You are on page 1of 19

PAGNINILAY SA PANAHON NG KUWARESMA

Ang Mga Misteryo ng Hapis

PANIMULA:

Commentator: Magandang gabi po sa inyong lahat. Natitipon tayo ngayon upang


pagnilayan ang mga misteryo ng hapis ng Sto. Rosaryo. Sa dakilang
pagmamahal ni Diyos na kanyang ipinakita at ipinadama sa atin,
nakiisa siya sa ating mga hapis sa buhay. Kaisa ng ating Mahal na
Ina, ating pagnilayan ang dakilang mga hiwaga ng pagpapakasakit,
pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesukristo na ating
Panginoon. Magsitayo po tayo at sumabay sa pambungad na awit.

Pambungad na Awit: BUKSAN ANG AMING PUSO

Pagdarasal ng Dekada ng Sto. Rosario

Namumuno: Sa ngalan ng Ama (✠), at ng Anak, at ng Espiritu Santo

Lahat: Amen

Namumuno: Buksan Mo, Panginoon ang aming mga labi

Lahat: At pupurihin ka ng aming bibig

Namumuno: O Diyos, kami ay iyong tulungan

Lahat: Panginoon, magmadali ka sa pagsaklolo sa amin

Namumuno: Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo

Lahat: Kapara noong una, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.


UNANG PAGNINILAY

Namumuno: Ang Unang Misteryo ng Hapis


ANG PAGDURUSA NI HESUS SA HALAMANAN
NG GETSEMANI

Pagbasa mula sa Mabuting Balita ng Panginoon


ayon kay San Mateo (Mateo 26:36-39)

Noong Panahong iyon, Isinama ni Jesus ang kanyang mga alagad


sa isang lugar na tinatawag na Getsemani. Sinabi niya sa kanila,
“Dito muna kayo't mananalangin ako sa dako roon.” Ngunit
isinama niya sina Pedro at ang dalawang anak ni Zebedeo.
Nagsimulang mabagabag at maghirap ang kanyang
kalooban, kaya't sinabi niya sa kanila, “Ako'y halos mamatay sa
tindi ng kalungkutan. Maghintay kayo rito at samahan ninyo ako
sa pagpupuyat!”

Lumayo siya nang kaunti, nagpatirapa siya at nanalangin, “Ama


ko, kung maaari po, ilayo ninyo sa akin ang kopang ito ng
paghihirap. Ngunit hindi po ang kalooban ko, kundi ang kalooban
ninyo ang mangyari.”

(Manahimik saglit)

Namumuno: Hilingin natin sa Misteryong ito ang biyaya ng Pagsunod sa


Kalooban ng Diyos

(Magsiluhod)

Magdasal ng Isang Ama Namin, Sampung Aba Ginoong Maria at isang Luwalhati

Awit
(Magsitayo)

PAGNINILAY
(Magsiupo)

Commentator: Atin pong pakinggan ang pagninilay na ibabahagi sa atin ni


Reberendo Padre________________
Tahimik na Pagninilay

Panalanging Pangkalahatan
(Magsitayo)

Namumuno: Manalangin tayo sa ating Panginoon na puspos ng pagmamahal sa


atin. Sa bawat panalangin ating itutugon,
PANGINOON, MANGYARI NAWA ANG IYONG KALOOBAN.

Lahat: PANGINOON, MANGYARI NAWA ANG IYONG


KALOOBAN.

Namumuno: Para sa Simbahang naglalakbay dito sa lupa: Pamunuan nawa ito ng


ating Santo Papa Francisco, mga Obispo at lahat ng Kaparian na
naayon sa banal na kalooban ng Panginoon. Manalangin tayo

Lahat: PANGINOON, MANGYARI NAWA ANG IYONG KALOOBAN.

Namumuno: Para sa mga umuukit sa pamahalaan: Nawa isaalang alang ng ating


mga pinuno ang kalooban ng Panginoon sa kanilang pagsusumikap
na maglingkod sa kanilang nasasakupan. Manalangin tayo.

Lahat: PANGINOON, MANGYARI NAWA ANG IYONG


KALOOBAN.

Namumuno: Para sa bawat pamilya, lalo na sa mga pamilya dito sa ating parokya:
Nawa maghari ang kalooban ng Panginoon sa bawat miyembro nito
upang ang pag-ibig at malasakit ang maghari sa bawat isa.
Manalangin tayo.

Lahat: PANGINOON, MANGYARI NAWA ANG IYONG


KALOOBAN.

Namumuno: Para sa mga may sakit at nahihirapan: Nawa madama nila ang
mapagkalingang kalooban at pagmamahal ng Diyos sa kanila na
magbibigay sa kanila ng lakas ng loob at kagalingan. Manalangin
tayo.

Lahat: PANGINOON, MANGYARI NAWA ANG IYONG


KALOOBAN.
Namumuno: Para sa mga Yumao nating mga kapatid: Magkamit nawa sila ng
kapayapaang walang hanggan lalong higit sa mga yumaong nanalig
at nagtiwala sa banal na kalooban ng Panginoon. Manalangi tayo.

Lahat: PANGINOON, MANGYARI NAWA ANG IYONG


KALOOBAN.
Pangwakas na Panalangin

Pari: Sa tagubilin ng mga nakakagaling na utos at turo ni Hesus na


Panginoon natin at Diyos, ipahayag natin ng lakas loob.

Ama Namin (Aawitin)

Pari: Manalangin tayo.

Ama naming makapangyarihan


niloob mong akuin ng iyong Anak ang Krus at kamatayan
upang ang sangkatauha’y matubos at mabuhay.
Ang pag-ako namin sa krus at kamatayan dito sa lupa
ayon sa diwa ng pagsunod sa iyong Anak
ay magpagindapat nawang aming kamtin
ang lubos na katubusan at pagkabuhay sa iyong piling
Sa pamamagitan ni Hesukristo, kasama ng Espiritu Santo
Magpasa walang hanggan.

Lahat: Amen

Pagbabasbas

Pari: Magsiyuko kayo at hilingin ang pagbabasbas

Ama naming mapagpala


lingapin mo ang iyong ankan pakundangan sa pag-ibig ni
Hesukristo
na hindi tumanggi sa kamay ng mga makasalanan
kahit sa sa krus siya’y mamatay at ngayon siya ay nabubuhay
kasama mo at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan

Lahat: Amen

Pari: At pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos ang Ama (✠), at ng


Anak, at ng Espiritu Santo

Lahat: Amen
IKALAWANG PAGNINILAY

Namumuno: Ang Ikalawang Misteryo ng Hapis


ANG PAGHAHAMPAS KAY HESUS NA NAKAGAPOS SA
HALIGING BATO

Pagbasa mula sa Mabuting Balita ng Panginoon


ayon kay San Mateo (Mateo 27:15-26)

Nakaugalian na ng gobernador na tuwing Paskwa ay magpalaya


ng isang bilanggo na hinihiling ng taong-bayan. Noon ay may
isang kilalang bilanggo na kilala sa kasamaan na ang pangalan ay
Barabbas. Nang magkatipon ang mga tao ay tinanong sila ni Pilato,
“Sino ang ibig ninyong palayain ko, si Jesus Barabbas, o si Jesus na
tinatawag na ‘Cristo’?” Alam ni Pilato na naiinggit lamang sila kaya
nila isinakdal si Jesus.

Bukod dito, nang si Pilato ay nakaupo sa hukuman, nagpasabi ang


kanyang asawa, “Huwag kang makialam sa usapin ng taong iyan.
Wala siyang kasalanan. Labis akong nahirapan dahil sa aking
panaginip kagabi tungkol sa kanya.”

Ang mga tao nama'y hinikayat ng mga punong pari at ng mga


pinuno ng bayan[c] na hilingin kay Pilato na si Barabbas ang
palayain at si Jesus ay ipapatay. 21 Muli silang tinanong ng
gobernador, “Sino sa dalawa ang nais ninyong palayain ko?”

“Si Barabbas!” sigaw ng mga tao.

Sinabi sa kanila ni Pilato, “Kung gayon, ano ang gagawin ko kay


Jesus, na tinatawag na Cristo?”

At sumagot ang lahat, “Ipako siya sa krus!”

“Bakit? Ano ang nagawa niyang masama?” tanong ni Pilato.

Ngunit lalo pang lumakas ang kanilang sigawan, “Ipako siya sa


krus!”

Nang makita ni Pilato na wala siyang magagawa, at malamang


pa'y magkagulo, nagpakuha siya ng tubig at naghugas ng kamay
sa harap ng mga tao. “Wala akong pananagutan sa dugo[d] ng
taong ito. Ito'y pananagutan ninyo!” sabi niya.
Sumagot naman ang mga tao, “Pananagutan namin at ng aming
mga anak ang dugo[e] niya.”

Pinalaya nga ni Pilato si Barabbas at ipinahagupit naman si Jesus.


Pagkatapos, ibinigay siya sa kanila upang ipako sa krus.

(Manahimik saglit)

Namumuno: Hilingin natin sa Misteryong ito ang biyaya ng


Pagsunod sa Kalooban ng Diyos

(Magsiluhod)

Magdasal ng Isang Ama Namin, Sampung Aba Ginoong Maria at isang Luwalhati

Awit
(Magsitayo)

PAGNINILAY
(Magsiupo)

Commentator: Atin pong pakinggan ang pagninilay na ibabahagi sa atin ni


Reberendo Padre________________

Tahimik na Pagninilay

Panalanging Pangkalahatan
(Magsitayo)

Namumuno: Ang Panginoong Hesus ay nagpakasakit para sa ating kaligtasan.


binatbat niya ang masasakit na hampas upang tayong lahat ay
mapatawad. Humiling tayo sa kanya ng Awa at Kapatawaran.
PANGINOONG HESUS, MAAWA KA!

Lahat: PANGINOONG HESUS, MAAWA KA!

Namumuno: Hesus, Hari ng Awa. Patawarin mo po kami sa mga pagkakataon na


nakakalimot kaming tumanaw ng utang na loob sa iyong kabutihan.
Kaawaan mo kami O Panginoon:

Lahat: PANGINOONG HESUS, MAAWA KA!


Namumuno: Hesus, Mabuting Pastol. Patawarin mo po ang iyong mga kawan na
sumusuway sa aral ng iyong banal na simbahan at akayin mo nawa
sila tungo sa pagbabalik sa pananampalataya. Kaawaan mo kami O
Panginoon:

Lahat: PANGINOONG HESUS, MAAWA KA!

Namumuno: Hesus, Hari ng mga hari. Patawarin mo po ang mga Namumuno


na walang ibang hinahangad kundi ang kanilang sariling layaw at
kapakanan na nakakaapekto sa mga mamamayanan na labis na
nahihirapan. Akayin mo nawa sila na mamuno na katulad sa iyong
halimbawa. Kaawaan mo kami O Panginoon:

Lahat: PANGINOONG HESUS, MAAWA KA!

Namumuno: Hesus, dakilang tagapagpagaling. Kaawaan mo po ang lahat ng mga


may sakit at nawawalan ng pag-asa. Pagalingin mo po sila sa
kanilang karamdaman sa kaluluwa at katawan. Kaawaan mo kami
O Panginoon:

Lahat: PANGINOONG HESUS, MAAWA KA!

Namumuno: Hesus, aming lakas at kanlungan. Kaawaan mo po at patawarin ang


lahat ng mga Yumao na nagtataglay ng pag-ibig sa iyo. Kaawaan mo
kami O Panginoon:

Lahat: PANGINOONG HESUS, MAAWA KA!


Pangwakas na Panalangin

Pari: Sa tagubilin ng mga nakakagaling na utos at turo ni Hesus na


Panginoon natin at Diyos, ipahayag natin ng lakas loob.

Ama Namin (Aawitin)

Pari: Manalangin tayo.

Ama naming makapangyarihan


niloob mong akuin ng iyong Anak ang Krus at kamatayan
upang ang sangkatauha’y matubos at mabuhay.
Ang pag-ako namin sa krus at kamatayan dito sa lupa
ayon sa diwa ng pagsunod sa iyong Anak
ay magpagindapat nawang aming kamtin
ang lubos na katubusan at pagkabuhay sa iyong piling
Sa pamamagitan ni Hesukristo, kasama ng Espiritu Santo
Magpasa walang hanggan.

Lahat: Amen

Pagbabasbas

Pari: Magsiyuko kayo at hilingin ang pagbabasbas

Ama naming mapagpala


lingapin mo ang iyong ankan pakundangan sa pag-ibig ni
Hesukristo
na hindi tumanggi sa kamay ng mga makasalanan
kahit sa sa krus siya’y mamatay at ngayon siya ay nabubuhay
kasama mo at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan

Lahat: Amen

Pari: At pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos ang Ama (✠), at ng


Anak, at ng Espiritu Santo

Lahat: Amen
IKATLONG PAGNINILAY

Namumuno: Ang Ikatlong Misteryo ng Hapis


ANG PAGPUPUTONG NG KORONANG TINIK

Pagbasa mula sa Mabuting Balita ng Panginoon


ayon kay San Mateo (Mateo 27:27-29)

Si Jesus ay dinala ng mga kawal ng gobernador sa palasyo nito,


at nagkatipon ang buong batalyon sa paligid niya. Siya'y hinubaran
nila at sinuotan ng isang balabal na matingkad na pula. Kumuha sila
ng matitinik na baging, ginawa itong korona at ipinutong sa kanya.
Pagkatapos, pinahawak sa kanyang kanang kamay ang isang
tangkay ng tambo. Siya'y niluhud-luhuran nila at kinutya ng ganito,
“Mabuhay ang Hari ng mga Judio!”

(Manahimik saglit)

Namumuno: Hilingin natin sa Misteryong ito ang biyaya ng Katatagan

(Magsiluhod)

Magdasal ng Isang Ama Namin, Sampung Aba Ginoong Maria at isang Luwalhati

Awit
(Magsitayo)

PAGNINILAY
(Magsiupo)

Commentator: Atin pong pakinggan ang pagninilay na ibabahagi sa atin ni


Reberendo Padre________________

Tahimik na Pagninilay
Panalanging Pangkalahatan
(Magsitayo)

Namumuno: Nanalig tayo sa walang hanggang pag-ibig ng Diyos na siya nating


lakas at kaligtasan. Manalangin tayo ng buong pananalig:

PANGINOON IKAW ANG AMING LAKAS AT KALIGTASAN

Lahat: PANGINOON IKAW ANG AMING LAKAS AT KALIGTASAN

Namumuno: Ang Simbahan na nahlalakbay dito sa lupa at ang lahat ng


mananampalataya nawa ay pagkalooban ng Panginoon ng
katatagan at kalakasan na kinakailangan upang mas lalong mag-alab
ang ating pananampalataya. Manalangin tayo.

Lahat: PANGINOON IKAW ANG AMING LAKAS AT KALIGTASAN

Namumuno: Ang Santo Papa, mga Obispo at mga kaparian nawa ay pagkalooban
ng lakas ng kalooban at pananampalatay upang kanilang
mapaglingkuran ang mga tupa na binigay sa kanila ng Panginoon.
Manalangin tayo.

Lahat: PANGINOON IKAW ANG AMING LAKAS AT KALIGTASAN

Namumuno: Ang mga naglilingkod sa pamahalaan nawa ay biyayaan ng


integridad sa kanilang tungkulin, upang maging mabunga ang
kanilang paglilingkod at umunlad ang lahat ng kanilang
nasasakupan. Manalangin tayo.

Lahat: PANGINOON IKAW ANG AMING LAKAS AT KALIGTASAN

Namumuno: Ang mga may sakit nawa ay biyayaan ng lakas ng loob at


kagalingan, upang maibsan ang mga hirap na kanilang nararanasan.
Manalangin tayo.

Lahat: PANGINOON IKAW ANG AMING LAKAS AT KALIGTASAN

Namumuno: Tayong lahat na natitipon ngayon at ang lahat ng mga tao na ating
inaalala nawa ay bigyan ng Panginoon ng lakas ng kalooban,
kaisipan, kalusugan at espiritwal upang tayo ay maging matatag sa
ating paglalakbay dito sa lupang ibabaw. Manalangin tayo.

Lahat: PANGINOON IKAW ANG AMING LAKAS AT KALIGTASAN


Pangwakas na Panalangin

Pari: Sa tagubilin ng mga nakakagaling na utos at turo ni Hesus na


Panginoon natin at Diyos, ipahayag natin ng lakas loob.

Ama Namin (Aawitin)

Pari: Manalangin tayo.

Ama naming makapangyarihan


niloob mong akuin ng iyong Anak ang Krus at kamatayan
upang ang sangkatauha’y matubos at mabuhay.
Ang pag-ako namin sa krus at kamatayan dito sa lupa
ayon sa diwa ng pagsunod sa iyong Anak
ay magpagindapat nawang aming kamtin
ang lubos na katubusan at pagkabuhay sa iyong piling
Sa pamamagitan ni Hesukristo, kasama ng Espiritu Santo
Magpasa walang hanggan.

Lahat: Amen

Pagbabasbas

Pari: Magsiyuko kayo at hilingin ang pagbabasbas

Ama naming mapagpala


lingapin mo ang iyong ankan pakundangan sa pag-ibig ni
Hesukristo
na hindi tumanggi sa kamay ng mga makasalanan
kahit sa sa krus siya’y mamatay at ngayon siya ay nabubuhay
kasama mo at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan

Lahat: Amen

Pari: At pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos ang Ama (✠), at ng


Anak, at ng Espiritu Santo

Lahat: Amen
IKA-APAT NA PAGNINILAY

Namumuno: Ang Ika-apat na Misteryo ng Hapis


ANG PAGPAPASAN NG KRUS PATUNGONG KALBARYO

Pagbasa mula sa Mabuting Balita ng Panginoon


ayon kay San Marcos (Marcos 15:21-22)

Nasalubong nila sa daan ang isang lalaking galing sa bukid, si Simon


na taga-Cirene na ama nina Alejandro at Rufo. Pilit nilang
ipinapasan sa kanya ang krus ni Jesus. Kanilang dinala si Jesus sa
lugar na tinatawag na Golgotha, na ang ibig sabihi'y “Pook ng
Bungo.”

(Manahimik saglit)

Namumuno: Hilingin natin sa Misteryong ito ang biyaya ng Pagtitimpi

(Magsiluhod)

Magdasal ng Isang Ama Namin, Sampung Aba Ginoong Maria at isang Luwalhati

Awit
(Magsitayo)

PAGNINILAY
(Magsiupo)

Commentator: Atin pong pakinggan ang pagninilay na ibabahagi sa atin ni


Reberendo Padre________________

Tahimik na Pagninilay

Panalanging Pangkalahatan
(Magsitayo)

Namumuno: Tayong lahat ay kasama ng Panginoon sa kanyang paglakad sa Daan


ng Krus. Manalangin tayo sa Panginoon upang palagian niya tayong
samahan sa ating paglalakbay sa Daan ng Buhay. Dumulog tayo sa
Diyos na mahabagin at mapagkupkop:

SAPAGKAT LUBHA KANG MAAWAIN, O PANGINOON

Lahat: SAPAGKAT LUBHA KANG MAAWAIN, O PANGINOON


Namumuno: Panginoon, pag-asa ng mga nahihirapan. Tulungan mo po kaming
lahat na iyong lingkod na tahakin ang buhay na puno ng hirap at
pasakit, at magkaroon ng pagtitiyaga katulad ng iyong ginawa sa
daan ng krus. Dumudulog kami sa iyo:

Lahat: SAPAGKAT LUBHA KANG MAAWAIN, O PANGINOON


Namumuno: Panginoon, lakas ng mga nihihirapan. Patatagin mo po ang kalooban
ng lahat ng nagtitiwala sa iyo, upang sa kanilang pamumuhay ikaw
ay kanilang laging kapiling. Dumadulog kami sa iyo:

Lahat: SAPAGKAT LUBHA KANG MAAWAIN, O PANGINOON


Namumuno: Panginoon, tanggulan ng mga nahihirapan at naaapi. Ipagtanggol
mo po ang mga tao na inaabuso ng mas may kapangyarihan kaysa
sa kanila, upang ang kanilang patuloy na pakikibaka sa kanilang
pamumuhay sila ay magkaroon ng kapanatagan at kaginhawaan.
Dumudulog kami sa iyo:

Lahat: SAPAGKAT LUBHA KANG MAAWAIN, O PANGINOON


Namumuno: Panginoon, gabay ng mag-anak. Pagpalain mo po ang mga mag-
anak, upang sa kanilang pamumuhay bilang mag-anak ikaw lagi
ang maging sentro at tanggulan ng bawat isa. Dumudulog kami sa
iyo:

Lahat: SAPAGKAT LUBHA KANG MAAWAIN, O PANGINOON

Namumuno: Panginoon, Hari ng sanlibutan. Palagian niyo pong pagpalain ang


iyong mga lingkod na nagpupuri at nagpupugay sa iyo, upang sa
paglalakbay naming dito sa lupa kami ay makarating sa iyong
kaluwalhatian. Dumudulog kami sa iyo:

Lahat: SAPAGKAT LUBHA KANG MAAWAIN, O PANGINOON


Pangwakas na Panalangin

Pari: Sa tagubilin ng mga nakakagaling na utos at turo ni Hesus na


Panginoon natin at Diyos, ipahayag natin ng lakas loob.

Ama Namin (Aawitin)

Pari: Manalangin tayo.

Ama naming makapangyarihan


niloob mong akuin ng iyong Anak ang Krus at kamatayan
upang ang sangkatauha’y matubos at mabuhay.
Ang pag-ako namin sa krus at kamatayan dito sa lupa
ayon sa diwa ng pagsunod sa iyong Anak
ay magpagindapat nawang aming kamtin
ang lubos na katubusan at pagkabuhay sa iyong piling
Sa pamamagitan ni Hesukristo, kasama ng Espiritu Santo
Magpasa walang hanggan.

Lahat: Amen

Pagbabasbas

Pari: Magsiyuko kayo at hilingin ang pagbabasbas

Ama naming mapagpala


lingapin mo ang iyong ankan pakundangan sa pag-ibig ni
Hesukristo
na hindi tumanggi sa kamay ng mga makasalanan
kahit sa sa krus siya’y mamatay at ngayon siya ay nabubuhay
kasama mo at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan

Lahat: Amen

Pari: At pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos ang Ama (✠), at ng


Anak, at ng Espiritu Santo

Lahat: Amen
IKA-LIMANG PAGNINILAY

Namumuno: Ang Ika-limang Misteryo ng Hapis


ANG PAGPAKO AT PAGKAMATAY NI HESUS SA KRUS

Pagbasa mula sa Mabuting Balita ng Panginoon


ayon kay San Lucas (Lucas 23:26-49)

Nang dumating sila sa isang bundok na tinatawag na Bungo,


ipinako nila si Jesus sa krus. Ipinako rin ang dalawang kriminal, isa
sa kanyang kanan at isa sa kaliwa. [Sinabi ni Jesus, “Ama, patawarin
mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.”][b]

Nagpalabunutan ang mga kawal upang paghati-hatian ang


kasuotan niya. Ang mga tao nama'y nakatayo roon at nanonood,
habang si Jesus ay kinukutya ng mga pinuno ng bayan. Sinabi nila,
“Iniligtas niya ang iba; iligtas niya ngayon ang kanyang sarili kung
siya nga ang Cristo na hinirang ng Diyos!”

Nilait din siya ng mga kawal. Nilapitan siya ng isa at inalok ng


maasim na alak, kasabay ng ganitong panunuya, “Kung ikaw nga
ang Hari ng mga Judio, iligtas mo ang iyong sarili.”

Mayroon ding nakasulat sa kanyang ulunan [sa wikang Griego,


Latin at Hebreo],[c] “Ito ang Hari ng mga Judio.”

Tinuya rin siya ng isa sa mga salaring nakapako sa tabi niya, “Hindi
ba ikaw ang Cristo? Iligtas mo ang iyong sarili at pati na rin kami.”

Ngunit pinagsabihan naman ito ng kanyang kasama, “Wala ka na


bang takot sa Diyos? Ikaw ay pinaparusahan ding tulad niya! Tama
lamang na tayo'y parusahan nang ganito dahil sa ating mga ginawa;
ngunit ang taong ito'y walang ginawang masama.” At sinabi pa nito,
“Jesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka na.”Sumagot si Jesus,
“Sinasabi ko sa iyo, isasama kita ngayon sa Paraiso.”

Nang magtatanghaling-tapat na, hanggang sa ikatlo ng hapon,


nagdilim sa buong lupain. Nawalan ng liwanag ang araw at ang
tabing ng Templo'y napunit sa gitna. Sumigaw nang malakas si
Jesus, “Ama, sa mga kamay mo'y ipinagkakatiwala ko ang aking
espiritu!” At pagkasabi nito, nalagot ang kanyang hininga.
Namumuno: Hilingin natin sa Misteryong ito ang biyaya ng Kapatawaran

(Magsiluhod)

Magdasal ng Isang Ama Namin, Sampung Aba Ginoong Maria at isang Luwalhati

Awit
(Magsitayo)

PAGNINILAY
(Magsiupo)

Commentator: Atin pong pakinggan ang pagninilay na ibabahagi sa atin ni


Reberendo Padre________________

Tahimik na Pagninilay

Panalanging Pangkalahatan
(Magsitayo)

Namumuno: Tinubos tayo ng ating Panginoon ng siya ay nagpakasakit at


namatay sa krus. Humingi tayo ng awa at kapatawaran sa kanya na
nagpapatawad ng lubos.

PATAWAD, PANGINOON PATAWAD

Lahat: PATAWAD, PANGINOON PATAWAD

Namumuno: Para sa aming kapabayaan sa aming mga Pamilya, sa aming


pagiging iresponsableng magulang, anak, kapatid at kamag-anak.
Patawarin mo kami Panginoon:

Lahat: PATAWAD, PANGINOON PATAWAD


Namumuno: Para sa aming pagiging makasarili, sa aming di pag tulong sa aming
kapwa lalo na sa mga mas nangangailangan, sa aming pagiging
mapagmataas at pagmamaliit sa aming kapwa. Patawarin mo kami
Panginoon:

Lahat: PATAWAD, PANGINOON PATAWAD

Namumuno: Para sa aming pagiging iresponsableng katiwala sa iyong kawan, sa


aming kapabayaan sa pangangailangan espirituwal ng aming
kapwa, sa aming pagiging di mabuting kristiyano. Patawarin mo
kami Panginoon:
Lahat: PATAWAD, PANGINOON PATAWAD

Namumuno: Para sa aming pagkalimot sa pagtanaw ng utang na loob sa iyong


kabutihan, sa aming pagiging abusado sa iyong pagmamahal, sa
aming di pasasalamat sa iyong mga biyaya at pagpapala. Patawarin
mo kami Panginoon:

Lahat: PATAWAD, PANGINOON PATAWAD

Namumuno: Para sa lahat ng aming mga kasalanan, pagkukulang at kapabayaan,


para sa kasalanan ng buong mundo, lalo na sa mga kasalanan na
hindi naming nababtid at hindi naming maihingi ng kapatawaran.
Patawarin mo kami Panginoon:

Lahat: PATAWAD, PANGINOON PATAWAD


Pangwakas na Panalangin

Pari: Sa tagubilin ng mga nakakagaling na utos at turo ni Hesus na


Panginoon natin at Diyos, ipahayag natin ng lakas loob.

Ama Namin (Aawitin)

Pari: Manalangin tayo.

Ama naming makapangyarihan


niloob mong akuin ng iyong Anak ang Krus at kamatayan
upang ang sangkatauha’y matubos at mabuhay.
Ang pag-ako namin sa krus at kamatayan dito sa lupa
ayon sa diwa ng pagsunod sa iyong Anak
ay magpagindapat nawang aming kamtin
ang lubos na katubusan at pagkabuhay sa iyong piling
Sa pamamagitan ni Hesukristo, kasama ng Espiritu Santo
Magpasa walang hanggan.

Lahat: Amen

Pagbabasbas

Pari: Magsiyuko kayo at hilingin ang pagbabasbas

Ama naming mapagpala


lingapin mo ang iyong ankan pakundangan sa pag-ibig ni
Hesukristo
na hindi tumanggi sa kamay ng mga makasalanan
kahit sa sa krus siya’y mamatay at ngayon siya ay nabubuhay
kasama mo at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan

Lahat: Amen

Pari: At pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos ang Ama (✠), at ng


Anak, at ng Espiritu Santo

Lahat: Amen

You might also like