You are on page 1of 1

ROMAN CATHOLIC DIOCESE OF SAN JOSE, NUEVA ECIJA

PANGDIYOSESIS
NA KOMISYON NG LITURHIYA



ANG PAGBABASBAS NG BELEN
Maari itong gawin sa unang araw ng Misa de Gallo o sa simula ng Pagmimisa sa
Hatinggabi sa Araw ng Pagsilang. Ito’y gagawin ng wala pa ang Banal na Sanggol sa
kadahilanang may karampatang rito ng kapanganakan na gagawin sa Pagmimisa sa
Hatinggabi sa Araw ng Pagsilang.
Gaganapin ang pagbabasbas pagkatapos ng antnda ng krus at pagbati. Ito ay kapalit sa
Kyrie o Penetential Rite.

PARI: Sa Ngalan ng Panginoon tayo ay tinutulungan.


BAYAN: Siya na may likha ng langit at lupa.
PARI: Diyos ng lahat ng bansa at lipi, ipinakita mo na ang iyong
pagmamahal magmula pa nang likhain ang lahat. Nang
masidhi ang aming pangangailangan sa isang
Tagapagligtas, isinugo mo ang iyong Anak na isinilang ng
Mahal na Birheng Maria. Hatid niya ang galak,
kapayapaan, katarungan, habag at pag-ibig sa aming
buhay.
Panginoon basbasan mo ang ang lahat ng magmamsid sa
belen, ito nawa ay magpaala-ala ng abang pagsilang ni
Hesus at itaas ang aming paningin tungo sa kanya. Siya, na
aming Diyos at Tagapagligtas na nabubuhay at naghahari
magpakailanman.

BAYAN: Amen.
Wiwisikan ng pari ang Belen ng banal na tubig at itutuloy ang misa.

• Kung ang pagbabasbas ay gaganapin sa Pagmimisa sa Hatinggabi sa Araw ng Pagsilang :


Pagsapit sa harapan ng sangtwaryo ay kukunin ng pari ang Banal na Sanggol at itatas
upang makita ng sambayan. At saka aawitin ang Gloria at sisindihan ang mga ilaw ng
simbahan at doon ilalagay ng pari ang Banal na Sanggol sa Belen at saka iinsensuhan.
Matapos nito ay babalik ang pari sa upuan at itutuloy ang misa.

You might also like