit sa Krus dahil sa pagmamahal Mo sa Diyos


Ama. Kami ngayon ay natipon sa harap Mo upang alalahanin
ang iyong pagpapakasakit, gunitain ang iyong kaluwalhatian at
upang pasalamatan ka sa dakilang sakripisyong idinulot Mo para
sa amin.

Ang Krus Mo ang nagsilbing aming buhay at ang kamatayan Mo


ang siyang nagdala sa aming kaligtasan. Habang pinagninilayan
namin ang diwa ng iyong pagpapakasakit, idinadalangin namin
na isugo Mo ang Iyong Banal na Espiritu upang matanggap
namin ang katotohanan na kung hindi dahil sa iyong banal na
sakripiyo, hindi kami magiging ganap Mong tagasunod.

Bigyan Mo kami ng lakas ng loob na tanggapin na ang


pagpapakasakit at kamatayan ang siyang pinakamalaking hamon
sa aming buhay. Ang aming Paghihirap at Kamatayan ay
napagtagumpayan Mo, sa pamamagitan ng Iyong
pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay.

Gabayan Mo kami sa pananampalataya na dahil sa iyong banal


na krus, makakamtan ang Kaluwalhatian. Amen.

L: Sinasamba ka namin Panginoong Hesukristo


R: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Banal na Krus ay iniligtas
mo ang sanlibutan

L: Luwalhati sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo


R: Kapara noong una, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen

14

You might also like