You are on page 1of 66

Ang Pagsisiyam kay San Roque

Dambanang Pang-Diyosesis ni Santa Marta


Parokya ni San Roque
Hen. B. Morcilla, Poblacion, Pateros Kalakhang Maynila

Ang Pamimintuho Kay San Roque


Patron ng Pateros
2020

1
Ang Pagsisiyam kay San Roque

UNANG ARAW

DALIT
Nakatayo
Maaring sambitin ang buong Dalit o di kaya’y ang mga sumusunod:

Aba matibay na moog


Nang taong nangagsasalot,

Amponin mo kami’t kupkop


Roqueng kapalara’y puspos

Araw na ipinanganak ka,


Sa katawan mo’y nakita
Tandang isang krus na maganda,
Buhay mong banal na sadya.
Sa sikmuray isang Krus
Ang ikinnintal ng Diyos.

Amponin mo kami’t kupkop


Roqueng kapalara’y puspos

Pagkawili mong mataman


Sa Reyna ng kalangitan
Tanang adhika mong asal,
Siya’y ang tinutularan.
Bata ka pa’y naghahandog
Ng pagpapakarayukdok

Amponin mo kami’t kupkop


Roqueng kapalara’y puspos

Aba matibay na moog


Nang taong nangagsasalot,

Amponin mo kami’t kupkop


Roqueng kapalara’y puspos

2
Ang Pagsisiyam kay San Roque

+ Krus ni Kristo + Iligtas mo ako +

N/ Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo.

B/ Amen

PAGSISISI
Nakaluhod
Panginoon kong Diyos na walang hanggan at bukal ng lahat ng kagalingan,
ako’y nagpapakumbaba sa harap ng Iyong kadakilaan. Sinasamba’t dinarakila Kita
ng taimtim sa loob, sapagkat ikaw nga ang Ama ko’t Panginoong may gawa sa
lahat, at Ikaw lamang ang pinanggagalingan ng grasya at kaluwalhatian. Ninanasa
kong makatgulad ng mga banal sa langit na lubos ang pagsamba sa iyo.

Nagpapasalamat ako nang walang humpay dahil sa di mabilang na mga


biyayang ipinagkaloob Mo sa akin lalung lalo na ang pagkakligtas ko sa kasalanan.
Kinikilala ko ang pagbibigay Mo sa akin ng malinaw na pag-iisip at malayang
kalooban, at ako nama’y kinalinga Mo hanggang sa oras na ito. Gayon din, ako’y
tinubos Mo, ako’y naging kristiyano at naging sangkap ng Santa Iglesia Catolica,
binigyan ng maraming pagkakataon na makapagsisi sa aking kasalanan at
pinagkalooban ng grasya sa pagbabalik-loob at pagbabagong-asal.

Sumasampalataya ako sa Iyong mga aral na itinagubilin sa Santa Iglesia at


sa pananampalatayang ito’y ibig kong mabuhay at mamatay.

O Diyos ng kagalingang walang hanggan!sinisinta Kita ng buong puso, at


iniibig Kita nang higit sa lahat ng bagay ditto sa mundo, higit pa rin sa aking buhay
at katawan man. Totoong ako’y nagkasalasa ito nang madalas at totoo rin namang
hindi ko pinasalamatan ang Iyong kaloob na awa sa akin.

Ngunit sa malaking tulong ng grasyang ibinigay Mo sa akin, kinikilala ko ring


lubos ang mga kamalian ko. Kinalimutan ko ang dati kong pagwawalang loob sa
iyo at ipinahayag ko ngayon ang pagkapoot ko sa kasalalnan. Sa kaibuturan ng
aking puso’t kaluluwa, pinagsisisihan ko ang lahat ng aking mga kasalanan.
Inihahandog ko sa iyo ang aking buhay, mga gawain at kahirapan bilang bayad
puri sa aking mga kasalanan.

3
Ang Pagsisiyam kay San Roque

Nagsisisi ako ng lubos at nangangakong di na muling magkakasala. Bagamat


ako’y nangangamba sa karupukan, ng aking kalooban nananalig akong mananatili
Ka sa akin upang makamit ang Iyong awa at grasya. Dito lamang ako nananalig.
Panginoon ko, sapagkat ibig ko pang mamatay huwag lamang magkasala sa Iyo.
Ako’y magpapakasakit sa abot ng aking kaya upang ako’y makabayad sa aking
mga kasalanan. Gagampapan ko ang mga tungkulin bilang tunay na kristiyano at
pagbubutihin ko ang aking asal.

Taglay ang matibay na loob, ako’y mananatili sa pamimintuho at


paglilingkod sa Iyo, magpasawalang hanggan.

Amen.

PANALANGIN SA ARAW ARAW

Minamahal kong patron, O San Roque, banal ng Diyos, Pintakasi ng mga


may sakit, pag asa ng kagalingan mula sa anumang salot, martir sa pagmamahal
sa Diyos at sa kapwa, at larawan ng tunay na tagapaglingkod at taga sunod sa
kalooban ng Diyos.

O San Roqueng Puspos, ako ay humihingi sa iyong mapagpalang tulong, ako


ay iyong ipanalangin at gabayan sa aking pamumuhay bilang instrumento ng pag
ibig ng Diyos.

Igawad mo sa akin ang iyong mapagpalang kamay upang makatugon ako sa


panawagan ng mga nangangailangan. Iniaalay ko ang aking buong kalooban at ang
aming pamayanan sa Poong Maykapal upang maging ganap na bayan niyang
kinalulugdan.

Nawa’y pagkalooban mo ako ng biyaya (Banggitin and Kahilingan), ng tunay


na pagkakaisa at ng kagalingan hindi lamang sa pangangatawan kundi lalo sa
aking kaluluwa. Nawa’y mabuhay sa akin ang pagmamalasakit sa aking kapwa;
magbigay kung may nangangailangan, kaliwanagan kung may kadiliman,
kapayapaan kung may alitan, kapatawaran kung may poot, at kalakasan kung may
kahinaan. matulad nawa ako sa iyong kabanalan, O Roqueng mapagpala.

4
Ang Pagsisiyam kay San Roque

O, mapalad na San Roque, aming pintakasi, kami ay patnubayan at itaguyod


ng marapat kaming makinabang sa mga biyayang ipinagkaloob ng ating
Panginoong Hesukristo.

Amen.

PAGPAPAHAYAG NG MABUTING BALITA


Magsitayo ang Lahat

N/ Pagpapahayag ng Mabuting Balita Ayon kay San Mateo


(Mateo 16:24-28)

B/ Papuri sa Iyo Panginoon

Noong mga panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “kung
ibig ninumang sumunod sa akin, limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin
ang kanyang krus at sumunod sa akin. Ang naghahangad na magligtas ng kanyang
buhay ay siyang mawawalan nito; ngunit ang mag alay ng kanyang buhay alang
alang sa akin ay magkakamit noon. Ano nga ang mapapala ng tao, makamtan man
niya ang buong daigdig kung katumbas naman nito’y ang kanyang buhay? Ano ang
maibabayad ng tao para mabalik sa kanya ang kanyang buhay? Sapagkat darating
ang Anak ng Tao na taglay ang dakilang kapangyarihan ng kanyang Ama at kasama
ang kanyang mga angel. Sa panahong yao’y gagantihin niya ang bawat tao sa
kanyang ginawa. Sinasabi ko sa inyo: may ilan sa inyo rito na hindi mamamatay
hangga’t hindi nila nakikita ang Anak ng Tao na pumaparito bilang Hari.”

N/ Ang Mabuting Balita ng Panginoon

B/ Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

PAGNINILAY
Nakaupo
Maaring maglaan ng kaunting katahimikan o magnilay ng naayon sa Mabuting
Balita

PAGNINILAY SA BUHAY NI SAN ROQUE

5
Ang Pagsisiyam kay San Roque

Maluwalhating kompesor ni Hesukristo, ulirang San Roque, bunga ka ng


panalangin ng iyong mga magulang at mahal na biyaya ng langit sa lupa, sa
pamamagitan ng Birheng Ina ng Diyos, kinikilala kita at binabati bilang ulirang
pintakasi at tagapagtangol ko sa hirap ng katawan, at lalung lalo na sa salot at
sakit na nakakahawa. Pinili ka ng Diyos na maging sakdalan ng lahat ng may sakit
at pinagkalooban ka ng mga tanging biyaya upang maipakita mo ang Kanyang
kapangyarihan laban sa sakit. Nag aalala ang mga magulang mo sapagkat sila ay
wala pang anak, gayong sila ay matanda na.

Kaya dumulog sila sa Mahal na Birhen at hiniling nila ang kanyang tulong
upang magkaroon ng anak, na itatalaga sa pagsunod sa Panginoon. Pinakinggan
ang kanilang daing at ikaw ang naging bunga ng kanilang panalangin. Sa iyong
pagsilang napagmasdan nila sa ibabaw ng iyong sikmura ang isang krus na
mapula. Ito’y kinalugdan ng iyong mga magulang at kinawilihang tunay.
Ikinalugod mo rin ng tapa tang pagtulad sa kabanalan ng Birheng Maria. At ng
ikaw ay bata pa, nag aayuno ka tuwing Miyerkules at Sabado.

PANALANGIN
Nakaluhod

O mapalad na San Roque, kung pinakinggan ng Diyos ang iyong mga


panalangin nang ikaw ay narito sa lupa, sapagkat maraming tao ang iyong
inampon at kinaawaan, lalong pakikinggan ka riyan sa langit na kinalalagyan mo.
Kaya nga isinasamo ko ng buong kapakumbabaan sa nobenang ito, na idalangin
mo kami sa Panginoong Diyos, at nang ako ay iadya ng tuwituwina sa bigla at
walang paghahandang kamatayan na dulot ng salot o sakit na nakakahawa.

Ipagkaloob nawa sa akin ang grasya, ang malugod na pagsunod sa mga


kabanalan ng Mahal na Birheng Ina. Na siyang aliw ng taong makasalanan.
Yamang ang aming bayan ay nasa ilalim ng iyong mahal na pag aaruga, idalangin
mo sa Panginoong Diyos nang buong katatagan ng loob, na magkamit kami ng
kaluwalhatian sa langit,

Amen.

Magdasal ng tatlong Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Luwalhati na


ipatutungkol sa intensyon ng ating Santo Papa, Sa Pag iwas sa sakit at salot ng

6
Ang Pagsisiyam kay San Roque

ating bayan at sa mga kaluluwa sa pugatoryo, gayundin naman ay magsumikap


tumanggap ng Sakramento ng kumpisal at Banal na Eukaristiya. At makibahagi sa
ispiritwal at Korporal na gawang kahabagan ng simbahan sa loob ng pagsisiyam
ito.

O Panginoon kong Diyos, Ikaw na nagsugo sa maluwalhating Roque at


pinahatiran mo siya ng Anghel na may dalang kaputol na tabla, doo’y isinulat mo
ang iyong pangakong pinagtitibay na sino mang dapuan ng salot ay hindi maano
kung tawagin ang kanyang ngalan. Sapagkat siya ay deboto sa Iyo. Magdalita Ka sa
aming lahat na gumugunita sa kanyang buhay. Ipagkaloob mo na kami ay maligtas
sa salot na nakamamatay sa kaluluwa at katawan, Pakundangan sa mahal na
Pasyon, Kamatayan at Pagkabuhay namag uli ni Hesukristong Anak mo, na
nabubuhay at naghahari kasama ng Espirito Santo, magpakailanman.

Amen.

PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHEN (MEMORARE)

Alalahanin mo, lubhang mapagbigay-loob na Birheng Maria, ni kailanman


ay di narinig na may dumulog sa iyong pagpapaampon, na lumuhog sa iyong
tulong o humingi ng iyong pamamagitan, ay hindi mo pinabayaan. Taglay ang pag-
asang ito, ako'y sumasamo sa iyo, o Birhen ng mga birhen at aking Ina. Sa iyo
ako'y lumalapit, sa harap mo ako'y titindig, isang makasalanan at puno ng
dalamhati; O Ina ng Verbong nagkatawang-tao, huwag mo nawang tanggihan ang
aking kahilingan, kundi sa iyong mahabaging puso, ako'y iyong dinggin at sagutin.

Amen.

Mahal na Puso ni Hesus, Kaawan mo kami.


Matamis na Puso ni Maria, Ipanalangin mo kami
Matapat na Puso ni Jose, Ipanalangin mo kami

San Roqueng Puspos, Ipanalangin mo kami sa Diyos.

HIMNO KAY SAN ROQUE


Nakatayo

7
Ang Pagsisiyam kay San Roque

Sa tawag ng Diyos, agad kang tumalima.


Karangyaa’y iniwan, niyakap ang pagdaralita.
Mga kapus palad iyong inandukha,
Pag ibig ng Panginoon Iyong Pinadama.

O San Roque, O San Roque


Dakilang Patron ng Pateros.
Kami’y ipagdasal at kahabagan
Makasama ka naming sa kalangitan.

O San Roque, tulad mo sana,


Kami’y maging kasangkapan.
Sa ‘ming buhay, O San Roque
Diyos ang mailarawan.

Ang Pateros naming bayan


San Roque ‘yong gabayan

San Roqueng Hirang!

N/ Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo.

B/ Amen
+ Krus ni Kristo + Iligtas mo ako +

8
Ang Pagsisiyam kay San Roque

IKALAWANG ARAW
DALIT
Nakatayo
Maaring sambitin ang buong Dalit o di kaya’y ang mga sumusunod:

Aba matibay na moog


Nang taong nangagsasalot,

Amponin mo kami’t kupkop


Roqueng kapalara’y puspos

Nang ikaw ay ma-ulila


Binahagi mo pagdaka
Yamang sa dukhang lahat na
Sa ama’t ina mo’y mana
Alab nang sinta sa Diyos
Ang puso mo’y nalilipos

Amponin mo kami’t kupkop


Roqueng kapalara’y puspos

Nagdamit kang peregrino


Acquapendente’y tinungo,
Doo’y ang natagpuan mo,
Nunuksang salot sa tao.
Kusa kang nakipanggamot
Nangalaga sa may salot

Amponin mo kami’t kupkop


Roqueng kapalara’y puspos

Aba matibay na moog


Nang taong nangagsasalot,

Amponin mo kami’t kupkop


Roqueng kapalara’y puspos

9
Ang Pagsisiyam kay San Roque

+ Krus ni Kristo + Iligtas mo ako +

N/ Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo.

B/ Amen

PAGSISISI
Nakaluhod
Panginoon kong Diyos na walang hanggan at bukal ng lahat ng kagalingan,
ako’y nagpapakumbaba sa harap ng Iyong kadakilaan. Sinasamba’t dinarakila Kita
ng taimtim sa loob, sapagkat ikaw nga ang Ama ko’t Panginoong may gawa sa
lahat, at Ikaw lamang ang pinanggagalingan ng grasya at kaluwalhatian. Ninanasa
kong makatgulad ng mga banal sa langit na lubos ang pagsamba sa iyo.

Nagpapasalamat ako nang walang humpay dahil sa di mabilang na mga


biyayang ipinagkaloob Mo sa akin lalung lalo na ang pagkakligtas ko sa kasalanan.
Kinikilala ko ang pagbibigay Mo sa akin ng malinaw na pag-iisip at malayang
kalooban, at ako nama’y kinalinga Mo hanggang sa oras na ito. Gayon din, ako’y
tinubos Mo, ako’y naging kristiyano at naging sangkap ng Santa Iglesia Catolica,
binigyan ng maraming pagkakataon na makapagsisi sa aking kasalanan at
pinagkalooban ng grasya sa pagbabalik-loob at pagbabagong-asal.

Sumasampalataya ako sa Iyong mga aral na itinagubilin sa Santa Iglesia at


sa pananampalatayang ito’y ibig kong mabuhay at mamatay.

O Diyos ng kagalingang walang hanggan!sinisinta Kita ng buong puso, at


iniibig Kita nang higit sa lahat ng bagay ditto sa mundo, higit pa rin sa aking buhay
at katawan man. Totoong ako’y nagkasalasa ito nang madalas at totoo rin namang
hindi ko pinasalamatan ang Iyong kaloob na awa sa akin.

Ngunit sa malaking tulong ng grasyang ibinigay Mo sa akin, kinikilala ko ring


lubos ang mga kamalian ko. Kinalimutan ko ang dati kong pagwawalang loob sa
iyo at ipinahayag ko ngayon ang pagkapoot ko sa kasalalnan. Sa kaibuturan ng
aking puso’t kaluluwa, pinagsisisihan ko ang lahat ng aking mga kasalanan.
Inihahandog ko sa iyo ang aking buhay, mga gawain at kahirapan bilang bayad
puri sa aking mga kasalanan.

10
Ang Pagsisiyam kay San Roque

Nagsisisi ako ng lubos at nangangakong di na muling magkakasala. Bagamat


ako’y nangangamba sa karupukan, ng aking kalooban nananalig akong mananatili
Ka sa akin upang makamit ang Iyong awa at grasya. Dito lamang ako nananalig.
Panginoon ko, sapagkat ibig ko pang mamatay huwag lamang magkasala sa Iyo.
Ako’y magpapakasakit sa abot ng aking kaya upang ako’y makabayad sa aking
mga kasalanan. Gagampapan ko ang mga tungkulin bilang tunay na kristiyano at
pagbubutihin ko ang aking asal.

Taglay ang matibay na loob, ako’y mananatili sa pamimintuho at


paglilingkod sa Iyo, magpasawalang hanggan.

Amen.

PANALANGIN SA ARAW ARAW

Minamahal kong patron, O San Roque, banal ng Diyos, Pintakasi ng mga


may sakit, pag asa ng kagalingan mula sa anumang salot, martir sa pagmamahal
sa Diyos at sa kapwa, at larawan ng tunay na tagapaglingkod at taga sunod sa
kalooban ng Diyos.

O San Roqueng Puspos, ako ay humihingi sa iyong mapagpalang tulong, ako


ay iyong ipanalangin at gabayan sa aking pamumuhay bilang instrumento ng pag
ibig ng Diyos.

Igawad mo sa akin ang iyong mapagpalang kamay upang makatugon ako sa


panawagan ng mga nangangailangan. Iniaalay ko ang aking buong kalooban at ang
aming pamayanan sa Poong Maykapal upang maging ganap na bayan niyang
kinalulugdan.

Nawa’y pagkalooban mo ako ng biyaya (Banggitin and Kahilingan), ng tunay


na pagkakaisa at ng kagalingan hindi lamang sa pangangatawan kundi lalo sa
aking kaluluwa. Nawa’y mabuhay sa akin ang pagmamalasakit sa aking kapwa;
magbigay kung may nangangailangan, kaliwanagan kung may kadiliman,
kapayapaan kung may alitan, kapatawaran kung may poot, at kalakasan kung may
kahinaan. matulad nawa ako sa iyong kabanalan, O Roqueng mapagpala.

11
Ang Pagsisiyam kay San Roque

O, mapalad na San Roque, aming pintakasi, kami ay patnubayan at itaguyod


ng marapat kaming makinabang sa mga biyayang ipinagkaloob ng ating
Panginoong Hesukristo.

Amen.

PAGPAPAHAYAG NG MABUTING BALITA


Magsitayo ang Lahat

N/ Pagpapahayag ng Mabuting Balita Ayon kay San Mateo


(Mateo 10:34-40)
B/ Papuri sa Iyo Panginoon

Noong panahong iyon, nagtipun tipon ang mga Pariseo nang mabalitaan
nilang napatahimik ni Hesus ang mga Saduseo. At isa sa kanila,isang dalubhasa sa
kautusan, ang nagtanong kay hesus upang subukin ito: “Guro, alin po ang
pinakamahalagang kautusan?”. Sumagot si Hesus, “Ibigin mo ang Panginoon
mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa at nang buong pag iisip. Ito
ang pinakamahalagang utos. Ito naman ang pangalawa: ibigin mo ang iyong
kapwa gaya ng iyong sarili. Sa dalawang utos na ito nakasalalay ang buong
Kautusan ni Moises at ang turo ng mga propeta.”

N/ Ang Mabuting Balita ng Panginoon

B/ Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

PAGNINILAY
Nakaupo
Maaring maglaan ng kaunting katahimikan o magnilay ng naayon sa Mabuting
Balita

PAGNINILAY SA BUHAY NI SAN ROQUE

O piling disipulo ni Hesukristo, maluwalhating San Roque, martir ng


pagsinta sa diyos at sa kapwa tao, kaginhawahan ng mga maysakit at nasasalot,
pinupuri ko ang kabanalang pinagdaana mo sa iyong kabataan.

12
Ang Pagsisiyam kay San Roque

Nang dalawampung taon ka na, lubos kang naulila sa iyong mga magulang.
Ngunit ng mapag isip isip mo ang iyong mababa’t hamak na kalagayan na siya
namang itinatagubilin ni hesukristo sa lahat ng kanyang tagasunod, tulad ng mga
santong nagpakita ng magandang halimbawa sa buhay, sinabi mong sila’y mga
uliran sa gawang kabanalan.

Kayanga’t agad mong ipinamahagi nang lihim sa mga dukha at nasalantang


tao ang minana mong kayamanan, at nagdamit kang peregrine o manlalakbay at
nagtungo sa Roma.

Sa gitna ng kahirapan ay napilitan kang magpalimos para sa iyong pagkain


sa paglalakbay. Kinusa mo ring pahirapan ang mahinang katawan at nagdusa ka sa
karalitaang sinapit ng iyong buhay. Subalit ang lahat ng ito’y napagtagumpayan ng
alab ng pagsinta mo sa Diyos.

Pag tungo mo sa Acquapendente, isang lungsod sa Toscana, nakita mo ang


malaking pagdurusang likha ng salot, at ang lahat ng tao nagluksa sa hirap na
nadama. Nahikayat ang iyong loob ng maalab na pagnanasa sa pagaalaga sa mga
nasasalot at kusang inihandog ang buhay mo, dahil sa malaki mong pagka awa sa
nagdurusang mga tao. Nagsadya ka sa pinuno ng ospital na kinanroroonan ng mga
may sakit. Nagulat siya at namasdan ang iyong kabataan at ang kahinaan ng iyong
katawan at hindi ka niya pinahintulutan mag alaga sa mga may sakit sapagkat
baka ikaw ay mahawa. Sumagit ka at sinabi mo na ang grasya ng Diyos ang
magpupuno sa kakulangan ng iyong lakas. Ang wika mo pa’y ikatutuwa mo na
ihandog ng lubos ang iyong buhay alang alang sa Diyos para sa mga nasa ospital
sa kabila ng iyong kabataan. Natigilan ang mga puno sa sagot mong yaon at
pinayagan ka ring mag alaga sa mga maysakit, humupa ang salot sa siyudad na
iyon.

PANALANGIN
Nakaluhod

Marangal naming Pintakasing San Roque, Dahil sa hindi mo panghihinayang


na ihandog ang iyong buhay at kabataan, dahil sa nadaig mo ang layaw ng
katawan at dahil sa maningas na pagsinta mo sa Diyos at sa kapwa tao, idalangin
mo kami sa Diyos, na pakamtam sa amin ang grasyang hinihiling naming sa
nobenang ito. Nawa’y magkaroon din kami ng katapangan ng loob ng matibay na

13
Ang Pagsisiyam kay San Roque

pananalig upang kami’y makatulong din sa mga maysakit at nagdaralitang mga


tao.

Alang alang sa pag ibig sa Diyos, Huwag nawang Tumamlay kundi


guminhawa an gaming loob tulad sa iyo, sana’y ang grasyang ito’y maging tagapag
adya namin sa kasalanang salot na nakamamatay sa kaluluwa, at nang sumapit
kaming maluwalhati sa langit, upang doo’y makasama ka naming sa buhay na
walang hanggan.

Amen.

Magdasal ng tatlong Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Luwalhati na


ipatutungkol sa intensyon ng ating Santo Papa, Sa Pag iwas sa sakit at salot ng
ating bayan at sa mga kaluluwa sa pugatoryo, gayundin naman ay magsumikap
tumanggap ng Sakramento ng kumpisal at Banal na Eukaristiya. At makibahagi sa
ispiritwal at Korporal na gawang kahabagan ng simbahan sa loob ng pagsisiyam
ito.

O Panginoon kong Diyos, Ikaw na nagsugo sa maluwalhating Roque at


pinahatiran mo siya ng Anghel na may dalang kaputol na tabla, doo’y isinulat mo
ang iyong pangakong pinagtitibay na sino mang dapuan ng salot ay hindi maano
kung tawagin ang kanyang ngalan. Sapagkat siya ay deboto sa Iyo. Magdalita Ka sa
aming lahat na gumugunita sa kanyang buhay. Ipagkaloob mo na kami ay maligtas
sa salot na nakamamatay sa kaluluwa at katawan, Pakundangan sa mahal na
Pasyon, Kamatayan at Pagkabuhay namag uli ni Hesukristong Anak mo, na
nabubuhay at naghahari kasama ng Espirito Santo, magpakailanman.

Amen.

PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHEN (MEMORARE)

Alalahanin mo, lubhang mapagbigay-loob na Birheng Maria, ni kailanman


ay di narinig na may dumulog sa iyong pagpapaampon, na lumuhog sa iyong
tulong o humingi ng iyong pamamagitan, ay hindi mo pinabayaan. Taglay ang pag-
asang ito, ako'y sumasamo sa iyo, o Birhen ng mga birhen at aking Ina. Sa iyo
ako'y lumalapit, sa harap mo ako'y titindig, isang makasalanan at puno ng

14
Ang Pagsisiyam kay San Roque

dalamhati; O Ina ng Verbong nagkatawang-tao, huwag mo nawang tanggihan ang


aking kahilingan, kundi sa iyong mahabaging puso, ako'y iyong dinggin at sagutin.

Amen.

Mahal na Puso ni Hesus, Kaawan mo kami.


Matamis na Puso ni Maria, Ipanalangin mo kami
Matapat na Puso ni Jose, Ipanalangin mo kami

San Roqueng Puspos, Ipanalangin mo kami sa Diyos.

HIMNO KAY SAN ROQUE


Nakatayo

Sa tawag ng Diyos, agad kang tumalima.


Karangyaa’y iniwan, niyakap ang pagdaralita.
Mga kapus palad iyong inandukha,
Pag ibig ng Panginoon Iyong Pinadama.

O San Roque, O San Roque


Dakilang Patron ng Pateros.
Kami’y ipagdasal at kahabagan
Makasama ka naming sa kalangitan.

O San Roque, tulad mo sana,


Kami’y maging kasangkapan.
Sa ‘ming buhay, O San Roque
Diyos ang mailarawan.

Ang Pateros naming bayan


San Roque ‘yong gabayan

San Roqueng Hirang!

N/ Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo.

15
Ang Pagsisiyam kay San Roque

B/ Amen
+ Krus ni Kristo + Iligtas mo ako +

16
Ang Pagsisiyam kay San Roque

IKATLONG ARAW
DALIT
Nakatayo
Maaring sambitin ang buong Dalit o di kaya’y ang mga sumusunod:

Aba matibay na moog


Nang taong nangagsasalot,

Amponin mo kami’t kupkop


Roqueng kapalara’y puspos

Ang salot sa iyong harap


Napapawing agad agad
Himalang ito’y natatap
Sampong bagsik mong lahat
Ang sa ngalan mo’y tumuos
Gumagaling na tibobos

Amponin mo kami’t kupkop


Roqueng kapalara’y puspos

Ang sangbayanang Cecina


Gayon din ang taga Roma
Sa iyo’y kinamtan nila
Isang bayaning pagsinta.
Paglipol doon sa salot
Lubhang kakilakilabot.

Amponin mo kami’t kupkop


Roqueng kapalara’y puspos

Aba matibay na moog


Nang taong nangagsasalot,

Amponin mo kami’t kupkop


Roqueng kapalara’y puspos

17
Ang Pagsisiyam kay San Roque

+ Krus ni Kristo + Iligtas mo ako +

N/ Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo.

B/ Amen

PAGSISISI
Nakaluhod
Panginoon kong Diyos na walang hanggan at bukal ng lahat ng kagalingan,
ako’y nagpapakumbaba sa harap ng Iyong kadakilaan. Sinasamba’t dinarakila Kita
ng taimtim sa loob, sapagkat ikaw nga ang Ama ko’t Panginoong may gawa sa
lahat, at Ikaw lamang ang pinanggagalingan ng grasya at kaluwalhatian. Ninanasa
kong makatgulad ng mga banal sa langit na lubos ang pagsamba sa iyo.

Nagpapasalamat ako nang walang humpay dahil sa di mabilang na mga


biyayang ipinagkaloob Mo sa akin lalung lalo na ang pagkakligtas ko sa kasalanan.
Kinikilala ko ang pagbibigay Mo sa akin ng malinaw na pag-iisip at malayang
kalooban, at ako nama’y kinalinga Mo hanggang sa oras na ito. Gayon din, ako’y
tinubos Mo, ako’y naging kristiyano at naging sangkap ng Santa Iglesia Catolica,
binigyan ng maraming pagkakataon na makapagsisi sa aking kasalanan at
pinagkalooban ng grasya sa pagbabalik-loob at pagbabagong-asal.

Sumasampalataya ako sa Iyong mga aral na itinagubilin sa Santa Iglesia at


sa pananampalatayang ito’y ibig kong mabuhay at mamatay.

O Diyos ng kagalingang walang hanggan!sinisinta Kita ng buong puso, at


iniibig Kita nang higit sa lahat ng bagay ditto sa mundo, higit pa rin sa aking buhay
at katawan man. Totoong ako’y nagkasalasa ito nang madalas at totoo rin namang
hindi ko pinasalamatan ang Iyong kaloob na awa sa akin.

Ngunit sa malaking tulong ng grasyang ibinigay Mo sa akin, kinikilala ko ring


lubos ang mga kamalian ko. Kinalimutan ko ang dati kong pagwawalang loob sa
iyo at ipinahayag ko ngayon ang pagkapoot ko sa kasalalnan. Sa kaibuturan ng
aking puso’t kaluluwa, pinagsisisihan ko ang lahat ng aking mga kasalanan.
Inihahandog ko sa iyo ang aking buhay, mga gawain at kahirapan bilang bayad
puri sa aking mga kasalanan.

18
Ang Pagsisiyam kay San Roque

Nagsisisi ako ng lubos at nangangakong di na muling magkakasala. Bagamat


ako’y nangangamba sa karupukan, ng aking kalooban nananalig akong mananatili
Ka sa akin upang makamit ang Iyong awa at grasya. Dito lamang ako nananalig.
Panginoon ko, sapagkat ibig ko pang mamatay huwag lamang magkasala sa Iyo.
Ako’y magpapakasakit sa abot ng aking kaya upang ako’y makabayad sa aking
mga kasalanan. Gagampapan ko ang mga tungkulin bilang tunay na kristiyano at
pagbubutihin ko ang aking asal.

Taglay ang matibay na loob, ako’y mananatili sa pamimintuho at


paglilingkod sa Iyo, magpasawalang hanggan.

Amen.

PANALANGIN SA ARAW ARAW

Minamahal kong patron, O San Roque, banal ng Diyos, Pintakasi ng mga


may sakit, pag asa ng kagalingan mula sa anumang salot, martir sa pagmamahal
sa Diyos at sa kapwa, at larawan ng tunay na tagapaglingkod at taga sunod sa
kalooban ng Diyos.

O San Roqueng Puspos, ako ay humihingi sa iyong mapagpalang tulong, ako


ay iyong ipanalangin at gabayan sa aking pamumuhay bilang instrumento ng pag
ibig ng Diyos.

Igawad mo sa akin ang iyong mapagpalang kamay upang makatugon ako sa


panawagan ng mga nangangailangan. Iniaalay ko ang aking buong kalooban at ang
aming pamayanan sa Poong Maykapal upang maging ganap na bayan niyang
kinalulugdan.

Nawa’y pagkalooban mo ako ng biyaya (Banggitin and Kahilingan), ng tunay


na pagkakaisa at ng kagalingan hindi lamang sa pangangatawan kundi lalo sa
aking kaluluwa. Nawa’y mabuhay sa akin ang pagmamalasakit sa aking kapwa;
magbigay kung may nangangailangan, kaliwanagan kung may kadiliman,
kapayapaan kung may alitan, kapatawaran kung may poot, at kalakasan kung may
kahinaan. matulad nawa ako sa iyong kabanalan, O Roqueng mapagpala.

19
Ang Pagsisiyam kay San Roque

O, mapalad na San Roque, aming pintakasi, kami ay patnubayan at itaguyod


ng marapat kaming makinabang sa mga biyayang ipinagkaloob ng ating
Panginoong Hesukristo.

Amen.

PAGPAPAHAYAG NG MABUTING BALITA


Magsitayo ang Lahat

N/ Pagpapahayag ng Mabuting Balita Ayon kay San Juan


(Juan 4:46-54 )

B/ Papuri sa Iyo Panginoon

Noong panahong iyon, nagpunta uli si Hesus sa Cana, Galilea. (doon niya
ginawang alak ang tubig.) Doon naman sa Capernaum ay ma isang mataas na
pinuno ng pamahalaan; at may sakit ang kanyang anak na lalaki. Nang mabalitaan
niyang bumalik si Hesus sa Galilea mula sa Judea, pinuntahan niya ito.
Pinakiusapan niya ito na pumunta sa Capernaum at pagalingin ang kanyang anak
na naghihingalo. Sinabi sa kanya ni Hesus, “Hangga’t hindi kayo nakakakita ng
mga palatandaan at mga kababalaghan, hindi kayo mananampalataya.” Ngunit
sinabi ng oinuni, “Tayo na po, Guinoo, bago mamatay ang aking anak.” Sumagot si
Hesus, “Umuwi na kayo; magaling na ang inyong anak.” Naniwala ang lalakisa
salita ni Hesus, at umuwi na nga siya. Sa daan pa’y sinalubong na siya ng kanyang
mga alipin at sinabing magalin na ang kanyang anak. Tinanong niya sila “Anong
oras siya gumaling?” “Siya po’y inibsan ng lagnat kahapong mag aala una ng
hapon” tugon nila. Naalala na noong oras na iyon sinabi sa kanya ni Hesus
“magaling na ang iyong anak.” Kaya’t siya at ang kanyang buong sambahayan ay
sumampalataya kay Hesus.
Ito ang pangalawang kababalaghang ginawa ni Hesus sa Galilea pagpunta
niya roon buhat sa Judea.

N/ Ang Mabuting Balita ng Panginoon

B/ Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

20
Ang Pagsisiyam kay San Roque

PAGNINILAY
Nakaupo
Maaring maglaan ng kaunting katahimikan o magnilay ng naayon sa Mabuting
Balita

PAGNINILAY SA BUHAY NI SAN ROQUE

Mabunying San Roque, sakdalan at tagapag adya ng taong nasasalot, at


mahabagin sa lahat ng maysakit, hindi mo ipinangamba nang iyong buhay sa
panggagamot sa mga taong pinahirapan ng salot sa siyudad ng Cecina. Dahil dito,
at sa iyong malaking awa sa may sakit, nagtungo ka rin, sa tiulong ng Diyos, sa
ibang bayan upang ipakita ang himaha ng grasya ng langit. Sa harap ng iyong
kabutihan, ninasa ng mga tao na doon ka manirahan sa kanila sapagkat itinuring
kang isang angel na nag anyong peregrino.

Nang malaman mo ang siyudad ng Roma ay nahawa na rin sa salot,


nagtungo ka rin roon at umaliw sa mga tao. Ninasa kang makita ni Cardenal
Britoniko, isa sa mga banal na Punong Sacerdote ng panahong iyon. Nangumpisal
ka sa kanya at iniharap ka kay Papa Benito XI. Nang humingi ka ng bendisyon sa
kanya, nagalak pa siya at sinabing ang mga taong katulad mo ang kailangan ng
lungsod ng Roma. Kaya't tatlong taon kang nanatili roon sa piling ng mga
nangangailangan ng iyong tulong.

PANALANGIN
Nakaluhod

Matiising San roque, Kung ang panalangin mo ay pinakinggan ng Panginoon


Diyos nang narito ka sa lupa, ay lalo kang pakikinggan ngayong nariyan ka sa
langit. Hinihiling namin sa nobenang ito, na mamagitan ka sa amin sa Diyos upang
kami'y maadya sa biglang pagkamatay, sa salot, at sa sakit na nakakahawa.
Makamit nawa namin ang grasyang tumulad sa iyo at sumunod sa iyong tinahak
na landas hanggang matamo namin ang kaluwalhatian sa langit.

Amen.

Magdasal ng tatlong Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Luwalhati na


ipatutungkol sa intensyon ng ating Santo Papa, Sa Pag iwas sa sakit at salot ng

21
Ang Pagsisiyam kay San Roque

ating bayan at sa mga kaluluwa sa pugatoryo, gayundin naman ay magsumikap


tumanggap ng Sakramento ng kumpisal at Banal na Eukaristiya. At makibahagi sa
ispiritwal at Korporal na gawang kahabagan ng simbahan sa loob ng pagsisiyam
ito.

O Panginoon kong Diyos, Ikaw na nagsugo sa maluwalhating Roque at


pinahatiran mo siya ng Anghel na may dalang kaputol na tabla, doo’y isinulat mo
ang iyong pangakong pinagtitibay na sino mang dapuan ng salot ay hindi maano
kung tawagin ang kanyang ngalan. Sapagkat siya ay deboto sa Iyo. Magdalita Ka sa
aming lahat na gumugunita sa kanyang buhay. Ipagkaloob mo na kami ay maligtas
sa salot na nakamamatay sa kaluluwa at katawan, Pakundangan sa mahal na
Pasyon, Kamatayan at Pagkabuhay namag uli ni Hesukristong Anak mo, na
nabubuhay at naghahari kasama ng Espirito Santo, magpakailanman.

Amen.

PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHEN (MEMORARE)

Alalahanin mo, lubhang mapagbigay-loob na Birheng Maria, ni kailanman


ay di narinig na may dumulog sa iyong pagpapaampon, na lumuhog sa iyong
tulong o humingi ng iyong pamamagitan, ay hindi mo pinabayaan. Taglay ang pag-
asang ito, ako'y sumasamo sa iyo, o Birhen ng mga birhen at aking Ina. Sa iyo
ako'y lumalapit, sa harap mo ako'y titindig, isang makasalanan at puno ng
dalamhati; O Ina ng Verbong nagkatawang-tao, huwag mo nawang tanggihan ang
aking kahilingan, kundi sa iyong mahabaging puso, ako'y iyong dinggin at sagutin.

Amen.

Mahal na Puso ni Hesus, Kaawan mo kami.


Matamis na Puso ni Maria, Ipanalangin mo kami
Matapat na Puso ni Jose, Ipanalangin mo kami

San Roqueng Puspos, Ipanalangin mo kami sa Diyos.

HIMNO KAY SAN ROQUE


Nakatayo

22
Ang Pagsisiyam kay San Roque

Sa tawag ng Diyos, agad kang tumalima.


Karangyaa’y iniwan, niyakap ang pagdaralita.
Mga kapus palad iyong inandukha,
Pag ibig ng Panginoon Iyong Pinadama.

O San Roque, O San Roque


Dakilang Patron ng Pateros.
Kami’y ipagdasal at kahabagan
Makasama ka naming sa kalangitan.

O San Roque, tulad mo sana,


Kami’y maging kasangkapan.
Sa ‘ming buhay, O San Roque
Diyos ang mailarawan.

Ang Pateros naming bayan


San Roque ‘yong gabayan

San Roqueng Hirang!

N/ Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo.

B/ Amen
+ Krus ni Kristo + Iligtas mo ako +

23
Ang Pagsisiyam kay San Roque

IKA APAT NA ARAW


DALIT
Nakatayo
Maaring sambitin ang buong Dalit o di kaya’y ang mga sumusunod:

Aba matibay na moog


Nang taong nangagsasalot,

Amponin mo kami’t kupkop


Roqueng kapalara’y puspos

Lalaki, babae’t bata


Nagsisigaling na pawa
Ang Krus kung iyong itala
Sa damit nila’y ilagda.
Anila’y anghel kang lubos
Nag-aanyong taong busabos

Amponin mo kami’t kupkop


Roqueng kapalara’y puspos

Ibiniyo ka nang sinta


Na pasa-bayang Placencia,
Pinagaling ang lahat na,
At doo’y nagkasakit ka.
Pinaalis ka’t ibinukod
Dahil sa sakit at salot.

Amponin mo kami’t kupkop


Roqueng kapalara’y puspos

Aba matibay na moog


Nang taong nangagsasalot,

Amponin mo kami’t kupkop


Roqueng kapalara’y puspos

24
Ang Pagsisiyam kay San Roque

+ Krus ni Kristo + Iligtas mo ako +

N/ Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo.

B/ Amen

PAGSISISI
Nakaluhod
Panginoon kong Diyos na walang hanggan at bukal ng lahat ng kagalingan,
ako’y nagpapakumbaba sa harap ng Iyong kadakilaan. Sinasamba’t dinarakila Kita
ng taimtim sa loob, sapagkat ikaw nga ang Ama ko’t Panginoong may gawa sa
lahat, at Ikaw lamang ang pinanggagalingan ng grasya at kaluwalhatian. Ninanasa
kong makatgulad ng mga banal sa langit na lubos ang pagsamba sa iyo.

Nagpapasalamat ako nang walang humpay dahil sa di mabilang na mga


biyayang ipinagkaloob Mo sa akin lalung lalo na ang pagkakligtas ko sa kasalanan.
Kinikilala ko ang pagbibigay Mo sa akin ng malinaw na pag-iisip at malayang
kalooban, at ako nama’y kinalinga Mo hanggang sa oras na ito. Gayon din, ako’y
tinubos Mo, ako’y naging kristiyano at naging sangkap ng Santa Iglesia Catolica,
binigyan ng maraming pagkakataon na makapagsisi sa aking kasalanan at
pinagkalooban ng grasya sa pagbabalik-loob at pagbabagong-asal.

Sumasampalataya ako sa Iyong mga aral na itinagubilin sa Santa Iglesia at


sa pananampalatayang ito’y ibig kong mabuhay at mamatay.

O Diyos ng kagalingang walang hanggan!sinisinta Kita ng buong puso, at


iniibig Kita nang higit sa lahat ng bagay ditto sa mundo, higit pa rin sa aking buhay
at katawan man. Totoong ako’y nagkasalasa ito nang madalas at totoo rin namang
hindi ko pinasalamatan ang Iyong kaloob na awa sa akin.

Ngunit sa malaking tulong ng grasyang ibinigay Mo sa akin, kinikilala ko ring


lubos ang mga kamalian ko. Kinalimutan ko ang dati kong pagwawalang loob sa
iyo at ipinahayag ko ngayon ang pagkapoot ko sa kasalalnan. Sa kaibuturan ng
aking puso’t kaluluwa, pinagsisisihan ko ang lahat ng aking mga kasalanan.
Inihahandog ko sa iyo ang aking buhay, mga gawain at kahirapan bilang bayad
puri sa aking mga kasalanan.

25
Ang Pagsisiyam kay San Roque

Nagsisisi ako ng lubos at nangangakong di na muling magkakasala. Bagamat


ako’y nangangamba sa karupukan, ng aking kalooban nananalig akong mananatili
Ka sa akin upang makamit ang Iyong awa at grasya. Dito lamang ako nananalig.
Panginoon ko, sapagkat ibig ko pang mamatay huwag lamang magkasala sa Iyo.
Ako’y magpapakasakit sa abot ng aking kaya upang ako’y makabayad sa aking
mga kasalanan. Gagampapan ko ang mga tungkulin bilang tunay na kristiyano at
pagbubutihin ko ang aking asal.

Taglay ang matibay na loob, ako’y mananatili sa pamimintuho at


paglilingkod sa Iyo, magpasawalang hanggan.

Amen.

PANALANGIN SA ARAW ARAW

Minamahal kong patron, O San Roque, banal ng Diyos, Pintakasi ng mga


may sakit, pag asa ng kagalingan mula sa anumang salot, martir sa pagmamahal
sa Diyos at sa kapwa, at larawan ng tunay na tagapaglingkod at taga sunod sa
kalooban ng Diyos.

O San Roqueng Puspos, ako ay humihingi sa iyong mapagpalang tulong, ako


ay iyong ipanalangin at gabayan sa aking pamumuhay bilang instrumento ng pag
ibig ng Diyos.

Igawad mo sa akin ang iyong mapagpalang kamay upang makatugon ako sa


panawagan ng mga nangangailangan. Iniaalay ko ang aking buong kalooban at ang
aming pamayanan sa Poong Maykapal upang maging ganap na bayan niyang
kinalulugdan.

Nawa’y pagkalooban mo ako ng biyaya (Banggitin and Kahilingan), ng tunay


na pagkakaisa at ng kagalingan hindi lamang sa pangangatawan kundi lalo sa
aking kaluluwa. Nawa’y mabuhay sa akin ang pagmamalasakit sa aking kapwa;
magbigay kung may nangangailangan, kaliwanagan kung may kadiliman,
kapayapaan kung may alitan, kapatawaran kung may poot, at kalakasan kung may
kahinaan. matulad nawa ako sa iyong kabanalan, O Roqueng mapagpala.

26
Ang Pagsisiyam kay San Roque

O, mapalad na San Roque, aming pintakasi, kami ay patnubayan at itaguyod


ng marapat kaming makinabang sa mga biyayang ipinagkaloob ng ating
Panginoong Hesukristo.

Amen.

PAGPAPAHAYAG NG MABUTING BALITA


Magsitayo ang Lahat

N/ Pagpapahayag ng Mabuting Balita Ayon kay San Marcos


(Marcos 1:29-34)

B/ Papuri sa Iyo Panginoon

Mula sa sinagoga, sila’y nagtungo sa bahay nina Simon at Andres. Kasama


nila sina Santiago at Juan. Nararatay noon ang biyenan ni Simon Pedro, dahil sa
matinding lagnat, at ito’y agad nilang sinabi kay Hesus. Nilapitan ni Hesus ang
babae, hinawakan sa kamay at ibinangon. Noo’n di’y inibsan ito ng lagnat at
naglingkod sa kanila.
Pagkalubog ng araw, dinala kay Hesus ang lahat ng maysakit at ang mga
inaalihan ng demonya, at nagkatipon ang buong bayan sa may pintuan ng bahay.
Pinagaling niya ang maraming maysakit, anuman ang kanilang karamdaman at
nagpalayas siya ng mga demonyo. Hindi niya hinayaang magsalita ang mga ito,
sapagkat alam nila kung sino siya.

N/ Ang Mabuting Balita ng Panginoon

B/ Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

PAGNINILAY
Nakaupo
Maaring maglaan ng kaunting katahimikan o magnilay ng naayon sa Mabuting
Balita

27
Ang Pagsisiyam kay San Roque

PAGNINILAY SA BUHAY NI SAN ROQUE

O marangal na San Roque, bagamat lubhang mahina ang inyong


pangangatawan ay hindi nagmaliw ang iyong pagkaawa at paggamot sa mga
maysakit. Ikaw ang ilaw na maliwanag na tumatanglaw sa landas ng kabanalan.
Nang mabalitaan mo ang kapighatian ng mga taga-Placencia, na napuksa ng salot,
agad kang nagtungo roon. Ngunit sa panggagamot mo sa mga tao ay nahawa ka at
nakaramdam ng sakit sa kaliwang hita na matagal mong ipinaghirap. Ngunit ito'y
inari mong pagsubok sa iyo ng Diyos at tiniis mo ang sakit hanggang sa pinaalis ka
sa Placencia sa takot ng mga taga-roon na baka sila'y mahawa pa nang higit sa
dinamdam mo.

Ikaw ay nakaabot sa isang ilang na pook at doon nakatagpo ng isang kubo


kung saan pinaalis ka sa pook ding iyon ay lumabas ka rin at nangulilang muli.
Ngunit hindi ka pinabayaan ng Diyos at isang malinis at malinaw na bukal na
makagagamot sa sinumang maysakit na makainom ng tubig doon.

PANALANGIN
Nakaluhod

Hinihiling namin sa iyo, O San Roque, na itinaguyod kami sa landas na iyong


nilakaran dahil sa malaking pag-ibig mo sa Diyos at sa kapwa tao. At yamang
iniadya ka ng Diyos sa mga panganib, ako'y nagsusumamo sa iyo na ipag-adya mo
rin kami sa salot na nakamamatay ng kaluluwa't katawan. Sa iyo naman, kagalang-
galang na Pintakasi, hinihingi namin sa nobenang ito, na patatagin ang aming
bayan sa mga kahirapan dito sa lupang kahapis-hapis, hanggang kami'y makasapit
sa buhay na walang hanggan.

Amen.

Magdasal ng tatlong Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Luwalhati na


ipatutungkol sa intensyon ng ating Santo Papa, Sa Pag iwas sa sakit at salot ng
ating bayan at sa mga kaluluwa sa pugatoryo, gayundin naman ay magsumikap
tumanggap ng Sakramento ng kumpisal at Banal na Eukaristiya. At makibahagi sa
ispiritwal at Korporal na gawang kahabagan ng simbahan sa loob ng pagsisiyam
ito.

28
Ang Pagsisiyam kay San Roque

O Panginoon kong Diyos, Ikaw na nagsugo sa maluwalhating Roque at


pinahatiran mo siya ng Anghel na may dalang kaputol na tabla, doo’y isinulat mo
ang iyong pangakong pinagtitibay na sino mang dapuan ng salot ay hindi maano
kung tawagin ang kanyang ngalan. Sapagkat siya ay deboto sa Iyo. Magdalita Ka sa
aming lahat na gumugunita sa kanyang buhay. Ipagkaloob mo na kami ay maligtas
sa salot na nakamamatay sa kaluluwa at katawan, Pakundangan sa mahal na
Pasyon, Kamatayan at Pagkabuhay namag uli ni Hesukristong Anak mo, na
nabubuhay at naghahari kasama ng Espirito Santo, magpakailanman.

Amen.

PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHEN (MEMORARE)

Alalahanin mo, lubhang mapagbigay-loob na Birheng Maria, ni kailanman


ay di narinig na may dumulog sa iyong pagpapaampon, na lumuhog sa iyong
tulong o humingi ng iyong pamamagitan, ay hindi mo pinabayaan. Taglay ang pag-
asang ito, ako'y sumasamo sa iyo, o Birhen ng mga birhen at aking Ina. Sa iyo
ako'y lumalapit, sa harap mo ako'y titindig, isang makasalanan at puno ng
dalamhati; O Ina ng Verbong nagkatawang-tao, huwag mo nawang tanggihan ang
aking kahilingan, kundi sa iyong mahabaging puso, ako'y iyong dinggin at sagutin.

Amen.

Mahal na Puso ni Hesus, Kaawan mo kami.


Matamis na Puso ni Maria, Ipanalangin mo kami
Matapat na Puso ni Jose, Ipanalangin mo kami

San Roqueng Puspos, Ipanalangin mo kami sa Diyos.

HIMNO KAY SAN ROQUE


Nakatayo

Sa tawag ng Diyos, agad kang tumalima.


Karangyaa’y iniwan, niyakap ang pagdaralita.
Mga kapus palad iyong inandukha,
Pag ibig ng Panginoon Iyong Pinadama.

29
Ang Pagsisiyam kay San Roque

O San Roque, O San Roque


Dakilang Patron ng Pateros.
Kami’y ipagdasal at kahabagan
Makasama ka naming sa kalangitan.

O San Roque, tulad mo sana,


Kami’y maging kasangkapan.
Sa ‘ming buhay, O San Roque
Diyos ang mailarawan.

Ang Pateros naming bayan


San Roque ‘yong gabayan

San Roqueng Hirang!

N/ Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo.

B/ Amen
+ Krus ni Kristo + Iligtas mo ako +

30
Ang Pagsisiyam kay San Roque

IKA LIMANG ARAW


DALIT
Nakatayo
Maaring sambitin ang buong Dalit o di kaya’y ang mga sumusunod:

Aba matibay na moog


Nang taong nangagsasalot,

Amponin mo kami’t kupkop


Roqueng kapalara’y puspos

Sa tahanan mong dampa,


Diyos, ika’y kinalinga,
Gumaling ka kaipala,
Himalang tantong mistula.
May aso na nagdudulot
Kanin mong ikabubusog.

Amponin mo kami’t kupkop


Roqueng kapalara’y puspos

Katawan mong natitigib


Ng madlang pagal at sakit
Ibinilanggo at piniit
Sa bintang at maling isip.
Limang taon mong sinayod,
Hirap na kalunos-lunos.

Amponin mo kami’t kupkop


Roqueng kapalara’y puspos

Aba matibay na moog


Nang taong nangagsasalot,

Amponin mo kami’t kupkop


Roqueng kapalara’y puspos

31
Ang Pagsisiyam kay San Roque

+ Krus ni Kristo + Iligtas mo ako +

N/ Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo.

B/ Amen

PAGSISISI
Nakaluhod
Panginoon kong Diyos na walang hanggan at bukal ng lahat ng kagalingan,
ako’y nagpapakumbaba sa harap ng Iyong kadakilaan. Sinasamba’t dinarakila Kita
ng taimtim sa loob, sapagkat ikaw nga ang Ama ko’t Panginoong may gawa sa
lahat, at Ikaw lamang ang pinanggagalingan ng grasya at kaluwalhatian. Ninanasa
kong makatgulad ng mga banal sa langit na lubos ang pagsamba sa iyo.

Nagpapasalamat ako nang walang humpay dahil sa di mabilang na mga


biyayang ipinagkaloob Mo sa akin lalung lalo na ang pagkakligtas ko sa kasalanan.
Kinikilala ko ang pagbibigay Mo sa akin ng malinaw na pag-iisip at malayang
kalooban, at ako nama’y kinalinga Mo hanggang sa oras na ito. Gayon din, ako’y
tinubos Mo, ako’y naging kristiyano at naging sangkap ng Santa Iglesia Catolica,
binigyan ng maraming pagkakataon na makapagsisi sa aking kasalanan at
pinagkalooban ng grasya sa pagbabalik-loob at pagbabagong-asal.

Sumasampalataya ako sa Iyong mga aral na itinagubilin sa Santa Iglesia at


sa pananampalatayang ito’y ibig kong mabuhay at mamatay.

O Diyos ng kagalingang walang hanggan!sinisinta Kita ng buong puso, at


iniibig Kita nang higit sa lahat ng bagay ditto sa mundo, higit pa rin sa aking buhay
at katawan man. Totoong ako’y nagkasalasa ito nang madalas at totoo rin namang
hindi ko pinasalamatan ang Iyong kaloob na awa sa akin.

Ngunit sa malaking tulong ng grasyang ibinigay Mo sa akin, kinikilala ko ring


lubos ang mga kamalian ko. Kinalimutan ko ang dati kong pagwawalang loob sa
iyo at ipinahayag ko ngayon ang pagkapoot ko sa kasalalnan. Sa kaibuturan ng
aking puso’t kaluluwa, pinagsisisihan ko ang lahat ng aking mga kasalanan.
Inihahandog ko sa iyo ang aking buhay, mga gawain at kahirapan bilang bayad
puri sa aking mga kasalanan.

32
Ang Pagsisiyam kay San Roque

Nagsisisi ako ng lubos at nangangakong di na muling magkakasala. Bagamat


ako’y nangangamba sa karupukan, ng aking kalooban nananalig akong mananatili
Ka sa akin upang makamit ang Iyong awa at grasya. Dito lamang ako nananalig.
Panginoon ko, sapagkat ibig ko pang mamatay huwag lamang magkasala sa Iyo.
Ako’y magpapakasakit sa abot ng aking kaya upang ako’y makabayad sa aking
mga kasalanan. Gagampapan ko ang mga tungkulin bilang tunay na kristiyano at
pagbubutihin ko ang aking asal.

Taglay ang matibay na loob, ako’y mananatili sa pamimintuho at


paglilingkod sa Iyo, magpasawalang hanggan.

Amen.

PANALANGIN SA ARAW ARAW

Minamahal kong patron, O San Roque, banal ng Diyos, Pintakasi ng mga


may sakit, pag asa ng kagalingan mula sa anumang salot, martir sa pagmamahal
sa Diyos at sa kapwa, at larawan ng tunay na tagapaglingkod at taga sunod sa
kalooban ng Diyos.

O San Roqueng Puspos, ako ay humihingi sa iyong mapagpalang tulong, ako


ay iyong ipanalangin at gabayan sa aking pamumuhay bilang instrumento ng pag
ibig ng Diyos.

Igawad mo sa akin ang iyong mapagpalang kamay upang makatugon ako sa


panawagan ng mga nangangailangan. Iniaalay ko ang aking buong kalooban at ang
aming pamayanan sa Poong Maykapal upang maging ganap na bayan niyang
kinalulugdan.

Nawa’y pagkalooban mo ako ng biyaya (Banggitin and Kahilingan), ng tunay


na pagkakaisa at ng kagalingan hindi lamang sa pangangatawan kundi lalo sa
aking kaluluwa. Nawa’y mabuhay sa akin ang pagmamalasakit sa aking kapwa;
magbigay kung may nangangailangan, kaliwanagan kung may kadiliman,
kapayapaan kung may alitan, kapatawaran kung may poot, at kalakasan kung may
kahinaan. matulad nawa ako sa iyong kabanalan, O Roqueng mapagpala.

33
Ang Pagsisiyam kay San Roque

O, mapalad na San Roque, aming pintakasi, kami ay patnubayan at itaguyod


ng marapat kaming makinabang sa mga biyayang ipinagkaloob ng ating
Panginoong Hesukristo.

Amen.

PAGPAPAHAYAG NG MABUTING BALITA


Magsitayo ang Lahat

N/ Pagpapahayag ng Mabuting Balita Ayon kay San Mateo


(Mateo 8:1-4)

B/ Papuri sa Iyo Panginoon

Nang makababa si Hesus sa bundok, sinundan siya ng maraming tao.


Lumapit sa kanya ang isang ketongin at lumuhod sa harapan niya. “Guinoo,” ang
wika niya, “kung ibig po ninyo, ako’y inyong mapapagaling” Hinipo Siya ni Hesus
at sinabi, “Ibig ko, gumaling ka” at pagdaka’y nawala ang kanyang ketong. “Huwag
mo itong sasabihin kaninuman,” bilin ni Hesus. Pumunta ka’t pasuri sa seserdote.
Pagkatapos, maghandog ka ng haing iniuutos ni Moises bilang patotoo sa mga tao
na magaling ka na”.

N/ Ang Mabuting Balita ng Panginoon

B/ Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

PAGNINILAY
Nakaupo
Maaring maglaan ng kaunting katahimikan o magnilay ng naayon sa Mabuting
Balita

PAGNINILAY SA BUHAY NI SAN ROQUE

Kaibig-ibig na lingkod ni JesuKristo, San Roque na aming iginagalang, at


pinananaligan ng mga taong nagtitiis ng hirap at sakit sa katawan at kaluluwa,
hinihiling namin ngayon ang iyong pagkalinga alang alang sa Panginoon.

34
Ang Pagsisiyam kay San Roque

May isang lalaking nagngangalang Gotardo na napagbalik-loob mo sa


pananampalataya sa pamamagitan ng iyong kababaang-loob at kabanalan. Nang
malaman ni Gotardo na ikaw pala ang pinagbibigyan ng tinapay ng isang aso sa
loob ng tatlong araw, labis niyang ikinalungkot ang iyong kalagayan. At sa halip na
siya'y lumayo sa iyo, lalo pa siyang naging maunawain. Nakiramay siya sa iyo at
hindi kailan man nandiri sa iyong sakit. Sinunod niya ang iyong mga bilin tungkol
sa pagsunod sa mga utos ng Diyos at siya'y nagdamit peregrinong tulad mo.
Nagpalimos siya sa siyudad ng Placencia sa anyong peregrino alang-alang sa pag-
ibig niya sa Diyos at sa mahihirap.

PANALANGIN
Nakaluhod

Kaya nga, mahal naming San Roque, kung nakuha mong ibalik ang kalooban
ni Gotardo sa Panginoon, gayon din sana ang gawin mo sa amin, na kami'y
magbalik-loob sa Kanya upang maging marapat kami sa aming pagpapakasakit
para sa kasalanan at bilang bayad puri sa aming mga kasalanan. Hinihingi rin
namin sa nobenang ito at idinaraing namin sa iyo, butihing San Roque, na yamang
ikaw ang tagapagtanggol ng mga naaapi at tagapagligtas ng mga maysakit,
ipagpatuloy mo ang inyong awa sa pamamagitan ni San Roque na nananahan
diyan sa langit. Ipagkaloob mo na kami'y maligtas sa masama rito sa lupa upang
maluwalhating makasapit sa langit.

Amen.

Magdasal ng tatlong Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Luwalhati na


ipatutungkol sa intensyon ng ating Santo Papa, Sa Pag iwas sa sakit at salot ng
ating bayan at sa mga kaluluwa sa pugatoryo, gayundin naman ay magsumikap
tumanggap ng Sakramento ng kumpisal at Banal na Eukaristiya. At makibahagi sa
ispiritwal at Korporal na gawang kahabagan ng simbahan sa loob ng pagsisiyam
ito.

O Panginoon kong Diyos, Ikaw na nagsugo sa maluwalhating Roque at


pinahatiran mo siya ng Anghel na may dalang kaputol na tabla, doo’y isinulat mo
ang iyong pangakong pinagtitibay na sino mang dapuan ng salot ay hindi maano
kung tawagin ang kanyang ngalan. Sapagkat siya ay deboto sa Iyo. Magdalita Ka sa
aming lahat na gumugunita sa kanyang buhay. Ipagkaloob mo na kami ay maligtas

35
Ang Pagsisiyam kay San Roque

sa salot na nakamamatay sa kaluluwa at katawan, Pakundangan sa mahal na


Pasyon, Kamatayan at Pagkabuhay namag uli ni Hesukristong Anak mo, na
nabubuhay at naghahari kasama ng Espirito Santo, magpakailanman.

Amen.

PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHEN (MEMORARE)

Alalahanin mo, lubhang mapagbigay-loob na Birheng Maria, ni kailanman


ay di narinig na may dumulog sa iyong pagpapaampon, na lumuhog sa iyong
tulong o humingi ng iyong pamamagitan, ay hindi mo pinabayaan. Taglay ang pag-
asang ito, ako'y sumasamo sa iyo, o Birhen ng mga birhen at aking Ina. Sa iyo
ako'y lumalapit, sa harap mo ako'y titindig, isang makasalanan at puno ng
dalamhati; O Ina ng Verbong nagkatawang-tao, huwag mo nawang tanggihan ang
aking kahilingan, kundi sa iyong mahabaging puso, ako'y iyong dinggin at sagutin.

Amen.

Mahal na Puso ni Hesus, Kaawan mo kami.


Matamis na Puso ni Maria, Ipanalangin mo kami
Matapat na Puso ni Jose, Ipanalangin mo kami

San Roqueng Puspos, Ipanalangin mo kami sa Diyos.

HIMNO KAY SAN ROQUE


Nakatayo

Sa tawag ng Diyos, agad kang tumalima.


Karangyaa’y iniwan, niyakap ang pagdaralita.
Mga kapus palad iyong inandukha,
Pag ibig ng Panginoon Iyong Pinadama.

O San Roque, O San Roque


Dakilang Patron ng Pateros.
Kami’y ipagdasal at kahabagan
Makasama ka naming sa kalangitan.

36
Ang Pagsisiyam kay San Roque

O San Roque, tulad mo sana,


Kami’y maging kasangkapan.
Sa ‘ming buhay, O San Roque
Diyos ang mailarawan.

Ang Pateros naming bayan


San Roque ‘yong gabayan

San Roqueng Hirang!

N/ Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo.

B/ Amen
+ Krus ni Kristo + Iligtas mo ako +

37
Ang Pagsisiyam kay San Roque

IKA ANIM NA ARAW


DALIT
Nakatayo
Maaring sambitin ang buong Dalit o di kaya’y ang mga sumusunod:

Aba matibay na moog


Nang taong nangagsasalot,

Amponin mo kami’t kupkop


Roqueng kapalara’y puspos

Ngunit ang Diyos na hari


May pakanang balabalaki,
Pagsubok sa iyong budhi
Lakas namang di ugali.
Sa bilanggua’y ang bantog
Namatay kang isang santos.

Amponin mo kami’t kupkop


Roqueng kapalara’y puspos

Nakita sa isang barlaya


Nalilimbag, natatala
Ngalan mo’y pag sinambitla
Ang salot ay nawawala.
Nang di kami mangasalot
Ngalan mo’y ibinabantog.

Amponin mo kami’t kupkop


Roqueng kapalara’y puspos

Aba matibay na moog


Nang taong nangagsasalot,

Amponin mo kami’t kupkop


Roqueng kapalara’y puspos

38
Ang Pagsisiyam kay San Roque

+ Krus ni Kristo + Iligtas mo ako +

N/ Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo.

B/ Amen

PAGSISISI
Nakaluhod
Panginoon kong Diyos na walang hanggan at bukal ng lahat ng kagalingan,
ako’y nagpapakumbaba sa harap ng Iyong kadakilaan. Sinasamba’t dinarakila Kita
ng taimtim sa loob, sapagkat ikaw nga ang Ama ko’t Panginoong may gawa sa
lahat, at Ikaw lamang ang pinanggagalingan ng grasya at kaluwalhatian. Ninanasa
kong makatgulad ng mga banal sa langit na lubos ang pagsamba sa iyo.

Nagpapasalamat ako nang walang humpay dahil sa di mabilang na mga


biyayang ipinagkaloob Mo sa akin lalung lalo na ang pagkakligtas ko sa kasalanan.
Kinikilala ko ang pagbibigay Mo sa akin ng malinaw na pag-iisip at malayang
kalooban, at ako nama’y kinalinga Mo hanggang sa oras na ito. Gayon din, ako’y
tinubos Mo, ako’y naging kristiyano at naging sangkap ng Santa Iglesia Catolica,
binigyan ng maraming pagkakataon na makapagsisi sa aking kasalanan at
pinagkalooban ng grasya sa pagbabalik-loob at pagbabagong-asal.

Sumasampalataya ako sa Iyong mga aral na itinagubilin sa Santa Iglesia at


sa pananampalatayang ito’y ibig kong mabuhay at mamatay.

O Diyos ng kagalingang walang hanggan!sinisinta Kita ng buong puso, at


iniibig Kita nang higit sa lahat ng bagay ditto sa mundo, higit pa rin sa aking buhay
at katawan man. Totoong ako’y nagkasalasa ito nang madalas at totoo rin namang
hindi ko pinasalamatan ang Iyong kaloob na awa sa akin.

Ngunit sa malaking tulong ng grasyang ibinigay Mo sa akin, kinikilala ko ring


lubos ang mga kamalian ko. Kinalimutan ko ang dati kong pagwawalang loob sa
iyo at ipinahayag ko ngayon ang pagkapoot ko sa kasalalnan. Sa kaibuturan ng
aking puso’t kaluluwa, pinagsisisihan ko ang lahat ng aking mga kasalanan.
Inihahandog ko sa iyo ang aking buhay, mga gawain at kahirapan bilang bayad
puri sa aking mga kasalanan.

39
Ang Pagsisiyam kay San Roque

Nagsisisi ako ng lubos at nangangakong di na muling magkakasala. Bagamat


ako’y nangangamba sa karupukan, ng aking kalooban nananalig akong mananatili
Ka sa akin upang makamit ang Iyong awa at grasya. Dito lamang ako nananalig.
Panginoon ko, sapagkat ibig ko pang mamatay huwag lamang magkasala sa Iyo.
Ako’y magpapakasakit sa abot ng aking kaya upang ako’y makabayad sa aking
mga kasalanan. Gagampapan ko ang mga tungkulin bilang tunay na kristiyano at
pagbubutihin ko ang aking asal.

Taglay ang matibay na loob, ako’y mananatili sa pamimintuho at


paglilingkod sa Iyo, magpasawalang hanggan.

Amen.

PANALANGIN SA ARAW ARAW

Minamahal kong patron, O San Roque, banal ng Diyos, Pintakasi ng mga


may sakit, pag asa ng kagalingan mula sa anumang salot, martir sa pagmamahal
sa Diyos at sa kapwa, at larawan ng tunay na tagapaglingkod at taga sunod sa
kalooban ng Diyos.

O San Roqueng Puspos, ako ay humihingi sa iyong mapagpalang tulong, ako


ay iyong ipanalangin at gabayan sa aking pamumuhay bilang instrumento ng pag
ibig ng Diyos.

Igawad mo sa akin ang iyong mapagpalang kamay upang makatugon ako sa


panawagan ng mga nangangailangan. Iniaalay ko ang aking buong kalooban at ang
aming pamayanan sa Poong Maykapal upang maging ganap na bayan niyang
kinalulugdan.

Nawa’y pagkalooban mo ako ng biyaya (Banggitin and Kahilingan), ng tunay


na pagkakaisa at ng kagalingan hindi lamang sa pangangatawan kundi lalo sa
aking kaluluwa. Nawa’y mabuhay sa akin ang pagmamalasakit sa aking kapwa;
magbigay kung may nangangailangan, kaliwanagan kung may kadiliman,
kapayapaan kung may alitan, kapatawaran kung may poot, at kalakasan kung may
kahinaan. matulad nawa ako sa iyong kabanalan, O Roqueng mapagpala.

40
Ang Pagsisiyam kay San Roque

O, mapalad na San Roque, aming pintakasi, kami ay patnubayan at itaguyod


ng marapat kaming makinabang sa mga biyayang ipinagkaloob ng ating
Panginoong Hesukristo.

Amen.

PAGPAPAHAYAG NG MABUTING BALITA


Magsitayo ang Lahat

N/ Pagpapahayag ng Mabuting Balita Ayon kay San Lukas


(Lukas 8:40-59)

B/ Papuri sa Iyo Panginoon

Pagbalik ni Hesus sa ibayo ng lawa, masaya siyang tinanggap ng mga tao


sapagka’t hinihintay siya ng lahat. Dumating naman ang isang lalaki na
nagngangalang Jairo, tagapamahala ng sinagoga. Napgpatirapa siya sa paanan ni
Hesus at nakiusap ditong pumunta sa bahay niya, sapagkat ang kaisa isa niyang
anak na babae na maglalabindalawang taong gulang ay naghihingalo.
Samantalang naglalakad si Hesus, siniksik siya ng mga tao. Kabilang sa mga
ito ang isang babaeng labindalawang taon nang dinudugo at hindi mapagaling
nino man. (Naubos nang lahat sa kapapagamot ang kanyang kabuhayan.) Lumapit
siya sa likuran ni Hesus at humipo sa palawit ng kanyang damit; at pagdaka’y
tumigil ang kanyang pagdugo. Nagtanong ngayon si Hesus, “Sino ang humipo sa
akin?” Nang walang umamin sinabi ni Pedro, “Guro naliligid po kayo at sinisiksik
ng maraming tao!” Ngunit sinabi ni Hesus “May humipo sa akin! Naramdaman
kong may bisang lumabas sa akin.” Nang malaman ng babae na hindi pala niya
nalingid ang kanyang ginawa, siya’y nangining lumapit at nagpatirapa sa paanan ni
Hesus. Pagkatapos, sinabi niya sa lahat ng naroon kung bakit niya hinipo si Hesus,
at kung paano siya gumaling agad. Sinabi sa kanya ni Hesus, “Anak, pinagaling ka
ng iyong pananalig sa akin. Umuwi ka na’t ipanatag mo ang iyong kalooban.”
Samantalang nagsasalita si Hesus, dumating ang isang lalaking galing sa
bahay ng tagapamahala. “Patay na po ang inyong anak!” sabi niya kay Jairo.
“Huwag na ninyong abalahin pa ang Guro.” Nang marinig ito ni Hesus. Sinabi niya
kay Jairo, “Huwag kang matakot. Manalig ka’t di siya maano. Pagdating ni Hesus
sa bahay, wala siyang isinama sa loob kundi sina Pedro, Huan at Santiago, at ang
ama’t ina ng dalagita. Nananaghoy ang lahat ng naroroon at tinatangisan ang

41
Ang Pagsisiyam kay San Roque

patay. Ngunit ang sinabi ni Hesus “Huwag kayong tumangis. Hindi patay
iyan;natutulog lamang.” Siya’y pinagtawanan nila sapagkat alam nilang patay na
ang dalagita. Ngunit hinawakan ni Hesus ang kamay nito at sinabi, “Ineng,
bumangon ka.” Nagbalik ang kanyang hininga, at siya’y bumangon. At pinabigyan
agad ni Hesus ng pagkain ang dalagita. Nangilalas ang mga magulang nito, ngunit
pinagbilinan sila ni Hesus na huwag sabihin kaninuman ang nangyari.

N/ Ang Mabuting Balita ng Panginoon

B/ Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

PAGNINILAY
Nakaupo
Maaring maglaan ng kaunting katahimikan o magnilay ng naayon sa Mabuting
Balita

PAGNINILAY SA BUHAY NI SAN ROQUE

Kabanal-banalang disipulo ni JesuKristo, sakdalan ng mga maysakit at


nasasalot, hindi pinabayaan ang mga nangangailangan sapagkat nasa ilalim ka ng
kapangyarihan at tulong ng Panginoong Diyos, ikaw ay nagbalik doon sa siyudad
ng Placencia na kasama ang kabalyerong si Gotardo, upang gumamot uli ng mga
maysakit, pagkakita mo lamang sa Mahal na Krus, na nakita rin ng mga nasa
ospital, may liwanag na nakagaling sa kanilang karamdaman, kaya't agad kang
pinasalamatan sa iyong "milagrong" ipinamalas. At sa paglalakad ninyong dalawa,
nakarinig ka sa daan ng isang tinig: "Roque, magaling ka na, umuwi ka sa sarili
mong bayan, at doon magpakita ka ng bagong mga halimbawa ng buhay mong
mapagtiis."

Isang lalaki ang naghatid sa iyo sa karamdaman at nagsumamong


ipanalangin mo siya at ang kanyang kaanakan. Ikaw naman ay agad dumalit ng
panalangin para sa kanyang pamilya at sa buong bayan niya.

PANALANGIN
Nakaluhod

42
Ang Pagsisiyam kay San Roque

Mahal naming San Roque, awa ng Panginoong Diyos, ay nagsusumamo ako


sa iyo na ipagkaloob sa amin ang kapakumbabaan ng loob, kung kami'y malaya sa
kapalaluan at karangyaang hinahangad ng aming katauhan. Ibaling mo sa mga
maysakit ang mata mong maawain. Ipagsanggalang mo at iadya ang aming bayan
sa salot at ituro sa amin ang matuwid na daan at ang mga aral ni JesuKristo. Sa
gayon, umaasa kami sa iyong tulong upang makasapit kami sa kaluwalhatiang
tinatamasa mo ngayon sa langit.

Amen.

Magdasal ng tatlong Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Luwalhati na


ipatutungkol sa intensyon ng ating Santo Papa, Sa Pag iwas sa sakit at salot ng
ating bayan at sa mga kaluluwa sa pugatoryo, gayundin naman ay magsumikap
tumanggap ng Sakramento ng kumpisal at Banal na Eukaristiya. At makibahagi sa
ispiritwal at Korporal na gawang kahabagan ng simbahan sa loob ng pagsisiyam
ito.

O Panginoon kong Diyos, Ikaw na nagsugo sa maluwalhating Roque at


pinahatiran mo siya ng Anghel na may dalang kaputol na tabla, doo’y isinulat mo
ang iyong pangakong pinagtitibay na sino mang dapuan ng salot ay hindi maano
kung tawagin ang kanyang ngalan. Sapagkat siya ay deboto sa Iyo. Magdalita Ka sa
aming lahat na gumugunita sa kanyang buhay. Ipagkaloob mo na kami ay maligtas
sa salot na nakamamatay sa kaluluwa at katawan, Pakundangan sa mahal na
Pasyon, Kamatayan at Pagkabuhay namag uli ni Hesukristong Anak mo, na
nabubuhay at naghahari kasama ng Espirito Santo, magpakailanman.

Amen.

PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHEN (MEMORARE)

Alalahanin mo, lubhang mapagbigay-loob na Birheng Maria, ni kailanman


ay di narinig na may dumulog sa iyong pagpapaampon, na lumuhog sa iyong
tulong o humingi ng iyong pamamagitan, ay hindi mo pinabayaan. Taglay ang pag-
asang ito, ako'y sumasamo sa iyo, o Birhen ng mga birhen at aking Ina. Sa iyo
ako'y lumalapit, sa harap mo ako'y titindig, isang makasalanan at puno ng
dalamhati; O Ina ng Verbong nagkatawang-tao, huwag mo nawang tanggihan ang
aking kahilingan, kundi sa iyong mahabaging puso, ako'y iyong dinggin at sagutin.

43
Ang Pagsisiyam kay San Roque

Amen.

Mahal na Puso ni Hesus, Kaawan mo kami.


Matamis na Puso ni Maria, Ipanalangin mo kami
Matapat na Puso ni Jose, Ipanalangin mo kami

San Roqueng Puspos, Ipanalangin mo kami sa Diyos.

HIMNO KAY SAN ROQUE


Nakatayo

Sa tawag ng Diyos, agad kang tumalima.


Karangyaa’y iniwan, niyakap ang pagdaralita.
Mga kapus palad iyong inandukha,
Pag ibig ng Panginoon Iyong Pinadama.

O San Roque, O San Roque


Dakilang Patron ng Pateros.
Kami’y ipagdasal at kahabagan
Makasama ka naming sa kalangitan.

O San Roque, tulad mo sana,


Kami’y maging kasangkapan.
Sa ‘ming buhay, O San Roque
Diyos ang mailarawan.

Ang Pateros naming bayan


San Roque ‘yong gabayan

San Roqueng Hirang!

N/ Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo.

B/ Amen
+ Krus ni Kristo + Iligtas mo ako +

44
Ang Pagsisiyam kay San Roque

IKA PITONG ARAW


DALIT
Nakatayo
Maaring sambitin ang buong Dalit o di kaya’y ang mga sumusunod:

Aba matibay na moog


Nang taong nangagsasalot,

Amponin mo kami’t kupkop


Roqueng kapalara’y puspos

Araw na ipinanganak ka,


Sa katawan mo’y nakita
Tandang isang krus na maganda,
Buhay mong banal na sadya.
Sa sikmuray isang Krus
Ang ikinnintal ng Diyos.

Amponin mo kami’t kupkop


Roqueng kapalara’y puspos

Pagkawili mong mataman


Sa Reyna ng kalangitan
Tanang adhika mong asal,
Siya’y ang tinutularan.
Bata ka pa’y naghahandog
Ng pagpapakarayukdok

Amponin mo kami’t kupkop


Roqueng kapalara’y puspos

Aba matibay na moog


Nang taong nangagsasalot,

Amponin mo kami’t kupkop


Roqueng kapalara’y puspos

45
Ang Pagsisiyam kay San Roque

+ Krus ni Kristo + Iligtas mo ako +

N/ Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo.

B/ Amen

PAGSISISI
Nakaluhod
Panginoon kong Diyos na walang hanggan at bukal ng lahat ng kagalingan,
ako’y nagpapakumbaba sa harap ng Iyong kadakilaan. Sinasamba’t dinarakila Kita
ng taimtim sa loob, sapagkat ikaw nga ang Ama ko’t Panginoong may gawa sa
lahat, at Ikaw lamang ang pinanggagalingan ng grasya at kaluwalhatian. Ninanasa
kong makatgulad ng mga banal sa langit na lubos ang pagsamba sa iyo.

Nagpapasalamat ako nang walang humpay dahil sa di mabilang na mga


biyayang ipinagkaloob Mo sa akin lalung lalo na ang pagkakligtas ko sa kasalanan.
Kinikilala ko ang pagbibigay Mo sa akin ng malinaw na pag-iisip at malayang
kalooban, at ako nama’y kinalinga Mo hanggang sa oras na ito. Gayon din, ako’y
tinubos Mo, ako’y naging kristiyano at naging sangkap ng Santa Iglesia Catolica,
binigyan ng maraming pagkakataon na makapagsisi sa aking kasalanan at
pinagkalooban ng grasya sa pagbabalik-loob at pagbabagong-asal.

Sumasampalataya ako sa Iyong mga aral na itinagubilin sa Santa Iglesia at


sa pananampalatayang ito’y ibig kong mabuhay at mamatay.

O Diyos ng kagalingang walang hanggan!sinisinta Kita ng buong puso, at


iniibig Kita nang higit sa lahat ng bagay ditto sa mundo, higit pa rin sa aking buhay
at katawan man. Totoong ako’y nagkasalasa ito nang madalas at totoo rin namang
hindi ko pinasalamatan ang Iyong kaloob na awa sa akin.

Ngunit sa malaking tulong ng grasyang ibinigay Mo sa akin, kinikilala ko ring


lubos ang mga kamalian ko. Kinalimutan ko ang dati kong pagwawalang loob sa
iyo at ipinahayag ko ngayon ang pagkapoot ko sa kasalalnan. Sa kaibuturan ng
aking puso’t kaluluwa, pinagsisisihan ko ang lahat ng aking mga kasalanan.
Inihahandog ko sa iyo ang aking buhay, mga gawain at kahirapan bilang bayad
puri sa aking mga kasalanan.

46
Ang Pagsisiyam kay San Roque

Nagsisisi ako ng lubos at nangangakong di na muling magkakasala. Bagamat


ako’y nangangamba sa karupukan, ng aking kalooban nananalig akong mananatili
Ka sa akin upang makamit ang Iyong awa at grasya. Dito lamang ako nananalig.
Panginoon ko, sapagkat ibig ko pang mamatay huwag lamang magkasala sa Iyo.
Ako’y magpapakasakit sa abot ng aking kaya upang ako’y makabayad sa aking
mga kasalanan. Gagampapan ko ang mga tungkulin bilang tunay na kristiyano at
pagbubutihin ko ang aking asal.

Taglay ang matibay na loob, ako’y mananatili sa pamimintuho at


paglilingkod sa Iyo, magpasawalang hanggan.

Amen.

PANALANGIN SA ARAW ARAW

Minamahal kong patron, O San Roque, banal ng Diyos, Pintakasi ng mga


may sakit, pag asa ng kagalingan mula sa anumang salot, martir sa pagmamahal
sa Diyos at sa kapwa, at larawan ng tunay na tagapaglingkod at taga sunod sa
kalooban ng Diyos.

O San Roqueng Puspos, ako ay humihingi sa iyong mapagpalang tulong, ako


ay iyong ipanalangin at gabayan sa aking pamumuhay bilang instrumento ng pag
ibig ng Diyos.

Igawad mo sa akin ang iyong mapagpalang kamay upang makatugon ako sa


panawagan ng mga nangangailangan. Iniaalay ko ang aking buong kalooban at ang
aming pamayanan sa Poong Maykapal upang maging ganap na bayan niyang
kinalulugdan.

Nawa’y pagkalooban mo ako ng biyaya (Banggitin and Kahilingan), ng tunay


na pagkakaisa at ng kagalingan hindi lamang sa pangangatawan kundi lalo sa
aking kaluluwa. Nawa’y mabuhay sa akin ang pagmamalasakit sa aking kapwa;
magbigay kung may nangangailangan, kaliwanagan kung may kadiliman,
kapayapaan kung may alitan, kapatawaran kung may poot, at kalakasan kung may
kahinaan. matulad nawa ako sa iyong kabanalan, O Roqueng mapagpala.

47
Ang Pagsisiyam kay San Roque

O, mapalad na San Roque, aming pintakasi, kami ay patnubayan at itaguyod


ng marapat kaming makinabang sa mga biyayang ipinagkaloob ng ating
Panginoong Hesukristo.

Amen.

PAGPAPAHAYAG NG MABUTING BALITA


Magsitayo ang Lahat

N/ Pagpapahayag ng Mabuting Balita Ayon kay San Mateo


(Mateo 9:27-33)
B/ Papuri sa Iyo Panginoon

Pag alis ni Hesus sa lugar na iyon sinundan siya ng dalawang lalaking bukag.
Sumisigaw sila na ang wika, “Anak ni David, mahabag kayo sa amin!” pagpasok ni
Hesus sa bahay, lumapit sa kanya ang mga bulag. Tinanong sila ni Hesus,
“Naniniwala ba kayo na magagawa ko ito?” “Opo, panginoon,” sagot nila. At
hinipo niya ang kanilang mga mata, at sinabi “Mangyari sa inyo ang anyon sa
inyong paniniwala.” At nakakita na sila. Mahigpit na ipinagbilin sa kanila ni Hesus
na huwag sasabihin ito kaninuman. Ngunit nang sila’y makaalis, ininalita nila sa
buong lupaing yaon ang ginawa sa kanila ni Hesus.
Pagkaalis nila, dinala kay Hesus ang isang piping inaalihan ng demonyo.
Pinalayas ni Hesus ang demonyo at nakapagsalita ang pipi. Namangha ang mga
tao, at sinabi nila, “Kailanma’y walang nakitang katulad nito sa Israel.”

N/ Ang Mabuting Balita ng Panginoon

B/ Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

PAGNINILAY
Nakaupo
Maaring maglaan ng kaunting katahimikan o magnilay ng naayon sa Mabuting
Balita

48
Ang Pagsisiyam kay San Roque

PAGNINILAY SA BUHAY NI SAN ROQUE

Maawaing lingkod ni JesuKristo, Roqueng mapagtiis, tunay na salamin ng


pagkamasunurin sa Diyos, hindi mo iniinda ang iyong mga paghihirap at
kapighatian noong nabubuhay ka pa sapagkat minahal mong labis ang Panginoon
at ang iyong kapwa. Bilang pagsunod sa tinig ng Panginoon, napadpad ka sa
Francia sa anyong peregrino. Hindi ka nakilala ng sinuman dahil sa iyong
kapayatan at kahinaan ng katawan.

Iniharap ka sa Gobernador sa Montpeller, na iyong amain. Nang malaman


niyang hindi mo sinabi ang iyong tunay na pangalan, at dahil sa mga bintang ng
tao, naparusahan ka ng bilanggo habang buhay. Ngunit tiniis mong lahat ang hirap
sa bilangguan tulad ng pagkain ng tinapay lamang at pag-inom ng tubig. Limang
taon mong tiniis ang gayong kalagayan kaya't labis na ipinagtaka ng mga tagaroon
ang iyong pagpapakasakit at paghihirap alang-alang sa pag-ibig mo sa Panginoon.

PANALANGIN
Nakaluhod

Sa harap ng malaking pagtitiis mo, San Roque naming mahal, humihingi


kami ngayon sa iyo ng awa at tulong mo upang matiis namin ang mga paghihirap
at pagsubok dito sa mundo. Kailan man ay huwag sana kaming gumanti ng
masama sa kapwa. Gayon din naman kami'y nagsusumamo na pakinggan mo ang
mga karaingang inilalapit sa iyo ng mga maysakit at nasasalot, at tulungan mong
gumaling ang kanilang mga sakit. Ipakita mo ang iyong awa at sa aming bayan.
Nawa'y mag-ingat kami sa anumang kasamaan upang maging dapat kami sa
kaligayahang walang hanggan.

Amen.

Magdasal ng tatlong Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Luwalhati na


ipatutungkol sa intensyon ng ating Santo Papa, Sa Pag iwas sa sakit at salot ng
ating bayan at sa mga kaluluwa sa pugatoryo, gayundin naman ay magsumikap
tumanggap ng Sakramento ng kumpisal at Banal na Eukaristiya. At makibahagi sa
ispiritwal at Korporal na gawang kahabagan ng simbahan sa loob ng pagsisiyam
ito.

49
Ang Pagsisiyam kay San Roque

O Panginoon kong Diyos, Ikaw na nagsugo sa maluwalhating Roque at


pinahatiran mo siya ng Anghel na may dalang kaputol na tabla, doo’y isinulat mo
ang iyong pangakong pinagtitibay na sino mang dapuan ng salot ay hindi maano
kung tawagin ang kanyang ngalan. Sapagkat siya ay deboto sa Iyo. Magdalita Ka sa
aming lahat na gumugunita sa kanyang buhay. Ipagkaloob mo na kami ay maligtas
sa salot na nakamamatay sa kaluluwa at katawan, Pakundangan sa mahal na
Pasyon, Kamatayan at Pagkabuhay namag uli ni Hesukristong Anak mo, na
nabubuhay at naghahari kasama ng Espirito Santo, magpakailanman.

Amen.

PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHEN (MEMORARE)

Alalahanin mo, lubhang mapagbigay-loob na Birheng Maria, ni kailanman


ay di narinig na may dumulog sa iyong pagpapaampon, na lumuhog sa iyong
tulong o humingi ng iyong pamamagitan, ay hindi mo pinabayaan. Taglay ang pag-
asang ito, ako'y sumasamo sa iyo, o Birhen ng mga birhen at aking Ina. Sa iyo
ako'y lumalapit, sa harap mo ako'y titindig, isang makasalanan at puno ng
dalamhati; O Ina ng Verbong nagkatawang-tao, huwag mo nawang tanggihan ang
aking kahilingan, kundi sa iyong mahabaging puso, ako'y iyong dinggin at sagutin.

Amen.

Mahal na Puso ni Hesus, Kaawan mo kami.


Matamis na Puso ni Maria, Ipanalangin mo kami
Matapat na Puso ni Jose, Ipanalangin mo kami

San Roqueng Puspos, Ipanalangin mo kami sa Diyos.

HIMNO KAY SAN ROQUE


Nakatayo

Sa tawag ng Diyos, agad kang tumalima.


Karangyaa’y iniwan, niyakap ang pagdaralita.
Mga kapus palad iyong inandukha,
Pag ibig ng Panginoon Iyong Pinadama.

50
Ang Pagsisiyam kay San Roque

O San Roque, O San Roque


Dakilang Patron ng Pateros.
Kami’y ipagdasal at kahabagan
Makasama ka naming sa kalangitan.

O San Roque, tulad mo sana,


Kami’y maging kasangkapan.
Sa ‘ming buhay, O San Roque
Diyos ang mailarawan.

Ang Pateros naming bayan


San Roque ‘yong gabayan

San Roqueng Hirang!

N/ Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo.

B/ Amen
+ Krus ni Kristo + Iligtas mo ako +

51
Ang Pagsisiyam kay San Roque

IKA WALONG ARAW


DALIT
Nakatayo
Maaring sambitin ang buong Dalit o di kaya’y ang mga sumusunod:

Aba matibay na moog


Nang taong nangagsasalot,

Amponin mo kami’t kupkop


Roqueng kapalara’y puspos

Nang ikaw ay ma-ulila


Binahagi mo pagdaka
Yamang sa dukhang lahat na
Sa ama’t ina mo’y mana
Alab nang sinta sa Diyos
Ang puso mo’y nalilipos

Amponin mo kami’t kupkop


Roqueng kapalara’y puspos

Nagdamit kang peregrino


Acquapendente’y tinungo,
Doo’y ang natagpuan mo,
Nunuksang salot sa tao.
Kusa kang nakipanggamot
Nangalaga sa may salot

Amponin mo kami’t kupkop


Roqueng kapalara’y puspos

Aba matibay na moog


Nang taong nangagsasalot,

Amponin mo kami’t kupkop


Roqueng kapalara’y puspos

52
Ang Pagsisiyam kay San Roque

+ Krus ni Kristo + Iligtas mo ako +

N/ Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo.

B/ Amen

PAGSISISI
Nakaluhod
Panginoon kong Diyos na walang hanggan at bukal ng lahat ng kagalingan,
ako’y nagpapakumbaba sa harap ng Iyong kadakilaan. Sinasamba’t dinarakila Kita
ng taimtim sa loob, sapagkat ikaw nga ang Ama ko’t Panginoong may gawa sa
lahat, at Ikaw lamang ang pinanggagalingan ng grasya at kaluwalhatian. Ninanasa
kong makatgulad ng mga banal sa langit na lubos ang pagsamba sa iyo.

Nagpapasalamat ako nang walang humpay dahil sa di mabilang na mga


biyayang ipinagkaloob Mo sa akin lalung lalo na ang pagkakligtas ko sa kasalanan.
Kinikilala ko ang pagbibigay Mo sa akin ng malinaw na pag-iisip at malayang
kalooban, at ako nama’y kinalinga Mo hanggang sa oras na ito. Gayon din, ako’y
tinubos Mo, ako’y naging kristiyano at naging sangkap ng Santa Iglesia Catolica,
binigyan ng maraming pagkakataon na makapagsisi sa aking kasalanan at
pinagkalooban ng grasya sa pagbabalik-loob at pagbabagong-asal.

Sumasampalataya ako sa Iyong mga aral na itinagubilin sa Santa Iglesia at


sa pananampalatayang ito’y ibig kong mabuhay at mamatay.

O Diyos ng kagalingang walang hanggan!sinisinta Kita ng buong puso, at


iniibig Kita nang higit sa lahat ng bagay ditto sa mundo, higit pa rin sa aking buhay
at katawan man. Totoong ako’y nagkasalasa ito nang madalas at totoo rin namang
hindi ko pinasalamatan ang Iyong kaloob na awa sa akin.

Ngunit sa malaking tulong ng grasyang ibinigay Mo sa akin, kinikilala ko ring


lubos ang mga kamalian ko. Kinalimutan ko ang dati kong pagwawalang loob sa
iyo at ipinahayag ko ngayon ang pagkapoot ko sa kasalalnan. Sa kaibuturan ng
aking puso’t kaluluwa, pinagsisisihan ko ang lahat ng aking mga kasalanan.
Inihahandog ko sa iyo ang aking buhay, mga gawain at kahirapan bilang bayad
puri sa aking mga kasalanan.

53
Ang Pagsisiyam kay San Roque

Nagsisisi ako ng lubos at nangangakong di na muling magkakasala. Bagamat


ako’y nangangamba sa karupukan, ng aking kalooban nananalig akong mananatili
Ka sa akin upang makamit ang Iyong awa at grasya. Dito lamang ako nananalig.
Panginoon ko, sapagkat ibig ko pang mamatay huwag lamang magkasala sa Iyo.
Ako’y magpapakasakit sa abot ng aking kaya upang ako’y makabayad sa aking
mga kasalanan. Gagampapan ko ang mga tungkulin bilang tunay na kristiyano at
pagbubutihin ko ang aking asal.

Taglay ang matibay na loob, ako’y mananatili sa pamimintuho at


paglilingkod sa Iyo, magpasawalang hanggan.

Amen.

PANALANGIN SA ARAW ARAW

Minamahal kong patron, O San Roque, banal ng Diyos, Pintakasi ng mga


may sakit, pag asa ng kagalingan mula sa anumang salot, martir sa pagmamahal
sa Diyos at sa kapwa, at larawan ng tunay na tagapaglingkod at taga sunod sa
kalooban ng Diyos.

O San Roqueng Puspos, ako ay humihingi sa iyong mapagpalang tulong, ako


ay iyong ipanalangin at gabayan sa aking pamumuhay bilang instrumento ng pag
ibig ng Diyos.

Igawad mo sa akin ang iyong mapagpalang kamay upang makatugon ako sa


panawagan ng mga nangangailangan. Iniaalay ko ang aking buong kalooban at ang
aming pamayanan sa Poong Maykapal upang maging ganap na bayan niyang
kinalulugdan.

Nawa’y pagkalooban mo ako ng biyaya (Banggitin and Kahilingan), ng tunay


na pagkakaisa at ng kagalingan hindi lamang sa pangangatawan kundi lalo sa
aking kaluluwa. Nawa’y mabuhay sa akin ang pagmamalasakit sa aking kapwa;
magbigay kung may nangangailangan, kaliwanagan kung may kadiliman,
kapayapaan kung may alitan, kapatawaran kung may poot, at kalakasan kung may
kahinaan. matulad nawa ako sa iyong kabanalan, O Roqueng mapagpala.

54
Ang Pagsisiyam kay San Roque

O, mapalad na San Roque, aming pintakasi, kami ay patnubayan at itaguyod


ng marapat kaming makinabang sa mga biyayang ipinagkaloob ng ating
Panginoong Hesukristo.

Amen.

PAGPAPAHAYAG NG MABUTING BALITA


Magsitayo ang Lahat

N/ Pagpapahayag ng Mabuting Balita Ayon kay San Juan


(Juan 11:17-31, 38-41)

B/ Papuri sa Iyo Panginoon

Pagdating ni Hesus, nalaman niyang apat na araw nang nakalibing si Lazaro.


May tatlong kilometro ang layo ng Jerusalem sa Betania, at marami sa mga Judio
ang dumalaw kina Marta at Maria upang sila’y aliwin.
Nang marinig ni Marta na dumarating si Hesus, sinalubong niya ito; ngunit
si Maria’y naiwan sa bahay. Sinabi ni Marta, “Panginoon, kung kayo po’y narito,
hindi sana namatay ang aking kapatid. Ngunit nalalaman kong kahit ngayo’y
ibibigay sa inyo ng Diyos ang anumang hingin niyo sa kanya.” “Muling mabubuhay
ang iyong kapatid,” wika ni Hesus. Sumagot si Marta, “Nalalaman ko pong siya’y
mabubuhay uli sa huling araw, sa muling pagkabuhay” Sinabi naman ni Hesus,
“Ako ang muling pagkabuhay at buhay. Ang nananalig sa akin, kahit mamatay ay
muling mabubuhay; at sinumang nabubuhay at nananalig sa akin ay hindi
mamamatay kailanman. Pinaniniwalaan 33 amin ito?” “Opo, Panginoon!” sagot
niya. “Nananalig ako sa inyo. Kayo po ang Anak ng Diyos, ang Mesias na
inaasahang paparito sa sanlibutan”
Pagkasabi nito, umuwi si Marta. Tinawag si Maria at pabulong na sinabi,
“Narito na ang Guro, ipinatatawag ka.” Pagkarinig nito, nagmadaling tumayo si
Maria at sinalubong si Hesus. (Hindi pa nakakarating si Hesus sa nayon; naroon pa
siya sa dakong kinasalubungan sa kanya ni Marta.) Sinundan si Maria ng mga
Judiong umaaliw sa kanya nang siya’y nagmadaling tumindig at lumabas. Akala
nila’y pupunta siya sa libingan upang manangis.
Muling napahimutok si Hesus pagdating sa libigan. Ito’y yungib na
natatakpan ng isang bato. “Alisin ninyo ang bato” sabi ni Hesus. Sumagot si Marta,
“Panginoon, nangangamoy na po siya ngayon; apat na araw na siyang patay.”

55
Ang Pagsisiyam kay San Roque

Sinabi ni Hesus, “Hindi ba sinabi ko na sa iyo na kung mananalig ka sa akin ay


makikita mo kung gaano kadakila ang Diyos?” At inalis nila ang bato. Tumingala si
Hesus at ang wika, “Ama,nagpapasalamat ako sa iyo, sapagkat dininig mo ako.
Alam kong lagi mo akong dinirinig. Ngunit sinabi ko ito dahil sa mga taong nasa
paligid ko, upang maniwala silang ikaw ang nagsugo sa akin.” Pagkasabi nito,
sumigaw siya, “Lazaro, lumabas ka!”

N/ Ang Mabuting Balita ng Panginoon

B/ Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

PAGNINILAY
Nakaupo
Maaring maglaan ng kaunting katahimikan o magnilay ng naayon sa Mabuting
Balita

PAGNINILAY SA BUHAY NI SAN ROQUE

Maawaing disipulo ni JesuKristo, Roqueng kabanal-banalan, at malapit na


kaibigan ng Panginoong Diyos, dinarakila namin ang iyong katangian sa mga
gawang banal. Sa malaki mong pag-ibig sa Diyos, ipinahayag Niya sa iyo ang araw
at oras ng iyong kamatayan kaya't nagkaroon ka ng pagkakataong maitawag ng
paring mapangungumpisalan. Siya'y nagulat sa sinag na nakitang nanggagaling sa
iyong katauhan.Nadama niya ang alab ng iyong kabanalan nang tumanggap ka ng
komunyon.

Ang balitang may santo sa bilangguan ay kumalat sa buong siyudad ngunit


inari ng Gobernador na ito'y isang panagimpan. Nagulat na lamang ang mga tao
nang sila'y pumasok sa loob ng bilangguan at doo'y nakita nila ang isang
nakasisilaw na sinag. Nakita ka nila na nakahiga ka sa lupa, at kamamatay mo pa
lamang. Nasa ulunan mo ang tablang nagsasaad ng ganito: "Sinumang abutin ng
salot at tumawag sa aking aliping si Roque, ay ipag-aadya ko, alang-alang sa
kanya." Nagkatotoo ang mga salitang ito, nang malaman ng iyong ina na ikaw nga
ang kanyang anak na may tanda ng krus sa sikmura.

56
Ang Pagsisiyam kay San Roque

PANALANGIN
Nakaluhod

O San Roque, dahil sa pangako ng Diyos sa iyo, sinasambit namin ang mahal
mong ngalan, upang kami'y maligtas sa salot at sa sakit na nakahahawa. Hinihiling
din namin sa iyo, sa awa't tulong ng Panginoong Diyos, na kami'y makasunod sa
iyong kabanalan, alang-alang kay JesuKristong nabubuhay at naghahari
magpakailan man.

Amen.

Magdasal ng tatlong Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Luwalhati na


ipatutungkol sa intensyon ng ating Santo Papa, Sa Pag iwas sa sakit at salot ng
ating bayan at sa mga kaluluwa sa pugatoryo, gayundin naman ay magsumikap
tumanggap ng Sakramento ng kumpisal at Banal na Eukaristiya. At makibahagi sa
ispiritwal at Korporal na gawang kahabagan ng simbahan sa loob ng pagsisiyam
ito.

O Panginoon kong Diyos, Ikaw na nagsugo sa maluwalhating Roque at


pinahatiran mo siya ng Anghel na may dalang kaputol na tabla, doo’y isinulat mo
ang iyong pangakong pinagtitibay na sino mang dapuan ng salot ay hindi maano
kung tawagin ang kanyang ngalan. Sapagkat siya ay deboto sa Iyo. Magdalita Ka sa
aming lahat na gumugunita sa kanyang buhay. Ipagkaloob mo na kami ay maligtas
sa salot na nakamamatay sa kaluluwa at katawan, Pakundangan sa mahal na
Pasyon, Kamatayan at Pagkabuhay namag uli ni Hesukristong Anak mo, na
nabubuhay at naghahari kasama ng Espirito Santo, magpakailanman.

Amen.

PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHEN (MEMORARE)

Alalahanin mo, lubhang mapagbigay-loob na Birheng Maria, ni kailanman


ay di narinig na may dumulog sa iyong pagpapaampon, na lumuhog sa iyong
tulong o humingi ng iyong pamamagitan, ay hindi mo pinabayaan. Taglay ang pag-
asang ito, ako'y sumasamo sa iyo, o Birhen ng mga birhen at aking Ina. Sa iyo
ako'y lumalapit, sa harap mo ako'y titindig, isang makasalanan at puno ng

57
Ang Pagsisiyam kay San Roque

dalamhati; O Ina ng Verbong nagkatawang-tao, huwag mo nawang tanggihan ang


aking kahilingan, kundi sa iyong mahabaging puso, ako'y iyong dinggin at sagutin.

Amen.

Mahal na Puso ni Hesus, Kaawan mo kami.


Matamis na Puso ni Maria, Ipanalangin mo kami
Matapat na Puso ni Jose, Ipanalangin mo kami

San Roqueng Puspos, Ipanalangin mo kami sa Diyos.

HIMNO KAY SAN ROQUE


Nakatayo

Sa tawag ng Diyos, agad kang tumalima.


Karangyaa’y iniwan, niyakap ang pagdaralita.
Mga kapus palad iyong inandukha,
Pag ibig ng Panginoon Iyong Pinadama.

O San Roque, O San Roque


Dakilang Patron ng Pateros.
Kami’y ipagdasal at kahabagan
Makasama ka naming sa kalangitan.

O San Roque, tulad mo sana,


Kami’y maging kasangkapan.
Sa ‘ming buhay, O San Roque
Diyos ang mailarawan.

Ang Pateros naming bayan


San Roque ‘yong gabayan

San Roqueng Hirang!

N/ Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo.

58
Ang Pagsisiyam kay San Roque

B/ Amen
+ Krus ni Kristo + Iligtas mo ako +

59
Ang Pagsisiyam kay San Roque

IKA SIYAM NA ARAW


DALIT
Nakatayo
Maaring sambitin ang buong Dalit o di kaya’y ang mga sumusunod:

Aba matibay na moog


Nang taong nangagsasalot,

Amponin mo kami’t kupkop


Roqueng kapalara’y puspos

Ang salot sa iyong harap


Napapawing agad agad
Himalang ito’y natatap
Sampong bagsik mong lahat
Ang sa ngalan mo’y tumuos
Gumagaling na tibobos

Amponin mo kami’t kupkop


Roqueng kapalara’y puspos

Ang sangbayanang Cecina


Gayon din ang taga Roma
Sa iyo’y kinamtan nila
Isang bayaning pagsinta.
Paglipol doon sa salot
Lubhang kakilakilabot.

Amponin mo kami’t kupkop


Roqueng kapalara’y puspos

Aba matibay na moog


Nang taong nangagsasalot,

Amponin mo kami’t kupkop


Roqueng kapalara’y puspos

60
Ang Pagsisiyam kay San Roque

+ Krus ni Kristo + Iligtas mo ako +

N/ Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo.

B/ Amen

PAGSISISI
Nakaluhod
Panginoon kong Diyos na walang hanggan at bukal ng lahat ng kagalingan,
ako’y nagpapakumbaba sa harap ng Iyong kadakilaan. Sinasamba’t dinarakila Kita
ng taimtim sa loob, sapagkat ikaw nga ang Ama ko’t Panginoong may gawa sa
lahat, at Ikaw lamang ang pinanggagalingan ng grasya at kaluwalhatian. Ninanasa
kong makatgulad ng mga banal sa langit na lubos ang pagsamba sa iyo.

Nagpapasalamat ako nang walang humpay dahil sa di mabilang na mga


biyayang ipinagkaloob Mo sa akin lalung lalo na ang pagkakligtas ko sa kasalanan.
Kinikilala ko ang pagbibigay Mo sa akin ng malinaw na pag-iisip at malayang
kalooban, at ako nama’y kinalinga Mo hanggang sa oras na ito. Gayon din, ako’y
tinubos Mo, ako’y naging kristiyano at naging sangkap ng Santa Iglesia Catolica,
binigyan ng maraming pagkakataon na makapagsisi sa aking kasalanan at
pinagkalooban ng grasya sa pagbabalik-loob at pagbabagong-asal.

Sumasampalataya ako sa Iyong mga aral na itinagubilin sa Santa Iglesia at


sa pananampalatayang ito’y ibig kong mabuhay at mamatay.

O Diyos ng kagalingang walang hanggan!sinisinta Kita ng buong puso, at


iniibig Kita nang higit sa lahat ng bagay ditto sa mundo, higit pa rin sa aking buhay
at katawan man. Totoong ako’y nagkasalasa ito nang madalas at totoo rin namang
hindi ko pinasalamatan ang Iyong kaloob na awa sa akin.

Ngunit sa malaking tulong ng grasyang ibinigay Mo sa akin, kinikilala ko ring


lubos ang mga kamalian ko. Kinalimutan ko ang dati kong pagwawalang loob sa
iyo at ipinahayag ko ngayon ang pagkapoot ko sa kasalalnan. Sa kaibuturan ng
aking puso’t kaluluwa, pinagsisisihan ko ang lahat ng aking mga kasalanan.
Inihahandog ko sa iyo ang aking buhay, mga gawain at kahirapan bilang bayad
puri sa aking mga kasalanan.

61
Ang Pagsisiyam kay San Roque

Nagsisisi ako ng lubos at nangangakong di na muling magkakasala. Bagamat


ako’y nangangamba sa karupukan, ng aking kalooban nananalig akong mananatili
Ka sa akin upang makamit ang Iyong awa at grasya. Dito lamang ako nananalig.
Panginoon ko, sapagkat ibig ko pang mamatay huwag lamang magkasala sa Iyo.
Ako’y magpapakasakit sa abot ng aking kaya upang ako’y makabayad sa aking
mga kasalanan. Gagampapan ko ang mga tungkulin bilang tunay na kristiyano at
pagbubutihin ko ang aking asal.

Taglay ang matibay na loob, ako’y mananatili sa pamimintuho at


paglilingkod sa Iyo, magpasawalang hanggan.

Amen.

PANALANGIN SA ARAW ARAW

Minamahal kong patron, O San Roque, banal ng Diyos, Pintakasi ng mga


may sakit, pag asa ng kagalingan mula sa anumang salot, martir sa pagmamahal
sa Diyos at sa kapwa, at larawan ng tunay na tagapaglingkod at taga sunod sa
kalooban ng Diyos.

O San Roqueng Puspos, ako ay humihingi sa iyong mapagpalang tulong, ako


ay iyong ipanalangin at gabayan sa aking pamumuhay bilang instrumento ng pag
ibig ng Diyos.

Igawad mo sa akin ang iyong mapagpalang kamay upang makatugon ako sa


panawagan ng mga nangangailangan. Iniaalay ko ang aking buong kalooban at ang
aming pamayanan sa Poong Maykapal upang maging ganap na bayan niyang
kinalulugdan.

Nawa’y pagkalooban mo ako ng biyaya (Banggitin and Kahilingan), ng tunay


na pagkakaisa at ng kagalingan hindi lamang sa pangangatawan kundi lalo sa
aking kaluluwa. Nawa’y mabuhay sa akin ang pagmamalasakit sa aking kapwa;
magbigay kung may nangangailangan, kaliwanagan kung may kadiliman,
kapayapaan kung may alitan, kapatawaran kung may poot, at kalakasan kung may
kahinaan. matulad nawa ako sa iyong kabanalan, O Roqueng mapagpala.

62
Ang Pagsisiyam kay San Roque

O, mapalad na San Roque, aming pintakasi, kami ay patnubayan at itaguyod


ng marapat kaming makinabang sa mga biyayang ipinagkaloob ng ating
Panginoong Hesukristo.

Amen.

PAGPAPAHAYAG NG MABUTING BALITA


Magsitayo ang Lahat

N/ Pagpapahayag ng Mabuting Balita Ayon kay San Mateo


(Mateo 5:1-12)

B/ Papuri sa Iyo Panginoon

Nang Makita ni Hesus ang napakakapal na tao, umahon siya sa bundok.


Pagkaupo niya’y lumapit ang kanyang mga alagad, at sila ay tinuruan niya ng
ganito:

“Mapalad ang mga aba na wala nang inaasahan kundi ang Diyos,
sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian.

“Mapalas ang mga nahahapis sapagkat aaliwin sila ng Diyos.

“Mapalad ang mga magpakumbaba, sapagkat tatamuhin nila ang


mga ipinangako ng Diyos.

“Mapalad ang mga nagmimithing makatupad sa kalooban ng Diyos,


sapagkat ipagkakaloob sa kanila ang kanilang minimithi.

“Mapalad ang mga mahabagin, sapagkat kahahabagan sila ng Diyos.

“Mapalad ang may mga malinis na puso, sapagkat makikita nila ang
Diyos.

“Mapalad ang mga gumagawa ng daan sa ika[agkakasundo, sapagkat


sila’y ituturing ng Diyos na mga anak niya.

63
Ang Pagsisiyam kay San Roque

“Mapalad ang mga pinag uusig dahil sa kanilang pagsunod sa


kalooban ng Diyos, sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian.

“Mapalad kayo kapag dahil sa aki’y inaalimura kayo ng mga tao, pinag uusig
at pinagwiwikaan ng lahat ng uri ng kasamaan na pawing kasinungalingan.
Magdiwang kayo at magalak, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit.
Gayon din ang ginawa ng mga tao sa mga propetang nauna sa inyo.”

N/ Ang Mabuting Balita ng Panginoon

B/ Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

PAGNINILAY
Nakaupo
Maaring maglaan ng kaunting katahimikan o magnilay ng naayon sa Mabuting
Balita

PAGNINILAY SA BUHAY NI SAN ROQUE

Maluwalhating kumpesor ni JesuKristo, San Roqueng kagalang-galang,


mahal na kaloob ng langit sa lupa, at tunay na salamin ng mga sumusunod sa
ating Panginoon, kami'y nananalangin sa iyo at taimtim na tumatawag sa iyong
mahal na ngalan. Masdan mo kami, San Roque, na nananalig sa kawikaan na
sinumang tumawag sa mahal mong ngalan, ay maliligtas sa sakit at salot. Ipag-
adya mo kami sa lahat ng sakit na nakahahawa. Kaya nga sa bisa ng iyong awa, ay
nananalig ang maraming lungsod at bayang dinatnan ng salot, at doo'y
pinasalamatan at pinuri ka.

PANALANGIN
Nakaluhod

Huwag mo kaming pabayaan, mahal na pintakasi. Tulungan mo kaming


manalangin sa Diyos upang kami'y kaawaan at iligtas sa mga sakit ng katawan at
kaluluwa at nang kami'y manatili sa daan ng kabanalan.
Nawa'y makamtan namin ang grasya na hinihiling namin sa nobenang ito.
Gayon din naman, isinasamo namin sa panalanging ito, ang mga kahilingan ng

64
Ang Pagsisiyam kay San Roque

lahat ng aming mga kababayang maysakit at nananalig sa tulong mo. Iadya mo


kami, iligtas sa salot at akayin sa daang ipagkakamit ng kaluwalhatian sa langit.

Amen.

Magdasal ng tatlong Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Luwalhati na


ipatutungkol sa intensyon ng ating Santo Papa, Sa Pag iwas sa sakit at salot ng
ating bayan at sa mga kaluluwa sa pugatoryo, gayundin naman ay magsumikap
tumanggap ng Sakramento ng kumpisal at Banal na Eukaristiya. At makibahagi sa
ispiritwal at Korporal na gawang kahabagan ng simbahan sa loob ng pagsisiyam
ito.

O Panginoon kong Diyos, Ikaw na nagsugo sa maluwalhating Roque at


pinahatiran mo siya ng Anghel na may dalang kaputol na tabla, doo’y isinulat mo
ang iyong pangakong pinagtitibay na sino mang dapuan ng salot ay hindi maano
kung tawagin ang kanyang ngalan. Sapagkat siya ay deboto sa Iyo. Magdalita Ka sa
aming lahat na gumugunita sa kanyang buhay. Ipagkaloob mo na kami ay maligtas
sa salot na nakamamatay sa kaluluwa at katawan, Pakundangan sa mahal na
Pasyon, Kamatayan at Pagkabuhay namag uli ni Hesukristong Anak mo, na
nabubuhay at naghahari kasama ng Espirito Santo, magpakailanman.

Amen.

PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHEN (MEMORARE)

Alalahanin mo, lubhang mapagbigay-loob na Birheng Maria, ni kailanman


ay di narinig na may dumulog sa iyong pagpapaampon, na lumuhog sa iyong
tulong o humingi ng iyong pamamagitan, ay hindi mo pinabayaan. Taglay ang pag-
asang ito, ako'y sumasamo sa iyo, o Birhen ng mga birhen at aking Ina. Sa iyo
ako'y lumalapit, sa harap mo ako'y titindig, isang makasalanan at puno ng
dalamhati; O Ina ng Verbong nagkatawang-tao, huwag mo nawang tanggihan ang
aking kahilingan, kundi sa iyong mahabaging puso, ako'y iyong dinggin at sagutin.

Amen.

Mahal na Puso ni Hesus, Kaawan mo kami.


Matamis na Puso ni Maria, Ipanalangin mo kami

65
Ang Pagsisiyam kay San Roque

Matapat na Puso ni Jose, Ipanalangin mo kami

San Roqueng Puspos, Ipanalangin mo kami sa Diyos.

HIMNO KAY SAN ROQUE


Nakatayo

Sa tawag ng Diyos, agad kang tumalima.


Karangyaa’y iniwan, niyakap ang pagdaralita.
Mga kapus palad iyong inandukha,
Pag ibig ng Panginoon Iyong Pinadama.

O San Roque, O San Roque


Dakilang Patron ng Pateros.
Kami’y ipagdasal at kahabagan
Makasama ka naming sa kalangitan.

O San Roque, tulad mo sana,


Kami’y maging kasangkapan.
Sa ‘ming buhay, O San Roque
Diyos ang mailarawan.

Ang Pateros naming bayan


San Roque ‘yong gabayan

San Roqueng Hirang!

N/ Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo.

B/ Amen
+ Krus ni Kristo + Iligtas mo ako +

66

You might also like