You are on page 1of 5

Novena kay San Roque

Pambungad na Panalanagin
Panginoon kong Diyos na walang hanggan at bukal ng lahat ng kagalingan, ako’y
nagpapakumbaba sa harap ng iyong kadakilaan. Sinasamba’t dinarakila kita nang
taimtim sa loob, sapagkat ikaw nga ang Ama ko’t Panginoong may gawa ng lahat
at ikaw lamang ang pinanggagalingan ng grasya at kaluwalhatian. Ninanasa kong
makatulad ng mga banal sa lupa at sa langit na lubos ang pagsamba sa iyo.
Nagpapasalamat ako nang walang humpay dahil sa di mabilang ng mga biyayang
ipinagkaloob mo sa akin, lalung-lalo na ang pagkaligtas ko sa kasalanan. Kinikilala
ko ang pagbibigay mo sa akin ng malinaw na pag-iisip at malayang kalooban at
ako nama’y kinalinga mo hanggang sa oras na ito. Gayon din, ako’’y tinubos mo
ako’y naging kristiyano’t sangkap ng santa Iglesia Katolika, binigyan ng maraming
pagkakataon na makapagsisi sa aking mga kasalanan, at pinagkalooban ng grasya
sa pagbabalik-loob at sa pagbabagong asal. Sumasampalataya ako sa iyong mga
aral na itinagubilin ng Santa Iglesia at sa pananampalatayang ito’y ibig kong
mabuhay at mamatay. O Diyos na kagalingang walang hanggan sinisinta kita nang
buong puso at iniibig kita nang higit sa lahat ng bagay dito sa mundo, higit pa rin
sa aking buhay at katawan man. Totoong ako’y nagkasala sa iyo nang madalas at
totoo rin naming hindi ka pinasalamatan ang iyong kaloob na awa sa akin. Ngunit
sa malaking tulong ng grasyang ibinigay mo sa akin, kinikilala ko ring lubos ang
mga kamalian ko. Kinalimutan ko ang dati kong pagwawalang loob sa iyo at
ipinahayag ko ngayon ang pagkapoot ko sa kasalanan. Sa kaibuturan ng aking
puso’t kaluluwa, pinagsisihan ko ang lahat ng aking mga kasalanan. Inihahandog
ko sa iyo ang aking buhay, mga Gawain at kahirapan bilang bayad puri sa aking
mga kasalanan. Nagsisisi ako ng lubos at nangangakong di na muling
magkakasala. Bagamat ako’y nangangamba sa karupukan ng aking kalooban,
nanalig akong mananatili ka sa akin upang makamit ang iyong awa at grasya. Dito
lamang ako nanalig Panginoon ko, sapagka’t ibig ko pang ako’y mamatay huwag
lamang magkasala sa iyo. Ako’y magpapakasakit sa abot ng aking kaya upang
ako’y makabayad sa aking mga kasalanan. Gagampanan ko ang mga tungkulin
bilang tunay na kristiyano at pagbubutihin ko ang aking asal taglay ang matibay na
loob, ako’y mananatili sa pamimintuho’t paglilingkod sa iyo, magpasawalang
hanggan. Siya nawa.
Tanging panalangin kay San Roque Unang Araw
Maluwalhating kompesor ni Jesukristo ulirang San Roque bunga ka ng panalangin
ng iyong banal na magulang at mahal na biyaya ng langit sa lupa. Sa pamamagitan
ng Birheng Ina ng Diyos, kinikilala at binabati kita bilang ulirang pintakasi at
tagapagtanggol ko sa hirap ng katawan, at lalung-lalo na laban sa salot at sakit na
nakakahawa. Pinili ka ng Panginoong Diyos na maging sakdalan ng lahat ng
maysakit at pinagkalooban ka ng mga tanging biyaya upang maipakita mo ang
kapangyarihan laban sa sakit. Nagalala ang mga magulang mo sapagkat sila’y
wala pang anak, gayong sila’y matanda na. Kaya dumulog sila sa Mahal na Birhen
at hiniling nila ang kanyang tulong upang magkaroon ng anak, na itatalaga sa
pagsunod sa kanya. Pinakinggan ang kanilang daing, at ikaw nga ang naging bunga
ng kanilang panalangin. Sa iyong pagsilang, napagmasdan nila sa ibabaw ng iyong
sikmura ang isang krus na mapula. Ito’y kinalugdan ng iyong mga magulang at
kinawilihang tunay. Ikinalugod mo rin nang tapat ang pagtulad sa kabanalan ng
Birheng Maria at nang ika’y bata pa nag-aayuno ka tuwing miyerkoles and sabado.
Kung pinakinggan ng Diyos ang iyong mga panalangin nang ikaw ay narine pa sa
lupa, sapagkat maraming tao ang iyong inampon at kinaawaan, lalong pakikinggan
ka riyan sa langit na kinalalagyan mo. Kaya nga sinasamo ko nang buong
kapakumbabaan sa nobenang ito, na idalangin mo kami sa Panginoong Diyos, at
nang ako’y iadya tuwi-tuwina sa bigla’t walang paghahandang kamatayan na dulot
ng salot o sakit na nakahahawa. Ipagkaloob nawa sa akin ang grasya ang malugod
na pagsunod sa mga kabanalan ng mahal Birheng Ina, na siyang aliw ng taong
makasalanan. Yamang ang aming bayan ay nasa ilalim ng iyong mahal nap ag-
aaruga, idalangin mo sa Panginoong Diyos nang buong katatagan ng loob, na
magkamit kami ng kaluwalhatian sa langit. Siya nawa.
(Magdasal ng tatlong Ama Namin, Aba ginoong Maria at luwalhati)
Tanging panalangin kay San Roque Ikalawang Araw
O piling Disipulo ni Jesukristo, maluwalhating San Roque, martir ng pagsinta sa
Diyos at sa kapwa tao, kaginhawaan ng mga maysakit at nasasalot, pinupuri ko ang
kabanalang pinagdaanan mo sa iyong kabataan. Nang dalawampung taon ka na,
lubos kang naulila sa iyong mga magulang. Ngunit nang mapag-isip-isip mo iyong
mababa’t hamak na kalagayan na siya naming itinagubilin ni Jesukristo sa lahat ng
kanyang tagasunod, tulad ng mga santong nagpakita ng magandang halimbawa sa
buhay, sinabi mong sila’y uliran sa gawang kabanalan. Kaya nga’t agad mong
ipinamahagi nang lihim sa mga dukkha at nasalantang tao ang minana mong
kayamanan, at nagdamit kang peregrine o manlalakbay at nagtungo sa roma. Sa
gitna ng kahirapan ay napilitan kang magpalimos para sa iyong pagkain sa
paglalakbay. Kinusa mo ring pahirapan ang iyong mahinang katawan at nagdusa
ka sa karalitaang sinapit sa iyong buhay. Subalit, ang lahat ng ito’y
napagtagumpayan ng alab ng pagsinta mo sa Diyos.
Panalangin sa Araw Araw
Panginoon kong Diyos, sinasamba ka namin at pinupuri sapagkat nagdulot ka kay
San Roque ng isang bagay na anghel. Pinadalhan rin siya ng kaputol na tabla, na
doo’y pinagtibay moa ng pangako sa kanya. Magsalita ka at kami’y tatalima sa
iyong hangarin. Ipagkaloob mong maligtas kami sa salot na nakamamatay sa
kaluluwa at katawan, pakundangan sa mga merito ni San Roque at alang-alang kay
Hesukristong Panginoon namin. Amen
Mga Dalit
L. Aba Matibay na moog ng taong nagasasalot
R. Ampunin mo kami’y kupkop Roqueng kapalara’y puspos
L.Araw na ipinanganak ka sa katawan mo’y tandang isang krus na maganda buhay
mong banal na sadya.
Sa sikmura’y isang krus ang ikinintal ng Diyos
R. Ampunin mo kami’y kupkop Roqueng kapalara’y puspos
L. Pagkawili mong mataman sa reina ng kalangitan tanang adhika mong asal siya
ang tinutularan.
Bata ka pa’y naghahandog
R. Ampunin mo kami’y kupkop Roqueng kapalara’y puspos
L. Nang ikaw ay maulila binahagi mo pagdaka yamang sa dukhang lahat na sa
ama’t ina mo’y mana.
Alab ng sinta sa Diyos ang puso mo’y nalilipos
R. Ampunin mo kami’y kupkop Roqueng kapalara’y puspos
L. Nagdamit kang peregrine Aquapendente’y tinungo, doo’y ang natagpuan mo
namuksang salot sa tao.
Kusa kang nakipanggamot, nag-alaga sa nasalot.
R. Ampunin mo kami’y kupkop Roqueng kapalara’y puspos
L. Ang salot sa iyong harap napapawing agad-agad himalang ito’y natatap
sampong bagsik mo pang lahat.
Ang sa ngalan mo’y tumuos gumagaling na tibuhos
R. Ampunin mo kami’y kupkop Roqueng kapalara’y puspos
L. Ang sambayanang Cocena gayon din ang taga-Roma sa iyo’y kinamtan nila
isang bayaning pagsinta ng hirap sa mga salot.
Paglipol doon ng salot lubhang kakilakilabot.
R. Ampunin mo kami’y kupkop Roqueng kapalara’y puspos
L. Lalaki, babae’t bata nagsisigaling na pawa ang krus kung iyong itala sa damit
nila’y ilagda.
Anila’y anghel kang lubos nag-aanyong taong busabos
R. Ampunin mo kami’y kupkop Roqueng kapalara’y puspos
L. Ibiniyo ka ng sinta na pasa-bayang placencia, Pinagaling ang lahat na, at doo’y
nagkasakit ka.
Pinaalis ka’t ibinukod dahil sa sakit at salot.
R. Ampunin mo kami’y kupkop Roqueng kapalara’y puspos
L. Sa tahanan mong dampa, Diyos, ika’y kinalinga, gumaling ka kaipala, himalang
tantong mistula.
May aso na nagdudulot kanin mong ikabubusog.
R. Ampunin mo kami’y kupkop Roqueng kapalara’y puspos
L. Katawan mong natitigib ng madling pagal at sakit ibinilanggo at piniit sa
bintang at maling isip.
Limang taon mong sinayod, hirap na kalunos-lunos.
R. Ampunin mo kami’y kupkop Roqueng kapalara’y puspos
L. Nguni tang Diyos na Hari may layong nakahihili pagsubok sa iyong budhi lakas
naming di ugali sa piita’y naging bantayog sa biyaya ay nalipos.
R. Ampunin mo kami’y kupkop Roqueng kapalara’y puspos
L. Nakita sa isang barlaya nalilimbag, natatala ngalan mo’y pag sinambitla ang
salot ay nawala
Nang di kami mangasalot ngalan mo’y ibinabantog
R. Ampunin mo kami’y kupkop Roqueng kapalara’y puspos
L. Aba matibay na moog ng taong nangangasalot.
R. Ampunin mo kami’y kupkop Roqueng kapalara’y puspos
L. Roqueng kapalara’y puspos.
L. Ipanalangin mo kami, Maluwalhating San Roque
r. Nang kami’y maging dapat magkamit ng mga pangako ni Hesukristong
Panginoon
Huling Panalangin:
O Panginoon kong Diyos ikaw na nagsugo sa maluwalhating Roque at pinahatiran
mo siya ng kaputol na tabla, pinagtibay moa ng pangako sa kanya, upang ang sino
man dapuan ng salot ay hindi maano, sapagkat siya’y deboto sa iyo. Magdalita ka
sa aming lahat na gumugunita sa kanyang buhay. Ipagkaloob mo na kami’y
maligtas sa salot na nakamamatay sa kaluluwa’t katawan, pakundangan kay
Hesukristong Panginoon namin siya nawa.

You might also like