You are on page 1of 34

Via Crucis

(Tradisyunal na Daan ng Krus)


Panimula:

N: Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo


L: Amen

Pagsisisi:

Panginoong Hesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo,


gumawa at sumakop sa akin, pinagsisisihan kong masakit na
masakit sa tanang loob ko ang dilang pagkakasala ko sa iyo, na
ikaw nga ang Diyos ko, Panginoon ko at Ama ko na iniibig ko ng
lalo sa lahat, nagtitika akong matibay na matibay na di na ako
muling magkakasala sa iyo, lalayuan ko na at pangingilagan
ang bawat makakabakla ng loob sa masama at malilibong
dating sakit ng kaluluwa ko, na iniibig ko at nagtitika naman
akong magkumpisal ng dilang kasalanan ko. Umaasa akong
patatawarin mo rin alang alang sa iyong mahal na pasyon at
pagkamatay mo sa krus dahilan sa akin at sa lahat ng tao.
Siya Nawa.

Pambungad na Panalangin:

N: Panginoong Hesukristo, habang kami’y nagtitipon dito


ngayon upang pagnilayan ang iyong Misteryong Pampaskuwa,
pagkalooban mo kaming lahat ng biyaya na kasuklaman ang
kasalanan tulad ng iyong ginawa, at gugulin ang aming buhay
para sa aming kapwa ayon sa iyong halimbawa. Sa gayon, kami
ay maaaring makibahagi hindi lamang sa iyong paghihirap,
kundi maging sa iyo ring Muling Pagkabuhay. Ikaw na
nabubuhay at naghahari magpakailanman.

L: Amen
Unang Istasyon
Si Hesus ay Hinatulan ng Kamatayan

N: Sinasamba Ka namin, O Panginoong Hesukristo

B: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong mahal na krus ay


tinubos mo ang sandaigdigan.
Sa pagnanais na mapalaya si Jesus, minsan pang nagsalita sa
kanila si Pilato, ngunit sumigaw ang mga tao, “Ipako siya sa
krus! Ipako siya sa krus!” Ikatlong ulit na sinabi sa kanila ni
Pilato, “Bakit, ano ba ang ginawa niyang masama? Wala akong
makitang dahilan upang siya'y hatulan ng kamatayan. Kaya't
ipahahagupit ko siya at pagkatapos ay palalayain.”
23 Ngunit lalo nilang ipinagsigawan na si Jesus ay dapat ipako sa

krus. Nanaig ang kanilang sigaw kaya't ipinasya ni Pilato na


pagbigyan ang kanilang hinihingi.
- Lukas 23: 20-24

Pagninilay:

Pagnilayan mo, kaluluwang kristiyano, kung bakit sa bahay ni


pilato ay pinaghampasan ng buong kabangisan ang manunubos
ng mundo, pinutungan ng koronang tinik at hinatulan ng
kamatayan.

Panalangin:

Oh lubhang mabanayad na Hesus, na inibig mong ikaw ay


iparis sa isang hamak na alipin sa harap ng lalong
makasalanang bayan, na nagihintay ng hatol na kamatayan na
laban sa iyo’y igagawad ng tampalasang hukom. Isinasamo ko
sa iyo, Panginoon ko, na dahil dito sa iyong kaamuang loob, ay
mapawi ang aking kapalaluan, upang kung matiis ko ng buong
kababaang loob ang siphayo sa buhay na ito ay aking
makamtan ang buhay na walang hanggan sa langit. Amen.

Isang Ama namin, Aba ginoong Maria at Luwalhati

N: O Hesus, masunurin hanggang kamatayan sa Krus


L: Kaawaan mo kami
Ikalawang Istasyon
Si Hesus ay nagpasan ng Krus

N: Sinasamba Ka namin, O Panginoong Hesukristo

B: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong mahal na krus ay


tinubos mo ang sandaigdigan.
Inilabas siyang pasan ang kanyang krus papunta sa lugar na
kung tawagi'y “Dako ng Bungo,” Golgotha sa wikang
Hebreo. Doon ay ipinako siya sa krus, kasama ng dalawa pa; isa
sa gawing kanan at isa sa kaliwa. Gumawa si Pilato ng isang
karatula at inilagay sa krus; ganito ang nakasulat: “Si Jesus na
taga-Nazaret, ang Hari ng mga Judio.”
- Juan 19: 17-19

Pagninilay:

Pagnilayan mo, kaluluwang kristiyano, kung paanong sa mga


nasasaktang balikat ng ating kaibig-ibig na Hesus ay inaatang
ang mabigat na krus.

Panalangin:

Oh kataas-taasang hari sa langit, na nagtiis kang mapasakamay


ng mga Judio, upang mapasakitan kang buong kabangisan ay
tinanggap mo ang mabigat na krus. Isinasamo ko sa iyo
Panginoon na yakapin ko ang krus ng pagtitiis ng buong pag-
ibig upang ikaw ay mapanood kong parati sa Langit. Amen.

Isang Ama namin, Aba ginoong Maria at Luwalhati

N: O Hesus, masunurin hanggang kamatayan sa Krus


L: Kaawaan mo kami
Ikatlong Istasyon
Si Hesus ay nadapa sa unang pagkakataon

N: Sinasamba Ka namin, O Panginoong Hesukristo

B: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong mahal na krus ay


tinubos mo ang sandaigdigan.
Naranasan ko kung gaano kahirap ang maparusahan ng Diyos.
Itinaboy niya ako sa lugar na wala kahit bahagyang liwanag.
Walang awa niya akong hinahampas sa buong maghapon.
Tadtad ng sugat ang buo kong katawan at bali-bali ang aking
mga buto. Ibinilanggo niya ako sa kalungkutan at pagdurusa.
Isinadlak niya ako sa kadiliman, laging nasa bingit ng
kamatayan. Ginapos niya ako para hindi makatakas, pinalibutan
ako ng pader na mataas.
- Panaghoy 3 1:7

Pagninilay:

Pagnilayan mo, kaluluwang kristiyano, kung paanong sa


paglakad ng Panginoong pasan ang krus sa balikat, sugat-
sugatan at dinadaluyan ng dugo ay naparapa sa lupa na
nadadaganan ng krus.

Panalangin:

Oh lubhang kaibig-ibig na Hesus, na sa kapaguran mo sa


pagpasan ng krus ay narapa ka sa lupa dahil sa kabigatan ng
aming mga kasalanan na nahahalimbawa sa kahoy na yaon.
Isinasamo ko sa pagkaawang Diyos mo na magbangon ako
mula sa kasalanan at ako’y mamarati sa pagtupad ng iyong mga
utos. Amen.

Isang Ama namin, Aba ginoong Maria at Luwalhati

N: O Hesus, masunurin hanggang kamatayan sa Krus


L: Kaawaan mo kami
Ikaapat Istasyon
Nasalubong ni Hesus ang kanyang Ina

N: Sinasamba Ka namin, O Panginoong Hesukristo

B: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong mahal na krus ay


tinubos mo ang sandaigdigan.
Binasbasan sila ni Simeon, at sinabi kay Maria, “Tandaan mo,
ang batang ito'y nakatalaga sa ikapapahamak o ikaliligtas ng
marami sa Israel. Siya ang magiging tanda mula sa Diyos ngunit
tutuligsain siya ng marami, kaya't mahahayag ang kanilang
iniisip. Dahil dito, magdaranas ka ng matinding kapighatiang
parang isang patalim na itinarak sa iyong puso.”
- Lukas 2:34-35

Pagninilay:

Pagnilayan mo, kaluluwang kristiyano, kung paanong ang


Panginoon na may pasang krus ay nakasalubong ang kanyang
inang kabanalbanalan, na nalulumbay at namimighati.

Panalangin:

Oh mahal na Senyora, inang walang kasing lumbay sa lahat ng


Ina dahil sa mabangis na sakit na naglagos sa iyong puso, at sa
pagmamasid mo kay heus na iyong Anak, marungis ang mukha,
lamog ang katawan at winalang kapurihan ng mga tao.
Isinasamo ko sa iyo Inang nalulumbay na sapagka’t ako ang
dahilan ng iyong mga sakit ay itangis ko yaon ng buong
kapaitang loob. Amen.

Isang Ama namin, Aba ginoong Maria at Luwalhati

N: O Hesus, masunurin hanggang kamatayan sa Krus


L: Kaawaan mo kami
Ikalimang Istasyon
Si Hesus ay tinulungan ni Simon
Sa pagpasan ng Krus

N: Sinasamba Ka namin, O Panginoong Hesukristo

B: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong mahal na krus ay


tinubos mo ang sandaigdigan.
Nasalubong nila sa daan ang isang lalaking galing sa bukid, si
Simon na taga-Cirene na ama nina Alejandro at Rufo. Pilit nilang
ipinapasan sa kanya ang krus ni Jesus. Kanilang dinala si Jesus
sa lugar na tinatawag na Golgotha, na ang ibig sabihi'y “Pook ng
Bungo.”
- Marcos 15:21-22

Pagninilay:

Pagnilayan mo, kaluluwang kristiyano, kung bakit pinilit ng


mga Judio si Simon Cireneo na tumulong humalili sa pagpasan
ng krus sa ating mananakop, hindi dahil sa pagkaawa, kundi
dahil sa pangambang mamatay sa lansangan dahil sa kabigatan
ng krus.

Panalangin:

Oh lubhang kaibig-ibig na Hesus na dahil sa pag-ibig mo sa akin


ay nag pasan ka ng lubhang mabigat na krus, at inibig mo na sa
pagkatao ni Cireneo ay matulungan ka namin sa pagpasan ng
krus. Idinadaing ko sa iyo, Panginoon na loobin mong yakapin
ko ang krus ng pag[a[awalang halaga sa akin, upang kung
makasunod ako sa iyong mga hakbang ay kamtin ko ang
tuwang walang hanggan. Amen.

Isang Ama namin, Aba ginoong Maria at Luwalhati

N: O Hesus, masunurin hanggang kamatayan sa Krus


L: Kaawaan mo kami
Ikaanim na Istasyon
Nasalubong ni Hesus si Veronica

N: Sinasamba Ka namin, O Panginoong Hesukristo

B: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong mahal na krus ay


tinubos mo ang sandaigdigan.
Hindi ako gumanti nang bugbugin nila ako,
hindi ako kumibo nang insultuhin nila ako.
Pinabayaan ko silang bunutin ang aking balbas
at luraan ang aking mukha.
Hindi ko pinansin ang mga pag-insultong ginawa nila sa akin,
sapagkat ang Panginoong Diyos ang tumutulong sa akin.
Handa akong magtiis,
sapagkat aking nalalaman na ako'y hindi mapapahiya.
- Isaias 50:6-7

Pagninilay:

Pagnilayan mo, kaluluwang kristiyano, kung paanong nang


makita ni Veronica si Hesus na pagal na pagal at nagdidilim ang
kanyang mukha sa pawis ay kanyang pinahiran siya sa mukha.

Panalangin:

Oh mabuting Hesus, binayaran mo ng labis ang pag-ibig at


tapang ni Veronica sa pagkalinis ng iyong kagalanggalang na
mukha. Ilimbag mo sa aking puso ang larawan ng iyong
kagalanggalang na mukha, paris ng pagkapalimbag sa kanyang
birang upang ako’y huwag mahiya sa pag-ibig at paglilingkod
sa iyo na huwag kong alintanahin ang mga lumulibak sa mga
nagsasanay ng gawang kabanalan at sa ganito’y upang huwag
akong malupig ng katamaran at pagkaalang-alang sa tao. Amen.

Isang Ama namin, Aba ginoong Maria at Luwalhati

N: O Hesus, masunurin hanggang kamatayan sa Krus


L: Kaawaan mo kami
Ikapitong Istasyon
Si Hesus ay nadapa sa ikalawang
pagkakataon

N: Sinasamba Ka namin, O Panginoong Hesukristo

B: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong mahal na krus ay


tinubos mo ang sandaigdigan.
Nang siya'y insultuhin, hindi siya gumanti ng insulto. Nang siya'y
pahirapan, hindi siya nagbanta; sa halip, ipinaubaya niya ang
lahat sa Diyos na makatarungan kung humatol. Sa kanyang
pagkamatay sa krus, pinasan niya ang ating mga kasalanan
upang tayo'y mamatay na sa kasalanan at mamuhay nang ayon
sa kalooban ng Diyos. Sa pamamagitan ng kanyang mga sugat,
kayo'y pinagaling.
- 1 Pedro 2:23-24

Pagninilay:

Pagnilayan mo, kaluluwang kristiyano, kung bakit yaong


Panginoon na may hawak ng mundo ay naparapang muli. Ang
kanyang mga paa’y sugatan, ang kanyang mga binti ay
nangangatal at ang kanyang mga balikat ay may mga sugat
dahil sa bigat ng krus. Sa kasamaan ng daan siya’y napatid at
napadapa sa lupa.

Panalangin:

Oh Hesus na walang katapusan ang kagalingan, muling


nilalasap mo ang mga pagayop, kabangisan at pagkawalang
pakundangan sa iyo ng mga Judio, pinagtitiisan mo ang iyong
bagong pahirap tanda ng iyong malaking pag-ibig sa akin. Oh
aking Hesus, iniibig mong mong ikaw ay mapahandog ukol sa
kaligtasan ng mundo. At ako Panginoon, dahil sa aking
pagbabalik ng malimit sa pagkakasalaay nadagdagan kko pa
ang iyong hirap, ngunit ako naman ay tunay na nagsisi na.
Amen.

Isang Ama namin, Aba ginoong Maria at Luwalhati

N: O Hesus, masunurin hanggang kamatayan sa Krus


L: Kaawaan mo kami
Ikawalong Istasyon
Nasalubong ni Hesus ang mga
Kababaihan ng Herusalem

N: Sinasamba Ka namin, O Panginoong Hesukristo

B: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong mahal na krus ay


tinubos mo ang sandaigdigan.
Sinusundan si Jesus ng maraming tao, kabilang ang ilang
babaing nag-iiyakan at tumatangis dahil sa kanya. Nilingon sila
ni Jesus at sinabi, “Mga kababaihan ng Jerusalem, huwag ninyo
akong iyakan. Ang tangisan ninyo'y ang inyong sarili at ang
inyong mga anak. Sapagkat kung ganito ang ginagawa sa kahoy
na sariwa, ano naman kaya ang mangyayari sa kahoy na tuyo?”
- Lukas 23:27-28, 31

Pagninilay:

Pagnilayan mo, kaluluwang kristiyano, kung papaanong naawa


ang mga nahahapis na mga babae nang makita si Hesus na
nahihirapan. Sila’y nilingon ni Hesus at pinagsabihan: “Mga
Anak na taga Jerusalem, huwag kayong tumangis dahil sa akin,
umiyak kayo dahil sa inyong mga anak.”

Panalangin:

Oh Hesus ko, nilimot mo ang iyong mga hirap upang alalahanin


mo ang aming kaluluwa. Kaya’t sinabi mo sa mga kaawaawang
babae na iyakan nila ang kanilang mga anak. Dahil sa kasalanan
ikaw ay nagtiis ng lubha kaya’t kailangan na yao’y aming
pangilagang parang isang masamang napakalupit. Amen.

Isang Ama namin, Aba ginoong Maria at Luwalhati

N: O Hesus, masunurin hanggang kamatayan sa Krus


L: Kaawaan mo kami
Ikasiyam na Istasyon
Si Hesus ay nadapa sa ikatlong
pagkakataon

N: Sinasamba Ka namin, O Panginoong Hesukristo

B: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong mahal na krus ay


tinubos mo ang sandaigdigan.
“Siya ay binugbog at pinahirapan,
ngunit hindi kumibo kahit isang salita;
tulad ay tupang nakatakdang patayin,
parang korderong hindi tumututol kahit na gupitan,
at hindi umiimik kahit kaunti man.
Nang siya'y hulihin at hatulan upang mamatay,
wala man lamang nagtanggol sa kanyang kalagayan.
Siya ay pinatay dahil sa sala ng sangkatauhan”
- Isaias 53:7-8

Pagninilay:

Pagnilayan mo, kaluluwang kristiyano, na si Hesus ay nawalan


na ng lakas, kung kaya’t hindi na makaakyat sa bundok ng
kalbaryo na pasan ang Krus at dito nagbuhat ang kanyang
ikatlong pagkasubasob. Siya’y sinumpa ng mga mamamatay
tao. Siya’y hinampas at kinaladkad.

Panalangin:

Ano ito, oh Hesus ko, ikaw na nagbigay ng lakas sa lahat ng


kinapal, inibig momng maparapang makaikatlo. Anong
kabangisan ang ipinatiis sa iyo ng mga mamamatay tao. Tunay,
Panginoon ko ang aking mga kasalanan at ang di ko katapatang
loob ng paglilingkod sa iyo ang dahilan ng iyong mga tinitiis,
dahilan din naman sa mga walang tuto kong pag isip at
pagkalimot sa aking mga ipinangako sa iyo. Amen.

Isang Ama namin, Aba ginoong Maria at Luwalhati

N: O Hesus, masunurin hanggang kamatayan sa Krus


L: Kaawaan mo kami
Ikasampung Istasyon
Si Hesus ay hinubaran ng kanyang damit

N: Sinasamba Ka namin, O Panginoong Hesukristo

B: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong mahal na krus ay


tinubos mo ang sandaigdigan.
Isang pangkat ng salarin, sa aki'y nakapaligid,
para akong nasa gitna ng mga asong ganid;
mga kamay at paa ko'y kanilang pinupunit.
Kitang-kita ang lahat ng aking mga buto,
tinitingnan at nilalait ng mga kaaway ko.
Mga damit ko'y kanilang pinagsugalan,
at mga saplot ko'y pinaghati-hatian.
- Awit 22:16-18

Pagninilay:

Pagnilayan mo, kaluluwang kristiyano, kung bakit hinubaran


siya ng mga tampalasan ng kanyang damit sa kalbaryo. Ngunit
lubhang totoo ang kabangisan ng mga Judio, nang kanilang
alisin ang koronang tinik mula sa kanyang ulo ay linabnot nila
sa isang paran na marami sa bahagi ng knyang ulo ay
napaknitan. Anong kahihiyan ang tinamo ng ating Panginoon
Hesukristo sa harapan ng makapal na tao.

Panalangin:

Oh Hesus na kalinislinisan, nang ikaw ay hubdan naalala mo


akong maksalanan at dailan sa lubhang pangit na mga
kasalanan na ginawa ko ng walang alang-alang. Dahilan sa mga
ito inihahandog mo sa walang hanggang Ama iyang kahihiyan
at iyang di nasabing alipusta. Ipinangangako ko, Panginoon, na
aalisin ko sa akin ang msamang pagkahilig at iyang hiliig na
walang tuto at ang kaibigang para sa aking sarili na dahilan ng
mgapagkakasala. Amen.

Isang Ama namin, Aba ginoong Maria at Luwalhati

N: O Hesus, masunurin hanggang kamatayan sa Krus


L: Kaawaan mo kami
Ikalabing-isang Istasyon
Si Hesus ay ipinako sa Krus

N: Sinasamba Ka namin, O Panginoong Hesukristo

B: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong mahal na krus ay


tinubos mo ang sandaigdigan.
Nang dumating sila sa isang bundok na tinatawag na Bungo,
ipinako nila si Jesus sa krus. Ipinako rin ang dalawang kriminal,
isa sa kanyang kanan at isa sa kaliwa. Sinabi ni Jesus, “Ama,
patawarin mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang
ginagawa.”
- Lukas 23:33-34

Pagninilay:

Pagnilayan mo, kaluluwang kristiyano, kung paanong inihiga


ng mga berdugo si Hesus sa kanyang krus at ipinako ang mga
dito’y dumaloy ang isang bukal ng napakahalagang dugo ni
Hesus.

Panalangin:

Oh Kordero ng Diyos, di ka umiimik kahit isang wika, ikaw ay


sumunod samantalang maaari mo silang lipulin sa isang
sandali. Anong hapdi, oh Hesus na napapako. Gawin mo na
tularan ko ang iyong pagtitiis upang matupad ko ang mga
kasakunaan ng buhay na ipinadala sa akin ng Diyos sa
ikababayad ng aking mga kasalanan. Amen.

Isang Ama namin, Aba ginoong Maria at Luwalhati

N: O Hesus, masunurin hanggang kamatayan sa Krus


L: Kaawaan mo kami
Ikalabing-dalawang Istasyon
Si Hesus ay namatay sa krus

N: Sinasamba Ka namin, O Panginoong Hesukristo

B: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong mahal na krus ay


tinubos mo ang sandaigdigan.
Alam ni Jesus na naganap na ang lahat ng bagay. Kaya't upang
matupad ang kasulatan ay sinabi niya, “Nauuhaw ako!”
May isang mangkok doon na puno ng maasim na alak. Inilubog
nila rito ang isang espongha, ikinabit iyon sa isang tangkay ng
hisopo at inilapit sa kanyang bibig. Pagkatanggap ni Jesus ng
alak, sinabi niya, “Naganap na!” Iniyuko niya ang kanyang ulo at
nalagot ang kanyang hininga.
- Juan 19:28-30

Pagninilay:

Pagnilayan mo, kaluluwang Kristiyano, na si Hesus ay


nakapako sa gitna ng dalawang magnanakaw, na tinutungayaw
siya. Ngunit ang isa ay ay nagsisi at pinangakuan ni Hesus ng
paraiso; at pagkatapos ay namatay si Hesus at isinulit sa Diyos
Ama ang kanyang kaluluwa.

Panalangin:

Oh Hesus ko na aking pinakaiibig, nalipos ka sa iyong mga


mapait na hirap sa oras ng iyong kamatayan, ay pinatawad mo
ang iyong mga berdugo. Ipinagtatagubili mo ang iyong
kabanal-banalang Ina sa iyong minamahal na disipulong si
Juan. At pagktapos na maibigay mo ang iyong kaluluwa sa
Diyos Ama ay namatay kang sumunod sa kanyang banal na
kalooban. Panginoon, gawin mo na ang iyong kamatayan ay
maging buhay ko at mamatay ako sa iyong grasya. Amen.

Isang Ama namin, Aba ginoong Maria at Luwalhati

N: O Hesus, masunurin hanggang kamatayan sa Krus


L: Kaawaan mo kami
Ikalabing-tatlong Istasyon
Si Hesus ay ibinaba sa krus

N: Sinasamba Ka namin, O Panginoong Hesukristo

B: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong mahal na krus ay


tinubos mo ang sandaigdigan.
Pumunta nga roon ang mga kawal at binali ang mga binti ng
dalawang ipinakong kasama ni Jesus. 33 Ngunit pagdating nila
kay Jesus at makitang patay na siya, hindi na nila binali ang
kanyang mga binti. Subalit sinaksak ng isang kawal ang
tagiliran ni Jesus sa pamamagitan ng sibat at agad lumabas
doon ang dugo at tubig.
- Juan 19:32-34

Pagninilay:

Pagnilayan mo, kaluluwang kristiyano, na ibinaba ni


Nicodemus at ni Joese sa kruss ang bangkay ni Hesus at iniabot
sa mga kamay ng kanyang Ina. Maputla ang kanyang mukha,
ang buhok ay gusot na gusot, ang kanyang tagiliran ay
binuksan ng isang sibat, ang kanyang mga paa’t kamay ay
butas-butas, at ang kanyang katawan ay lubos na sugatan.

Panalangin:

Oh inang lubhang nahahapis. Sino ang makaaliw sa iyo?


Sapagkat ang iyong hapis ay makatulad ng dagat, oh, Maria!
Dahilan sa aking mga kasalanan ay ako ang naging dailan ng
kamatayan ng iyong pinakaiibig na Anak na si Hesus. Ipaala-ala
mo sa akin ang mga tiniis ng iyong anak. Tulungan mo akong
umibig at maglingkod ng tunay sa kanya. Amen.

Isang Ama namin, Aba ginoong Maria at Luwalhati

N: O Hesus, masunurin hanggang kamatayan sa Krus


L: Kaawaan mo kami
Ikalabing-apat na Istasyon
Si Hesus ay inilibing

N: Sinasamba Ka namin, O Panginoong Hesukristo

B: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong mahal na krus ay


tinubos mo ang sandaigdigan.
Malapit sa pinagpakuan kay Jesus ay may isang halamanan, at
dito'y may isang bagong libingang hindi pa
napaglilibingan. Dahil noon ay bisperas ng Araw ng
Pamamahinga, at dahil malapit ang libingang ito, doon nila
inilibing si Jesus.
- Juan 19:41-42

Pagninilay:

Pagnilayan mo, kaluluwang kristiyano, na binalot ng isang


kumot na puti ang kabanalbanalang katawan ni Hesus at
pinahiran naman ng mga banal na babae ng mga mahalagang
pabango. Dinala sa isang libingang bago sa loob ng isang bato
at pagkatapos ay tinakpan ng isang bato rin.

Panalangin:

Oh, Birhen Santa Maria! Ang puso mo ay waring itinakip sa


libingan ng iniirog mong Anak. Ngunit gayon man ay may
paniniwala kang mabubua. Ipamagitan mo ako sa iyong Anak
na Diyos upang marapatin ako na maging tahanang lagi ng
Santisima Trinidad at maging likmuan ng iyong Anak kapag
tinatanggap ko siya sa banal na komunyon. Amen.

Isang Ama namin, Aba ginoong Maria at Luwalhati

N: O Hesus, masunurin hanggang kamatayan sa Krus


L: Kaawaan mo kami
Panalangin para sa Intensiyon ng Santo Papa

Ama Namin…
Aba, Ginoong Maria…
Luwalhati…

Pangwakas na Panalangin

Makapangyarihan at walang hanggang Diyos,


namatay at matagumpay na muling nabuhay ang Iyong
Bugtong na Anak
para iligtas kami sa aming mga kasalanan.
Sa Iyong kabutihan, muli mong buhayin ang Iyong mga tapat na
nananampalataya
upang makiisa sa kanya sa buhay na walang hanggang sa
langit,
kung saan nabubuhay siya at naghahari
kasama Mo at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Amen

You might also like