You are on page 1of 23

VIA MATRIS o ANG ESTACION NG PITONG HAPIS NG

NAMIMIGHATI at NANGUNGULILANG INA NG DIYOS


La Dolorossisima Virgen de la Soledad
PANIMULANG MGA PANANALITA
Ang layunin ng pagdedebosyon sa Pitong Hapis ay upang maitaguyod ang pakikiisa
sa mga paghihirap ni Kristo sa kasamahan ng natatanging paghihirap at hapis na
pinagtiisan ng Mahal na Birhen bilang Ina ng Diyos. Sa pamamagitan ng pakikiisa sa
Mahal na Pasyón ni Kristo at sa mga paghihirap at hapis ng Kanyang Mahal na Ina,
pinararangalan natin Siya at ang matimyas Niyang pag-ibig sa atin sapagka’t ating
dinarakila din ang Kanyang Ina.
Ang Pitong Hapis ay hango sa mga kaganapan sa Banal na Kasulatan at ang
pagdedebosyong ito ay may mahaba nang kasaysayan, datapwa’t ito’y opisyal na
inihayag ng Simbahan noong simula ng ika-19 na siglo. Bago pa man pinahintulutan
ni Papa Pio VII, ang Orden ng mga Servita ay pinahintulutan na noong 1668 upang
ipagdiwang ang kapistahan ng Pitong Hapis sapagka’t ang ordeng ito ang
nagpasimula’t nagpalaganap nito.
Noong unang panahon, ang theologia ng Simbahang Katoliko ay tumuon sa Mahal na
Pasyón ni Kristo bilang tauhan ng hapis, ngunit ang mga mananampalataya ay laging
inaalala ang Reyna ng mga Martir. Ang debosyon sa Kristong nakapako at sa Birhen
ng hapis ay yumabong na magkasama. Sa Kalbaryo, wari ba’y makikita ang
dalawang altar, ang isa ay sa katauhan ni Hesus at ang isa ay sa Kalinis-linisang
nagdadalamhating puso ni Maria. Itinanghal ni Kristo ang sarili niyang katawan,
habang kay Maria nama’y ang Kanyang puso at kaluluwa. Tuwing, ika-15 ng
Setyembre, isang araw matapos ng sinaunang kapistahan ng Banal na Krus, ang
Simbahan ay inaalala ang pagkikiramay kay Maria; ngunit nararapat din na minsan sa
isang taon, lalo’t higit tuwing kuwaresma, ay ating dakilain ang mga hapis ni Maria.
Hindi nabanggit si Maria sa mga salaysay sa Ebanghelyo ukol sa Pagbabagong anyo
ni Kristo, sa Kanyang pagpasok sa Herusalem, ngunit Siya ay binanggit na
nakatanghal sa Kalbaryo. Kanyang naintindihan ang kalooban ng Diyos at Siya ay
naging tapat at nakiisa sa Kanyang Anak bilang kasalo sa pagliligtas ni Kristo sa
santinakpan. Kanyang inihanda ang handog na si Kristo, at sa altar ng Kalbaryo,
Kanya itong inialay ng buong puso.
Sinabi sa Ebanghelyo ni San Juan (19:25): “Malapit sa Krus ni Hesus, nakatayo ang
Kanyang Ina, ang Kapatid ng Kanyang Ina na si Maria, asawa ni Cleopas, at si
Maria Magdalena.” Sa kahilingan ni Kristo, inihayag si Maria bilang Ina ng buong
mundo, ng sangkatauhan mula sa Kanyang Krus.
May tatlong iniibig si Maria sa Kanyang kalinis-linisang puso: ang Diyos, ang
Kanyang Anak na si Hesus at ang mga kaluluwa. Mahal Niya ang mundo kung kaya’t
inialay Niya ang Kanyang nag-iisang Anak. Gaya ng sinabi ni San Bernardo, “Hindi
maaabot ng tabak si Hesus kung hindi ito tumarak sa puso ni Maria.” Minahal ni

2
Maria ang mga kaluluwa at sa Kalbaryo, matapos maghirap sa matinding hinagpis at
pagdurusa, Siya ay nararapat lamang maging Ina ng sangkatauhan.
Si Maria ay alagad dahil Siya ay kasalo ni Kristo sa pagtubos sa buong daigdig:
Masdan si Maria sa kalbaryo; Siya na naghihirap, tigib ng hapis at nananalangin; Siya
na nakatayo, bilang isang isang sakripisyong handog.
Sinabi ni San Ambrosio, “Aking nabasa na Siya’y tumayo ngunit hindi ko nabasa na
Siya ay tumangis.” Nang ibigay ni Maria ang Kanyang nag-iisang Anak sa atin,
ibinigay Niya ang lahat sa Kanya. Samakatuwid, maaari nating sabihing: “Masdan
yaring pusong nagmahal ng dakila at lubusan sa sangkatauhan na walang inilaan
para sa kanila.”
Ang Pitong Biyaya ng Pagdedebosyon sa Pitong Hapis ng Mahal na Birhen na
ayon sa sinabi ng Mahal na Ina kay Sta. Brigida.
1. Bibigyan Ko ng kapayapaan ang kanilang mga pamilya.
2. Sila’y maliliwanagan ukol sa mga misterio ng Diyos.
3. Sila’y Aking aaliwin sa kanilang mga paghihirap at sila’y sasamahan
Ko sa kanilang mga gawain.
4. Ibibigay Ko ang anumang kanilang hilingin kung ito’y hindi
sumasalungat o hindi naaayon sa kalooban ng Aking mahal na Anak o
higit na ikagagaling ng kanilang kaluluwa.
5. Sila’y Aking ipagtatanggol sa mga pakikibaka ng kanilang kaluluwa
mula sa demonyo at sila’y aking ipagsasanggalang sa bawat oras ng
kanilang buhay.
6. Sila’y lantaran Kong tutulungan sa oras ng kanilang kamatayan,
kanilang makikita ang mukha ng kanilang Ina.
7. Hiniling Ko mula sa Aking mahal na Anak ang biyaya para sa mga
nagpapalaganap ng debosyong ito sa Aking mga luha at hapis, na sila ay
tuwirang hanguin mula sa buhay na ito patungo sa walang hanggang
kaligayahan sapagka’t ang lahat ng kanilang kasalanan ay patatawarin at
Ako at ang Aking Anak ay kanilang magiging walang katapusang
kaaliwan at katuwaan.
Mga Kapakinabangan ng pagdedebosyon sa Ina ng Hapis.
1. Ang matanto ang halaga ng kaluluwa, na pinagindapat sa pinakamataas
na alay sa Kalbaryo.
2. Ang kumilos para sa mga kaluluwa sa pamamagitan ng pangangaral ng
at pagpapakalat sa Salita ng Diyos, pagganap sa mga tungkulin sa buhay
at ang pananalangin para sa mga makasalanan.
3. Ang palagiang pananalangin sa buhay na kaisa ng Diyos; ang sinumang
may pusong katulad ng mga puso ni Hesus at Maria, ay kikilos para sa
ikaliligtas ng mga kaluluwa.
3
Sa tuwing tayo’y nagkakasala, tayo’y nagbibigay ng kalungkutan sa Mahal na Birhen,
dahil Siya ay tunay nating Ina, at tayo’y kanyang binabantayan at ginagabayan tulad
ng ginawa Niya sa Kanyang Anak, dalawang libong taon ng nakalilipas.

Ninanais ni Hesus na ating alalahanin ang Kanyang Mahal na Pasyón, ialay sa Kanya
ang ating debosyon at sa tuwina’y pagpanibaguhin ang pagtitika sa ating mga
kasalanan. Ninanais rin Niya, gaya ng nililinaw ng Simbahan sa ating lahat, na dapat
din nating alalahanin ang habag kay Maria sa Kanyang Pasyón.

Sa Librong: "Las Glorias de Maria" ni San Alfonso Maria de Ligorio, ay


mababasa ang sumusunod:
Inihayag mismo ni Hesus sa lubhang banal na si Mónica ng Binasco, na ikinasasaya
Niya na makita ang awang nararamdaman para sa kanyang Ina at Kanyang sinabi na:
“Ipinagpapasalamat Ko ang mga luhang tumutulo para sa Aking Payón, subali’t
dahil sa masidhi Kong pagmamahal sa Aking Ina, ang pagbubulay-bulay sa Kanyang
mga hapis sa Aking kamatayan ay sukdulan Kong ikinasasaya.”
Sa gayon, ang mga biyayang ipinangako ni Hesus sa mga deboto ng mga hapis ni
Maria ay tunay na dakila. Ayon kay Pelbarto, inihayag kay Sta. Isabel, na si San
Juan, matapos ang pag-akyat ni Maria sa langit, ay lubusang nagnais na makita Siya,
na siyang biyaya ay ibinigay ng magpakita sa Kanya ang Mahal na Ina at si Hesus.
Dito, narinig niya mula kay Maria ang paghingi mula sa Kanyang Mahal na Anak ng
mga natatanging biyaya para sa mga deboto ng Kanyang mga hapis. Kung kaya’t
ipinangako ni Hesus ang mga sumusunod na biyaya sa kanya:
1. Ang sinumang tumawag sa Mahal na Ina ng Diyos na inaalala ang
Kanyang mga hapis, ay magtatamo ng biyaya ng tunay na kapatawaran
mula sa kaniyang mga kasalanan.
2. Sila ay aaliwin ng Mahal na Birhen sa lahat ng kanilang mga kahirapan
lalong lalo na sa oras ng kamatayan.
3. Ang ala-ala ng Kanyang Mahal na Pasyón ay laging mananatili sa
kanilang kaluluwa at sila ay gagantimpalaan sa langit.
4. Ang mga debotong ito ay lubusang inihahabilin kay Maria, kung kaya’t
sa Kanya magmumula ang kapasiyahan sa pagdulot ng mga biyayang
Kanyang ninanais na ipagkaloob sa kanila, sang-ayon sa kanilang
kaaliwan sa Kanya.

4
VIA MATRIS
NG NAMIMIGHATI at NANGUNGULILANG INA NG DIYOS

Pambungad na Awitin:
Panalangin sa Mahal na Birhen mula sa Pasyong Mahal

namumuno: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.


bayan: Amen.

PAMBUNGAD NA MGA PANALANGIN SA ARAW-ARAW


namumuno: O Panginoong Diyos,
namumuno at bayan:
Muli kaming dumudulog sa Iyo upang ihain ang aming mga
panalangin. Maraming ulit na kaming lumapit sa Iyo at sa
bawat pagkakataong iyon lalo lamang nadadagdagan ang
aming pananampalataya na Ikaw nga ang Diyos ng pag-ibig at
buhay.

Gayunpaman, maraming ulit din na kami ay nakakalimot na


tumawag sa Iyo. Nakakalimot na magmahal sa aming kapwa.
Nakakalimot na tumupad sa aming mga pangako.
Nakakalimot humingi ng tawad at magbigay ng patawad sa
iba. Nakakalimot magpasalamat sa mga biyayang aming
tinatanggap. Subalit sa lahat ng mga pagkakataong ito,
nariyan Ka pa rin O Panginoon upang lagi kaming
paalalahanan na narito Ka lamang at laging handa na kami ay
muling tanggapin kung kami lamang ay magbabalik sa Iyo.

Sa pamamagitan ng pagninilay sa Pitong Hapis ng Mahal na


Virgen, lalung-lalo na sa pagninilay na ito sa karangalan ng
Ina ng aming Panginoong Jesucristo, Nuestra Senora de los
Dolores, nawa’y matagpuan Ka namin sa aming buhay gaya
ng pagkatagpo sa Iyo ng Mahal na Virgen sa bawat yugto ng
kanyang buhay at makilalala nawa namin ang Iyong
kapangyarihan upang lagi naming maisapuso na Ikaw nga ang
Emmanuel — ang Diyos na kaisa namin — ngayon at
magpakailanman. Amen.

5
PAGSISISI
namumuno: Nahahapis na Ina,
namumuno at bayan: Nababatid namin ang walang katulad na kalungkutan at
sama ng loob na dulot ng tatlong araw na pagkakalayo sa Iyo
ng Iyong Anak na si Hesus, nang Siya ay mamatay at ilibing
upang kami ay mahango at magsisi sa aming mga kasalanan.

Pinagsisisihan namin ang lahat at alin mang kasalanang


nagawa namin at nanaisin pa namin ang mamatay muna bago
muli kaming magkasala sa kanya. Mula ngayon, Mahal Na
Ina, kami ay nangangakong magsusumikap na
makapagbagong-buhay at tuloy maiwasan ang mga kasalanan
sa tulong ng Iyong Anak na dahil sa amin ay hindi natakot na
magpakasakit at mamatay. Hinihiling rin namin, Mahal na
Ina, na nawa’y matanggap namin ang mga biyayang ito alang-
alang sa Iyong mga dinanas na pagpapakasakit. Siya nawa.

PAKIKIRAMAY SA MAHAL NA INANG BIRHEN


SA KATAHIMIKAN NG KANYANG PAG-IISA
namumuno: Namimighating Ina,
namumuno at bayan: Pahintulutan mo kaming manatili sa Iyong harapan,
bagamat nalalaman naming kami’y hindi karapat-dapat
sapagka’t kami ang dahilan ng Iyong mga kalungkutan.
Minamahal na Ina ng mga makasalanan, dinggin mo kami sa
aming pagsisisi at paghingi ng tawad. Patuloy mong
patnubayan ang Inang Simbahan sa Kanyang mga tungkulin
at alalahanin mo rin ang mga kaluluwang naghihintay ng
pagpapala sa purgatoryo. Nawa’y mapabilang kami sa Iyong
mga tapat na lingkod na nakikiisa sa Iyong kalungkutan
upang mabago ang masama naming buhay. Tulungan mo
kami sa habang panahon lalung-lalo na sa oras ng kamatayan
upang magpuri at magpasalamat sa Iyo at sa kamahal-
mahalan mong Anak magpasawalang hanggan. Siya nawa.
(Pansumandaling Katahimikan ---
Maaaring maglapat ng musika para sa mas taimtim na pagbubulay-bulay)

6
PRIMER DOLOR
LA PROFECÍA DE SIMEÓN EN LA PRESENTACIÓN DEL NIÑO JESÚS
namumuno:
Ang Unang Sákit sa Kalinislinisan at Nagdadalamhating Puso ni María:
ANG PAMAMAHAYAG NG BANAL NA SIMEÓN
SA PAGHAHAIN SA BATANG HESUS SA TEMPLO
namumuno: Pagbasa mula sa Ebanghelyo ayon kay San Lucas.
bayan: PAPURI SA IYO, O PANGINOON. + + +
namumuno: “Namangha ang ama’t ina ng sanggol sa sinabi ni Simeón tungkol
sa Kanya. Binasbasan sila ni Simeón at sinabi kay María: ‘Tandaan mo,
ang batang ito’y nakatalaga, sa ikapapahamak o ikaliligtas ng marami sa
Israel, isang tanda mula sa Diyos ngunit hahamakin ng marami kaya’t
mahahayag ang kanilang iniisip. Dahil diyan, ang puso mo’y para na
ring tinarakan ng isang puñal’” (San Lucas 2:33-35)
namumuno: Ito ang mabuting balita ng ating kaligtasan.
bayan: PINUPURI KA NAMIN PANGINOONG HESUKRISTO.
(sandaling katahimikan)
namumuno: O nahahapis na Ina, Kabanal-banalang Virgen, Maria Santisima
bayan: Ibig naming makiisa, Mahal na Señora, sa sákit mo nang hinulaan
ni Simeón ang puso mo’y magiging hantungan ng mga hirap ng
mahal mong Anak. Alang-alang sa sákit na ito ay matutunan nawa
naming harapin ang mga pagsubok na taglay ang paniniwala na sa
dulo ng lahat ng ito ay naghihintay ang gantimpalang inilalaan ng
Diyos para sa mga taong kinalulugdan Niya.
DALIT
namumuno: Simeon ay bakit kaya, bayan: Maria Santisima,
iyong hinulaang bigla nahahapis na ina sa
yaong kamatayang dusta ami’y igawad and buhay
ni Hesus Haring dakila na mapalad.
laking hirap ang sa Ina.

(sandaling katahimikan)

7
namumuno: Aba Ginoong María, napupuno ka ng hapis, ang nagpakasákit na ipinako
sa cruz ay sumasaiyo, bukod Kang namighati sa babaeng lahat at tanging
kaisa Ka naman sa Mahal na Pasión ng Iyong Anak na si Jesús.

bayan: Santa María, Ina ng Manunubos, bahaginan mo kami ng iyong


pagpapakasákit. Ipanalangin mo kaming mga makasalanan na
naging dahilan ng pagkapako Niya sa cruz, ngayon at sa oras ng
aming kamatayan. Amen.

namumuno: Oh katamis-tamisang Virgen Dolorosa, aming Ina at Reina,

bayan: Nawa’y kami’y matulad sa Iyong pananampalataya, pag-asa at pag-


ibig na sadyang kay tatag!

SEGUNDO DOLOR
LA PERSECUCIÓN DE HERODES Y LA HUIDA A EGIPTO CON JESÚS Y JOSÉ

namumuno: Ang Ikalawang Sákit sa Kalinislinisan at Nagdadalamhating Puso ni María:


ANG PAGLISAN NG BANAL NA PAMILYA PATUNGONG EGIPTO
DAHIL SA PAGTUGIS NI HERODES
namumuno: Pagbasa mula sa Ebanghelyo ayon kay San Mateo.
bayan: PAPURI SA IYO, O PANGINOON. + + +
namumuno: “Pagka-alis ng mga Pantas, nagpakita at nagsabi kay José sa panaginip ang
isang ángel ng Panginoon: ‘Magbangon ka, dalhin mo agad sa Egipto ang
mag-ina… sapagkat hahanapin ni Herodes ang sanggol upang patayin.’
Kaya dali-daling bumangon si José at nang gabing iyo’y dinala sa Egipto
ang mag-ina. Nangyari ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa

8
pamamagitan ng propeta, ‘Tinawag Ko ang Aking Anak mula sa Egipto’”
(San Mateo 2:13-15)
namumuno: Ito ang mabuting balita ng ating kaligtasan.
bayan: PINUPURI KA NAMIN PANGINOONG HESUKRISTO.
(sandaling katahimikan)
namumuno: O nahahapis na Ina, Kabanal-banalang Virgen, Maria Santisima
bayan: Ibig naming makiisa, Mahal na Señora, sa sákit, pagod at
kakulangang nadama mo nang Kayo ay naglakbay at manirahan sa
Ehipto. Alang-alang sa sákit na ito ay ituro mo sa amin na maging
matapat sa Diyos sa pagtupad sa Kanyang mga kautusan. Maging
tulad mo nawa kami na matapat hindi lamang dahil sa udyok ng
kautusan kundi dahil ito ay udyok ng pagmamahal.

DALIT
namumuno: Laking sindak ang tumimo
sa dalisay mong puso
sa pag-uusig nuong puno,
Herodes haring palalo.
Pinalagak sa Ehipto.
(sandaling katahimikan)
namumuno: Ngayo’y matahimik nating idulog sa Diyos ang ating mga pansariling
kahilingan sa tulong ng panalangin ng Ina ng Diyos- ang NUESTRA
SENORA DE LOS DOLORES.

namumuno: Aba Ginoong María, napupuno ka ng hapis, ang nagpakasákit na ipinako


sa cruz ay sumasaiyo, bukod Kang namighati sa babaeng lahat at tanging
kaisa Ka naman sa Mahal na Pasión ng Iyong Anak na si Jesús.

bayan: Santa María, Ina ng Manunubos, bahaginan mo kami ng iyong


pagpapakasákit. Ipanalangin mo kaming mga makasalanan na
naging dahilan ng pagkapako Niya sa cruz, ngayon at sa oras ng
aming kamatayan. Amen.

namumuno: Oh katamis-tamisang Virgen Dolorosa, aming Ina at Reina,

bayan: Nawa’y kami’y matulad sa Iyong pananampalataya, pag-asa at pag-


ibig na sadyang kay tatag!
9
TERCER DOLOR
JESÚS PERDIDO EN EL TEMPLO, POR TRES DÍAS
namumuno: Ang Ikatlong Sákit sa Kalinislinisan at Nagdadalamhating Puso ni María:
ANG PAGKAWALA NG BATANG HESÚS SA TEMPLO SA LOOB NG TATLONG ARAW
namumuno: Pagbasa mula sa Ebanghelyo ayon kay San Lucas.
bayan: PAPURI SA IYO, O PANGINOON. + + +
namumuno: “Pagkatapos ng Pista ng Pascua, sila’y umuwi na. Nang malamang hindi
nila kasama si Jesús, bumalik sila sa Jerusalén. Nang ikatlong araw,
natagpuan nila si Jesús sa templo, nakaupong kasama ng mga guro.
Nakikinig Siya sa kanila at nagtatanong; at ang lahat ng nakarinig sa Kanya
ay namangha sa Kanyang katalinuahan, sinabi ng Kanyang Ina, ‘Anak,
bakit naman ganyan ang ginawa Mo sa amin? Balisang-balisa na kami ng
Iyong ama sa paghahanap sa Iyo.’ Sumagot Siya, ‘Bakit po ninyo Ako
hinahanap? Hindi ba ninyo alam na Ako’y dapat na nasa bahay ng Aking
Ama’” (San Lucas 2:43-49)
namumuno: Ito ang mabuting balita ng ating kaligtasan.
bayan: PINUPURI KA NAMIN PANGINOONG HESUKRISTO.
(sandaling katahimikan)
namumuno: O nahahapis na Ina, Kabanal-banalang Virgen, Maria Santisima
bayan: Ibig naming makiisa, Mahal na Señora, sa sákit na nadama mo
noong mawala ng tatlong araw ang Iyong Anak na si Hesús sa
templo sa Herusalem. Ibigay mo sa amin alang-alang sa sákit na ito
ang katatagan upang manatili kaming mabubuting Kristiyano at ang
masaganang luha ng pagsisisi sa aming mga kasalanan na siyang
sanhi ng pagkakalayo naming sa Diyos. Turuan mo kaming
pahalagahan ang aming pananampalataya at pagsisihan ang aming
mga kasalanan nang kami ay di mawalay sa Iyong Anak.

10
DALIT
namumuno: Sa mata mo ay bumaha bayan: Maria Santisima,
isang dagat na luha nahahapis na ina sa
nang si Hesus ay mawala, ami’y igawad and
ang pagod ay di sapala: buhay na mapalad.
dibdib Mo’y halos mawalat

(sandaling katahimikan)
namumuno: Ngayo’y matahimik nating idulog sa Diyos ang ating mga pansariling
kahilingan sa tulong ng panalangin ng Ina ng Diyos- ang NUESTRA
SENORA DE LOS DOLORES

namumuno: Aba Ginoong María, napupuno ka ng hapis, ang nagpakasákit na ipinako


sa cruz ay sumasaiyo, bukod Kang namighati sa babaeng lahat at tanging
kaisa Ka naman sa Mahal na Pasión ng Iyong Anak na si Jesús.

bayan: Santa María, Ina ng Manunubos, bahaginan mo kami ng iyong


pagpapakasákit. Ipanalangin mo kaming mga makasalanan na
naging dahilan ng pagkapako Niya sa cruz, ngayon at sa oras ng
aming kamatayan. Amen.

namumuno: Oh katamis-tamisang Virgen Dolorosa, aming Ina at Reina,


bayan: Nawa’y kami’y matulad sa Iyong pananampalataya, pag-asa at pag-
ibig na sadyang kay tatag!

11
CUARTO DOLOR
EL ENCUENTRO DE JESÚS CON LA CRUZ A CUESTAS CAMINO DEL CALVARIO

namumuno: Ang Ika-Apat na Sákit sa Kalinislinisan at Nagdadalamhating Puso ni María:


ANG PAGKASALUBONG NI MARÍA SA KANYANG ANAK
NA SI JESÚS NA PASAN ANG CRUZ PATUNGO SA CALVARIO
namumuno: “Nang ilakad ang aking Anak na pasan ang cruz, nakiusap ako kay Juan na
dalhin ako sa Kanyang daraanan. Nang makita ko Siya, para Siyang lulubog
sa pagpapasan ng cruz, at ang Kanyang ulo ay nakalupaypay sa Kanyang
mga balikat sa hirap. Ang kanyang duguan at malamlam na mga mata ay
tumingin sa akin ng may matinding pagkahabag. Sa aking dalamhati at pag-
ibig ay nakalimutan ko ang mga kawal. Ang tangi kong nakita ay ang aking
naghihirap na Anak. Sumugod ako sa Kanya… Niyakap ko Siya ng
mahigpit at buong puso… Kaguluhan ang sumunod. Ang mga pinuno ay
nagbigay ng utos sa mga kawal, habang ako’y inaalis ni Juan at ng aming
mga kaibigan sa tabi ni Jesús. Pagkatapos, sinundan namin ang aking Anak
sa Kanyang malungkot na daan tungo sa Calvario.” (Pahayag ng Mahal na
Virgen kay Santa Brígida ng Sweden)
(sandaling katahimikan)
namumuno: O nahahapis na Ina, Kabanal-banalang Virgen, Maria Santisima
bayan: Ibig naming makiisa, Mahal na Señora, sa sákit na nadama mo
noong makita mo ang kahabag-habag na lagay ni Hesukristong
nagpapasan ng krus patungong Kalbaryo, pinaghihilahanan,
inaalipusta’t minumura ng mga tampalasang Hudyo. Ibigay mo po
sa amin alang-alang sa sákit na ito ang katatagan ng loob na
tanggapin sa lahat ng pagkakataon ang kalooban ng Ama sapagkat
sa gayong paraan lamang maaaring matamasa ang tamis ng kruz ni
Kristo at mayakap ito ng buong pagmamahal at matagumpay na
pasanin sa aming buhay.
Lubhang namamanglaw na Ina ng lalong nagpakasakit na Anak,
nadarama namin ang kapighatiang Iyong naranasan nang ikaw ay
manaog sa bundok ng Kalbaryo, na kung saan sinundan mo ang
Iyong nagpapakasakit na Anak. Nais naming tangisan ang mga
kasamaang dulot ng pakikitungo namin at pakiki-isa sa mga
masasamang gawain --- mga kasamaang nagwawalay sa amin sa
pagpapala ng Iyong Anak. Tulungan mo kamng makamtan ang
kaliwanagan ng pag-iisip upang maunawaan namin ang aming mga
kamalian at makatahak sa tamang landas ng buhay. At kung

12
magiging marapat sa kapurihan Niya, at sa kagalingan ng aming
kaluluwa, ay ipagkaloob nawa sa amin ang biyayang ninanasa
namin dito sa septenariong ito. Siya Nawa.

DALIT
namumuno: Oh namimighating Ina! bayan: Maria Santisima,
Mukha’y hindi na makilala nahahapis na Ina, sa
ng Anak Mong sinisinta, ami’y igawad and
sa lansanga’y nagdurusa: buhay na mapalad.
Bigat ng krus ang syang dala.

(sandaling katahimikan)
namumuno: Ngayo’y matahimik nating idulog sa Diyos ang ating mga pansariling
kahilingan sa tulong ng panalangin ng Ina ng Diyos- ang NUESTRA
SENORA DE LOS DOLORES.
namumuno: Aba Ginoong María, napupuno ka ng hapis, ang nagpakasákit na ipinako
sa cruz ay sumasaiyo, bukod Kang namighati sa babaeng lahat at tanging
kaisa Ka naman sa Mahal na Pasión ng Iyong Anak na si Jesús.
bayan: Santa María, Ina ng Manunubos, bahaginan mo kami ng iyong
pagpapakasákit. Ipanalangin mo kaming mga makasalanan na
naging dahilan ng pagkapako Niya sa cruz, ngayon at sa oras ng
aming kamatayan. Amen.

namumuno: Oh katamis-tamisang Virgen Dolorosa, aming Ina at Reina,


bayan: Nawa’y kami’y matulad sa Iyong pananampalataya, pag-asa at pag-
ibig na sadyang kay tatag!

QUINTO DOLOR
LA CRUCIFIXIÓN Y LA AGONÍA DE JESÚS
namumuno: Ang Ika-Limang Sákit sa Kalinislinisan at Nagdadalamhating Puso ni María:
ANG PAGKAPAKO AT PAGKAMATAY NI JESÚS SA CRUZ
namumuno: Pagbasa mula sa Ebanghelyo ayon kay San Juan.
bayan: PAPURI SA IYO, O PANGINOON. + + +
namumuno: “Nakatayo sa tabi ng cruz ni Jesús ang Kanyang Ina at ang kapatid na
babae nito si María [Jacobé], na asawa ni Cleofás. Naroon din si María
Magdalena. Nang makita ni Jesús ang Kanyang Ina, at ang minamahal

13
Niyang alagad sa tabi nito, Kanyang sinabi ‘Ginang, narito ang iyong
anak!’ At sinabi sa alagad, ‘Narito ang iyong Ina!” (San Juan 19:25-27)
namumuno: Ito ang mabuting balita ng ating kaligtasan.
bayan: PINUPURI KA NAMIN PANGINOONG HESUKRISTO.
(sandaling katahimikan)
namumuno: O nahahapis na Ina, Kabanal-banalang Virgen, Maria Santisima
bayan: Sa huling hantungan ng Iyong Anak, naroon ka rin Mahal na Señora
upang kahit sa huling sandali’y maghain sa kanya ng pagmamahal
at upang ihain din sa Ama ang Iyong sarili kaisa ng pag-aalay ng
sarili ng Diyos Anak. Sinundan mo Siya hanggang sa Kruz.
Sumampalataya ka hanggang sa Kruz. Ang Kruz nga ang
palatandaan ng pagiging tunay na Kristiyano. At Kruz din ang
dahilan kung bakit mahirap sumunod sa Panginoon. Tulungan mo
kaming pasanin ang Kruz na ito O Inang mahal. At tulad mo’y
maging bahagi din sana kami ng pag-aalay ng Panginoon, para sa
aming kaligtasan at sa kaligtasan ng iba.

Lipos ng Pighating Ina ng lalong nahihirapang Anak, sino kaya ang


makakaunawa ng kahirapang Iyong tiniis ng lumakad ka sa
lansangang dinaanan ng Iyong pinahirapang Anak. Pagpapahirap,
mga katampalasanan, pagpapako sa Krus, ang mga gunita nito ang
nagdulot sa Iyo ng matinding hapis. Nawa’y tumimo sa aming
isipan ang mga pagpapakasakit at mga kahirapang ito ni Kristo
upang sa mga sandali ng aming panghihina at panlalamig, ang mga
ala-alang ito ang magsilbing gabay tungo sa wastong pag-ibig sa
Iyo at sa aming mga Kapatid. At kung magiging marapat sa
Kanyang kaluwalhatian, at sa kagalingan ng aming kaluluwa, ay
ipagkaloob nawa sa amin ang biyayang hinihingi namin sa
septenariong ito. Siya Nawa.
DALIT
namumuno: Walang kabagay na hapis bayan: Maria Santisima,
Oh Ina, ang Iyong tiniis, nahahapis na ina, sa
hindi sukat na malirip ami’y igawad and
ang iyong pagkakamasid buhay na mapalad.
sa lagay ng Anak mong giliw
sa hirap na tinitiis.

(sandaling katahimikan)
14
namumuno: Ngayo’y matahimik nating idulog sa Diyos ang ating mga pansariling
kahilingan sa tulong ng panalangin ng Ina ng Diyos- ang NUESTRA
SENORA DE LOS DOLORES.
namumuno: Aba Ginoong María, napupuno ka ng hapis, ang nagpakasákit na ipinako
sa cruz ay sumasaiyo, bukod Kang namighati sa babaeng lahat at tanging
kaisa Ka naman sa Mahal na Pasión ng Iyong Anak na si Jesús.
bayan: Santa María, Ina ng Manunubos, bahaginan mo kami ng iyong
pagpapakasákit. Ipanalangin mo kaming mga makasalanan na
naging dahilan ng pagkapako Niya sa cruz, ngayon at sa oras ng
aming kamatayan. Amen.
namumuno: Oh katamis-tamisang Virgen Dolorosa, aming Ina at Reina,
bayan: Nawa’y kami’y matulad sa Iyong pananampalataya, pag-asa at pag-
ibig na sadyang kay tatag!

SEXTO DOLOR
LA LANZADA Y EL RECIBIR EN BRAZOS A JESÚS YA MUERTO

namumuno: Ang Ika-Anim na Sákit sa Kalinislinisan at Nagdadalamhating Puso ni María:

ANG PAGBABABA SA CRUZ AT ANG


PAGTANGGAP NG MAHAL NA BIRHEN SA WALANG BUHAY NA KATAWAN NI JESÚS
namumuno: “Nang ibinaba ibaba nina José at Nicodemus ang aking Anak ay napansin
kong ang Kanyang mga bisig ay tumigas at lumamig, at ang dugong
dumanak noong Kanyang paghihirap ay kumapit dito. Kahit papaano’y
ako’y natuwa sapagkat aking mahahawakan ang Kanyang katawan at
mailagay sa aking kandungan, masusuri ang Kanyang mga sugat, at
tutuyuin ang Kanyang dugo. Hinawakan ko Siya sa gitna ng Kanyang
katawan. Binuhat namin Siya sa isang bato na aking binalutan ng malinis na
kayong lino. Kahit papaano ako’y natuwa sapagkat aking mahahawakan
ang Kanyang katawan mailagay sa aking kandungan, at masusuri ang
Kangyang mga sugat na puno ng mga natuyo Niyang Dugo Siya’y
nahimlay sa aking mga tuhod na gaya ng pagkabitin Niya sa cruz… Kinuha
ko ang Kanyang katawan sa aking mga tuhod. Ang Kanyang mga mata’y
walang buhay at puno ng dugo. Ang Kanyang bibig ay sinlamig ng yelo.
Ang Kanyang balbas ay nagkapili-pilipit tulad ng isang lubid. Siya’y
nahimlay sa aking mga tuhod na parang nakabitin sa cruz. Pagkatapos ay
inihiga nila Siya sa isang malinis na kayong lino, at sa aking kayong lino
nilinis ang Kanyang mga sugat at mga bisig. Sa pamamagitan ng aking mga
15
daliri, ipinikit ko ang Kanyang mga mata at Kanyang bibig, na nakabukas
nang Siya’y mamatay.” (Pahayag ng Mahal na Virgen kay Santa Brígida ng
Sweden)
(sandaling katahimikan)
namumuno: O nahahapis na Ina, Kabanal-banalang Virgen, Maria Santisima
bayan: Mahal na Señora, isama mo kami sa sákit na nadama mo nang ibaba
sa Cruz at ilagak sa kandungan mo ang walang buhay ng katawan
ng Iyong Anak. Alang-alang sa sákit na ito ay matutunan nawa
naming higit na pahalagahan ang Panginoon at hindi ang mga
materyal na bagay at mga kaabalahan na lumilipas at nawawala.
Ang pagmamahal nawang ito ay makita sa pag-ibig namin sa aming
kapwa lalung-lalo na sa mga nangangailangan ng aming kalinga.

DALIT
namumuno: Nang nasa Iyong kandungan, bayan: Maria Santisima,
ang kay Hesus na bangkay, nahahapis na ina, sa
Birheng Ina’y napasaan ami’y igawad and
ang sa Beleng kaaliwan? buhay na mapalad.
Lumipas na at naparam.
(sandaling katahimikan)
namumuno: Ngayo’y matahimik nating idulog sa Diyos ang ating mga pansariling
kahilingan sa tulong ng panalangin ng Ina ng Diyos- ang NUESTRA
SENORA DE LOS DOLORES.
namumuno: Aba Ginoong María, napupuno ka ng hapis, ang nagpakasákit na ipinako
sa cruz ay sumasaiyo, bukod Kang namighati sa babaeng lahat at tanging
kaisa Ka naman sa Mahal na Pasión ng Iyong Anak na si Jesús.
bayan: Santa María, Ina ng Manunubos, bahaginan mo kami ng iyong
pagpapakasákit. Ipanalangin mo kaming mga makasalanan na
naging dahilan ng pagkapako Niya sa cruz, ngayon at sa oras ng
aming kamatayan. Amen.

namumuno: Oh katamis-tamisang Virgen Dolorosa, aming Ina at Reina,


bayan: Nawa’y kami’y matulad sa Iyong pananampalataya, pag-asa at pag-
ibig na sadyang kay tatag!

16
SÉPTIMO DOLOR
EL ENTIERRO DE JESÚS Y LA SOLEDAD DE MARÍA
namumuno: Ang Ika-Pitong Sákit sa Kalinislinisan at Nagdadalamhating Puso ni María:
ANG PAGLILIBING SA BANGKAY NG PANGINOONG JESÚCRISTO
AT ANG KAHAPIS-HAPIS NA PAG-IISA NG MAHAL NA BIRHENG MARIA

namumuno: Pagbasa mula sa Ebanghelyo ayon kay San Lucas.


bayan: PAPURI SA IYO, O PANGINOON. + + +
namumuno: “Makaraang ilagay sa kandungan ng Kanyang Mahal na Ina ay kinuha ni
José ng Arimatea ang bangkay ni Jesús at binalot ng bagong kayong lino…
Dala naman ni Nicodemus ang pabango at mga isandaang libra ng mira at
aloe. Nilagyan nila ang bangkay ng pabango habang binabalot sa kayong
lino. Dinala ito sa libingan kasama ang mga babaeng sumama kay Jesús
mula sa Galilea” (Stos. Mateo 27:57-59; Marcos 15:42-47; Lucas 23:50-56)
namumuno: Ito ang mabuting balita ng ating kaligtasan.
bayan: PINUPURI KA NAMIN PANGINOONG HESUKRISTO.
(sandaling katahimikan)
namumuno: O nahahapis na Ina, Kabanal-banalang Virgen, Maria Santisima
bayan: Ibig naming makiisa, Mahal na Señora, sa pangungulila at pag-iisa
noong mailibing na ang Iyong Anak. Alang-alang sa sákit na ito ay
madala nawa namin sa aming buhay ang pag-ibig sa Diyos at sa
aming kapwa, upang maging amin ang buhay at kamatayan ni
Cristo. Kami nawa ay mamatay sa pamamagitan ng pagpapakasákit
at pagsisisi sa aming mga kasalanan, nang si Cristo ay mabuhay sa
amin sa pamamagitan ng pag-ibig. Maibahagi nawa namin sa iba
ang aming buhay upang maisabuhay namin ang buhay ni Kristong
Iyong Anak.

17
Namimighating Ina ng nagpakasakit na Anak, nababatid namin
ang hirap na Iyong nadama, nang ilagak sa libingan at takpan ng
mga taong nagmalasakit ang sugatan at walang buhay na katawan
ng Iyong Anak. Alang-alang sa Iyong mga pagpapakasakit ay
pagkalooban mo kami, Mahal na Ina, ng mga biyayang
kakailanganin sa tunay na pagsisisi. Loobin mong ang
makasalanang naming sarili ay malibing kasama ng Iyong Anak at
muling mabuhay alang-alang sa Kanyang kaluwalhatian na ngayon
ay hinihiling namin sa pamamagitan ng septenariong ito. Siya
nawa.
DALIT
namumuno: Sa akin ngayo’y wala na bayan: Virgen de la Soledad
ang buhay ko at ginhawa, de Porta Vaga, sa
ilaw niring mga mata, ami’y igawad and
si Hesus kong sinisinta: buhay na mapalad.
pumanaw na kapagdaka.

(sandaling katahimikan)
namumuno: Ngayo’y matahimik nating idulog sa Diyos ang ating mga pansariling
kahilingan sa tulong ng panalangin ng Ina ng Diyos- ang NUESTRA
SENORA DE LOS DOLORES

namumuno: Aba Ginoong María, napupuno ka ng hapis, ang nagpakasákit na ipinako


sa cruz ay sumasaiyo, bukod Kang namighati sa babaeng lahat at tanging
kaisa Ka naman sa Mahal na Pasión ng Iyong Anak na si Jesús.
bayan: Santa María, Ina ng Manunubos, bahaginan mo kami ng iyong
pagpapakasákit. Ipanalangin mo kaming mga makasalanan na
naging dahilan ng pagkapako Niya sa cruz, ngayon at sa oras ng
aming kamatayan. Amen.

namumuno: Oh katamis-tamisang Virgen Dolorosa, aming Ina at Reina,


bayan: Nawa’y kami’y matulad sa Iyong pananampalataya, pag-asa at pag-
ibig na sadyang kay tatag!
LETANIA SA PITONG HAPIS
NG VIRGEN DE LA SOLEDAD
Maaring Dasalin bago mag Besamano at bago awitin ang SALVE REGINA
namumuno: Letania sa karangalan ng Pitong Hapis ng Virgen de la SOLEDAD.
Panginoon, kaawaan Mo kami,
bayan: Panginoon, kaawaan Mo kami.
18
namumuno: Cristo, kaawaan Mo kami,
bayan: Cristo, kaawaan Mo kami.
namumuno: Panginoon, kaawaan Mo kami,
bayan: Panginoon, kaawaan Mo kami.
namumuno: Cristo, pakinggan Mo kami,
bayan: Cristo, pakipakinggan Mo kami.
namumuno: Diyos Ama sa langit,
bayan: Maawa Ka sa amin.
namumuno: Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan,
bayan: Maawa Ka sa amin.
namumuno: Diyos Espiritu Santo,
bayan: Maawa Ka sa amin.
namumuno: Santísima Trinidad na iisang Diyos,
bayan: Maawa Ka sa amin.
namumuno: La Dolorosisima, Virgen de la SOLEDAD,
bayan: Ipanalangin mo kami.
namumuno: Birhen ng SOLEDAD, Ina ng Diyos,
bayan: Ipanalangin mo kami.
namumuno: Birhen ng SOLEDAD, nahapis ng di kinupkop ninuman
sa kanilang panunuluyan,
bayan: Ipanalangin mo kami.
namumuno: Birhen ng SOLEDAD, nahapis nang inihiga ang Niño Jesús
sa isang sabsaban,
bayan: Ipanalangin mo kami.
namumuno: Birhen ng SOLEDAD, nahapis sa paglalakbay patungong Egipto,
bayan: Ipanalangin mo kami.
namumuno: Birhen ng SOLEDAD, nahapis sa pagpatay sa niños inocentes,
bayan: Ipanalangin mo kami.

namumuno: Birhen ng SOLEDAD, nahapis nang ang batang si Jesús


ay mawala ng tatlong araw,
bayan: Ipanalangin mo kami.
namumuno: Birhen ng SOLEDAD, nahapis nang si Jesús ay kapootan ng mga Judio,
bayan: Ipanalangin mo kami.

19
namumuno: Birhen ng SOLEDAD, nahapis nang si Jesús ay ipagkanulo
sa pamagitan ng isang halik at dakpin sa halamanan,
bayan: Ipanalangin mo kami.
namumuno: Birhen ng SOLEDAD, nahapis nang dalhin si Jesús ng mga
punong Sacerdote na tulad ng isang salarin,
bayan: Ipanalangin mo kami.
namumuno: Birhen ng SOLEDAD, nahapis ng paratangan si Jesús
ng walang katotohanan,
bayan: Ipanalangin mo kami.
namumuno: Birhen ng SOLEDAD, nahapis ng ang Banal na Mukha ni Jesús
ay hampasin at duraan,
bayan: Ipanalangin mo kami.
namumuno: Birhen ng SOLEDAD, nahapis nang si Jesús
ay ipinagpalit kay Barabbas,
bayan: Ipanalangin mo kami.
namumuno: Birhen ng SOLEDAD, nahapis nang mamasdang si Jesús
ay igapos at hagupitin sa haliging bato,
bayan: Ipanalangin mo kami.
namumuno: Birhen ng SOLEDAD, nahapis nang si Jesús
ay putungan ng coronang tinik,
bayan: Ipanalangin mo kami.
namumuno: Birhen ng SOLEDAD,
nahapis ng si Jesús ay gawaran ng sentencia,
bayan: Ipanalangin mo kami.
namumuno: Birhen ng SOLEDAD, nahapis sa pagkikita nila ni Jesús
na pasan ang cruz patungo sa calvario,
bayan: Ipanalangin mo kami.
namumuno: Birhen ng SOLEDAD, nahapis nang ang mga kabanal-banalang
kamay at paa ni Jesús ay paglagusan ng mga paco,
bayan: Ipanalangin mo kami.

namumuno: Birhen ng SOLEDAD, nahapis nang marinig ang mga huling wika
ni Jesús sa cruz,
bayan: Ipanalangin mo kami.
namumuno: Birhen ng SOLEDAD, nahapis nang mamasdan si Jesús
na nag-aagaw buhay,
20
bayan: Ipanalangin mo kami.
namumuno: Birhen ng SOLEDAD, nahapis nang tanggapin ang walang buhay
na katawan ni Jesús sa kanyang kandungan,
bayan: Ipanalangin mo kami.
namumuno: Birhen ng SOLEDAD, nahapis nang si Jesús ay ihatid
sa huling hantungan,
bayan: Ipanalangin mo kami.
namumuno: Birhen ng SOLEDAD, Inang nangulila sa Gabi ng Unang Viernes Santo,
bayan: Ipanalangin mo kami.
namumuno: Birhen ng SOLEDAD, Reinang nagpakasákit,
bayan: Ipanalangin mo kami.
namumuno: Birhen ng SOLEDAD, Pag-asa ng mga mahihina,
bayan: Ipanalangin mo kami.
namumuno: Birhen ng SOLEDAD, Mapagkupkop sa mga makasalanan,
bayan: Ipanalangin mo kami.
namumuno: Birhen ng SOLEDAD, Puno ng maka-inang pagkahabag,
bayan: Ipanalangin mo kami.
namumuno: Birhen ng SOLEDAD, Tagapag-adya sa biglaan
at di-inaasahang kamatayan,
bayan: Ipanalangin mo kami.
namumuno: Birhen ng SOLEDAD, aming Ina,Reina at Patrona,
bayan: Ipanalangin mo kami.
namumuno: Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
bayan: Patawarin Mo kami Panginoon.
namumuno: Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
bayan: Pakipakinggan Mo kami Panginoon.
namumuno: Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
bayan: Maawa Ka sa amin.

SALVE REGINA
(Dito mag-aalay ng Insenso ang Pari)
Salve, Regina, mater misericordiae: illos tuos misericordes oculos
Vita, dulcedo, et spes nostra, salve. ad nos converte.
Ad te clamamus, exsules, filii Hevae. Et Iesum, benedictum fructum ventris tui,
Ad te suspiramus, gementes et flentes nobis, post hoc exsilium ostende.
in hac lacrimarum valle. O clemens: O pia: O dulcis
Eia ergo, Advocata nostra, Virgo Maria.
21
namumuno: Ipanalangin mo kami, O Mahal na Birhen Dolorosa,
bayan: Nang kami’y maging dapat na makinabang sa mga pangako ni
Jesucristong Panginoon namin
namumuno: Manalangin tayo.
namumuno at bayan: O Panginoon naming Diyos, niloob Mong ang Mahal na
Virgeng María ay tumayong nakikipagtiis sa Iyong Anak na
itinampok sa cruz. Ipagkaloob mong kaming kasalo sa
pagpapakasákit ni Cristo kaisa ng Ina Niya ay marapating
makapagdiwang sa piging ng muling pagkabuhay.

Idulot Mo O Panginoon sa Iyong mga lingkod ang Iyong


makalangit na pagkalinga upang makasunod kami sa Iyo nang
buong puso at upang maging marapat kami sa biyayang aming
hinihiling.
Pakinggan Mo O Panginoon ang aming mga panalangin at
ipagkaloob sa aming mga mahal sa buhay na yumao ang
kapahingahan ng langit at sa Iyong Simbahan, igawad Mo ang
kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin ng maluwalhating
Virgen María at ng kadakilaan ng Iyong Anak, si Jesucristong
aming Panginoon.
namumuno: O Mahal na Ina ng Awa, Maria Santisima:
namumuno at bayan: Kanlungan ng santinakpan natitipon kami ngayon bilang
isang bayan upang parangalan ang Iyong malinis na puso na
pitong ulit na pinagtagisan ng puñal ng sákit. Pakumbaba
kaming dumudulog sa Iyong luklukan na buo ang loob na
kami ay tatanggap ng awa, biyaya, tulong at pagkalinga hindi
sa pamamagitan ng aming di sapat na kagalingan kung hindi
sa labis na kabutihan ng Iyong maka-Inang puso. Ang
malawak na material at moral na pagkawasak, ang mga
paghihirap at pagkahapis nawa ng maraming mga nilalang ay
magdulot sa amin ng Iyong pagkahabag.
namumuno: Kalinislinisang Virgen Dolorosa.
namumuno at bayan: Ilapit mo kami sa Iyong Anak na si Jesús. Huwag mong
pabayaan ang aming Santo Papa at mga kaparian. Mamalagi
ka nawa sa amin nang manatili ang kapayapaan at
pagkakasundo ng aming mga pinuno. Mag-ibayo nawa ang
pagsulong ng tunay na pananampalataya at ang pagbabalik-
loob ng mga makasalanan.

22
namumuno: Oh Inang namimighati! Oh Inang Nangungulila!
namumuno at bayan: Silayan nawa ng mga mata mong may luha na puno ng
pag-ibig at awa ang mga namimintuho sa Iyo. Pagkalooban
mo kami ng mga tanging biyaya sa lalong kapurihan ng Diyos.
At sa huling sandali nitong aming buhay ay igawad mo sa
amin, Señorang mahal, ang kamatayang mapalad at ang
pangako ng langit. O masintahing Virgen, Ina at Reinang
niluluwalhati at pinararangalan, kami’y Iyo at tanging Iyo
lamang. Amen.

23

You might also like