You are on page 1of 8

ANG BANAL NA TRIDUO

Sa Karangalan ni
SEÑORA SANTA ANA
La Madre de la Virgen Maria y Abuela del Nino Jesus

PAMBUNGAD NA AWIT
Dakilang Patrona, Poong Santa Ana
Refrain: Dakilang Patrona, Poong Santa Ana;
Ina ni Maria, kay Jesus na Lola.

1. Mga himala mo’t pagmamahal,


Nadama sa aming bayan
Samo nami’y bahaginan mo rin sana
Ng awa itong bansang sinta. (Refrain)

2. Sa panganib at karamdaman
Kami’y iyong saklolohan
At kay Hesus na iniwi mo ay hilingin
Sala namin ay patawarin. (Refrain)

BUTIL NI SANTA ANA


Namumuno : Hesus, Kaawaan mo kami.
Maria, Ana, ipanalangin mo kami
Bayan : Hesus, Kaawaan mo kami.
Maria, Ana, ipanalangin mo kami
Unang Panalangin
Sa Karangalan ni Jesus, Apo ni Santa Ana na may
bigay ng lahat ng kaloob ng langit
Isang AMA NAMIN, Limang ABA GINOONG MARIA at Isang
LUWALHATI
Namumuno : Hesus, Kaawaan mo kami.
Maria, Ana, ipanalangin mo kami
Bayan : Hesus, Kaawaan mo kami.
Maria, Ana, ipanalangin mo kami
Ikalawang Panalangin
Sa Karangalan ni Maria, Anak ni Santa Ana at
tagapamagitan ng lahat ng Biyaya
Isang AMA NAMIN, Limang ABA GINOONG MARIA at Isang
LUWALHATI
Namumuno : Hesus, Kaawaan mo kami.
Maria, Ana, ipanalangin mo kami
Bayan : Hesus, Kaawaan mo kami.
Maria, Ana, ipanalangin mo kami
Ikatlong Panalangin
Sa Karangalan ni Santa Ana, Ina ng Birheng Maria at
Lola ni Jesus
Isang AMA NAMIN, Limang ABA GINOONG MARIA at Isang
LUWALHATI
Namumuno : Hesus, Kaawaan mo kami.
Maria, Ana, ipanalangin mo kami
Bayan : Hesus, Kaawaan mo kami.
Maria, Ana, ipanalangin mo kami

MANALANGIN TAYO
Diyos naming Ama, pinupuri ka namin, sapagkat ang lahat ng
kabutihan ay sa iyo galing. Nagpapasalamat kami sa iyo, sapagkat sa
pagkamatay at muling pagkabuhay ni Jesus na Anak kami ay natubos.
Ama, salamat at hinirang mo ang Birheng Maria na ina ng
nagkatawang tao mong anak, Salamat din sapagkat pinili mo si Santa
Anang Ina ni Maria at Lola ni Jesus, alang alang kina Jesus, Maria at Ana,
Amen.
+SA NGALAN NG AMA, AT NG ANAK AT NG ESPIRITU SANTO. AMEN.
Mga kapatid, sa harap ng Banal na imahen ng mapagpalang si Sta. Ana,
dumulog tayo nang buong pagmamahal. Parangalan natin siya at hingin
ang kanyang tulong. Upang maging karapat-dapat, magsisi muna tayo at
humingi sa Diyos ng awa at patawad.

Namumuno : Lumuhod po tayo at manalangin.


Lahat : Ama naming Lumikha at sa ami’y nagtataguyod
sa araw-araw, kami’y nagkasala sa Iyong kabutihang walang
hanggan. Nagkulang kami sa pagsampalataya, pag-ibig at
paglilingkod sa Iyo. Sinuway namin ang mga utos Mo, at naging
bingi kami sa tagubilin Mo. Panginoong makatarungan at
maawain, buong pagsisising humihingi kami ng pang-unawa at
kapatawaran sa Iyo. Panginoon, pakinggan mo ang aming
pagsamo at sa tulong ng Iyong biyaya ay loobin mo ang aming
pagbabago. AMEN.

PANALANGIN NG KAHILINGAN
O Maluwalhating Santa Ana, Patrona ng bayang Hagonoy, yayamang puno
ka ng awa sa mga taong sa iyo’y nananawagan, at nag-uumapaw ang iyong
malasakit sa mga nagdurusa’t sa pasanin sa buhay ay lubhang nabibigatan,
naninikluhod kami’t nanambitan sa Iyong paanan upang ilagay sa iyong
mapagkalingang mga kamay ang aming karaingan.

(Dito titigil sumandali at babanggitin ang mga kahilingan)

Hiling nami’y ipakiusap mo sa Mahal na Birheng iyong anak na dalhin ang


mga kahilingan sa harapan ni Jesukristo, Diyos na totoo’t tao namang
totoo, upang magkaroon ng katuguna’t kaganapan ayon sa Kanyang
kalooban.

O pintakasing Santa Ana, atas ng malaking pagtitiwala, ipinauubaya namin


sa iyo ang aming sarili sampu ng aming mga karaingang sa iyo’y aming
isinasamo. AMEN.

Namumuno: Tumayo po at isang tinig nating isamo ang mga kahilingan na


ito sa ating mahal na Santa Ana.

MGA PAPURI’T PAKIUSAP KAY SANTA ANA


Santa Ana, mapagmahal na Ina ni Maria, ipanalangin mo kami.
Santa Ana, butihing Lola ni Jesus, ipanalangin mo kami.
Santa Ana, ulirang maybahay ni San Joaquin, ipanalangin mo kami.
Santa Ana, tagatangkilik ng mga pamilyang Kristyano, ipanalangin mo
kami.
Santa Ana, aliw ng mga mag-asawa, ipanalangin mo kami.
Santa Ana, sandigan ng mga ina, ipanalangin mo kami.
Santa Ana, kanlungan ng mga balo, ipanalangin mo kami.
Santa Ana, tagapag-ingat ng mga binata’t dalaga, ipanalangin mo kami.
Santa Ana, pintakasi ng mga di pa nagkakaanak, ipanalangin mo kami.
Santa Ana, tagapamagitan ng mga anak, ipanalangin mo kami.
Santa Ana, tagapagkupkop ng mga ulila, ipanalangin mo kami.
Santa Ana, tagapagkalinga ng mga may karamdaman, ipanalangin mo
kami.
Santa Ana, takbuhan ng mga nagigipit sa kabuhayan, ipanalangin mo kami.
Santa Ana, landas ng mga manlalakbay, ipanalangin mo kami.
Santa Ana, gabay ng mga mandaragat, ipanalangin mo kami.
Santa Ana, pag-asa ng mga nangangailangan,
ipanalangin mo kami.
Santa Ana, patrona ng aming bayan, ipanalangin mo kami.

Namumuno : Ipanalangin mo kami, O mahal na Santa Ana,


Lahat : Upang maging marapat kami sa mga pangako ni
Jesukristo na iyong apo.

Namumuno : Manalangin tayo.


Lahat : Makapangyarihan at walang hanggang Diyos pinili mo’t
minarapat si Santa Ana na maging Ina ng Ina ng iyong
anak, ipagkaloob mo, isinasamo namin sa iyo, sa
pagpaparangal namin sa kanya sa pamamagitan ng aming
taimtim na pamimintuho, matamo namin ang aming
hinihiling at maging marapat kami sa buhay na walang
hanggan. Ikaw na nabubuhay at naghahari
magpasawalang hanggan. AMEN.

PANALANGIN KAY SAN JOAQUIN


Ama naming mapagmahal, nagpapasalamat kami sa Iyo. Sa Iyong
pagkalinga, pinuno mo ang mga magulang ni Maria ng Iyong kagandahang
loob at karilagan sa mga gawang-kabanalan. Sa kanilang piling at
pagsasamang matapat, umusbong at namulaklak ang kalinis-linisan nilang
anak, si Maria, ang Mahal na birheng Ina ng Diyos.
San Joaquin, banal naming tagatangkilik, katangi tangi ka sa mata ng
Diyos. Ang kabutihang loob ng Makapangyarihang Diyos ay nasa iyo. Sa
iyong tahanan ay tunay na “bahay-dalanginan,” pugad ng pananampalataya
at paggawa, silid-aralan ng karunungan, kadluan ng kapayapaan at pag-
ibig. Mula roon ang daloy ng biyaya ang umapaw sa buong mundo.
Ipanalangin mo ang mga tahanan, upang tularan nila ang diwa ng iyong
matibay na pananampalataya, maalab na pagmamahal sa katarungan at
pagtitimpi sa sarili nang sumagana ang bunga ng kaligtasan. Nawa ang
bawat pamilya ay mamunga ng kabanalan at mapalaganap ang Mabuting
Balita ng Kaligtasan. AMEN.

Namumuno: Jesus, Kaawaan mo kami!


Lahat: Jesus, Kaawaan mo kami!

Namumuno: Santa Maria, Ipanalangin mo kami!


Lahat: Santa Maria, Ipanalangin mo kami!

Namumuno: San Joaquin, Ipanalangin mo kami!


Lahat: San Joaquin, Ipanalangin mo kami!

Namumuno: Santa Ana, Ipanalangin mo kami!


Lahat: Santa Ana, Ipanalangin mo kami!

MGA PANALANGIN PARA SA IBA’T-IBANG INTENSYON

PARA SA MAG-ASAWA
O pintakasing Santa Ana, tulungan mo po ang lahat ng Kristyanong mag-
asawa, upang makapamuhay sila ng ayon sa plano sa kanila ng Diyos.
Tulungan Mo silang tunay na magmahalan sa lahat ng araw, sa kalusugan
at karamdaman, sa kasiyahan at kalungkutan.

Santa Ana, turuan mo ang mag-asawa kung paano dapat maganap ang
pagkatawag sa kanila sa buhay mag-asawa, para sa bawat isa sa kanila at sa
kanilang mga supling, bilang mga tagapagpatotoo ng pananampalataya kay
Kristo at bilang kinatawan ni Kristo sa pamilya. AMEN.

PARA SA MGA INA


Santa Ana, sapagkat ikaw ay isang ina, sa mga mata mo, ang pagka-ina ay
isang dakilang tugon sa tawag ng pagiging katuwang ng Diyos sa paglikha
ng buhay.
Santa Ana, pinalad kang siyang maging Ina ng magsisilang sa Anak ng
Diyos sa lupa. Turuan mo po ang mga Kristyanong Ina, upang matutuhan
nilang iparating sa kanilang mga anak ang dapat na pahalagahan sa buhay.

Santa Ana, ipanalangin mo po ang lahat ng mga ina sa buong daigdig.


AMEN.

PARA SA PAMILYA
Mahal na patrong Santa Ana, tumatawag kami sa iyo ng tulong sa
pagpapalaki at pagmumulat sa aming pamilya sa mabuti at maka-Diyos na
paraan. Turuan mo po kami na magtiwala sa Diyos na Ama sa aming
pagpapalaki sa aming mga anak ng mahalagang pamanang ipinagkatiwala
sa amin.

Ang kalooban nawa Niya sa ami’y laging umiral at kupkupin nawa kaming
lagi ng Kanyang pag-aampon. Hinihiling namin ang mga ito para sa mga
pamilya sa kapaligiran, sambayanan, sa aming bansa, at sa sandaigdigan.
AMEN.

PANALANGIN NG MGA ANAK PARA SA KANILANG MGA MAGULANG

Butihing Santa Ana, tunay na minamahal mo ang iyong mga magulang


tulad din ng pagmamahal namin sa aming mga magulang. Minamahal nila
kami at ipinagkakaloob nila ang lahat ng aming pangangailangan.
Tulungan mo po kaming pasayahin sila sa araw-araw. Salamat po mahal na
Lola ni Jesus, sa pagdinig ninyo sa aming pagsamo. AMEN.

PARA SA IBA’T-IBANG KAHILINGAN

Mahal na Santa Ana, wala kang kapaguran sa pagtulong sa mga taong


umaasa sa iyong kalinga. Nagtitiwala kami hindi sa aming mga merito
kundi sa iyong makapangyarihang pamamagitan. Hinihiling namin ang
tulong mo sa araw na ito, kaakibat ng aming mga tungkulin at mga
resposibilidad at lahat ng pangyayaring masaya man o malungkot. At kapag
ang bukas ay naging ngayon, muli mo kaming tulungan para sa aming
kabutihan at sa ikaluluwalhati ng Diyos. AMEN.
PANALANGIN KAY SANTA ANA

Butihing Santa Ana, Ina ng Birheng Maria at Lola ni Jesus, Lubos kaming
nagpapa-ampon sa iyo, at nagtitiwala sa lakas at kapangyarihan ng
panalangin mo. Lingapin mo sana kaming nangangailangan, laluna ang
mga may mabigat na suliranin at pagsubok sa buhay. Sa iyong pagkandili,
aming isinasalalay ang lahat ng aming kapakanan, at ng mga mahal namin
sa buhay.
Pinagpalang Santa Ana, ingatan mo kami sa lahat ng panganib, aliwin sa
mga kapighatian, hanguin sa kahirapan at pagalingin ang anumang
karamdaman.

Maluwalhating Santa Ana, ang kahulugan ng iyong ngala’y GRASYA at


AWA, loobin mo sanang makamit ang biyayang ito, (banggitin ang
kahilingan), sa pamamagitan ni Jesus na iyong Apo at aming Panginoon.
AMEN.

PANGWAKAS NA AWIT

APO ANA
Apo Ana, mahal naming patrona
Apo Ana, Ina ng Birheng Maria
Kami ay pagpalain at iyong gabayan
habang nabubuhay

Ipanalangin mo kami
sa aming mga pagkakasala dito sa lupa
hanggang sa kami ay mapatawad

You might also like