You are on page 1of 13

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5

I. Layunin
Pagkatapos ng isang oras at sampung minuto ang mga mag-
aaral ay inaasahang:
A. nakagagawa ng dula-dulaan upang makilala at malaman ang
halaga ng paniniwala, tradisyon at kagawiang sinaunang
Pilipino.
B. naihahambing ang mga paniniwala,tradisyon at kagawian noon
at ngayon upang maipaliwanag ang mga nagbago at
nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan.
C. nabibigyang halaga ang tradisyon,paniniwala at kagawiang
sinaunang Pilipino kung nagagamit ang mga ito sa pang araw-
araw na buhay.

II. Nilalaman
a. Aralin
 Mga Paniniwala, Tradisyun, at kagawiang Panlipunan
ng sinaunang Pilipino
b. Sanggunian
 Lakbay ng Lahing Pilipino Grade 5
c. Kagamitan
 PowerPoint Presention, Video clip,Instructional
materials
d. Pagpapahalaga
 Ang wastong pagkilala sa mga sinaunang
paniniwala,tradisyon at kagawiang panlipunan ng
sinaunang pilipino
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

“Magandang umaga!”

“ Magandang umaga din po Binibining


Rose!”

Pagbungad ng Panalangin

“Tayo ay Magsitayo at Manalangin”

1
Sa ngalan ng ama, ng anak, ng spirit
santo amen,

Bago umupo pulutin ang mga kalat sa


inyong tabi, sa ilalim ng inyong upuan, at
pagkatapos ay ayusin na ang mga upuan

Pagtala ng Liban

May mga lumiban ba sa klase ngayong


araw?

“wala po”

Balik-aral

Ano ang natutunan nyo sa nakaraang


leksyon?

Mga kabuhayan ng sinaunang Pilipino

Pagganyak

Bago tayo magsimula sa ating leksyon


meron akong ipapakitang bidyo sa inyo

Ano-ano ang mga salitang nabanggit sa


bidyo?
(nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)
Mga diyos at diyosa?

Tama! Ano pa?

Ritwal?

Magaling!

Pangingisda at Pangangaso,
pagtatanim”

Mahusay !

Datu”

2
Mayaman ang kultura ng mga sinaunang
Pilipino. Ito ay kanilang natutunan sa
kanilang pag-aangkop sa kanilang lugar
at kapwa. Nagkaroon sila ng malaking
impluwensya sa kanilang pang araw-
araw na buhay. Ilan sa mga ito ay
nagsasalamin sa paniniwala,tradisyon, at
iba’t ibang anyo ng sining at arkitektura.

B. Panlinang na gawain
Magpapakita ako ng ilang mga larawan
tukuyin kung paniniwala, tradisyon o
kagawian ito at ipaliwanag.

Sagot:
Paniniwala? Pag nakakita ka ng itim na
pusa iyan ay kasabihan na baka may
mangyaring masama sayo.
Mahusay!

Ang susunod naman?

Sagot :
Tradisyon? Ang panghaharana sa babae
ay isang tradisyon noon kakantahan ng
lalake ang babae.

Magaling!

Ang susunod?
Sagot:
Paniniwala? Pag nahulog ang kutchara
at tinidor meron darating bisita.

Tama! Ang inyong mga sinabi

Paglalahad

Ngayon ang tanong nagagawa pa ba


natin ang mga sinaunang tradisyon o (nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)
paniniwala? Opo kase hindi maalis sa mga pilipino
ang mga paniniwala at tradisyon dahil
nakagawian na natin ang mga ito

(nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)


Ito ay nagiging parang pamana satin ng
ating mga ninuno.

3
C. Pagtatalakay

Ang talakayin natin ngayon ay mga


Paniniwala , Tradisyon, at Kagawiang
Panlipunan ng Sinaunang Pilipino

“Mga Paniniwala ng mga Sinaunang


Pilipino”

“Basahin nga ang pang una”

Paganismo

Ang paganismo ay uri ng paniniwala o


pananampalataya na may kaugnayan sa
pagsamba sa kalikasan o mga bagay sa
kalikasan gaya ng araw, bituin, puno,
hayop, at iba pa.

Susunod naman?

Mga Anito o Diwata ng mga


Sinaunang Pilipino

Idiyanale- diyos ng agrikultura

Bathala- Pinaka- makapangyarihang

Diyos Sidapa- diyos ng kamatayan

Balangaw- diyos ng bahaghari

Mandarangan - diyos ng digmaan

Agni- diyos ng apoy

Magwayen - diyos ng ibang mundo

Lalahon- diyosa ng pag-aani Diyan

Masalanta- diyosa ng pag-ibig Dal’lang-


diyosa ng kagandahan

Paki ulit nga ano ang mga sinaunang


Pilipino?

4
Idiyanale- diyos ng agrikultura

Bathala- Pinaka- makapangyarihang

Diyos Sidapa- diyos ng kamatayan

Balangaw- diyos ng bahaghari

Mandarangan - diyos ng digmaan

Agni- diyos ng apoy

Magwayen - diyos ng ibang mundo

Lalahon- diyosa ng pag-aani Diyan

Masalanta- diyosa ng pag-ibig Dal’lang-


diyosa ng kagandahan

Magaling!

Susunod naman ay?

Islam

Ang Islam ito ay isang paniniwalang


monoteismo o sumasamba lamang sa
iisang Diyos. Nangangahulugan ito ng
“pagsuko sa kagustuhan ng Diyos na si
Allah.”

“Meron tayong limang haligi ng


Relihiyong Islam”

Shahada- Paniniwala na walang ibang


Diyos kundi si Allah at si Mohammed ang
propeta ng Diyos

Sinong pinaniniwalaang diyos?

si allah at mohammed

Salat- Pananalangin ng limang ulit sa


loob ng isang araw nang nakaharap sa
direksiyon ng Mecca

5
Ilan kasing bilang ang dapat ulitin sa loob
ng isang araw?

“lima”

Zakat- Pagbibigay ng limos sa mga


mahihirap

Saum- Pag-aayuno mula sa pagsikat ng


araw hanggang paglubog nito sa buwan
ng Ramadan.

Hajj- Paglalakbay sa Lunsod ng Mecca


isang beses man lang sa kanilang buhay.
Ang mga lalaki ay tatawaging Hajji at
Hajjah naman kung babae

susunod naman ay?

Matatagpuan ang mga aral ng Islam sa


Banal na Aklat ng mga Muslim na kung
tawagin ay Koran. Ito ay binubuo ng 114
na surah o kabanata at nasa anyong
patula sa wikang Arabic.

Moske o Masjid ang tawag sa pook-


sambahan ng mga Muslim

Hindi kumakain ng baboy ang mga


Muslim sa paniniwalang marumi ito

Lahat nang Muslim ay nabibilang sa


iisang komunidad na tinatawag na Umma
kahit saang lahi o bansa sila nabibilang

Ano nga uli yung hindi kinakain ng mga


muslim?

(nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)


“baboy”

Ano nga uli yung tawag sa pook-


sambahan ng mga muslim?

6
“moske o masjid”

Tama !

Anong tawag sa banal na aklat ng mga


muslim?

“Koran”

Magaling!

Legal para sa kanilang relihiyon ang


Poligamiya Ang mga lalaki ay maaaring
mag-asawa ng higit sa 4 kung kaya
nilang bumuhay ng maraming pamilya

Legal din sa kanilang relihiyon ang


Divorce

Mayroon din silang mga pistang


panrelihiyon kagaya ng HariRaya
Puasa, Nipso, at Maulud.

Meron bang katanungan?

(nagtaas ng kamay ang mag-aaral)


Bakit po pwede silang mag asawa ng
apat?

“Kase yun ang ganoon ang kanilang


relehiyon at tradisyon Kabaliktaran satin
sa catholiko kasalanan ang mag-asawa
ng higit sa apat dapat isa lang”

Susunod naman ay?

7
Paglaganap ng Islam sa Pilipinas

1380- Nagpunta si Sharif Makhdum sa


Sulu at nagturo ng aral ng Islam.

1390- Dumating sa Sulu mula sa


Sumatra si Raja Baginda

1450- Dumating sa Sulu si Abu Bakr at


napangasawa ang babaeng anak ni Raja
Baginda na si Paramisuli

1475- Dumating si Sharif Kabungsuan sa


Maguindanao . Naging mabagal lamang
ang paglaganap ng Islam noong ika-16
na siglo dahil sa pagdating ng mga
Espanyol

Sunod naman ay?

Mga Tradisyon ng mga Sinaunang


Pilipino

Sining at Arkitektura

Mga Sandata

Ayan mga halimbawa ng sandata baril

Magbigay nga ng hambawa ng sandata?

(nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)


Pana at palaso

Mahusay ! tama ang inyong mga


nabanggit

Itak o ispada

Susunod ay?

Mga Alahas at Palamuti

8
Ayan naman ang mga halimbawa ng mga
alahas at palamuti meron tayong mga
ginto, perlas at mga makikinang na bagay

Magbigay nga ng iba pang halimbawa ng


alahas at palamuti?

(nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)


Kwintas?

Hikaw?

Sing-sing?

Inukit na larawan

ito ang halimbawa ng inukit na larawan


inukit sa bato

magbigay nga ng halimbawa ng inukit na


bato?

(nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)


istatwa?

Mga antik?

Kahoy na budah?

Pagbuburda

Ito naman ang halimbawa ng burda o


pagtatahe halimbawa yung mga desenyo
ng kumot at damit

Magbigay ng halimbawa ng pagbuburda?

(nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)


burda sa punda ng unan

Susunod ay?

Mga Iba pang Paniniwala

Pag-alulong ng Aso

Pusang Itim

9
Paghuni ng Butiki

Paniniwala sa espiritu at kaluluwa

Paglalagak ng taong namatay sa kahoy


na kabaong o tapayan

Susunod ay?

Mga Kaugaliang Panlipunan ng mga


Sinaunang Pilipino

Pag-aaral o Edukasyon Nag-aaral ang


mga sinaunang Pilipino sa kanilang
tahanan at ang kanilang magulang ang
kanilang guro.

Tinuturuan silang bumasa, sumulat,


bumilang, at manampalataya. Ang mga
batang lalaki ay tinuturuang maging
mandirigma, mangangaso, mangingisda,
at magsasaka, magmina, gumawa ng
sasakyang pandagat at maging platero.
Ang mga batang babae naman ay
tinuturuang magluto, manahi, maghabi at
maghayupan.

Pagpapahalaga sa Kababaihan,
Panliligaw, at Pag-aasawa

- Kapantay ng mga kalalakihan sa


lipunan.

- Maaaring magmana ng ari-arian,


makipagkalakalan, at humalili bilang
pinuno.

- May karapatang pumili ng pangalan ng


kaniyang mga anak.

- Laging nauuna sa paglakad.

Paraan ng Panliligaw

Paki basa nga


(sabay-sabay na pagbasa)

Pag-iigib ng tubig

10
-Pagsisibak ng kahoy

-Pagkukumpuni ng sirang kagamitan

-Pagbibigay ng prutas at gulay

Magaling!

D. Paglalahat

Mga tanong:
1. Ano-ano ang mga tradisyon
ng mga sinaunang pilipino?

Mga sining at agrikultura at iba pang


mga paniniwala

2. Ilarawan kung gano


kahalaga ang ating mga
sinaunang tradisyon,paniniwala at
kagawian

Mahalaga ang ating mga sinaunang


tradisyon,paniniwala at kagawian dahil
ipinamana ito ng ating mga ninuno kaya
dapat itong pagpatuloy sa kasalukuyan

3. Sa iyong palagay, may


nagbago ba o wala sa mga
paniniwala, tradisyon at kagawain
noon sa kasalukuyan?

Walang nagbago dahil ito na yung mga


kinagisnan nating mga pilipino

E. Paglalapat

Igrupo ang sarili sa pito pumili ng lider sa


grupo bubut ang mga lider sa ating pala
bunutan,gumawa ng isang dula-dulaan
sa mga sumusunod na tradisyon,
paniniwala o gawain at ipakita ito sa
harapan.

11
F. Pagpapahalaga
Dapat pa bang ipagpatuloy ang kultura,
tradisyon at kaugalian ng pamilyang
Pilipino?
Hindi natin maitanggi sa ating sarili na
hindi tayo naniniwala sa mga sabi ng
mga ninuno natin. Dahil bahagi na ito ng
buhay natin bilang mga Pilipino.

IV.Pagtataya
Punan ang tamang sagot ang mga patlang.

Hanay A Hanay B
___1. Diyos ng apoy a. Magwayen
___2. Diyosa ng pag-ibig Dal’lang b. Agni
diyosa ng kagandahan c. Diyos Sidapa
___3. Diyos ng agrikultura d. Bathala
___4. Diyos ng digmaan e. Idiyanale
___5. Diyos ng kamatayan f. Masalanta
___6. Diyos ng bahaghari g. Balangaw
___7. Diyosa ng pag-aani Diyan h. Diyosa
___8. Diyos ng ibang mundo i. Mandarangan
___9. Pinaka makapangyarihan j. Lalahon

V. Takdang aralin
Isulat sa linya kung pananampalatayang Paganismo o Islam ang
tinutukoy sa bawat bilang.

1. Pagsamba sa anito at kalikasan


2. Paniniwala sa maraming diyos
3. Paniniwala sa Koran at pagsamba sa klase.
4. Isang uri ng paniniwalang monoteismo.
5. Pagkilala kay allah bilang diyos.

12
13

You might also like