You are on page 1of 9

Banal na Oras

Awit (nakaluhod ang lahat maliban sa pari)


O SALUTARIS Hostia
Quae caeli pandis ostium.
Bella premunt hostilia;
Da robur, fer auxilium

Uni trinoque Domino


Sit sempiterna gloria:
Qui vitam sine termino,
Nobis donet in patria.
Amen.

UNANG YUGTO

Paanyaya
Pari: Mga kapatid, buksan antin ang ating mga puso
at isispan upang malaya nating maipahayag
ang ating pagmamahal sa Diyos sa harap ng
banal na sakramento. Hilingin natin sa kaniya
ang biyaya na mapakinggan ang kaniyang tinig
sa banal na sandaling ito upang sa
pamamagitan ng kaniyang mga salita ay
lumago ang pagtawag na kaniyang ipinunla sa
atin simula pa noong una.

(sandaling katahimikan)
Pari:

1. Idalangin natin ang ating Santo papa N., Obispo


N., mga kaparian at diyakono na pawang
tinawag ng Diyos upang mangasiwa sa kaniyang
simbahan. Nawa’y patuloy silang maging mga
mapagkalingang pastol na masasandalan ng mga
mahihirap—mga api, dukha, namimighati,
maysakit at yaong mga tila ba naisantabi na ng
lipunan. (sandaling katahimikan)

Ama namin sumasalangit Ka sambahin ang


ngalan Mo, mapasaamin ang kaharian Mo,
sundin ang loob Mo dito sa lupa para nang sa
langit

Lahat: Bigyan Mo po kami nngayon ng aming kakanin


sa araw-araw at patawarin Mo kami sa aming
mga sala, para nang pagpapatawad naming sa
nagkakasala sa amin at huwag Mo kaming
ipahintulot sa tukso at iadya mo kami sa lahat ng
masama. Amen.

Pari:

2. Idalangin natin ang mga relihiyoso at relihiyosa,


mga madre at misyonero na sinusubok ang
katatagan at unti-unting lumiliit ang bilang.
Nawa’y huwag silang panghinaan ng loob,
bagkus ay patuloy na mag-alay ng sarili sa
pagtugon sa tawag patungo sa kabanalan at
baling araw ay makapanghikayat pa ng mga
makakatulong nila sa pagpapagal sa ubasan ng
Diyos. (sandaling katahimikan)

Aba Ginoong Maria napupuno Ka ng grasya. Ang


Panginoong Diyos ay sumasaiyo, bukod Kang
pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman
ang Iyong Anak na si Hesus.

Lahat: Santa Maria Ina ng Diyos, ipanalangin Mo kaming


makasalanan ngayon at kung kami’y
mamamatay. Amen.

Pari:

3. Idalangin natin ang mga kabataan na naririnig ang


pagtawag ng Diyos na sumunod sa Kaniyang
yapak. Nawa’y huwag nila itong isantabi at
tumugon ng buong puso na may pagmamahal at
kabukasan sa Diyos na pinanggagalingan ng
lahat ng biyaya. (sandaling katahimikan)

Luwalhati sa Ama at sa Anak at sa Espiritu Santo

Lahat: Kapara noong sa una, ngayon at


magpakailanman. Amen.

Pambungad na Panalangin
Pari: Panginoong Hesus,
ngayong kapiling ka namin
sa pamamagitan ng banal na sakramento
itulot mo na mabukasan ang aming mga puso at
isipan
upang talikdan ang aming mga kasalanan
at ang tinig ng Iyong pagtawag ay pakinggan.
Sa pagtawag mo kay Pedro upang mamalakaya
ng tao,
Agad siyang tumalima at sumunod sa Iyo.
Loobin mo, isinasamo namin sa Iyo
na lahat kaming natitipon sa Ngalan Mo
ay makibahagi sa pagtataguyod
ng Iyong kaluwalhatian dito sa lupa
upang sa kalangitan, kami’y makinabang sa
Iyong kaharian
Ikaw na nabubuhay at naghahari
magpasawalanghanggan.

Lahat: Amen.

MABUTING BALITA (nakatayo ang lahat)


Marcos 1, 14-20
Talikdan ang inyong mga kasalanan at
Maniwala kayo sa mabuting balita

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon


kay San Marcos

Pagkatapos dakpin si Juan, si Hesus ay nagtungo sa


Galilea upang ipangaral ang Mabuting Balitang mula sa
Diyos: “Dumating na ang takdang panahon, at malapit
na ang paghahari ng Diyos! Pagsisihan ninyo’t talikdan
ang inyong mga kasalanan at maniwala kayo sa
Mabuting Balitang ito.”
Samantalang naglalakad si Hesus sa tabi ng lawa ng
Galilea, nakita niya ang magkapatid na Simon at Andres
na naghahagis ng lambat. Sila’y mangingisda. Sinabi ni
Hesus, “Sumama kayo sa akin at kayo’y gagawin kong
mamamalakaya ng tao.” Pagdaka’y iniwan nila ang
kanilang lambat, at sumunod ka kanya.
Nagpatuloy siya ng paglalakad, at sa di kalayuan ay
nakita niya ang magkapatid na Santiago at Juan, mga
anak ni Zebedeo. Sila’y nasa kanilang bangka at
nahahayuma ng mga lambat. Tinawag din sila ni Hesus
at sumunod naman sa kanya. Iniwan nila sa bangka ang
kanilang ama, kasama ng mga taong upahan.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Lahat: Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo

Pagninilay
Ibibigay ng punong tagapagdiwang ang kanyang
pagninilay ayon sa binasang ebanghelyo at pagkatapos ay iiwanan
niya ang mga kaisa sa banal na oras ng isa o higit pang mga puntos
na pagninilayan at tatahimik ang lahat hanggang sa ipagpatuloy ang
pagpaparangal sa banal na sakramento.

IKALAWANG YUGTO

Ang pagsamba sa Banal na Sakramento


(nakaluhod ang lahat habang iniinsensuhan ng punong
tagapagdiwang ang Sakramento at inaawit ang Tantum ergo.)

Awit
Tantum ergo sacramentum
Venermur cernui
Et antiquum documentum
Novo cedat ritui:
Præstet fides supplementum
Sensuum defectui.

Genitori genitoque
Laus et jubilatio
Salus honor virtus quoque
Sit et benedictio
Procedenti ab utroque
Compar sit laudatio. Amen.

Pari: Panem de coelo præstitisti eis.


Lahat: Omne delectametum in se habentem.
Tatayo ang pari at dadasalin:

Oremus.

Deus, qui nobis sub sacraménto mirábili


passiónis tuæ memóriam reliquísti,
tríbue, quæsumus,
ita nos Córporis et Sánguinis tui sacra mystéria venerári,
ut redemptiónis tuæ fructum in nobis iúgiter sentiámus.
Qui vivis et regnas in sæcula sæculórum.

Lahat: Amen.

Panalangin para sa Bokasyon

PANGINOON NG ANIHAN,

PAGKALOOBAN mo lakas ng loob ang mga kabataan na tumugon sa


iyong panawagan. Buksan mo ang kanilang mga puso sa mga
dakilang kaisipan at bagay.
KASIHAN ang lahat ng iyong mga alagad ng mga magkaayong pag-ibig
at pagbibigay – sapagkat ang bokasyon ay sumisibol sa mabuting
lupa ng mga tapat na tao.
ISALIN mo sa mga nasa relihiyosong pamumuhay, parokya, ministry at
pamilya ng may pagtitiwala at biyaya ng maghihikayat ng iba
upang yakapin ang malakas at marangal na landas ng
nakatalagang buhay para sa iyo.
PAGBUKLURIN mo kami kay Hesus sa pamamagitan ng panalangin at
sakramento, upang magawa naming makipagtulungan sa iyo sa
pagtataguyod ng paghahari ng iyong awa at katotohanan,
katarungan at kapayapaan.
AMEN.

Isusuot ng pari ang belo humerale, tutungo sa altar, at babasbasan ang


sambayanan.

PAGPUPURI

Purihin ang Diyos.


Purihin ang kanyang santong ngalan.
Purihin si Hesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo.
Purihin ang ngalan ni Hesus.
Purihin ang kanyang kabanal-banalang Puso.
Purihin ang kanyang kamahal-mahalang Dugo.
Purihin si Hesukristo sa Santisimo Sakramento sa altar.
Purihin ang Espiritu Santo, ang mang-aaliw.
Purihin ang Dakilang Ina ng Diyos, si Maria Santisima.
Purihin ang kalinis-linisang paglilihi sa kanya
Purihin ang maluwalhating pag-aakyat kay Maria, kaluluwa
at katawan.
Purihin ang ngalan ni Maria, Birhen at Ina.
Purihin si San Jose, ang kanyang kalinis-linisang esposo.
Purihin ang Diyos sa kanyang mga anghel at kanyang mga
Santo.
Amen.
Itatago ng pari ang Banal na Sakramento habang inaawit ang O
Sacrament Most Holy

Awit

O Sacrament most holy


O Sacrament Divine,
All praise and all thanksgiving be every moment thine,
Be every moment thine.

O Sacrament Most Holy,


O Sacrament Divine,
All praise and all thanksgiving be every moment thine,
Be every moment thine.

You might also like