You are on page 1of 21

SAMAHAN NATIN SIYA

Mga Panalangin sa Pagtatanod sa


Santisimo Sacramento

2024
Ang Maringal na Prusisyon
Pagkatapos ng Panalangin , luluhod ang pari sa harap ng dambana at lalagyan niya ng insenso ang
insensaryo. Samantalang siya'y nakaluhod, iinsensuhan niya nang tatlong ulit ang Banal na Sakramento.
Pagkaraa'y ilalagay sa balikat niya ang balabal na ang dulo ay gagamitin niya upang takpan ang lalagyan
ng mga ostiya na kaniyang dadalhin sa prusisyon.
Ang banal na sakramento ay ipuprusisyon sa loob ng simbahan sa pangunguna ng tagapagdala ng krus na
napapagitnaan ng mga tagapagdala ng kandila at sinusundan ng tagapagdala ng insensaryo.

Namumuno: Lumuhod na po ang lahat.


Isasagawa ang prusisyon habang tumutunog ang mga matraka.

AAWITIN ANG PANGE LINGUA.


Pari: O Sacrament most Holy, o Sacrament Divine.
Bayan: All praise and all thanksgiving be every moment thine.
Pari: Our Father...
Bayan: Give us this day...
Pari: Hail Mary..
Bayan: Holy Mary....
Pari: Glory be...
Bayan: As it was in the...
Tatlong beses na darasalin ang Panalangin sa itaas.
Pari: My God, I believe, I adore, I hope and I love Thee! I
beg pardon for those who do not believe, do not
adore, do not hope and do not love Thee. (3x)

O Most Holy Trinity, Father, Son and Holy Spirit, I adore


You profoundly and I offer You the Most Precious Body
and Blood, Soul and Divinity of Our Lord and Savior
Jesus Christ present in all the Tabernacles of the world
in reparation and satisfaction for all the outrages,
sacrileges, and indifferences committed against Him.

1
Pari: Through the infinite merits of the Sacred Heart of Jesus
and through the Immaculate Heart of Mary, I pray for
the conversion of sinners, Amen.

AAWITIN ANG "TANTUM ERGO"

Himno: Tantum ergo Sacraméntum


venerémur cérnui:
et antíquum documéntum
novo cedat rítui:
præstet fídes suppleméntum
sénsuum deféctui.
Genitóri, Genitóque
laus et iubilátio,
salus, honor, virtus quoque
sit et benedíctio:
procedénti ab utróque
compar sit laudátio.

Pari: Panem de Coelo praestitisti eis.


Bayan: Omne delectamentum in se habentem.
Pari: Oremus.

Deus, qui nobis sub Sacramento mirabili, passionis


tuae memoriam reliquisti: tribue, quæsumus, Ita nos corporis
et sanguinis tui sacra mysteria venerari, it redemptionis Tuæ
fructum in nobis jugiter sentiamus. Qui vivis et regnas in
saecula saeculorum.

Bayan: Amen.

2
MGA PAPURI KAY HESUKRISTO SA SANTISIMO SAKRAMENTO
Pari: Blessed be God
Blessed be His Holy Name.
Blessed be Jesus Christ, true God and true man.
Blessed be the name of Jesus.
Blessed be His Most Sacred Heart.
Blessed be His Most Precious Blood.
Blessed be Jesus in the Most Holy Sacrament of the
Altar.
Blessed be the Holy Spirit the Paraclete.
Blessed be the great Mother of God, Mary Most Holy.
Blessed be her holy and Immaculate Conception.
Blessed be her glorious Assumption.
Blessed be the name of Mary, Virgin and Mother.
Blessed be St. Joseph, her most chaste spouse.
Blessed be God in His Angels and in His saints.

Pari: O Sacrament most Holy, O Sacrament Divine.


Bayan: All praise and all thanksgiving be every moment Thine.
Tahimik na lilisan ang pari sa pook ng Altar of Repose at magpapatuloy ang Pagtatanod bago
maghatinggabi. Pagkalisan ay maaring awitin ang pangwakas na awit.

MAAARING AWITIN ANG "ISANG BANSA" O ANG "O SACRAMENT


MOST HOLY.

3
Ang Pagtatanod
Ang lahat ng magdarasal ay dapat nakaluhod at sumagot sa mga tugunan na dasal.

O Salutáris Hóstia O Ostiya Ng kaligtasan


Quæ cœli pandis óstium. pinto ka ng Langit na Bayan
Bella prémunt hostília; tulong mo laban sa kaaway
Da róbur, fer auxílium. mangyaring sa ami'y ibigay.

Uni trinoque Domino Puri sa Diyos na Maykapal.


Sit sempitérna gloria: sa tatlong personang Marangal.
Qui vítam sine término, Poon, nawa'y aming makamtan
Nobis donet in pátria. Amen. ang Langit na masayang bayan.
V: Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesukristo,na sa Kanyang
pagkahabag ay ibinigay ang Kaniyang bugtong na Anak alang-alang sa
kaligtasan ng sanlibutan. Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at
kailanman!
R: Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!
L: Kamahal-mahalang Mananakop, Manunubos ng sangkatauhan, naniniwala
kaming Ikaw ay naririyan sa Banal na Sakramentong nasa aming harapan.
Ninanais naming gamitin itong oras sa pagsamba at pagninilaynilay upang
ibigay sa Iyo ang kataas- taasang karangalan at luwalhati at upang
maghandog ng maliit na pagbabayad sa aming kasalanan at sa mga
kasalanan ng sandaigdigan. Ninanais din naming iukol ang Banal na Oras na
ito upang magpasalamat sa lahat ng iginawad Mong mga biyaya sa amin.
Ninanasa rin naming magtamo sa aming kapakinabangan at ng mga kaluluwa
sa Purgatoryo, ng maraming mga indulhensyang ibinibigay ng debosyong ito.
At buong-pusong idinadalangin namin na papanaugan Mo kami ng Iyong mga
pagpapala gayundin naman sa lahat ng aming mga kabataan dito sa aming
tinubuang-bayan at sa ibang lupain. O Jesus, habang kami'y nasa Iyong
Kamahal-mahalang harapan, ipinasi-siya naming limutin ang lahat na gawain,
ang aming mga alalahanin, limutin ang mundo at ang kanyang magdarayang
ligaya, at iukol ang lahat naming pag-iisip na buong-buo sa Iyo sa pag-aalay
sa Iyo ng kataastaasang pagsamba at pagninilaynilay ng Iyong ulilang
pamumuhay sa aming mga Tabernakulo. Amen.

4
L: PANALANGIN NG PAGSISISI: Diyos ko, ikinalulungkot ko nang buong puso
ang pagkakasala ko sa iyo. Kinasusuklaman ko ang lahat kong kasalanan
dahil sa takot sa iyong makatarungang hatol, ngunit higit sa lahat, dahil
ito’y nakakasakit sa iyong kalooban, Diyos na walang hanggan ang
kabutihan at nararapat na ibigin nang walang katapusan. Matibay akong
nagtitika na ikukumpisal ko ang aking mga kasalanan, tutuparin ang
tagubiling pagsisisi, at sa tulong ng iyong biyaya ay magbabagong-buhay.
Amen.
V: O Panginoong Jesukristo, Ikaw na nangakong kung mayroong dalawa o tatlo
na nagkakasama upang magdasal, Ikaw ay nasa kanilang piling, ibaling Mo
ang Iyong tingin sa aming Iyong mga anak na nagkakatipon sa Iyong
harapan, upang parangalan ang Iyong kamahal-mahalang Puso at upang
makilala Ka at mahalin ng lahat. Lumapit Ka sa aming piling, O Matamis na
Jesus, punuin Mo ng Iyong mga biyaya at pasiklabin ang Iyong Pag- ibig sa
aming mga puso.

R: O Jesus, ang aming mga dalangin ay Iyong tugunin sa aming pagkaluhod


sa Iyong harapan.

O Puso ni Jesus, dinggin at ipagka- loob ang aming mga panalangin. O


Puso ng Pag-ibig, inilalagay ko ang lahat kong pagtiti- wala sa Iyo.
Kinatatakutan ko ang lahat ng bagay mula sa aking kahinaan,
datapwa'tumaasa ako sa lahat ng bagay mula sa Iyong kabutihan.
L: O Panginoong Jesukristong nagsabi, "Humingi ka at ikaw ay tatanggap,
humanap ka at iyong makikita, kumatok ka at ikaw ay bubuksan,"ipagkaloob
Mo ang aming pamanhik, sa aming nagsisihingi ng Iyong mabathalang biyaya
upang Ikaw ay ibigin namin ng buong puso, sa lahat ng aming mga salita, at
gawa, at upang purihin naming lagi, Ikaw na nabubuhay at naghahari,
magpasawalang-hanggan. Amen.
V: O Jesus, ang aming mga dalangin ay Iyong tugunin sa aming pagkaluhod sa
Iyong harapan.

L: O Puso ni Jesus, dinggin at ipagkaloob ang aming mga panalangin. O Puso ng


Pag-ibig, inilalagay ko ang lahat kong pagtitiwala sa Iyo. Kinatatakutan ko
ang lahat ng bagay mula sa aking kahinaan, datapwa'tumaasa ako sa lahat
ng bagay mula sa Iyong kabutihan.
5
V: O Kasintasintahang Mananakop, walang hanggang kabaitan, at walang
ninanais kundi ang aming kapakanan, sa Iyong Kabanalbanalang Puso
nanggaling ang mga salitang sumusunod ng Iyong pag- ibig. "Halikayo at
magsilapit sa akin ang lahat ng nabibigatan ng kanilang dalahin at Aking
pagagaangin."Sa pag-asa sa pangakong ito sa Iyong walang hanggang
pagkamaawain, kami ay lumalapit sa lyo at sa lubos na kababaan ng aming
puso, ay aming isinasamo na pagkalooban Mo kami ng biyayang aming
hinihingi rito sa Banal na Oras. (Babanggitin ang kahilingan sa mabababang tinig)
Nguni't kung ang aming hinihiling sa Iyo ay hindi sa ikaluluwalhati ng Diyos
o sa kaligtasan ng aming mga kaluluwa, ipagkaloob Mo sa amin kung anuman
ang natutungo sa dalawang bagay na iyan. Amen.
R: O Jesus, ang aming mga dalangin ay Iyong tugunin sa aming pagkaluhod
sa Iyong harapan.

L: O Puso ni Jesus, dinggin at ipagkaloob ang aming mga panalangin. O Puso ng


Pag-ibig, inilalagay ko ang lahat kong pagtitiwala sa Iyo. Kinatatakutan ko
ang lahat ng bagay mula sa aking kahinaan, datapwa'tumaasa ako sa lahat
ng bagay mula sa Iyong kabutihan.
Sa bawat litanya, ang itutugon ay- "Iniibig kita, O Diyos ko!"

V: Diyos Ama, na lumikha ng Langit at lupa, R: Iniibig kita, O DIYOS ko!


Diyos Anak, na tumubos ng sanlibutan,
Diyos Espiritu Santo, aming tanglaw,
Santisima Trinidad, na iisang Diyos,
Ikaw na pag-ibig na walang katapusan,
Ikaw na naunang umibig sa akin,
Ikaw na nag-utos sa aking umibig sa Iyo,
Ng buo kong puso,
Ng buo kong kaluluwa,
Ng buo kong diwa,
Ng buo kong lakas,
Higit sa lahat ng pag-aari at karangalan,
Higit sa lahat ng mga kasayahan, at pag-aaliw,
Higit sa aking sarili,
Higit sa anumang aking ari-arian,
Higit sa lahat kong mga kamag-anak at kaibigan,
6
Higit sa lahat ng mga tao at mga anghel,
Higit sa lahat na lalang na mga bagay sa langit at sa lupa,
Alang-alang lamang sa lyong sarılı,
Sapagka't Ikaw ang naghaharing Kabutihan
Sapagka't Ikaw ang karapatdapat ibigin ng walang hanggan,
Kahit na hindi Mo ipinangako sa akin ang langit,
Kahit na hindi Mo ako pinagbantaan ng impiyerno,
Kahit na nasain Mong patikman ako ng kakulangan at
kasamaang-palad,
Sa kayamanan at sa karukhaan,
Sa kasaganaan at sa kasawian,
Sa kalusugan ng katawan at sa pagkakasakit,
Sa lumilipas na panahon at magpakailan man,
Sa pakikipag-isa ko sa pag-ibig na siyang pag-ibig sa Iyo ng
lahat ng mga Santo sa langit,
Sa pakikipag-isa ko sa pag-ibig na siyang pag-ibig sa Iyo ng
lahat ng mga anghel sa langit,
Sa pakikipag-isa ko sa pag-ibig ng Pinagpalang Birhen sa Iyo,
Sa pakikipag-isa ko sa Iyong pag-ibig sa Iyong sarili na walang
hanggan.
L: ESPIRITUWAL NA PAKIKINABANG: O Jesus Ko, ako ay sumasampalataya
na naririyan Kang tunay sa napakabanal sa Sakramento. Iniibig Kita ng higit
sa lahat ng bagay at ninanais kong tanggapin Ka sa aking kaluluwa.
Yayamang hindi Kita maaaring tanggapin ngayon sa napakabanal na
Sakramento, halina at pumasok sa aking kaluluwa. .Niyayakap Kita ngayong
Ikaw ay naririto na, isinasama ko ang buong sarili sa lyo; huwag Mong
ipahintulot na sa Iyo ako'y mahiwalay magpakailan man. Amen.

Awit: TO JESUS' HEART ALL BURNING (Tatayo)


To Jesus' Heart all burning O Heart for sinner broken
With fervent love for men By sheer excess of love
My heart with fondest yearning Be thou my pledge and token
Shall raise the joyful strain. Of endless joys above.
While ages course along While ages course along
Blest be with loudest song. Blest be with loudest song
The Sacred Heart of Jesus The Sacred Heart of Jesus
By every heart and tongue. By every heart and tongue.
7
Awit: PUSONG LUBHANG BANAL (Titindig)
Pusong lubhang banal, maghari Ka Sa
aming diwa't aming kaluluwa

Mga Kristiyano ating purihin


Ang Poon natin ay Sambahin
Tulad sa Langit, tayo'y umawit
Sa Diyos ng Awa at pag-ibig.

IKALAWANG SANGKAPAT
(Lahat ay luluhod)

L: O Jesus na Diyos, nag-iisa ngayong gabi sa napakaraming dambana, walang


dumadalaw o sumasamba, inihahandog ko sa Iyo ang aking maralita nguni't
umiibig na puso. Nawa'y ang bawa't tibok noon ay maging isang dasal ng
pag-ibig para sa Iyo. Ikaw na laging tumatanod sa ilalim ng talukbong ng
tabernakulo; sa Iyong pag-ibig ay hindi Ka natutulog at kailan man'y hindi.
Ka napagod sa pagtatanod sa mga makasalanan. O mabait na Jesus,
minamahal Kita. Ako ay tunay na nalulumbay sapagka't Ikaw ay aking
dinusta. O namamanglaw na Jesus, nawa'y ang puso ko ay maging isang
ilawan, na ang liwanag noon ay laging magningas at kumislap para sa Iyo
lamang. Basbasan Mo ako, O Jesus, pumarito Ka sa aking puso ng pag-ibig
para sa Iyo. Gawin Mo ako, O Jesus, na tunay na Iyo. Kunin Mo itong aking
nalilisyang puso. Akayin Mo iyon sa gitna nitong lupang kahapis-hapis. Puso
ni Jesus, pakinggan Mo ako Na sa huling sandali ng aking buhay, na sa
pagpikit ng aking mga mata, sa oras na iyon lumapit Ka, O matamis na Jesus,
pakinggan Mo ako. Magbantay Ka, O tagapagtanod ng Tabernakulo,
tanuran Mo ang nababagot na daigdig sa naliligaw na kaluluwa at sa Iyong
nalulumbay na anak. Amen.

V: O katamis-tamisang Jesus, hayaan Mong ilagay ko sa Iyong banal na paanan


ang aking bahagi sa araw-araw ng kaligayahan, pakikipaglaban at mga
kalum- bayan, ang aking mga pag-asa at panimdim, at Ikaw sa katahimikan
ng Iyong banal na darn- bana, magiliw na yakapin Mo ang lahat na ito sa
Iyong Banal na Puso. Aliwin Mo ang aking mga pag-aalinlangan, payapain
Mo ang aking mga panimdim, at ikaloob Mo na sa araw-araw ako ay lalong

8
makipag-isa sa Iyo. O Puso ni Jesus sa kabanal-banalang Sakramento,nag-
uumapaw sa kahinahunan,pagka- madamayin, at kawanggawa, itago sa
kalaliman ng Iyong awa ang lahat ng aking kawalang-katarungan at lahat
ng aking kapabayaan. Iniaalay ko sa Iyo ang lahat ng aking gawain at
paghihirap, kalungkutan, at hapis, ipinag- tatagubilin ko sa Iyo ang aking
buhay at kamatayan. Amen.
R: O Jesus,nakatagong Diyos, tumatawag ako sa Iyo!
O Jesus, nakatagong ilaw,bumabaling ako sa Iyo!
O Jesus, nakatagong Pag-ibig, ako'y magdudumali sa paglapit sa Iyo!
Buong lakas na nasa akin, sinasamba Kita;
Buong pag-ibig na nasa akin, nanghahawak ako sa Iyo,
Buong kaluluwang ninanais kong mapasama sa Iyo,
At di na muling katatakutan ang di pagtagumpay o mahiwalay sa Iyo,
O Jesus, walang kamatayang Pag-ibig na humahanap sa akin,
Ikaw, na namatay dahil sa pananabik ng pag- ibig Mo sa akin,
Ikaw, Hari sa lahat ng Iyong kagandahan, lumapit Ka sa akin,
Binihisan ng puti, tigmak sa dugo, O Jesus Ko, lumapit Ka sa akin;
O Aking minamahal na Panginoon, huwag Mo na akong iwanang muli,
O Diyos na napakaganda, napakamahalaga,
O Diyos, pinakamarilag, di-linalang;
O Diyos, walang hanggan, at nagbibigay ng ligaya;
O Diyos, walang katapusan at di nakikita;
O Diyos, di-masusukat,
O Diyos, na buhay;
Ikaw, karunungan ng Diyos, na walang kata- pusan;
Ikaw, laging namamahal, at laging nagmamahal;
Gawin Mo ako, O Banal na Diyos, na Iyong aruga;
Gawin Mo ako, Ο Maluwalhating Pag-ibig,/ na isang mahalagang Iyo;
Gawin Mo ako, O pinakamataas na Kabutihan, na laging nananabik sa Iyo;
Gawin Mo ako, na kailan man ay isang masintahin sa Iyo;
Nasa dilim ang aking kaluluwa, kapag malayo sa Iyo;
Malabo ang aking paningin, sa paghahanap sa Iyo;
Katawan ko'y nalulungkot, kapag malayo sa Iyo;
Puso ko'y tumitibok sa tuwa sa Iyo, na aking sarili;
Puso ko'y hinihimatay, sa pagtanggap sa Iyo;
Saan sa kataasan ng Langit, may liwanag tulad sa Iyo?
9
Banal na Katahimikan
(Ang lahat ay tatahimik muna nang panandalian.)

Awit: PUSONG MAAMO AT MAAWAIN (Titindig)


Pusong maamo at mahabagin
Dalangin namin ay Iyong dinggin,
Sa oras ng panganib at lagim,
Jesus, kami'y lingapin.

Buong ligaya kaming hihimlay


Sa Iyong piling di na mawawalay.
Ang lyong Puso'y Siyang patnubay,
Ng aming buhay hanggang mamatay.

IKATLONG SANGKAPAT
(Ang Pagbabayad-Puri)

L: Bathalang Tagapagligtas ng mga kaluluwa! kami'y nagpapatirapa sa harapan


ng Iyong Kapangyarihan, gulong- gulo ang mga isipan , Ang mga mata
nami'y nakalingon sa napabayaang Tabernakulo. Doon Ka nakukulong
nalulumbay sa paghahangad ng aming pag-ibig. Kami'y nagda- dalamhati
sapagka't Ikaw ay nakalimutan na ng mga kaluluwang Iyong tinubos,
pinawalang-halaga ang Iyong Dugo, ang Iyong pagpapakasakit ay di
nagbigay-bunga, ang Iyong pag-ibig ay itinakwil. Ganoon pa man,
sapagka't sa Iyong pagpapakumbaba, ay pinabayaan Mo kami ngayong
gabing maki- sama sa Iyong kalungkutan, at ilahok ang aming mga luha sa
luhang alang-alang sa ami'y nanggaling sa Iyong banal na mga mata, at sa
dugong tumulo sa Iyong kamahalma- halang Puso, nananalangin, kami sa
Iyo. Jesus na Mahal, para sa mga taong hindi nagdarasal. Pinupuri Ka
namin, para sa mga taong nagsasalita ng masasama tungkol sa Iyo.
Sinasamba Ka namin sa halip ng mga taong lumalapastangan sa Iyo. Sa
bawa't sandali ngayong gabi, sa lahat ng dambana sa buong mundo, sa
pakikipagkalas sa mga mabisang pagnanais ng Iyong mapagmahal na Puso,
ibig naming purihin Ka ng buong kakayahan ng aming kaluluwa. Amen.

10
V: O Maawaing Jesus, nag-aalab sa pag- ibig sa mga kaluluwa idinadalangin
namin, sa pamamagitan ng paghihirap ng Iyong Kama- halmahalang Puso at
paghihirap ng Iyong Dakilang Ina, na hugasan sa Iyong dugo ang mga
makasalanan sa buong mundo, na ngayon ay naghihingalo at malapit nang
mamatay.
R: Amen.
V: O nagdurusang Puso ni Jesus.
R: Maawa Ka sa mga namamatay.
V: PAGBABAYAD-PURI SA KABANAL-BANALANG PUSO NI HESUS: O
nakagigiliw na Puso ni Jesus, nagliliwanag sa pag-ibig dahil sa amin at nag-
aalab sa sikap para sa aming kaligtasan! O Puso, lagi nang maramdamin sa
aming kahirapan at sa kalunuslunos na bunga ng aming, mga kasalanan,
mayaman sa awang walang hanggan upang pagalingin ang sugat ng aming
kaluluwa! Marapating malasin kami na buong kapakumbabaang naninikluhod
sa Iyong harapan, nagpapahayag ng aming lumbay na galing sa aming mga
puso, dahil sa kalamigan at pagwawalang bahala, na aming ganti sa mga di-
mabilang nang pakinabang na ipinagkaloob Mo sa amin. Dala ng isang
malalim na pagdaramdam sa mga kadustaan na isinalansan sa Iyo ng aming
mga kasalanan at kasalanan ng iba, kami ay pumarito upang gumawa ng
isang pagbabayad-puri sa Iyong Pinakabanal na Kadakilaan. Ang aming mga
kasalanan ang pumuspos sa Irong Puso ng kapaitan yaong bigat ng aming
pagkakasala ang nagdiin sa Iyong mukha sa lupa roon sa Halamanan ng
Oliba at ipinangyari na Ikaw ay mamatay sa paghihirap at dalita sa Krus.
Nguni't ngayon nagsisisi at namamanglaw, kami'y nagpapatirapa sa Iyong
paanan at namamanhik ng Iyong kapatawaran: O Kagiliw-giliw na Puso ni
Jesus. Siyang pinagmumulan ng totoong pagsisisi at laging mahabagin sa
nagsisising makasalanan, ipagkaloob. Mo sa aming mga puso ang diwa ng
pagdurusa at ibigay Mo sa aming mga mata ang bukal ng luha upang aming
tangisan ng taos sa loob ang aming mga kasalanan ngayon at hanggang sa
katapusan ng aming mga buhay. O, kung maaari lamang naming katkatin
yaong nga kasalanan sa pamamagitan ng aming dugo!

11
R: Patawarin mo sila, O Panginoon, sa Iyong habag, patawarin at akitin sa
Iyo ang lahat ng gumawa ng kawalang pitagan at kapaslangan laban sa Iyo
sa Sakramento ng Iyong Pag-ibig, at sa ganitong paraan ay magbigay ng isa
pang katunayan na ang Iyong awa ay higit sa lahat ng Itong mga gawain.
O Mabathalang Jesus, nasa Iyo ang awa at saganang katubusan. Iadya Mo
kami sa aming mga kasalanan. Tanggapin Mo ang nasang tapat sa loob na
ngayon ay aming inaaliw, at ang banal na pagtalaga na pamula ngayon
kami'y magiging matapatin sa Iyo. At, upang husayin namin ang aming
mga pasiya na magbagong-loob, ng pagkilala ng utang na loob,
ipinagdalamhati ng Iyong pinakamagiliwing Puso, pinapasiyahan namin
na sa panahong darating iibigin at laging para- rangalan Ka namin sa
pinakarapatdapat sambahing Sakramento ng Dambana, na lagi Kang
doroon upang dinggin at ipagkaloob ang aming mga kahilingan at upang
maging pagkain at buhay ng aming mga kaluluwa. O Jesus na maawain,
maging Tagapaggunita Ka namin sa Iyong Mabathalang Amang, aming
mabigat na pinagkasalanan, pagti- bayin Mo ang aming mga pasiya na
magba- gong-loob, at yayamang ang Iyong Banal na Puso ay aming
tagapagkupkop at pag-asa kung kami'y nagkasala, gayon din mangyaring
maging lakas at alalay ng aming pagsisisi, upang walang anumang bagay sa
kabuhayan o sa kamatayan muling maghiwalay sa amin sa Iyo. Amen.

Awit: PURI SA DIYOS NG BIYAYA

Puri sa Diyos ng biyaya, Apat na raang taon na


Nasa Ostya ng hiwaga, Itong Bayang Pilipina
Luhod, O langit at lupa Ang buhay ay kinukuha
Sambahin ang Lumikha. Kay Kristo ng pag-asa.
Lapit na Bayang Silangan, Bayang mutya ni Maria
Bansang lahat maglapitan Gintong bundok ay di una
Isang pagsambang matibay sa S'tanda ng sampalataya
Diyos Ostya ialay. Ang krus na mapag-adya.

12
IKAAPAT NA SANGKAPAT
LITANYA NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS
V: Panginoon, maawa Ka sa amin. R: Panginoon, maawa ka sa amin
Kristo, maawa Ka sa amin. Kristo, maawa ka sa amin
Panginoon, maawa Ka sa amin. Panginoon, maawa ka sa amin
Kristo, pakinggan Mo kami. Kristo, paka-pakinggan mo kami.
Sa bawat litanya, ang itutugon ay-"Maawa ka sa Amin."
V: Diyos Ama, sa langit, R: Maawa Ka sa amin.
Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan,
Diyos Espiritu Santo,
Santisima Trinidad na iisang Diyos,
Puso ni Jesus, Anak ng Amang walang hanggan,
Puso ni Jesus, nilalang ng Espiritu Santo sa tiyan ng Inang Birhen,
Puso ni Jesus, na nakikipag-isang tunay sa Verbo ng Diyos,
Puso ni Jesus, na walang hanggan ang Kamahalan,
Puso ni Jesus, Templong Banal ng Diyos,
Puso ni Jesus, Tabernakulo ng Kataastaasan,
Puso ni Jesus, Bahay ng Diyos at Pinto ng Langit,
Puso ni Jesus, maalab na siga ng Pag-ibig,
Puso ni Jesus, sisidlan ng Katuwiran at Pag-ibig,
Puso ni Jesus, puspos ng Kabutihan at Pag- ibig,
Puso ni Jesus, kalaliman ng lahat ng kabanalan,
Puso ni Jesus, karapatdapat purihin ng buong pagpupuri,
Puso ni Jesus, Hari at Sentro ng lahat ng mga puso,
Puso ni Jesus, sisidlan ng dilang kayamanan ng karunungan at katalinuhan,
Puso ni Jesus, tahanan ng buong pagka- Diyos,
Puso ni Jesus, kinalulugdang lubos ng Diyos Ama,
Puso, ni Jesus, sa Iyong kasaganaan ay nababahagi- nan kaming lahat,
Puso ni Jesus, pinagnaisan ng mga burol na walang hanggan,
Puso ni Jesus, matiisin at lubhang maawain.
Puso ni Jesus, nakakapagpayaman sa lahat ng mga tumatawag sa Iyo
Puso ni Jesus, bukal ng buhay at kabanalan,
Puso ni Jesus, ipinagtamo namin ng kapatawaran sa aming mga kasalanan,
Puso ni Jesus, tinigib ng karuwahaginan,

13
Puso ni Jesus, nasugatan dahil sa aming mga kasalanan,
Puso ni Jesus, naging masunurin hanggang sa kamatayan,
Puso ni Jesus, pinaglagusan ng sibat,
Puso ni Jesus, batis ng tanang kaaliwan,
Puso ni Jesus, buhay at pagkabuhay naming mag-uli,
Puso ni Jesus, kaapayapaan namin at ipinagkakasundo,
Puso ni Jesus, inihain dahil sa aming mga kasalanan,
Puso ni Jesus, kaligtasan ng mga umaasa sa Iyo,
Puso ni Jesus, pag-asa ng mga namamatay sa Iyo,
Puso ni Jesus, ligaya ng lahat ng mga Santo.

V: Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,


R: Patawarin mo po Kami, Panginoon.
V: Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
R: Paka-pakinggan mo po kami, Panginoon.
V: Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
R: Maawa ka sa Amin.

V: Jesus, maamo at mababang Puso.


R: Gawin Mo na ang aming mga puso ay matulad sa Puso Mo.

V: Manalangin tayo:
Makapangyarihan at walang hanggang Diyos! Tingnan Mo ang Puso ng
Sinta mong Anak at ang mga pagpupuri at kabayaran na inihahandog niya
sa Iyo sa ngalan ng mga makasalanan at marapatin Mong ipagka- loob ang
kapatawaran sa nagmamakaawa sa Iyo sa ngalan ni Jesukristo ring Anak
Mo, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo magpasa walang hanggan.
R: Amen.
R: O Kamahal-mahalang Puso ni Jesus! tulungan Mo kaming maalaala, pag
ang mundo'y walang pakiramdam at mapanglaw, at hindi namin
malaman kung saan hahanap ng ginhawa, na laging may isang pook na
maliwanag at masaya - ang Tabernakulo sa altar. Kung kami ay
malungkot, kung ang aming mga minamahal ay mangamatay na at
mapahiwalay sa amin, tulad ng natutuyong bulaklak sa tag-araw, at wala
nang maiiwan upang mag-alaga sa amin, ibulong Mo sa aming
naliligaligang kaluluwa na mayroong isang Kaibigan na hindi mamama-
tay, isang Kaibigan na laging magmamahal, ang Kabanal-banalang Puso
ni Jesus sa altar.
14
Pag ang mga kalumbayan ay dumarami at bumibigat at wala kaming
madamang ginhawa marinig nawa namin sa tabernakulo ang Iyong mga
salitang puno ng lugod: "Parito kayo sa Akin, lahat kayong naghihirap at
nagpapasan ng mabigat, at kayo ay Aking pasisiglahin". Kung amin
lamang matatarok ang dalisay na, kaligayahan ng magkamit ng Iyong
pakikiramay. Kung amin lamang maranasan na kapag kami ay nalupig
at inaaba kapag ang aming mga pag-asa ay naunsiyami, kapag ang aming
mga lumbay at pagtitiis na di namin kayang ipaalam sa kaninuman ay
halos na sa kamatayan iniluluhog ang aming mga kaluluwa, pag wala
kaming makita ng kahit na isa na makakaunawa sa amin, isa na
makikiramay sa aming mga kahirapan, ipaalaala Mo sa amin na
mayroong Isa sa Altar Isa na nakakaalam ng bawa't tibok ng aming puso,
bawa't lum- bay, bawa't sakit sa aming tanging katala- gahan, at tunay
na nakikiramay sa amin. Madamaying Puso ni Jesus! ang puso namin ay
humihibik ng pagdamay, at ang magtiis ng hirap ay di-maitutulad sa
kapaitan ng magtiis nang nag-iisa.
V: PAGBABASBAS: O Jesus Ko, Bukal ng walang katapusang pagpapala, Ikaw
na nagpala sa Iyong mga Apostoles bago Ka umakyat sa langit, pagpalain
Mo rin ako at gawin Mo akong banal sa pamamagitan ng Iyong pananatili
sa Santisimo Sakramento. Basbasan Mo ang aking alaala, na Ika'y lagi kong
ala- lahanin. Basbasan Mo ang aking pang-unawa, upang Ikaw ang laging
isipin. Basbasan Mo ang aking kalooban, upang kailan man ay huwag
humanap o magnais ng anumang makapagbibigay ng lumbay sa Iyo.
Basbasan Mo ang aking katawan at ang lahat ng kanyang gawain. Basbasan
Mo ang aking puso at ang lahat ng mga pagnanasa ng aking puso. Basba-
san Mo ako ngayon at sa oras ng kamatayan. Basbasan Mo ako sa buhay na
ito at sa buhay na walang hanggangan ipagkaloob Mo na ang lyong matamis
na pagpapala ay maging para sa akin isang pangako ng kaligayahang walang
katapusan. Basbasan ang aking mga kapatid, mga mananampalataya.
Basbasan ang mga napakamahal sa akin. Basbasan Mo ang lahat ng aking
minamahal, ang bawa't isa na pinagkakautangan ko ng loob, at dalhim Mo
sila at ako upang tumira sa Iyong Kabanal- banalang Puso magpakailan
man.
R: Amen.

15
DIVINE MERCY CHAPLET
(Gagamitin ang tradisyunal na rosaryo at ihahalili ang mga sumusunod:)

V: O banal na Dugo at Tubig na dumaloy mula sa Puso ni Hesus bilang Bukal


ng Awa para sa aming lahat, (3x)
R: Kami ay nananalig sa Iyo. (3x)
V: Ama Namin, sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang
kaharian mo, Aundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.
R: Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw, At patawarin
mo kami sa aming mga sala, Para nang pagpapatawad namin sa
nagkakasala sa amin At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso, At iadya
mo kami sa lahat ng masama. Amen.
V: Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasiya, Ang Panginoong Diyos ay
sumasaiyo. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat At pinagpala naman ang
anak mong si Hesus.
R: Santa Maria, Ina ng Diyos, Ipanalangin mo kaming makasalanan ngayon
at kung kami'y mamamatay. Amen.
V: Sumasampalataya ako sa Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat, na may
gawâ ng langit at lupa. Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo, iisang
Anak ng Diyos, Panginoón nating lahat. Nagkatawang-tao Siya lalang ng
Espíritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni
Póncio Pilato, ipinakò sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan
ng mga yumao. Nang may ikatlong araw, nabuhay na mag-ulî. Umakyat sa
langit, náluluklók sa kanan ng Diyos Amang Makapangyayari sa lahat. Doon
magmumulang paririto't maghuhukom sa mga nangabubuhay at nangamatay
na tao.

R: Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espíritu Santo, sa Banal na


Simbahang Katólika; sa kasamahan ng mga Banal; sa kapatawaran ng
mga kasalanan, sa pagkabuhay na mag-ulî ng mga nangamatay na tao,
At sa buhay na walang-hanggán. Amen.

16
(Sa bawat butil ng "Ama Namin" ihahalili ang sumusunod:)

V: Ama na Walang Hanggan, Iniaalay ko po sa Iyo ang Katawan at Dugo,


Kaluluwa at Pagka-Diyos ng Kamahal-mahalan Mong Anak na si Hesukristo,
na aming Panginoon at Manunubos,

R: Para sa ikapagpapatawad ng aming mga sala at sa sala ng buong


sansinukob.
(Sa bawat butil ng "Aba Ginoong Maria" ihahalili ang sumusunod:)

V: Alang-alang sa mga Tiniis na Hirap at Kamatayan ni Hesus;


R: Kaawaan Mo po kami at ang buong sansinukob.

Ihahalili ito sa "Aba po Santa Mariang Reyna" at darasalin nang tatlong beses.

V: Banal na Diyos, Banal na Puspos ng Kapangyarihan, Banal na Walang


Hanggan, (3x)
R: Maawa po Kayo sa amin at sa buong sansinukob. (3x)

V: O Hesus, Hari ng Awa, (3x)


R: Kami ay nananalig sa Iyo. (3x)
V: Manalangin tayo: Walang Hanggang Diyos, na ang awa ay walang
katapusan at ang kabang-yaman ng habag na di maubos-ubos, masuyong
tingnan po kami at palaguin niyo po ang awa sa amin, nang sa mahihirap na
sandali ay maaring di kami panghinaan ng loob, o kaya’y malupaypay, kundi
nang may malaking pananalig isuko ang aming sarili sa iyong banal na
kalooban, na siya ring pagibig at awa rin.
R: Amen.

PANALANGIN BAGO MAGBENDISYON


V: O Jesus, na malapit ng magbigay ng lyong pagpapala sa lahat na natitipon
dito, mapakumbaba naming idinadalangin na ang Iyong pagpapala ay
magbigay sa bawa't isa sa amin ng sadyang palang kinakailangan namin.
Subali't ang hinihingi namin ay higit pa rito - Pabayaan Mong kumalat ang
Iyong biyaya sa lahat ng dako. Na ito'y maramdaman nawa sa kaluluwa ng
mga nagdurusa, na hindi makapa- rito upang tanggapin ito sa Iyong paanan.

17
Pabayaan Mo na ang kapangyarihang ito ay maranasan ng mga mahihina at
ng mga natu- tukso, saan man sila naroroon. Pabayaan Mong ang kanyang
lakas ay maranasan ng dukhang taong makasalanan, upang mahikayat
siyang lumapit sa Iyo. Pabayaan Mong tumawid-dagat ito upang pasiglahin
at aliwin ang misyone- rong malayo sa kanyang tahanan at mga kapatid at
nagpapakasakit dahil sa kanyang pag-ibig sa mga kaluluwang napakamahal
sa Iyong Banal na Puso. Ipinamamanhik naming buong kababaang-loob ang
Iyong biyaya kay (Banggitin ang pangalan ng taong ipinagdarasal) at
matupad nawa ang makapagliligtas na hanga- rin, nang dahil dito, O
Panginoon, ay Iyong buong paggiliw na inihahandog ang biyayang ito.

R: Amen.
L: Jesus, aking Diyos, aking Hari, kinakailangang iwanan Kita ngayon, nguni't
dadalhin ko ang alaala ng Iyong nasugatang Pag-ibig Hindi magtatagal at
dadalawin Kitang muli. Hanggang sa muli, iniiwan ko ang aking puso sa
harapan ng Tabernakulo. Pabayaan Mong sabihin sa Iyo ng bawa't tibok ng
aking puso na iniibig Kita, na ninanais kong magkaroon ng panahong malaya
upang guguling muli ang isang oras na kasama Mo. Basbasan Mo ako, bago
ako umalis, aking Jesus. Basbasan Mo ang aking tahanan, ang aking mga
gawain. Basbasan Mo ang mga mahal sa akin, ang aking mga kaibigan, at
pati ang aking mga kaaway. Amen.

Awit: LUMUHOD TAYO AT GUMALANG


Lumuhod tayo at gumalang
Sa Sakramentong mahal,
Sa atin ay bagong alay,
Luma ay napalitan.
Di malirip na hiwagang
Dapat sampalatayanan.

Luwalhati sa Amang Diyos,


Puri kay Kristo Jesus,
At sa Espiritu Santo Magdangal na lubos;
Ipagbunyi nating puspos
Ang tatlong Personang lubos. A-ΜΕΝ.

18
V: Binigyan Mo sila ng tinapay buhat sa langit,
R: Na naglalaman sa kanyang sarili ng lahat ng katamisan,

V: Manalangin tayo:

O Diyos, na sa ilalim ng kamangha-manghang Sakramento ay iniwan


Mo sa amin ang alaala ng Iyong Hirap at Sakit; ipagkaloob na nawa'y
sambahin namin ang banal na mga hiwaga ng Iyong Katawan at Dugo, na
nawa'y lagi naming madama sa aming mga sarili ang mga bisa ng Iyong
kaligtasan; Ikaw na nabubuhay at naghaharing kasama ng Diyos Ama sa
pakikipagkaisa ng Espiritu Santo, Diyos magpasawalang hanggan.

R: Amen.

PAGPUPURI SA SANTISIMO SAKRAMENTO

L: Purihin ang Diyos.


Purihin ang Kanyang Santong Ngalan.
Purihin si Jesukristo, Diyos na totoo, at tao namang totoo.
Purihin ang Ngalan ni Jesus.
Purihin ang Kanyang Kamahal-mahalang Puso.
Purihin ang Kanyang Kamahal-mahalang Dugo.
Purihin si Jesukristo sa Santisimo Sakramento sa Altar.
Purihin ang Espiritu Santo, ang Mang-aaliw.
Purihin ang Dakilang Ina ng Diyos na si Maria Santisima .
Purihin ang Santa't kalinis-linisang Paglilihi sa Kanya.
Purihin ang Kanyang Maluwalhating Pag-aakyat sa Langit.
Purihin ang ngalan ni Maria Birhen at Ina.
Purihin si San Jose, kanyang kalinis-linisang Esposo.
Purihin ang Diyos sa Kanyang mga Anghel at sa Kanyang mga Santo.

V: Banal na Sakramento na sa Langit buhat,


R: Ang papuri ng kinapal lyong-iyong lahat,

Aawitin ang "O Sacred Heart, o Love Divine" bilang pangwakas na awit.

19
O Sacred heart, O love Divine
Do keep us near to Thee
And make our love so like to Thine
That we may holy be

Heart of Jesus hear


O heart of love Divine
Listen to our prayer
Make us always Thine

O temple pure, O house of gold


Our heaven here below
What sweet delight, what wealth untold
From Thee do ever flow

Heart of Jesus hear


O heart of love Divine
Listen to our prayer
Make us always Thine

Ungrateful hearts, forgetful hearts


The hearts of all have been
To wound Thy side with cruel darts
Which they have made by sin

Heart of Jesus hear


O heart of love Divine
Listen to our prayer
Make us always Thine

20

You might also like