You are on page 1of 14

YOBHEL CHRISTIAN ACADEMY INC.

San Vicente Pili Camarines Sur


A/Y: 2021-2022

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5


Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa sa mga
pagbabago sa lipunan ng sinaunang Pilipino kabilang ang pagpupunyagi ng ilang
pangkat na mapanatili ang kalayaan sa Kolonyalismong Espanyol at ang impluwensya
nito sa kasalukuyang panahon.

Pamantayan sa Pagganap: Nakakapagpakita ng pagpapahalaga at pagmamalaki sa


pagpupunyagi ng mga Pilipino sa panahon ng kolonyalismong Espanyol

I. LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng aralin, ang 80% ng mag-aaral ay inaasahang:
a. Nasusuri ang pagbabago sa kultura ng mga Pilipino sa panahon ng
Espanyol
b. Natutukoy ang mga kulturang Espanyol at kulturang Pilipino sa
pamamagitan ng mga larawan
c. Naisasabuhay ang mabuting naidulot ng pagbabago sa kultura sa
panahon ng Espanyol

II. NILALAMAN
A. Paksa: Pagbabago sa Kultura ng mga Pilipino sa Panahon ng Espanyol
B. Sanggunian: Smart Class Araling Panlipunan.Vibal Group, Inc.1253 G.
Araneta Avenue cor.Ma.Clara Street,Talayan,Quezon City.2020,pahina
234-240
C. Gamit sa Pagtuturo: Powerpoint Presentation at Laptop
D. Konsepto:. Malaki rin ang pagbabagong dulot ng pananakop ng mga
Espanyol sa kultura ng mga Pilipino tulad ng sa pananamit at palamuti,
panitikan, sining, arkitektura, musika, at pagdiriwang, lutuin, at ang
paggamit ng apelyidong Espanyol.
E. Kasanayan: Pagtatala,, Pagsisiyasat at Intepretasyon ng impormasyon,
Pakikinig
F. Pagpapahalaga: Skillful and Assertive
G. Subject Integration: MAPEH
H. Stratehiya sa Pagtuturo: Explicit Teaching
I. Oras: 60 minuto

III. PAMAMARAAN

GAM
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG- SA
ORAS TEACHING HINTS
AARAL PAGT
UR

3min. A. PANIMULANG
GAWAIN
1. Pagbati Magandang umaga mga bata! Magandang umaga titser!

Maari po bang magsitayo ang (Tatayo ang mga mag-


2. Panalangin lahat para sa ating panalangin aaral para sa panalangin)
3. Pagsasaayos Bago natin simulan ang ating
ng klase aralin mayroon lamang akong (Makikinig sa guro)
mga paalala para sa ating
online class.
4. Pagtatala ng
Mayroon ba tayong liban sa Wala po
liban sa klase
klase?

5. Pagwawasto
sa Takdang- Wala po
May ibinigay po ba akong
Aralin
takdang aralin sainyo?

6. Balik - Aral
Bago tayo magpatuloy sa
panibagong aralin ano ang
huling paksang ating
tinalakay?
Jibril, tungkol po to sa
Maari mo bang ibahagi Jibril? Sistema ng Edukasyon
sa Panahon ng Espanyol

Tama!

Sa pagdating ng mga Andrei, mga paaralan po


Espanyol ano ba yung uri ng
imprastrakturang ipinatayo
nila para pormal at mabilis na
maturuan ang mga Espanyol,
Andrei?

Magaling!

Nagpatayo ng mga paaralan


ang mga Espanyol kung saan
hiwalay ang paaralan ng mga
babae sa mga lalaki.

Jazz.Magbasa, magsulat,
Ano-ano ba ang mga itinuro magbilang tinuruan rin
sa mga Pilipino ng mga silang magdasal at
Espanyol Jazz? magkaroon ng
mabubuting asal

Mahusay!
Jacob, beatrio po
Ano nga ulit ang tawag sa
paaralan ng mga anak na
babae ng mga mayayamang
Espanyol, Jacob?

Tama!

Ito ay tinawag na beatrio kung


saanang mga asignaturang
itinuro ay mga gawaing
pambahay.
JC, pagbuburda ,
Magbigay nga halimbawa ng
pananahin at pagluluto
gawaing bahay na itinuro sa
beatrio, JC ?
GeorgI, Unibersidad de
Magaling! Sta. Isabel, Colegio de
Sa mga kalalakihan naman, San Ignacio, Colegio de
ano-anong paaralan ba yung San Ildefonso at iba pa.
naitatag. Magbigay ka nga ng
halimbawa Georgi?

Mahusay!
Opo titser!

Naunawaan po ba ang
talakayan natin tungkol dito?

B. Panlinang na
Gawain

Pagganyak Ngayon bago tayo magsimula Powe


sa panibagong aralin may nt
larawan akong ipapakita. Prese
io

Andrei, kadalasan
Ano ang mga ipinapakita sa nakikita ang mga
larawan, Andrei? ganitong uri ng
pagdiriwang sa pista.

Mahusay!
Nagkakaroon po ng mga
Ano-anong mga gawain ang handaan, parada,
isinasagawa tuwing darating prosisyon at programa sa
ang kapistahan ng ating plaza.
bayan, Georgi?

Tama!
Jibril, maaaring ang
Bakit nagkakaroon ng dahilan po ay pagbibigay
pagdiriwang ng pistang galang sa kapanganakan
bayan, Jibril? ng mga Patron o mga
santong pinaniniwaalan
ng mga mamamayan.

Magaling!
Opo ito ay matuturing ng
Sa tingin niyo maituturing ba
kultura ng ating bansa
itong Kultura ng bansa?
dahil ito ay mga
nakagawian na nating
mga Pilipino,at isa rin ito
sa mga kaugalian na
ipinakilala sa atin ng mga
dayuhang mananakop na
magmula noon at
magpahanggang sa
kasalukuyan ay atin ng
kinamulatan.
Mahusay!

2min Paglalahad ng aralin Sa araw na ito, ang aralin na PPT


tatalakayin natin ay tungkol sa
Pagbabago sa kultura ng mga
Pilipino sa Panahon ng
Espanyol

Opo titser!
Handa na bang makinig ang
lahat?

30min Pagtalakay Ano nga ba ang kultura?

Maaari mo bang ibahagi ang Jazz, ito po ay


iyong ideya, Jazz? sumasalamin
sapagkakakilanlan nating
mga Pilipino
Magaling!

Dahil sa kultura ay nakikilala


ang isang bansa pati ang mga
mamamayang bumubuo dito.

Pananamit at Palamuti (Makikinig sa talakayan


ng guro}
Sa mga kalalakihan, ang
pagsusuot ng kangan at
bahag ay napalitan ng
barong-tagalog o camisa de
Chino. Ang barong-Tagalog o
barong, mula sa salitang
“baro” ay isang pormal na
damit sa Pilipinas. Ito ay
napakagaan at isinusunot sa
ibabaw ng kamiseta.
Kadalasang yari sa pinya o
husi ang mga barong-tagalog.
Ang camesa de chino naman
ay damit panlalaki na may
butones at nabubuksan sa
harapan.
Ang paraan ng pagsusuot
ng damit ay nagpapakita rin
ng pagkakaiba ng mga
Espanyol at katutubong
Pilipino. Ang barong-tagalog
ay isinusuot nang nakalabas
sa ibabaw ng salawal
samantalang ang
kamisadentro ng mga
Espanyol ay nakapaloob sa
kanilang pantalon. Naging
problema rin ng mga Pilipino
ang barong-tagalog dahil sa
nipis nito ay nakikita agad ng
mga Espanyol kung may
tinatago silang armas o bagay
na maaaring gamitin laban sa
mga mananakop. Napilitan
din ang putong ng pagsuot ng
sombrero.
Nagbago rin ang kasuotan
ng kababaihan. Ang baro ay
nagkaroon ng mahabang
manggas na halos umabot sa
kamay. Nagkaroon din ito ng
mga burda. Ang baro ng mga
mayayaman ay mas marami
at may mas masilumot na
burda kumpara sa mahihirap.
Kaakibat din ng kasuotang ito
ang panwelo na isinasabit sa
balikat o maaari din gamitin
na pamputong. Nariyan din
ang lambong. Ito ay telang
balabal na isinasabit mula
kaliwa hanggang kanang
balikat. Ang saya naman ay
mahaba na kadalasang
umaabot sa sahig. Nagsusuot
ng kamison ang mga babae
bilang panloob. Ang
mayayamang babae ay
nagsusuot ng sayang de kola
at naglalagay ng pantotse. O
peyneta sa kanilang
nakapusod na buhok.
Gumagamit din ng tsinelas
o sapatos ang lalake at babae
noon. Ang tsinelas ng
mayayaman ay nilalagyan ng
mga palamuti tulad ng
letihuwelas (sequins), at
abalorio (beads). Ang
pagsusuot ng mga alahas na
ginto na nakagawain ng mga
katutubong Pilipino ay
nagpatuloy subalit nabago
ang disenyo at anyo tulad ng
kwintas na mala rosaryo na
may banal na imahen, mga
medalyon, eskapularyo, at
krus.

Pantikan
Malaki rin ang nagbago sa
paraan ng pagsulat at mga
akdang pampanitikan noong
panahon ng pananakop ng
mga Espanyol sa Pilipinas.
Una na rito pagbabago sa
Sistema ng pagsulat na
napalitan mula sa baybayin
patungo sa paggamit ng
alpabetong Romano.
Ang mga Dominican ay
nagpatayo ng palimbagan na
nagbigay-buhay sa mga
lathalain ng mga misyonero.
Ang Doctrina Christiana, en
lengua Española, y tagala ang
unang aklat na inilimbag sa
Pilipinas noong 1593. Isinulat
ito ni Frey Juan de Plasencia.
Ito ay aklat-dasalan na
nasusulat sa wikang Espanyol
at may pagsasalin sawikang
Tagalog.

Bukod sa pagpapagawa
ng mga dasalan at nobena ay
lumaganap din ang korido at
awit. Naging tanyag si
Fransisco “Balagtas” Baltazar
sa kaniyang isinulat na tulang
“Floranteat Laura” at kinilala
bilang “Prinsipe ng Makatang
Tagalog”. Lumaganap din ang
estilong komedya o moro-
moro, isang kwento sa
anyong dula o nagsasalaysay
ng labanan ng mga Moro o
Espanyolkung saan sa huli ay
nagwawagi ang mga
Espanyol.
Noong ika-19 na siglo
naman ay nakilala ang mga
propagandista na ginagamit
ang kanilang husay sa
pagsusulat upang gisingin Ilan
sakanila ay sina Jose Rizal na
sumulat ng Noli Me Tangere
at El Filibusterismo, si
Graciano Lopez Jaena, ang
unang patnugot ng La
Solidaridad na siyang opisyal
na pahayagan ng kilusang
Propaganda, at Marcelo H.
del Pilar, ang pangalawa at
hulig patnugot nitoang diwang
makabayan ng mga Pilipino..
Makikita na sa kabila ng
paggamit ng panitikan bilang
instrument ng pananakop,
may mga Pilipinong ginamit
ito upang itaguyod ang kultura
at karapatan ng kapuwa
Pilipino.
Bagama’t sinakop ng
Spain ang Pilipinas dahil sa
mga kadahilanang
pangkabuhayan at
pampolitika, nakatulong din
ang pananakop na ito sa
paghubog at pagtatala ng
pantikang Pilipino. Ang
relihiyon at mga institusyon na
kumatawan sa kabihasnang
Europeo ay pinayaman ang
mga wika sa mga kapatagan.
Gayundin, ipinskilala nila ang
teatro na nakilala natin bilang
komedya, senakulo,
sarsuwela, dula, at drama.

Sining
Sa panahon ng
kolonyalismong Espanyol,
ang sining ng Pilipinas ay
labis na naimpluwensiyahan
ng pagtangkilik ng Simbahang
Katolika. Ang karamihan na
sining ay nagbigay-diin sa
ikonograpiya o sining na
paggawa ng mga larawan,
imahen, at pigurin.
Ang pagpipinta at eskultura
noong panahon ng Espanyol
ay may temang panrelihiyon.
Si Damian Dominggo, ang
director ng Academia de
Dibujo mula 1827 hanggang
1833 ang itinuring na unang
kilalang pintor sa Pilipinas.
Nakilala rin si Regino Garcia y
Baza na gumuhit ng ilang
larawan sa librong Flora de
Filipinas ni Padre Manuel
Blanco. Si Jose Dans naman
ana tubong Laguna ay
nagging tanyag sa kaniyang
likha na pinamagatang
Heaven, Earth, Hell. Naging
tanyag naman si Juan Luna
dahil nagwagi ng gintong
medalya ang kaniyang obrana
Spoliarium sa Exposicion
General de Bellas Artes
noong 1884 sa Spain.

Ang mga unang


eskultornnaman ayang mang-
uukit sa mga palimbagan.
Inuukit nila ang mga teksto at
larawan na siyang iniimprenta
sa mga nobena, estampita, at
mga dasalan. Si Nicolas de la
Cruz Bagay ang itinuturing na
kauna-unahang Pilipinong
mang-uukit. Naging tanyag
naman ang bayan ng Paete,
Laguna sa larangan ng
paglililok ng mga santo.

Arkitektura
Ang arkitektura sa Pilipinas ay
nagpapakita ng impluwensiya
ng mga Espanyol. Ang
malalaking simbahang gawa
sa ladrilyo na ipinatayo noong
panahon ng kolonyalismo ay
nangingibabaw sa mga
bayan. Ito ang pamana ng
Spain sa larangan ng
arkitektura—ang mga
kolonyal na simbahang
dinisenyo ng mga prayleng
Espanyol. Ginamit ang mga
local na materyales sa
paggawa ng mga simbahan
tulad ng adobe, ladrilyo, at
sementong apog. Ilan sa
halimbawa nito ay ang
simbahan ng San Agustin na
matatagpuan sa Paoay ,
Ilocos Norte. Ito ay tinayo
mula 1694 hanggang 1702
gamit ang hinuryong laryo at
batong koral. Ang disenyo nito
ay tinatawag na “earthquake
baroque”. Ang simbahan
naman ng Santo Tomas sa
Miag-ao, Iloilo ay tanyag dahil
sa kakaibang disenyong
harapan nito. Ito naman ay
isang halimbawa ng “fortress
baroque”.

Musika at Pagdiriwang
Sa larangan naman ng
musika ay naipakilala sa mga
Pilipino ang mga kagamitan
pangmusika tulad ng gitar,
harp, organ, at piyano.
Ginamit ng mga misyonero
ang musika sa
pagpapalaganap ng
kristyanismo. Noong 1606 ay
itinayo ang isang paaralan sa
Lumbang, ngayon ay Laguna,
na nagtuturo ng musika at
sayaw tulad ng fandango,
jota, at seguidilla. Ilan sa mga
kilalang Pilipinong kompositor
noong ika-19 na siglo ay sina
Dolores Paterno na lumikha
ng La Flor deManila, Marcelo
Adonay, Julian Felipe, at Julio
Nakpil.
Nakakabit din sarelihiyong
Kristiyanismo ang mga
pagdiriwang na ipinalaganap
ng mga Espanyol. Isa na rito
ang pagdiriwang ng pista
bilang pagkilala sa santong
patron ng isang lugar. Naging
bahagi rin ng relihiyong
Kristiyanismo ang iba pang
pagdiriwang tulad ng Flores
de Mayo, Mahal na Araw, at
Pasko. Ang kapanganakan o
anibersaryo ng mga
miyembro ng pamilya ng hari
o reyna ng Spain ay
ipinagdiriwang din doon sa
Pilipinas .
Ang mga musika at
pagdiriwang na ito ay lalong
nakahikayat sa mga
katutubong Pilipino na
yakapin ang Kristiyanismo.
Malaking dahilan nito ay dahil
bawat pagdiriwang ay
sinasaliwan ng tugtog, misa,
at kasiyahan na siyang
pumapawi sa pagod ng mga
Pilipino mula sa pagtupad sa
iba’t ibang gawaing iniatang
ng mga mananakop na
Espanyol.

Lutuin
Natutunan ng mga Pilipino
mula sa mga Espanyol ang
iba’t ibang lutuin tulad ng
gisado kung kaya’t sa
kasalukuyan ay nakagawian
natin ang paggigisa ng
bawang at sibuyas sa halos
lahat ng ating lutuin.
Nagkaroon din ng iba’t ibang
mga lutuin tulad ng afritada,
caldereta, menudo, higado, at
pochero. Naging bahagi rin ng
ating hapag-kainan ang mga
pagkain tulad ng chorizo,
longganiza, at morcon. Ang
mga produkto mula sa gatas
tulad ng kesong puti at leche
flan ay natutuhan din nating
gawin. Samantala, ang
pagpasok ng kakaw mula sa
Mexico ay ginamit sa
paggawa ng champorado. Sa
mga Espanyol din natin
natutuhan ang pag huhurno
ng tinapay tulad ng
empanada, ensaymada,
mammon, at pandesal.
Nagmula din sa mga
Espanyol ang paggamit ng
kutsara at tinidor sa pagkain.

Paggamit ng Apelyidong
Espanyol
Ang pagbibigay ng pangalan
ng mga katutubong Pilipino ay
nakabatay sa katangian ng
sanggol. Ang mga halimbawa
ng pangalan noon ay
Magiting, Bagwis, Marikit, o
Mayumi. Hindi sila gumagamit
ng apelyido. Ang paggamit ng
apelyidong Espanyol ay
iniutos niGobernador Narcisco
Claveria noong 1849.
Ipinalabas niya ang Catalogo
alfabetico de apellidos. Ito ay
listahan ng mga apelyidong
Espanyolna maaaring
pagpilian ng mga Pilipino. Ito
ang dahilan kung bakit sa
kasalukuyan, ang mga
Pilipino ay may apelyidong
Espanyol. Dahil dito,
naiwasan ang pagkalito dahil
kahit magkakaparehas ng
pangalan ay may kani-
kaniyang apelyido ang bawat
pamilya at nakatulong ito sa
mga Espanyol upang maging
maayos ang tala ng mga
kasapi sa polo y servicios at
matiyak ang pagkokolekta ng
buwis sa lahat ng mga dapat
magbayad.
10min C. Panglinang na Para malaman kung talagang
kasanayan may natutunan kayo sa ating
aralin may aktibiti tayong
gagawin.

Handa na po ba ang lahat? Panuto: Ayusin sa loob


ng kahon ang mga
larawang ipinapakita
batay sa panahon kung
kalian ito naisagawa o
nakilala.

Panahon ng
Ninuno
Panahon ng
Espanyol

5min D. Indibidwal na Ngayon para mas maunawan


Pags asanay niyo ang paksang ating t
inalakay. May ibibigay akong
karagdagang Gawain.

Handa na ba ang lahat? Opo titser!

Sabihin ang MABUHAY


kung ang sasabihin ng
guro ay likas na kulturang
Pilipino at VIVA
ESPANYA kung
impluwensiya ng
kulturang Espanyol sa
Pilipinas
1. Nagkakaroon ng iba’t-
ibang pagtatanghal sa
entablado
2.Sumasamba sa mga
anito at kapaligiran
3.Pagdaraos ng mga
gawain panrelihiyon
katulad ng
pagpuprusisyon,
pagrorosaryo at pagdalo
sa misa.
4. Pagbabasa umaawit at
nagsusulat sa loob ng
paaralan.
5. Pagsuot ng bahag
bilag kasuotan

5 E. Paglalahat Naunawaan ba ang ating Opo titser! PPT


talakayan?

Muli ano ulit ang paksang Jacob, tungkol sa


ating tinalakay, Jacob? Pagbabago sa kultura ng
mga Pilipino sa Panahon
Tama! ng Espanyol

Ano-ano ba ang mga


nagbago sa kulturang Pilipino JC, maraming
sa Panahon ng Espanyol, JC? pagbabagong nagawa
ang pananakop ng
kulturang Espanyol sa
sa katutubong kultura ng
mga Pilipino. Kabilang
dito ay ang mga
pagbabago sa kanilang
pananampalataya,
pananamit, pagsasalita at
maging ang kanilang
gawain o kilos

Mahusay!

Bakit kaya mahalagang


malaman natin ito, Georgi?
Georgi, mahalagang
malaman natin ito dahil
ang mga kulturang ito ay
bahagi na ng ating
pagkatao lalong lalo nan
g ating pagakapilipino.
Dahil din po dito
malalaman natin kung
ano yung mga
nakagawian ng mga
Pilipino noon na mag
pahanggang sa
Mahusay! kasalukuyan ay atin
paring ginagawa.
Naunawaan po ba ang
paksang ating tinalakay?

Ngayon handa na ba ang


lahat para sa pagsusulit? Opo titser!

Opo titser!

IV. PAGTATAYA (5 minutes)

Panuto: Isulat ang tsek (/) kung impluwensiya ng kulturang Espanyol sa kulturang
Pilipino ang mga sumusunod na gawain at ekis (X) naman kung hindi impluwensiya ng
espanyol?

___1. Pagdaraos ng mga pista ng patron o santo.


___2. Paggamit ng mga gadget tulad ng cellphone, laptop tablet at ibapa.

___3. Paggamit ng baro at saya bilang kasuotan ng mga Pilipino.

___4. Paggamit ng mga kagamitang pangmusika tulad ng gitara, harp, organ at piano.

__5. Pagsuot ng bahag

V. TAKDANG- ARALIN
Gumupit o gumuhit ng isa sa mga larawan ng isa sa mga impluwensya ng
Espanyol sa kulturang Pilipino. Pagkatapos ay idikit sa kwaderno at
ipaliwanag kung bakit ito ang napili mo.

VI. REMARKS

VII. REPLEKSYON

Inihanda ni by:

MA. THERESA P. ACABADO


Pre-Service Teacher

You might also like