You are on page 1of 7

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN V

(Ikalawang Markahan Week 6 Day 3)

I. Layunin:

Nasusuri ang mga patakaran, papel at kahalagahan ng sapilitang paggawa sa pagtatag ng kolonya sa
Pilipinas.
(AP5PKE-IIc-d-6.3)

II. Paksang Aralin:

A. Paksa: “Mga Patakaran, Papel at Kahalagahan ng Sapilitang Paggawa sa Pagtatag ng Kolonya sa


Pilipinas”
B. Sanggunian:

Pilipinas: Perlas ng Silangan, Bayan ng Magiting 5, pahina 83-84

Ang Pilipinas sa Iba’t-ibang Panahon 5, pahina 95

C. Kagamitan: Larawan ng Pilipino na sapilitang pinagtatrabaho, mangingisda, magsasaka, magtotroso at


mangangalakal, aktibiti kard
D. Balyu:
PAGKAMATULUN
GIN

III. Mga Gawain sa Pagkatuto:

A. Panimulang Gawain:

1. Pambungad: (AWIT)

MAGTANIM AY DI BIRO

Magtanim ay di biro, maghapong nakayuko,

di naman makatayo, di naman makaupo,

Magtanim di biro, maghapong nakayuko,

di naman makaupo, di naman makatayo.


Braso ko' namamanhid

Baywang ko'y nangangawit

Binti ko'y namimitig

Sa pagkababad sa tubig.

Kay pagkasawing-palad

Ng inianak sa hirap

Ang bisig kung hindi iunat

Di kumita ng pilak.

Sa umagang pagka-gising

Lahat ay iisipin

Kung saan may patanim

Masarap ang pagkain.

Halina, halina, manga kaliyag.

Tayo'y magsipag unat-unat.

Magpanibago, Tayo ng lakas,

para sa araw ng bukas

2. Balik-aral:

Ano ang encomienda?


Ano ang tributo?

B. Panlinang na Gawain:

1. Pagganyak:

Panuto: Kilalanin ang mga hanapbuhay ng mga unang Pilipino batay sa mga larawan.
2. Paglalahad:
A. 1. Pagpapakita ng larawan ng mga Pilipino na sapilitang pinagagawa ng mga Espanyol.

2. Pagtatanong tungkol sa larawan


Ano ang mga ginagawa ng mga tao sa larawan?
Sa palagay ninyo, mabigat ba ng kanilang ginagawa? Bakit?
B. Pangkatang Gawain:
1. Pagpapangkat ng mga bata (tatlong pangkat).
2. Pagbibigay ng pamantayan.
3. Pagbibigay ng aktibiti kards.
Pangkatang gawain ng pangkat isa hanggang tatlo.

Panuto: Basahin ang talata at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

ANG SAPILITANG PAGGAWA O POLO Y SERVICIOS

Isa ring uri ng buwis ang sistemang polo. May tungkuling magbigay ng serbisyo ang mga
kalalakihang mula 16 hangang 60 taong gulang. Umaabot sa 40 araw sa loob ng isang taon ang
sapilitang paggawa. Polistas ang tawag sa mga Pilipinong naglilingkod sa sistemang polo. Ang mga
principales na kayang magbayad sa mga Espanyol ng takdang halaga na tinatawag na falla ay
nakaligtas sa sapilitang paggawa.
Isang halimbawa ng sapilitang paggawa ang pag-aayos ng daan o paggawa ng mga tulay
na kawayan. Ang gawaing ito ay isang tungkulin sa sistemang polo. May pagkakataong ang
gawaing ito ay napapasabay sa pagtatanim o pag-aani. Ang polistang nais makaligtas dito ay
nagbibigay ng dalawa o talong reales sa gobernadorcillo, at sinasabing siya ay nagkasakit.
Ang iba pang uri ng paggawa ay ang pagputol at paghahakot ng malalaking kahoy buhat
sa bundok, paghahakot ng bato at buhangin, paggawa ng gusali at simbahan, at paggawa ng
barko.
Hindi nagustuhan ng maraming polista ang mabigat at inaakalang mababang uri ng
gawain. Upang makaligtas dito, binabayaran nila sa gobenadorcillo ang mga araw na dapat nilang
ipagtrabaho. Kahit na itinakda ng batas ang 40 na araw ng paggawa, umaabot lamang ito sa mga
15 araw. Gayunpaman, binabayaran din nila ang kabuuang 40 araw. Humahanap naman ang
gobernadorcillo ng makakahalili ng polista sa pagpapatuloy ng gawain nito. Binabayaran ang mga
kahalili ng para sa 15 araw lamang. Dahil dito, kumikita nang malaki ang gobernadorcillo.

Sagutin ang mga tanong:

Ilang taong gulang ang sinasali sa sapilitang paggawa?


Ilang araw nilang ginagampanan ang mga tungkulin?
Ano ang ginagawa ng mga Pilipino para makaligtas dito?
Ano sa palagay ninyo ang kahalagahan ng sapilitang paggawa
sa pagtatag ng kolonya?

4. Pagpapaskil/pag-uulat.
3. Pagtatalakay gamit ang “Concept Mapping”

Ilang taong gulang ang sinasali sa sapilitang paggawa?

Ilang araw nilang ginagampanan ang mga tungkulin?

Ano ang ginagawa ng mga Pilipino para makaligtas dito?

Ano sa palagay ninyo ang kahalagahan ng sapilitang paggawa

sa pagtatag ng kolonya?

SAPILITANG
PAGGAWA

PATAKARAN PAPEL/KAHALAGAHAN
-magbigay ng serbisyo ang mga Naging daan para
kalalakihan may edad 16-60 makapagpagawa/makapagpatay
taong gulang o ng
-magtatrabaho sa loob ng 40 -simbahan
araw sa loob ng isang taon -daan
-magbabayad upang makaiwas -tulay
dito -barko
-mga gusali

PAGTATATAG NG
KOLONYA
C. Pangwakas na Gawain

1. Pagbuo ng kaisipan

Ano-ano ang mga patakaran sa sapilitang paggawa?

Ano ang naging kahalagahan nito sa pagtatag ng kolonya?

2. Pagpapahalaga:
Nakita mong may maraming ginagawa ang nanay mo sa loob ng inyong bahay, ano ang gagawin mo?
Kung ito ay iyong ginawa, anong katangian mayroon ka?

3. Karagdagang Pagsasanay
Kung nabubuhay ka sa panahon ng mga Espanyol, sususnod k aba sa patakaran ng sapilitang paggawa?
Bakit?

IV. Pagbibigay halaga

Panuto: TAMA o MALI. Isulat T kung ang sinasabi sa bilang ay tama o M kung mali at salungguhitan ang
salitang nagpamali dito.

___1. Mabuti ang naging epekto ng sapilitang paggawa sa mga Pilipino.

___2. Ang mga polista ay nasa 16-60 taong gulang.


___3. Dumami ang mga gusali sa mga kabisera dahil sa sapilitang paggawa.

___4. Walang nalilibre sa sapilitang paggawa.

___5. Nagtatrabaho ang mga polista sa loob ng 40 araw.

AM:

DP:

V. Takdang-Aralin:

You might also like