You are on page 1of 23

1

ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG


SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY
--------------------------------------------------

UNANG YUGTO: ANG PAGPAPARANGAL SA ILAW

(Ang lahat ng tao ay magtitipun-tipon sa labas ng simbahan. Hindi muna magsisindi ng kahit
na anong ilaw. Isang sigaan ang nakahanda at sa palibot nito nagtitipon ang lahat para sa
pasimula ng pagdiriwang.)

Paunang Salita

Commentator:

Tayo ngayon ay nasa gitna ng kadiliman. Paano nga ba kung walang liwanag?
Paano nga ba kung walang Kristong namuhay sa ating piling? Paano nga tayo
ngayon kung siya'y hindi noon nabuhay muli?

Sa ating pangkasalukuyang pamumuhay, ilang beses ba tayong nasasadlak sa


kadiliman? Ilang beses ba nating pinatay ang liwanag sa ating mga puso at piniling
mamuhay nang malayo kay Kristo? Ilang beses rin ba tayong pumatay o nakiisa sa
pagpatay o nagsawalang kibo habang pinapatay ang karapatan, katotohanan,
pag-asa at kalayaan? Ilang beses nga ba nating tinalikuran ang tawag niya sa
pagnanais na tayo ay muling maihatid sa liwanag at maibalik sa piling ng Ama.

Ngayong gabi, tayo'y mananaghoy sa kaluwalhatian ng mapagmahal na Diyos


Ama, tayo'y tatawag sa mapagpatawad na puso ng Panginoon upang sa pananaig
ni Hesukristo sa kamatayan tayo ay makatanggap ng walang hanggang biyaya.
Tayo'y magdiriwang sa pagtawid niya sa liwanag at sa pagdating sa bagong
simula na dulot ng bagong liwanag!

PAGBABASBAS AT PAGHAHANDA SA ILAW

Pagbati

PARI: ANG PAGPAPALA NG ATING PANGINOONG HESUKRISTO, ANG
PAG-IBIG NG DIYOS AMA AT ANG PAKIKIPAGKAISA NG ESPIRITU
SANTO NAWAY SUMAINYONG LAHAT.
B: At sumaiyo rin.

PARI: MGA KAPATID,
SA KABANAL-BANALANG GABING ITO
NA PINANGYAYARIHAN NG PAGTAWID NG ATING PANGINOONG
HESUKRISTO
MULA SA PAGKAMATAY PATUNGO SA PAGKABUHAY
ANG SAMBAYANAN NIYA AY NAG-AANYAYA
SA LAHAT NG MGA ANAK NA NASA IBAT IBANG PANIG NG
DAIGDIG UPANG MAGTIPUN-TIPON

1
2

SA PAGGANAP NG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG.


SA PAGGANAP NATIN SA ALAALA NG PASKO NG PANGINOONG
NAGTAGUMPAY SA PAKIKINIG NG SALITA
AT PAGHAHAIN NG KANYANG BUHAY,
MAAASAHAN NATING TAYOY MAKAKAPAKINABANG
SA KANYANG PANANAIG SA KAMATAYAN
AT PAMUMUHAY SA PILING NIYA AT NG AMANG MAYKAPAL.

Ang siga ay babasbasan

Manalangin tayo.

AMA NAMING MAKAPANGYARIHAN,
SA PAMAMAGITAN NG IYONG ANAK
KAMIY IYONG DINULUTAN
NG NINGAS NG IYONG KALIWANAGAN.
ANG BAGONG NINGAS NA ITO AY IYONG GAWING BANAL +
AT IPAGKALOOB MONG KAMIY PAGNINGASIN
NITONG AMING PAGDIRIWANG
UPANG MAKASAPIT KAMING MAY DALISAY NA KALOOBAN
SA WALANG MALIW NA KALIWANAGAN
SA PAMAMAGITAN NI HESUKRISTO
KASAMA NG ESPIRITU SANTO MAGPASAWALANG HANGGAN.
Bayan : Amen.

Babasbasan paikot ang bagong apoy. Lalapit ang isang tagapaglingkod na dala ang kandila
ng Pasko ng Pagkabuhay at ihaharap ito sa pari. Ito ay guguhitan ng pari ng krus sa
pamamagitan ng pang-ukit o pangsulat. Iguguhit din dito ang mga titik na Griego:

1. (sa pagguhit sa krus mula sa itaas hanggang ibaba)
Si Kristo ang nagmamahal
noon sa bayang hinirang
ngayon pa riy syang patnubay :
Si Hesukristoy nabuhay,
siyay ating kaliwanagan.

2. (sa pagguhit sa bisig ng krus mula sa kaliwa hanggang kanan)
Si Kristo ang nagmamahal
simula pa noong araw
wakas natin syat hantungan :
Si Hesukristoy nabuhay
syay ating kaliwanagan.

3. (sa pagguhit ng alpha sa ulunan ng krus)
Si Kristo ang pinagmulan :
alphay sagisag nyang tunay.
Syay ating pinanggalingan :
Si Hesukristoy nabuhay,
siyay ating kaliwanagan.

2
3


4. (sa pagguhit ng omega sa paanan ng krus)
Si Kristo ang syang hantungan:
omegay kanyang larawan,
sya ang ating patunguhan:
Si Hesukristoy nabuhay
syay ating kaliwanagan.

5. (sa pagguhit ng unang bilang ng taon, sa itaas na kaliwang sulok ng krus)
Kay Kristo ay nabibilang
lahat ng panahot araw,
bawat yugto ng pag-iral :
Si Hesukristoy nabuhay,
syay ating kaliwanagan.

6. (sa pagguhit ng ikalawang bilang ng taon, sa itaas na kanang sulok ng krus)
Kay Kristo ay nabibilang
mga taong daan-daan,
Hari sya ng kasaysayan :
Si Hesukristoy nabuhay
syay ating kaliwanagan.

7. (sa pagguhit ng ikatlong bilang ng taon, sa ibabang kaliwang sulok ng krus)
Kay Kristo ang karangalan
lahat ng kapangyarihan.
Panginoong dinarangal:
Si Hesukristoy nabuhay
syay ating kaliwanagan.

8. (sa pagguhit ng ikaapat na bilang ng taon, sa ibabang kanang sulok ng krus)
Kay Kristo ang kapurihan
ng buong sangkatauhan
ngayon at magpakaylan man.
Si Hesukristoy nabuhay
syay ating kaliwanagan.



2 0

1 6




Kapag naiguhit na ang krus at ang mga iba pang palamuti, maaaring itusok ng pari ang
limang butil ng insenso sa kandila. Gagawin niya ito ayon sa balangkas ng krus, habang
ipinapahayag.

3
4


1

4 2 5

3

1. Sa sugat na lubhang banal
ni Hesus sa tagiliran
dugot tubig ay lumitaw.
Si Hesukristoy nabuhay
syay ating kaliwanagan.

2. May sugat sa paang kanan
si Hesus na nabayubay
sa krus na kinamatayan.
Si Hesukristoy nabuhay
syay ating kaliwanagan.

3. Ang kaliwang paa naman
ni Hesus din ay sugatan
pakoy naglagos na tunay:
Si Hesukristoy nabuhay
syay ating kaliwanagan.

4. At sa kanan niyang kamay
si Hesus diy pinakuan
kayat may sugat na taglay:
Si Hesukristoy nabuhay
syay ating kaliwanagan.

5. Sa kanyang kaliwang kamay
si Hesus ay pinakuan
noong buhay nyay ialay.
Si Hesukristoy nabuhay
syay ating kaliwanagan.

Isisindi ang kandila sa bagong basbas na apoy habang ipinahahayag:

Mapawi nawang tuluyan
ang dilim ng kasalanan
sa puso natit isipan:
Si Hesukristoy nabuhay,
syay ating kaliwanagan.



4
5


PRUSISYON NG KANDILA NG MULING PAGKABUHAY
Ang prusisyon ay pangungunahan ng pari na siyang may dala ng Kandila ng Pasko ng
Pagkabuhay, ang lahat ay magpruprusisyon. Tatlong beses titigil ng pari upang iangat at
umawit. Sa bawa't awit at pagtaas, ang tao ay tutugon ng awit pasasalamat)

(Unang Angat sa may malapit sa pintuan)

Pari: Tayo nang magbigay-dangal
kay Hesus na ating ilaw
sa diwa natit isipan.
Si Hesukristoy nabuhay
syay ating kaliwanagan.

B: Salamat po, Poong banal,
sa ilaw na iyong bigay
upang kami ay tanglawan.
Si Hesukristoy nabuhay
syay ating kaliwanagan.

(Sa ikalawang angat sa may bandang gitna, magsisindi ng kanilang mga lampara/kandila
ang dalawang Acolytes mula sa Paschal candle, ito ay ipapasa nila sa iba pang Acolytes na
pupuwesto sa aisle ng simbahan)

Pari: Tayo nang magbigay-dangal
kay Hesus na ating ilaw
sa diwa natit isipan.
Si Hesukristoy nabuhay
syay ating kaliwanagan.

B: Salamat po, Poong banal,
sa ilaw na iyong bigay,
upang kami ay tanglawan.
Si Hesukristoy nabuhay
syay ating kaliwanagan.

(Sa ikatlong angat, titigil ng pari sa dambana malapit sa hagdanan, haharap sa tao ang pari)

Pari: Tayo nang magbigay-dangal
kay Hesus na ating ilaw
sa diwa natit isipan.
Si Hesukristoy nabuhay
syay ating kaliwanagan.

B: Salamat po, Poong banal,
sa ilaw na iyong bigay,
upang kami ay tanglawan.
Si Hesukristoy nabuhay
syay ating kaliwanagan.

5
6

Ang mga ilaw sa simbahan ay sisindihan.


ANG MARINGAL NA PAGPAPAHAYAG NA NGAYOY
PASKO NG PAGKABUHAY

Iluluklok ng pari ang kandila sa tabi ng ambo. Magsisindi ang mga akolito ng mga kandila ng
mga tao. Walang magsisindi kung hindi nagmumula sa kandila ng katabi.

Pagkasindi ng lahat ng kandila, ang pari ay pupunta sa pulpito o sa gitna upang awitin ang
pagpapahayag o Exultet
EXULTET

(Maiksing paraan)

Magalak ngayot magdiwang,
mga anghel na kinapal,
lahat tayoy mag-awitan:
Si Hesukristoy nabuhay
syay ating kaliwanagan.

Tambuli ng kaligtasan
maghudyat ng kagalakan
magsaya ang sanlibutan.
Si Hesukristoy nabuhay,
syay ating kaliwanagan.

Hinirang na sambayanan
bumubuo ng Simbahan
magsaya sa kaningningan.
Si Hesukristoy nabuhay,
syay ating kaliwanagan.

Ang puso natit isipan
itaas sa kalangitan
ang Amay pasalamatan.
Si Hesukristoy nabuhay
syay ating kaliwanagan.

Ngayon nga ang kapistahan
ng Panginoong namatay
ukol sa ting kalayaan.
Si Hesukristoy nabuhay
syay ating kaliwanagan.

Ngayon nga ang pagdiriwang
ng muli nating pagsilang
sa tubig ng kaligtasan.
Si Hesukristoy nabuhay
syay ating kaliwanagan.

6
7

Dyos Ama ng sanlibutan,


pag-ibig mot katapatan
patawad sa amiy bigay.
Si Hesukristoy nabuhay
syay ating kaliwanagan.

Hain namin itong ilaw
sagisag ng matagumpay
na Anak mong minamahal.
Si Hesukristoy nabuhay
syay ating kaliwanagan.

IKALAWANG YUGTO: ANG PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS
Papatayin ang sindi ng mga kandila at uupo ang lahat.
Ipaliliwanag ng pari ang gaganaping pagpapahayag ng mga pagbasa.

Pari: Mga kapatid,
ngayong nasimulan na natin
ang Magdamagang Pagdiriwang ng Muling Pagkabuhay,
makinig tayong mabuti sa Salita ng Diyos,
isaloob natin kung paano niyang ginaganap
sa ibat ibang yugto ng kasaysayan
ang pagliligtas niya sa mga hinirang na tao.
Noon ngang sumapit ang itinakda niyang panahon,
ang kanyang sariling Anak ang kanyang sinugo
upang maging ating Tagapagligtas.
Hilingin natin sa Diyos
ang kaganapan ng kaligtasan
na nangyayari ngayon
sa pagdiriwang ng Pasko ng Pagtubos sa tanan.

UNANG PAGBASA GENESIS 1:1.26-31A
Ang Salita ng Diyos ay patuloy na nagbibigay liwanag sa ating buhay. Sa unang pagbasa,
isinasalaysay ang pagkalikha ng Diyos sa tao sa kanyang sariling larawan at wangis. Ito ang
simula ng kasaysayan ng tao, ito ang simula ng kaganapan ng buhay, ang unang hakbang sa
paglalakbay.

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Salmong Tugunan I (awit) Espiritu moy suguin, Poon,
tanay yong baguhin

Commentator: Magsitayo po ang lahat.




7
8

PARI: Manalangin tayo.



AMA NAMING MAKAPANGYARIHAN,
LAHAT NG IYONG MGA NILIKHA
AY IKAW ANG ITINATAMPOK.
NAWAY MAISALOOB NG IYONG MGA TINUBOS
NA ANG DAIGDIG SA PASIMULA
AY LALO MO PANG PINADAKILA
SA MGA HULING PANAHON NG PAGSAGIP NI KRISTO
NA SIYANG INIHAING KORDERONG PAMASKO
NA KASAMA NG ESPIRITU SANTO MAGPASAWALANG HANGGAN.
B: Amen

Commentator: Magsi-upo po ang lahat.

IKALAWANG PAGBASA GENESIS 22: 1-18
Sa ikalawang pagbasa, makikita na ang pananampalataya ni Abraham ay tila moog sa tibay
at tatag. Kaya't kahit na hiniling ng Diyos na iaalay ang kanyang bugtong na anak, hindi
siya nagdalawang isip na sundin ito. Pumasa si Abraham sa pagsubok ng Diyos, kaya
nangako itong dadami ang kanyang lahi at pagpapalain ang lahat ng bansa sa daigdig.

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Salmong Tugunan II: (awit) Diyos ko, ang aking dalangiy
Akoy iyong tangkilikin

Commentator: Magsitayo po ang lahat.

PARI: Manalangin tayo.

AMA NAMING MAKAPANGYARIHAN,
P INARARAMI MO SA SANLIBUTAN
ANG MGA ANAK NA SA PANGAKO MOY
SUMILANG BUNGA NG PAGLAWAK NG
SAKLAW NG IYONG PAGHIRANG.
SA PAGBIBINYAG, GINAGAWA MONG MATUPAD
ANG IYONG PANGAKONG SI ABRAHAM
AY MAGING AMA NG LAHAT.
IPAGKALOOB MONG ANG IYONG SAMBAYANAN
AY MARAPAT NA MAKATUGON
SA IYONG PANAWAGAN SA PAMAMAGITAN
NI HESUKRISTO KASAMA NG ESPIRITU SANTO
MAGPASAWALANG HANGGAN.

B: Amen.

Commentator: Magsi-upo po ang lahat.

8
9

IKATLONG PAGBASA EXODO 14:15 - 15:1


Isa sa pinakamakulay at pinakamakabuluhan ang tampok sa ikatlong pagbasa, ang
pagpapalaya ng Israel mula sa pagkaalipin sa Egipto. Pinakita rito na kung ilang beses
nangako ang Panginoon ng kaligtasan, at kung ilang beses din niyang tinupad. Nang
nasundan ng mga Egipcio ang mga Israelita, dinulot ng Diyos na makatawid sila sa Dagat na
Pula habang ang mga kaaway at mang-uusig ay malunod.

Ang pagliligtas sa pamamagitan ng tubig ay nagpapaalala sa atin sa tubig ng binyag na kung
saan tayo rin ay napalaya: Napalaya mula sa kadiliman ng ating mga kasalanan.

Pagbasa mula sa aklat ng Exodo

Salmong Tugunan III: (awit) Poon ay ating awitan
Sa kinamtan nyang tagumpay

Commentator: Magsitayo po ang lahat.

PARI: Manalangin Tayo.

AMA NAMING MAKAPANGYARIHAN,
NOONG UNANG PANAHON
AY IYO NANG IDINULOT NA MABANAAG
ANG HIMALA NG BAGONG TIPAN
SA PAGTAWID SA DAGAT BILANG
TAGAPAHIWATIG NG NAGAGANAP SA PAGBIBINYAG
NA SIYANG PAGLAYA
NG IYONG SAMBAYANAN SA PAGKABIHAG.
IPAGKALOOB MONG ANG LAHAT
NG MGA BANSA AY MAKARANAS
NG MULING PAGSILANG NA DULOT NG
ESPIRITUNG TINATANGGAP NG MGA
MAY PANANAMPALATAYA
NA ISRAEL ANG UNANG NAGPAMALAS
SA PAMAMAGITAN NI HESUKRISTO
KASAMA NG ESPIRITU SANTO
MAGPASAWALANG HANGGAN.
B: Amen.

Commentator: Magsiupo po ang lahat

IKA-APAT NA PAGBASA ISAIAS 54:5-14
Ipinakikilala ng Diyos ang kanyang sarili bilang asawa at tagapagligtas sa kanyang
nagdurusa at nagsisising bayang Israel. Dahil sa kanilang mga kasalanan,
iniwan ng Diyos ang Israel. Ngunit sa labis na pagmamahal ng Diyos ay binawi
silang muli.

Pagbasa mula sa aklat ni Propeta Isaias

SALMONG TUGUNAN IV: (awit) Poon sa akiy nagligtas,
Ang dangal moy aking galak

9
10

Commentator: Magsitayo po tayo.



PARI: Manalangin tayo.

AMA NAMING MAKAPANGYARIHAN,
SA IKADARAKILA NG IYONG NGALAN
PARAMIHIN MO ANG MGA NAKIKINABANG
SA IYONG PAGPAPALANG BIGAY
SA MGA NINUNO NAMIN SA PAGSAMPALATAYA
SA IYONG KATAPATAN.
NGAYONG ANG IYONG PAGHIRANG
AY SANLIBUTAN NA ANG SAKLAW
ANG MATIBAY NA PINANALIGAN
NG MGA NINUNO NAMING BANAL
AY MATANTO NAWA NAMING NAGKAROON NA
NG MALAKING KATUPARAN
SA PAMAMAGITAN NI HESUKRISTO
KASAMA NG ESPIRITU SANTO MAGPASAWALANG HANGGAN.

B: Amen.

Commentator Magsi-upo po ang lahat.

IKALIMANG PAGBASA ISAIAS 55:1-11
Ang pagkabukas palad ng Diyos sa sangkatauhan ay walang hangganan. Ang talaan ng
biyayang naipagkaloob na nilalaman ng pagbasang ito ay isang sagisag ng higit na dakilang
biyayang naipagkaloob niya sa mga tao sa pamamagitan ng pagpapakasakit at muling
pagkabuhay ng kanyang hinirang na si Hesukristo.

Pagbasa mula sa aklat ni Propeta Isaias

SALMONG TUGUNAN V: (awit) May galak tayong sumalok
Sa batis ng Manunubos
Commentator: Magsitayo po tayo.

PARI: Manalangin tayo.

AMA NAMING MAKAPANGYARIHAN
ANG SANLIBUTAN AY WALANG IBANG INAASAHAN KUNDI IKAW
NA SA PAHAYAG NG IYONG MGA PROPETA
AY NAGLALAHAD NG IYONG BALAK NA MAGANDA.
MALUGOD MONG PAGYAMANIN ANG AMING PANANALIG
SAPAGKAT WALA KAMING MAKAKAMIT
NANG HINDI MO INIIBIG
PARA KAMIY SA IYO MAPALAPIT
SA PAMAMAGITAN NI HESUKRISTO
KASAMA NG ESPIRITU SANTO MAGPASAWALANG HANGGAN.
B: Amen.

10
11

Commentator Magsi-upo pa ang lahat



IKA-ANIM NA PAGBASA BARUK 3:9-15. 32- 4:4
Ang tunay na karunungan ng tao ay hindi puro kaalamang tekniko lamang, ni ang sining ng
pagkakamal ng salapi, ni pawang pagninilay lamang ng tao. Ang karunungan ay malaman
ang balak ng Diyos sa paglikha sa mundong ito, at kung ano ang hinihingi ng Diyos sa tao.

Pagbasa mula sa aklat ni Baruk

SALMONG TUGUNAN VI: (awit) Panginoon iyong taglay
Ang salitang bumubuhay

Commentator: Magsitayo po tayo.

PARI: Manalangin tayo.

AMA NAMING MAKAPANGYARIHAN,
LAGI MONG PINARARAMI ANG IYONG TINATAWAGAN
SA MGA BANSA NG SANLIBUTAN.
IPAGKALOOB MO ANG IYONG PATULOY NA PAGTANGKILIK
SA IYONG MGA DINADALISAY SA PAMBINYAG NA TUBIG
SA PAMAMAGITAN NI HESUKRISTO
KASAMA NG ESPIRITU SANTO MAGPASAWALANG HANGGAN.

B. Amen.

Commentator: Magsi-upo po ang lahat.

IKAPITONG PAGBASA EZEKIEL 36:16-17a. 18-28
Hindi pinabayaan ng Panginoon ang kanyang bayang Israel kahit silay nagkasala. Sa
pamamagitan ni Propeta Ezekiel, ipinahayag ng Panginoon ang pangakong isang bagong
puso at bagong espiritu upang pagsilbihan nila nang tapat. Ang pangakong ito ay nagkaroon
ng katuparan kay Kristo Hesus.

Pagbasa mula sa aklat ni Propeta Ezekiel

SALMONG TUGUNAN VII: (awit) Parang usang nauuhaw
Akong sabik sa Maykapal

Commentator: Magsitayo po tayo.

PARI: Manalangin tayo.

AMA NAMING MAKAPANGYARIHAN,
ANG LAKAS MO AY HINDI NABABAWASAN,
ANG LIWANAG MO AY NAGNININGNING KAYLAN MAN.
TUNGHAYAN MO ANG PAGDIRIWANG NG IYONG SAMBAYANAN
AT GANAPIN MO ANG IYONG PAGSAGIP SA TANAN.
NAWAY MADAMA AT MAMALAS NG SANLIBUTAN

11
12

NA ANG MGA HAMAK AY IDINARANGAL,


ANG MGA NASA LUMANG KASALANAN
AY NAPAGBAGO NA NAMAN
AT KAY KRISTO NAGKAKAUGNAY-UGNAY ANG TANAN
SAPAGKAT SIYA ANG PINAGSISIMULAN
NGAYON AT MAGPASAWALANG HANGGAN.

B: Amen.

GLORIA

Pagkatapos ng huling pagbasa mula sa Matandang Tipan at ng salmong sagutan at kaugnay
na panalangin, ang mga kandila sa dambana ay sisindihan, at pasisimulan ang pag-awit ng
Papuri sa Diyos Tutugtugin ang mga batingaw ayon sa umiiral na kaugalian.

P: (aawit) PAPURI SA DIYOS SA KAITAASAN... .

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

PARI: Manalangin tayo.

AMA NAMING MAKAPANGYARIHAN,
ANG KABANAL-BANALANG GABING ITO
AY PINAGLILIWANAG MO
SA KADAKILAAN NG PAGKABUHAY NI KRISTO.
ANTIGIN MO ANG ESPIRITU NG PAGKUPKOP MO
UPANG SA PAGBABAGO NG AMING BUONG PAGKATAO
KAMIY WAGAS NA MAKAPAGLINGKOD SA IYO
SA PAMAMAGITAN NI HESUKRISTO
KASAMA NG ESPIRITU SANTO MAGPASAWALANG HANGGAN.

B: Amen.

Uupo ang lahat
SULAT ROMA 6: 3-11
Ipinapasok tayo ng sakramento ng Binyag sa nagliligtas na misteryo ng kamatayan at
pagkabuhay na muli ni Kristo. Namatay kasama niya sa kasalanan, tayo rin ay kasama
niyang babangon sa isang bagong buhay.

Pagbasa mula sa Sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Pagkabasa ng sulat, lahat ay tatayo at maringal na pasisimulan (ng pari) ang pag-awit ng
Aleluya na uulitin naman ng lahat ng nagsisimba.

ALELUYA AT SALMONG TUGUNAN
T. ( Aawitin ) ALELUYA ! ALELUYA ! ALELUYA !

1. O pasalamatan/ang Diyos na Panginoon, pagka't siya'y mabuti;/
ang kanyang pag-ibig ay napakatatag at mananatili/

12
13

Ang taga-Israel,/ bayaang sabihin at kanilang ihayag:/


Ang pag-ibig ng Diyos ay hindi kukupas.

2. Ang lakas ng Poon,/ ang siyang nagdulot ng ating tagumpay/
Sa pakikibaka sa ating kaaway/
Aking sinasabing di ako papanaw, mabubuhay ako/
upang isalaysay/ ang gawa ng Diyos na Panginoon ko.

3. Ang batong natakwil/ ng nangagtatayo ng tirahang bahay,/
sa lahat ng bato'y higit na mahusay,/
Ang lahat ng ito/ ang nagpamalas ay ang Panginoong Diyos./
Kung iyong mamasdan ay kalugod-lugod.

(Awit) Aleluya

MABUTING BALITA MATEO 28:1-10

HOMILIYA

IKATLONG YUGTO: ANG PAGDIRIWANG NG PAGBIBINYAG
Ang pari at mga tagapaglingkod ay paroroon sa pook ng pagbibinyag.

Commentator:

Masasaksihan po natin ngayon ang pagbibinyag sa isang kapatid nating
nabiyayaan ng pagbabagong-loob sa ating pananampalataya.

Tatawagin ang bibinyagan upang lumapit sa unahan at maiharap ng mga ninong at ninang
nila sa pari.

Ang bibinyagan ay patutungo sa altar kasama ng ninong at ninang .

P: MGA KAPATID, TAYOY NAGAGALAK NA MASAKSIHAN ANG
PAGDIRIWANG NG BINYAG PARA KAY ________ NA MAGIGING KAANIB
NG ATING SAMBAYANANG KRISTIYANO. __________, MANGYARI
LAMANG NA IPAHAYAG ANG IYONG LAYUNIN.

NAGPAPABINYAG : Nais ko pong sumampalataya kay Kristo.

P: ANO ANG KAPAKINABANGANG IDUDULOT NITO?

NAGPAPABINYAG : Ito po ay magdudulot ng buhay na walang hanggan.

P: ITO ANG BUHAY NA WALANG HANGGAN: ANG PAGKILALA SA TUNAY
NA DIYOS AT KAY HESUKRISTO NA KANYANG SINUGO. SI HESUKRISTO
AY ATING PANGINOONG NABUHAY MAG-ULI. SA KANYANG
PAGKABUHAY IKAW AY MAKAKAPAKINABANG; SA PAGDULOG MO
NGAYON, IKAW AY MAGIGING KANYANG ALAGAD. IKAW BA AY

13
14

NAKAHANDA NA MAGING KRISTIYANO? IKAW BA AY NAKAPAKINIG


NA SA SALITA NI KRISTO AT NAKAPAGPASYANG SUMUNOD SA
KANYANG MGA UTOS?

NAGPAPABINYAG: Opo

P: BILANG NINONG AT NINANG, KAYO BA AY MAKAPAGPAPATUNAY NA
SI ________________ AY KARAPAT-DAPAT MAGING KAANIB NG
SIMBAHAN?

NINONG AT NINANG : Opo

P: BILANG TAGAPAGPATUNAY NA SI _____________ AY KARAPAT-DAPAT NA
MAGING KRISTIYANO, KAYO BA AY NAKALAANG TUMULONG SA
KANYANG PAGLILINGKOD KAY KRISTO SA SALITA AT GAWA?

NINONG AT NINANG : Opo

P: SA KAPANGYARIHAN NG ATING TAGAPAGLIGTAS NA SI HESUKRISTO,
IKAW AY MAGPAKATATAG NGAYON AT MAGPASAWALANG HANGGAN.

(kukrusan ng pari ang noo ng binibinyagan)

SA MGA PAGLUHOG NATIN, MGA MINAMAHAL NA KAPATID,
TULUNGAN NATIN ANG ATING KAPATID NA MAY PANANALIG UPANG
ANG AMA NATING MAKAPANGYARIHAN AY SIYANG TUMANGKILIK SA
ISISILANG SA BINYAG PAKUNDANGAN SA KANYANG PAG-IBIG.

PAGTAWAG SA MGA BANAL

Commentator:
Magsitayo po ang lahat para sa pagtawag sa mga banal.

(Aawitin ang litanya. Matapos ang litanya, ang susunod ay darasalin ng pari.)

P: AMA NAMING MAKAPANGYARIHAN,
HALINA AT GAWIN MONG MAKAPILING NAMIN IKAW
NGAYONG ANG MULING PAGSILANG AY IPINAGDIRIWANG
SA PAGBIBINYAG
SA MGA BAGONG KAANIB NG IYONG SAMBAYANAN.
ISUGO MO ANG ESPIRITU NG IYONG PAGKUPKOP
UPANG ANG GINAGANAP
NAMING MAPAGKUMBABANG PAGLILINGKOD
AY MAGDULOT NG IYONG LUBUSANG KALOOB.
SA PAMAMAGITAN NI HESUKRISTO
KASAMA NG ESPIRITU SANTO
MAGPASAWALANG HANGGAN.
B: Amen.

14
15

PAGBABASBAS NG TUBIG
Ngayoy babasbasan ng pari ang tubig pambinyag. Ipahahayag niya ang panalangin nang
magkadaop ang mga kamay.

P: AMA NAMING MAKAPANGYARIHAN,
BAGAMAT NATATAGO SA AMING PANINGIN,
ANG KAPANGYARIHAN MONG MAGGAWAD NG IYONG BUHAY SA AMIN
AY INILALAHAD NG MGA PANANDA NG IYONG PAGLAGI
SA AMING PILING
ANUPAT ANG TUBIG NA IYONG NILIKHA
AY NAGING TAGAPAGPAHAYAG NG IYONG PAGPAPALA.

AMA NAMIN, NOONG ANG DAIGDIG AY IYONG LALANGIN,
ANG IYONG ESPIRITU AY LUMULUKOB NA SA TUBIG
BILANG SIMOY NG HANGIN UPANG
ANG KAKAYANAN NITONG BUMUHAY AY MAGING TAGAPAGDULOT
NG IYONG KABANALAN.

AMA NAMIN, ANG SANSINUKOB AY IYONG PANIBAGONG GINAWA
NOONG IPAHINTULOT NA MAGKAROON NG MALAKING BAHA
UPANG IPAHIWATIG NA ANG TUBIG AY MAY KATANGIAN
NA TUMAPOS SA KASAMAAN AT MAGPASIMULA NG KABUTIHAN.

AMA NAMIN, ANG MGA ANAK NI ABRAHAM AY PINATAWID MO
SA KARAGATAN NOONG SILAY PALAYAIN MO SA PAGKAALIPIN
SA EGIPTO UPANG IPAHIWATIG ANG MANGYAYARI
SA MGA BIBINYAGAN BILANG MGA KAANIB SA IYONG SAMBAYANAN.

AMA NAMIN, NILOOB MONG NOONG BINYAGAN NI JUAN SA ILOG
JORDAN ANG ANAK MO AY MAGANAP ANG PAGLUKOB SA KANYA NG
ESPIRITU SANTO. NILOOB MONG DUMALOY ANG DUGO AT TUBIG SA
SINIBAT NA PUSO NG ANAK MONG INIIBIG. NILOOB MONG MABUHAY
MULI ANG IYONG ANAK NG NAG-UTOS SA MGA ALAGAD:
HUMAYO KAYO AT GAWIN NINYONG ALAGAD KO ANG LAHAT NG
BANSA. BINYAGAN NINYO SILA SA NGALAN NG AMA AT NG ANAK AT
NG ESPIRITU SANTO.
MAGTAGLAY NAWA ITONG TUBIG NG PAGPAPALANG KALOOB NG
ESPIRITU SANTO NA IDINUDULOT NG MAHAL NA ANAK MO UPANG
ANG MGA TAO NA PAWANG NILIKHA AYON SA IYONG LARAWANG
DAKILA NGUNIT NASADLAK SA LUSAK NG KASALANAN AY
MAHUGASAN NGAYONG SILAY BIBINYAGAN PARA MAKABANGONG
TAGLAY ANG IYONG KALINISAN SA MULING PAGSILANG SA
TUBIG AT ESPIRITU SANTO BILANG MGA KAANIB NG IYONG ANGKAN.
Ilulubog ng pari nang tatlong beses ang kandila sa tubig habang sinasabi ang
susunod:
AMA NAMIN, INILULUHOG NAMIN SA IYO,
MANAOG NAWA SA TUBIG NA ITO
ANG KAPANGYARIHAN NG ESPIRITU SANTO

15
16

SA PAMAMAGITAN NI HESUKRISTO UPANG MAPUSPOS


NG IYONG ESPIRITU ITONG PAMBINYAG NA TUBIG.
Ang kandila ay hahawakan ng pari habang itoy nakatayo sa tubig.
AT SA GAYOY LAHAT NG NAKIKIISA SA KAMATAYAN NIYA
SA PAMAMAGITAN NG BINYAG AY MULING MABUHAY
NA SIYA RIN ANG KASAMA BILANG TAGAPAMAGITAN
KASAMA NG ESPIRITU SANTO MAGPASAWALANG HANGGAN.

B: Amen.

B: KAISA NG MGA BUKAL NG TUBIG SA SANLIBUTAN
BATIS, ILOG, KARAGATAN
AMING PINAPUPURIHAN
PAG-IBIG MONG WALANG HANGGAN!

PAGBIBINYAG AT PAGKUKUMPIL

Pagtatakwil sa Kasalanan

P: ________________, ITINATAKWIL MO BA SI SATANAS, ANG KANYANG
MGA GAWAIN, AT ANG KANYANG PANG-AAKIT?
____________: Opo, itinatakwil ko.

P: ITINATAKWIL MO BA ANG KANYANG MGA GAWAIN?
____________: Opo, itinatakwil ko.

P: ITINATAKWIL MO BA ANG KANYANG PANG-AAKIT?
____________: Opo, itinatakwil ko.

Pagpapahayag ng Pananampalataya

P: SUMASAMPALATAYA KA BA SA DIYOS AMANG
MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT NA MAY LIKHA NG LANGIT AT
LUPA?
____________: Opo, sumasampalataya ako.

P: SUMASAMPALATAYA KA BA KAY HESUKRISTO, IISANG ANAK NG
DIYOS, PANGINOON NATIN, IPINANGANAK NI SANTA MARIANG
BIRHEN, IPINAKO SA KRUS, NAMATAY, INILIBING, MULING
NABUHAY AT NALULUKLOK SA KANAN NG AMA?
____________: Opo, sumasampalataya ako.

P: SUMASAMPALATAYA KA BA SA ESPIRITU SANTO, SA BANAL NA
SIMBAHANG KATOLIKA, SA KASAMAHAN NG MGA BANAL, SA
KAPATAWATARAN NG MGA KASALANAN, SA MULING
PAGKABUHAY NG MGA NAMATAY, AT SA BUHAY NA WALANG
HANGGAN?
____________: Opo, sumasampalataya ako.

16
17


Bubuhusan ng tubig ang taong bibinyagan

P: _____________, IKAW AY AKING BINIBINYAGAN SA NGALAN NG
AMA, AT NG ANAK AT NG ESPIRITU SANTO.
____________: Amen.

Susuotan ngayon ng ninong at ninang ng puting damit pambinyag ang kanilang inaanak

P: ANG DAMIT PAMBINYAG AY TANDA NG MULING PAGSILANG
KAY KRISTO AT NG DAKILANG KARANGALAN NG MGA ANAK NG
DIYOS. NAWAY MANATILING WAGAS AT WALANG BAHID-
DUNGIS ANG IYONG KARANGALAN HANGGANG IYONG MATAMO
ANG BUHAY NA WALANG HANGGAN.
_____________: Amen.

Sisindihan ngayon ng ninong at ninang ang kandila mula sa Kandila ng Pasko ng
Pagkabuhay at iaabot ito sa kanilang inaanak.

P: ANG ILAW NA ITO AY TANDA NG LIWANAG NI KRISTO NA
TINANGGAP SA BINYAG. NAWAY MAG-ALAB ITO SA IYONG
PUSOT DIWA HANGGANG SA PAGBABALIK NI KRISTONG ATING
PANGINOON.
____________: Amen.

RITO NG PAGKUKUMPIL

Commentator
Ngayon naman ay igagawad ang Sakramento ng Kumpil kay _____________.

P: AMA NAMING MAKAPANGYARIHAN, MARAPATIN MONG ISUGO
SA AMIN ANG ESPIRITU SANTO AYON SA IPINANGAKO NG IYONG
ANAK. LIWANAGAN NAWA NIYA ANG AMING ISIPAN, AKAYIN
NAWA NIYA KAMI SA KATOTOHANAN SA PAMAMAGITAN NG
AMING PANGINOONG HESUKRISTO MAGPASAWALANG
HANGGAN.
B Amen.

PAGPAPATONG NG KAMAY

P: MGA KAPATID, NOONG BINYAGAN SI _______________, SIYAY
MULING ISINILANG: IPINAGKALOOB SA KANYA NG DIYOS ANG
KANYANG SARILING BUHAY KAYAT SIYAY NAGING ANAK NIYA.
IDALANGIN NATIN NGAYON SA DIYOS AMA NA IPAGKALOOB
NIYA SA KANYA ANG ESPIRITU SANTO UPANG SIYAY MAPUSPOS
NG KANYANG LAKAS AT BUNGA NG PAGPAPAPAHID NG BANAL
NA LANGIS AY MAGING HIGIT SIYANG KATULAD NI KRISTO, ANG
ANAK NG DIYOS.

17
18


Tahimik na dadalangin ang lahat. Ipapatong ng magkukumpil ang kanyang mga kamay sa
ulo ng kukumpilan. Siya lamang ang aawit o bibigkas ng sumusunod:

P O DIYOS NA MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT, AMA NI
HESUKRISTO NA AMING PANGINOON, SA PAMAMAGITAN NG
TUBIG AT NG ESPIRITU SANTO, HINANGO MO SA KASALANAN
ANG ANAK MONG ITO AT BINIGYAN MO SIYA NG PAKIKIHATI SA
IYONG BUHAY. SUGUIN MO SA KANYA NGAYON ANG ESPIRITU
SANTO, ANG MANG-AALIW, UPANG SIYANG MAGING LAKAS NIYA
AT PATNUBAY.

IPAGKALOOB MO NA SIYAY MAPUSPOS NG KARUNUNGAN AT
PANG-UNAWA, NA SIYAY MAGING MAKATWIRAN SA
PAGPAPASYA AT MANATILING MATIBAY ANG LOOB SA LAHAT
NG PAGKAKATAON.

PUSPUSIN MO SIYA NG KAALAMAN AT PAMIMITAGAN AT NG
BANAL NA PAGKATAKOT SA HARAP NG IYONG KADAKILAAN.

HINIHILING NAMIN ITO SA PAMAMAGITAN NI KRISTO NA
AMING PANGINOON MAGPASAWALANG HANGGAN.

B: Amen.

PAGPAPAHID NG LANGIS
Papahiran ng langis pakrus sa noo ang kukumpilan.

P: ______________, TANGGAPIN MO ANG TATAK NA KALOOB NG
ESPIRITU SANTO.
____________: Amen.

P: SUMAIYO ANG KAPAYAPAAN.
____________: At sumaiyo rin.


PAGSARIWA NG PANGAKO SA PAGBIBINYAG

Tatayo ang lahat.

Commentator: Ngayon po ay ating sasariwain ang pangako natin sa binyag.
(Iikot ang ilang akolito upang sindihan ang mga kandila ng mga tao.)

P: MGA KAPATID,
SA MISTERYO NG PASKO NG PAGKAMATAY
AT PAGKABUHAY NI KRISTO,
TAYOY NALIBING KASAMA NIYA NOONG
TAYOY BINYAGAN UPANG KASAMA RIN NIYA

18
19

TAYOY MAKABANGON AT MAKAPAGBAGONG-BUHAY.


NAGANAP NA NATIN ANG APATNAPUNG ARAW NA PAGHAHANDA,
KAYAT SARIWAIN NATIN NGAYON
ANG ATING PANGAKO SA PAGBIBINYAG.
TALIKDAN NATIN ANG KASAMAAN AT KASALANAN.
HARAPIN NATIN ANG MATAPAT NA PAGLILINGKOD SA DIYOS
BILANG MGA MAAASAHANG KAANIB
NG KANYANG BANAL NA SIMBAHANG KATOLIKA.

KUNG KAYOY MAKAPANGANGAKONG TATALIKOD
SA LAHAT NG HADLANG SA KATUPARAN NG PANUKALA NG DIYOS
UPANG KAYOY MAKAPAMUHAY
BILANG MATAPAT AT MAAASAHANG KAANIB NG KANYANG ANGKAN,
PAKISAGOT NINYO ITONG TATLONG KATANUNGAN.

PARA KAYO MAKAPAMUHAY
BILANG MGA MALAYANG ANAK NG DIYOS,
ANG KASALANAN AY ITINATAKWIL BA NINYO?

B: Opo, itinatakwil namin.

P: PARA KAYOY HUWAG MAPAILALIM SA KASALANAN, ANG KAAKIT-
AKIT NA TUKSO NG KASAMAAN AY ITINATAKWIL BA NINYO?

B: Opo, itinatakwil namin.

P: SI SATANAS NA PINANGGAGALINGAN
NG KASALANAN AT PINUNO NG KADILIMAN
AY ITINATAKWIL BA NINYO?

B: Opo, itinatakwil namin.

P: NGAYON NAMAY ATING HARAPIN ANG ATING PANANAMPALATAYA.
KUNG KAYOY MAKAPANGANGAKONG MAGSISIKAP MAMUHAY
BILANG MGA IKINARARANGAL NA ANAK NG DIYOS AMA,
KUNG TUTULARAN NINYO SIYA SA KANYANG KABUTIHAN,
PAGMAMAHAL SA LAHAT,
AT PAGMAMALASAKIT PARA SA PANGKALAHATANG KAPAKANAN,
PAKISAGOT NINYO ANG KATANUNGANG ITO:
SA DIYOS AMANG MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT
AT LUMIKHA NG LANGIT AT LUPA, KAYO BA AY SUMASAMPALATAYA?

B: Opo, sumasampalataya kami.

P KUNG KAYOY MAKAPANGANGAKONG MAGSISIKAP MAMUHAY
BILANG MGA TUNAY NA KAPATID NG PANGINOONG HESUS,
KUNG GAGAWIN NINYONG SIMULAIN SA BUHAY ANG KANYANG
KATWIRAN, KATARUNGAN, AT PAGLILINGKOD SA LAHAT

19
20

ALINSUNOD SA KANYANG PAGMAMAHAL,


PAKISAGOT NINYO ANG KATANUNGANG ITO:
SA IISANG ANAK NG DIYOS, ANG ATING PANGINOONG HESUKRISTO,
NA IPINANGANAK NI SANTA MARIANG BIRHEN, IPINAKO SA KRUS,
NAMATAY, INILIBING, MULING NABUHAY
AT NALULUKLOK SA KANAN NG AMA,
KAYO BA AY SUMASAMPALATAYA?

B: Opo, sumasampalataya kami.

P KUNG KAYOY MAKAPANGANGAKONG SUSUNOD
SA PATNUBAY NG ESPIRITU SANTO
AT KUNG SISIKAPIN NINYONG MAPAUNLAD
ANG KALOOB NIYANG BUHAY AT PAGMAMAHAL
UPANG MAGING MGA MAIPAGMAMALAKING ANAK NG DIYOS AMA
AT KAPATID NG PANGINOONG HESUS,
PAKISAGOT NINYO ANG KATANUNGANG ITO:
SA ESPIRITU SANTO, SA BANAL NA SIMBAHANG KATOLIKA,
SA KASAMAHAN NG MGA BANAL,
SA KAPATAWARAN NG MGA KASALANAN,
SA MULING PAGKABUHAY NG MGA NAMATAY,
AT SA BUHAY NA WALANG HANGGAN,
KAYO BA AY SUMASAMPALATAYA?

B: Opo, sumasampalataya kami.

P BUNGA NG PAGMAMAHAL NG DIYOS
NA MAKAPANGYARIHANG AMA
NG ATING PANGINOONG HESUKRISTO,
TAYO AY PINATAWAD SA ATING KASALANAN
NOONG TAYOY MULING ISILANG
SA TUBIG AT ESPIRITU SANTO.
TULUNGAN NAWA NIYA TAYONG
MAMALAGING TAPAT SA ATING PANGINOONG HESUKRISTO
NGAYON AT MAGPASAWALANG HANGGAN.

B: Amen.

(Iikot ang mga pari at lay ministers sa mga tao upang magbasbas. Habang isinasagawa ang
pagbabasbas ay aawit ang Koro ng angkop na awit tulad ng Isang Pananampalataya.
Matapos ang pagwiwisik ay papatayin ang sindi ng kandila. Hindi na sasambitin ang
Sumasampalataya dahil sa rito ng Pagsasariwa ng Pangako sa Binyag.)

Samantala, ang bagong bininyagan ay ihahatid sa lugar kaisa ng sambayanan.


Panalangin ng Bayan
(HANGO SA SAMBUHAY)

20
21

IKAAPAT NA YUGTO: PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN



Pag-aalay
Awit ng Pag-aalay

Paghahain ng mga Alay

(Kasama sa paghahain ng mga alay ang pagtanggap sa langis para sa may sakit, at ang
krisma. Uunahin sa pag-aalay ang linen ng altar at mga bulaklak. Isasaayos ang lahat
pagdating sa dambana)

P: MANALANGIN KAYO MGA KAPATID
UPANG ANG ATING PAGHAHAIN
AY MAGING KALUGOD-LUGOD SA DIYOS
AMANG MAKAPANGYARIHAN.

B Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong mga kamay sa
kapurihan niyat karangalan, sa ating kapakinabangan at sa buong
sambayanan niyang banal.

Panalangin ukol sa mga Alay

P: AMA NAMING LUMIKHA,
TANGGAPIN MO ANG AMING MGA PANALANGIN
NA SUMASALIW SA AMING PAGHAHAIN
UPANG SA NAGSIMULANG PASKO NG PAGKABUHAY
KAMIY ITAGUYOD NITO SA KAGALINGANG
WALANG KATAPUSAN SA PAMAMAGITAN NI HESUKRISTO
KASAMA NG ESPIRITU SANTO MAGPASAWALANG HANGGAN.
B: Amen

Prepasyo sa Pasko ng Pagkabuhay

Santo, Santo, Santo (aawitin)

Mga Panalangin ng Pagpupuri at Pagpapasalamat

Ang Pakikinabang

Ama Namin (aawitin)

P: Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni Hesus na Panginoon
natin at Diyos, ipahayag natin nang lakas-loob.

B: (awit) AMA NAMIN

21
22

P: HINIHILING NAMIN KAMIY IADYA SA LAHAT NG MASAMA,


PAGKALOOBAN NG KAPAYAPAAN ARAW-ARAW,
ILIGTAS SA KASALANAN AT ILAYO SA LAHAT NG KAPAHAMAKAN,
SAMANTALANG AMING PINANANABIKAN
ANG DAKILANG ARAW NG PAGPAPAHAYAG
NG TAGAPAGLIGTAS NAMING SI HESUKRISTO.

B: Sapagkat sa iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan at ang kapurihan,
magpakailan man. Amen.


Panalangin para sa Kapayapaan

P: PANGINOONG HESUKRISTO,
SINABI MO SA IYONG MGA APOSTOL:
KAPAYAPAAN ANG INIIWAN KO SA INYO.
ANG AKING KAPAYAPAAN ANG IBINIBIGAY KO SA INYO.
TUNGHAYAN MO ANG AMING PANANAMPALATAYA
AT HUWAG ANG AMING PAGKAKASALA.
PAGKALOOBAN MO KAMI NG KAPAYAPAAN AT PAGKAKAISA
AYON SA IYONG KALOOBAN
KASAMA NG ESPIRITU SANTO MAGPASAWALANG HANGGAN.

B: Amen.

P: ANG KAPAYAPAAN NG PANGINOON AY LAGING SUMAINYO.
B: At sumaiyo rin.
P: MAGBIGAYAN KAYO NG KAPAYAPAAN SA ISAT-ISA.

Kordero ng Diyos (aawitin)

Paanyaya sa Pakikinabang

P: ITO ANG KORDERO NG DIYOS. ITO ANG NAG-AALIS NG KASALANAN NG
SANLIBUTAN. MAPALAD ANG MGA INAANYAYAHAN SA KANYANG
PIGING.
B Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo ngunit sa
isang salita mo lamang ay gagaling na ako.

Pakikinabang







22
23

Panalangin Pagkapakinabang

P AMA NAMING MAPAGMAHAL,
PADALUYIN MO SA AMIN ANG BATIS NG ESPIRITU NG IYONG PAG-IBIG,
UPANG KAMING PINAPAGSALO MO
SA PIGING NG PASKO NG PAGKABUHAY NI KRISTO
AY MAGKAISA SA PANANALIG SA IYO
SA PAMAMAGITAN NIYA KASAMA NG ESPIRITU SANTO
MAGPASAWALANG HANGGAN.

B Amen.

Paghayo sa Pagwawakas

P: SUMAINYO ANG PANGINOON.
B: At sumaiyo rin.
P: YUMUKO KAYOT HINGIN ANG PAGPAPALA NG DIYOS.

SA DAKILANG KAPISTAHANG ITO
NG PASKO NG MULING PAGKABUHAY NI HESUKRISTO
KAYO NAWAY PAGPALAIN NG MAKAPANGYARIHANG
DIYOS AT SA TANANG KASALANAN
AY KANYA NAWANG IPAGSANGGALANG
KAYONG NAGDIRIWANG NGAYON AT MAGPASAWALANG HANGGAN.
B: Amen.

P: SA PAMAMAGITAN NG MULING PAGKABUHAY NI HESUKRISTO,
PINAGKALOOBAN KAYO NG DIYOS NG KAGALINGAN AT KALIGTASAN.
PUSPUSIN NAWA NIYA KAYO NG KAWALANG-KAMATAYAN NGAYON
AT MAGPASAWALANG-HANGGAN.
B: Amen.

P: MATAPOS IPAGDALAMHATI ANG PAGPAPASAKIT NI HESUKRISTO,
IPINAGDIRIWANG NGAYON ANG MALIGAYANG PASKO NG
PAGKABUHAY NG MGA TAO.
PASAPITIN NAWA NIYA KAYO SA KAGALAKAN
NG KANYANG KAPISTAHAN SA KALANGITAN
MAGPASAWALANG HANGGAN.
B: Amen

P: PAGPALAIN KAYO NG MAKAPANGYARIHANG DIYOS,
AMA AT ANAK AT ESPIRITU SANTO.
B: Amen

P: TAGLAYIN NINYO SA INYONG PAG-ALIS ANG KAPAYAPAAN NI KRISTO,
ALELUYA ! ALELUYA!

B: Salamat sa Diyos, Aleluya! Aleluya!

23

You might also like