You are on page 1of 19

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5

I. Layunin
Pagkatapos ng isang oras at sampung minuto ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
A. nakagagawa ng dula-dulaan upang makilala at malaman ang halaga ng paniniwala,
tradisyon at kagawiang sinaunang Pilipino.
B. naihahambing ang mga paniniwala,tradisyon at kagawian noon at ngayon upang
maipaliwanag ang mga nagbago at nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan.
C. nabibigyang halaga ang tradisyon,paniniwala at kagawiang sinaunang Pilipino kung
nagagamit ang mga ito sa pang araw-araw na buhay.

II. Nilalaman
a. Aralin
 Mga Paniniwala, Tradisyun, at kagawiang Panlipunan ng sinaunang Pilipino
b. Sanggunian
 Lakbay ng Lahing Pilipino Grade 5
c. Kagamitan
 PowerPoint Presention, Video clip,Instructional materials
d. Pagpapahalaga
 Ang wastong pagkilala sa mga sinaunang paniniwala,tradisyon at
kagawiang panlipunan ng sinaunang pilipino.
III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

Magandang umaga!

Magandang umaga din po Binibining


Rose

1
Pagbungad ng Panalangin

Tayo ay magsitayo at manalangin

Sa ngalan ng ama, ng anak, ng spirit


santo amen,

Bago kayo umupo, maaari bang pulutin


muna natin ang mga kalat sa inyong tabi
at pagkatapos ay ayusin ang mga
upuan?

Opo

Salamat mga bata.

Pagtala ng Liban

May mga lumiban ba sa klase ngayong


araw?

Wala po

Balik-aral

Bago tayo dumako sa ating aralin


ngayong araw, pag-usapan muna natin
ang ating nakaraang aralin.
Ano ang inyong natutuhan sa nakaraang
leksyon?

Mga kabuhayan ng sinaunang Pilipino

Pagganyak

Bago tayo magsimula sa ating leksyon


mayroon akong ipapakitang bidyo sa inyo

2
Ano-ano ang mga salitang nabanggit sa
bidyo?

(nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)


Mga diyos at diyosa?

Tama! Ano pa?

Ritwal?

Magaling!

Pangingisda at Pangangaso,
pagtatanim”

Mahusay!

Datu”

Mayaman ang kultura ng mga sinaunang


Pilipino. Ito ay kanilang natutunan sa
kanilang pag-aangkop sa kanilang lugar
at kapwa. Nagkaroon sila ng malaking
impluwensya sa kanilang pang araw-
araw na buhay. Ilan sa mga ito ay
nagsasalamin sa paniniwala,tradisyon, at
iba’t ibang anyo ng sining at arkitektura.

3
B. Panlinang na Gawain

Paglalahad

Magpapakita ako ng ilang mga larawan


tukuyin kung paniniwala, tradisyon o
kagawian ito at ipaliwanag.

(nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)


Paniniwala! Pag nakakita ka ng itim na
pusa iyan ay kasabihan na baka may
mangyaring masama sayo.

Mahusay!

Susunod naman

(nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)


Tradisyon! Ang panghaharana sa babae
ay isang tradisyon noon kakantahan ng
lalake ang babae.

Magaling!

Susunod naman

(nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)


Paniniwala? Pag nahulog ang kutchara
at tinidor meron darating bisita.

Tama! Ang inyong mga sinabi

Ang talakayin natin ngayon ay mga


Paniniwala , Tradisyon, at Kagawiang
Panlipunan ng Sinaunang Pilipino.

Mga Paniniwala ng mga Sinaunang


Pilipino

Paki basa nga ang pang una

4
Paganismo

Mayroon bang ideya kung ano ang


paganismo?

Ang paganismo ay mga paniniwala at


pananampalataya na may kaugnayan sa
pagsamba sa kalikasan.

Tama!
Ang paganismo ay uri ng paniniwala o
pananampalataya na may kaugnayan sa
pagsamba sa kalikasan o mga bagay sa
kalikasan gaya ng araw, bituin, puno,
hayop, at iba pa.

Susunod naman.

Mga Anito o Diwata ng mga Sinaunang


Pilipino

Idiyanale- diyos ng agrikultura

Bathala- Pinaka- makapangyarihang

Diyos Sidapa- diyos ng kamatayan

Balangaw- diyos ng bahaghari

Mandarangan - diyos ng digmaan

Agni- diyos ng apoy

Magwayen - diyos ng ibang mundo

Lalahon- diyosa ng pag-aani Diyan

Masalanta- diyosa ng pag-ibig Dal’lang-


diyosa ng kagandahan

5
Paki ulit nga ano ang mga sinaunang
Pilipino?

Idiyanale- diyos ng agrikultura

Bathala- Pinaka- makapangyarihang

Diyos Sidapa- diyos ng kamatayan

Balangaw- diyos ng bahaghari

Mandarangan - diyos ng digmaan

Agni- diyos ng apoy

Magwayen - diyos ng ibang mundo

Lalahon- diyosa ng pag-aani Diyan

Masalanta- diyosa ng pag-ibig Dal’lang-


diyosa ng kagandahan

Magaling!

Susunod naman

Islam

Mayroon bang ideya kung ano ang


islam?
(nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)
Ang islam ay mga naniniwala o
sumasamba sa iisang diyos.

Tama!

6
Ang Islam ito ay isang paniniwalang
monoteismo o sumasamba lamang sa
iisang Diyos. Nangangahulugan ito ng
“pagsuko sa kagustuhan ng Diyos na si
Allah.”

Mayroon tayong limang haligi ng


Relihiyong Islam

Shahada- Paniniwala na walang ibang


Diyos kundi si Allah at si Mohammed ang
propeta ng Diyos

Sinong pinaniniwalaang diyos?

si allah at mohammed

Salat- Pananalangin ng limang ulit sa


loob ng isang araw nang nakaharap sa
direksiyon ng Mecca

Ilan kasing bilang ang dapat ulitin sa loob


ng isang araw?

“lima”

Zakat- Pagbibigay ng limos sa mga


mahihirap

Saum- Pag-aayuno mula sa pagsikat ng


araw hanggang paglubog nito sa buwan
ng Ramadan.

Hajj- Paglalakbay sa Lunsod ng Mecca


isang beses man lang sa kanilang buhay.
Ang mga lalaki ay tatawaging Hajji at
Hajjah naman kung babae

7
Susunod naman

Matatagpuan ang mga aral ng Islam sa


Banal na Aklat ng mga Muslim na kung
tawagin ay Koran. Ito ay binubuo ng 114
na surah o kabanata at nasa anyong
patula sa wikang Arabic.

Ilang bilang kasi yung binubuo ng surah o


kabanata?

114 po!

Magaling!
Moske o Masjid ang tawag sa pook-
sambahan ng mga Muslim

Hindi kumakain ng baboy ang mga


Muslim sa paniniwalang marumi ito

Lahat nang Muslim ay nabibilang sa


iisang komunidad na tinatawag na Umma
kahit saang lahi o bansa sila nabibilang

Ano nga uli yung hindi kinakain ng mga


muslim?

(nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)


Baboy

Ano nga uli yung tawag sa pook-


sambahan ng mga muslim?

Moske o masjid

Tama!

8
Anong tawag sa banal na aklat ng mga
muslim?

Koran

Magaling!

Legal para sa kanilang relihiyon ang


Poligamiya Ang mga lalaki ay maaaring
mag-asawa ng higit sa 4 kung kaya
nilang bumuhay ng maraming pamilya

Ilan kasi yung bilang na pwedeng mag-


asawa ang mga lalaki?

Apat o higit pa!

Legal din sa kanilang relihiyon ang


Divorce

Mayroon din silang mga pistang


panrelihiyon kagaya ng HariRaya Puasa,
Nipso, at Maulud.

Mayroon pa bang katanungan?

(nagtaas ng kamay ang mag-aaral)


Bakit po pwede silang mag asawa ng
apat?

Kase yun ang kanilang relihiyon at


tradisyon Kabaliktaran satin sa catholiko
kasalanan ang mag-asawa ng higit sa
apat dapat isa lang

Susunod naman

9
Pumunta naman tayo sa Paglaganap ng
Islam sa Pilipinas

1380- Nagpunta si Sharif Makhdum sa


Sulu at nagturo ng aral ng Islam.

Saan pumunta si Sharif Makhdum?

Sa sulu!
Tama!
1390- Dumating sa Sulu mula sa
Sumatra si Raja Baginda

1450- Dumating sa Sulu si Abu Bakr at


napangasawa ang babaeng anak ni Raja
Baginda na si Paramisuli

1475- Dumating si Sharif Kabungsuan sa


Maguindanao. Naging mabagal lamang
ang paglaganap ng Islam noong ika-16
na siglo dahil sa pagdating ng mga
Espanyol

Kalian naging mabagal ang paglaganap


ng islam?

Noong ika-16 na siglo

Magaling!
Sunod naman, dumako naman tayo sa
Mga Tradisyon ng mga Sinaunang
Pilipino

Sining at Arkitektura

Mga Sandata

Ayan mga halimbawa ng sandata baril

Magbigay nga ng hambawa ng sandata?

10
(nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)
Pana at palaso
Itak o ispada

Mahusay! Tama ang inyong mga


nabanggit

Susunod naman

Mga Alahas at Palamuti

Ayan naman ang mga halimbawa ng mga


alahas at palamuti meron tayong mga
ginto, perlas at mga makikinang na bagay

Magbigay nga ng iba pang halimbawa ng


alahas at palamuti?

(nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)


Kwintas
Hikaw
Sing-sing
Mahusay! Susunod naman
Inukit na larawan

ito ang halimbawa ng inukit na larawan


inukit sa bato

magbigay nga ng halimbawa ng inukit na


bato?

(nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)


istatwa
Mga antik
Kahoy na budah

Magaling! Susunod naman

11
Pagbuburda

Ito naman ang halimbawa ng burda o


pagtatahe halimbawa yung mga desenyo
ng kumot at damit

Magbigay ng halimbawa ng pagbuburda?

(nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)


burda sa punda ng unan

Susunod naman

Mga Iba pang Paniniwala


Paki basa nga mga mag-aaral

(sabay-sabay na nagbasa ang mga


mag-aaral)
Pag-alulong ng Aso

Pusang Itim

Paghuni ng Butiki

Paniniwala sa espiritu at kaluluwa

Paglalagak ng taong namatay sa kahoy


na kabaong o tapayan

Magaling!
Susunod naman

Pumunta naman tayo sa Mga Kaugaliang


Panlipunan ng mga Sinaunang Pilipino

Mayroon bang ideya?


(nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)
Ang aking ideya sa edukayon nag-aaral
ang mga sinaunang Pilipino sa kanilang

12
tahanan at ang kanilang magulang ang
kanilang guro.

Tama! Ang iyong nabanggit.


Pag-aaral o Edukasyon Nag-aaral ang
mga sinaunang Pilipino sa kanilang
tahanan at ang kanilang magulang ang
kanilang guro.

Tinuturuan silang bumasa, sumulat,


bumilang, at manampalataya. Ang mga
batang lalaki ay tinuturuang maging
mandirigma, mangangaso, mangingisda,
at magsasaka, magmina, gumawa ng
sasakyang pandagat at maging platero.
Ang mga batang babae naman ay
tinuturuang magluto, manahi, maghabi at
maghayupan.

Sa inyong palagay, mahalaga ba ang


edukasyon?

Opo!

Mainam! Bakit mahalaga ang


edukasyon?
(nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)
Kasi po kung walang edukasyon hindi
tayo magiging mahusay na tao.

Tama. Sabi nga nila, ang edukasyon ay


ang susi sa tagumpay. Kaya't
magsumikap kayo at mag-aral ng mabuti.

Opo!

Susunod naman
Pagpapahalaga sa Kababaihan,
Panliligaw, at Pag-aasawa

13
- Kapantay ng mga kalalakihan sa
lipunan.

- Maaaring magmana ng ari-arian,


makipagkalakalan, at humalili bilang
pinuno.

- May karapatang pumili ng pangalan ng


kaniyang mga anak.

- Laging nauuna sa paglakad.

Paraan ng Panliligaw

Paki basa nga

(sabay-sabay na pagbasa)

Pag-iigib ng tubig

-Pagsisibak ng kahoy

-Pagkukumpuni ng sirang kagamitan

-Pagbibigay ng prutas at gulay

Magaling!

C. Paglalahat

Sagutin ang mga katanungan

Ano-ano ang mga tradisyon ng mga


sinaunang pilipino?

Mga sining at agrikultura at iba pang


mga paniniwala

14
Ilarawan kung gano kahalaga ang ating
mga sinaunang tradisyon,paniniwala at
kagawian

Mahalaga ang ating mga sinaunang


tradisyon,paniniwala at kagawian dahil
ipinamana ito ng ating mga ninuno kaya
dapat itong pagpatuloy sa kasalukuyan

Sa iyong palagay, may nagbago ba o


wala sa mga paniniwala, tradisyon at
kagawain noon sa kasalukuyan?

Walang nagbago dahil ito na yung mga


kinagisnan nating mga pilipino

Ngayon ang tanong nagagawa pa ba


natin ang mga sinaunang tradisyon o
paniniwala?

nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)


Opo kase hindi maalis sa mga pilipino
ang mga paniniwala at tradisyon dahil
nakagawian na natin ang mga ito

D. Paglalapat

Igrupo ang sarili sa pito pumili ng lider sa


grupo bubut ang mga lider sa ating pala
bunutan,gumawa ng isang dula-dulaan
sa mga sumusunod na tradisyon,
paniniwala o gawain at ipakita ito sa
harapan.

15
E. Pagpapahalaga
Dapat pa bang ipagpatuloy ang kultura,
tradisyon at kaugalian ng pamilyang
Pilipino?

Hindi natin maitanggi sa ating sarili na


hindi tayo naniniwala sa mga sabi ng
mga ninuno natin. Dahil bahagi na ito ng
buhay natin bilang mga Pilipino.

IV. Pagtataya
Punan ang tamang sagot ang mga patlang.
Hanay A Hanay B
___1. Diyos ng apoy a. Magwayen
___2. Diyosa ng pag-ibig Dal’lang b. Agni
diyosa ng kagandahan c. Diyos Sidapa
___3. Diyos ng agrikultura d. Bathala
___4. Diyos ng digmaan e. Idiyanale
___5. Diyos ng kamatayan f. Masalanta
___6. Diyos ng bahaghari g. Balangaw
___7. Diyosa ng pag-aani Diyan h. Diyosa
___8. Diyos ng ibang mundo i. Mandarangan
___9. Pinaka makapangyarihan j. Lalahon

16
V. Takdang aralin
Isulat sa linya kung pananampalatayang Paganismo o Islam ang
tinutukoy sa bawat bilang.
1. Pagsamba sa anito at kalikasan
2. Paniniwala sa maraming diyos
3. Paniniwala sa Koran at pagsamba sa klase.
4. Isang uri ng paniniwalang monoteismo.
5. Pagkilala kay allah bilang diyos.

17
18
19

You might also like